Chapter 18 - - mundo ng tao - -
Hindi mapigilan ng diwani ang mapatulala sa sinaad ng kanyang tunay na yna habang naglalaro sa kanyang isipan ang mga katagang iniwan nito sa kanya kanina ng kasama pa niya ito sa silid ngunit, ngayon ay nagiisa nalamang siya at napagnilayan na niya ang mga iyon.
"kailangan kung balikan si mata", saad niya, "kung iyon lang ang tanging paraan upang mawala sa landas ko ang lalaking iyon gagawin ko, upang magbago ang aking kapalaran at ng maging karapat dapat naako para sa truno ni yna",
Tumayo siya mula sa kanyang higaan at naggayak ulit, tyaka niya tinignan ang paligid ng kanyang silid kung may naiwan pabang dama sa loob na maaaring magsumbong sa kanya sa kanyang yna sa kanyang gagawin, ng wala na siyang ibang nilalang na makita roon ay ginamit na niya ang evictus upang makalabas ng mabilis at tahimik na walang nakakaalam na nawala siya, at sa ilalim ng maliwanag na buwan ay lumitaw siya sa tahanan ni cassiopea sa gitna ng masukal na gubat,
"mata!", tawag niya dito ng makita itong nakatayo parin sa harap ng maliit nitong bukal.
Napasulyap naman sa kanya si cassiopea, "avisala sanggre lira", bati nito sa kanya.
Lumapit naman ang diwani at tumayo rin sa harapan ng maliit na bukal, "ipinakita mo saakin ang dahilan kung bakit ako hindi magiging reyna, ngayon gusto kung ipakita mo saakin kung papaano ko siya mahahanap, at papaano ko makikilala ang lalaking bumago saaking kapalaran", saad ng diwani rito.
"wala ng libre sa encantadia sanggre", sagot ni cassiopea,
Walang reklamo na Napadukot naman uli ang diwani sa kanyang bulsa at kumuha ng isang pirasong ginto at inihulog sa maliit na bukal, doon ay ikinumpas muli ni cassiopea ang palad at mula doon ay nagliwanag uli ito bago may imahe itong ipinakita, ang imahe ng binata na una na niyang nakita may suot itong kakaibang kasuotan at nakikipagtawanan sa tila mga kaibigan nito, kakaiba din ang nasa paligid ng binata,
"wala siya sa encantadia?", hinuhang saad ng diwani base sa kanyang nakikitang kakaiba sa paligid nito, "ano ba ang mundong kinaroroonan niya, mata?", tanung niya kay cassiopea.
"ito ang mundo ng mga tao", sagot ni cassiopea.
"at papaano naman ako makakarating doon?", tanung uli niya dito.
"kailangan mo ang susi ng asnamon, ito ay nasa pangangalaga ng ynang reyna", sagot pa ni cassiopea.
Tahimik namang tumango ang diwani at Agad na napaatras at walang sabi sabing lumisan sa lugar naiyon na tila nagmamadali at parang may hinahabol na oras.
Naiwan naman doon si cassiopea na may malawak na ngiti sa labi, "nangyayari na ang aking mga nakita, siya ang magiging dahilan upang makabalik ang tunay na tagapagmana",
Sumapit ang bagong araw sa lireo ngunit hindi ito magandang umaga para sa mga sanggre lalong lalo na kay amihan at pirena dahil nawawala nanaman kasi ang diwani ng lireo, at doon sila sa maliit na silid ng konseho naguusap usap.
"mahal na reyna hindi dumating si lira saaming pageensayo", ulat ni danaya dito.
"mahal na reyna tutulong din kami sa paghahanap kay lira", saad ni alena na kararating lang din doon kasama ng iilang mga kawal.
"hindi na alena, mahalaga rin ang iyong gagawin, nakakasiguro naman ako na ligtas ang aking anak", saad ni amihan dito tyaka siya tumayo sa harap ng kapatid, "pagpalain ka, kapatid", tyaka siya tumalikod at aktong aalis na ng dumating si ades at humahangos.
"mahal na reyna", tawag sa kanya ng punong dama.
"ades, nagmamadali kami", iritang saad ni pirena rito.
"kailangan nyo munang malaman na nawawala ang susi ng asnamon", mabilis na saad ni ades, na ikinalaki ng mga mata ng mga sanggre.
At noon din ay Walang sinayang na sandali si amihan at pirena, agaran silang nag evictus patungo sa bukas na lagusan ng puno ng asnamon, kung saan may isang kawal na nagbabantay doon.
"mahal na reyna, mahal na sanggre pirena avisala", bati ng kawal ng makita ang dalawa tyaka yumukod.
"nakita moba kung sino ang tumawid sa mundo ng mga tao, kawal?", tanung ni pirena rito.
"nakita moba rito ang aking anak, si diwani lira", tanung rin ni amihan.
"wala akong ibang nilalang na napansin sa paligid ng asnamon", magalang na saad ng kawal sa dalawa, "basta nakita nalang namin na bukas ang lagusan kung kaya't iniwan ako rito habang naguulat ang aking mga kasama", dagdag pa nito.
Napabutong hininga naman sina amihan at pirena tyaka nagtinginan.
"ako na ang tatawid sa mundo ng mga tao", mungkahi ni pirena.
"anak ko si lira pirena ako na ang susunod sa kanya", saad ni amihan dito, "pananagutan ko bilang reyna ang pagkawala ng susi".
"ngunit, kailangan ng lireo ang kanyang reyna", protesta ni pirena.
"mas kilala ko ang mundo ng tao pirena, at anak ko si lira", giit ni amihan tyaka siya tumalikod dito at minasdan ang lagusan bago siya tuluyang tumawid sa kabila.
Samantala ay nakarating na sa mundo ng mga tao ang huwad na lira pagala gala siya habang nakatingin sa paligid na bago sa kanyang paningin, napapatingin naman sa kanya ang mga nakakasalubong niyang mga tao dahil sa kakaiba niyang kasuotan, ngunit hindi na ito pinansin ng diwani ang nais lang niya ay ang makita ang lalaki na nasa kanyang hula.
Habang naglalakad ay hindi sinasadyang mabangga siya ng isang dalagang kaedad lang din niya na tumatakbo noon na tila hinahabol dahil panay ang tingin nito sa kanyang likuran,
"ay, sorry sorry ayos kalang?", hinging paumanhin sa kanya ng babae at aktong hahawakan siya. Ng agad niyang itinaas ang mga kamay tanda na ayaw niyang hinahawakan siya.
"ssheda!", saad niya dito.
Natigilan naman ang babae at tila hindi nito naunawaan ang kanyang sinambit, ngunit napalingon ito sa kanyang likuran at tila may nakitang nakakatakot, "nakuh, sorry talaga miss ha", balisang saad nito tyaka nagmadaling tumakbo papalayo.
Noon naman siya nilapitan ng dalawang pulis, "miss na liligaw ho ba kayo?", tanung ng isa sa mga pulis
"shedao ishnu ashnu pia rana shedesha alei (wala akong alam sa pinagsasabi mo)", saad ng diwani sa kanila.
"baliw yata ito eh", saad ng pulis sa kasama niya.
"baka foreigner ito, ang mabuti pa miss sumama ka saamin sa prisento", saad ng ikalawang pulis,
At tinangka nitong hawakan siya, agad namang napaatras ang diwani sa pagaakalang sasaktan siya ng mga ito kaya niya agarang binunot ang dalang sandata na nakatago sa kanyang likuran at itinutok sa mga ito napaatras naman ang mga pulis, pagkakataong sinamantala ng diwani upang mapatakbo palayo sa dalawa,
Malayo layo narin ang natakbo ng diwani ng may mabangga na naman siyang tatlong lalaki natumba naman ang isa sa kanila at tila nagalit,
"loko to, ah may dala pang patalim", galit na saad ng natumbang lalaki sa kanya.
Agad namang inihanda ng diwani ang kanyang sandata, ng palibutan siya ng tatlong lalaki habang may napulot ang mga itong mga kahoy sa paligid pang tapat sa kanyang espada, nagpaikot ikot sa paligid niya ang tatlong lalaki at ganun din siya upang mabantayan ang pagsugud ng mga ito ng biglang umamba ng hampas ang lalaki na nasa likuran ng diwani, ngunit hindi ito tumama sa kanya bagkus ay tumama ito sa likuran ng isang lalaking nagmagandang loob upang tulungan siya,
Napadaing at napaluhod naman sa sakit ang bagong dating na lalaki ng matamaan ng inihampas na kahoy, natigilan naman ang tatlong lalaki at tila natakot kung kaya ay nagpaunahan silang kumaripas ng takbo at iniwan sila,
Samantalang tinulungan namang makatayo ng diwani ang lalaking sumaklolo sa kanya, ng magulat lang ng makita ang itsura nito ito kasi ang lalaking nasa kanyang hula ang lalaking kanyang hinahanap,
"ade? (ikaw)", nasambit niya sa gulat.
"excuse me", kunot noong saad naman ng lalaki habang sapo sapo ang batok,
"iniligtas mo ako", saad ng diwani.
"ayon! habulin ninyo", Noon naman may nagsidatingang mga tanud at pinaghahabol ang tatlong lalaking nakasagupa nila, "maayos kalang ba iho", tanung ng isa sa mga tanud sa lalaki, na tumango lang bilang tugun, iyon lang at umalis na ang mga tanud.
Samantala ay Bumaling ulit ang lalaki sa diwani, "okey kalang?",
Piping tango naman ang isinagot ng diwani habang titig na titig siya sa wangis nito, at tila gusto sumabog ng kanyang puso sa tindi ng pagtahip nito,
"poltre (paumanhin)", saad ng diwani at tumakbo palayo dahil tila hindi na niya kakayanin ang matinding pagtibok ng kanyang puso sa unang kita niya palamang rito.
"miss!", dinig pa niyang tawag ng lalaki sa kanya, ngunit hindi na niya ito pinansin pa.
Samantala ay nakarating narin si amihan sa mundo ng tao, naglakad siya agad habang nagpapalinga linga sa paligid sa pagasang makikita agad ang huwad na anak, sa kanyang paghahanap ay doon siya nakarating sa parke sa tapat ng isang grupo ng mga kabataang naguusap,
nakita naman siya ng isa sa mga kabataan at itinuro ang nakatalikod na si amihan, "oy, cosplayer oh teka mag papa picture lang ako", saad ng lalaki sa mga kaibigan habang inihahanda ang cellphone nito.
Agad siyang lumapit kay amihan at kinalabit ito, taka namang napalingon sa kanya ang reyna, "miss miss cosplayer kaba?", tanung nito.
Nangunot naman ang noo ni amihan, "cosplayer?", balik niyang tanung dito.
"oo, nakacostume ka eh, pwede bang magpapicture?", tanung ulit nito sa kanya.
Pinasadahan naman ng tingin ni amihan ang sarili, noon niya naalalang hindi pala sanay sa ganitong kasuotan ang mga tao kung kaya inakala nitong nakacostume lang siya, kaya sinakyan nalamang niya ang pagaakala nito tyaka niya ito hinarap at nginitian ang binatilyo," ah! oo, cosplayer nga ako at ito ang costume ko... May nakita kabang ibang nakacostume dito nawawala kasi ang aking kasama?", tanung niya sa lalaki habang nagpapalinga linga siya sa paligid.
"baka nandon sa mall, doon kasi madalas pumupunta ang mga cosplayer", sagot ng binatilyo.
"mall?", takang tanung ni amihan.
"oo", tango nito.
"saan ko ba makikita itong mall naito?", tanung niya dito.
"doon oh!", turo ng binatilyo sa kanilang unahan, "pwede ng magpapicture?", saad nito at tumabi sa kanya habang iniharap sa kanila ang dala nitong cellphone, ng matapos ito ay iniwan na siya ng binatilyo.
Agad namang naglakad si amihan sa direksyong ituro nito kanina hanggang sa nakarating siya sa seaside ng park, doon ay may nakabangga siyang isang dalagang kaedad lamang ng kanyang huwad na anak,
"paumanhin", saad niya ng mabangga niya ito.
"ay, sorry", saad din ng dalaga sa kanya.
Ngunit natigilan bigla si amihan ng makaramdaman siya ng matinding pagkasabik ng mahawakan niya ang kamay ng dalaga, parang gustong gusto niya itong yakapin, pakiramdam na parang nahanap na niya ang kanyang anak, ngunit hindi ito ang kanyang anak na pinagtakhan niya ng mga oras na iyon.
"ah, sorry po ulit", saad ng dalaga kasabay ng pagkuha nito sa sariling kamay na hawak hawak niya.
"paumanhin...? ", saad niya habang titig na titig sa itsura ng dalaga, na nakakatuwa dahil may hawig sila na ikinangiti niya ng bahagya.
"ah, mila po, milagros", pagpapakilala ng dalaga sa kanya.
Napatango naman si amihan, "mila", saad niya.
"saan poba kayo pupunta?", tanung ni mila sa kanya.
"err... Sa Mall kung saan ng co-cosplay?", bantulot na saad ni amihan.
"cosplay", saad ni mila na ikinatango niya, "ah, ang alam ko ay walang cosplay event kapag ganitong hindi weekend, eh",
Bigla namang nalungkot si amihan, "ganuon ba", saad niya, "ang totoo niyan ay nawawala ang aking anak, hinahanap kosya", pag amin niya dito.
"miss, baka po siguro sa pulis kayo dapat humingi ng tulong", saad ni mila sa kanya.
"hindi ko alam kong saan ang pulis dito, maaari bang tulungan mo ako", saad ni amihan habang palinga linga siya sa paligid.
"pwede naman pong ako nalang ang tumulong sa inyo, eh", natatawang saad ni mila na tila iniiwasan ang mga pulis, "saan po ba kayo nanggaling para alam natin kung saan pumunta ang anak niyo".
Sa lireo naman ay hindi parin mapalagay ang mga sanggre doon lalong lalo na si pirena, patuloy parin ang paghahanap nila sa diwani nagbabakasakaling hindi ito ang pumasok sa mundo ng mga tao at nasa encantadia parin ito,
"sabihan mo ang ibang mga kawal na aalis na tayo", utos ni pirena kay hitano ng umagang iyon, matapos makaalis sina amihan na tumawid sa mundo ng mga tao at alena na umalis upang isagawa ang misyon nito.
"pirena!", tawag ni danaya sa nakakatandang kapatid.
Napalingon naman siya sa bagong dating na kapatid kasama si mashna aquil at iilang mga kawal.
"ang reyna amihan?", tanung ni danaya sa kanya.
"nagpunta sa mundo ng mga tao upang tiyakin kung si lira nga ba ang tumawid doon", sagot ni pirena.
"at hinayaan mo lamang siya hindi mo man lang siya sinamahaan", inis na saad ni danaya.
"pashnea! Ginusto niya iyon, sinabe ko sa kanya na ako nalamang ang pupunta roon pero hindi siya nagpapigil anong gagawin ko", katwiran ni pirena.
"nakakasiguro ako na may magandang dahilan ang mahal na reyna kung bakit niya nagawa iyon", saad rin ni muros na kararating lang din.
"baka naman may tinatago ang mahal na reyna", sabad ni hitano na ikinabaling ng tingin ni danaya sa kanya.
"o baka naniniwala ang mahal na reyna na nandito pa sa encantadia si lira, at nagtitiwalang mahahanap natin ang mahal na prinsessa ng hindi tayo nagtatalo!", saad ni aquil at bahagyang nilakihan ang boses sa huling katagang sinaad nito, natahimik naman silang lahat sa ginawa niya.
"aquil, satingin moba ay kakailanganin muna nating pabalikin si alena para makatulong saatin sa paghahanap kay lira", baling ni danaya sa mashna.
"para saan pa",galit paring saad ni pirena, "magsasayang lang tayo ng oras para sa paghihintay at pagpapaliwanag sa kanya ng mga nangyayari, kung sino ang nandito sa lireo siya ang pasasamahin natin sa paghahanap kay lira", tyaka tinaasan ng kilay si danaya, "hitano tayo na", tawag niya dito at nagmarcha paalis kasunod ng iilang mga kawal.
"nanggaling kami sa malayong lugar ngayon lamang kami nakarating rito", sagot ni amihan sa tanung ni mila.
"ganuon poba, baka hindi papo siya nakakalayo saan po ba kayo nagkahiwalay?", tanung ni mila at minasdan ang reyna. "first time, papo ba ninyo dito sa maynila?", dagdag pa niya.
"first... Time?", kunot noong saad ni amihan at pilit inaalala kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon, na ang alam niya ay narinig naniya dati noong bata palamang siya at dito pasiya nakatira. "first time... First time", paulit ulit niyang saad habang inaarok niya ang kahulugan noon.
"ay, bigla po akong naging englisera", napatawang saad ni mila sa sarili.
"hindi", pabiglang saad ni amihan ng sa wakas ay maalala niya ang kahulugan ng katagang iyon, napatitig naman sa kanya si mila, "hindi ito ang unang beses na napunta ako rito, pero matagal na iyon at nakikita kung marami ng nagbago, ngunit ang aking anak unang beses palamang niyang nakarating dito",
Napatango naman si mila, "ah, may dala po ba siyang pera marunong poba siyang sumakay ng bus, jeep, LRT, mga ganun?", tanung pa niya. Umiling naman si amihan na pilit iniintindi ang sinasabe ng dalaga, "kung ganun po malamang ay naglakad lang siya, kung katulad nyo po siyang hindi pamilyar sa maynila tiyak na hindi pa po nakakalayo yon", nakangiting saad ni mila.
"ngunit mila tila napakalaki ng maynila nangangamba akong baka hindi kona makita ang aking anak", saad ni amihan at naghanap ng mauupuan.
Sinundan naman siya ni mila, "wag po kayong mawalan ng pag asa miss, meron akong kaibigan na laging sinasabe saakin na kahit gaano kadilim ng gabi, wag kalang mawalan ng pag asa na may liwanag na darating sa pagdating ng umaga", saad nito na ikinangiti ni amihan.
Ngunit bigla nalang natigilan ang reyna ng umihip ang malumanay na hangin napatayo si amihan pagkat naririnig niya ang mga bulong nito sa kanya, "may ibinubulong ang hangin", saad niya.
"huh? Ing ing ata ito, kinakausap ang hangin", bulong ni mila sa sarili tyaka hinugot ang sariling cellphone at binasa ang txt doon.
Samantala ay Hindi naman narinig ni amihan ang sinabe niya pagkat naagaw na ang atensyon nito sa isang dalagang naglalakad sa gitna ng daan, isang dalagang kawangis ng kanyang huwad na anak,
"lira?!", nanlalaki ang matang saad ni amihan, ngunit nagulat siya ng makitang mababangga ng isang sasakyan ang diwani, agaran siyang kumilos at nagpakawala ng puting enerhiya sa kanyang kamay diretso sa sasakyan dahilan upang pwersahan itong mapahinto, saktong sakto sa harapan ng nagulantang na diwani,
"teka lang miss", tawag ni mila ng makitang tumakbo si amihan.
"ashtadi!", galit namang saad ng diwani at itinaas ang dalang sandata at aktong hahampasin ang harapan ng sasakyan. "lira!", ng matigilan siya ng marinig ang tinig ng yna ynahan, napalingon naman siya sa kanyang likuran at naroon nga ito humahangos na lumapit sa kanya at agaran siyang hinawakan sa braso.
"lira, anong ginagawa mo rito? nagaalala ang buong lireo sa biglaan mong pagkawala kasabay ng susi ng asnamon", galit na saad ni amihan dito.
"poltre ada (paumanhin yna)", saad ng diwani, "may kailangan lang akong malaman",
"sa lireo na tayo mag usap", mariing saad ni amihan.
Noon naman lumapit sa kanila si mila na hinarap ni amihan at nginitian, "mila, maraming salamat napakalaking bagay ang ginawa mo para mahanap mo ang aking anak, papaano ba kita mapapasalamatan", saad niya dito.
Napailing naman si mila at ngumiti, "naku huwag naho masaya napo akong nakikita kayong magkasama ulit",
"mila, tunay ngang kay buti mo napakaswerte ng iyong yna at may anak siyang katulad mo", magiliw na saad ni amihan dito, samantalang ngingiti ngiti naman ang dalaga tyaka tumango sa kanya.
"yna, umalis na tayo", aya ng diwani rito.
Napalingon naman si amihan sa huwad na anak at tumango tyaka binalingan uli ang dalaga, "paalam mila", saad niya dito, bago hinila ang diwani at nagmadali silang naglakad sa direksyon kung nasaan ang lagusan.
