Chapter 25
Kinagabihan sa lireo ay humahangos na pumasok ng punong bulwagan si ades at agad niyang tinungo si amihan na nakaupo sa kanyang truno noon,
"mahal na reyna, may kaguluhan sa kabukiran natin nagkakagulo ang mga asquillesue (magsasaka)", ulat ni ades rito.
"at bakit sila nagkakagulo?", saad ni imaw na naroon din,
napatayo naman si amihan mula sa kanyang truno at lumarawan agad sa kanyang kaakit akit na mukha ang pagkabahala at pagtataka,
Samantalang nagimbal naman ang huwad na lira ng magtungo siya sa kabukiran malapit sa kabayanan ng lireo, doon ay nakita niyang nakaluhod na lumuluha ang maraming engkantado at engkantada sa lupa, magkakayakap na minamasdan ang nasusunog nilang kabahayan at mga inaning mga pagkain,
"ikaw ba ang may gawa ng mga kaguluhang iyan, hagorn?", tanung ng diwani sa naroon ring si hagorn na tahimik na nakamasid sa kaguluhan kasama ng mga iilan nitong mga hathor, "bakit sinusunog ng mga asquillesue ang kanilang mga pinaghihirapan ng hindi manlang iniisip kung anong kakainin nila bukas?", saad pa ng diwani habang malungkot at nagtatakang napatingin sa mga tumatangis na mga diwata,
"hindi ako magdaramdam sa iyong pagdududa prinsessa lira, alam kung pinaniwala ka ng iyong yna at ng iyong mga ashti na walang ibang alam gawin ang mga hathor kundi ang maminsala", sagot ni hagorn sa sinabe ng diwani,
Nangunot naman ang noo ng diwani habang napatingin dito, "kung hindi ang mga hathor, sino ang gumawa nito?", takang saad pa niya,
"hindi kaya napapagod na at nagsasawa na ang mga diwata sa pamumuno ng iyong yna", saad ni hagorn, "ng humalili siya kay minea ay wala siyang kaakibat na kaalaman sa pamumuno, at ang kanyang mga konseho ay mga nilalang na walang alam sa pagpapanatili ng kapayapaan, lagi lang silang nakaantabay sa susunod na laban sa susunod na digmaan",
"walang masama sa pagiging handa hagorn", taas noong saad ng diwani,
"wala ring masama sa pagbabago", saad rin ni hagorn dito, "baka ito ay palatandaan na kailangan na ng bagong mamumuno sa lireo", dagdag pa nito.
"maaaring isa lang itong patibong upang magkaroon ng kaguluhan dito sa lireo", saad ng diwani habang naaalala niya ang huling pagkikita nila ng matang si cassiopea at ang huling katagang binigkas nito sa kanya, hindi maaring mapalitan ang kanyang yna lalo na't hindi siya magiging reyna ayon sa hula nito, at naniniwala siyang magaling na reyna ang kanyang yna. "... Upang mapaniwala at malinlang ang mga nakatira rito na kailangang ayusin ang mga bagay na hindi naman sira", saad pa ng diwani,
Sa palasyo ng lireo ay kakasikat palamang ng araw ng sabay sabay na magtungo at magtipon tipon roon ang mga diwatang napirwesyo ng kaguluhan upang magsuplong sa reyna ng mga nangyari at upang humingi ng tulong para mapanagot ang may sala,
"maraming napinsalang lupain sa gulong nangyari, maraming nasugatan at alam kung maraming nasaktan, ngunit isa lang ang gusto kong malaman ano ang sanhi ng inyong pagaaklas?", tanung ni amihan sa mga ito.
"si sanggre danaya mahal na reyna", sagot ng isa sa mga engkantadong naroon, "nagtungo siya sa aming tahanan kagabi, hinalughug ang aming mga pag-aari at pinagbibintangan ang bawat isa saamin na taksil sa lireo", suplong nito.
Dumating naman doon sa punong bulwagan sina gurna at pirena ngunit nagkubli lang sila sa isa sa malalaking poste na naroon at tahimik na nakikinig sa mga hinaing ng mga ito,
At habang naroroon ay nakangiting inalala ni pirena ang tagpong ginawa niya kagabi bilang si sanggre danaya, isang tagpong masaya niyang ninanamnam hanggang ngayon, dahil alam niyang sa pagkakataong ito ay mapaparusahan na ang kinaiinisang kapatid at mawawalan na siya ng karibal sa inaasam na korona...
"bilisan nyo! Ibaba nyo ang mga pag aari at mga inani ninyo! Kung ayaw nyong maramdaman ang galit ng isang sanggre!", galit na sigaw ni danaya sa mga diwatang may bitbit na mga kagamitan at mga pagkaing inimbak nila mula sa pagaani,
Matapos noon ay umiiyak at takot na nagkumpulan ang mga lireyan habang nakatingin sila sa nagwawalang sanggre,
naglakad naman si danaya sa harap nila at tumayo sa pagitan ng mga takot na diwata at sa mga pagaari ng mga ito,
"mga taksil kayo sa lireo, kinamumuhian ko kayong lahat! Mga salot!", galit niyang bulyaw sa mga ito,
"sumusobra kana", saad ng isang engkantadong hindi na makatiis, at galit niyang sinugod at sinakal si danaya sa leeg,
Ngunit malakas lang itong itinulak ni danaya dahilan upang mapaatras ito at mapabitaw sa pagkakahawak sa leeg niya, tyaka niya ito magkakasunod na hinampas ng kanyang sandata sa dibdib at likod nito, natumba naman ang engkantado sa lupa na agad sinakluluhan at inalalayan ng iba pang mga engkantadong naroroon,
Matapos noon ay tumalikod sa kanila si danaya, "ito ang bagay sa inyo!", saad niya tyaka niya binato ng mga bolang apoy ang mga kagamitan at mga ani ng mga diwatang naroon,
"wag!", sigaw ng mga diwata ng agad nabalot ng apoy ang mga iyon na masayang minasdan ni danaya, habang malakas na nagiiyakan ang mga diwata, masakit para sa kanila na nakikitang unti unting nagiging abo ang kanilang mga pinaghirapan,
malawak ang ngiti ni pirena ng matapos balikan ang gabing iyon, isang polidong plano upang masira ng ganun kadali ang iniingatang reputasyon ng kanyang hambog na kapatid,
"si sanggre danaya ang dahilan ng kaguluhan?", hindi makapaniwalang saad naman ni amihan sa mga ito.
"opo mahal na reyna, nais naming maparusahan si sanggre danaya sa kasalanang ginawa niya", matapang na saad ng isa sa mga engkantadong naroon,
"oo, nais namin siyang maparusahan!",
"oo, pagkat sinira niya ang aming mga pag aari!",
"parusahan nyo siya!",
Sigaw naman ng mga diwata dahil sa galit nila sa bunsong niyang kapatid,
Samantalang Napatiim bagang naman si amihan at nababahalang tumalikod sa mga ito upang tahimik at umupo uli sa kanyang truno,
Matapos marinig ni amihan ang mga hinaing ng mga engkantado at engkantada ng umagang iyon ay nagsialisan na ang mga ito, tyaka niya pinulong ang lahat sa punong bulwagan,
"narinig nyo na ang hinaing ng ating mga nasasakupan", saad niya sa mga ito,
"hindi ako naniniwala na magagawa ni ashti danaya ang mga sinasabe nila", simula ng huwad na lira,
"lira, hindi mo naman nakita ang iyong ashti danaya bago siya umalis", tugon naman ni pirena sa sinaad ng diwani,
Bumaling naman si amihan sa matandang adamyan na naroon din, "imaw ano ang nasa iyong isip?", tanung niya rito.
"walang magagawa ang ating sapantaha at kuro kuro mahal na reyna, kung naniniwala tayong walang kasalan si danaya at isa lang itong hindi pagkakaunawaan, iharap natin si sanggre danaya sa konseho", sagot ni nunong imaw kay amihan,
"at paano kung mapatunayan nating si danaya nga ang nanggugulo sa lireo?", tanung ni pirena rito.
Bumutong hininga naman si nunong imaw, "hay, wala tayong magagawa baka kailanganin natin siyang patawan ng parusa", malungkot na sagot niya kay pirena.
Nabahala naman ang mga nagmamahal na naroon para kay danaya, samantalang lihim na nanabik at napangiti si pirena sa mga mangyayari, tila nalalasap na niya ang tagumpay at mapapaalis na niya ang bunsong kapatid sa lireo ng ganuon lang kadali at kapang nangyari iyon ay wala ng sagabal sa lahat ng mga binabalak niya,
"imaw, hindi ba maaaring tayo muna ang sumaliksik sa mga tunay na nangyari?", nagmamakaawang saad ni amihan dito,
"ang mga magsasaka na mismo ang nagsabing si danaya ang nanggugulo hindi ba, ano pang pananaliksik ang kailangan nyo?", saad ni pirena kay amihan,
"ngunit ashti pirena, hindi tumutugma sa pagkakakilala natin kay ashti danaya ang mga hinaing nila", saad rin ng diwani sa kanya,
"tama si lira, pirena kapatid natin si danaya hindi ba dapat mas kilala natin siya?", saad naman ni amihan sa natahimik na kapatid,
"hindi magiging maganda sa mga mata ng iyong nasasakupan na tila ang kanilang reyna ay may kinikilingan", tugon ni pirena sa kanya,
"yna, wala naman sigurong makakasama kung haharapin ni ashti danaya ang konseho, para lang patunayan na wala siyang ginagawang masama", biglang mungkahi ng diwani sa reyna,
Sa dalampasigan naman kung saan naroon sina danaya at aquil ay wala paring malay ang huli, habang isinandal ni danaya ang mashna sa malaking batong naroon at tyaka niya inilabas ang kanyang brilyante ng lupa upang gamutin ito,
"magpahinga ka muna aquil, ligtas kana sa kapahamakan", saad niya sa walang malay na mashna tyaka niya itinago uli ang kanyang brilyante ng matapos niya itong gamutin gamit ang kapangyarihan nito,
At habang hinihintay niyang magising ito ay tahimik naman siyang naglakad papalapit sa dagat, huminto lang siya ng isang dipa nalang ang layo niya sa tubig, tyaka siya bumutong hininga, at tuluyang napaiyak habang inaalala ang kapatid na nawala,
"bakit ikaw pa, bakit sa dinami dami ng nilalang sa encantadia bakit ikaw pa?", umiiyak na saad ni danaya habang nakatingin sa malawak na dagat, "bakit ikaw pa ang naisipang dalhin ni emre sa devas, bakit hindi nalang si pirena... Bakit hindi nalang ako, bakit kaylan... kayo pa ang mabubuti, kayo pa ang inuuna?", saad pa niya,
Habang nagluluksa ang bunsong sanggre ay noon naman nagigising si aquil, dahan dahan siyang bumangon at naginat tyaka niya inilibot ang paningin nakita naman niya si danaya na nakatalikod sa kanya habang nakatanaw sa dagat,
"sanggre danaya?!", tawag niya dito.
Nagpahid naman agad ng luha si danaya ng marinig ang gising ng si aquil at tinatawag siya, ngunit hindi siya lumingon rito bagkos ay nanatili siyang nakatayo habang hinihintay niya itong lumapit sa kanya,
"may dinaramdam kaba?", tanung ni aquil sa kanya ng maglakad ito sa harap niya at napansin nito na namumugto ang kanyang mga mata,
"nanghihinayang lamang ako sa mga panahon na nasasayang natin aquil", bagkos ay sagot ni danaya sa kanya, tyaka siya may biglang naisip sa mga oras naiyon susubukan niya lang baka gumana, at mabigyan nasiya ng sagot sa wakas,
Inilahad ni danaya ang palad at mula roon ay lumitaw ang kanyang brilyante, "brilyante ng lupa, nagsusumamo ako sayo alamin mo ang nalalaman ng buhangin ng dagat sa lugar naito, ipakita mo saakin kung ano ang nalalaman mo tungkol kay alena", usal niya dito,
"wala atang nangyayari", saad ni aquil ng makita niyang bumalik lang agad sa loob ng palad ni danaya ang brilyante ng lupa, palatandaang hindi nito nagawa ang iniutos ng sanggre,
Bumutong hininga naman si danaya at ibinaba ang palad, "tulad ng ikinakatakot ko, hindi kapangyarihan ng brilyante ng lupa ang manalamin sa nakaraan", saad niya sa nagtatakang mashna,
"amo! Amo! Nilulusob tayo!", tarantang saad ni usog isang araw sa kuta ng mga mandirigma, humahangos ito na pumasok ng kuta at tila takot na takot na tinatawag si apitong,
Sakto naman ng makalabas ang nagtatakang si apitong at ybarro sa kanikanilang kubol ng tuluyang pumasok ang isang grupo ng mga taga sapiro, at inambahan ng mga hawak nilang sandata ang mga tagaroon, na ginantihan naman nina wantuk at pako pati na ang mga matatapang roon ng pagamba rin ng kanilang mga sandata sa mga ito,
"subukan ninyong lumaban, hindi ako magdadalawang isip na paslangin kayong lahat", saad ng pinuno ng mga ito, si asval tyaka dumapo ang paningin nito kay ybarro,
"ano ang ibig sabihin nito mga magigiting na mga sapiryan, bakit nyo kami sinusugod?", tanung ni apitong rito na may hawak ng sariling niyang sandata,
"hindi ikaw ang aking kailangan, siya", saad ni asval at itinuro si ybarro,
"anong kailangan nyo saakin?", kunot noong saad ng binata sa mga ito.
"napaslang kana ngunit buhay kapa, anong nangyari pano mo nagawa iyon?", takang saad rin ni asval sa kanya,
"ano bang pakialam nyo sa nagaganap saaking buhay?", inis na saad ni ybarro at naglakad palapit kay asval,
"mahalaga na malaman ko ang nangyayari saiyong buhay, lalo pa't kinukutuban ako sa iyong kapangyarihan na kaya mong pagalingin ang iyong sarili, isa kabang kaibigan ng encantadia o kagaya ng iba na ituturing kang kaaway?", tanung rin ni asval sa tanung niya kanina,
"paumanhin ngunit hindi ko masasagot ang iyong katanungan", saad ni ybarro rito.
Naningkit naman ang mga mata ni asval, "ashtadi!", galit niyang saad dito at akmang bibigwasan niya ng kanyang kamao ang binata ng pigilan at hawakan ni apitong ang kanyang braso,
"tama na", saad niya at binitiwan ang braso ni asval, "ang nilalang naiyan ay hindi isang tunay na mandirigma, siya ang kaisa isang anak ng inyong haring armeo, at ng kanyang reyna", malakas niyang saad sa mga ito, na ikinagulat at ikinamaang ng mga sapiryan,
Maya maya ay biglang napatawa si asval, "ano, ako ba'y nililinlang mo, ano ang iyong patunay na siya nga ang nawawalang anak ni haring armeo?", saad niya kay apitong,
"wala akong hawak upang patunayan ang aking sinasabe", saad ni apitong sa kanya, "ngunit isinusumpa ko...",
"sa palagay ninyo ay naniniwala kami sa sumpa ng isang magnanakaw na mandirigma?, niloloko nyo lamang kami ginagamit nyo pa ang nilalang naiyan!", saad ng isa sa mga kasamahan ni asval at tinuro si ybarro, "ang dapat sa inyo ay tuluyan ng mawala!", at itinaas nito ang hawak na sandata at akmang ibibigwas kay apitong ng kuhanin ni ybarro ang kanyang minanang espada at sinalag ang sandata ng sapiryan, tiyaka niya ito sinipa sa sikmura, susugud na dapat ang mga kasamahan nito ng pumagitna si asval sa kanila,
"ssheda!", malakas niyang saway sa mga ito, natigil naman ang naumpisahang laban kanina,
"kilala ko ang espadang iyan, paano napunta sayo yan?", gulat na tanung ni asval sa binata habang titig na titig sa espadang hawak nito,
"hindi ka maniniwala saakin kung papaano napunta saakin to", saad naman ng binata, at naglakad sa mesang malapit sa kinatatayuan nila doon ay may isang bagay na nakatakip ng isang berdeng tila na tinanggal naman niya at tumambad sa kanila ang gawa sa pilak na baluting minana niya kamakaylan lang, "ang espada at ang baluting ito ay ipinagkaloob saakin ng aking amang hari sa pamamagitan ng isang panaginip, kaya walang sino man maliban saakin ang makakagamit ng kalasag naito", dagdag pa niya at bahagyang umatras upang matitigan itong mabuti ng mga panauhin,
"ikaw nga si prinsepe ybrahim", saad ng isa sa mga sapiryan at sa pangunguna niya ay isa isang nagsiyukuan ang mga ito sa harap ng binata, kasama narin ng mga mandirigmang naroon pati na ang kanyang ama at mga kaibigan,
Ngunit hindi si asval na niniwalang siya nalamang ang natitirang nabubuhay na tagapagmana ng truno sa kahariang sapiro bilang kapatid ng yumaong haring armeo, naglakad siya papalapit sa kalasag at hinawakan ito tyaka niya ito sinubukang iangat, ngunit sa kasamang palad ay hindi man lang niya ito na usog kahit kunti sa pinaglagyan nito kahit na anong pilit niya tila nadikit na ito roon,
Ng walang mapala ay walang pasabing nilisan ni asval ang kuta kasunod ng kanang kamay nitong si dagtom,
Sa lireo naman ay nakauwi na sina danaya at aquil kasama ng mga dala nilang mga kawal, sa tarangkahan ng palasyo lumitaw ang grupo nila, at laking pagtataka ni danaya ng maraming mga engkantado at mga diwata ang naroon na halos mapuno ang bungad ng palasyo dahil sa kanila, naroon din sina nunong imaw, mga dama, ang kanyang hadia, ang kanyang mga kapatid, at halos lahat ng mga kawal ng lireo na tila kanina pa nila inaabangan ang kanilang pagdating...
"tila marami ang nagaabang saakin sa ibabalita ko tungkol kay alena, nalulungkot lamang ako na mabibigo ko lamang sila", malungkot niyang bulong kay aquil,
Noon naman lumapit sa kanila sila pirena at amihan kasunod ng mga kawal at pinalibutan sila ng mga ito, maang namang napalinga sa kanila si danaya, "anong ibig sabihin nito amihan?", takang tanung niya sa kapatid,
"may paratang na nabitawan habang wala ka sa lireo danaya, nais ng konseho na humarap ka sa kanila, para sa salang pagsisimula ng hidwaan sa ating bayan", saad ni amihan sa nagulantang na kapatid, "sumama kana lamang danaya at harapin mo ang konseho, para maging malinaw narin ang lahat saatin",
"oo, sasama ako upang mabatid ko kung bakit kayo nagkakaganito", sangayung saan naman ni danaya kahit na naguguluhan,
Lumapit naman sa kanya si abog, "mawalang galang na sanggre danaya, ngunit akin na ang iyong sandata", saad nito at pilit na kinukuha ang kanyang arnes na sandata, ngunit ayaw itong bitawan ng naguguluhang sanggre habang nagtatanung ang tingin na bumaling sa kapatid na reyna,
"sanggre danaya", tawag naman sa kanya ni aquil, tyaka niya tinanguan ito ng lumipat sa kanya ang paningin nito,
Samantalang maluha luha namang binitiwan ni danaya ang kanyang sandata at tuluyang ipinaubaya sa kawal, tyaka walang pasabing nagpatiuna siyang naglakad papasok ng palasyo, kasunod ng iba pa...
"hindi parin ako naniniwala na magagawa ni danaya ang binibintang sa kanya, sana nga ay mapatunayan niyang wala siyang kasalanan", nababahalang saad ni amihan kay pirena,
"malalaman natin iyan mahal na reyna, tayo na", saad ni pirena sa kanya,
Tumango naman si amihan at nagpatiunang naglakad papasok rin ng palasyo,
Ng makapasok na ang lahat ay nagpaiwan doon si gurna na agad namang nilapitan at inusyuso ng mga diwatang naiwan doon,
"naniniwala ako na mapapatunayan nga ng konseho, na may kasalanan si sanggre danaya", sagot ni gurna sa mga tanung ng mga ito,
Ng araw namang iyon habang inihahanda nila ang silid ng maliit na konseho upang ilitis doon si danaya ay nakahanap naman ng oras si pirena at gurna upang pagusapan ang mga susunod nilang gagawin,
"nalalapit na ang paglilitis ni danaya mahal kong alaga, nagtagumpay kana", masayang saad sa kanya ng kanyang dama,
"ngunit may bumabagabag saakin gurna", seryosong saad ni pirena rito, "noong una kung kinuha ang brilyante ng apoy ay pinaghinalaan nila na may gumaya ng wangis ni aquil",
Napalis naman ang ngiti ng dama at napaisip, "oo nga, maaaring mapagtagpi tagpi nila na may kakayahan kang magpalit ng anyo", saad pa niya,
"samahan mo ako sa kamara ng mga brilyante kailangan nating maipuslit ang tungkod ng pagkalimot", saad ni pirena, tyaka nagmadaling tumalikod at naglakad kasunod ni gurna sa kung saan naroon ang silid na tinutukoy niya,
"asval, bakit ka umalis saan ka patutungo?", tanung ni dagtom rito,
Napahinto naman ito at hinarap ang kanang kamay,
"bakit moba ako sinusundan, diba't meron na kayong bagong panginoon?!", inis na saad ni asval rito,
"siya si ybrahim, prinsepe ng lahat ng may dugong sapiryan", sagot naman ni dagtom,
"at naniniwala kanga na siya si prinsepe Ybrahim?", hindi makapaniwalang saad ni asval rito,
"alam ko na alam mo na siya si prinsepe ybrahim kaya nga pinagtangkaan mosyang paslangin noon pa eh", saad naman ni dagtom rito.
"oras na makarating ito kay ybarro ay wala akong ibang paparusahan at sisisihin kundi ikaw", makamandag na, saad ni asval rito,
"huwag kang magagalit asval, malaking bagay saatin si prinsepe ybrahim, sigurado ako na hindi Magdadalawang isip ang ibang mga sapiryan na umanib saatin, lalo na't nasa pangkat na natin ang sagisag ng truno ng sapiro, kaya imbes na magalit ka at pagtangkaan siya ay kaibiganin mo ang prinsepeng iyon upang makuha mo ang ninanais mo", saad ni dagtom,
Napaisip naman si asval tyaka maya maya ay ngumiti rito, palatandaang sumasang ayon ito sa iminungkahi niya.
Sa lireo naman kung nasaan ang punong bulwagan ay doon dumiretso sina pirena at gurna matapos makuha ang tungkod ng pagkalimot sa kamara ng mga brilyante, doon habang hawak at nakatago sa kanyang likod ang tungkod ay dahan dahang naglakad si pirena papalapit sa kanyang kapatid na reyna habang kausap nito si aquil na may hawak na papel na naglalaman ng mga nakalap nitong impormasyon mula sa mga naperwisyong mga diwata dahil kay danaya,
"mahal na reyna ito ang aking ulat, dumating nga...", umpisang pagbabasa ni aquil ngunit naputol ito ng mapansin nila si pirena na nakatayo sa harapan nila at tila may itinatago ito sa kanyang likuran,
"pirena may kailangan ka?", tanung ng reyna sa kanya,
"oo amihan, kailangan ko kayong makalimot", saad niya rito,
Nangunot naman ang noo ng dalawa sa sinabe nito, "pirena?", kinakabahan niyang saad habang nagdududa na nakatingin rito,
Ngunit lahat ng iyon ay nawala ng agarang itaas ni pirena ang itinatagong tungkod sa likuran, at agad itong naglabas ng puting liwanag na sumilaw sa lahat ng naroon maliban kay pirena at gurna,
"mawawala ang inyong hinala na ako ay may kakayahang magbago ng anyo", saad niya, matapos noon ay nawala ang nakasisilaw na liwanag mula sa tungkod at agaran niya itong itinagong muli sa kanyang likuran,
Tumayo naman ng maayos sina aquil at amihan, at parang walang nangyari ng tumingin uli ang mga ito sa kanya,
"pirena, may kailangan kaba?", tanung uli ni amihan sa kanya,
Ngumiti naman si pirena rito, "wala naman, mahal na reyna", saad niya rito at magalang na yumukod sa kapatid,
Tumango naman si amihan bilang tugon, tyaka tumalikod si pirena at naglakad palabas ng bulwagan kasunod ni gurna,
"si ades, kailangan nating mahanap si ades", mabilis niyang saad sa dama habang naglalakad sila sa pasilyo ng palasyo,
"ybarro, bumabalik sila", bulong ni wantuk sa binata ng makitang naglalakad pabalik ng kuta sina asval,
Huminto ito sa harap niya at tinitigan siyang mabuti, hindi narin galit ang anyo nito, "natanggap na namin na ikaw nga si prinsepe ybrahim", saad sa kanya ni asval, "at ngayong na buhay ka ay mas madali na nating mabubuo ang kaharian ng sapiro...kaya kung ipapahintulot mo, ako si asval may dugong bughaw at maaaring maging tagapayo mo upang madaling mabuo ang kahariang sapiro",
Bumutong hininga naman si ybarro tyaka marahang tumango, "ang mga tinuran mo ay siya ring bilin saakin ng aking amang hari sa aking panaginip, kaya tinatanggap ko ang iyong alok", saad niya at tyaka inilahad ang palad rito, na malugod na tinanggap ni asval at nagkamayan ang dalawa, palatandaan ng kanilang alyansa sa isa't isa,
"mabuti naman at nagkasundo na kayo, nais kung maghanda ng isang piging para ipagdiwang ang araw naito", masayang saad ni apitong sa mga ito,
"mabuhay si prisepe ybrahim!", malakas na saad ni wantuk,
"mabuhay!", na malakas namang sinangayunan ng lahat,
Sa lireo ay sumapit na ang oras ng paglilitis kay danaya, kompleto ang lahat pati na ang mga magsasaka at mga kawal roon,
"sa harap ng pagpupulong naito, sanggre danaya sagutin mo ang tanung ko, totoo ba ang paratang ng mga asqillesue, na sinira mo ang mga pamamahay nila dahil sa pagpupumilit na isa sa kanila ang pumatay kay sanggre alena?", simulang saad ni nunong imaw sa katabing si danaya,
Tumayo siya at hinarap ang mga magsasaka, "hindi, hindi totoo yan!", tangi niya sa paratang ng mga ito,
"sinungaling ka!", sagot naman sa kanya ng isa sa mga magsasaka,
"oo kitang kita ka namin, hindi ba mga kasama?!", saad rin ng isa sa kanila, habang nagpatango tango naman ang iba pang magsasaka at tinuturo siya ng mga ito,
Walang nakakita o nakapansin ngunit wagas ang ngiti ni pirena sa kanyang kinauupuan, naaaliw sa mga kaganapang nangyayari sa bunsong kapatid, na siya naman ang tunay na may sala,
"wagkang maniwala sa kanila, kilala mo ako amihan", nagmamakaawang baling niya sa kapatid na reyna,
"hindi lang sila ang inyong ginambala, mahal na sanggre, maging kaming mga kawal ay pinagbintangan ninyo", dagdag pa na saad rin ni muros na nakatayo sa kanyang likuran,
Agad namang napabaling si danaya rito, takang taka at litong lito sa mga nangyayari sa kanyang buhay papaanong nagawa niya ang mga iyon, kilala niya ang sarili kahit na tambakan pa siya ng pasakit ng mundo ay hinding hindi niya magagawa ang manakit lalong lalo na sa mga walang kakayahang lumaban sa kanya, oo inaamin niya minsan na siyang namintang pero hanggang doon lamang at may pinagbabasehan siya noon, hindi ganitong wala man lang siyang kaalam alam sa mga nangyayari,
Bakit ganito? sino ang may kagagawan ng mga pambibintang naito sa kanya sino ang lapastangang sumisira ng kanyang karangalan at dignidad?
"mawalang galang na pinunong imaw ngunit kasama ko si sanggre danaya sa aming paglalakbay", saad naman ni aquil na gustong saklolohan ang minamahal na sanggre, habang litong lito ang kaloobang napabalik ng upo ang huli,
"maihahayag moba aquil, ang bawat kilos at galaw ng aking kapatid?", taas ang kilay na tanung ni pirena rito,
Natigilan naman si aquil at naalala ang tagpong nawalan siya ng malay habang nasa paglalakbay sila ni danaya, matagal bago sumagot ang mashna, "hindi", marahan niyang saad.
"at bakit hindi?", saad naman ni pirena rito,
"dahil nawalan siya ng malay ng sugurin kami ng hindi kilalang nilalang sa kagubatan", tahasang sagot ni danaya sa kinaiinisang kapatid,
"isang hindi kilalang nilalang? Hay, sayang at nawawala ang aking tungkod maaari sana nating malaman kung ano talaga ang tunay na naganap", nanghihinayang na saan ni nunong imaw,
Tumayo naman si pirena at nagpalakad lakad sa harap ng mga asqillesue,
"kaylan nga uli nawala ang iyong tungkod imaw?", tanung niya sa matandang adamyan, "matapos malaman ni danaya...",
"matapos malaman ni sanggre danaya ang kapangyarihan nito", dugtong ni nunong imaw sa sinabe ni pirena,
"hindi ko tuloy mapagilan na maisip...", saad ni pirena, "... kaya ba kung sino sino ang pinagbibintangan ni danaya para walang makaisip na siya ang tunay na pumatay kay alena", tahasang saad niya sa lahat ng mga naroon,
Nagkagulo naman ang mga magsasaka galit na galit na ang mga ito at pinagtuturo si danaya na pinaniwalaan ang mga binigkas ni pirena, samantalang may isang magsasaka naman ang lumapit sa isa sa mga kawal na nakatayo sa gilid at tyaka niya ito malakas na sinuntok sa mukha upang maagaw nito ang sibat na hawak nito ng ito ay matumba, lumapit ang magsasaka kay danaya at akmang sasaksakin ito sa dulo ng sibat na dala niya ngunit bago pa madikit ang sibat sa sanggre ay naharang na siya ni aquil,
"protektahan ang mahal na reyna!", utos ni muros sa dalawang kawal na agad na tumayo sa magkabilaang gilid ni amihan at naghanda upang protektahan ito,
Tumayo naman si amihan at galit na sumigaw upang pigilan ang mga ito, "itigil ang kaguluhang ito!", saad niya.
Habang si aquil ay ibinalibag ang nahuling magsasaka sa sahig at inagaw ang sibat mula rito, napaigik naman sa sakit ang una at hindi na nagtangka pang tumayo,
Hinila naman ni danaya si aquil palapit sa kanya, "aquil, eshma", saad niya at pinahid ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi, tumango naman sa kanya ang mashna tyaka sila nagtitigan ng matagal,
Ng maging maayos uli ang lahat at napatahimik na ang mga magsasaka ay noon naman nagsalita si nunong imaw,
"ipatawag na ang konseho upang maparusahan na ang may sala", saad niya,
Nagsikilos naman ang mga kawal, binitbit ng iba ang nagwawalang magsasaka palabas ng silid, samantalang lumapit naman ang dalawang kawal sa bunsong sanggre na ikinaatras ni aquil palayo sa mga ito,
Kinabahan naman si danaya ng hawakan siya sa magkabilaang braso ng dalawang kawal na tumayo sa magbilaang gilid niya, "sandali, hayaan nyo muna akong magpaliwanag", saad niya, habang nagpupumiglas siya sa hawak ng mga ito,
"narinig na namin ang lahat ng dapat naming marinig sanggre danaya", saad naman sa kanya ni nunong imaw,
Bumulong naman si pirena sa kanina pang nakikinig na diwani, "sumama ka muna saiyong dama",
Lumuluha namang tumayo ang huwad na lira at nakatingin sa kanyang ashti habang naglalakad papalabas rin ng silid, ng makaalis ito ay lumapit naman si pirena sa bunsong kapatid na tinitigan ng masama ni danaya, ginantihan naman niya ito ng masama ring tingin, habang hinihila ng mga kawal ang bunsong sanggre palabas ng silid,
"amihan", tawag pa ni danaya rito,
Ngunit nananatiling tahimik ang reyna, namumula ang mga mata sa nagbabadyang luha na nais lumabas, habang masama rin ang tingin niya kay pirena dahil sa ginawa nito na mas lalong ikinadiin ni danaya, at hindi niya ito nagugustuhan,
"umalis lamang ako upang alamin at magsiyasat kung bakit at paano namatay si alena", pagbibigay katwiran ni danaya sa kaharap na si muros at ng pamangkin niyang diwani, dinala kasi si danaya sa isang silid kung saan dinadala ang mga may sala at hahatulan palamang, "ngunit pagbalik ko ay pinararatangan naako ng lahat ng kung ano ano, kasama na ang pagpaslang sa sarili kung kapatid!", galit niyang saad,
"wala kaba talagang kinalaman sa lahat ng mga nangyari, ashti?", tanung ng diwani sa kanya,
"sinusumpa ko sa ngalan ng sarili kung yna, pawang walang katutuhan ang mga kasalanang ibinibintang nilang lahat saakin!", sagot ni danaya rito,
"masakit man saaking manggaling ito ngunit, nasaksihan ko ng halos saktan at pagbintangan mo ang ating mga kawal...", salaysay naman ni muros dito,
"hindi ko batid ang sinasabe mong yan, muros! Hindi nangyari yan!", malakas na kaila ni danaya sa saad nito,
"kaya ba, pinalalabas mo rin na nagsisinungaling ang mga diwatang magsasaka, maging iyon rin ba ay hindi naganap?", saad pa ni muros sa kanya,
"hindi ko alam ang mga nangyayari muros, kung bakit ako ang sinasabe nyong ako ang gumawa ng lahat ng mga ibinibintang nyo saakin! Ngunit mamatay man ako, ay hindi ko magagawa lahat ng mga sinasabe nyo! Lalo na't hindi ko magagawang paslangin si alena!", lumuluhang pagdidipensa ni danaya sa sarili,
"sige na muros ako na muna ang magbabantay sa kanya", bulong ng diwani rito,
Tumango naman si muros at dahan dahang naglakad papalabas ng silid, samantalang lumapit naman ang diwani kay danaya at niyakap ito habang umiiyak ang kanyang ashti,
Bago tuluyang lumabas si muros ay tumigil muna siya at nilingon ang tumatangis na sanggre, kasabay noon ay napapaisip din siya sa mga nangyayari,
