Chapter 20
"muyak!", tawag ni mila ng makauwi matapos ng tagpung iyon kanina sa may simbahan, dumiretso agad siya sa kwarto niya kung saan naroon ang munting lambana.
"mila ano iyon?", saad ni muyak mula sa pagkakahiga sa higaan nito.
"muyak hindi ka maniniwala may engkantadang lumabas kanina sa lagusan tapos pinagtangkaan niya akong patayin, hindi ko siya kilala pero galit na galit siya saakin, ", sumbong ni mila rito.
Napaisip naman bigla si muyak, at wala siyang ibang maisip kundi iisang diwata lamang, "si pirena, siya lang naman ang makakagawa non sayo, at nakatitiyak akung siya nanaman ang nagtangka ngayon sayo", kumpirma ng munting lambana.
"ganun pala ang itsura ng kapatid ng ynang reyna ko, ang ganda sana niya pero utak kriminal", nanghihinayang na saad ni mila. "buti nalang talaga hindi gumana yong armas at kapangyarihan niya saakin kanina, kung hindi nako dido naako",
"mabuti nalang talaga at may proteksyon ka laban sa kanya", saad ni muyak, "halika mila kung nandito si pirena ay malamang bukas nanaman ang lagusan", aya nito sa dalaga.
Siya si milagros o mila kung tawagin ng lahat, siya ang nawawalang tunay na anak ng reyna at tagapagmana sa truno ng lireo, noong sanggol palamang si mila ay dinukot at pinagtangkaan siyang patayin ni pirena ngunit ng mabigo ay dinala nalamang siya nito sa mundo ng tao, doon kasama ni muyak ay na tagpuan siya ng mag asawang hindi magkaroon ng anak, kaya siya ay kinupkop ng mga ito at itinuring na isang tunay na anak habang binubusog nila ng pagmamahal at pagaaruga nila ang bata.
Samantalang hindi naman siya iniwan ni muyak, habang lumalaki ang batang sanggre ay unti unti silang naging malapit sa isa't isa, wala namang palya si muyak sa pagkukwento tungkol sa tunay na pinagmulan nila, kung ano siya, kung sino ang kanyang yna, at kung bakit sila napadpad dito, at walang ring araw na hindi binabalikan ng dalawa ang lugar kung saan bumubukas ang lagusan papunta sa mundong pinagmulan nila.
At habang naghihintay ng dalawa ang muling pagbubukas ng lagusan ay dumadaan namang ang maraming taon sa buhay nila hanggang sa sumapit ang ikasampung kaarawan ni mila, tyaka naman naganap ang trahedya sa pamilya nila, namatay kasi ang kanyang ama amahin na labis nilang pinagluksa ng kanyang yna ynahan, at noong araw ding yaon ay lumabas naman ang kanyang kapangyarihan bilang isang maharlikang diwata, at nasaksihan ito mismo ng kapatid ng kanyang yna ynahan na si berto,
mula noon hanggang sa kanyang pagdadalaga ay iba na ang trato sa kanya nito minsan ay tinatawag siya nitong maligno, o hindi kaya magkukulam dahil sa kapangyarihan niya, idagdag pa ngayon na may sakit ang kanyang yna ynahan at kailangan niya ng pera, at sinamantala ito ng kanyang tiyo berto gamit ang kapangyarihan niya ay inuutusan siya nitong magnakaw ng pera upang may pambili siya ng gamot para sa kanyang yna ynahan,
Ayaw man niya at kahit nakokonsyensa siya ay wala siyang magawa para sa babaeng nagaruga sa kanya sapul pa sa kanyang pagkabata, ay pikit matang sumugal si mila, ang tanging nais lang naman kasi ng dalagang sanggre ay ang makita at makasama ang tunay na yna at makauwi na sa wakas sa mundong pinanggalingan nila ni muyak.
"asnamon arber", saad ni pirena habang isinasara ang lagusan ng puno ng asnamon, matapos kasi ng tagpung iyon nila ng totoong lira ay nagmadali ng bumalik ang sanggre sa encantadia.
"sanggre pirena", tawag naman sa kanya ni gurna na kanina pa naghihintay sa kanyang pagbabalik, sinalubong siya nito mismo roon.
"gurna, kailangan nanating madaliin ang pagsasagawa ng ating mga plano",saad ni pirena ng makalapit sa kanya ang dama.
"buhay pa ang totoong lira?", gulat na saad ng huli.
"at alam nito ang tungkol sa encantadia, alam niya na siya ang totoong anak ng ating reyna", salaysay pa ni pirena dito,
"papaano?", takang tanung ni gurna.
"hindi ko alam! ngunit kailangan nating makasigurong wala ng magbubukas muli ng lagusang ito, hindi maaaring makabalik ang totoong lira rito hagga't hindi pa naipapasa ni amihan ang truno ng lireo saaking anak", nababahalang saad ni pirena.
Tyaka siya nagpalinga linga sa paligid bago sila naglakad pabalik ng palasyo.
"huli nanaman tayo, tiyak na nagbalik na sa encantadia si pirena kaya muli ng nagsara ang lagusan", malungkot na saad ni muyak kay mila.
Muli kasing bumalik ang dalawa sa may park kung saan nagbubukas-sara ang lagusan mula sa kabilang mundo, at tulad ng dati ay hindi nanaman nila naabutan na bukas ito.
"niloko pa niya ako kanina ang sabi niya saakin, wala naraw ang encantadia pero nakabalik pa siya don", inis na saad ni mila. "yong totoo muyak, baliw ba talaga yong tiyahin kung iyon?",
"totoo naman ang sinabe niya mila eh, para saating dalawa wala na talaga ang encantadia", sagot ni muyak. "lalo na't alam na ni pirena ang tungkol sayo na buhay kapa, tiyak akong gagawin niya ang lahat upang hindi ka'lang makabalik sa iyong ynang reyna",
"masahol pa siya kay tiyo berto no, napakasama pala talaga ng pirenang iyon", inis paring palatak ni mila.
Samantalang napayuko naman si muyak, lubha kasi siyang naaawa sa dalagang sanggre hindi dapat ito ang buhay na dinaranas niya, marangya at masaya dapat ang buhay nito kasama ang tunay nitong yna, ngunit dahil sa masamang budhi ng kanyang tiyahin kaya ito nangyayari sa kaawa awang sanggre,
"pasensya kana mila ha, pinaasa kita na may magandang buhay pa na naghihintay sayo, paumanhin at parang hindi na yata kita maiaahon pa sa sitwasyong nararanasan mo sa mundong ito", malungkot na saad ni muyak dito.
"ano kaba muyak huwag kangang magdrama diyan", saway ng dalaga rito. "pwede ba wag kang mawawalan ng pag asa, ito ang tatandaan mo makakaalis tayo rito at makakabalik rin tayo sa totoong nanay ko, magtiwala kalang", saad niya dito at ngumiti na ginantihan naman ng lambana ng isang ngiti rin.
Kinagabihan sa lireo,
"walang nakakaalam ni isa saatin kung nasaan si alena o kung anu ang ginagawa niya o kumusta ang lagay niya... ", saad ni amihan sa punong bulwagan ng gabing iyon habang nagsasagawa sila ng pagpupulong kasama ng lahat ng konseho, kanyang mga kapatid, si nunong imaw, ang punong dama, si mashna aquil, mga iilang pantas, at ang pinakabatang sanggre na nakaupo sa dikalayuang misa at walang pakialam na nakatanghud sa bulaklak na nasa kanyang harapan at wala sa pagpupulong ang interes.
"... Kaya may nais akung imungkahi saating mga pantas", dagdag pa ni amihan at bumaba ng kanyang truno at naglakad sa harapan ng konseho. "... Ang isang kasangkapan na makatutulong saatin na makausap si alena", tyaka niya isa isang ibinahagi ang hawak na papel sa mga ito at sa kanyang mga kapatid, iginuhit niya ito na katulad ng kasangkapan na nakita niyang ginagamit ng Mga tao habang naroon sila ng huwad na anak, kasangkapan itong tinatawag ng mga tao bilang cellphone.
"anong kasangkapan na iginuhit mo na ito, amihan", tanung ni danaya matapos pagmasdan ang guhit sa papel tyaka ipinasa sa katabing si pirena na kinuha naman nito at minasdan din.
"isang kasangkapan na mula sa mundo ng tao na makatutulong saatin", sagot ni amihan.
"yna", walang ganang tawag ng diwani sa reyna.
"ano yon?", sagot ni pirena habang nakayuko parin sa papel na hawak,
Taka namang napalingon sa kanya ang lahat lalong lalo na si amihan, agad namang napaangat ng tingin si pirena at nagpalinga linga sa mga kasama na matamang nakatingin sa kanya, "may gustong sabihin sayo ang iyong anak", bantulot na saad niya sa nakakunot noong reyna.
Tumayo naman ang diwani at lumapit sa reyna, "bakit kailangan pa nating ipagawa sa mga pantas iyan, bakit hindi nalang tayo bumalik sa mundo ng mga tao", mungkahi nito sa reyna.
"diwani lira, sapagkat hindi laging ligtas ang mundong iyon para saating mga diwata", sagot ni aquil sa kanya.
"mahal na reyna kung inyong mamarapatin, nais kung pagaralan ang inyong iginuhit", saad naman ni imaw kay amihan, ipinakita naman ito ng reyna sa pinunong adamyan at ipinaliwanag dito ang mga bagay bagay tungkol sa kasangkapang iyon.
Samantalang sumimangot naman ang diwani dahil sa nabalewala ang kanyang mungkahi, inirapan niya rin si aquil na siyang sumalungat sa kanya kanina bago siya nagmaktol na naglakad pabalik sa kinauupuan niya kanina, nangunot naman ang noo ng mga diwatang naroon lalong lalo na si amihan sa inasal, at lantaran naman ang pagiling iling ng mga konseho dito habang nakatingin silang lahat sa batang sanggre.
Matapos ng pagpupulong naiyon ay magkaagapay na naglakad sa tahimik na pasilyo sina nunong imaw, amihan, at aquil, at habang daan ay hindi maiwasang punahin ng mga ito ang inasal ng diwani kanina sa pagpupulong,
"nangangamba kami para sa mahal na prinsessa, mahal na reyna hindi maiwasang mapansin ng konseho na tila masyado pang bata kung mag isip si prinsessa lira", saad ni nunong imaw sa reyna.
"at hindi lang iyon kamahalan kanina sa pagpupulong ng konseho, imbes na makinig at matoto sa sinasabi ng mga mas nakakaalam ay pinili niyang magmaktol dahil lamang hindi niya nakuha ang nais niya", dagdag pa ni aquil.
"mahal na reyna nangangamba ang konseho kay lira na humalili sa inyo sakaling...", saad ni nunong imaw.
"payapa ang kasalukuyang encantadia imaw, hindi mo kailangang mangamba", nakangiting saad ni amihan dito, tyaka bumaling rin kay aquil, "hindi niyo kailangang mangamba may panahon pa tayo upang mahubog ng husto si lira", pagkukumbinsi niya sa mga ito.
Natahimik naman ang dalawa tyaka nagtitigan, sana nga ay mahubog nila ang diwani sa maikling panahon dahil kung hindi ay tiyak na malalagay sa pilegro ang buong encantadia kapag ito ay nakoronahan na ng hindi pa wasto ang alam at kaisipan nito sa pamumuno ng isang kaharian,
Ngunit iba ang nasa isip ni pirena ng gabi ring iyon, nasa punong bulwagan ang tatlong magkakapatid habang nakaupo si amihan sa kanyang truno at magkaharap naman sina danaya at pirena, pinaguusapan nila ang tungkol sa pag upo ng diwani sa truno
"nasa wastong edad na si lira, kung hindi natin siya pagkakatiwalaan...", simula ni pirena.
"kung hindi natin siya pinagkakatiwalaan ngayon paano pa kaya kung siya na ang mamumuno, pirena mahal ko si lira, ngunit nakikita ng lahat na wala siyang alam sa pagiging reyna", katwiran ni danaya rito.
"wala rin namang alam si amihan ng piliin siya ng ating yna na maging reyna hindi ba?", may bahid na inis na saad ni pirena rito.
"ssheda pirena! hindi ko maintindihan kung saan ka nanggagaling at gusto mong maging reyna si lira", saway ni amihan sa kapatid. "pero may punto si danaya, hindi pa handa ang aking anak", dagdag pa niya.
"kung hindi kapa naman laging nawawala ay makikita mo kung papaano umiikot ang bawat kilos ng pamangkin mo ngayon sa mundo ng mga tao", saad ni danaya.
"kaya nga mas makabubuti kung humalili na siya bilang reyna hindi ba", saad pa ni pirena. "nang sa ganun ay mawala ang isip niya tungkol sa mundo ng mga tao at tumutok nalamang sa mga kaganapan na nangyayari dito sa encantadia", pagkukumbinsi niya sa mga ito ngunit tahimik na Nagtitigan lang sina amihan at danaya, at sandaling namayani ang ka tahimik sa pagitan nilang tatlo.
Nabasag lang ito ng tila balisang dumating si ades, "mga mahal na sanggre...", saad niya sa mga ito tyaka magalang na yumukod sa mahal na reyna, "mawalang galang lang ho ngunit, dumating na... ", ulat pa niya tyaka umatras upang bigyan ng puwang si alena na hilam sa luha dahil sa pagiyak habang marahang naglalakad papalapit sa kanila.
Agad namang bumaba si amihan mula sa kanyang truno at sinalubong ang kapatid,
"alena?", gulat na saad niya dito, "alena, aking kapatid", tyaka niya ito niyakap at doon sa kanyang balikat umiyak ito ng umiyak, minuto ang lumipas bago niya inikay si alena paupo sa mahabang upuan na nasa gilid ng bulwagan, doon ay nagpapahid ng luhang umupo ang magandang sanggre bago siya tinabihan ng reyna, samantalang nakatayo naman sa likod ni amihan ang iba pang mga kapatid.
"hindi ko alam kung bakit umasa pa akong makikita kopa siya", saad ni alena sa kabila ng pagluha, "ngunit nong narinig kung wala na siya, na patay na siya...", dagdag pa niya tyaka siya tuluyang napahagulgul, inalo naman siya ni amihan habang hinihimas nito ang balikat niya,
"alena, tama na", saad ni amihan at pinahid ang luha sa pisngi ng kapatid gamit ang likurang palad niya.
"buti nalang din at nawala siya sa buhay mo, alena alam mong labag sa batas ng lireo ang pag iibigan sa pagitan ng isang sanggre... Na tagapag bantay ng brilyante at ng isang pangkaraniwang nilalang lamang", matigas na saad ni danaya rito.
"danaya, tama na", saway naman ni amihan sa kapatid, tyaka siya sumulyap uli kay alena, "nakikiramay ako sayo, alena", saad niya rito at niyakap ito uli.
"ano pang saysay at naging tagapangalaga tayo ng mga brilyante Ng encantadia kung sarili nating mga mahal sa buhay ay hindi natin kayang pangalagaan, protektahan...", inis na saad ni alena, "Sana hindi nalang ako ang may hawak ng brilyante ng tubig!", malakas niyang sinabe na ikinagulat ni amihan at danaya,
samantalang dahan dahan namang lumapit si pirena sa tumatangis paring kapatid at hinimas ito sa likod habang may masamang ideyang naglalaro sa utak nito ng marinig ang mga katagang binitiwan ni alena, bagay na lihim nitong ikinangisi.
"alena, wag mong sabihin yan", saad naman ni amihan dito.
Lumipas pa ang maraming minuto at tuluyan ng tumahan at nahimasmasan si alena, ngayon ay handa na siyang mag ulat tungkol sa kanyang sinagawang misyon.
"ngayong nakapagpahinga kana alena, maaari bang magbigay ka ng iyong ulat, nalaman mo ba ang dahilan kung bakit may mga nawawalang engkantado?", tanung ni amihan dito.
"wala akong nakitang saksi na makakapagsuplong ng salarin, ngunit isa lang ang aking natitiyak... Hindi ang mga hathor ang may kagagawan nitong lahat, may iba pa tayong kalaban dito sa encantadia", ulat ni alena,
Napasinghap naman si pirena sa narinig, "kung ganun ay tama nga ang hinala ko, higit itong mapanganib kaysa sa mga hathor", saad niya.
"sino kaya ang kalaban nating ito, anong uri ng nilalang siya?", kunot noong saad naman ni danaya.
"iyan ang makapangyarihang tungkod ni adhara, ang pinaka makapangyarihang diwata sa kanyang panahon, na nakalaban noon ng iyong yna", salaysay ni nunong imaw kay amihan,
Isang gabi ng noo'y magawi ang reyna sa silid na pinaglalagyan ng mga sandata, kalasag, at mga makapangyarihang armas...labis na nahiwagan si amihan sa kabukod tanging tungkod na naroon, ito ay naiiba sa lahat at tanging nagiisang may makapangyarihang harang na nakapalibot dito upang walang sino man ang makakuha nito,
At tanging si pinunong imaw nalang ang tanging naiwan na nanatiling buhay sa ngayon na siyang naging saksi sa halos lahat ng mga kaganapan noon sa encantadia, kaya ito ang sinanguni ni amihan ukol sa tungkod.
"bakit naman naging masama si adhara, at bakit niya kinalaban ang aking yna?", kunot noong tanung ni amihan dito.
"dahil si adhara ay nangangarap noon na maging reyna", sagot ni nunong imaw, "bago ang iyong yna, ang lireo ay pinamumunuan noon ni reyna demetria ngunit namatay itong nagiisa kaya inakala ni adhara na bilang pamangkin ay siya ang kaisa isang tagapagmana nito, inakala ni adhara na siya na ang magiging reyna ngunit nagkamali siya ng akala, meron papalang higit na mas karapat dapat sa korona ng lireo iyon ay si minea ang kaisa isang anak ni esmeralda, dahil eka nga ni cassiopea ay iisa ang dugo ni minea at reyna demetria, nagalit si adhara hinamon niya si cassiopea kapalit ng kaalaman tungkol sa kinaroroonan ni minea, ngunit hindi pumayag ang sinaunang diwata na saktan ni adhara si minea kung kaya ay sinumpa niya ito... ", salaysay pa niya.
"anong klaseng sumpa imaw?", tanung ng matamang nakikinig na si amihan.
"nakaligtas kaman ngayon adhara ngunit inuulit ko, hindi mo masasaktan si minea dahil siya ay mas nakakahigit sayo, magmula rin sa araw naito ay hindi kanarin makakaapak sa lireo hangga't hindi nagiging reyna si minea... Iyon ang mga eksaktong kataga na sinambit ni cassiopea at nangyari nga ang kanyang sumpa, naging reyna nga si minea, habang nawala naman sa lireo si adhara walang makapagsabi kung saan siya nagtungo akala ng lahat ay tuluyan na siyang hindi magbabalik, ngunit isang araw muli siyang nagpakita at dala niya ang kanyang tungkod na makapangyarihan na naging armas niya upang kunin at bihagin ang iyong ashti upang gamitin ito laban sa iyong yna, at alam mona ang mga nangyari buhat noon... Ngunit walang nakakabatid kung saan nakuha ni adhara ang makapangyarihang tungkod naiyon tanging siya lamang ang nakakaalam", saad ni nunong imaw.
"buti nalamang at matagal ng namayapa si adhara, dahil hindi ko ibig na dumagdag lang siya sa mga suliranin ko dito sa encantadia", sambit naman ni amihan at humarap sa tungkod tyaka niya ito pinakatitigan ng mabuti.
