Chapter 5: Family

Notes:

* * - sound effects/actions

" " - speech

[ ] - miscellaneous

[3 Years Later]

[Haku's POV]

Hindi ni Haku maintindihan si kuya Dagat?

"Kuya Dagat."

"Ano yun Haku?"

Magaling si kuya. Kaya niya maintindi yun hirap na salita sa libro. Si Haku, hindi kaya gawin yun gawa ni kuya.

"Sino matanda sa atin?"

"Kamabal tayo kaya pinanganak tayo sa parehong araw. Pero, ako daw yun unang lumabas kay nanay kaya ako siguro."

"Lumabas kay nanay? Kinain ba ni nanay si kuya?"

*Tense*

"Ahh.. hindi.. kasi.. tanungin mo si nanay. Hindi ko din alam."

Tanong ni Haku si nanay mamaya.

"Bakit mo natanong yun?"

"Kasi galing ni kuya. Bilis ni kuya maintindi dun sa libro ni Lola May. Bakit iba si Haku?"

*Sweat Drop*

"Hindi ka mabagal Haku. Para sa akin mas magaling ka pa nga kaysa sa akin."

Magaling si Haku?

"Ikaw din ang pinakamabait na kapatid ko. Ni langgam hindi mo kaya patayin."

"Sabi ni tatay, lahat ng buhay mabuti."

"Mabait ka pero pano kung yun langgam kinagat si tatay tapos dahil dun hindi na siya makalakad?"

"Haharang ni Haku si tatay para di si tatay makagat ng langgam!"

"Pano kung malakas yun umatake kay tatay? Hindi natin siya kaya pigilan katulad ng langgam."

"… Hindi na makakalakad si tatay?"

"Oo."

Malakas kaysa kay kuya at kay Haku. Pero kung malakas si Haku, kaya ni Haku humarang.

"Magiging malakas si Haku para kaya ni Haku protektahan si nanay, tatay at kuya."

*Shocked*

"Hindi mo naman kailangan gawin iyon."

Kailangan ni Haku maging malakas.


[Dagat's POV]

Itong Haku na ito. Bakit siya namomroblema sa bilis ng pag-intindi niya. Kaya lang naman ako mabilis kasi 24-taong-gulang ako sa nakaraang mundo plus apat na taon dito sa mundong ito. Sa kinabuohan, 28 na taong gulang na ako. Yun talagang mabilis ay si Haku. Minsan naabutan ko siya na walang malay na ginagamit ang chakra niya ng walang kahirap-hirap. Ako naman, kaya ko pakiramdaman yun chakra na nilalabas ng ibang tao pero hindi ko pa rin makontrol ang sarili kong chakra ng maayos. Siguro hindi posibleng gamitin ang chakra ko ng maayos kung hindi ko gagamitin yun gintong ilaw ko na nakaseal.

*Sigh*

"Kuya?"

"Ano yun?"

"Pwede mo ba turuan si Haku ng mga nabasa mo sa Nenjushu, at Shakra Mapulashon."

Pinapababa lang ni Haku yun bilib ko sa sarili ko.

"Sige… tuturuan kita bukas ng madaling araw."

*Hug*

"Pinakamagaling si kuya."

Haay, pano ako ma-iinis sa mabait na batang ito? Gagawin ko na lang siyang magaling para mabuhay kami sa mundong ito na puno ng mga pahamak. Siya ang gagawin kong personal bodyguard. Tapos gagamitin ko yun oras ko sa pagbabasa ng mga libro at nobela sa mundo na ito dahil walang telebisyon para paglibangan. Tapos kung masipag ako, baka magamit ko din yun mga ninjutsu na napanood ko sa tv.

*Sigh*


[Dagat's Home]

Gabi na nakadating ang tatay nila Haku sa bahay.

"Honey, naka-uwi ka na."

"Whew, sobrang pagod na ako."

Ang nanay nila ay masipag na nagtutupi ng mga damit na pinatuyo niya sa araw.

"Kakatapos ko lang itupi yun mga damit. May hapunan pa. Gusto mo initin ko yun pagkain?"

"Sige nga dear, salamat."

*Munch, Munch*

"Mukhang… gutom na gutom ka ah. Gusto mo magluto pa ako ng pagkain?"

"Hindi dear, sapat na to."

"Honey… wag ka sobrang magpagod. Baka bumagsak yun katawan mo."

"Kailangan natin maabot yun mga tumataas na buwis. Kung hindi tayo makabayad baka lalong humirap ang buhay natin."

"Halika na sa higaan. Imamasahe kita ng mabawasan yun pagod mo."

*Chu*

"Salamat dear, tinutuloy mo pa ba yun ninja training mo?"

"Hindi na dear. Nakatutok yun atensyon ko sa hanap-buhay at sa mga bata. Alam mo ba, ang galing ni Dagat magsalita. Narinig ko sila mag-usap ni Haku nung isang araw. Para siyang matanda o iskolar kung magsalita."

"Nakatulong siguro yun mga binibigay ni Manang May na mga libro. Mahilig magbasa si Dagat kumpara sa ibang mga batang ka-edad niya."

"Oo nga honey, kung pwede lang natin ibalik yun grasiya na binigay ni Manang May sa atin."

"Baka puwede natin bigyan ng regalo si Manang pag bisita niya dito."

"Mukhang madaming ginagawa si manang hindi na siya nakabisita sa nakalipas na buwan. Hindi din natin alam kung saan nakatira si Manang, honey."

"Hihintayin nalang natin na bumisita siya ulit. Pero anong puwedeng ibigay natin sa kanya? Mukha siyang mayaman. Tapos hindi naman din natin kaya bumili ng mamahalin na bagay."

*Thinking Noises*

"Meron akong tinatago na napakalumang pamana ng Yuki clan. Teka lang, kukunin ko."

*Clack*

"Nasa loob ng kahon na kahoy?"

*Opens*

*Swoosh*

*Shiver*

Sa loob ng kahon may kristal na kulay maitim na lila.

"Ang lamig, dear."

"Malamig? Wala akong nararamdaman na lamig."

"Maganda itsura niya, dear. Mukha siyang eleganteng bato. Mayroong onting kinang siya kahit maitim yun kulay. Pero gusto mo ito ibigay? Hindi ba lumang pamana ito?"

"Para lang itong ginto. Nung buo pa ang Yuki clan alam ko ginagamit lang ito na dekorasyon. Sabi ng mga matatanda, tinititigan ito ng pamilya tapos nagkakaroon sila ng inspirasyon o lakas. Pero mga kuwento lang ito nila."

"Dear, pag tinititigan ko siya lalo lang akong nilalamig."

"Talaga, honey? Wala naman akong nararamdaman na lamig."

"Itago mo na muna yan. Matulog na tayo."

"Tara, honey."


*Chirp Chirp*

*Buzz Buzz*

*Yawn*

"Honey, gising na. Umaga na."

"5 minutes."

"Mga anak.."

*Stands*

"Haku, Dagat!"

"Ano yun dear?"

"NAWAWALA ANG MGA BATA!"

[Dagat's POV]

"Haku sabi dun sa libro kailangan mo ipikit yun mata mo tapos subukan mo magpokus sa loob ng katawan mo."

"Subukan ni Haku."

Ginawa ni Haku yun hand sign na nasa libro at tahimik na nagpokus.

*Concetrate*

"May asul na ilaw kuya. Tapos ikot-ikot siya sa tiyan ni Haku."

Ang bilis naman ni Haku.

"Kaya mo ba galawin yun ilaw?"

"Nagalaw ko siya! Sunod-sunod sila sa linya."

*Swoosh*

"Lumalabas yun chakra mo Haku!"

*Opens Eyes*

"Waah… Parang apoy, kuya!"

"Subukan mo na huwag ilabas yun chakra."

*Wane*

Pano nagagawa ni Haku sa isang sabi ko lang? Pero kung iisipin mo, isa siya sa mga tumapat sa Team 7 nung bata sila. Kung hindi siya namatay siguro magiging malakas siya na shinobi…

"Kuya, anong sunod na gagawin?"

Ayaw ko mamatay yun kapatid ko na to…

"Kuya?"

Pano ko mapipigilan yun hinaharap na iyon?

"DAGAT, HAKU!"

"Nanay?"

"BAKIT KAYO UMALIS NG SARILI NIYO!"

*Smack*

*Smack*

"Waaaaa!"

ARAY


[Dagat's POV]

"Mga anak, bakit kayo umalis ng hindi nagsasabi? Hindi niyo ba alam na halos nahimatay yun nanay ninyo dahil sa nerbyos?"

*Dejected*

"Si Haku yun mali. Sabi ni Haku gusto niya lumabas kasama si kuya Dagat."

"Hindi tatay, dapat nagpaalam muna ako sa inyo. Ako yun may sala. Humihingi po ako ng tawad sa inyo."

Nakalimutan ko na apat na taong gulang din pala ako. Tama lang na mag-alala sila kung bigla kaming nawala.

"Dear, mukhang nagsisisi naman sila sa ginawa nila. Papatawarin na ba natin sila."

"Mga anak, sa susunod, kung may gusto kayong puntahan o gawin, sabihin mo na muna sa amin para masamahan namin kayo. Ang mundo ay nakakatakot. Madaming masasamang tao na gustong kumuha sa inyo at hindi na kayo ibabalik sa amin."

"Ayaw ni Haku makuha si kuya ng masamang tao."

Ang bata na ito… Talagang pinapakonsensiya niya ako sa pag-isip na gawin siyang bodyguard.

"Susundin po namin kayo, nanay."

"Mabuti."

Kailangan ko lang ituloy yun pagturo kay Haku para mas magiging malakas siya kaysa sa Team 7. Pero ang dahilan ko ngayon ay para maprotektahan siya. Pero pano ulit napunta kay Zabuza si Haku? Nakalimutan ko na yun nangyari sa anime.