Chapter 19 - - ang totoong lira - -
Ilang sandali ang lumipas at nakauwi na ng lireo ang reyna at ang diwani, agarang yumukod sa kanila bilang pagbibigay galang ang mga kawal at dama na nadadaanan ng dalawa habang naglalakad sila sa pasilyo papasok sa punong bulwagan,
"magbigay pugay! narito na ang mahal na reyna at sanggre lira", anunsiyo ng isa sa mga kawal na isa sa inatasang magbantay sa truno habang wala pa ang reyna, agad namang Yumukod ang lahat ng kawal na naroon ng dumating sa gitna ng bulwagan ang dalawa,
Tumango naman si amihan at hinila ang huwad na anak paakyat ng kanyang truno ngunit nakakailang hakbang palamang sila ng galit na galit na dumating si pirena.
"anong pumasok sa iyong isipan at nagpunta ka roon hindi moba alam na mapanganib don?!", nakapameywang na saad niya sa anak.
"pirena, napagsabihan kona ang aking anak at nangako naman siyang hindi na aalis ng walang pahintulot at walang kasama", saad ni amihan.
Inis namang Bumutong hininga si pirena, "at hindi mo man lang siya pagbabawalan?",
"maaaring... marami tayong matutunan sa mundo ng tao pirena", sagot ni amihan.
"nais ko pong matutunan ang kanilang salita at kung paanong nanirahan si yna roon ay marami ng nagbago...", may ngiti sa labing saad ng diwani sa tunay na yna, tyaka sumulyap sa reyna at tumango, bago binalingan uli si pirena, "alam nyo ho bang may gamit sila na maaaring makausap ang nasa malayong lugar",
"hindi ba't kamangha mangha pirena", nakangiti ring saad ni amihan sa kapatid.
Samantalang taas ang kilay at walang pakialam na tumugon si pirena, "siguro nga... Ngunit ang nais ko talagang malaman ay kung bakit pumunta ang aking magaling na hadia sa mundo ng tao", tyaka pinanlakihan ng mata ang diwani.
Napalis naman ang ngiti ng huwad na lira at yumuko tila natakot dito,
"oo nga lira, hindi mopa nasasagot ang aking katanungan ano ba ang pakay mo sa pagpunta mo sa mundo ng tao?", tanung ni amihan sa huwad na anak yumuko naman ang diwani at tila ayaw magsalita, hinawakan naman niya ang baba nito at iniangat ang mukha ng diwani, "anak huwag kanang mahiya, sabihin muna sakin kung bakit ka nagpunta sa mundo ng tao",
Humugot naman ng malalim na butong hininga ang huwad na lira tyaka tinitigan ang reyna, "may nanghula ho saakin, ada (yna)", sagot nito.
Nangunot naman ang noo ni amihan, "hula, ano naman ang hinula niya sayo, anak?",
Noon naman tahimik na umalis si pirena ng lihim siyang kalabitin ni gurna sa balikat at sinenyasan na sumama dito. Naiwan naman ang dalawa na masinsinang naguusap parin.
"ang sabi niya ho saakin ay tatalikuran ko daw ang encantadia... Kaya ako nagtungo sa mundo ng tao, para malaman ang dahilan", salaysay ng diwani na iniwasang banggitin dito ang lalaki sa kanyang hula.
"nakuha moba ang nais mong malaman?", tanung ni amihan, tumango naman ang diwani bilang tugon, tinitigan naman niya ng mariin ang huwad na anak, "lira, nais kung mangako ka saakin na sa susunod na magkaroon ka ng suliraning ganito, sasabihin mo saakin at hihingin mo ang tulong ko, ayokong maulit na palihim kang umaalis anak hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka saakin", tyaka niya niyakap ang huwad na anak, habang tahimik naman ito at tila malalim ang iniisip. "anak, mangako ka saakin, mangako ka na hindi kana muling mawawala saakin",
Matagal naman bago sumagot ang diwani, "pangako yna", sagot nito na ikinangiti ni amihan, hinalikan naman niya sa sintedo ang huwad na anak sa galak niya.
"saan moba ako dadalhin gurna?! Bakit dito pa tayo kailangang magusap marami namang lugar sa lireo kung saan walang makakarinig saatin", inis na saad ni pirena ng dalhin siya ng dama sa gitna ng kagubatan,
"nais mong malaman kung sino ang adoyeneva mo-re na pinaniniwalaan ni lira hindi ba, kung sino ang mata", sagot ni gurna sa kanya,
Natigilan naman si pirena, "sino siya?", saad niya rito. Tyaka inilinga ang paningin sa paligid na tila may hinahanap, Nakita naman ni pirena na huminto sila sa isang parte ng gubat na kung saan ay may nakita siyang maliit na kubol na nakatayo roon at sa paligid ay maraming sulo na nagsisilbing ilaw sa paligid, at mula sa bukas na kubol ay may lumabas na isang engkantada lumapit ito sa kanila.
"kilala mo ako pirena", saad nito sa kanya.
"ikaw?", gulat na sambit ng sanggre, "ngunit hindi ko maintindihan, anung kailangan mo kay lira bakit gusto mo siyang magtungo sa mundo ng tao?",
"dahil siya ang susi ko sanggre, at ang prinsessa ng lireo ang magtatama sa mga pagkakamali nating lahat", sagot ni cassiopea.
"huwag kang magkakamaling lumapit kay lira alam mong kaya kitang talunin", banta ni pirena dito.
"alam mong hindi ang anak mo ang tinutukoy kung prinsessa, pirena", saad ni cassiopea na ikinagalit ng sanggre.
Akma sanang babatuhin niya ng enerhiya ang sinaunang diwata, ng maunahan siya nito tinamaan siya sa dibdib na muntik na niyang ikinatumba kung hindi lang siya nahawakan ni gurna. "tayo na pirena", bulong nito sa kanya.
Sapo ni pirena ang dibdib na mabilis silang lumisang dalawa at iniwanan si cassiopea,
habang daan sa may kakahuyan ay hindi na mapalagay si pirena,
"kailangan kong makuha ang susi ng asnamon kay amihan", saad niya kay gurna.
"ho? Mahal na sanggre imposible po ang iniisip mo lalo na't kagagamit lang ni lira sa susi", protesta ni gurna, "siguradong mahigpit ang pagbabantay nila sa susi ngayon",
"hindi moba naiintindihan ang sinabe ni cassiopea gurna, buhay ang anak ni amihan, buhay ang tunay na lira", mariing saad ni pirena dito.
"anung hakbang ang gagawin natin para hanapin ang mga nawawalang engkantado?", tanung ni apitong kay alena, nasalubong kasi ng sanggre ang ama ng mandirigmang iniibig niya sa gitna ng kanyang misyon nag alok itong sasamahan sila at tutulungan sa paghahanap sa pag asang mahahanap din nila si ybarro sa misyong ito, na malugod namang tinanggap ng magandang sanggre, At dito nga sa masukal na gubat ng sapiro nakarating ang grupo nila.
Huminto naman si alena sa paglalakad at minasdan ito, "nais kong malaman kung may pagkakapareho ba silang lahat, kung alam natin iyon ay maaaring nating malaman kung sino ang susunod na mawawalang engkantado ng sa gayun ay maagapan natin ito", saad ni alena.
"at maaari nating malaman kung sino talaga ang nasa likod ng mga pagkakawalang ito, hindi ba sumagi sa isip mo na baka mga hathor ang nasa likod nito?", tanung ni apitong sa kanya.
"nabanggit ng aking kapatid na kung hathor ang may kagagawan nito ay may mahahanap tayong mga Bangkay, ang aking kaba ay meron tayong mas matindi at mas malakas na kalaban, isang kalaban na hindi natin nakikita at hindi natin kilala", saad ni alena dito, tumango naman si apitong bilang tugon,
Sa lireo ay palihim na pumasok si pirena sa silid ng reyna, at napangiti siya ng makitang walang tao roon agaran siyang naglakad at hinanap ang isang bagay na sinadya niya doon, habang sinusuyod niya ang paligid ay nahagip ng kanyang mga mata ang hinahanap niyang bagay,
Nakangiti siyang lumapit doon at pinulot ito sa ibabaw ng misa ng reyna, "kahit kaylan talaga amihan ay hindi ka nagtatanda", saad ni pirena sa sarili habang dahan dahan siyang umupo roon at napapangiti sa sarili,
Nasa ganuon siyang tagpo ng mabugaran siya ni amihan na kalalabas lang galing ng kanyang palikuran, kaliligo pa lamang niya at may hawak pasiyang suklay ng magulantang lang dahil sa naabutang kapatid na nakangiti at nakaupo sa harap ng kanyang misa habang minamasdan sa kamay nito ang susi ng lagusan, nangunot naman ang kanyang noo, "pirena, bakit hawak mo ang susi ng asnamon?",
Agad napalis ang ngiti ni pirena ng marinig ang boses ng kanyang kapatid, agaran siyang napalingon rito, "amihan bakit wala sayo ito?", saad niya.
"nanggaling ako sa palikuran pirena", sagot ni amihan.
"iyan nanga ba ang sinasabe ko, papaano kung pumuslit muli dito si lira at makuha niya muli itong susi", saad ni pirena at umaktong pinapayuhan kunwari ang kapatid.
"nangako na saakin ang aking anak", katwiran ni amihan.
"kilala mo ang iyong anak, hindi natin alam ang maaaring mangyari sa susunod na siya ay tumakas", saad ni pirena at tumayo tyaka nilapitan ang kapatid, "iisa lamang ang ating prinsessa, hara amihan",
"salamat sa iyong pagaalala pirena", saad nito.
"imumungkahi ko sana na ako nalang muna ang humawak nito", saad ni pirena na ikinasimangot ng reyna, halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang mungkahi at kita niya iyon, "ngunit kung iyong mamarapatin lamang", dagdag pa niya at iniabot ang susi sa reyna na kinuha naman ng huli, "ingatan mo ang susi amihan, alam mo naman ang iyong anak minsan ay may pagkamatigas ang ulo, gaya ko", tyaka siya yumukod dito bago naglakad patungo sa pintuan.
"pirena!", tawag ni amihan dito, napatigil naman ito at agarang lumingon sa reyna, "mainam nga siguro na sayo muna ang susi, pagkat hindi alam ni lira na ibibigay ko sayo to", saad ni amihan at iniabot ang susi sa kapatid.
"salamat", magalang na saad ni pirena tyaka siya tumalikod na may lihim na ngiti sa labi bago tuluyang lumabas sa silid ng reyna.
"mahal na diwani!", tawag ni aquil sa nagmamarchang diwani papasok sa loob ng palasyo, isang umaga sa kaharian ng lireo "hindi pa tayo tapos sa ating pagsasanay", saad nito dito na agaran namang napahinto.
"ngunit aquil, mahusay naako", protesta ng huwad na lira.
Noon naman lumapit si danaya na naroon na ng dumating ang dalawa, "ngunit lira may ihuhusay kapa", saad niya dito.
"ako na ang kakausap saaking anak", saad naman ng bagong dating na reyna, kagagaling lang nito sa agahan at dapat sana ay mamamasyal lang muna siya sa labas ng matanaw niya sa pasilyo ang tatlo.
Agad namang yumukod si aquil, at sabay sila ni danaya tumalikod at naglakad palayo sa pasilyong iyon sa magkaibang direksyon. Ng mapagisa sila ng diwani ay nakangiting minasdan naman ito ni amihan,
"yna, paulit ulit nalang ang aming pag eensayo maaari po bang ituon ko ang aking isip sa... iba namang aralin", mungkahi ng diwani.
"at ano namang aralin, e corrie (mahal ko)?", ngiting tanung ni amihan dito.
"ang sabi niyo ho saakin ay kukwentuhan niyo ako tungkol sa mundo ng tao, maaari po bang ito ang aking pag aralan?", mungkahi ng diwani sa reyna napamaang naman si amihan at nangunot ang noo sa batang sanggre.
"nakaabot na tayo sa hangganan ng hathoria, mahal na sanggre", saad ni apitong ng gabing iyon sa gitna ng sinasagawa nilang misyon, may pagiingat at alisto ang mga kilos ng dalawa habang naroon sila sa lupain ng mga kaaway.
"baka makakita tayo ng mga...", saad ni alena ng biglang matigilan...
"mga hathor!", saad din ni apitong na napatago sa katawan ng katabing puno matapos hilahin din doon si alena upang hindi sila makita ng mga ito. Matapos ay sumilip ang dalawa at nakita nila ang tatlong hathor na may dalang sulo at may pinapalibutang isang bagay.
"ano ang kanilang sinisiyasat?", tanung ni alena habang pinaningkit ang kanyang mga mata upang maaninag ng mabuti ang pinagkakaguluhan ng tatlong hathor.
"tila may na tagpuan silang isang kalansay", sagot naman ni apitong.
Napatiim bagang naman sa galit si alena, "sila nga ang pumapaslang sa mga nawawalang mga engkantado", saad niya tyaka lumabas sa kanilang pinagtataguan at matapang na inihahanda ang kanyang sandata habang lumalapit sa mga ito, "...Ebi mashne! (pagsisihan nyo' ito!)", at dahil sa sinaad ng sanggre ay naalerto ang mga hathor,
Agaran nilang sinugud ang sanggre at sabay na iniamba ang kanilang mga espada dito, na sinalo at sinangga niya lang din ng sabay at mula doon ay ubod lakas niyang itinulak ang mga ito, dahilan upang mapaatras ang tatlong hathor, sinipa naman niya ng mabilis sa sikmura ang hathor na nasa gitna tyaka niya hinampas sa ulo ang ikalawang hathor gamit ang hawakan ng kanyang sandata, umikot naman siya kasabay ng pagsangga niya sa sandata ng ikatlong hathor gamit ang kanyang sandata ng akmang bibigwasan siya nito ng hawak nitong espada, tyaka niya sinipa ng ubod lakas ang tuhod nito, at muli niyang napaatras ang tatlong hathor.
dumating naman si apitong upang saklolohan ang sanggre, agaran niyang sinugud ng kanyang sandata ang isang hathor na malapit sa kanya, tinamaan ito sa kaliwang mukha na ikinapaling ng ulo nito at dahil walang talim ang kanyang sandata ay napaurong lang ang hathor, at ito naman ang sumugod, iwinasiwas nito ang hawak na sandata sa may ulunan niya agaran naman siyang nakayuko at nakaiwas ng lumampas ang sandata nito sa ibabaw ng ulo niya ay gumanti naman siya ng ubod lakas na suntok sa sikmura nito na sinundan niya ng isang bigwas gamit ang sariling sandata, napaigik ang hathor sapo ang sikmurang napaatras ito at tuluyang napatumba sa lupa habang iniinda ang tinamaang katawan, tyaka natigilan ng itutuk ni apitong ang dulo ng sandata sa mukha ng kalabang hathor.
Samantala ay sabay namang sumugud ang dalawang natitirang hathor kay alena ngunit hindi pa nakakalapit ang mga ito ng sabay niyang batohin ng kanyang enerhiya ang mga ito, at gaya ng unang hathor ay napatumba rin ang mga ito sa lupa. Lumikha uli si alena ng enerhiya sa kanyang palad at itinutok sa dalawang hathor dahilan upang hindi na ulit magtangkang sumugud ang mga ito sa kanya.
"bakit ninyo pinapatay ang mga engkantado?", galit na tanung ni alena sa mga ito.
"umamin kayo!", saad din ni apitong sa mga ito.
"agape avi, mahal na sanggre, ngunit hindi ang mga hathor ang may sala", saad ng isang engkantado na kanina papala naroon at takot na nakamasid sa kanila.
Itinutok naman ni alena ang dulo ng kanyang sandata sa takot na mukha ng engkantado, "sino ka?", tanung niya dito.
"kilala ko siya mahal na sanggre, ang pangalan niya ay si usog", saad ni apitong.
Tumango naman si alena at binalingan ang mga nakasalampak parin na mga hathor," umalis na kayo ngayon din, bago kopa gamitin ang aking brilyante, alis!", sigaw niya sa mga ito, na agarang nagsitayuan at nagpaunahan sa pagtakbo.
Ng mawala na ang mga ito ay ibinaba na ni alena ang mga kamay, tyaka sinenyasang lumapit ang engkantadong si usog, "ngayon magsalita ka, sino ang pumapatay sa mga nawawalang mga engkantado?", saad niya dito ng makaharap ito ng malapitan.
"isang itim na diwata na may kapangyarihang humigop ng buhay ng isang nilalang", nahuhumindik na saad ni usog,
Kinakabahang nagtinginan sina alena at apitong, kapwa pareho ang nasa isip habang tinititigan ang kalansay na nasa lupa, "huwag naman sanang ito ang sinapit ni ybarro", saad nilang pareho sa isip.
Bumutong hininga naman si apitong, "makakaalis kana usog magiingat ka", saad niya dito.
Magalang namang yumukod si usog kay alena na tinanguan nito tyaka ito naglakad papauwi sa tirahan nito,
Ng wala na ang engkantado ay nagulat naman si alena dahil tila narinig niya ang boses ni ybarro na sumisigaw, "ang tinig ni ybarro, sabi nanga ba at buhay pa siya", saad niya sa sarili at tila siya nabuhayan ng loob, "ybarro!", sigaw niya at tumakbo habang tinutuntun ang direksyon ng boses nito,
Gulat namang napasunod sa kanya si apitong at ang mga kawal na kasama nila.
"ybarro!", tawag muli ng sanggre habang tumatakbo.
"sanggre, nakatitiyak kaba na boses ni ybarro ang iyong narinig?", tanung ni apitong ng makarating sila sa lugar na pinanggalingan ng boses na narinig ni alena,
sa isang luma at wasak na wasak na templo doon huminto ang sanggre at inilibot ang paningin pilit hinahanap ang iniibig na lalaki.
"hindi ako maaaring magkamali, si ybarro talaga ang narinig ko", saad niya at nilibot libot ang wasak na templo umakyat siya sa wasak na hagdanan nito habang inilinga linga sa paligid ang paningin, "ybarro!... Nararamdaman kopa rin siya apitong tila binabantayan niya ako", saad niya.
Napabutong hininga naman si apitong at magalang na yumukod sa hindi mapakaling si alena, "sanggre, baka panahon na para tanggapin natin ang katotohanan...", saad niya,
Malungkot namang bumaba ng wasak na hagdanan si alena at lumapit kay apitong, "... Na baka patay nanga ang aking anak, ikaw rin ay aking inaalala baka makabubuting bumalik kana muna ng lireo, Mahal na sanggre ng sa gayun ay meron pang pagkakaabalahan ang iyong isip kaysa saaking anak", saad nito sa kanya.
Pumatak naman ang luha sa mga mata ni alena, tyaka siya yumakap dito bago tumango, "mga kawal, ihatid nyo si apitong pauwi ng kanilang kuta, masyadong dilikado dito sa hathoria", utos niya sa mga kasamang kawal.
Bago umalis ang mga ito ay magalang na muna silang yumukod at nagpaalam sa sanggre, ng mapagisa ay tuluyang napahagulgul si alena umamot siya ng kunting sandali upang ilabas ang sakit ng katotohanang wala nanga talaga ito,
"brilyante ituro mo saakin ang konaroroonan ng init ng dugo ng isang sanggre dito sa mundo ng tao", utos ni pirena sa kanyang brilyante,
ng mapasakamay niya ang susi ng asnamon ay hindi na siya nagaksaya pa ng oras agad agad siyang tumawid sa lagusan upang sana despatsahin na ang tunay na tagapagmana ni amihan, bagay na dapat matagal na niyang nagawa kung hindi lang nabuhay ang bata dito sa mundo ng tao.
Nagilaw naman ang brilyante na hawak ni pirena, palinga linga din siya sa paligid habang ibinubulong ng brilyante ang kinaroroonan ng hinahanap niya, maya maya lang ay napangiti siya ng matukoy na niya ang direksyon kung saan naroon ang tunay na lira, itinago na niya ang kanyang brilyante at naglakad upang isagawa ang kanyang misyon
Samantala ng gabing iyon sa mundo ng mga tao ay nasa simbahan na noon si mila, ang dalagang nakilala nina amihan at ng huwad nitong anak kamakaylan lang. Papaalis na dapat siya noon dahil katatapos lang nitong magdasal kahit na tahimik at sarado na ang simbahan ng mga oras naiyon at tanging sa rehas na pintuan nito siya bumulong ng panalangin kanina, ngunit napabalik lamang siya ng mahagip ng nakausling pako ang damit niya napunit ito at nalantad tuloy ang isang bahagi ng likuran niya na may tattoo o marka na meron nasiya simula ng sanggol palamang siya,
"lord naman ito naba yong sign niyo pa saakin para sabihing napatawad nyo na ako, kailangan kopa bang mangumpisal ulit?", nausal ni mila, tyaka siya tumalikod at nagsimulang maglakad habang hinahawi ang buhok, lantad na lantad tuloy ang marka niya sa likod dahil sa pagkapunit ng damit niya doon,
" lira... ", na sambit ni pirena ng makita ang marka ng dalagang nasa unahan niya. Sa direksyon kasing ito itinuro ng kanyang brilyante at hindi nga ito nagkamali agaran niyang nakita ang hinahanap sa tulong narin ng marka ng isang sanggre sa likuran nito.
Tila narinig naman siya nito dahil agaran itong lumingon sa kanya.
"Este ivi, ivo lira? (totoo ba ito, ikaw si lira?)", hindi makapaniwalang saad ni pirena
Napatawa naman si mila ng hindi niya maintindihan ang sinasabe nito, "naku sorry miss wrong number po", saad niya dito. "pero may kilala din po akong lira na mahilig din mag custome ng ganito", nakangiti niyang saad tyaka hinawakan ang pulang balabal nito.
"ssheda!", inis na saad ni pirena at iwinaksi ang kamay ni mila na nakahawak sa kanyang kasuotan, nagulat naman ang huli sa inasal nito sa kanya.
"ssheda dini luna (tigil at ako ay harapan)", matigas na saad ni pirena sa dalaga.
Natigilan naman bigla si mila at tila may naalala sa kanyang nakaraan ng marinig niya ang mga katagang sinaad ng kaharap,
"ssheda! Ssheda dini luna!", matapang na sigaw ni muyak sa asong tinatahulan ang dumadaang si mila na sampung taong gulang palamang noon, tyaka siya ng buga ng maraming ginintuang pulbo sa direksyon ng aso na ikinatakot nito dahilan para ito ay mabilis na tumakbo palayo.
" wow! Ang galing mo naman muyak", masayang saad ni mila na ikinangiti ng malaki ng munting lambana, "pero ano nga ulit iyong sinabe mo?..."
"salita iyon ng mga gaya nating engkantado, mahal ko... Ang ibig sabihin noon ay, tigil, tigil at ako ay harapin!", paliwanag nito sa batang sanggre.
"ss... Ssheda...ano nga uli?", tanung ni mila rito.
"ssheda, ssheda dini luna!", paguulit ni muyak.
"ssheda ssheda kini luna! Wow ang galing, may bago naakong alam na salita mula sa encantadia", nakangiting saad ni mila na ikinatawa naman ni muyak may mali kasi sa binigkas nito ngunit hindi na siya nag abala pang itama ito.
"isa kang engkantada, galing kang encantadia!", masayang saad ni mila ng maalala ang tagpong iyon sa nakaraan niya, isang tagpong nagbigay sa kanya ng kaalaman na isang kauri ang kanyang kaharap. "ikaw naba ang magsusundo saakin pabalik ng encantadia?, kailangan kung tawagin si muyak", excited niyang saad tyaka siya agad agad gumamit ng evictus upang puntahan ang munting kaibigan, ngunit bago pasiya maglaho ay naramdaman niya munang may humampas sa kanya sa likod, kunot ang noo at nagtatakang napabalik doon si mila tyaka siya lumitaw sa likuran ng engkantadang kauri niya.
Lumingon naman sa kanya ang engkantada, may galit at pagbabanta sa mga titig nito na ikinatakot ni mila, kaya siya napapikit at nagevictus uli para sana makatakas sa tila mapanganib na kauri niya ngunit bago pasiya maglaho ay naramdaman niyang may humawak ng kanyang kaliwang braso, at ibinalik siya sa lugar na kinaroroonan nila ngayon sa tabi ng simbahan, ng magmulat uli ng mata si mila ay nakita niyang sobrang lapit na nito sa kanya, ito pala ang humawak ng kanyang braso at nagbalik sa kanya,
"time pers!", saad ni mila at mabilis niyang binawi ang braso niya dito,
"ssheda!", saad naman ni pirena at itinutok ang dulo ng tangang punyal sa mukha ni mila.
Lalong Natakot ang dalaga tyaka nagtaas ng kamay, "wag mo akong sasaktan ako ang nawawalang prinsessa ng lireo", saad pa niya dito.
"estu senti (alam ko)", sagot ni pirena na ikinakunot ng noo ni mila hindi kasi ito naintindihan ng dalaga.
Inambahan naman niya ng saksak si mila ngunit natigil lang ito sa ere ng may puting enerhiya ang pumalibot sa dalaga, ito ang nagpipigil ng punyal ni pirena upang hindi masaktan si mila katulad noong sanggol palamang ito noong pagtangkaan niya itong patayin ganitong ganito rin ang nangyari noon, inulit uli ni pirena ang pagwasiwas ng kanyang punyal rito ngunit nahaharang lang ito ng puting enerhiyang nagpoprotekta rito.
"pashnea!", galit niyang saad at inis na ibinaba ang kanyang punyal, wala naman kasing nangyayari.
"sino kaba talaga at bakit gusto mo akong patayin?!", galit na saad ni mila rito, "kung hindi mo sasabihin saakin ako mismo ang pupunta sa encantadia para malaman ang totoo, at sisiguruhin kong mananagot ka sa ginawa mo",
"hindi kana maaaring bumalik pa sa encantadia", saad ni pirena at itinutok muli ang dulo ng kanyang punyal sa dalaga.
"subukan mo akong pigilan", matapang niyang saad at nagsimulang maglakad ng matigilan dahil mas inilapit pa ni pirena ang kanyang punyal sa leeg ni mila.
"wala kanang babalikan lira, pagkat wala na ang encantadia mo", saad ni pirena tyaka nginisihan ang dalaga bago siya nag evictus paalis.
Naiwan doon si mila na hindi malaman ang gagawin paniniwalaan niya ba ito, o hindi wala na nga ba talaga ang tahanang pinagmulan niya na ni minsan ay hindi niya nakita.
"wala na ang encantadia?", hindi makapaniwalang saad niya.
