A/N: translation ito ng the day you said good night pero this time, magiging multi chap siya in filipino muna! will translate soon pag natapos ko tong short multi chap na to ehe anw sana magustuhan niyo!


Hindi pa rin maalis sa isip ni Zoro ang mga sinabi ni Nami habang siya'y nakatitig sa bintana ng Polar Tang. "Ano kaya yung ibig sabihin niya?" bulong niya sa sarili habang siya'y umiinom ng alak. Naalala niya yung kwentuhan nila noong isang gabi bago sila makapunta ng Wholecake Island.

Malamig ang simoy ng hangin sa mga gabing iyon. Pinapanood ni Zoro ang kanyang mga kaalyansa at mga kaibigan habang sila'y nagpaplano kung anong gagawin nila sa Wano at kung paano nila ibabalik si Sanji kay Big Mom. Habang nakaupo sa malayo, ininom niya ang kanyang alak, palagi namang ganyan. Ngunit mayroong gumagambala sa kanya pero hindi niya na lang ito pinansin dahil hindi niya rin naman alam kung ano ito.

Mayroong umupo sa kanyang tabi. Tila kabisado niya na ang kanyang pabango— isang mahalimuyak na bulaklak— si Robin ang kanyang naunang naisip.

"Zoro?" Inalok ni Robin si Zoro ng isang kape na kanyang binuro ngunit matinong tinanggihan ni Zoro ito at ipinakita ang kanyang alak na hawak, malapit na rin itong maubos. At iyon, nanatiling nakaupo si Robin sa kanyang tabi at sabay na nakikinig sa kanyang mga kaibigan sa gitna ng teritoryo ni Cat Viper.

Habang iniinom niya ang kanyang kape, bigla na lang naalala ni Robin kung paano iburo ni Sanji ang kanyang kape tuwing umaga. Naisip niya na rin ang kusinero, malapit na rin ang pagpunta ng grupo ni Luffy papunta sa Wholecake Island para lang mailigtas si Sanji sa arranged marriage na ginawa sa kanya sa pagitan ng anak ni Big Mom. Batid ni Robin na baka ito ay isang political marriage lamang at walang pag-ibig na nagaganap, parang nakakaawa lang sa parte ni Sanji ito sapagkat napaka-bukal niya pagdating sa pag-ibig. Napabuntung hininga na lamang si Robin sa kanyang iniiisip.

"Nag-aalala ako kay Sanji." Sinimulan niya, hindi siya nakatingin kay Zoro.

"Kayang kaya niya yung sarili niya. Malakas 'yun." inamin niya sa arkiyologo kahit sinabi niya iyon tungkol sa kusinerong iyon. Tumango na lamang si Robin sa kanyang sinabi. Hindi madalas purihin ni Zoro si Sanji, pansin ni Robin at pasimpleng tumingin sa kanya. Sa mga oras na iyon, gumaan ang pakiramdam niya katabi si Zoro— siya'y umiinom ng kanyang kape at si Zoro naman ay umiinom ng kanyang alak.

Nang walang ano-ano'y tumingin rin si Zoro kay Robin— hindi na nakatingin si Robin sa kanya nang mga oras na iyon— Ayaw aminin ni Zoro na napakapayapang pagmasdan si Robin sa ilalim ng mga ilaw na nanggagaling sa sinag ng buwan. Mabini kumbaga. Hindi niya kayang masabi nang direkta kay Robin pero tuwing nariyan si Robin sa kanyang presensiya ay tila ba namumula at nag-iinit na lamang ang kanyang mga pisngi nang walang dahilan. Dagdag pa rito ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso tuwing nakikita niya si Robin. Hindi pa nakatulong na sa ngayon na katabi niya ito ay tila ba mas bumibilis ang kanyang puso. Magkasabay niyang nadarama ang kaba at ligaya. Para tuloy halos ilang taon na itong nangyayari kay Zoro kahit dalawang taon pa lamang sila nagsasama. Sa totoo lang, hindi pa rin alam ni Zoro kung anong nangyayari sa kanyang katawan.

Ayaw niya naman tanungin iyong cute nilang doktor na si Chopper kasi malay ba niya na baka ideklara nito na mamatay siya? Kahit rin kay Trafalgar, na isang doktor rin, ayaw niyang humingi ng payo rito kasi alam niyang kasuklam-suklam ang magiging resulta kung siya ang kanyang tatangungin— kahit alam niyang doktor ito— Bigla na lamang siya nagambala sa kanyang pag-iisip nang may tinatanong si Robin sa kanya.

"Ano ulit 'yung sinabi mo?" Tanong ni Zoro ngunit napailang lang si Robin.

"Wala iyon. Pero, alam mo mukha kang may sakit ngayon. Okay ka lang ba, Zoro?"

Bakas sa mukha ni Zoro na tila siya'y namumula nang kaunti at napansin ito ni Robin. Ngunit kipit-balikat lamang si Zoro sa kanya kahit na nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Hindi rin niya kayang sabihin kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon. "Hindi ako nagensayo para lang kabahan nang ganto." bulong niya sa kanyang sarili.

"Gusto mo ba tawagin ko si Chopper para sa'yo?" Agad namang tumayo si Robin sa kanyang kinauupuan ngunit pinigilan na lamang ni Zoro ito at hinawakan ang kanyang kamay.

"Teka lang." Sambit nito at tiningnan niya si Robin sa kanyang mga mata at biglaan ring ibinababa sa sahig ang kanyang tingin, sabay binitawan niya ang kamay ni Robin. Hindi niya alam kung bakit bigla niya iyong ginawa. Hindi na naman siya nag-iisip nang tama. Puta naman oh.

"Tawagin mo siya kung gusto mo." Hindi pa rin tinitingnan ni Zoro si Robin sa kanyang mga mata at tumango si Robin, nang hindi rin alam ang sasabihin sa mga oras na iyon.

"Magandang gabi, Zoro." Iniwan ni Robin si Zoro nang mag-isa para puntahan si Chopper.

"'Gandang gabi." Iyon lamang ang kanyang nasabi. Matapos umalis ni Robin, lumapit si Nami sa kanya at umupo kung saan nakaupo si Robin kanina.

"Narinig ko 'yun."

"Heh. Chismosa ka rin pala maliban sa pagiging magnanakaw."

Hinampas ni Nami ang balikat ni Zoro, "Tangina ka! Gusto mo bang may sabihin ako kay Robin?" biro ni Nami ngunit nabilaukan na lamang si Zoro sa kanyang iniinom. Siguro mayroon siyang masamang ginawa para magalit sa kanya si Robin. Ayaw na ayaw niyang mangyari iyon at lalong lalo si Nami ito, pinagkakatiwalaan ni Robin si Nami. Kaya kung may masabi man siyang masama patungkol kay Zoro, siguradong magagalit si Robin sa kanya.

"'Wag naman sana, puta," ani Zoro sa kanyang sarili.

"Tangina, anong alam mo?"

"Bahala ka dyan, gago. Isipin mo muna 'yun. Alam ko naman na alam mo yung tinutukoy ko eh." Ngumisi si Nami kay Zoro.

"Hah? Eh paano ko malalaman kung hindi ko naman alam yung sinasabi mo?" sabi ni Zoro, bakas ang kanyang pagkalito.

"Tanga nga pala si Zoro," bulong ni Nami sa kanyang sarili. Mahusay nga si Zoro bilang isang eskriminador pero pagdating sa pag-alam ng kanyang nararamdaman, tanga talaga.

Napailing na lamang si Nami sa kanyang kaibigan, "Alam mo, tanga ka nga talaga gaya ng sabi ni Sanji."

Ngunit nag-iba na lamang ang ekspresyon ni Zoro nang banggitin ang pangalan ng bwisit na kusinero na iyon. "Wala akong pakialam kung anong sabihin ng bwiset na 'yon." Dinuro pa ni Zoro si Nami pero natawa na lamang ito sa kanya.

"Relax ka lang, tanginang 'to. Ikaw ba naman kase. Hanggang kailan ka kasi magiging hindi tapat dyan sa nararamdaman mo? Maliban kasi sa pagiging tanga mo sa direksyon, ano 'yun? Torpe na lang forever?" sambit ni Nami sa kanya.

Napatigil na lang si Zoro sa kanya, "Hindi talaga kita maintindihan, Nami. Pero alam mo... Ako rin, hindi ko rin maintindihan sarili ko..." Tumingala si Zoro sa itaas at pinagmasdan ang mga bitwin sa mga gabing iyon habang sinisimot ang huling patak ng kanyang alak.