Ang Admiral at Espiya sa First Magic High School.
Uzumaki Naruto, ang pinakabata ngunit sikretong Admiral ng Dominion Navy ay ipinadala sa First Magic High School kasama si Nova Terra upang malaman kung sino ang misteryosong Strategic Class Magician at upang makuha rin ang mga sikretong teknolohya sa Japan. Naruto AU x Mahouka AU x Red Alert x Multiple x-overs. Draft Only. Warning: Language is Taglish (a creole) but mostly Filipino.
A/N: Maraming salamat sa inspirasyon pala sa mga author na si Raido x-2 at pegasai.
A/N: Ito ay Naruto AU kung saan ang mga karakter ng Naruto ay naka integrate sa Mahouka at may mga elemento o karakter din sa One Piece, Command and Conquer Red Alert 2 and 3, Supreme Commander Forged Alliance and 2, Rurouni Kenshin, Star Craft at Akame ga Kill. No Chakra but the jutsu from Naruto canon will be classified as Magic.
"Conversation"
'Thoughts'
Disclaimer: I do not own Mahouka nor Naruto, don't sue me at di naman to US.
Fundamental Concepts sa Mahouka Magic (From the Mahouka Wikia and Light Novel): Please read the Light Novel, manga or watch the anime para di kayo malito.
Magic-It is a product of neither legends nor fairy tales, but instead has become a technology of reality since a time unknown to people.
Psions (Thought Particles) are non-physical particles that come under the dimension of psychic phenomenon, an information element that records the result of cognizance and thought.
Pushions (Spirit Particles) are substance-less particles (non-physical entities) that come under the dimension of psychic phenomena. Their existence has been validated, however their true form or function has yet to be clarified.
Eidos refers to the event where the information of the target is temporarily overwritten. Information is associated with events. If the information is rewritten, the event will be rewritten. As the nature of phenomena is written in Psions, modifications to these will result in real world events being temporarily modified as well.
Magic Casting Techniques are ways that magicians can cast magic in a faster or more efficient way. The most commonly used way magicians cast magic is with the use of Casting Assistant Device (CAD), but throughout the series we see other ways that magic can be cast and used.
Magic or Magic Sequences can be cast with various tools that assist in the activation and casting of the magic or magic sequence. Commonly used tools are CADs (which come as Generalized or Specialized) for Modern Magic, Charms, Sutras, Talismans, etc. for Ancient Magic. These tools store the Activation Sequences.
The Activation Sequences are a type of Psion. But they alone cannot affect reality. The Psions produced by the user would scramble and then return. This is the function of CADs, to take the Psions initially provided by the activation sequence, and form them into Psions the magician can use to rewrite phenomena: the magic ritual (sequence).
Regarding sa First Magic High School: Sa school na ito may dalawang klase ng mga mag-aaral ang class one o yung blooms (since may flower emblem sa kanilang balikat sa uniform) at class 2 students o yung weeds (walang emblem sa balikat). Ang mga blooms ay ito yung mga sections A to D na kung saan sila ay may guro na nagtuturo sa kanila at priority ng school samantalang ang section E to H o yung weeds, may prepared presentation sa screen ang kanilang lesson at walang teacher due to lack of magic teachers.
Main characters
Uzumaki Naruto
Age: 18
Occupation: Soldier (Allied Navy, secret)
Appearance: Blonde Hair, Blue eyes, fair complexion (in this story walang whisker marks si Naruto). 5ft 11 in height.
Rank: Full Admiral (Dominion; Allies).
Nicknames: The Masked Admiral, Demon of the Sea, Pride of the Dominion
Citizenship: British, Dominion.
Powers
Psions
Psion Powered Abilities
-Cryokinesis (Ice Manpulation, will be equal to Hyoton in Naruto Manga and Hie Hie no Mie in One Piece)
-Poison ability
-Teleportation ability
Specialised Abilities
-Rasenshuriken (from Naruto canon) in which the user can cast a powerful energy of spheroid with edges (similar to a shuriken or to a satellite image storm) that can be thrown away.
-Prism light blast (from red alert 2 and 3 Prism Tower light attack, which could instantly kill anything near to it and bounce the light to other enemies)
-Chrono swap (from red alert 3, ability where he can swap himself to another one, or swap someone to another one). Similar to Kawarimi in Naruto canon.
-Chrono shift (which he can teleport himself or everyone else and even lots of vehicles anywhere in the world, but it has a cool down of 1 hour before he can use it again)
-Cocytus (like that of Miyuki, which she can make everyone frozen but it also freezes the "soul" of someone)
-Cryogeddon (a tactical to strategic type of magic that will freeze anything in its path but requires a lot of psionic power which will make the caster partially exhausted, from red alert 3)
-Venom Demon (from One Piece Doku doku no Mi) in which Naruto will coat himself with a very potent red poison and form a large demon from it that he can use as a sort of golem to poison anything he touches.
Strategic type magic:
Cryogeddon (Ice Age): a larger version of cryogeddon in which it can freeze whole cities instantly but requires a lot of power (similar to Hie hie no mi of Aokiji in One Piece).
Weather Control: (From red Alert 2) A strategic type of Magic in which the caster can control the weather at will, by summoning either large lightning storms or by forming a typhoon with a wind speed of 500 mi/hr.
Note: As an Admiral (even provisional status) Naruto can call the any Allied Naval fleet and is authorized in several Allied Weaponries like the Proton Collider, Chronosphere, satellite cannons (that can either fire lasers or cryonic beams).
Technology/weapons possessed: Cloaking device; ring CAD; magnum pistol, katana.
November "Nova" Terra (a ghost operative from Star Craft 2)
Age: 18
Occupation: Soldier (Allied Army Intelligence, MI6 (Military Intelligence Section 6-Agent X41822N)
Appearance: Blonde Hair, Blue eyes, fair complexion, 5ft 11 in height.
Rank: provisional Colonel (Dominion; Allies).
Nicknames: N/A
Citizenship: British, Dominion.
Powers
Psions
-Psycho kinetic Abilities
-Mind control ability
Psion Powered Abilities
-Cloaking Ability (from Star Craft) making the user invisible at will
-Psychic blast/psychokinetic burst (from red alert 2 and 3; unleash a burst of raw psionic power which knocks down or instantly kills all nearby enemy).
-Mind reading (for the weak minded but she cannot read for those with high resistance like Naruto)
-Mind blast is a psionic power that stuns and injures opponents.
-Blink is a form of short-range teleportation (from Star Craft)
-Psionic Shield (from red alert 3): capable of reflecting any ranged attacks for a limited time period like he nanoswarm barrier
-Astral Wind is channelling psionic energy known as the astral winds, the user is able to heal the wounds and regenerate the shields of the caster and all surrounding allies
-Psionic decimator (from red alert 3: harnesses raw psionic power to destroy the enemies rather than controlling them), a tactical type magic.
-Psychic dominator (from red alert 2: Once activated over a designated area, all enemy units caught in the blast zone were immediately and permanently mind-controlled), but she required a psychic/psionic amplifier machine to control the people on a tactical scale.
Weapons possessed: sniper rifle; bracelet CAD.
Buod:
Ang mahika o supernatural ability ay unang natunghayan at napatunayang lubos noong 1999 sa Estados Unidos na kung saan may ilang grupo ng pulis ang pumigil sa isang terrorist activity. Magmula noon ay naging masigasig na ang pagsasaliksik ukol sa mahika na ito, kasabay ng mas mabilisang pag usbong ng teknolohiya, ngunit ito ay naudlot ng magsimula ang mga krisis mula 2020 at nahantong sa ikatlong digmaang pandaigdig noong 2045.
Sa kalagitnaan ng digmaan, taong 2052, itinatag ni Emperador Yoshiro ng Japan muli ang Imperial Japanese Army at Navy upang maging external force ng Japan laban sa mga kalaban nito sa Asya particular na ang China at Russia. Dito ipinamalas ng Japan ang lakas nito sa pamamagitan ng mga tinatagong mga teknolohiya at mga magician. Ang pagkakatatag ulit ng Imperial Military ang naging sanhi upang ang Japan ay magkaroon muli ng sakop sa Taiwan, at parte ng Timog China.
Sa panahon ding ito nabuo ang European Allied Armies na kung saan lumaban din ito sa Asya bukod sa pakikipaglaban nito sa Russia; ang Allied Armies o Allies na pinamumunuan ng Great Britain at France ay nagpadala ng isang Fleet sa Asia Pacific upang tulungan ang Japan sa pakikipagdigma sa China at upang magkaroon ng two fronts ang mga Russian.
Ang ikatlong digmaang pandaigdig ay nagtagal ng halos 20 taon at ang populasyon ng mundo ay bumaba at naging 3 bilyon na lamang. Ang epekto ng digmaan ay malaki sa aspetong ekonomikal at militar at sa digmaang ito na pwersa ang ilang bansa na mag anib anib at mag watak watak tulad na lang ng kaso sa China na kung saan nahati ito sa dalawa, ang GAU (Great Asian Union) sa Hilaga at Dahan (Great Han) sa timog, ngunit bumagsak ang Dahan noong 2063 dahil na rin sa pag patay ng Yotsuba clan (isa sa mga Ten Master Magcician clans sa Japan) at sa intervention ng Imperial Forces.
Sa pagbagsak ng Dahan, binalak ng GAU na isama ulit ito upang maging mas malaki ang sakop nila ngunit ang Imperial Forces kasama na rin ang mga nakatira sa timog ay pinigilan ito at ng matapos ng tuluyan ang digmaan noong 2065, ang mga lupain sa Timog China (provinces like Fujian, Guangdong, Guangxi, Yunnan, Hainan, Hunan, Guizhou at Jiangxi) kasama ang Taiwan, Hongkong at Macao ay inokupa ng Imperial and Allied Forces at nagdesisyon na hatiin ang mga territoryo. Napagpasyahan na mapupunta sa Japan ang Taiwan, Fujian, Jiangxi, Hunan at Guizhou, ang Hong Kong, Macao, Guangdong, Hainan at Guangxi ay sa Allies at ang Yunnan ay ibinalik sa GAU bilang sign of friendship and reconciliation between the Allies and the GAU.
Ang mga hawak na teritoryo ng Allies sa Asya ay napagpasyahang gawing Dominion, at dito nabuo ang Dominion of Hong-Kong na kung saan may equal status ito tulad ng mga bansa sa Allies at ito ay isang major partner ng Allies sa Pacific kasama ang Austrialia at New Zealand.
Tungkol sa Pangunahing Karakter:
Si Uzumaki Naruto ay pinanganak sa Dominion of Hong Kong noong October 10, 2077 ni Uzumaki Kushina, (isang mixed Japanese and European na nakatira sa Eastern district na may malaking Japanese community na kung tawagin ay Konoha) at ni Namikaze Minato isang sundalo na namatay bago pa man maikasal kay Kushina dahil siya ay Killed in Action sa isang secret mission sa China.
Si Naruto ay lumaki sa isang Japanese community at may maayos na pamumuhay hanggang sa namatay sa sakit na Lung cancer at kalungkutan ang kanilang ina noong siya ay 5 taong gulang pa lamang. Dahil sa pagiging ulila ay dinala siya sa isang Orphanage at doon nadiskubre na siya ay may mahika noong siya ay mabiktima ng bullying. Ipinadala siya sa Military school for Orphans at sinanay siya sa Magic at military arts na kung saan naging bihasa sila at sumali sa Dominion Military; sa pag-aaral sa military school, dito nakilala niya si November "Nova" Terra (Star Craft character), Karin at Rock Lee.
Ang angking abilidad ni Naruto sa paggamit ng magic ay napatunayang mataas at may tactical and strategic value at dahil doon sa edad na 11 si Naruto ay binigyan ng ranggong Lieutenant sa Dominion Allied navy. Ang kanyang abilidad ay nasubukan noong taong 2089-2094 kung saan nagkaroon ng Digmaan sa pagitan ng Allies-Japan vs GAU na kung saan mahigit 6 na milyong invasion force ang bigla na lang tumawid sa border at mahigit 2000 barko ng GAU ang nagsagawa ng Naval blockade sa Dominion at Japan.
Sa digmaang ito ng limang taon, dito pinamalas ni Naruto ang kanyang abilidad tulad ng cryokinesis, at mind control na kung saan ito ay pinakanagamit sa Battle of East China Sea (2090), Fuzhou (2091) at sa Battle of the West Pacific (2094) kung saan mahigit 600 na barko ng GAU ang nawasak o nakuha ng Allies dahil sa abilidad ng yelo, pagtawag ni Naruto ng super typhoon at sa pagsampa ni Naruto sa mga barko at nilason ang mga sakay nito.
Matapos ang digmaan napagpasyahan sa Dominion na bigyan si Naruto ng pinakamataas na parangal at napromote bilang Admiral na may provisional status at makalipas ng ilang lingo ay ginawa siyang Full Admiral. Sa pagtatapos ng digmaan, inilagay si Naruto sa inactive role at ng sumapit ang taong 2095 ay napag pasyahan na ipadala siya kasama si Colonel Nova Terra ng Army Intelligence sa Japan upang maging mga espiya sa First Magic High School at hanapin ang Secret Strategic Class Magician na nagwasak sa GAU fleet sa Okinawa noong 2092.
The war officially ended in December 2, 2094 C.E. which inflicted more that 2 million dead on the Japanese side, 1 million on the Allies and 9 million dead on the GAU, the war also have civilian casualties of 7 million with damages to property that could be amounted of more than 1.7 trillion dollars. The GAU agreed to pay more than 500 billion dollars of damages to the Japanese and to the Allies on the promise of leaving the Korean peninsula, Northern Manchuria and Shanghai.
Capitulo I: Pagpunta at Pag-aaral sa Japan.
Office of the Supreme Allied Commander, London, United Kingdom, Western EU.
January, 2095.
Sa opisina ng Supreme Commander, may tatlong taong nag uusap tungkol sa isang misyon, ito ay sina Field Marshal Robert Bingham (red Alert 3 commander), Supreme Allied Commander (na nakasuot ng Blue long sleeved military uniform na may ilang medal decoration, medal ribbons at epaulette sa kanyang balikat na nag dedenote ng kanyang rank), Admiral Uzumaki Naruto ng Dominion Navy (nakasuot ng Naval Blue Uniform na may medal ribbon) at Colonel November Terra ng Dominion Army (na nakasuot ng fatigue uniform na may medal ribbon rin).
"Admiral Uzumaki!, napagpasyahan ng Allied High Command na ikaw at si Colonel Terra ay ipapadala sa Japan upang hanapin ang Mysterious Strategic Class Magician, kayo ay magiging mga mag-aaral sa First Magic High School since doon daw rin mag aaral ang nasabing magician" nanlaki ang mata ni Naruto at umiling ito, at nagwika.
"Field Marshal, with All due respect sir, isa itong risky mission besides! I know nothing about espionage!" Ang commander ay tumango at expected na niya ang magiging tugon ni Naruto at siya ay sumagot.
"Admiral!, alam naman natin ang insidente sa Okinawa 3 taon na ang nakakaraan tama? (tumango si Naruto at Nova) kung saan winasak ng isang misteryosong Strategic Class Magician ang isang Fleet ng GAU instantly, parang tulad ng isang Hydrogen Bomb ngunit walang radiation. Kaya eto kasama mo si Colonel Terra, siya ang main spy and you are the back up." huminto saglit at nagpatuloy ang commander
"Ang nangyari sa Okinawa ay ikinabahala ng Allied Command dahil alam natin sa Japan ay nagkakaroon ngayon ng hidwaan sa pagitan ng Imperial forces at Ten Master Clans, at ito ay nakakabahala sa ating interes sa Asya-Pasipiko" lumingon ang Field Marhal kay Nova at kay Naruto at nagsalita si Naruto.
"I see sir, but is it right to send me to Japan along with Nova here? You know I still have duties as an admiral."
"Well for now, your duties as an admiral will be inactivated for a while, and besides you are very young, you have many things to learn as a student, right Colonel Terra?" Naruto sighed, and nodded nonetheless.
"Yes sir, we will do my best along with the Admiral" at tumingin siya kay Naruto na who is just smiling.
"Alright, you two are dismissed" Sinaluduhan ni Naruto at Nova ang Field Marshal and vice versa.
Time Skip
March 2095 C.E. Orientation Day
First Magic High School, Tokyo, Japan
Si Uzumaki Naruto, isang bagong mag-aaral sa First magic high school na nakasuot ng standard uniform (na kulay puting long sleeved na coat walang flower emblem sa kaliwa at kanang balikat, itim na pantalon at sapatos) ay naglalakad kasama si Nova na suot rin ang standard na uniporme para sa mga babae (white sleeveless duster dress, long sleeved na green jacket na may flower emblem sa balikat at tranluscent cape) papunta sa Auditorium ng paaralan para sa Orientation ceremony.
Habang palakad ay napansin ni Naruto ang mga grupo ng mga babe na nagbubulungan tungkol sa isang tao na nakaupo at nagbabasa sa kanyang hologram device.
"Isa ba iyong weed?"
"Napakaaga naman niya eh isa lang siya sa mga reserve"
"At oi, may isa pang weed!" wika ng isa pang babae
"Let's go girls!" at nagtawanan sila at umalis kaagad, at bumulong si Naruto.
"Parang tanga naman ng mga iyon oh, pff. If alam lang nila kung sino ako eh hahahaha!" (he only laughed ), tumango si Nova at sumagot ng
"Hayaan mo na lang sila Naruto, ang importante magawa natin ang dapat" (Naruto only nodded). Nang makarating na sa Auditorium ay naupo sila sa pinakadulong taas sa kanan malayo-layo sa mga tao; sa kanilang baba ay napansin ni Naruto muli ang class-2 na mag-aaral na may kasama ng dalawang babae at nag-uusap sila. Tumingin siya kay Nova at nagsalita
"Nakakatamad naman tong orientation na ito, ang tagal naman, napaka boring agad ng unang araw"
"Shh! Tinatamad ka na agad?, mag antay ka lang ganito talaga"
"Okay, sinabi mo eh!, at maglalaro muna ako sa cellphone ko"
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang orientation na kung saan nagpakilala ang mga opisyal ng paaralan at nagbigay ng talumpati ang First Year Representative na si Shiba Miyuki at napaisip si Naruto tungkol sa sinasabing Strategic Class Magician
'Sino kaya iyong Misteryosong Magician na iyon?' at nagmasid masid siya sa paligid habang si Nova ay nakafocus sa speech at napaisip
'Di kaya itong si Shiba Miyuki ang Strategic Class Magician?' tumungin siya kay Naruto na may malalim na iniisip habang nakatungo at tinanong niya ito.
"Naruto, ano pala ang section mo? Ang akin eh section 1-C" lumingon si Naruto, nag buntong hininga at sumagot
"Section 1-E ako, napasobra ata ako ng holding back, hahaha! Well nonetheless, mas maganda yun"
At ng matapos ang orientation nag kanya kanyang punta na sila sa kanilang mga respective room at inihatid muna ni Naruto ang kaibigan niya bago siya magtungo sa sarili niyang silid aralan
"Paano Nova, paalam na, kita na lang mamayang lunch at pag uwi" tumango si Nova, at pumasok na ito. Habang patungo si Naruto sa kanyang room ay napansin niya ang mga ilang grupo ng mag-aaral na nagkumpulan at may mga pinag uusapan at nakita niya si Saegusa Mayumi, ang Student Council President.
'So eto pala si Saegusa Mayumi, napakaganda pala niya' and he quite giggled in his mind, at narinig niya ang siabi ni Mayumi
"Shiba Miyuki mag uusap na lang tayo mamaya sa Student Council room pagsapit ng lunch" at ngumiti ito
"Sige po President, pupunta po ako mamaya" at naglakad siya papalayo kay Miyuki at napatingin siya kay Naruto.
"Ikaw ba si Uzumaki Naruto? Yung foreigner na galing sa Hong-Kong?" napalingon ang ibang mag-aaral kay Naruto at napakamot ito ng bahagya sa ulo at ngumiti.
"Oo, ako si Uzumaki Naruto, malugod ko po kayong makilala uhhm…"
"Saegusa, Saegusa Mayumi, current Student council president" yumuko si Naruto bilang pagbibigay ng galang sa kanya.
"Well, Uzumaki, I hope na ma enjoy mo ang pag-aaral mo dito!" (Mayumi cheerfully said) at nagpaalam na ito kay Naruto na kung saan ito naman ay nagtungo sa class 1 E na room at naupo siya sa dulo malapit sa bintana. Nang tumunog ang bell ay pumasok na lahat ng mag aaral at pumasok na rin ang guidance counsellor para sa ilang orientation pa at si Naruto ay di nakinig at lumingon lamang sa bintana.
"Nakakatamad talaga, ngunit kakayanin ko to! Ako si Uzumaki Naruto ang greatest Admiral ever! Believe it!"
Nang matapos na ang unang period sa klase ay nagpunta na agad si Naruto sa cafeteria at nakita niya si Nova na nag aantay sa kanya sa isang table, umorder muna siya ng pagkain, umupo at nag usap sila ni Nova tungkol sa isang Ramen shop sa labas ng school.
"Okay, at sabi daw eh masarap ang pagkain doon! At may tinda rin daw na freshly made ramen at dango, namiss ko tuloy yung Ramen Stand dun sa Konoha"
"Yung Ichiraku ramen ba iyon?"
"Oo! Nakakamiss ngang kumain doon eh, makabisita minsan doon pag nakabalik sa Hong Kong" at nagtuloy pa ng knwentuhan at since sila ay malapit sa grupo nila Shiba Miyuki, napansin ni Naruto ang ilang grupo na lumapit at niyakag si Miyuki na huwag sumama sa mga class 2 na mga kaklase niya.
"Pfft! Ano ba yang kalokohan ng mga kaklase kong iyon ,eh ano naman kung sumama yung First Year rep. natin sa class two, hay nako" at hinigop niya ang sabaw ng mainit na ramen; sumagot si Nova.
"Matindi pala ang diskriminasyon dito, wag na lang tayong makikigulo sa kanila" tumango naman si Naruto at nagpatuloy sila sa kanilang kinakain. Makalipas ang ilang minuto may isang class 1 student sa kanila, isa ring blonde haired (with two wavy tresses on the sides of her head, secured with a ribbon), maputi na babae na may asul ding mata.
"Uhmm, pwede po pang makaupo sa tabi niyo? Puno na kasi eh" tumingin si Nova, ngumiti sa babae at sumagot ng
"Sige, walang problema, suit yourself" at umupo ang babae sa tabi niya at napansin nito si Naruto na nakatutok sa kanyang ramen at tinawag niya ito.
"Ah, ano excuse me? Ano po names niyo?" tumingin si Naruto sa babae at ito ay nag sorry at namula at nagpakilala siya
"Angelina, Angelina Shields, nice to meet you! at pwede mo rin akong tawaging Lina, sorry po pala ulit for my rude question" at pinakilala ni Naruto ang sarili niya pati si Nova
"Uzumaki Naruto! At ito naming kasama ko ay si November Terra, pwede mo akong tawaging Naruto" at si Nova ay sumagot
"Tawagin mo na lang akong Nova, Lina" tumango si Lina at nagtanong
"Saang bansa ka galing miss Nova?"
"Ako at si Naruto ay galing sa Hong Kong, ikaw saan ka?" napaisip si Lina na baka mga espiya rin ang mga ito katulad niya, baka same lang din sila ng objective tulad ng ddalawang ito, or baka hindi sila espiya.
"Ako ay galing sa USNA (United States of North America: US, Canada, Mexico) particular sa Texas, hehe" at napa wow si Naruto at nagtanong
"Eh di magaling ka ring mangabayo kasi puro cowboy doon sa Texas" napatawa ng bahgya sa Lina sa sinabi ni Naruto
"Hahaha!, hindi at doon ako ay laki sa city kaya di ko rin alam magkabayo" at tumawa na lang si Naruto habang si Nova ay binabasa ang isipan ni Lina.
'Mukhang matibay rin sa mind reading itong babaeng ito, itigil ko muna at baka mahalata pa niya' at si Lina naman ay nakaramdam ng kaunting pagkahilo
'Damn! ang sakit nun! Para bang msy gustong pumasok sa isipan ko, parang Mind Interference magic iyon' tumingin siya kay Naruto at Nova at tinanong siya ni Naruto
"May problema ba Lina?" umiling siya, ngumiti kay Naruto at nagwika ng
"Wala! Wala namang problema, para lang nahilo lang ako ng kaunti" tumango si Naruto at tumingin kay Nova, most probably, binasa niya ang isipan ni Lina. Nagpatuloy sila ng pagkain, nag kwentuhan sa kanilang mga unang araw sa paaralan at napag alaman ni Lina na si Nova ang top scorer sa magic theory exam na 99% samantalang si Naruto ay isang Class 2 student, ngunit may kakaiba kay Naruto, in which she felt a strange aura na sobrang malakas ngunit suppressed.
Time Skip.
Matapos ang second period ay sumabay si Lina kina Naruto at Nova pauwi at napansin nila ang komosyon sa pagitan ng dalawang grupo, lumapit sila at nakita nila ang mga kaklase nilang sina Shiba Miyuki, Honoka, Shizuku at si Morisaki Shun na ipinagmamayabang na superior ang Class 1 sa class 2 students.
"Kung gusto mo ng away eh di mag dwelo na lang tayo!" sigaw ng isang lalaking class 2 student at doon ay naging tense ang tinginan.
'Mukhang bubunotin niya (Morisaki) ang kanyang CAD pistol' bulong ni Naruto sa kanyang isipan at doon nga binunot agad ni Morisaki ang kanyang pistolang CAD at ito naman ay tumilapon ng bigla na lang umatake ang babaeng class 2 na may pulang buhok na hinapas ang kanang kamay ni Morisaki ng magic induced baton.
Sa gitna ng laban para matapos na ito, nag attempt si Honoka na mag cast ng blinding magic na pinigilan naman ni Saegusa Mayumi na may kasamang matangkad na babae na may itim na maikling buhok.
"Pinagbabawal ang paglalaban dito sa paaralang ito" at nagsalita ang kasama ni Mayumi na may malalim na boses
"Lahat kayo sumama sa akin! Lahat kayo ay mapaparusahan sa ginawa niyong ito" at ang isang lalaki na matangkad at asul na mata sa class 2 na may neutral expression ay pinaliwanag ang nangyari. Sinabi niya na isang demonstration prank lang ang nangyari at gusto lang nila Makita ang famous quick draw techniques ni Morisaki since ang clan niya ay mga miembro ng security forces at pinaliwanag niya na ang na cast na magic ni Honoka ay isa lang light blinding technique.
"So nakakabasa ka ng magic sequence?" tanong ng matangkad na babae at sumagot ang lalaki na parang ganun na nga. Si Mayumi naman ay tumingin sa grupo ni Naruto at kinaway ito.
"Oi Uzumaki-kun! nagkita na naman tayo muli at mukhang may friendship na agad kayo among foreigners ahh" tumingin ang ibang mag aaral sa tatlong blonde at sumgot agad si Naruto
"Hehe, nataon lang president at common din naman kasi ang language naming tatlo eh" tumigin si Mayumi doon sa mas mas matangkad na babaeng blonde na kasing tangkad ni Naruto at sa isa pang babae na blonde rin .
"Ikaw ay si Miss November Terra right? From 1-C at taga Hong Kong rin tulad ni Uzumaki at ikaw naman si Angelina Shields from USNA, section 1-A" tumango si Nova at Lina at sumagot na sila nga iyon at nagwika si Mayumi sa kasama niya.
"Well, naexplain naman ni Shiba-kun ang nangyari sa insidenteng ito, so wala tayong i a apprehend, well good afternoon sa inyo at sana di na maulit ito" tumalikod si Mayumi at naglakad palayo pero ang kasama niya si Mari ay tumingin kina Naruto at napaisip na bakit ang dami ngayong mga foreigner na nag-aaral sa Japan.
Matapos nito umalis ang grupo nila Morisaki at naiwan ang grupo nila Naruto, class 2 students at sina Shizuku at Honoka, at doon nagpakilala si Naruto sa mga natirang mga tao doon.
"Hello! Ako nga pala si Uzumaki Naruto from Hong Kong, malugod ko kayong makilala!" at nagpakilala rin sina Nova at Lina; unang nagpakilala naman sa kanilang grupo ang babaeng may pulang buhok, na may magandang hubog ng katawan at katamtamang laki ng dibdib.
"Ako si Chiba Erika, malugod kitang makilala, Naruto-san" at sumunod nagpakilala ang babaeng nakasalamin na may malaking dibdib, at itim na buhok siya ay si Shibata Mizuki, ang sumigaw nung nag tatalo talo kanina, at nagpakilala naman ang mga lalaki, nauna ang may brown na buhok
"Ako si Saijo Leonhart or Leo in short" at huli ay si Shiba
"Ako si Shiba Tatsuya, malugod ko kayong kinikilala" at sumingit naman ang kanyang kapatid na babae
"Ako pala ulit si Shiba Miyuki" at sila ay nag kwentuhan saglit; inimbithan nila Erika sina Naruto at Nova ngunit tumanggi muna ito at sa susunod na lang, si Lina naman ay sumama sa kanila. Pagdating ni Naruto at Nova sa kanilang bahay (isang townhouse na binili ng Allies secretly) tinanong ni Naruto si Nova (na nakasuot na lang ng Shorts at t-shirt) regarding sa school.
"So Nova, may nasagap ka ba ngayong impormasyon tungkol sa Misteryosong Strategic Class Magician?" umupo si Nova sa sofa na katapat ng upuan ni Naruto sa sala at nagturan
"Sa ngayon wala, may ibang mga mag-aaral doon ay may resistance sa mind-reading; tulad kanina ng kay Lina, malakas ang kanyang will-power at ganun din sa Shiba siblings" Naruto pouted and replied
"Hmmmm! Mukhang mahihirapan tayo nito at buti na lang di ka nahuli"
"Muntikan na ako mahuli kanina ni Shiba Tatsuya, buti na lang pinutol ko kaagad ang koneskyon ko" napalaki ng bahagya ang mata ni Naruto
"Nako! Tsk tsk!, at buti di ka nahuli, mukhang may ESP (Extra Sensory Perception) si Shiba . At tungkol naman kay Lina, hindi kaya siya ay spy na tulad natin?" naghalumbaba si Nova at ika niya ay
"Most probably spy siya pero di tayo sure, although ang Allies at ang USNA ay magkaalyado, di rin talaga maiiwasan na magsupetsa sa isat isa ang mga bansa, mas ibayong pag-iingat na lang ang gawin natin" huminto siya saglit at tinuloy ang sasabihin
"Kahit may mga abilidad at gamit tayo para sa pag espiya eh, di rin tayo makatitiyak na 100% tayong makakalabas ng ligtas dito sa Japan, ngayon eh minamatyagan tayo ng mga Operatives ng JSDF at Imperial Army, pero buti na lang walang kung anong surveillance device dito sa bahay natin sa ngayon" at sumagot si Naruto ng mahina
"Oo nga! At di kaya si Shiba Tatsuya na ang mysterious magician? Nabasa niya ang sequence ni Honoka eh, at na sense ko na may kapangyarihan siyang tinatago" turan ni Naruto na sinang ayunan ni Nova
"Tama ka, he possessed a power that is well supressed same as his sister, it looks like there is some-kind of connection between their powers as far as I can sense"
"That will be a big problem Nova, hindi kaya ang dalawang iyon ay miembro ng isa sa Ten Master Clans?"
"Malalaman natin yan, sa ngayon eh, observe lang muna natin ang mga mag-aaral doon" tumango si Naruto at nagpunta sa kusina para magluto ng ramen at beef stew na kakainin nila.
Sa kabilang banda, sa Shiba residence, nag uusap sina Tatsuya at Miyuki tungkol sa tatlong foreigner.
"Alam mo Miyuki, may kakaiba doon sa 3 foreigner na iyon, may mga tinatago silang malakas na kapangyarihan di ko mapaliwanag" tumango si Miyuki at nagpatuloy si Tatsuya
"Kanina lang din ay parang may nagtangkang pumasok sa aking isip, buti na lang ay nakaya kong pigilan ito, pero di ko na trace kung sino iyon" nagulat si Miyuki at sumagot
"Ako din onii-sama! (kuya) mayroon ding parang gustong basahin ang isip ko, nakaya ko naman kaninang iresist pero sa susunod baka hindi na at matindi ang intensity ng invasion sa isip ko, hanggang ngayon ay masakit pa rin ng kaunti ang ulo ko" tumango si Tatsuya.
"Hmmm, mayroon isa sa paaralan ang may Mental Interference magic, either yung tatlong foreigner iyon or kapwa natin Japanese" at nag usap silang dalawa regarding sa ibang bagay sa paaralan.
