Chapter 2: Sealed Eyes
Notes:
The common language in the Naruto world would now become indicated by " " as the protagonist adjusts to the world's language.
* * - sound effects/actions
" " - speech
{ } - speaking in foreign language
[ ] - miscellaneous
[Dagat POV]
PARANG LOBO NA PUPUTOK YUN ULO KO!
Sa dami ng imahe na pumupunta sa utak ko hindi ko na kaya. Dahil desperado ako, naghanap ako ng paraan para mawala yun sakit. Umiyak, sumigaw, gumalaw, lahat na ginawa ko para mabawasan yung sakit ng ulo ko. Hanggang sa yung asul na apoy na nakita ko sa sanggol gumalaw.
Parang kaya ko kontrolin yun pagdaan ng asul na apoy.
Dinerekta ko yun apoy papunta sa gintong ilaw sa mga mata ko. Pagkatapos ko gawin ito nabawasan yun mga imahe na pumapasok sa utak ko. Yun mata ko na parang nakalutang sa langit paunti-unting bumababa habang ang gintong ilaw ay humihina. Bumaba nang bumaba ang mga mata ko hanggang sa napunta yun paningin ko sa mata ng sanggol.
"Haaah."
So, ako yun sanggol…
Normal na ulit yun paningin ko. Nawala na rin yun sakit ng ulo ko. Pero kailangan kong idirekta yung asul na apoy sa gintong ilaw ng mata ko ng patuloy-tuloy. Pag hindi ko tinuloy yung pagdaloy ng asul na apoy, nararamdaman kong lumalaki muli ang gintong liwanag.
*Wane*
Kapag binawasan ko ng onti yun apoy na papunta sa mata ko, nararamdaman kong lumulutang ulit yun mga mata ko. Pag lumaki yung gintong ilaw ng 5%, kaya ko makita yun asul na apoy sa loob ng sarili kong katawan. Nalaman ko na mas madali kong nakokontrol ang asul na apoy kapag nakikita ko ito, kaya hinahayaan kong umabot sa limang persyento ang gintong liwanag habang hindi ko pa alam kung paano matigil yun paglaki nito.
*Swoosh* *Wane* *Waver*
Ang problema, napakaonti lang ng asul na apoy sa loob ng katawan ko. Malapit na siya maubos.
*Swoosh*
Yung babae biglang pinatong yung kamay niya sa tiyan ko tapos nakita ko yung asul na apoy sa kamay niya.
Nakita ko yun asul na apoy na pumasok sa katawan ko at dumaloy sa mga maliliit na daanan. Pagkapasok ng asul na apoy sa katawan ko, nakuha ko rin ang kontrol dito. Yung asul na apoy na to mukhang pamilyar.
Saan ko ba to nakita? Hindi ba ito yun apoy ni Asula sa Avatar the last Wind Elemental…
Hindi ba?
Anyway, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin dito sa walang katpusan na pagdaloy ng chakra sa mata ko. Natatakot ako baka sumabog yun ulo ko.
Hmmm…
Pano kung ipitin ko yung gintong ilaw gamit ang asul na apoy.
*Swoosh*
Ayun. Parang nakakulong ko yung gintong liwanag sa loob ng asul na apoy. Nakikita kong unti-unti pa rin na kinakain ng gintong liwanag yun asul na apoy pero hindi na ito kasing lala ng kanina.
Pero parang may kulang pa sa ginawa ko.
Paano kung gawin ko ito?
*Concentration Intensifies*
Sa imahinasyon ko ginawa kong hugis-kamay yung asul na apoy. Pagkatapos nito ay pinagalaw ko ang mga asul na kamay. Hinimas ko yung dalawang asul na apoy na nakataklob sa gintong ilaw. Ang resulta ay nagmukhang makinis na bola yung asul na apoy na nakapalibot sa gintong ilaw pagkatapos ko ito gawin.
Mas humina na yun gintong ilaw tapos mas mukha ng matibay yun asul na apoy.
Ayus!
Yung bolang asul kinulong niya yung gintong liwanag sa loob tapos nagsama siya sa pupil ng mata ko. Nagkaroon ng puting marka sa mata ko pagkatapos ng proseso na ito. Nagbalik na din yun malabong paningin ko sa simula.
Mukhang matagal bago mawala yung marka na ito. Pero ngayon na nalagpasan ko na ang taning sa buhay ko, balik na tayo sa ibang usapin. Bakit ako nasa katawan ng sanggol? Sino ang mga tao sa paligid ko at ang pinakaimportante…
PAANO AKO NAPUNTA SA SITWASYON NA ITO?
[Mother's POV]
*Phew*
Parang tumitigil na yun pagkaubos ng chakra ni Dagat.
"Dear, parang gumagaan na yung pakiramdam ni Dagat."
*Wobble*
"Dear!, Ok ka lang?"
Sobrang hina ko. Ubos na ang chakra ko. Gusto ko na matulog.
"Hindi na siya mainit?"
*Opens eyes*
"Dear, look."
*Shocked expression*
Seal ba yan?
"May bagong marka sa mata niya."
Si Dagat ba yun gumawa ng lahat ng nangyari kanina? Siya ang naglabas ng malakas na puwersa?
Oh, nawala yun puting marka sa mata niya.
"Hahahaha"
"Dear, ba't ka tumatawa?"
"Wala honey, nabaliw lang ako dahil sa nangyari sa anak natin. Matutulog muna ako."
*Tense*
May naramdaman ako.
*Looks out the window*
*Mumbles*
"Imahinasyon ko ba yun?"
[Outside the house]
Isang matandang babae ang nakatayo sa sanga ng isang puno. Ang abo niyang buhok ay nakatali papataas habang may buhok na umabot hangang balikat. Nakatingin siya sa isang maliit na bahay na mukhang magigiba sa isang ihip ng malakas na hangin.
"Hehe, mukhang may malaking potensyal ang bata batuta."
*Swoosh*
Nawala ng biglaan ang matanda sa puwesto niya.
