Photographer x Model AU :))

o - o - o

Maningning na mga mata. Malapad na ngiti. Banayad na yakap.

Ito ang sumalubong kay Sasuke pagkarating sa venue ng engrandeng photoshoot. Tila tumigil ang paligid at naglaho ang lahat ng pagod niya nang makita ang dalagang kanina pa naghihintay sa kanya. Bagamat nais niyang yapusin ito nang mahigpit pabalik, hindi niya magawa dahil sa hawak na mga kagamitan.

Mabuti na rin, naisip niya, dahil baka hindi ko na siya magawang pakawalan.

"Oh my gosh! Dumating ka talaga, Sasuke!" sambit ni Sakura pagkabitaw sa yakap. "How was the flight?"

"You booked me, of course, I'd do my best," sagot niya nang may propesyonal na ngiti. "Smooth naman yung flight. I'm sorry I'm a bit late though, medyo natraffic from the airport."

Umiwas siya ng tingin kay Sakura at binaba ang kanyang mga equipment. Hindi na niya kailangang sabihin na napako siya nang ilang minuto sa sasakyan habang nakakapit nang mahigpit sa manibela, pinag-iisipang mabuti kung paano maitatawid at mapapanatiling propesyonal ang mga magaganap ngayong araw.

Trabaho lang, paalala niyang muli sa sarili.

"Sobrang appreciated ko ang efforts mo, Sasuke! Mahal mo talaga 'ko noh?" Natatawang bigkas ni Sakura.

Bagamat nabigla nang bahagya, ngumiti na lamang si Sasuke, pinipigilan ang sarili na bigkasin ang matagal nang tinatagong damdamin. Sobra, Sakura. Kung alam mo lang.

"You really work so hard. I'm excited for today!" Lalong lumawak ang ngiti ng modelo sa kanya, ngunit hindi pa rin niya magawang tignan ito nang deretso.

"Ako rin…" nasasabik nang matapos ito. "Is everything ready?" Biglang tanong ni Sasuke sa mga miyembro ng kanyang team na naunang magset up sa lugar. Nang malaman niyang handa na ang lahat, humarap muli si Sasuke kay Sakura at sa kasama nito, "Are you guys ready?"

"More than ever!"

Tumango lamang si Sasuke. Inikot niya ang mga mata sa paligid upang obserbahan ang malaking hardin. Laking pasalamat niya na hindi gaanong mahangin at tama lang ang liwanag, ibig sabihin ay madali niyang matatapos ang shoot.

Trabaho lang, Sasuke. Trabaho lang.

"Alright, team, umpisahan na natin!"

Click! Click! Click!

Mabilis ang bawat pagpindot ni Sasuke sa DSLR, kasabay ang buntong-hininga na tila kanina pa niya pinipigilang lumabas.

Pagkapuwesto ng dalawang modelo sa malawak na hagdan nang yapos ang isa't-isa habang magkatitigan, hindi maipaliwanag ni Sasuke ang kanyang saloobin. Ngunit nagpatuloy lamang ito. Inangat niya ang camera malapit sa kanyang mata. "Okay, be natural lang, 1...2...3!"

Click! Click! Click!

Nagpatuloy ang shoot sa iba't-ibang parte ng malawak na hardin. Dahil kabisado na ni Sasuke ang bawat ngiti at sulyap ng matagal nang katrabaho, hindi na niya kailangang magsalita nang husto upang i-direct ang mga galaw nito. Kaya tumutok na lamang siya sa pagpitik sa camera nang halos hindi na tinititigan ang dalawang nasa harap niya.

Lumipat sila sa isang lugar na may balon, kung saan si Sakura at ang kasama ay nagpanggap na naghahabulan sa palibot nito.

Ginawa ni Sasuke ang trabaho. Click! Click! Click!

"Sasuke?"

Lumingon siya kay Sakura pagkatawag nito sa kanya matapos silang lumipat sa huling lugar ng photoshoot.

Napakagat si Sakura sa labi. "I think maganda if we kiss right here noh?"

Nanlaki nang kaunti ang mga mata ni Sasuke, napahigpit ang hawak sa camera. Tinignan ni Sasuke ang puwestong binanggit ni Sakura at nakitang may punto ang dalaga.

Sa gitna ng malaking arko ng mga rosas, ang pinakamagandang posisyon ng dalawang tao sa litrato ay ang maghalikan.

Wala rin naman siyang dahilan para tumanggi. "Aa." Tugon ni Sasuke na nagpangiti nang husto kay Sakura.

"Alright then…"

Trabaho mo 'to, Sasuke! Trabaho!

Gamit ang nanginginig na mga kamay, muling inangat ni Sasuke ang camera sa kanyang mata, ngunit pinikit niya ang dalawang mata sa nakita.

Click! Click! Click!

"Good job, everyone! It's a wrap!" Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Sasuke pagka-anunsyo sa lahat ng pagtatapos ng shoot. Tumalikod ito sa dalawang modelo, at tumungo na tila tinitignan ang mga kuhang litrato sa kanyang camera.

Biglang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. At muli, pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng tensyon sa kanya mula ulo hanggang paa. Pero hindi nito mababago ang katotohanan.

"I'm really happy, Sasuke. Salamat." Humigpit ang yakap ni Sakura. "Mula ng unang magkasama tayo sa shoots, pinangarap ko na talaga na ikaw ang magiging photographer sa prenup ko. And now, it happened! This means a lot to me, to us. Kaya maraming salamat, Sasuke."

Tila nanikip ang dibdib ni Sasuke sa narinig. Masakit. Mabigat. Mahirap. Ngunit ang mahalaga, kahit sa huling pagkakataon ay napasaya niya ang babaeng laman ng puso't isipan niya mula pa lang noong una niya itong makilala.

Tinanggal niya ang mga kamay ni Sakura sa kanyang baywang at humarap sa kausap. "No worries, Sakura. It's my job." Oo, trabaho lang. Hanggang trabaho lang naman ako sa'yo.

Pabiro siyang hinampas ni Sakura. "Ito naman napaka-professional lagi magsalita! By the way, I'll take this chance to personally invite you na rin. Sa October 23 ha. I'd really want you to be there sa wedding ko, Sasuke, kahit hindi bilang photographer ng team mo. Will you be able to come?"

Parang napako ang mga paa ni Sasuke sa kinatatayuan. Hindi siya makatitig sa naghihintay na mga mata ni Sakura kaya muli nitong binaba ang tingin sa kanyang camera.

Mabilis na nag-isip ng tugon si Sasuke, hanggang sa naalala ang isang malaking event na hindi niya maaaring hindi puntahan. "I'm...I don't think kaya ng schedule. Nasa Iwa ako by then. Sa'kin inentrust ang isang major event kaya...I'm sorry, Sakura," agad niyang sinabi.

Pero hindi na niya kailangan pang ipaalam na ang event ay mangyayari naman dalawang araw pa matapos ang kasal.

Hindi na saklaw ng trabaho ko ang lalo pang saktan ang sarili ko, Sakura. Bagamat nais kong gawin ang lahat para sa'yo, marahil ay sobra na kung pati itong hinihiling mo.

"Oh...uhm, naiintindihan ko. Of course the best photographer in the world should be there!" Natawa si Sakura nang bahagya. Hanggang sa may tumawag sa kanya.

"Babe?" Napalingon si Sasuke at Sakura sa papalapit na lalaki na biglang umakbay sa dalaga. "Nandiyan ka pa pala, Sasuke! Salamat uli ha. As expected, you work amazingly."

"Walang anuman. I'll just send the edits for the invitation kapag natapos na iedit ng team ko."

"Hindi na rin talaga kaya kapag ikaw pa ang mag-eedit noh? You're too loaded na eh."

Napayuko si Sasuke, kahit pwede naman niyang gawin, naisipan niyang i-delegate na lamang ang pag-eedit ng mga litratong hangga't sa maaari ay hindi na niya makikitang muli. Umiling siya at sumagot, "Hindi na. Sorry."

"Ayos lang," sagot ng nobyo ni Sakura. "Alam naman namin na you trained the rest of your team so well."

Tumango si Sakura sa sinabi ng kasintahan. "Tama! And personally, I entrusted to you the shoot na, yun palang sure na akong magiging maayos yung kalalabasan!"

"Salamat." If only you entrusted your heart to me as well.

"Mauuna na kami, Sasuke. See you around! Paalam."

Huminga ng malalim si Sasuke habang tinititigan ang papaalis na magkasintahan.

Paalam din, Sakura. Hindi ka man naging sa'kin, pakakawalan na kita. Dahil kahit ano pang pilit ng puso ko, matagal ng iba ang laman ng sa'yo.

Hanggang trabaho lang talaga tayo.