Chapter 3: Stalking Danger

Notes:

* * - sound effects/actions

" " - speech

{ } - speaking in foreign language

[ ] - miscellaneous

[Dagat's POV]

[1-Year Passed]

Isang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako nasa sitwasyon na ito. Normal na dumaan ang panahon. Hindi ko magalaw yung mahinang katawan ng sanggol. Kung may gusto man akong sabihin, hindi din ako mainitindihan kasi iba ang lengwahe na sinasalita ng kasalukuyang magulang ko. So, namuhay talaga ako na parang sanggol na natutulog, umiihi, at umuungol pag nagugutom. Yun pinagkaiba ko lang sa ibang sanggol ay kailangan ko kontrolin yun apoy papunta sa mata ko tuwing humihina yun seal.

Sa isang taon na pag-obserba ko, alam ko na din na nasa mundo ako ng Naruto at ang asul na apoy na nakikita ko ay chakra. Napunta ako sa konklusyon na ito nang makita ko yung nanay ko na gumawa ng mga iba't ibang hand signs tapos naging yelo yung tubig sa harapan niya.

*Grumble*

Nagugutom na ako.

"Ahhh. Ahhh."

"Iho, gusto kain?"

Yung lola na ito ay si lola May. Minsan-minsan ay bumibisita siya rito. Lagi niya kaming inaalagaan at kinaksausap. Sa kanya ko natututunan yun lenguwahe dito. Sa kabilang palad, nagkakayod araw-araw yung magulang ko kasi nasa mahirap na parte kami ng bayan. Yun kapatid ko naman ay isang normal na sanggol.

*points*

"Tawag diyan ay BAYAN"

Gusto ko din ang mga dala na libro ng lola tuwing bumibisita siya. Dahil mahirap lang yun pamilya ko, wala kang makikitang libro. Ang makikita lang sa bahay namin ay yung pang araw-araw na pangangailangan at pangkabuhayan.

"ba.. wan"

"GALING NG BATA!"

Sa isang buwan, nasanay na ako sa mga pangbatang picture books na dinadala nung lola. Kaya ko tukuyin at sabihin yun mga simpleng mga bagay. Medyo nahihirapan lang ako sa pagbikas dahil kakaiba ang mga tunog ng lengwahe rito.

*points*

"Ang basa diyan ay BAYAN NG KIRI o KIRIGAKURE."

"K…iri."

*nods happily*

Sandali lang… Hindi ba ang Kirigakure yun parte ng Naruto World na pumapatay sa mga may kekei genkai. Kilala din sila sa palayaw na 'Bloody Mist'? Tapos yung nanay ko nakita kong gumamit ng ice-style na kekei genkai. Tapos hindi ba pangalan ng kapatid ko Haku. Magkamukha kami ni Haku at masasabi ko na kamukha namin yun Haku doon sa napanood ko.

Put$%&!.

Mukhang mamamatay ako ng wala sa oras.

*piss*

"Ala umihi ang bata batuta?"

"Waaah!"

"Sandali lang Haku kukunan kita ng dede pagkatapos dito."

*Sigh*

Itatago ko na lang yung mata ko at yung kekei genkai na baka mamana ko sa nanay ko.


Sa isang labahan may mga babaeng nagtatrabaho. Matiyaga silang nagkukuskos ng mga damit sa malaking plangana. Isa sa mga trabahador ay ang nanay ni Dagat. Patapos na siya sa kanyang labada.

"Mare, kailangan ko na umuwi. Iwan na kita diyan."

*Scrub, scrub*

"Sige mare."

Lumiwas na ang nanay ni Dagat dala-dala ang mga gamit niya. Onting apak pa lang at may lalaki na lumapit sa kanya. Ang lalaki na iyon ay nakasuot ng malinis na kadamitan at merong headband ng Kiri na nakasabit sa braso niya.

"Kamusta."

Nakita ng nanay na ang lalaki ay mula sa maharlika ng Kiri. Kumirot ang kanyang puso.

"Hindi po ninyo kailangan mangamusta sa hampas lupa na ito."

"Tayo."

*Stands*

*Nervous heartbeat*

"Gusto ko lang malaman kung saan kayo umuuwi. Baka matulungan ko kayo sa pagbuhat ng mga kagamitan mo."

"Doon po kami sa kagubatan. Hindi po namin kaya makabili ng bahay sa loob ng Kiri."

"Meron po ba kayong asawa?"

*Nervous sweat*

"Meron po."

"Anak?"

Naramdaman ng nanay na hindi maganda ang intensyon ng dalawang lalaki kaya hindi siya makasagot agad.

"Hindi naman po interesante ang buhay kong ito."

"Gusto mo samahan na kita pa-uwi?"

"Hindi na po kailangan ng maharlika na katulad niyo na tulungan po ang mahirap na katulad ko."

"O sige, mag-ingat ka sa pag-uwi."

Umalis ang nanay ng may kaba sa puso niya.

*Smoke puff*

May isang lalaking nakasuot ng puting maskara na walang kahit anong dekorasyon.

"Black, siya ba yun target natin?"

"Hindi pa ako sigurado. Pero suspect siya"

"Dapat dinala mo na din siya. Total komonera lang siya."

"Medyo malakas yung naramdaman kong chakra bago nakita natin yun ebidensiya ng ice kekei genkai. Kung magpakita kaagad tayong dalawa, siguradong makakatakas din siya ng walang hirap."

"Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa higher ups?"

"Gusto ko mapunta sa'tin yung credit sa paghuli ng kekei genkai user."

*Smiles*

"Ahh baka ipromote tayo ng captain."

"Tama na tanong, White. Panoorin muna natin sila. Gagalaw tayo pagkatapos ng imbestigasyon."

Sinuot ni Black ang itim na maskara na nasa likod niya at.

*Swoosh*

Ang dalawang lalaki ay nawala sa paligid.


Sa Tirahan sa labas ng Kiri. Ang magulang ni Haku at Dagat ay nag-uusap.

"Honey?"

"Ano yun, dear?"

"Merong kadudadudang maharlika na lumapit sa'kin kanina. Tinanong niya yung sitwasyon ng pamilya natin."

"ANO?"

"Hindi ko sinabi na may mga anak tayo kasi... baka may mangyari sa kanila."

*Sigh*

"Wala tayong magagawa diyan. Baka naman gusto ka lang bastusin ng lalaking iyon?"

"Hindi ko alam… Patawad, honey."

"Dear, alam ko na Yuki clan ka bago kita pinakasalan. Ako yun pumili sa buhay na ito."

*Kisses on forehead*

"I love you dear."

*Giggle*

"Me too."

"Kailangan lang natin mag-ingat sa ngayon. Baka yung lalaking yun nakakita sa'yo habang nag-eensayo ka sa gubat."

"Wag ka mag-alala honey malakas yung asawa mo. Poprotektahan kita."

Pinakita ng nanay ang kanyang muscles.

"Hahaha, dear. Poprotektahan ko din kayo."

"Pero honey, ito lang ang gusto kong malaman mo. Yung unang sasagipin ko ay sila Haku at Dagat. Di bali na ang buhay ko basta masagip ko ang mga bata."

*Smiles*

"Pareho tayo ng isip, dear."


Ang dalawang ninja ay nakatayo sa isang sanga.

"May nakikita ka ba, White?"

"Wala. Masyadong misty."

"MALAMANG NASA HIDDEN MIST TAYO! Gamitin mo yung jutsu mo!"

*Hand signs*

Tinakpan ni White ang kanyang mata at may mata na gawa sa tubig na bumuo sa harapan niya. Tumingin si White kay Black gamit ang isa pa niyang mata at tumungo.

"Ready na."

Ang mata ay lumutang papunta sa tapat ng bintana ng bahay ng Yuki family.

"Nasa ligtas ako na distansya sa ngayon."

*Door Creaks*

Nagtago ang mata ng panandalian.

"May nakikita akong matandang babae na lumabas ng bahay. Medyo pamilyar yung mukha niya."

Tumingin yun lola doon sa direksyon ng mata na gawa sa tubig.

*Whispers*

"BLACK! Tumingin sa direksyon ko yung matanda."

"Wag ka magpokus sa kanya tapos ipitin mo yung chakra mo para bumaba yun presensiya mo."

*Concentration*

Lumabas yung matanda na parang wala siyang nakita.

*Whew*

"Umalis na siya."

"Sumilip ka ulit sa bintana."


[Lola May's POV]

Ang talino ng bata na ito. Napakabilis niya makakuha ng mga konsepto. Tapos meron siyang hindi ko maintindihan na pasyon para matuto. Mataas ang potensyal niya kumpara sa kapatid niya. Hindi. Mataas ang potensyal niya kumpara sa kahit sinong ka-edad niya. Nakikita ko na lagi niyang hinahanap yun mga libro na dinadala ko. Siya mismo ang nagpapasimuno ng pag-aaral ng mga imahe at salita sa libro. Tapos yung kakaibang puwersa na naramdaman ko nung kakapanganak niya.

*Door Opens*

"Dagat! Andito na si nanay at tatay."

"Nana. Tata."

"Naaa? Taa?"

*Smile*

"Mukhang natututo din si Haku sa tabi natin."

"Lola May, salamat po sa pag-asikaso sa kambal."

"Walang anuman. Natutuwa din ako pag kasama ko ang mga bata batuta na ito."

Gusto ko nga din turuan si Dagat ng mga kaalaman ko pag mas malaki na siya.

"Kiss nanay."

*Chu*

*Chu*

"Cute cute."

"Si tatay walang kiss?"

*Chu*

*Hesitates*

*Looks away*

*Depressed Noises*

Ang pilyo naman ng bata na ito. Wahahahah.

"Hahaha honey, kawawa ka naman."

"Bakit ayaw ako i-kiss ni Dagat. Si Haku ok naman."

"Mukhang may favoritism si Dagat."

"O mga bata, lalayas na ako."

"Salamat po ulit Lola May."

*Leaves*

*Swoosh*

"Hmm?"

*Fade*

Sigurado akong may naramdaman akong chakra fluctuations doon. Aalis muna ako kunwari para hindi ko ma-alerta ang mga masamang damo na nagtatago.

*Walks away*

Iikot muna ako dito tapos oras na para magputol ng mga damo.


Sa mga puno, ang dalawang nagtatago ay patuloy na nanonood sa Yuki family.

"Ano na ang nakikita mo."

"Meron sanggol na hawak yung babae at lalaki tapos nagtatawanan sila."

*Mumbles*

"So apat pala silang magpamilya"

Unti-unting lumalawak ang mist. May naramdaman na hindi tama si Black.

"Huh?"

*Ssssss*

*Rustle*

"Black, kumakain sila. Kailangan ko ba panuorin hanggang sa dulo?"

Lumingon si White pero wala na si Black sa likod niya.

*Silence*

"Black?"

*Looks around*

*Silence*

"Umihi siguro yun."

Bumalik na si White sa panonood sa Yuki family.

*Sssss*

Sobrang lumawak na ang mist.

*Sizzle*

"Ahh…

Uminit ang buong paligid at nasusunog ang balat ni White.

ARAY!"

*Sizzle*

Lumalaki pa rin ang mist.

"NASUSUNOG YUN BALAT KO!"

Tumakbo si White para makaalis sa mist pero parang sinusundan lang siya nito.

*Blup, Blup* *Sizzle*

"ANO 'TONG SUMUSUNOG SA BALAT KO!"

*Sizzle*

"AHHHHHH!"

Naging itim na ang balat ni White at ang mga itim sa mata niya ay pumasok sa suotan ng kanyang mata.

*Flop*

*Thud*

*Rustle* *Rustle*

Lumabas si Lola May mula sa mga talahib.

"Naputol na ang damo."

Tumingin siya sa direksyon kung saan tumakbo si Black.

"May masama akong premonisyon."