sa totoo lang dapat nung march ko pa to ipopost pero nawalan ako nang time lmao anw gusto ko lang naman ule magpost ng tagalog fic namiss ko lang hehe
tsaka triny ko lang isulat yung pag-uusap ni zoro and robin pero in tagalog, and very much inspired sa urong; sulong by kiyo and alisson shore!
anw sana magustuhan niyo! đź’•
Ayaw na ayaw na itanong muli ni Robin si Zoro. Naniniwala naman siya na hindi nagbibiro si Zoro nang una niyang sinabi ang kanyang tunay na nararamdaman, pero hanggang ngayon, muli siyang nagdadalalawang isip sa mga sinabi niya sa kanya.
"Robin?" sabi ni Nami nang makita si Robin na naka-tulala.
Nagulat na lang siya nang mabagabag sa kanyang mga iniiisip, "Nami?"
"Okay ka lang ba?" tanong niya kay Robin, labis na nag-aalala sa kanyang kaibigan, "Ang lalim ata ng iniisip mo?" pansin nito at tumabi malapit sa kanya.
Ngumiti na lang si Robin kahit na labag sa kalooban neto, "Okay lang ako."
Napabuntong-hininga na lamang si Nami, "Robin, kung may problema ka, pwede mo naman akong kausapin," lumapit siya at hinawakan ni Nami ang kanyang kamay.
"Ano kasi…" napatigil na lamang si Robin pero, "Sa tingin mo ba kasawa-sawa ako?"
Bakas ang lungkot ni Robin at biglang niyakap na lamang siya ni Nami, "Robin, 'wag ka mag-isip nang ganyan! Sinong nagsabi sa 'yo nyan? Si Zoro ba? Tatampalin ko mukha nun kung siya nagsabi no'n sayo!"
Natawa na lang si Robin at napawi ang lungkot sa binanggit ni Nami at sinabi, "Sa totoo lang wala namang nagsabi sa akin nun, siguro iniisip ko lang yun."
"Pero kung may problema ka nga kay Zoro pagsasabihan ko yung bugok na yun! 'Di ka dapat sinasaktan, Robin! Hindi ka lang babae na nagmamahal Robin!"
"Alam ko naman yun pero..."
"Pero?"
"Minsan iniisip ko kung nagsasawa na si Zoro sa akin."
"Robin, alam mo, kung ako sa 'yo, kausapin mo si Zoro tungkol dyan. Pero alam mo, hindi naman ganon si Zoro. Alam kong hinding hindi nya gagawin yun, kung gawin niya man, yung bagay na kinakatakot mo? Uupakan ko talaga yun, ipapamukha ko na kamahal-mahal ka." Ngumiti si Nami kay Robin at niyakap nang mahigpit si Robin.
"Salamat, Nami."
Pinapanood ni Robin at Zoro ang takip-silim nang bigla na lamang tanungin ni Robin si Zoro,
"Sigurado ka ba talaga?" sambit niya habang magkaakbay malapit sa dalampasigan. Kahit na ngayon na lang ulit umibig si Robin, nangangamba na lamang siya na baka magbago ang isip ni Zoro— na baka sakaling magsawa si Zoro sa kanya.
Hindi man kita ni Zoro mula sa kanyang tagiliran ang ekspresyon ni Robin, ramdam niya sa kanyang boses na bakas ang kanyang pangamba.
Dahil dito, napailing na lang si Zoro at hinarap ito para tingnan niya sa mga mata si Robin, "Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo, Robin?" malumanay niyang sinabi, "Mukha ba akong kaduda-duda?" aniya at umiling si Robin.
Sa mga mata niya, walang bahid ng pagbibiro si Zoro. "'Wag kang mag-alala," niyapos niya ang kanyang mukha at kinuha niya ang kanyang kamay para hagkan ito. "Magtiwala ka sakin, Robin." Sabay ngiti at binulong sa kanya na tanging siya lang ang makakarinig— 'Di ang Straw Hats, pero sa kanyang mga tainga lamang.
"Sa simula, akala ko talaga parang ang hirap. Akala ko kung makapasok man ako sa isang relasyon, makakasagabal lamang sa pangarap ko na maungusan si Mihawk. Hindi ko talaga 'to pinangarap kailanman pero 'eto ako ngayon, sabay na nating aabutin ang mga pangarap natin." Unti-unting gumagaan ang loob ni Robin sa sinasabi ni Zoro.
"Yung gantong bagay?" Umiling si Zoro at ngumisi, "'Di ko inaasahan na matatagpuan kita. Magugulat na lang 'yung dating ako 'pag nalaman niya na lamang na ikaw yung nakatuluyan ko," Napangiti si Robin sa sinabi ni Zoro.
"Kahit ako ang tatanungin, hindi ako makapaniwala na narito ako sa tabi mo sa mga sandaling ito." Nilapit niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. "Randam ko rin ang takot mo na baka bigla na lang mawalan na tayo ng rason para sa relasyon na 'to pero pangako ko sa'yo, magkasama tayo sa hirap at ginhawa— Kaya 'wag kang mag-alinlangan pa dahil tunay ang pag-ibig ko."
Tiningnan ni Zoro sa mga mata si Robin at sabay ngiti, "At alam ko na medyo nakakapanibago na ako ang magsabi sa'yo neto pero…" Hindi niya tiningnan sa mga mata si Robin.
"Pero?"
"Gusto ko lang malaman mo na mahal kita, Robin."
Hindi maiwasan na mapangiti si Robin sa kanyang mga sinabi. Ito namang si Zoro, napabuntung-hininga, "Maraming bagay man ang hahadlang— kahit na bagsakan pa tayo ng langit at lupa, narito pa rin ako para sa'yo."
Natawa na lamang si Robin, "'Kala ko ba 'di ka nagbibiro?" Nawala nang bahagya ang pangamba sa pagpapakalma ng kanyang sinta. "Edi mamamatay ka na nun?"
Tumawa na lamang si Zoro, "Pero heto sinasabi mong mamamatay ako," Sambit niya at dahan-dahang niyakap na lamang nang mahigpit ni Robin si Zoro.
"Zoro?"
"Hm?"
"Mahal rin kita."
Ngumiti si Zoro at sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw habang magkayap sa dalampasigan.
end notes: pilitin niyo rin akong ituloy yung warm hues and on strange places bwahahaha
