Chapter 21 - - siphayo ng mga sanggre - -
"kaylaki ng tungkulin na iniwan saatin ng ating yna", saad ni alena, kinabukasan sa kanyang silid ng pumasok ang kanyang kapatid na si pirena roon upang kumustahin siya,
Nakaupo ang magandang sanggre sa harap ng kanyang mesa habang malungkot na nakatingin sa brilyante ng tubig na makinang na lumulutang sa ibabaw ng kanyang palad.
"tungkuling hindi man lang niya inalam kung gugustuhin ninyo", dagdag pa ni pirena sa sinaad ni alena habang titig na titig sa brilyanteng nasa palad ng kapatid. "at para saan, para sa digmaang hindi naman nangyari?",
Itinago naman ni alena ang hawak na brilyante sa kanyang palad at minasdan ang kapatid, "ginawa niya lang kung anong mas makabubuti para sa encantadia", sagot niya dito.
"ngunit ito ba ang makabubuti para saiyo?", tanung ni pirena dito na dagliang natahimik at tila napaisip, Bumutong hininga naman ang una, "matagal ng payapa ang encantadia, hindi ba panahon na para ikaw naman ang gumawa para sa ikabubuti mo?",
Nangunot naman ang noo ni alena, "ano ang ibig mong sabihin pirena?",
"alena, hindi ka mapipigilan ng ating yna kung nais mo nang isuko ang pagiging tagapangala ng brilyante", saad ni pirena. "nanahimik na ang hathoria, at ang mga natitirang adamyan ay pinamumunuan na nating mga diwata, naisip ko lamang para saan pa ang tagapagbantay ng mga brilyante",
Napaisip uli si alena, tyaka biglang tumulo ang kanyang luha sa kanyang mga mata, "para saan pa na nasa akin ang brilyanteng ito, kung hindi ko naman magagamit ng Tama... Wala akong nagawa para iligtas si ybarro... Sa ating magkakapatid ako ang pinakamahina sa pakikipaglaban, maging sa paghahanap ng mga nawawalang nilalang ay hindi ko nagawa ng maayos, kung tutuusin pirena ay wala akong silbi, wala akong silbi, liban sa pagmamahal kay ybarro", saad niya na tuluyang napahagulgul sa kinauupuan niya noon. "kaya mabuti ng... Mabuti ng... Sundan kona lang ang aking minamahal", saad niya.
Biglang Napaatras naman si pirena sa gulat, nanlalaki ang matang nilapitan niya ang kapatid, "alena, hindi mo papatayin ang iyong sarili!", may galit sa tuno ng sinabe niya ito dito.
"at bakit hindi pirena?", saad ni alena na tuluyang napatayo habang hilam sa luha ang mga mata,
"pagkat malaking kasalanan ito sa bathalang emre, papaano mo susundan ang iyong minamahal kung hindi ka papapasukin sa devas?", saad ni pirena.
Nagsukatan ng tingin ang dalawang sanggre, naputol lang ito ng dumating si gurna.
"sanggre pirena, naghihintay na ang diwani lira para sa kanyang aral", saad ni gurna at magalang na yumukod sa kanila.
"alena...", saad ni pirena na may pagmamakaawa sa mga titig nito na iginawad niya sa kapatid.
Naunawan naman ito ni alena kaya niya ito tinanguan, "huwag kang magalala pirena hindi ko gagawin ang kinakatakot mo, kaya sige na at puntahan mona ang ating pamangkin", saad niya dito.
Tumango si pirena bilang tugon bago naglakad papalabas ng silid ng kapatid, kasunod ng kanyang dama, dumiretso ang dalawa sa silid ng sanggre.
"wala pa ang iyong hadia, sinabe ko lamang iyon dahil nais kitang makausap ng magisa", tahasang saad ni gurna.
Napasinghap naman si pirena ng mapatingin dito, "tila nakakalimutan mo kung sino sa ating dalawa ang anak ng yumaong reyna, dama", taas ang kilay na saad niya rito.
"tila nakakalimutan mo na rin kung papaano ka pinagtaksilan ng iyong mga kapatid mahal na sanggre", sagot naman ni gurna rito.
Inis namang tumalikod si pirena rito, "anong pinagsasabi mo?", tanung niya.
"bakit mo pipigilan si alena sa kanyang nais na pagpapakamatay?, hindi moba naisip na kapag nawala ang isa sa kanila ay mababawasan narin ang mga kalaban mo kapag nailipat na kay lira ang truno ng lireo, bagay na kung hindi mopa nakakalimutan ay kailangan narin nating madaliing mangyari", saad ni gurna. "huwag mo namang hayaang lumambot ang iyong sarili dahil lang nakikita mong umiiyak ang iyong kapatid",
Bumutong hininga naman si pirena at hinarap ang dama, "kung si amihan iyon o si danaya... Si alena ang kaisa isa kung kapatid na tanging may malasakit at may pagkalinga saakin", sagot ni pirena.
Napaismid naman si gurna, "sa tingin mo magkakaroon parin ba siya ng malasakit at pagkalinga kapag nalaman niya ang tunay mong pakay?, at isa pa mamamatay rin naman siya oras na maghari na si hagorn sa buong encantadia pinatatagal mo lang ang pagdurusa niya", paliwanag nito sa kanya.
Natahimik naman si pirena sa sinaad ng kanyang dama, may katotohanan naman kasi ang sinabe nito, tiyak na kamumuhian siya nito kapag nalaman nito ang totoo na kaya siya bumalik sa lireo ay upang maghiganti.
"estasectu!", saad ni pirena sa apat na kawal na mga sapirian, isang hapon habang siya ay nagsasanay kasama ng mga kawal na agad naman siyang pinalibutan habang may hawak ang mga itong pananggalang at mga sandata.
Lumapit ang isa sa kanya at inundayan siya ng hampas ng sandata nito na sinalag niya gamit ang kanyang sariling espada tyaka niya hinawi sa gilid, lumapit naman ang ikalawa na nasa kanyang likuran ngunit tinadyakan niya lamang ang pananggalang nito kaya ito napaatras, bumigwas naman ng isang wasiwas ang ikatlo na iniwasan niya lang sa pamamagitan ng pagyuko at ng makalampas ang sandata nito sa ulo niya ay ginantihan niya ito ng tadyak rin sa pananggalang nito at tulad ng ikalawa ay napaatras din ito, sumugud din ang ikaapat na nagwasiwas rin ng sandata nito sa kanya sinalag din niya ito at napagekis ang kanilang mga espada, ngunit ubud lakas na tinulak ito ni pirena gamit ang dalawang kamay na nakahawak parin sa sandata niya, at sa isang mabilis na paggalaw at sa galing niya sa paghawak ng sandata ay sabay niyang napaatras ang apat na kawal.
Noon naman may dumating na isa pang kawal na diwata, at magalang itong yumukod sa kanya, "paumanhin sanggre pirena, may nais makipag usap sa inyo si prinsepe asval ng sapiro", ulat ng kawal sa kanya.
Nangunot naman ang noo ni pirena sa pangalang ngayon niya lang narinig, "prinsepe asval ng sapiro, sino siya at anong kailangan niya saakin?", tanung niya rito ngunit binalingan niya muna ang apat na sapiriang kawal, "tapos na ang ating pagsasanay", saad niya sa mga ito na kinalampag lang ang mga dala nilang pananggalang bilang tugon, bago sila umalis sa silid naiyon, "papasukin mo na ang prinsepe ng sapiro", saad niya sa diwatang kawal ng makaaalis ang iba.
Umatras naman ang kawal at tumayo sa gilid ng pintuan, "maaari ng pumasok si prinsepe asval ng sapiro", saad nito,
At mula sa pintuan ay pumasok ang isang engkantado na may napakalawak na ngiti at may dala dala itong bugkos ng pulang bulaklak, diri diretso itong naglakad sa harap ni pirena at inalok kaagad sa kanya ang dalang bulaklak,
Samantalang taas kilay lang na minasdan ito ni pirena, minuto ang lumipas bago na batid nito ang kamaliang ginawa, umatras ito at ibinaba ang kamay na may hawak na bulaklak tyaka ito magalang na yumukod sa sanggre bagay na dapat kanina paniya ginawa.
"avisala sanggre pirena, nais ko sanang magpakilala sa iyo", saad nito na tinanguan naman niya.
"nabanggit na saakin kung sino ka, ano ang iyong kailangan saakin?", tanung ni pirena rito.
"nais ko lamang makipagkilala at makipagkaibigan saiyo kung iyong ipapahintulot", sagot ni asval.
"hindi ka makikipagkilala at makikipagkaibigan kung wala kang motibo", saad ni pirena tyaka tumalikod dito. "ano ang iyong pakay?",
Ngumiti naman si asval, "kailangan ko pa bang aminin na... Ako'y humahanga saiyo, kahit noong una palamang kitang makita... Tyaka ano paba ang dahilan ng isang engkantado para bisitahin ang isang diwata na kapwa walang pananagutan sa sino man", saad niya.
Ngumiti naman si pirena at humarap dito, "natutuwa ako na tapat kang magsalita, at kung isa kangang tunay na may dugong bughaw, hindi rin naman masama na ako'y iyong nilalapitan", saad niya. "lalo pa't sa tingin ko ay nararapat nga tayo para sa isa't isa",
Tila nabuhayan naman ng loob si asval sa mga sinambit ni pirena, kaya dahan dahang siyang naglakad papalapit dito sa pagaakalang may pag asa siya rito,
"ngunit ako ay may mahaba pang landas na tatahakin", biglang saad ni pirena at naglakad palayo kay asval, noon naman may pumasok na isa pang engkantado sa silid at magalang itong yumukod sa kanya, na nanatili lang na nakatayo malapit sa pintuan,
"Mga katungkulan na nais pangarapin, wala akong panahon sa isang engkantadong gaya mo, avoya nun des (maiwan kona kayo) asval, prinsepe ng sapiro", saad niya dito at sa kasama nitong engkantado, bago siya taas noong naglakad palabas ng silid naiyon.
Samantalang naiwan sina asval at ng kasama nitong engkantado roon, "balang araw, magniningas din para saakin ang lapastangang sanggre ng apoy", saad niya sa kanyang kasama.
Matapos ng tagpung iyon sa pagitan ni pirena at prinsepe ng sapirong si asval ay naggayak muli siya sa kanyang kasuotang pang sanggre, at tinungo si nunong imaw sa silid ng maliit na konseho at doon naabutan niya ito na nagiisa,
Lumapit siya dito at ngumiti, "avisala imaw, may nais lamang akong itanung sa iyo", saad pa niya.
"ano yon?", tanung ng matandang adamyan.
"hindi naman mahirap sagutin ang aking katanungan imaw, nais ko lamang tanungin kung ano ang katayuan ni lira sa konseho", saad niya rito,
"ang totoo sanggre pirena, wala saamin ang nakakakita na siya ang karapat dapat na maging Reyna", sagot ni nunong imaw na ikinawala ng ngiti ni pirena, "kung dumating ang pangangailangan na palitan ang reyna amihan, ay hindi kami magdadalawang isip na pumili muna sa isa sa inyo nina danaya, at alena upang humalili muna sa truno ng lireo",
Nangunot naman ang noo ni pirena sa bagong nalaman, "maaari ninyong gawin yon?", nasambit niya.
"kung iyon ang makabubuti sa buong encantadia, sanggre pirena", sagot pa ni nunong imaw.
Natigilan naman si pirena at napaisip tyaka siya nagpakawala ng lihim na ngiti, may naiisip nanaman kasi siyang magandang plano para sa mas ikabubuti niya.
Samantalang umiiyak na napatakbo ang huwad na lira sa labas ng palasyo malapit sa kagubatan, gabi na noon ngunit walang pakialam ang diwani sapagkat lubha siyang nasaktan sa mga narinig niya ngayon ngayon lang, naroon kasi siya ng magusap ang kanyang ashti pirena at si nunong imaw,
Wala ni isa man sa mga kauri niya ang naniniwalang magiging mabuti siyang reyna para sa lireo balang araw, wala kahit na ang kanyang yna... Liban nalang siguro sa kanyang ashti pirena na mula pa noon ay hindi nawala ang tiwala nito sa kanya, ang kanyang ashti pirena na mula pa noon ay para na niyang ikalawang yna.
Ngunit wala roon ngayon ang kanyang isip, papaano nila nasasabi iyon sa kanya siya na ginawa ang lahat upang maging karapat dapat sa truno ng kanyang huwad na yna, sapol sa kanyang pagkabata , galit na galit siya habang ipinapadyak ang paa sa lupa paulit ulit kasi sa kanyang isipan ang mga katagang binitawan nina nunong imaw at ang matang si cassiopea, mga katagang nagsasabing hindi siya nararapat na maging reyna,
"avisala, diwani lira", saad ng isang nilalang sa kanyang likuran.
Natigilan naman ang diwani at dahan dahan siyang humarap dito, hindi niya ito na mumukhaan ngunit nakakatakot ang presensiyang dala nito, at sapat na iyon upang dahan dahang siyang mapaatras sa takot.
Ngumiti naman ang nilalang at itinaas ang mga kamay nito, "huwag kang matakot, huwag kang matakot, hindi ko kayang saktan ang magiging reyna ng lireo", saad pa nito.
Napabutong hininga naman ang diwani, "kung ganun saktan mo ako, sapagkat hindi na ako magiging reyna kaylan man", matapang na saad niya.
Nangunot naman ang noo ng nilalang sa sinaad niya.
"nakumbinsi moba si pinunong imaw na pagkatiwalaan si lira bilang reyna?", tanung ni gurna kay pirena, ng makabalik ang huli sa kanyang silid at ngingiti ngiting nakadungaw sa kanyang bintana habang umiinom sa tangan nitong kopita na may alak,
"mukhang hindi na natin kailangang gawin iyon gurna, ayun kay imaw maaaring isa saamin nina danaya at alena ang pipiliin para humalili kay amihan sa pagkakataong kailanganin ng bagong reyna ang lireo at hindi parin handa si lira", sagot ni pirena.
"at sa tingin mo... Ninyo, ikaw ang pipiliin?", tanung ni gurna tyaka naglakad papalapit sa kanya, "uunahin nila ang mapagmahal na si alena, at kung hindi maaaring humalili si alena, siguradong hindi magpapatalo sayo si danaya", saad pa niya.
"kung ganun ay sisiguraduhin kung walang silang pagpipilian bukod saakin" saad ni pirena at pareho silang napangiti sa isa't isa ng gabing iyon sa ilalim ng liwanag ng dalawang buwan sa lireo.
"isa akong kahihiyan sa aming mga diwata", malungkot na saad ng diwani sa nakilalang nilalang ng gabing iyon, nakaupo siya sa isang malaking bato habang nakatayo naman ang nilalang sa tabi niya habang nakikinig ito sa hinaing niya.
"hindi palamang nakikita ng inyong konseho ang nagagawa ng iyong kakayanan", saad nito sa kanya.
"hindi mo naintindihan, walang naniniwala saakin na kaya kung maging reyna", saad ng diwani at tumulo uli ang kanyang luha, "hindi ang aking sariling yna, hindi ang aking mga ashti, at maski ang manghuhula ay sinabe saakin na tatalikuran ko ang truno",
"at ganun ba ang gagawin mo?", tanung nito sa kanya.
Tumayo naman ang diwani sa pagkakaupo sa bato tyaka humarap sa nilalang, "anong truno ang aking tatalikuran, ang pagiging prinsessa",
Ngumiti naman ang nilalang at lumapit sa kanya, "huwag kang panghinaan ng loob, diwani lira naniniwala ako na kaya mong patunayan ang iyong sarili at naniniwala ako na ikaw ang magiging reyna ng lireo", saad nito.
Tumingin naman sa kanya ang diwani at ngumiti rito, "eshma (salamat), napakabuti mo", saad niya rito.
"lira?!",
"si yna", gulat na saad ng diwani ng marinig ang tawag sa kanya ng reyna.
"lira!",
Hinahanap na pala siya nito, ngunit ngumiti uli siya sa nilalang at hinawakan ito sa balikat, "huwag kang magalala, haring hagorn, hindi ko ipapaalam sa aking yna na nagkausap tayo",
Napamaang naman si hagorn tyaka ngumiti, "kilala mo ako?",
"sino ang hindi nakakakilala sa hari ng hathoria", saad naman ng diwani. "kinakatakutan ka ng mga diwata pero nagkamali silang lahat sayo",
"hindi mo sasabihin sa iyong yna na nagkausap tayo?", tanung uli ni hagorn.
Nakangiti namang tumango ang huwad na lira, "pero sa isang kondisyon, gusto kung makita kang muli",
Ngumiti rin si hagorn at hinimas ang ulo ng diwani tyaka siya tumango bilang tugon.
"avisala mahal na sanggre, ito na ang gabi na iyong pinakahihintay, ang pagtatapos ng banyuhay ng mga lambana", saad ni nunong imaw kay alena ng makita niya itong tuwang tuwa na nakatanaw sa labas ng balkonahe,
Mula kasi sa madilim na kalangitan ay makikita roon ang napakaraming kumpol ng mga lambana na sabay sabay na lumilipad patungong palasyo, at mula sa madilim na gabi ay nagmistula silang isang bolang liwanag na lumulutang patungo sa kanila.
"siguro'y matagal kanang nangungulila sa iyong mga kaibigan at damang si muyak", dagdag pa ni nunong imaw.
Nakangiti namang tumango si alena, "oo imaw, tandang tanda kopa noong nag paalam si muyak saakin, bagong silang palamang si lira noon", saad niya, tyaka naglakbay sa nakaraan ang kanyang isip noong huling kita niya rito...
"mahal na sanggre magpapaalam naako, panahon na ng banyuhay ng mga napiling lambana", saad ni muyak isang umaga kay alena.
"mangungulila ako sa pagkawala mo muyak", saad naman ng magandang sanggre.
"hayaan mona mahal na sanggre, saaking pagbabalik sabay nating ipadiriwang ang pagbabagong mangyayari saakin", saad ni muyak at ngumiti rito.
"kung ganun ay, avisala meiste, muyak (paalam, muyak)", pagpapaalam ni alena dito.
"avisala eshma (maraming salamat), mahal kung alaga", sagot naman ni muyak, "ngayon ay kailangan ko ng magpaalam sa iba pang mga sanggre", dagdag pa nito,
"magiingat ka muyak", saad ni alena na tinanguan ng lambana tyaka ito lumipad papaalis kung saan niya matatagpuan ang iba.
... Matapos noon ay napabalik sa realidad ang kanyang isip.
"bakit pa kasi kailangan pa niyang mawala ng matagal", palatak ni alena kay nunong imaw.
"dahil kailangan mahal na sanggre", sagot ni nunong imaw, "ang mga napiling mga lambana ay dapat dumaan sa isang pagbabanyuhay sa isang malayong lugar sa encantadia na sila lamang ang may alam at matapos ng matagal na panahon sila ay lalabas sa kanilang mga bahay uod, at meron na silang mga makukulay at magagandang mga pakpak na parang paro paro at sa tamang panahon sila ay magiging retre, mga paro paro ni bathalang emre na sumusundo sa mga nilalang na mamatay at sila ang maghahatid sa mga kaluluwa patungong devas", mahabang paliwanag niya sa magandang sanggre.
Sakto namang nakarating na ang lupon ng mga lambanang may mga asul na pakpak na paro paro, at nagsipasukan na sila sa loob ng palasyo,
"imaw, tignan mo nariyan na sila", masayang saad ni alena habang kinakawayan ang mga lambanang dumaraan sa kanilang harapan,
pati ang mga diwatang naroon din na nakikinood ay nakikaway narin, at masayang sinasalubong ang pagbabalik ng mga lambanang kaibigan,
"avisala mga lambana, maligayang pagbabalik sa lireo", saad rin ni nunong imaw sa mga ito.
"imaw, nakikita moba si muyak?", tanung ni alena habang hinahanap sa lupon ng daang daang lambana ang munting kaibigan.
Napamaang naman si nunong imaw dahil hindi rin niya ito mahanap.
"butil! Nakita moba si muyak?", tawag ni alena sa kilalang lambanang napadaan sa harapan niya.
Napahinto naman ito at magalang itong sumagot sa kanya, "agape avi, sanggre alena, ngunit hindi po sumali si muyak sa pagbabanyuhay naming mga lambana, wala ho ba siya dito sa lireo?", balik tanung nito sa kanya.
"matagal na siyang wala", nasambit ni alena na may pagtatakang lumarawan sa kanyang mukha. "sigurado kaba diyan butil?",
"natitiyak kopong hindi namin siya kasama", sagot nito.
"pati ba naman si muyak iniwan ako", may pagtatampo sa tuno ni alena ng sambitin niya iyon. "napakarami konang siphayo dito sa lireo, una si ynang reyna... Pangalawa si ybarro, tapos ngayon si muyak... Suko na ako", saad niya tyaka siya nagmadaling umalis sa lugar naiyon.
"alena sandali!", tawag pa sa kanya ni nunong imaw ngunit hindi siya pinansin nito, "hay, nakakapagtaka ano nga kaya ang nangyari kay muyak makalipas ng maraming taon", saad pa nito.
