Chapter 22
"iyon pala ang nangyari kay muyak hindi siya nakasama sa mga nagbanyuhay na mga lambana", saad ni amihan ng gabing iyon matapos isalaysay sa kanya ni nunong imaw ang mga nangyari kanina, habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng palasyo,
"at walang nakakaalam Kong nasaan siya", saad ni nunong imaw.
"mas naaawa ako kay alena, marami na siyang dinaramdam", malungkot na saad ni amihan.
"patawad aking kapatid na reyna, hindi naako magpapaalam sayo, at saating mga kapatid...avisala meiste, lireo", saad ni alena na tumulo ang luha habang binibigkas niya ang mga katagang iyon sa isip,
nakagayak siya noon na tila malalakbay siya sa malayo, at ngayon imbes na kausapin ang mga kapatid ay mas pinili niyang ilihim nalang ang tungkol rito, dumaan siya sa punong bulwagan kung saan naroon ang truno ng reyna na binabantayan ng apat na kawal.
Doon ay malungkot na minasdan niya ang buong bulwagan tila itinatanim sa isip ang bawat parte at sulok nito.
Matapos noon ay naglakad na siya palabas ng punong bulwagan at palabas ng palasyo, ngunit hindi niya pansin na nakita pala siya ni hitano na papaalis...
"saan ang tungo ng sanggre sa ganitong oras, meron ba siyang sinabe sa inyo?", tanung ni hitano sa isa sa mga kawal na bantay roon.
"wala hitano", sagot ng kawal.
Tumango naman si hitano at nagmadaling naglakad upang sundan si alena, ngunit lingid sa kaalaman din niya ay lihim ring nakabuntot sa kanila ang may masamang balak na si pirena...
Samantalang umaga na ng makarating ng kagubatan si alena sa kanyang paglalakad, gusto niyang marating ang lugar na mistulang huling himlayan ng kanyang minamahal, lugar kung saan ay gusto niyang mahimlay rin doon ng sa ganun ay makasama na niya sa kabilang buhay si ybarro,
Sa kanyang paglalakad ay napapansin niyang tila may sumusunod sa kanya, kaya siya napapahinto at napapalingon sa kanyang likuran, ngunit wala naman siyang nakikitang nakasunod sa kanya kung kaya ay ipinagpatuloy nalamang niya ang paglalakad.
Samantala ay magkasunod namang sinundan nina hitano at pirena si alena at habang daan ay sinalubong ni hagorn si pirena...
"avisala pirena", bati ni hagorn dito.
"anong kailangan mo?", pabiglang tanung ni pirena dahil narin sa biglaang pagsulpot nito sa kanyang tabi.
"pagusapan natin ang ating napagkasunduan", sagot ni hagorn.
"hayaan mo munang sundan ko ang aking kapatid may hinala ako na kikitilin niya ang kanyang buhay at kailangan ko siyang maabutan", nagmamadaling saad ni pirena at humakbang uli upang umalis,
"upang pigilan siya?", tanung ni hagorn.
Napahinto naman si pirena at nilingon ito, "upang kunin ang kanyang brilyante", sagot ni pirena.
"at naniniwala kang magpapakamatay siya", saad pa ni hagorn, Bumutong hininga naman si pirena dahil sa irita, "kung makikinig ka may imumungkahi ako sayo upang makuha mo ang iyong nais sa kanya", saad pa niya na ikinalingon nito.
"mahal na emre patawarin nyo ho ako saaking gagawin", usal ni alena ng makarating siya sa dalampasigan kung saan nahulog at namatay si ybarro, doon ay inilahad niya ang kanyang palad at lumitaw roon ang kanyang brilyante,
"brilyante ng tubig, inuutusan kita gumawa ka ng daluyong at... lunurin mo ako", utos niya dito, tyaka siya tumingin sa karagatan inaasahan ang pagalsa ng tubig na dapat ay tatangay sa kanya patungo sa kamatayan, ilang minuto ang lumipas ngunit walang daluyong ng tubig ang nangyari takang taka siyang napalingon uli sa kanyang brilyante, "brilyante ng tubig bakit hindi mo ako sinusunod?, gumawa ka ng isang daluyong at lunurin mo ako!", utos uli niya rito, ngunit hindi siya nito sinusunod.
Ilang segundo ang lumipas ngunit tila sinusuway si alena ng kanyang brilyante at tuluyan na siyang nainis, kung hindi siya tutulungan ng kanyang brilyante na magpakamatay ay siya nalang ang gagawa, lulunurin nalang niya ang sarili sa dagat na nasa kanyang harapan,
Hahakbang na sana siya ng tila may tumawag sa kanyang pangalan, tinig na tila nagmula sa isang makapangyarihang bathala,
"alena".
Nanlalaki ang matang Naibaba ni alena ang mga kamay at gulat na napatingala sa bathalang nasa kanyang harapan, "mahal na emre?", hindi makapaniwalang usal niya.
"batid ko ang iyong dinaramdam at narito ako upang tulungan ka", saad naman ng bathala sa kanya.
"paano?",tanung ni alena.
"alam ko ang lahat ng nangyayari sa encantadia, diwata... ", saad naman nito. "hindi ko pahihintulutan na isang gaya mo na mabuting nilalang...",
"wala naakong ibang maisip pang paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko", sagot ni alena.
"maaari mong ipasa saakin ang iyong brilyante at gamit ang tubig ay maaari kung ipaagos ang lahat ng iyong masasakit na alaala", mungkahi nito sa kanya. Natahimik naman ang magandang sanggre at napaisip,
Sa lireo naman ay humahangos na pumasok ng punong bulwagan si danaya at may pagaalala sa kanyang kaakit akit na wangis ng hinarap niya ang kapatid na reyna, "hara amihan, wala si alena sa kanyang silid", ulat niya rito.
"yna, hindi nagpakita si ashti pirena para sa aking aralin", saad ng huwad na lira sa reyna ng makapasok rin ng punong bulwagan upang makausap siya.
Natigilan naman si amihan, tyaka niya naramdaman ang isang masuyong ihip ng hangin sa kanyang mukha bago niya narinig na may ibinubulong ito sa kanya, tumigil siya ng ilang sandali upang marinig ng mabuti ang hatid nitong balita sa kanya, ng matapos ay nawala narin ang hangin,
at Noon din ay pumasok naman si muros kasama ang iilang mga kawal, yumukod sila sa harapan ng reyna bago may iniulat, "mahal na reyna, isa sa mga kawal ang nawawala", saad nito.
"nabatid kona rin ang masamang bulong ng hangin", saad naman ni amihan na lubhang nababahala sa mga oras naiyon.
Sa dalampasigan naman ay kaharap parin ni alena ang bathalang emre...
"oo, bathalang emre, nais kung makalimot", saad ni alena dito, tyaka inilabas uli ang hawak na brilyante sa mga kamay, "aking ipinagkakaloob sayo ang brilyante ng tubig", usal niya at lumutang naman ang brilyante patungo sa kamay ng bathala at doon ay pumatong ito.
Samantalang noon naman nakarating si hitano mula sa pagsunod niya kay alena at mula sa kanyang kinatatayuan ay nanlaki ang kanyang mga matang nasaksihan niya ang mga nangyayari sa dalampasigan, "alena, bathalang emre?", nausal niya.
At ng mapasakamay ng bathala ang mahiwagang brilyante ay tyaka naman niya ito inutusan, "brilyante ng tubig inuutusan kita, gamit ang iyong kapangyarihan iyong hugasan ang alaala ng nilalang na nasa aking harapan", usal ng bathala sa brilyante at mula doon ay pinaulanan niya ng tubig si alena at kasabay noon ang pagkawala ng lahat ng mga alaala ng magandang sanggre, napapikit naman si alena natumba siya at Nawalan ng malay, tyaka siya napahandusay sa buhangin,
"napakadali", usal ng bathalang emre ng mawalan ng malay si alena at nagbalik sa kanyang orihinal na anyo, bilang si pirena na may napakalawak na ngiti sa labi.
"hay, aking kapatid napakadali mong magtiwala", saad ni pirena at nilapitan ito,
"sanggre pirena!", galit na saad ni hitano na siyang naging saksi sa panlilinlang na naganap sa ikatlong sanggre, galit na galit na hinarap niya ito dahil sa nangyari sa kanyang pinakamamahal na diwata,
Hinugot ni hitano ang kanyang espada at Galit niyang sinugud ng sinugud si pirena, wala na siyang pakialam kung isa pa itong sanggre, isang malaking kasalanan ang ginawa nito at alam niyang ganito rin ang gagawin ng iba pang sanggre at ng reyna kapag nalaman ng mga ito ang ginawa nito kay alena,
Determinado siyang parusahan ngayon palang ang lapastangang sanggre, ngunit madali nitong naiiwasan ang kanyang mga pagsugod, at ng makahanap ng puwang si pirena ay tyaka niya tinadyakan sa sikmura si hitano na napatumba sa buhanginan, at sinundan niya ng pagbato ng bolang apoy sa direksyon nito na nailagan ni hitano dahil sa napagulong ito pakaliwa bago siya tumayo at hinarap uli ito,
Napangiti naman si pirena, "tuso ka kawal, hindi mo ba alam na isang pagtataksil sa lireo ang lumaban sa isang sanggre", saad niya rito.
"at ang ginawa mo sa iyong kapatid hindi ba ito pagtataksil?", sagot rin ni hitano. "nagpanggap ka bilang isang bathala, kaylan kapa nagkaroon ng ganitong kapangyarihan?", tanung ni hitano,
hindi sumagot si pirena imbes ay nginisihan lang niya nito, kaya sa inis ni hitano ay sinugud niya itong muli, ngunit sa pagkakataong ito ay nagawang mahawakan ni pirena ang kanyang bisig na may hawak ng espada at inipit upang hindi makagalaw, tyaka niya ito pinatamaan ng mahinang enerhiya sa dibdib nito tama lang upang mapatilapon ito ng ilang dipa mula sa kanyang kinatatayuan,
Sa lireo, ay hindi magkamayaw ang lahat sa paghahanap sa tatlong nawawala kanina pa, at sa silid tanggapan ng reyna ay naroon ang lahat.
"nagsusumamo kami sayo ngayon brilyante ng hangin tulungan mo kaming hanapin si alena", usal ni amihan sa kanyang brilyante na nakalutang at makinang na nagpaikot ikot sa ibabaw ng kanyang palad,
"amihan, hindi maaaring ituon mo ang lahat ng iyong atensyon sa paghahanap lamang sa iyong mga kapatid, kailangan ka ng buong lireo", saad ni nunong imaw kay amihan,
Natigilan naman si amihan at ibinaba ang kamay,
"mawalang galang na pinunong imaw, ngunit hindi kaya ang dahilan ng pagkawala ni sanggre pirena at sanggre alena ay kagagawan ng mga hathor", saad ni aquil rito.
"wala namang dahilan para kumilos ang mga hathor", saad ng diwani.
"sangayun ako kay lira", saad naman ni danaya, "sa aking palagay ay si pirena malamang ang may kagagawan ng pagkawala ni alena",
Natahimik naman ang lahat sa sinaad ni danaya at lahat ay napaisip,
May punto si danaya, ang nasabi ni amihan sa isip, minsan ng nagaklas si pirena at nagrebelde sa kanila, pinagtangkaan pa nito ang buhay ng kanilang yna, at hindi nila tiyak kung tunay nanga bang nagbalik ang loob nito sa kanila, o isa lang itong malaking panlilinlang upang makaganti sa kanila, at inuna nito si alena.
Ngunit sabi nga ay hindi tiyak, pano nga kung nagbago nanga ito ay may nangyaring hindi maganda sa dalawa kung kaya nawawala sila, ngunit isa lang kailangan at dapat nilang gawin... Ang agarang hanapin ang mga ito.
"tumigil kana!", inis na saad ni pirena kay hitano,
Naroon parin sila sa dalampasigan, at wala paring Malay si alena habang naglalaban parin sina pirena at hitano,
"hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakausap si alena", saad naman ni hitano,
at itinaas uli ang sandata gamit ang dalawang kamay tyaka sinugud uli si pirena, ngunit napatigil siya at napaupo ng ilabas ni pirena ang kanyang bagong brilyante na kinuha niya kay alena kanina, at gamit nito ay pinalibutan ng tubig ang itaas na bahagi ng katawan ni hitano pati na ang ulo nito na siyang dahilan kung bakit hindi makahinga ang huli,
"at hindi mo naintindihan ang aking ginagawa", saad ni pirena rito, "tinutulungan ko ang aking kapatid, habang nagdadalamhati si alena ay nasa panganib siya, kung ninais kong patayin ang aking apwe, sana matagal kona itong ginawa, hindi kaman maniniwala ngunit mahal ko si alena, at nababatid ko na meron kang pagtatangi sa kanya", saad pa niya matapos noon ay ibinaba na niya ang kamay na may hawak ng brilyante kasabay ng pagkawala ng tubig na lumulunod kay hitano, napaubo naman ito at isinuka ang nainom na tubig,
"maaari nating tulungan ang isa't isa, maaari mong ilayo si alena", nakangiting mungkahi ni pirena rito, "bigyan mo siya ng bagong buhay, pagkat naniniwala ako na maililigtas mo siya",
Natigilan naman si hitano at hinigit ang hininga dahil sa kakaubo kanina, bago niya sinulyap ang inosenteng sanggre, na ngayon ay unti unti ng nagigising,
Napakurap kurap naman ang mata ni alena at inilinga ang paningin sa lugar na hindi niya alam, takang taka siyang napatayo at hinarap ang dalawang nilalang na hindi niya kilala na nakatayo at nakatitig sa kanyan, "nasaan ako, at sino kayo?", tanung niya sa mga ito, tyaka nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa,
Sinulyapan naman ni pirena si hitano na sinalubong din ng tingin nito tyaka niya nginitian at tinanguan ang kawal na si hitano,
Samantalang lumabas naman ng palasyo ang diwani upang makatulong sa paghahanap sa nawawala niyang mga ashti, at sa kanyang paghahanap ay nakarating siya ng kagubatan doon ay nakita niya si cassiopea ang mata ng encantadia,
"mata", tawag ng huwad na lira rito.
"nararamdaman ko ang kaguluhan sa lireo", saad nito sa diwani ng makalapit sa kanya, "nais kung malaman ang nangyayari",
"bakit mata, hindi mo ba makita ang mga nangyayari? Para saan pa at naging manghuhula ka", pasaring na saad ng diwani rito,
"nawalan ng kasiguraduhan ang lahat ng kinabukasan, ngunit ang iyong kapalaran ay hindi nagbago tatalikuran mo parin ang iyong yna para sa lalaking minamahal", ganting saad ni cassiopea,
Automatikong Natigilan ang diwani at pinili na lamang manahimik...
Habang sa himpapawid naman ay ginamit ni amihan ang kanyang kapangyarihang lumipad, at doon sa ibabaw ng pinakatuktok na tore ng palasyo ay naroon siya nakalutang sa hangin habang nakalabas at nakalutang rin sa ibabaw ng kanyang palad ang kanyang brilyante,
"brilyante ng hangin kung iyong mamarapatin, iparinig mo saakin ang hininga ng aking kapatid ng saganun ay siya ay aming matuntun", saad niya rito,
Sa lupa naman sa may kagubatan ay isinama ni danaya at aquil ang ilang mga kawal upang maghanap rin sa kanyang mga nawawalang mga kapatid, habang daan ay nakita nila si pirena na nakasandig na nakaupo sa katawan ng puno at walang malay...
"si sanggre pirena", gulat na usal ni aquil at agad nilang dinaluhan ang mapaglinlang na sanggre,
"pirena", tawag ni danaya sa kapatid ngunit nanatili itong nakapikit tyaka niya nakita ang malaking sugat nito sa tiyan. "ang lalim ng sugat niya", saad niya sa mga kasama.
"sanggre danaya ang brilyante ng lupa", saad ni aquil sa kanya.
Tumango naman si danaya at inilabas mula sa palad ang kanyang brilyante at itinapat ito sa sugat ng kapatid, "brilyante ng lupa nagsusumamo ako sayo, gamutin mo ang aking kapatid nasi pirena", saad niya dito at nagliwanag naman ng husto ang brilyante kasabay noon ang pagkakaroon rin ng liwanag sa may bandang tiyan ni pirena dahilan sa unti unting paghihilom ng sugat nito roon, ng matapos ay itinago uli ni danaya ang kanyang brilyante...
"pirena", tawag niya sa kapatid na unti unting nagigising, inalalayan naman niya ito hanggang sa makatayo.
"ang mahal na reyna", saad ni muros ng makita niya itong humahangos at nagmamadaling makarating sa kinaroroonan nila,
"anong nangyari, pirena", tanung ni amihan sa kapatid ng makalapit,
Ngunit bigla nalang naging balisa ang anyo ni pirena at luminga linga siya sa paligid na tila may hinahanap, "nakita nyo ba si alena, kanina'y narito lamang siya", nahintatakot na saad niya.
Agad namang napahanap sa paligid ang paningin ng mga kasama niya, ngunit kahit anong linga nila ay wala silang makita ni anino ng magandang sanggre,
"pirena, huminahon ka anong sinasabi mo?", tanung ni amihan rito.
"may nakalaban kaming mga hindi kilalang mga nilalang kanina, ang sabi ko'y kumapit lamang siya, ang sabi ko'y magagamot pa siya ni danaya", naluluhang saad ni pirena sa kanila.
"anong nangyari sa kapatid natin?", tanung ni danaya sa kanya.
"pinatay nila ang ating kapatid... Wala na si alena", saad pa niya at tyaka tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"huli kang pashnea ka!", masayang saad ni wantuk ng may mabihag silang isang engkantado na may suot na kalasag,
Nawalan ito ng malay at humandusay sa lupa dahil sa mga nahulog na di kalakihang mga bato na nakalagay sa isang net at dire diretso ito sa engkantado dahilan kung bakit nakahiga ito ngayon sa lupa,
Agad namang nilapitan ito nina wantuk at pako tyaka kinapa ang beywang nito at doon ay nakuha nila ang isang supot, binuksan ito ni wantuk at tinignan ang laman...
"ginto! Ginto!", masayang saad ni wantuk na ikinangisi ni pako.
Tumayo si wantuk at pabirong sumaludo sa walang malay na engkantado, "kamahalan maraming salamat sa mga nakalap namin sayo, ngayon ay maaari kana ba naming makilala?", saad ni wantuk at tinawag ang kaibigan, "pako umpisahan mona", saad niya rito.
Ibinaba naman ni pako ang hawak na mga sibat at lumuhod sa harap ng engkantado tyaka nito hinila pataas ang suot nitong kalasag sa ulo upang makita nila ang pagkakakinlanlan nito,
Tyaka lang siya natigilan at napangiti ng makilala ito, agad naman niyang tinawag ang kasama niya, "wantuk, wantuk!",
"ano ba?", iritang saad ni wantuk habang binibilang ang ginto sa loob ng supot na ninakaw nila sa engkantado.
"wantuk, mukhang kailangan mong tignan kung sino ang ninakawan natin", saad ni pako rito.
"ano bang pinagsasabi mo?", saad pa nito tyaka iniyuko ang ulo upang makita ang wangis ng engkantado, nagulat rin siya ng makilala ito,
"totoo ba ito, si ybarro... Buhay si ybarro", masayang saad pa ni pako.
"naku pinatay natin yong patay", nanlalaki ang matang saad ni wantuk at dinama ang leeg nito kung humihinga paba ito, "pako, buhay si ybarro",
"talaga", saad pa nito.
"halika tulungan mo ako, dadalhin natin siya sa kuta sigurado akong patay siya sa ama niya", saad ni wantuk habang tinatanggal nila ni pako ang net na nakatakip sa katawan nito pati na ang mga bato.
"marahil ay kinuha nila ang katawan ni alena ng ako'y mawalan ng malay, pagkat ako'y napinsala rin at hindi ko alam kung saan nila dinala ang ating kapatid", patuloy na salaysay ni pirena at patuloy parin ang luha na dumadaloy sa kanyang mga mata, habang naroon parin sila sa gitna ng gubat at kinukuwestyon parin siya ng mga kapatid tungkol kay alena na wala roon.
"papaano nila mapapatay si alena, pirena may kapangyarihan siyang taglay, at nasa kanya ang kanyang brilyante", nagdududang saad ni amihan rito maging si danaya ay ganuon rin.
"amihan, alam mong may mga nilalang rin sa encantadia na may taglay ring kapangyarihan", saad pa ni pirena.
"ngunit, hawak ni alena ang brilyante niya kaya hindi kayo maaaring madaig", mariing saad ni danaya kay pirena, "isa lang ang ibig sabihin nito nagsisinungaling ka pirena, ikaw ba ang dahilan kung bakit nawawala si alena, ikaw ba ang pumatay sa kanya?!", galit na saad ni danaya dito tyaka niya pinagekis ang kanyang dalawang sandata at inipit ang leeg ni pirena gamit noon, para itong malaking gunting at tila gugupitin niya ang leeg ng mapanlinlang niyang kapatid.
Samantalang nagsimulang mamutla si pirena kilala niya si danaya tuso at hindi madaling malinlang ang kapatid niyang ito, hindi ito nagdadalawang isip na kitilin ang buhay niya oras na malaman nitong nagsisinungaling siya,
"umamin ka ano ang naganap kay alena?!", saad pa ni danaya rito,
"nagsasabi ako nang totoo bakit ayaw nyo akong paniwalaan?!", umiiyak paring saad ni pirena na lalong pinagbuti ang pag arte sa harap ng mga ito.
"danaya, bitawan mo si pirena", utos ni amihan dito,
Galit namang ibinaba ni danaya ang kanya dalawang sandata, tyaka nanggagalaiti sa galit na tumalikod, "masama ang kutob ko sa kanya", saad niya sa reyna.
"kaya aalamin natin ang totoo", saad ni amihan at binalingan si aquil na tahimik lamang na nanonood sa kanila, "aquil may iba kabang alam na paraan para malaman natin ang katotohanan?",
Napaisip naman agad ang mashna ng mga diwata, "meron mahal na reyna si cassiopea, siya ang dating reyna ng lireo, siya ang may mata na nakakakita ng lahat, maaaring siya ang makatulong saatin", sagot nito.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni pirena tyaka siya kinabahan ng husto, kilala niya ang dating reyna naiyon at kung magtutungo sila sa kinaroroonan nito ay tiyak na mabubuking siya at ayaw niyang mangyari iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan para malusutan ang gusot naito.
Napatango naman si amihan, "muros, ihatid mong muli si pirena sa lireo, aquil sasama ka saamin pupuntahan natin kung saan ang kinaroroonan ni cassiopea", utos niya sa mga ito na ginantihan siya ng tango bilang tugon, at sa hudyat niya ay agad silang kumilos.
"hindi ko alam kong anong maaari kung gawin saiyo kapag nalaman kung nagsisinungaling ka, sana nga nagsasabi ka ng totoo", saad naman ni danaya kay pirena bago sinundan ang kapatid na reyna.
Sumapit ang tanghali sa encantadia, at sa kuta ng mga mandirigma habang abala ang lahat sa paghahanda ng kanilang pananghalian, ay lumabas naman mula sa isa sa mga kubol si ybarro, na gising na at magaling na.
Sa labas ay nakita niya ang kanyang ama na tahimik na nakaupo sa isang bato at may tangan na baso, nakita nito na gising na siya ngunit hindi siya nito pinansin, bumutong hininga si ybarro at lumapit dito,
"ama", tawag niya rito ngunit hindi parin siya nito pinapansin, kaya kinuha nalamang ni ybarro ang kamay nito upang sana ay mag mano,
Inis naman binawi ni apitong ang kamay mula sa binata,
"mabuti naman at kilala mo pa kami, ybarro", bati ni wantuk sa kanya na may dala pang sandok.
"kung hindi ka nabitag ng hindi sinasadya ni wantuk ay hindi namin malalaman na buhay ka pa pala!", galit na bulyaw ni apitong sa anak.
"siyanga!", bulyaw rin ni wantuk sa binata na ginagaya si apitong.
"anong nangyari sayo kailangan mong magpaliwanag!", bulyaw ulit ni apitong.
"siyanga, magpaliwanag ka!", gaya ulit ni wantuk rito.
Nainis naman lalo si apitong at ibinagsak sa lupa ang hawak na baso tyaka si wantuk naman ang binulyawan, "manahimik ka!",
"siyanga! Mananahimik ako amo", saad ni wantuk rito at umatras pabalik sa tabi ni pako kung saan naroon ang kalderong pinaglulutuan niya ng tanghalian nila ng araw naiyon.
Samantalang na nanatiling tahimik si ybarro, alam niyang malaking kasalanan ang ginawa niya dapat ay bumalik agad siya dito ng mga panahong nalaman niyang hindi siya sumakabilang buhay, ngunit may dahilan siya kaya niya iyon nagawa.
Ngunit natigilan siya ng maalala ang kanyang kalasag na minana pa niya sa kanyang tunay na ama, agaran siyang nagpalinga linga sa paligid upang hanapin ito.
Napansin naman siya ni apitong, "kung hinahanap mo ang baluti mong pandigma ay ikinubli muna namin", inis parin nitong saad.
Napatigil naman si ybarro, at Bumutong hiningang bago humarap uli sa ama, "agape avi (paumanhin)", saad niya, "ama, patawarin ninyo ako kung nagtago ako sa inyong lahat, pagkat alam ko kasi na iyon ang mas makakabuti sa inyo, lalo't narinig ko ang pagbabantang sinabe sa inyo ni hitano",
Napatuwid naman ng upo si apitong at dahil sa sinabe ni ybarro ay hindi niya mapigilang hindi maalala ang nakaraang paghaharap nila ng kawal na si hitano, ilang taon na ang nakakaraan...
"nais kung malaman kung natagpuan nyo ba ang bangkay ng iyong anak", maangas na tanung ni hitano kay apitong,
"walang labi na naiuwi ng aking anak, si pako", mariing sagot ni apitong.
Napaismid naman si hitano, "at umaasa kapang buhay pasiya, kung buhay pa siya at bumalik siya rito ay sinisiguro ko sa inyo na hindi lang si ybarro ang aking papaslangin, pati kayong lahat rin!",
... Napabalik naman ang diwa ni apitong ng magsalita uli si ybarro.
"hindi kona ibig na masaktan at madamay kayo ng dahil saakin, kung kaya't minabuti ko nalamang na panindigan na ako'y patay na", saad ni ybarro.
Lumapit naman si wantuk sa iiling iling na si apitong at bumulong, "kaya naman pala amo...", saad niya na agad naman siyang sinamaan ng tingin nito.
"halikana nga wantuk", saad ni pako at hinila ito sa leeg para mailigtas ito sa inis ng amo nila at dinala sa sulok kung saan dinig Parin nila ang usapan ng mag ama.
"ama, galit parin ho ba kayo saakin?", saad ni ybarro,
Hindi sumagot si apitong imbes ay tumayo siya at tinalikuran ang binata, "ibig kung magalit, ngunit mas natutuwa ako na buhay ka aking anak", saad niya.
Lumapit naman si ybarro at hinawakan sa balikat ang ama, nagpatango tango naman ito at iniabot ang likod ng kanyang palad dito, kinuha naman ito ni ybarro at sa wakas ay nag mano sa ama, tyaka siya nito tinapik sa likod at niyakap na may kalakip na pananabik sa anak na matagal na taong nawala'y rito.
Sa kagubatan parin ng sapiro ay naglalakad na ang grupo nina muros at pirena, kasama ang tatlong kawal na papauwi na ng lireo ayun sa utos ng reyna,
Habang daan ay bigla silang tinambangan ng isang grupo ng mga hathor,
"hathor!", sigaw ni muros at binunot ang sariling sandata, sumunod naman ang tatlong kawal na inihanda ang kanilang mga sibat,
"sandali lang muros", pigil ni pirena rito, tyaka dahan dahang naglakad papalapit sa isang babaeng hathor na nasa kanyang harapan,
Nabahala naman si muros at tinawag ito, "sanggre pirena", saad niya.
Ngunit nagpatuloy si pirena at ng isang dangkal nalang ang layo niya sa babaeng hathor ay lihim niya itong tinanguan tyaka binunot ang sandata nito sa may beywang at iwinasiwas sa ibabaw ng ulo nito,
Ginawa itong hudyat ni muros upang sumugod rin, habang nagkakagulo at abala ang mga kasamang kawal sa ibang mga hathor ay agad niyang hinila at kunwari ay inipit ang ulo ng isa pang hathor at bumulong rito,
"kailangan kung makatakas, tulungan nyo ako", saad niya rito, ramdam naman niyang tumango ito at pabalang na binitiwan ang hawak na hathor, tyaka niya sinulyapan ang mga kasama...
Nakita niyang abala parin ang mga ito kaya napangiti siya at kinuha niya itong pagkakataon upang tumakas at tumakbo palayo, at ng makita ng mga hathor na nakatakas na si pirena ay nagsimula narin silang tumakbo papalayo at iniwan sina muros,
"lumaban kayo mga pashnea!", saad ni muros sa papalayong pigura ng mga duwag na hathor, "sanggre pirena may sugatan tayo", saad niya at tumalikod upang harapin sana ito, ngunit Nagulat siya ng wala na ito, "sanggre pirena?", takang saad niya at inilibot ang paningin, ngunit wala na talaga ito at nakatakas na.
Sa ibang direksyon naman ng gubat ang tinahak ng grupo nina amihan, danaya, aquil, at ng mga kasama nilang kawal upang puntahan ang sinasabeng mata ng encantadia,
"aquil, saan natin makikita ang sinaunang reyna rito?", tanung ni amihan sa mashna ng mga diwata.
"hindi ba't dito siya sa kakahuyan nakita ni lira, kaya maaaring narito pa siya", sagot ni aquil rito.
Humakbang naman sa harapan si danaya at tinawag ito, "cassiopea! Cassiopea! Naririnig mo ba kami?! Magpakita ka saamin!",
"anong kailangan nyo?", tanung ng isang mabining tinig sa likuran nila, kaya agaran silang napaharap rito,
"avisala sanggre, at hara ng lireo", bati ni cassiopea sa kanila, yumukod naman si aquil sa kanya bilang paggalang.
"avisala cassiopea, sinaunang reyna", bati rin ni amihan rito.
"batid ko rin kung bakit nandito kayo, may hinahanap kayo", saad ni cassiopea,
Noon naman lumitaw si pirena sa tapat nila, suot nito ang kanyang pulang baluting pandigma, gulat namang napatingin sa kanya ang mga kapatid.
"pirena, bakit mo kami sinundan hindi ba't inutusan na kitang bumalik ng lireo", takang saad ni amihan rito.
"sinundan ko kayo pagkat nagaalala ako sa inyo", bantulot na sagot ni pirena,
"at bakit kanaman nag aalala, sanggre pirena?", makahulugang saad ni cassiopea dito.
Napanganga naman si pirena ng makita si cassiopea na nasa harap na nila, huli na siya, huling huli na, ngayon ay hihintayin nalang niyang isuplong siya nito sa mga kapatid niya, "natagpuan niyo na pala si cassiopea", nasambit nalang niya.
"si alena mata, nais kung malaman kung anong tunay na nangyari kay alena", baling ni danaya rito.
Napatingin naman si cassiopea kay pirena na sinundan nina amihan at danaya, matiim rin nilang tinitigan ang namumutla at kinakabahang kapatid,
ngunit bumaling uli si cassiopea ki'la danaya, "sasagutin ko ang lahat ng inyong mga katanungan kung bibigyan niyo ako ng gintong kabayaran", saad ni cassiopea at inilahad ang palad sa harap nina amihan.
Napatawa naman si danaya, "kakaiba pala itong sinaunang reyna naito, nangangailangan", panguuyam na, saad niya rito.
"danaya", saway ni amihan dito, tyaka tinaguan si aquil.
"abog", tawag ni aquil sa kasamang kawal na iniabot naman sa kanya ang isang supot ng ginto, kinuha ito ni aquil at inilapag ang supot sa kamay ni cassiopea, "maari mo na bang sabihin saamin ang iyong nalalaman?", saad niya rito.
Muli ay hindi muna sumagot si cassiopea at matiim uli itong tinitigan si pirena, samantalang nagtatakang napatitig rin sina amihan at danaya sa kapatid na noon ay tinatambol na ang dibdib sa kaba, tyaka niya lihim na inilagay ang isang kamay sa likod at doon lihim na inilabas niya ang brilyante ng apoy, ano't ano man ay nakahanda na si pirena sa hindi kanais nais na mangyayari,
