Chapter 6: Paparating na Bagyo

Notes:

* * - sound effects/actions

" " - speech

[ ] - miscellaneous

Bolded Words:

Kasagpi- Ally/Comrade/Kakampi

[1 Year Later]

[Mizukage's Mansion, Meeting Hall]

Ang mga Elders ng pinakamalalakas na clan at ang mga ulo sa gobyerno ng Kiri ay nagtipon-tipon sa loob ng isang maluwag na kwarto.

"Iho, binabati ko ang iyong pagiging pang-apat na Mizukage, Yagura of the three-tails."

"Ginagalak ako at sinasabi ito sa akin ni respetadong Elder May."

Si Elder Genji, ang pinakamatanda sa loob ng kwarto, ay nagsimulang magpatahimik ng mga tao.

"Simulan na natin ang usapan. Mizukage, napansin ko na malaki ang pagtaas ng mga buwis na babayaran ng buong Kiri. Maari ko lang itanong kung para saan ito?"

Mayroon isang mataba na tao na nakasuot ng marangya na kadamitan na sumingit sa usapan. Siya ang ulo ng pinansiya ng Kiri.

"Elder Genji ako na po ang sasagot diyan."

"Tuloy lang Minister Azamu."

"Madami pong mga masamang nangyari sa Kiri sa isang dekada. Nabigo tayo sa plano ng paggamit ng three tails para pahinain ang Konoha. Ang mga legendary swords natin nagsisiwalaan na. Tapos may mga pahamak na mga indibidwal sa mga komonero na nagtatago sa mga mata ng mga hunter ninja natin. Sa pagtaas ng buwis magagamit natin ito para mabawi ang mga bigo natin at para din maabala ang mga komonero para wala silang panahon para magrebelde."

Si Elder May naman ang sumingit.

"Pano kung gawin natin pantay ang pagtingin natin sa mga komonero para hindi nila isipin na magrebelde!"

Sa Kirigakure, ang mga komonero ay hindi tinuturing na totoong parte ng bayan. Sila ay tinatrato na mga tagalabas pero kailangan pa din nila magbayad ng buwis para hindi sila paalisin sa kalupaan ng Kiri.

"Elder May, patapusin muna natin si Minister Azamu."

"Dahil bilang ko lahat ng gastos ng Kiri, naisip ko na ito ang dapat gawin."

"Hindi ako sang-ayon diyan, iho."

Tumingin si Elder Genji sa direksyon ni Yagura.

"Ano ang desisyon niyo Mizukage?"

*Swoosh*

"Sang-ayon ako sa pagtaas ng mga buwis."

Hindi maganda ang reaksyon ni Elder May dito.

"Humph. Kayo po Elder Genji?"

"Meron din akong duda sa desisyon subalit papakingan ko ang kagustuhan ng Mizukage."

Nagrereklamo si Elder May ng pabulong.

"Ikukurakot lang ng kalbong ito ang pera…"

"Ano yun Elder May!"

"Wala. Na-ubo lang ako. Ubo, ubo."

"Itong matanda na to…"

*Swoosh*

Kuminang ang mga mata ni Yagura at kinuha ang atensyon ng mga tao.

"May idadagdag ako."

"Ano po iyon Mizukage?"

"Gusto ko higpitan ang pagparusa sa mga traydor. Kung sakali, dapat lahat ng traydor ay may parusang kamatayan, ano man ang kalagayan nila."

"MIZUKAGE!"

Ang deklarasyon nito ay nagkaroon ng malakas na reaksyon mula sa mga tao na nasa paligid.

*Swoosh*

"Kailangan ipakita ko na strikto at malakas ang Kiri para hindi muli isipin ng mga komonero o ng ibang mga bayan na lumaban sa atin."

Yumuko si Minister Azamu sa direksyon ng Mizukage. Sinilaw ng kanyang ulo ang mga katabi niyang mga tao.

"Susundin ko ano mang utos niyo Mizukage."

*Mumbles*

"Itong kalbong buwaya na to…"

"Ano yun!"

Si Elder Genji at si Elder May ay lumapit sa Mizukage.

"Mizukage hinihiling ko na pag-isipan mo muna ito."

"Ikaw bata ka! hindi mo ba alam kung anong magiging epekto ng gusto mong gawin!"

"Elder Genji. Elder May. Ito ang aking huling desisyon. Maari na po kayong umuwi."

Si Elder Genji at si Elder May ay tumingin ng matagal kay Yagura bago umalis dala ang mabigat na kalooban.

*Door Closes*

Si Yagura ay nakatingin sa kawalan ng ilang mga minuto.

"….."

*Swoosh*

Isang itim na butas ang nagpakita sa tabi ni Yagura at sa loob nito ay may lumabas na kamay. Sumunod na lumabas ang isang kahel na maskara. Pagkatapos lumabas ng misteryosong indibidwal ay nawala ang itim na butas na parang bula.

"Maayos."

"….."

"Sino ka ulit?"

"Ako ang 4th Mizukage."

"Ano ang layunin mo?"

"Patayin lahat ng mga traydor at pahirapan ang Kiri."

"Magaling. Babalikan kita minsan-minsan, aking tuta."

*Swoosh*

Nawala ang misteryosong indibidwal at ang mga patay na mata ng pang-apat na Mizukage ay patuloy na nakatingin sa kawalan.

"….."


[Isang maliit na bahay sa loob ng Kiri]

"Black!"

"Ano po iyon Captain?"

"Sinabi ng Mizukage na lahat ng traydor at makaka-pahamak na komonero ay may parusa na kamatayan at mahigpit na ipatutupad ito."

"Ibig sabihin, sa nakalipas na tatlong taon, pwede na natin ipaghiganti si White!"

"Pwede na natin sila sugurin dahil nasa likod natin ang Mizukage pero gusto ko magipit din si Elder May para mabigyan natin ng hustisya si White. Medyo tatagal sa isa hanggang dalawang taon ang plano pero matatamaan natin silang lahat."

"Ano pong plano?"

"Mas mahihirapan gumalaw ngayon si Elder May. Kailangan lang natin gumawa ng gulo dun sa pamilya na iyon tapos sa panahon na susubukan tumulong ni Elder May, mayayari din siya."

"Gagalaw ba talaga si Elder May para sa pamilya na iyon?"

"Tumutulong ng paunti-unti si Elder May sa mga komonero. Pero sa imbestigasyon ko, mas pabor si Elder May sa pamilya na iyon. Nagagawa pa niyang magbigay ng mga regalo sa kanila na hindi naman niya nagagawa sa ibang mga komonero."

"Pero Captain, kung direkta tayong gumalaw hindi ba mas madali tayong madedetekta? Kung mahalaga ang pamilya na iyon, baka itago sila ni Elder May sa ibang lugar kapag nadiskobre tayo."

"Hindi tayo madedetekta, kasi hindi naman tayo ang gagalaw."

"Ano?"

"Ang pamilya na yun ang gagalaw para sa atin. Iyan ang karma nila sa pagpatay sa mahalaga nating kasagpi."


[Dagat's House]

[Dagat POV]

"Gen.. ju.. tsu? Anong binabasa mo kuya?"

"Libro na binigay ni Lola May."

Sa taong nakalipas, halos sanay na ako sa wika dito. Pati si Haku gumagaling sa pagsasalita. Hindi na niya tinutukoy ang sarili niya na 'Haku.' Gumagamit na siya ng 'ako.' Magpapasalamat ako kay Lola May dito. Nakatulong kasi ang mga libro na binibigay niya sa amin. Nabigyan niya din kami ng mga libro tungkol sa pagiging ninja. Pero, hindi ko kaya mag-ensayo ng ninjutsu kasi ubos lahat ng chakra ko sa pagseal ng gintong ilaw sa mata ko. Inaaral ko na lang yun teorya ng chakra at ninjutsu.

"Anong sabi, kuya?"

Si Haku ang may progreso sa ninjutsu at chakra control. Nasusunod niya lahat ng tinuturo ko. Sa ngayon, kaya niyang tumayo sa taas ng tubig at sa muhka ng mga puno gamit ang chakra sa paa. Pero minsan nahuhulog pa siya. Kaya niya din makagamit ng chakra para kontrolin ang tubig. Sa totoo, bakulaw tong bata na ito. Kung maganda ang aking memorya, 10 years old pa ata natutunan nila Naruto ang mga ito. Ano kaya yun maabot ni Haku kung hindi siya namatay ng maaga?

*Depressed*

"Ok ka kuya?"

"Oo Haku."

Tapos mabait pa siya, hindi katulad ni Deedee at Isip. Kamusta na kaya sila? Nalaman kaya nila na bigla na lang ako nawala sa mundo?

"Ang genjutsu ay umaatake sa mga senses ng kalaban. Kaya ng genjutsu na paniwalain na nasaksak o nasaktan ang isang tao gamit ang ilusyon at manipulasyon."

Pero hindi sinasabi dito kung papaano ito isinasagawa. Siguro kulang ang mga taga-Kiri ng kaalaman tungkol sa paggamit ng genjutsu o baka may mas advance na librong nakatago tungkol sa genjutsu.

"Hindi ko maintindihan."

Haha. Para ngang hindi pangbata yun mga sinasabi dito sa libro na to. Bakit to binigay sa'kin ni lola May?

"Pag binasa mo ng paulit-ulit makukuha mo din. Tapos malalagpasan mo na ako."

"Si kuya Dagat ang pinakamatalino!"

*Smiles*

Ngayon ko lang nalaman, pero nakakatakot pala ang genjutsu. Hindi ito madaling matanggal. Tapos kung magaling ang genjutsu-user hindi ito madaling madetekta ng iba. Kung naaalala ko ng maayos, ang genjutsu sa anime ay gumagamit ng chakra sa anyo ng ilaw, tunog o kung ano man na mararamdaman ng senses ng biktima. Kapag naabot ng chakra ang biktima, ididirekta ng genjutsu-user ang chakra niya papunta sa utak ng kalaban para makagawa ng ilusyon. Kailangan ng genjutsu-user ng perpektong kontrol at kaalaman para makagawa ng malakas na ilusyon. Dahil dito, mas napapahalagahan ko si Itachi bilang isa sa malalakas na genjutsu-user sa mundo ng Naruto. Tapos meron din atang clan sa Konoha na kaya gumawa ng ilusyon na nakaka-apekto sa realidad.

*chills*

Ayaw ko maging isa sa mga biktima ng genjutsu. Baka makakita ako ng mga daga o palaka. O baka pagawin ako ng mga nakakahiyang bagay.

*Drip*

Mukhang mabasa-basa ang panahon ngayon.

"Haku, mukhang uulan ng malakas."

*Looks outside*

"Hindi naman madilim kuya?"

*Depressed*

Uhh, ayaw ko ng ma-ulan na panahon. Madami ng beses natanggal yun bubong namin dahil dito. Tapos wala naman ditong evacuation center.