Chapter 4: Future Troubles

Notes:

* * - sound effects/actions

" " - speech

{ } - speaking in foreign language

[ ] - miscellaneous

Bolded Words:

Matriarch- Female head of the family

[Black's POV]

*Panting*

"Huff, Pufff… Hufff… Puff"

May nakadiskobre samin! At malakas ang kanyang presensya! Nahuli siguro si White o baka patay na siya.

*Door Slam*

"CAPTAIN!"

"Black? Bakit ka andito sa oras na to?"

"Patay na si White."

"Saan? Ano nangyari?"

Kakampi ba ng malakas na ninja yung pamilya na iyon?

"May iniimbistigahan kaming komonero na posibleng kekei genkai user pero meron po silang kakampi na malakas na ninja. Kung tama yung naramdaman ko, kasing lakas niya ang respetadong 3rd Mizukage natin."

"Onti lang ang mga ninja na makukumpara sa kanya…"

"Yun talaga yung naramdaman ko sir."

"Mataas ang lebel ng sensory mo kaya hindi kita pagdududahan. Pero sino yun mga ninja na kasing lakas ng 3rd Mizukage?"

"Yun mga elders lang po yun pwede makagawa nito. Pwede din galing sa ibang bayan yung umatake sa amin."

"Yun naiisip ko lang na pwedeng gumawa nito ay ang mga ulo ng mga clan na hindi sang-ayon sa pamamahala ng Kiri. Obserbahan muna natin yung sitwasyon. Baka may mas malaking nangyayari sa likod ng pamilya na iyon."

"Sige po."


[Terumi Household]

Pumasok sa malamansyong bahay si Lola May. May dalagita na may mahabang kahel na buhok na sumalubong sa kaniya.

"Lola! Saan po kayo nanggaling?"

"Oh Mei, ba't gising ka pa? Hindi ba may misyon ka sa kinaumagahan?"

"Nag-aalala lang po ang buong pamilya sa inyo. Akala nila may nangyari. Hinahanap ka po nila ngayon sa labas."

"Pabayaan niyo na ako maglaro paminsan-minsan mga iho. Ito na ang mga huling panahon ko sa buhay."

*Deadpans*

"Lola mahirap din po sa amin kung mawawala ang matriarch ng clan."

"Hay, mga bata ngayon. Umaasa pa sa matanda na ito. Pag namaster mo na yun lava release at boil release mo, ikaw na ang gagawin kong matriarch ng clan."

"H..An…Annoo! Lola nagbibiro po ba kayo!"

"Hindi iho. Angat ka sa mga ka-edad mo at wala akong kilala sa pamilya na kasing talas at bukas na isip na katulad mo. Kaya mag-ensayo ka ng ma-igi para mapatunayan mo din ang lakas mo."

"H…hindi ko po kayo bibiguin!"

"Meron pala akong nakita na pwedeng maging kandedato para sa asawa mo sa hinaharap. Mataas ang potensyal niya. Kailangan mo lang maghintay ng ilang taon."

*blush*

*Whispers*

"Gwapo ba po siya lola?"

"Hindi ko pa alam iho. Tatlong-taong-gulang pa lang siya."

"LOLA!"

"Wahahaha!"


Sa labas ng bahay ni Dagat ang tatay ay kumukuha ng tubig mula sa balon nang dumating ang nanay.

"Dear! Tapos ka na mag-exercise?"

*Nods*

"Bakit napapadalas yun pag-eensayo mo? Balak mo ba bumalik sa pagiging ninja?"

"Hindi, may masama lang akong kutob. Parang may masamang mangyayari."

"Baka naman kung mahuli ka mas malagay sa pahamak yun pamilya natin!"

"Sa malayo ako nag-eensayo at mas magiging ma-ingat ako, honey. Hehe"

"Hay. Hindi pa ba sapat yun ginagawa ko para sa inyo."

"Ikaw ang pinakamagaling at pinakamalakas na lalaki na kilala ko"

*Chu*

"Sige na. Papagbigyan na kita dear."

*Smile*

"Anong ginagawa nila Haku at Dagat."

"Kakakain lang namin kanina. Naglalaro ata sila bago ka dumating."

Pumunta ang mag-asawa sa pinto at binuksan ito.

*Splash*

"Bakit nabubo yun tubig!"

Si Haku ay nakatingin sa tubig na nabubo sa sahig habang si dagat ay nerbyosong nakatingin sa mga magulang.


[Dagat's POV]

Ang kulit ng batang ito.

"Babagu."

*Runs*

Kung saan-saan siya tumatakbo. Sa mga delikadong puwesto pa siya pumupunta. Parang si Deedee lang nung bata kami.

*Sigh*

Naiintindihan ko naman kasi isang taon pa lang siya pero ang hindi ko matangap ay yun tatay namin na nasa ibang lugar tuwing may masamang nangyayari kay Haku. Isang beses papunta na siya sa mga kutsilyo. Tapos isang beses papalabas na siya ng bahay. Kailangan ko pa gamitin ang buong lakas ng isang-taong-gulang para lang mapigilan siya.

*Point*

"Tu."

O ngayon tinuturo niya yun pitchel ng tubig sa taas ng la mesa. Nauuhaw ba siya?

"Tu."

Hindi ko abot yun kaya kailangan hintayin natin si tatay na bumalik.

"Weyt.. Tata."

*Stare*

Tinitigan nalang ni Haku yun pitchel na kahoy.

*Whew*

Tumahan na din siya.

*Swoosh*

*Wobble*

Mahuhulog yun pitchel!

"Haku!"

*Falls* *Thud*

Nahulog yun pitchel pero… walang tubig?

*Swoosh*

Lu.. lumulutang yun tubig!

*Points*

"Tu."

Si Haku ba yun gumagawa nito?

*Door Creaks*

*Splash*

Nahulog yun tubig.

*Rush*

"Ok lang kayo mga anak? Honey, bakit nabubo yun tubig? Hindi mo ba nilagay sa puwesto na hindi nila maaabot?"

"Nakapatong lang yun sa la mesa."

"Pano nila naabot yun?"

*Looks at Dagat*

Wag mo ko tingnan hindi ako gumawa nun.

"Tu…"

Mukhang malungkot si Haku. Hindi ko pa alam kung pano magsalita. I-aacting ko na lang.

*Charades*

"Nauuhaw si Haku?"

*Nods*

"Ah! hindi nakainom si Haku pagkatapos namin kumain kanina. Teka lang dear ako na kukuha."

Batang henyo talaga si Haku. Ang aga niya nagamit yun konsepto ng chakra manipulation. Hindi pa siya gumamit ng mga hand-signs. Pero kailangan linisin muna yun nabubong tubig. Kukuha ako ng pamunas.

"Haku."

Pinakita ko yun pamunas na kinuha ko kay Haku tapos pinunasan ko yun nabubong tubig.

"Da."

*Grabs* *Wipe*

Ohh tumulong si Haku. Mabilis din siya umintindi para sa isang-taong-gulang.

*Pat*

*Smile*

"Da."

[Mother's POV]

Ang babait ng mga anak ko, marunong maglinis! SOBRANG CUTE NILA! Manang-mana sa nanay.

"Honey kailangan na natin bayaran yung buwis bukas."

"Kakasya na ata yun mga naipon ko sa pagbenta ng mga palay na tinanim ko at sa pagbubuhat ko na trabaho."

"Honey, tataasan nila ng tatlong beses yun buwis simula bukas."

"Ano! Pagnanakaw na ang ginagawa nila! Ang aapihin pa nila mga walang pera!"

Tama ka honey.

"Sabi ng Minister para daw ito sa pag-alay sa Mizukage."

"Bakit hindi sila ang magbigay ng alay. Sila yun may kakayahan na magbigay."

Baka may mga patagong bagay na nangyayari sa mga matataas na posisyon. Hinahala ko na kasakiman lang ito ng Minister.

"Honey, baka makatulong ang mga naipon ko sa paglalaba. Maghahanap din ako ng ibang mga trabaho."

"Hindi dear, ako na bahala diyan. Baka mabawasan yun oras ko sa bahay kaya kung maaari samahan mo na lang ang mga bata. Pwede mo din bawasan yun mga labahan mo o pwedeng dalhin mo na lang sa bahay. Ako na bahala magdala ng mga labahin mo papunta sa mga tao."

Mahihirapan ang honey ko. Pero sang-ayon ako sa sinasabi niya. Walang magbabantay sa mga bata kung pareho kaming nagtatrabaho sa labas.

"Sige honey, makikinig ako sa'yo."

*Chu*

"Aalis na ako, baka maabutan ko pa yun trabaho sa pyer."


[1 week later]

"Captain, sa imbestigasyon ko, mukhang may koneksyon nga sila kay Elder May ng Terumi Clan. Napansin ko na karamihan ng lakad ni elder May ay laging papunta sa direksyon ng bahay ng pamilya ng apat."

"Itigil na muna natin sa ngayon ang plano."

"Pero pano yun buhay ni White? Hindi ba tayo pwede gumanti sa mga hampas lupa na iyon!"

"Magagawa natin iyon kung walang espesyal na koneksyon si elder May sa kanila. Kung mahuli tayo, pareho lang ang magiging kapalaran natin kay White. At kahit ireklamo natin ito sa mga nakakataas, sa ngayon, mas papaboran nila ang isang elder ng isang clan kaysa sa atin."

"Naiintindihan ko po."

"Kailangan lang natin hintayin ang tamang panahon. Isagawa muna natin ang seremonya sa patay para kay White."

"Opo."