Chapter 23

"totoo bang pinaslang si alena ng isang kakaibang nilalang, gaya ng ibinalita ni pirena saamin?", tanung uli ni danaya kay cassiopea ngunit kay pirena nakatingin ang nakababatang sanggre.

Sandaling napuno ng tensyon ang tagpong iyon, at matagal bago sumagot si cassiopea, at halos atakehin na sa kaba si pirena noon, ng sa wakas ay magsalita naito...

"kung ano man ang sinasabe sa inyo ni pirena, iyon ang totoo", sagot nito at binalingan si pirena na lihim na nakahininga ng maluwag ng mga oras naiyon, at dahil sa wala ng banta sa kanyang buhay ay lihim na niyang itinago uli ang kanyang brilyante ng apoy,

nanlumo naman sina amihan at danaya dahil pinabulaanan nga ni mata ang katotohanang patay na ang kanilang pinakamamahal na kapatid,

Pigil ang luha at galit na binalingan uli ni amihan si cassiopea at tinanung uli, "kung ganun, totoo ngang patay na ang aming kapatid, sino ang pumaslang sa kanya?, sabihin mo saamin", saad niya.

"huwag nyo na itong alamin pa amihan, pagkat kailangang maganap ang mga bagay naito, kaya lumisan na kayo at iwan nyo na ako", sagot ni cassiopea na itinataboy na ang magkakapatid.

"ngunit kamahalan", hindi papaawat na saad ni amihan dito, gustong gusto niyang malaman kung sino ang responsable sa pagkawala ni alena, gusto niyang papanagutin ang gumawa noon.

"ssheda! Umalis na kayo ngayon din!", galit na saway ni cassiopea sa kasalukuyang reyna na ikinatahimik nito,

Samantalang nadagdagan naman ang inis ni danaya rito, "iba parin talaga ang ugali nito", matigas na saad ng sanggre na parang balak pa niyang hampasin ng kanyang sandata ang sinaunang diwata, dahil sa kapalaluan nito

ngunit pinigilan lang siya ni amihan, "danaya tama na", bulong nito dito tyaka niya binalingan si cassiopea, "aalis na kami, babalik na kami sa lireo", at magalang na yumukod dito.

Naglakad si amihan sa gitna sumunod si aquil na ipinatung ang kanang kamay sa balikat ng reyna, at sa balikat ng mashna ay kanya kanya namang hawak ang mga kawal sa likuran nila, inalok naman ni aquil ang kamay kay danaya na inis nitong tinanggap tyaka lang Itinaas ni amihan ang kanang kamay, nabalot sila ng asul na liwanag at dagliang naglaho sa kakahuyang iyon.

Ng maiwan ang dalawa ay agad na lumapit si pirena rito upang itanong ang kaisa isang bagay na kanina pa niya pinagtatakhan at para magpasalamat narin, "cassiopea", tawag niya rito ng makalapit.

Ngunit hindi pa siya nakakapagpasalamat ng galit itong nagsalita sa kanya, "batid ko kung ano ang tunay mong ginawa kay alena, isa kang mapagpanggap at sinungaling pirena", galit na saad sa kanya ni cassiopea.

"kung ganun ay bakit hindi mo ako isinumbong sa aking mga kapatid?", nagtatakang tanung niya rito.

"sapagkat tiyak kong papaslangin ka ni danaya, kaya kailangan parin kitang iligtas", sagot ni cassiopea.

"bakit?", taka paring tanung niya.

"nasusuklam ako sayo pirena, batid ko ang magaganap sa hinaharap... kailangan mo paring mabuhay, at tuparin ang nakatakdang tungkulin mo dito sa encantadia", saad pa nito bago nabalot ng kulay ubeng usok si cassiopea at dagliang naglaho rin doon.


Sa lireo ay lumitaw sa harap ng tarangkahan ng palasyo ang grupo nina amihan, doon ay agad silang sinalubong ng diwani kasama ni nunong imaw,

"ada, may mga naghihintay ho sa inyong mga bisita", saad ng diwani sa reyna tyaka itinuro sina pako at wantuk na nasa tabi nito.

"avisala mahal na reyna, at sayo rin sanggre danaya", saad ni wantuk at ngingiti ngiting nagpapacute kay danaya,

Napataas naman ang kilay ng sanggre, habang ipinaling niya ang ulo upang hindi niya makita ang nakakainis na tanawing iyon, samantalang nangunot naman ang noo ni aquil sa inasal ni wantuk, tila kukumpentensiyahin pa siya nito sa puso ng kanyang pinakamamahal na sanggre, kaya pinaningkitan niya ito ng kilay at humarap sa mandirigma, "anong pakay nyo?", tanung niya rito.

Napaayos naman agad si wantuk at pumormal ang anyo, "paumanhin ngunit nais lang sana naming makausap si sanggre alena", saad niya dito.

At dahil sa nabanggit ang ngalan ng magandang sanggre ng mga oras naiyon ay agad na napaluha si amihan at danaya, mga luhang kanina pa nila pinipigilang lumabas,

"wala na sya, hindi nyo na siya makakausap pa", saad ni amihan sa pagitan ng pagluha.

Gulat namang napatingin sa kanila ang lahat ng hindi nakakaalam,

"bakit po kamahalan nasaan ho ba si sanggre alena?", takang tanung ni pako sa kanila,

Isinalaysay naman nina amihan sa kanila ang nangyari kay alena na patay naito at hindi na nila ito makikita pa o makakausap kahit na kaylan, nagulat at nalungkot ang lahat sa nalaman nila ng araw naiyon,

at sa kaso nina wantuk at pako ay walang sinayang na sandali ang dalawa agad silang bumalik sa kanilang kuta at pinuntahan si ybarro upang sabihin rito ang dala nilang malungkot na balita,

"ybarro!", tawag ng dalawa sa binata ng makarating sa kuta at dumiretso sa kubol nito.

"oh, wantuk pako, bakit kayo nagmamadali anong nangyari sa lireo, nakausap nyo si alena?", tanung ng binata ng makarating sa harap niya ang dalawang kaibigan na humahangos pa.

"hindi na siya makakausap pa... Pagkat wala na si alena", saad ni wantuk habang tagaktak ang pawis at hinihingal pa,

"anong wala na?", naguguluhang saad ni ybarro rito.

"pinatay na si alena ng hindi nakikilalang nilalang", sagot ni wantuk.

Napatayo naman si ybarro mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kanyang higaan at galit na hinarap ang mga kaibigan, "wantuk wag kayong magbibiro ng ganyan",

"ybarro hindi kami nagbibiro, totoo ang sinasabe ni wantuk", saad naman ni pako.

Natigilan naman si ybarro at agad agad na tumulo ang kanyang luha, tyaka siya napaupo uli sa kanyang higaan, samantalang tinapik naman nina pako at wantuk ang balikat niya bago lumabas sa kanyang kubol ang dalawa, at tyaka siya iniwan upang magluksa para sa pinakamamahal na sanggre.


Samantalang sa malayong gubat ng adamya dinala ni hitano ang walang maalalang si alena, nagtayo sila doon ng kubol na hihigaan nila ng gabing iyon, mula doon ay lumabas si alena na iba na ang kasuotan, pangkaraniwang kasuotan para sa isang pangkaraniwang diwata,

Tyaka niya nilapitan si hitano na nakaupo sa harap ng siga na ginawa nito, at katulad niya iba narin ang kasuotan ng dating kawal,

Agad namang tumayo si hitano ng makita siya tyaka ngumiti rito, "mabuti naman at nakapagbihis kana, magiging ligtas na tayo rito", saad niya rito.

"paumanhin ngunit sino ba talaga si pirena?", naguguluhang saad ni alena. "at ikaw, sino ka?",

"berdano, ako si berdano", sagot ni hitano.

"at ako... sino naman ako?", saad ni alena.

"ikaw si akesha, asawa kita at labis nating mahal na mahal ang isa't isa", sagot ni hitano dito.

"kung totoo ang iyong sinasabe, bakit hindi kita kilala", nagdududang saad ni alena rito.

"nadapuan ka ng matinding karamdaman, wagkang mag alala Akesha pangangalagaan kita hanggang sa huli kung hininga", saad ni hitano, at niyakap ang naguguluhan paring si alena, tumango naman ang huli bago siya itiningala ni hitano tyaka siya walang babalang hinalikan sa labi, nagulat ang sanggre ngunit hindi siya tumutol sa pagaakalang asawa nga niya ito, at mahal nga niya ito,

Na labis niyang pinagtatakhan,

ng mawala ba ang kanyang mga alaala ay nasama narin ba pati ang pagmamahal niya rito, na hindi rin niya maramdaman, ngunit pinili nalang niyang itago ang katanungang iyon sa kanyang isip.


Sa lerio naman, ay nagtungo sina danaya at amihan sa silid ni alena upang ipagluksa at alalahanin ang mga naiwan nalang na alaala ni alena sa silid naiyon, tahimik na umupo si danaya sa harap ng mesa ni alena kung saan naroon ang mga alahas nito at doon ay bumuhos ang kanyang luha habang isa isang hinahawakan ang mga iyon, bawat kwentas at polseras na naroon ay may kalakip na alaala ng magandang sanggre,

Samantalang si amihan ay umupo sa gilid ng higaan nito sa tabi ng mesang naroon kung saan nakapatong ang mga pampakulay at pampaganda ni alena, napahagulgul naman si amihan ng makita ang mga ito pagkat sa mga pampakulay naito ay naalala niya ang isa sa pinakamasayang alaala nila ng kanyang mga kapatid kasama syempre si alena,

"danaya", umiiyak namang tinawag niya ito, tumayo naman si danaya at tinabihan siya tyaka niya ipinakita ang isa sa mga pampakulay nito, at tulad niya ay napaiyak lalo ang bunsong sanggre.

Habang nagbabalik ang kanilang diwa sa nakaraan kung saan ay mga dalagita palamang sila,

Nakadapang magkakatabi sa ibabaw ng higaan noon sina alena, danaya, at amihan at kapwa Nakatalukbong ng kumot ngunit nakalabas naman ang mga paa, at dinig na dinig ang kanilang hagikhikan,

noon naman bumukas ang pintuan ng silid ni alena at pumasok ang dalagitang si pirena, na agad napakunot ang noo at nameywang sa harapan nila habang nakikita ang pinaggagawa ng kanyang mga kapatid,

"anong kaguluhan ito?", tanung niya sa mga ito.

Lumabas naman sa kumot ang ulo nina alena, at danaya tyaka nagtalukbong ulit at tumawa ng mabatid nila na dumating na siya,

"pirena? Hanapin mo kami", nakatawang saad ni amihan sa ilalim ng kumot.

"hay, bakit nyo ba ako pinatawag?", inis na saad ni pirena sa mga ito.

"huh", saad ni alena ng mabatid ng tatlo na walang balak makipaglaro sa kanila si pirena, sabay sabay silang bumangon at tinanggal ang kumot sa katawan nila,

"wag nanga", saad ni danaya.

"ediya pirena, halika magbahay bahayan tayo", masayang saad ni alena sa kanya habang mabilis itong nakatayo mula sa kanyang higaan at pumunta sa kanyang likuran at sabay hawak sa kanyang magkabilaang balikat,

Gabi na noon at kapwa nakasuot na ng pampatulog nila ang apat na sanggre ngunit may naiba sa kanilang ayos may mga palamuti kasi sila na makukulay sa mga buhok nila, liban kay pirena,

Lalo namang napakunot ang noo ni pirena sa narinig, "mag ano?", tanung niya habang hinihila siya ni alena palapit sa mga kapatid.

"eh, kasi sa mundo ng tao ang tawag sa laro nato bahay bahayan", paliwanag ni amihan na may dalawang pulang balahibo na nakakabit sa magkabilaang gilid ng ulo niya,

"kaya wag kanang masungit at makipaglaro kana saamin", saad naman ni danaya na may isang berdeng balahibo sa likod ng ulo nito, at hinila si pirena paupo sa higaan katabi niya.

"ang tanda na natin para maglaro ng...bahay bahayan", angil na saad ni pirena tyaka inilibot ang paningin sa buong silid,

"halikana ideya pirena, may bagong pampita ng mukha si alena galing sa punjabwee", masayang saad ni danaya rito, habang tumatawa namang napatango si alena, "halika, kukulayan kita", tyaka niya hinila si pirena at pinaupo sa isang upuan na katabi ng mesa nito.

Nilagyan naman siya ni amihan ng itim na palamuti sa kanyang ulo tyaka ito umatras at tumawa uli, "ang ganda mo na",

"anong ginagawa nyo saakin", saad ni pirena.

"wagkang maingay,", nakangiting saad sa kanya ni danaya tyaka siya nito inumpisahang kulayan sa mukha, habang nagtatawanang nakaharap sa kanya sina alena at amihan,

"pumikit ka", saad sa kanya ni amihan na sinunod naman niya,"oh diba ang saya!", nakatawang saad pa ni amihan na sinundan pa ng dalawa.

"ang saya saya, sana lagi tayong ganito masaya, laging magkakasama, at laging naririto para sa isa't isa", saad ni alena habang nakangiting niyakap si amihan at nakatingin sa tatlo pa niyang mga kapatid.

"at sana laging ganyan si pirena, laging ganyan ka ganda palagi", pabirong saad ni amihan, tyaka nagtawanan uli sila liban kay pirena.

"ayan, tapos naako sa aking pagkukulay", nakangiting saad ni danaya tyaka inilapag sa mesa ang mga ginamit na pangkulay.

Tumayo naman si pirena at tinitigan ang mga nakangiting kapatid, "ano mas maganda naba ako?", saad niya sa mga ito.

"oo", tango ni danaya.

"ay naku pirena...", nakangiting saad ni amihan at iniharap ang salamin sa mukha ni pirena, "... Bukod tangi ka",

Nakangiti namang sinabuyan ni alena ng mga dahon ng bulaklak si pirena, na lalong ikinatawa ng tatlo, kinuha naman ni pirena ang salamin kay amihan at sinipat ng mabuti ang sarili,

"mga ashtadi kayo", saad niya matapos tignan ang sarili sa salamin, sobrang puti kasi ng kanyang mukha na parang sinabuyan ng harina, meron siyang dalawang bilog na pula sa magkabilaang pisngi tyaka matingkad na matingkad na kulay sa kanyang kilay at labi, nagmistula tuloy siyang payaso sa itsura niyang iyon na ikinatawa narin niya at kiniliti ang mga nagtatawanang mga kapatid, nagtakbuhan naman ang tatlo na hinabol niya at sa ibabaw ng higaan ni alena ay doon sila masayang naghamhampasan ng mga unan, habang masayang nagtatawanan.

Mga alaalang masayang inalala nina danaya at amihan ng mga oras naiyon.

Bumukas naman ang pintuan ng silid at pumasok sina pirena at gurna, malungkot namang lumapit sa mga kapatid si pirena, "danaya, kapatid kung reyna marahil hindi na kayo nagdududa saakin... nakikiramay ako sa ating lahat, ikinalulungkot ko ang nangyari sa ating kapatid", saad niya sa mga ito.

Tyaka siya umupo sa pagitan nina danaya at amihan na pareho naman siyang niyakap ng mga ito at doon ay umiyak ng umiyak sa balikat niya,

"tama na ang iyak, hindi na niyan maibabalik ang buhay ng ating kapatid", saad ni pirena sa mga ito, "ang kailangan nalang nating gawin ngayon ay ang magpakatatag at mag pahinga pagkat lubos kayong napagod sa mga kaganapan ngayon, ",

lumapit naman sa kanila sa gurna na kanina pa nakikinig sa mga ito, "halina kayo mahal na reyna, at sanggre danaya ihahatid na namin kayo sa inyong silid", magalang niyang saad sa mga ito.

Tumango naman ang dalawa at tahimik na tumayo at sinundan si gurna, ngunit nakakailang hakbang palamang si amihan ng may bigla siyang maalala, napahinto siya at muling Lumingon kay pirena na naiwan sa pagkakaupo sa higaan ni alena,

"pirena", tawag ni amihan rito na ikinalingon ni pirena rito, "may tanung lang ako sayo... Nasaan ang brilyante ni alena?",

"nakuha mo ba iyon pirena, nabawi moba iyon kay... ?", tanung rin ni danaya.

"hindi, wala saakin ang kanyang brilyante", nakayukong sagot ni pirena.

"ang ibig mong sabihin... Hindi mo nakuha ang kanyang brilyante?", hindi makapaniwalang saad ni amihan.

"kung sino man ang pumaslang kay alena ay nasa kanila ang kanyang brilyante", dagdag pa niya.

Natigilan namang nagtitigan sandali sina danaya at amihan, kapwa hindi makapaniwala na nanakaw sa kanilang mga diwata ang isa sa pinakamahahalagang brilyante ng kanilang mundo, isa itong malaking suliranin para sa kanila...suliraning kailangan nilang matugunan kaagad.


"nasaan si hitano? Sino sa inyo ang nakakalam kung nasaan siya?", tanung ni aquil kina muros ng gabing iyon sa harap ng tarangkahan ng palasyo, kasama ng iilang mga kawal na bantay roon.

"wala mashna", sagot ni abog na naroon, isa sa mga kawal.

"nakakapagtaka ano kayang nangyari sa isang iyon?", kunot noong saad ni muros.

Noon naman bumukas ang tarangkahan at lumabas sina danaya at amihan tyaka naglakad papalapit sa kanila,

"mahal na reyna", saad ni aquil at magalang na yumukod sa dalawa, pati narin ang mga kawal na naroon, "ang buong akala ko ay nagluluksa kayo", saad pa niya.

"may mga tungkulin parin akong dapat gampana", sagot ni amihan, "lalo na't nasa kamay ng mga pumaslang kay alena ang kanyang brilyante", dagdag pa niya, tyaka bumaling sa katabing kawal, "muros, pangunahan mo ang mga kawal at alamin nyo kung sino ang pumatay akay alena, para alam natin kung sino ang ating sisingilin", utos niya rito.

"masusunod mahal na reyna", tugon ni muros, tyaka bumaling kay mashna aquil, "mashna, pahintulutan niyo akong bumuo ng hukbo mula sa daraanan naming kuta", saad niya na tinanguan naman nito.

Matapos noon ay sabay na tumalikod sina amihan, danaya, at aquil upang maglakad uli papasok ng palasyo,

Ng mapahinto dahil sa isang estranghero na dumating at sinisita ito ng mga kawal na bantay,

"ssheda! Sino ka, magpakilala ka!", saad ng mga kawal habang itinututok ng mga ito ang hawak nilang sibat sa estranghero,

Napahinto naman sina amihan at kunot noong napalingon uli, nakita nilang nagtaas lang ito ng kamay habang nakayuko sa kanila, tyaka huminto sa paglalakad sa harap ni hitano at nagtaas ng ulo tyaka sila nilingon.

"ybarro?", gulat na usal ng reyna ng makita ito,

Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatiling nakatitig ang mga ito sa kanya, sa kaso ni amihan habang tinititigan niya ito ay bumabangon naman ang matinding galit sa dibdib niya para sa binata, galit na nagpatubig sa kanyang mga mata at ng hindi na niya ito kayang pigilan pa ay agaran siyang nag evictus at lumitaw sa harap ni ybarro at walang babalang sinakal ito gamit ang kaliwang kamay, napaluhod naman ang binata habang hawak ang kamay niyang nakasakal sa leeg nito.

"naniwala si alena na patay kana, nawala ang saya sa mga mata ng aking kapatid dahil akala niyang patay kana!", galit na saad ni amihan rito.

Samantalang nagpupuyos naman sa galit na lumapit sa kanila si danaya, "buhay ka?! ikaw ang dahilan kung bakit umalis si alena, ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay!!", nanggagalaiti niyang saad dito, tyaka siya bumuo ng enerhiyang bola sa kanyang palad at akma niya sana itong ibabato sa binata ng pigilan at hawakan siya ni aquil sa braso.

"mga sanggre, pagsalitain natin siya", awat ni aquil sa mga ito.

Minuto ang lumibas bago pabalang na binitiwan ni amihan ang leeg ni ybarro, napaupo naman ito sa lupa bago dahan dahang tumayo at hinarap sila, winala narin ni danaya ang kanya enerhiyang bola at pabalang na hinablot ang braso sa pagkakahawak ni aquil, parehong nagpupuyos ngayon sa galit ang dalawang sanggre na nakaharap sa kaawa awang binata.

"hindi maaari ang nalaman ko, hindi maaaring patay na si alena", saad ni ybarro sa mga ito, "ni hindi manlang kami nakapagusap ng siya ay mawala",

Napaiyak naman si amihan, "akala mo ikaw lang, kasalanan mo rin ito ybarro", saad niya,

natahimik naman ang binata at tila natulala, totoo ngang wala na ang kanyang mahal, papaano nasiya ngayon, papaano pa siya mabubuhay kung wala na ang nagpapatibok ng kanyang puso.

"avisala meiste, makakaalis kana...", galit na saad ng reyna sa kanya, "umalis kana!!", sigaw pa niya tyaka siya tumalikod at naglakad sila ni danaya pabalik sa pintuan ng palasyo, doon ay sinalubong sila ng nagtatakang diwani.

"ada, sino siya?", tanung nito.

Ngunit hindi sumagot si amihan, bagkus ay galit niyang nilingon uli ang binata na nakatingin rin pala sa kanya at sa huwad na lira, binawi niya uli ang tingin rito at tuluyan ng pumasok sa loob ng palasyo kasunod ng kapatid, samantalang ilang minuto ring nagtitigan si ybarro at ang diwani bago nagpasya ang binata na lumisan na narin doon.


"napakaganda nga ng brilyante ng aking kapatid, kay sarap nitong paglaruan", nakangiting saad ni pirena habang pinagmamasdan sa palad niya ang brilyante ng tubig na nakalutang doon at kumikinang sa ganda, nasa kanyang silid na siya noon habang minamalas ang ganda ng brilyanteng nanakaw niya.

"pirena, itago mo nga iyan baka mamaya may makakita pa sa iyo", saway ni gurna sa kanya na ikinasimangot ng sanggre tyaka niya ikinuyom ang palad upang itago ang brilyante,

Naglakad naman si gurna sa gitna ng silid habang irita siyang minasdan ni pirena, napahinto lang siya ng may makitang bagay sa ibabaw ng mesa ng sanggre kinuha niya ito at ipinakita dito, "tama nga ang hinala ko narito nga ang susi ng lagusan", saad niya.

Agad namang lumapit si pirena at inabot ito sa kamay ni gurna, "akin na", saad niya,

"tiwala si amihan na wala ng gagamit niyan kaya marahil...", saad ni gurna na naputol ang sinasabe ng magsalita si pirena.

"kailangan kung makabalik agad kina alena at hitano", saad niya at agaran tumalikod upang umalis.

"huwag mong sabihing... dadalhin mo sila sa mundo ng mga tao", tanung ni gurna na ikinahinto ni pirena at binalingan siya ulit,

"doon lang sila hindi makikita ng mga tagarito", sagot ni pirena, "kaya't ikaw nalang muna ang bahala sa kung sino man ang maghahanap saakin", tyaka siya tuluyang umalis matapos itong tanguan.