Chapter 24
"meron kang dapat malaman, meron kang marka sa likod ng iyong balikat, palatandaan ng isang sumpa", saad ni berdano kay akesha, ng gabi ring yaon sa gitna ng gubat ng adamya habang magkatabi silang nakaupo sa harap ng apoy na ginawa ni berdano kanina upang magsilbi nilang liwanag roon,
"sumpa?", takang tanung sa kanya ni akesha.
"palatandaan sa lahat ng mga masasakit na nangyari sayo", sagot naman ni berdano sa kanya, "saatin, kaya't takpan muna iyan huwag mo nang tignan pa at wag munang ipapakita sa iba, kalungkutan at pighati lang ang ihahatid saatin niyan",
Tumango naman si akesha at nagsuot ng balabal para takpan ang kanyang likod na magkukubli ng kanyang pagkakakinlanlan bilang isang sanggre na hindi niya alam, ang alam lang niya ngayon ay isa itong sumpa sa kanilang dalawa ni berdano, eka nga nito.
At sa tahimik na gabing iyon na payapa nilang ninanamnam ay noon naman lumitaw sa harap nila si pirena,
"sumama kayo saakin", saad nito na ikinalingon ng dalawa. "kailangan nyo ng makaalis dito sa encantadia",
Tumango si berdano, at noon din ay naggayak sila at naghanda upang umalis kasama si pirena, ng matapos ay ginamit nalang ng sanggre ang kanyang kapangyarihang maglaho upang mabilis silang makarating sa harap ng puno ng asnamon, pagkarating ay agad na binuksan ni pirena ang lagusan at tyaka sila tumawid sa kabilang mundo,
doon ay kunot noong minasdan ni akesha ang paligid, "anong lugar to, saan mo kami dinala?", tanung niya kay pirena,
"ito ang mundo ng tao at simula ngayon ay dito na kayo maninirahan", sagot ng sanggre sa kanya, tyaka niya inilabas ang pulang brilyante ng apoy na magandang kumikinang sa ibabaw ng kanya palad, "brilyante, ipagkaloob mo sa engkantado at engkatadang ito ang ningas ng talim ng pagiisip upang mabilis silang makasabay sa pananalita at pamumuhay ng mga tao rito", usal niya rito, at bilang tugon ng brilyante sa kanyang utos ay nakita niyang nagkaroon ng panandaliang marka ng apoy ang mga noo nina akesha at berdano, minuto ang lumipas bago ito nawala palatandaang nagawa nito ang inuutos ni pirena, matapos noon ay muli niya itong itinago sa loob ng kanyang palad,
"maraming salamat sa lahat ng tulong mo pirena", saad ni berdano rito tyaka sinulyapan ang huwad na asawa, "tayo na akesha", aya niya rito.
"nais pa kitang makausap sandali, engkantado", pigil ni pirena rito, tyaka sila lumayo ng bahagya kay akesha upang hindi nito marinig ang kanilang paguusapan.
"anong ibig mo saakin, pirena?", tanung ni berdano rito.
"narito rin si lira, ang tunay na anak ni amihan", saad ni pirena.
Nangunot naman ang noo ni berdano sa sinabe nito, "anong pinagsasabi mo?",
"dito ko siya dinala noon, pagkat hindi ko siya magawang paslangin", sagot ni pirena, "hanapin mo siya at kapag nakita mosya, ibig kong ikaw ang kumitil ng kanyang buhay", utos niya rito.
"hindi ko akalain na hindi pala totoo ang kinikilalang anak ng mahal ng reyna, at ngayon ako ang gusto mong lumutas ng suliranin mo?", hindi makapaniwalang saad ni berdano sa kanya.
"malaki ang utang na loob mo saakin, kaya't gagawin mo ang aking nais", sagot pa ni pirena sa kanya. "lalo pa't hindi kana naman maaaring bumalik pa sa encantadia, nagkakaintindihan ba tayo hitano?",
Tahimik namang tumango si berdano rito, bilang tugon na ikinangiti ni pirena,
"mainam, ngayon ay makakabalik na ako ng masaya sa encantadia", ngingiti ngiting saad pa niya,
tyaka siya naglakad papasuk muli ng lagusan at naiwan roon sina akesha at berdano na hanggang ngayon ay palinga linga parin sa paligid, inaalam kung saan sila patutungo upang magsimula ng bagong buhay,
Sa lireo naman ay naabutan ni aquil si danaya sa hardin ng palasyo na tahimik at taimtim na pinagmamasdan ang brilyante ng lupa na makinang na lumulutang sa palad nito, takang nilapitan niya ito,
"mahal na sanggre, ano ang iyong ginagawa?", tanung niya rito.
"hindi ko matanggap na wala na si alena, ng hindi namin nakikita ang kanyang bangkay...", sagot ni danaya, "kaya inuutusan ko ang aking brilyante na hanapin ang kanyang katawan", tyaka siya pumikit at makalipas lang ng ilang sandali ay biglang umihip ang isang masuyong hangin na lumukob sa kanilang dalawa,
Habang sa mundo ng mga tao ay nagsisimula ng maglakad sina berdano at akesha upang makahanap ng matitirhan doon, ng bigla silang matigilan sa gitna ng daan ng walang ano ano ay bigla silang paligiran ng mga buhangin na nanggaling sa kung saan kasama ito ng isang malakas na hangin at parang nasa gitna sila ng maliit na ipo ipo ng mga oras naiyon,
"berdano anong nangyayari, anong ibig sabihin nito?", natatakot na saad ni akesha sa kasama habang nakahawak ng mahigpit sa kanyang balabal at ibinalot niya ng Husto sa katawan niya upang hindi ito liparin ng malakas na hangin.
Sa encantadia ay biglang napadilat si danaya tyaka napangiti ng bahagya,
"nararamdaman kosya aquil", saad niya na nilukuban ng pagasa sa mga oras naiyon.
Napalapit naman sa kanya si aquil, "sino?", tanung ng mashna.
"si alena, naabot ng aking kapangyarihan ang kinaroroonan niya", nakangiting saad ni danaya rito,
Samantalang, sa mundo naman ng tao ay napuno ng takot ang magandang si akesha habang hindi parin sila nilulubayan ng malakas na hangin na may kasamang buhangin, nakakapagtaka sapagkat sa kanilang dalawa lang ito umiikot na para bang pinaglalaruan sila nito,
"anong kababalaghan ito?", saad ni akesha habang nakatingala silang dalawa.
"tiyak kung ginagamit ng isa sa mga sanggre ang kanyang kapangyarihan upang tuntunin tayo", saad ni berdano.
"sanggre?", nagtatakang saad ni akesha dito, anong sanggre?",
Hindi sumagot si berdano bagkus ay may inilabas siyang isang bagay na nakabalot sa isang maliit na tela na kinuha niya mula sa kanyang bulsa at ipinakita kay akesha,
"ano yan?", tanung nito.
"anting anting, huwag mong tatanggalin saiyo ito upang hindi tayo matuntun ng mga kaaway, itago mo lang yan ", sagot ni berdano, wala namang pagaalinlangang Kinuha ito ni akesha at isinuksok sa kanyang sariling bulsa at itinago.
Sa encantadia naman ay nagtaka si danaya sapagkat biglang tumigil sa paghahanap ang brilyante ng lupa para sa kanya at kusa itong bumalik sa loob ng kanyang palad, at ang pagasang naramdaman niya kanina ay dagliang naglaho at napalitan ito ng lungkot na naging resulta ng kanyang paghikbi, habang hindi parin siya makapaniwala sa nangyari, tulala niyang minasdan ang kanyang nakabukang palad.
"sanggre danaya, bakit ka tumigil?", takang tanung ni aquil sa kanya.
Lumuluha namang tumayo si danaya mula sa pagkakaupo sa mahabang bangko na naroon at hinarap ang mashna, "hindi ako, kundi ang aking brilyante", sagot niya. "biglang hindi nito maramdaman si alena... Hindi ko na matagpuan ang labi ni alena, aquil kailangan ng maayos na libing ang aking kapatid", dagdag pa niya sa pagitan ng pagluha. "ngunit bakit ganun, bakit hindi nasiya matuntun ng aking brilyante?",
"hush, tama na wag mong masyadong pahirapan ang sarili mo", pagaalo ni aquil rito, tyaka niya ito niyakap at sa kanyang balikat ay doon umiyak ng umiyak si danaya,
"payapa na ang lahat, mabisa nga ang anting anting", saad ni berdano ng walang ano ano ay humupo na ang malakas na hangin at nawala ng biglaan ang buhangin na gumagambala sa kanila kanina, niyuko naman niya si akesha, "kahit na anong mangyari, ay wag na wag mong iaa-alis yan sa katawan mo", saad niya rito.
"sino ba ang mga kaaway na tinutukoy mo, at bakit tila hanggang dito ay sinusundan nila tayo?", naguguluhang saad ni akesha sa kanya.
Sasagut na sana si berdano ng biglang may sasakyang dumating at muntik na silang mahagip noon kung hindi lang mabilis na umatras si berdano at hinila si akesha sa tabi ng daan, ng mapadaan ito sa harapan nila ang ay manghang mangha naman nilang nasundan ng tingin ang papalayong sasakyan,
"anong nilalang iyon?", kunot noong saad ni akesha.
"hindi ko alam, ngunit halikana umalis na tayo", sagot ni berdano tyaka hinila ang babae papalis sa lugar naiyon.
"hara amihan, pinunong imaw maaari koba kayong gambalain?", saad ni danaya ng makapasok sa loob ng maliit na konseho kung saan naroon ang dalawa at naguusap,
Nagangat naman ng tingin si amihan at tinaguan siya,
"danaya, batid kona ang iyong hiling, hiniling narin ito ng iyong kapatid na reyna", saad ni nunong imaw sa kanya, habang umuupo siya sa harap ng mga ito.
"kung ganun ay totoo nga ang kwento may kapangyarihan kang alamin ang naganap sa isang nilalang?", manghang tanung ni danaya rito.
"siyang tunay sanggre danaya, ngunit kailangan mona nating puntahan ang lugar kung saan naganap ang pagpanaw ng inyong kapatid, upang magkausap ng aking tungkod ang kalikasan at mabigyang linaw ang mga nangyari roon", sagot ni nunong imaw.
"sasama ako", agad na saad ni danaya.
"danaya", tawag ni amihan sa kapatid na agad na Lumingon sa kanya, "sa aking sapantaha ay mas ligtas tayo rito sa loob ng lireo, habang hindi pa natin nalalaman kung anong uri ng kalaban ang meron tayo sa labas",
"mas malakas pa ako sa mga kawal mahal na reyna, mas maipagtatanggol kopa si imaw kung kinakailangan", sagot ni danaya rito, "kailangan kong malaman ang totoo amihan upang mapayapa ang aking kalooban", dagdag pa niya,
Tumango naman si amihan kahit na tutol siya sa mungkahi ni danaya, nawa'y gabayan sila ni emre sa kanilang gagawin.
"berdano, kamangha mangha at kakaiba ang lugar naito", saad ni akesha sa kasama, "kakaiba rin ang kasuotan ng mga tagarito",
Sa mundo ng mga tao ay nakarating sa sebelisasyon sina akesha at berdano habang naglalakad sila roon ay panay ang paglinga linga nila sa paligid naninibago sa mga bagong tanawin na nakikita nila, at kahit ang mga taong nakakasalubong nila ay napapalingon rin sa kanila dahil sa kakaibang kasuotan nila na lubhang malayo sa mga tagaroon,
"hindi natin natitiyak kung ang mga nilalang naiyan ay kaaway o kakampi, kaya mas makakabuti kung lumayo nalang tayo sa kanila", saad ni berdano sa kanya, "tara na", aya pa niya kay akesha,
Tyaka sila umusad sa marahang paglalakad sa gilid ng kalsada, habang humahakbang ay napadaan sila sa isang maliit na tindahan doon ay may isang lalaking mas matanda ng bahagya sa kanila na may bitbit na alak, at hindi sinasadyang napalingon ito sa kanila, nangunot ang noo nito sa kakaibang klase ng kasuotan nilang dalawa,
"psst",susot ng lalaki sa kanila, napahinto naman sina akesha at berdano at napalingon sa lalaki, naglakad naman ang lalaki sa harap nila, "anong trip nyo at ganyan ang mga suot nyo, saan ba kayo galing, costume party no?", tanung nito sa kanila.
Nangunot naman ang noo ng dalawa at nakamaang na nakatingin sa lalaki,
"ano bang problema nyo, pare tinatanung kita", saad ng lalaki at hinawakan siya sa balikat,
Nagulat naman si berdano at aktong bubunutin ang Sandata niya na nakalagay sa kanyang likuran, ngunit pinigilan siya ni akesha,
"ssheda, berdano!", pigil ni akesha rito.
Napaatras naman ang lalaki sa gulat, "ano ba relax lang, nagtatanung lang makikipagaway pa, eh anong gusto nyo ha", saad ng lalaki at aktong lalaban pa kay berdano,
Ng bumulong si akesha sa kasama, "berdano, diashne ve viran? (ano't kakaiba ang kanyang salita?)", naguguluhang saad niya.
"ano bang pinagsasabi nyo, siguro mga sira ulo kayo no", saad ng lalaki ng hindi maintindihan ang sinabe ni akesha,
Natigilan naman si berdano at hinarap ang lalaki, "hindi kami nasisiraan ng bait ginoo", saad niya rito, "ang ibig lang namin ng aking asawa ay magkaroon ng kasuotang gaya ng sayo", dagdag paniya habang Napayuko naman ang lalaki at tinignan ang suot na t-shirt, "at nais rin naming magkaroon ng tirahan rito",
"asus, damit at tirahan lang pala ang kailangan nyo eh, makikipagaway pa kayo", saad ng lalaki, "madali lang iyon kung kailangan nyo ng gamit, kailangan nyo rin ng pera pambili, may pera ba kayo? Pera panggastos",
Dumukot naman si berdano ng isang maliit na ginto sa supot na nakatali sa kanyang beywang at ipinakita sa lalaki, "itong ganito, sapat naba to?", saad niya rito,
"ginto ba to?", saad ng lalaki at kinuha ito sa kamay ni berdano tyaka sinipat at tinitigang mabuti, hindi pa na kuntinto at kinagat pa para makasigurado, ng malamang totoo ito ay napangiti ang lalaki, "pwedeng pwede to, tara", yaya nito sa kanya at tyaka tumalikod,
Ngunit pinigilan ito ni berdano tyaka kinuha niya ang braso ng lalaki at tahasang kinuha ang piraso ng ginto sa kamay nito,
"ibabalik ko naman talaga eh, chill kalang... Halina kayo, bilis", saad ng lalaki at pinangunahan ang paglalakad, napasunod naman ang dalawa na tila kinakabahan pa,
Sa harap ng malaking tarangkahan ng palasyo ng lireo kung saan makikitang inihahanda na ni muros ang isang hukbo ng mga kawal na isasama nila ni danaya para sa gagawin nilang paglalakbay ng araw naiyon, noon naman lumabas ng malaking tarangkahan si pirena kasama ni gurna, parehong nakakunot ang noo ng mga ito, wari'y nagtataka sa nakitang maraming kawal na naroon at nakahilera,
"mahal na sanggre", magalang na bati ni muros dito.
"ano ang pakay ng pulutong na maglalayag?", takang tanung ni pirena rito.
"kami ang naatasan upang samahan sina sanggre danaya at pinunong imaw sa kanilang gagawing pananaliksik", sagot ni muros dito.
"pananaliksik, saan?", takang tanung rin ni gurna dito.
"inutusan ng mahal na reyna si nunong imaw na gamitin ang kanyang tungkod upang makita ang kinahaharap na kalaban ng mga diwata, at malaman kung paano napaslang ang sanggre alena", sagot ni muros rito.
Bigla namang tumalikod si pirena rito habang binaha siya ng pangamba ng mga oras naiyon, hindi maaring malaman ng mga kapatid niya ang totoo, masisira ang lahat ng kanyang mga binabalak...
Sa punong bulwagan naman ng mga oras naiyon ay kinausap muna ni amihan si danaya bago ito umalis, upang maghabilin pa ng iilang mga bagay rito,
"danaya, napagusapan namin ni aquil na siya nalamang ang sasama sa inyo ni imaw", saad ni amihan sa bunsong kapatid, "kung muling sumalakay ang mga pumaslang sa ating kapatid, nais niyang malaman ang lakas nila, para maayos niyang maihanda ang ating mga kawal",
"mawalang galang na aquil, ngunit hindi ba ito magagawa ni muros?", saad ni danaya rito,
may inis kasing nararamdaman ngayon ang bunsong sanggre para sa mashna ng mga diwata nahuli niya kasing binibigyan ni alira naswen ang una ng mga bulaklak na malugod nitong tinanggap, at hindi ito nagustuhan ng sanggre lalo na't may malalim siyang pagtingin para rito, at ayaw niyang may kaagaw siya sa puso at atensyon nito... At naiinis siya sa ipinapakitang kabaitan at pagkagiliw nito sa babaeng mashna ng mga sapiryan,
Bumutong hininga naman si aquil, "sanggre danaya, ang isang mabuting pinuno ay hindi basta basta ipinapahamak ang kanyang mga pinamumunuan, at naniniwala kami na ang ating bagong kalabang kinakaharap ngayon ay nagawa ng saktan ang isang magaling na kawal, si hitano", saad niya rito.
"at wala kang tiwala saamin ni muros", inis na saad ni danaya rito.
"danaya, ang katotohanan ay... Ako ang nakiusap kay aquil na sumama sayo", saad naman ng reyna sa kapatid, "mas mapapanatag ang loob ko kung siya ang kasama mo at siya ang nagaalaga sayo", dagdag pa niya.
Samantalang bumagsak naman ang balikat ni danaya, ayaw man niyang makasama ang kinaiinisang mashna ay wala siyang magagawa utos ito ng reyna na hindi niya maaaring labagin, "maglalayag tayo sa lalong madaling panahon", saad niya tyaka agad agad na naglakad palabas ng punong bulwagan,
"alagaan mo ang aking kapatid", bilin pa ni amihan kay aquil na agad namang yumukod sa kanya bilang tugon.
"masusunod", saad pa nito.
Tumango naman si amihan at naglakad narin palabas ng punong bulwagan,
"hindi maaaring malaman nina danaya na may kinalaman ka sa pagkawala ni alena", nababahalang saad ni gurna kay pirena ng muli silang makapasok sa silid nito, "kung hindi ay mabibigo tayo kapag nalaman nila ang totoo",
"wagkang magalala gurna, meron naakong naisip upang manatiling lihim ang aking nagawa", nakangiting saad ni pirena rito,
Napataas naman ang kilay ng dama, "papano?", tanung nito sa kanya.
Sa mundo ng mga tao ay dinala naman ng lalaki sina akesha at berdano sa isang babaeng bumibili ng ginto, at doon nga sa tahanan nito ay sinipat nito gamit ang isang magnifying glass ang isang pirasong gintong galing kay berdano,
"berto, totoo ngang ginto ito saan mo ba nakuha ang mga ito?", bulong ng babae sa lalaking nagngangalang berto ng masipat niyang mabuti ang hawak,
"dito sa dalawang ito, parang weirdo lang pero mukha namang may kaya", sagot ni berto sa babae, habang sinusulyapan naman ng huli ang nananatiling tahimik na sina akesha at berdano na nakaupo di kalayuan sa kanila,
"diba pinaparentahan mo itong bahay mo, naghahanap kasi ng matitirhan itong mga kasama ko eh", saad ni berto sa babae habang itinuturo ang loob ng bahay na kinaroroonan nila, tyaka bumaling sa dalawa, "okey naba sa inyo ito, malaki sa loob niyan at tyaka kasyang kasya kayo", saad pa niya sa mga ito.
"at tyaka kompleto na ang gamit diyan sa loob", nakangiting saad pa ng babae sa kanila.
"maaari na saamin ang kahit na ano", sagot ni berdano sa kanila.
"yon naman pala eh, ipakita mo sa kanila ang loob", mando ni berto sa babae.
Tumayo naman ang babae at inaya silang dalawa, "halikayo ipapakita ko sa inyo ang loob", saad niya,
"halikayo pasok tayo", aya rin ni berto sa kanila, habang nauna na sa pagpasok ang babae.
"ginoo", tawag naman ni akesha kay berto, "papaano ang aming mga kasuotan?",
"sige mamaya dadalhin ko sa sanglaan itong binigay nyong ginto tapos, pagka nakuha kona iyong pera ako ng bahala sa mga gamit nyo, bibilhan ko kayo ng kahit na anong kailangan nyong kasuotan", saad ni berto sa dalawa, "pero pwede bang magtanung, saan ba talaga kayo galing... kasi kakaiba talaga yong mga itsura nyo eh", takang tanung pa nito.
"mas makabubuti pang huwag kanalang magtanung, lalo na't tila na iibigan mo ang aming ginto", saad ni berdano at nilagyan niya ng dalawang pirasong ginto ang palad nito.
Nanlaki naman ang mata ni berto tyaka bahagyang ngumisi, "sino bang nagtatanung kayo nga ang naghahanap ng tirahan diba, halika pasok na kayo", aya nalang niya sa mga ito,
Sumunod naman sina akesha at berdano rito upang tignan ang bago nilang tirahan dito sa mundo ng mga tao.
Sa harap naman ng pintuan ng punong bulwagan ay naroon si nunong imaw habang hinihintay na matapos maghanda ang bunsong sanggre, inaaliw naman siya ng tatlong lambana habang nilapag lang niya sa mahabang bangko ang kanyang mahiwagang tungkod,
Samantalang dumating naman sina gurna at pirena upang isagawa ang pinaplano nila kanina, nagtago muna sila sa gilid ng malaking poste malapit sa kinaroroonan ni nunong imaw, at doon ay ginamit ni pirena ang kanyang kapangyarihang makagaya ng wangis ng kung sino man, at sa pagkakataong ito ay ginaya niya ang wangis ng punong damang si ades,
Ng makapagpalit na ng anyo si pirena ay naglakad na sila ni gurna patungo sa nakatawang si nunong imaw,
"pinunong imaw", nakangiting saad ni gurna rito,
Napalingon naman si nunong imaw sa dama, "oh, gurna", saad din nito,
Samantalang pumuwesto naman ang huwad na ades sa likod ni nunong imaw kung saan siya malapit sa mahiwagang tungkod nito,
"napagalaman kasi ni sanggre pirena na kayo ay maglalakbay kasama ni sanggre danaya, nais niyang ipabaon sa inyo ang paborito ninyong maaasim na akshit", saad ni gurna at ipinakita niya rito ang dalawang bugkos ng prutas na bitbit niya,
"ay, salamat naman", masayang saad ni nunong imaw tyaka inabot ang mga ito sa dama, sinadya pang ihulog ni gurna ang isang bugkos upang malingat ang matandang adamyan at magawang kuhanin ng palihim ng huwad na ades ang tungkod nito,
"ay, hindi ko sinasadya pinunong imaw", saad ni gurna at agad na pinulot ang nahulog na bugkos ng mga prutas sa sahig,
"ah, wala kang dapat ikahingi ng tawad gurna, makakain parin naman yan ilagay molang diyan", nakangiting saad ni nunong imaw rito,
habang walang kaalam alam ang matandang adamyan na bitbit na ng huwad na si ades ang tungkod niya, at dahan dahan itong umalis doon na hindi pansin ng matanda dahil abala ito kay gurna,
Nakita naman ni gurna na nakaalis na ang huwad na ades dala dala ang tungkod, kung kaya ay inilapag nalang niya sa mahabang upuan ang dala dalang mga prutas,
"at pakisabi nalang kay pirena na maraming salamat sa kanyang pagaalala", dagdag pa ni nunong imaw,
"Makakarating pinunong imaw", magalang na saad ni gurna rito, tyaka yumukod at naglakad na paalis,
Noon naman dumating si muros at magalang ring yumukod sa matandang adamyan na tinanguan ng huli,
"pinunong imaw, inaantay napo kayo ni sanggre danaya", saad ni muros.
"ah, sandali lang", saad nito tyaka binalingan ang mahabang upuan na pinagpatungan niya ng kanyang tungkod, ngunit nagimbal ito ng makitang wala naito roon, "ang tungkod ko, ang aking balintataw nawawala", nababalisang saad nito habang tinitignan ang paligid niya baka nahulog lang ito sa kung saan, tumulong narin sa paghahanap si muros ngunit hindi nila nakita roon ang tungkod ng matandang adamyan,
"halughugin nyo ang buong palasyo, maaaring narito pa ang kumuha ng tungkod ni pinunong imaw", utos ni aquil sa halos lahat ng kawal na tinipon nila roon sa loob ng punong bulwagan,
Ng makarating sa kanila ang masamang balita na ninakaw ang mahiwagang tungkod nito, agad na alarma ang lahat at tinipon silang lahat,
"hindi ko talaga maiwasan, na isipin na may taksil dito sa lireo", pagpaparinig ni danaya,
"masama ang magbintang danaya", saad naman ni amihan sa kanya.
"ashti danaya, sino paba ang nakakaalam ng pakay ninyo ni pinunong imaw sa inyong paglalakbay", tanung ng huwad na lira.
Napaisip naman si danaya tyaka humakba at naglakad paroon at parito sa harap ng mga kawal, "hindi kaya... isa sa ating mga kawal ang may itinatago?", saad pa niya,
"tapat ang ating mga kawal danaya, at nakakasiguro ako na nais rin nilang alamin ang nangyari sa ating kapatid", depinsa ni pirena sa mga ito at naglakad rin sa tapat mismo ni danaya,
"tama si pirena, danaya magtiwala nalang tayo na mahahanap natin agad ang tungkod ni imaw", saad rin ni amihan sa kanya, tyaka siya naglakad at umakyat sa kanyang truno,
Samantalang nagtitigan naman ng masama sina danaya at pirena, ngunit naputol lang ito ng magsalita si aquil,
"mga kawal, maaari na kayong umalis", saad niya sa mga ito, at agad namang nagmartsa palabas ang mga ito sa punong bulwagan,
"isang suliranin si danaya, kailangang mawala ang mga pagdududa nya", seryosong saad ni pirena, ng makabalik uli sila ni gurna sa kanyang silid, may hawak siyang kopita noon ng alak at maya maya ang lagok niya rito, ganito siya lagi kapag may malalim siyang iniisip,
Napangiti naman si gurna na may dalang bote ng alak, "madali lang ang sagot sa mga suliranin mo sanggre pirena", saad ng dama sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo, "nagawa nyong mawala si alena, at panahon na para isunod nyo si danaya sa inyong kapatid", nakangiting suhestyon nito sa kanya.
Natahimik naman si pirena at pinagiisipang mabuti ang minungkahi ng kanyang dama,
Sa balkonahe naman ng palasyo ay nakapagsalirinan ng tanghaling iyon sina nunong imaw at amihan, habang may pinaguusapan silang seryosong bagay,
"hindi malayong may pinanggagalingan ang kinatatakutan ni danaya, mahal na reyna", saad ni nunong imaw sa reyna. "maging ako ay napapaisip sa nataong pagkawala ng aking tungkod", dagdag pa nito.
"kung totoo ang iyong sapantaha imaw ay mas matindi ang ating suliranin, dahil ang ibig sabihin nito...ay nasa loob ng palasyo ang ating kalaban", nababahalang saad ni amihan dito.
"totoo ba muros na pinagsalitaan ng masama ni sanggre danaya ang ating mga kawal?", hindi makapaniwalang saad ni aquil dito,
"na lubhang nagpasakit ng loob ng ating mga sundalo pagkat hindi lang sila pinagsalitaan ng masama ni sanggre danaya, inakusahan pa sila ng pagtataksil", kompirma ni muros habang magkaagapay na naglalakad sila sa mahabang pasilyong iyon ng palasyo,
Matapos kasi ng kaguluhan sa punong bulwagan kanina, ay napagpasyahan muna ni muros na magsanay kasama ng iilang mga kawal sa silid kung saan nilalagay ang mga armas, malaki kasi ang lugar naiyon at maaaring pagensayuhan, at sa gitna ng kanilang pagsasanay ay bigla nalamang pumasok si sanggre danaya roon, galit na galit sa kanila at inaakusahan pa sila na siyang pumatay kay sanggre alena, at kung ano ano pang pagpaparatang ang sinabe nito sa kanila, na wala namang katotohanan,
matapos ng tagpong iyon ay sinadya agad niya ang kanilang mashna upang isuplong rito ang ginawa ng sanggre danaya sa kanila,
Bumutong hininga naman si aquil, "muros, kayo nalang muna ang umunawa kay sanggre danaya, kapapanaw palamang ni sanggre alena, kaya marahil hanggang ngayon ay dala dala parin niya ang galit sa pagkawala nito, maging kayo ay pinakitaan niya ng hindi maganda, kaya pagpasensyahan nyo nalang siya", saad nalang niya dito, tyaka niya ito tinapik sa balikat at iniwan ito sa tahimik na pasilyong iyon.
Naiwan naman roon si muros na nagtataka rin bakit kaya nagawa ito ng sanggre sa kanila, para siyang ibang nilalang kanina na nagbalat kayo bilang siya, ibang iba sa ugali niyang kahit matapag, at may katigasan ang personalidad ay hindi ugali ng bunsong sanggre ang manakit ng walang dahilan,
"tila kinagigiliwan kona ang aking bagong wangis naito", saad ni pirena habang nasa anyo parin siya ng kanyang bunsong kapatid, at sinisipat ang sarili sa salamin,
"pirena, ang mabuti pa'y bumalik kana sa dating mong anyo baka may makakita pa sayo", nagaalalang saad ni gurna rito habang napapasilip sa pintuan ng silid ng sanggre,
Naglakad naman si pirena at umupo sa dulo ng kanyang higaan, "ngunit hindi paako tapos, may mga bagay pang kailangang gawin si danaya, upang tuluyan na silang magkagalit ni amihan", saad niya at ngumisi,
Kinahapunan Sa punong bulwagan ng palasyo kung saan nakaupo ang reyna sa kanyang truno habang kaharap ang matandang adamyan,
"imaw, hindi kaya nailabas mo ng palasyo ang iyong tungkod ng hindi mo nalalaman?", tanung ni amihan dito matapos ng isang buong araw na paghahanap sa nawawala nitong mahiwagang tungkod,
"yan nga ang ipinagtataka ko mahal na reyna", tugon ni nunong imaw sa kanya,
"madaling napansin ni nunong imaw ang pagkawala ng kanyang tungkod, at para malagpasan ang mga kawal ay kailangan ng magnanakaw ng kakayahang maglaho", saad ni aquil,
"at ang mga sanggre lang ang may kapangyarihang maglaho", dagdag pa ni nunong imaw,
"kung papaano man ito nawala, maaaring nailayo nanga ang tungkod mo pinunong imaw hindi na natin ito mahahanap pa, liban nalang kung may magsauli nito", saad pa ni danaya,
"danaya", saway ng reyna sa kanya,
"mawalang galang na pinunong imaw, ngunit hindi maaaring umikot lamang ang buong lireo sa paghahanap ng nawawala mong tungkod", saad pa ni danaya sa matandang adamyan, tyaka siya tumayo at humarap naman sa reyna, "amihan, nais ko paring alamin kung ano ang nangyari kay alena, sa iyong pahintulot ay nais kung magtungo sa lugar kung saan ko nakita si pirena, upang may makita pa akong hindi nasabi saatin ng ating kapatid", saad pa niya rito.
"kung yan ang makakapagpanatag ng iyong loob danaya", sangayun ng reyna sa kanya, tyaka binalingan ang mashna, "aquil, pangalagaan mo ang aking apwe",
"masusunod mahal na reyna", saad ni aquil at magalang na yumukod dito, bago sila magkasunod na lumabas ni danaya sa punong bulwagan,
Sa dalampasigan kung saan naganap ang panlilinlang ni pirena kay alena, at ang huling lugar na napuntahan ng ikatlong sanggre matapos siyang mawalan ng ala ala, Doon nagtungo sina danaya at aquil habang magkaagapay na binabaybay ng dalawa ang dalampasigan upang maghanap ng ebidensya sa pagkawala ng magandang sanggre,
"sanggre danaya, hindi na dapat tayo lumayo sa ating mga kawal", tawag ni aquil rito.
Huminto naman si danaya at inis na binalingan ang makisig na mashna, "hindi kita pipilitin kung nais mo nang bumalik sa kanila, ngunit hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang tunay na nangyari kay alena", matigas na saad niya tyaka niya ito iniwan roon,
Naiwan naman si aquil na napatingin nalang sa papalayong pigura ng iniibig na sanggre, at habang napapabutong hininga siya ay hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa buhangin at roon ay may nakita siyang mga kakaibang bakas ng mga yapak ng paa,
Kunot noo niya itong tinitigang mabuti, nasa ganuon siyang tagpo ng bigla bigla nalang ay may pumalo ng kanyang ulo, at dahil malakas ito kung kaya siya ay bumagsak at nawalan agad ng malay,
Minuto ang lumipas ng mapansin ni danaya na hindi na nakasunod sa kanya ang mashna, huminto siya at Lumingon, upang magulantang lang ng makitang nakabulagta na sa buhangin si aquil at walang malay,
"aquil!", tawag niya dito na agad niyang dinaluhan, ng makalapit ay sinubukan niya itong gisingin, ngunit bagsak talaga ito,
Tumayo naman siya mula sa pagkakaluhod sa walay malay na mashna, at inihanda ang sandata habang inililinga ang paningin sa paligid, hinahanap ang responsable sa pagkahimatay ng kasama, ngunit sa hinuha niya ay nakalayo naito at hindi na niya mahahanap pa,
