TAKE NOTE: I'm sorry if my Tagalog is bad but I'll try my best to export this story.

this is 2005's version btw


Esmeralda at Leksius


Noong unang panahon wala pang mga nagsisilbi sa Etheria at hindi pa nabubuo ang tatlong kaharian ng Encantadia ay may isang diwata na ang pangalan ay Esmeralda siya Ang pinakamakapangyarihang Diwata sa kasaysayan ng lugar ng Encantadia.

At may isang lahi na tinatawag na Pugnare isa itong pinakamatapang na nilalang sa kasaysayan ng Encantadia. Sa panahon ng pananakop ng mga sinaunang hera sa unang kaharian na Loriante ay ang mga Pugnare ay ang katapat laban sa mga heran noong unang panahon. Nagtipon-tipon ang mga Pugnare at Diwata sa laban Ng Etheria at nagkasundo ang dalawang lahi.

Ngunit dahil sa Hera Sensa ay nakalaban Ng mga diwata ang mga pugnare. Isang pinagbabawal na pag-ibig ang naganap noong unang panahon.

Si Esmeralda ay isang mabait at maamong Diwata Isa Siya sa pinakamatapang at makapangyarihan na diwata. "Avisala mahal Kong kaibigan. Nakita mo na ba ang iyong minamahal diyan sa ilog?" Nagtanong si Esmeralda sa kanyang kaibigan niyang si Alipisa. Silang dalawa ay magkaibigan noong bata pa sila. " Kayo talagang mga diwata laging naghahanap ng iyong iibigin para lang sa iyong mga buhay. Bakit ba kasi kayo naghahanap ng iibigin niyo?" tanong ng isang Pugnare sa kanila." Hoy umalis ka nga dito pakielamero ka talaga." sinalita ni Esmeralda. Nagtalo na ang dalawa dahil sa kaibigan niyang si Alipisa at umalis na ng mabilis si Leksius na pakielamero. "Esme salamat talaga ngunit kailangan ko nang umalis Avisala." Umalis na kaagad si Alipisa gamit ang ivictus.

Naglalakad pauwi si Esmeralda nang nakita niya si Leksius ang kanyang kaaway "Ano nanaman ang ginagawa mo Dito? pakielamero." salita ni Esmeralda. " Naglalakad para hanapin ang aking reyna. Ikaw diwata ano ang ginagawa mo Dito?" tanong ni Leksius." Idtu? bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Dito Ang bahay ko. " sagot ni Esme. Sinagot Naman ni Leksius na hindi niya alam. Sa galit ni Esmeralda na napikon Siya ay sinumpa niya ang mga lahi ng Pugnare na mamamatay sa kanyang harapan. At umalis na si Leksius bago pa niya malabas ang galit niya.

Binisita ni Alipisa si Esmeralda at tinanong kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Sagot naman ni Esmeralda na sinumpa niya Sila. "Esmeralda.. avisala at aalis na ako sa lugar ng mga diwata at magiging dama ng Etheria. Yun ang pangarap ko na maglingkod sa Etheria." pagpapaalam ni Alipisa. " Sinusuportahan kita ngunit kalaban natin ang Etheria. Sila ang nagtangkang kunin ang aking Sentro." sabi ni Esme. walang pakielam si Alipisa. Kaya lamang ginusto ni Alipisa na maging dama ng Etheria ay dahil nakita niya Ang hinaharap na magiging Hari ng Etheria si Leksius. Kaya sinumpa ni Esmeralda si Alipisa na magiging isang uwak na laging lumilipad. Napunta si Esmeralda sa Etheria at nakita si Leksius." Ano Ang ginagawa mo dito mahal na diwata? papaano na ang sumpang nilagay mo sa mga Pugnare? gaano kalakas ka sa pangkat namin?" tanong ni Leksius. " Vashne. Isa kang vashne dito sa Etheria at wala kang pamumuno dito dahil magagalit si Ether." sagot ni Esmeralda.

May nagpaalis sa kanila sa Etheria at nakauwi na si Esmeralda." Warka. Akala mo magpapatalo ako sayo Leksius. Hindi lang isang taon ay mawawala Ang mga lahi ng Pugnare." pagalit na pagkakasalita ni Esme. At noong gabi na iyon ay nakita ng mga Etherian ang lugar ni Esmeralda at sinubukan nilang nakawin Ang sentro ni Esmeralda. Ngunit nakita agad ito ni Esmeralda at pinigilan sila na kunin ang sentro. Ginamitan niya Sila ng pangpatulog at nakatulog na Sila. Tinago ni Esmeralda ang mga Etheriang ito.

Ginamitan niya sila ng Enchala at kinulong niya sila sa loob ng setro. Nakapahinga na rin si Esmeralda. Maaraw na at pwede na maligo si Esmeralda sa ilog at maya-maya nakaabang na si Leksius para makita si Esmeralda. "Napakaganda mo talaga Diwata." sa pagsasabi Kay Esmeralda. "Warka! Ano Ang ginagawa mo Dito.."

"Nandito ako para maligo rin."

"Hindi pwede Ang katulad mong Pugnare na maligo dito at ang ilog na ito ay mapanganib para sa dugong puti katulad mo." punto ni Esmeralda. At umalis rin si Esmeralda habang naglalakad siya ay nakita niya Ang dalawang babae na napaslang dahil sa mga Etherian. Pinagaling niya sila at nabuhay na muli Sila. Ngunit ang mga babeng ito ay nagtangkang kunin ang Sentro kay Esmeralda. Napatid Sila gamit ang kapangyangyarihang taglay ni Esmeralda. Nakuha niya muli ang sentro at umuwi na. Nagpakita si Bathalumang Ether sa harapan niya. "Babala Esmeralda paghihirapan mo ang ginawa mong pagkuha ng sentro ng aking I-la." - Ether

"Hindi ko ito ninanakaw Ether. Akin ang sentrong ito." - Esmeralda

"Kung ganoon kukunin ko ang magiging anak mo at ipapaampon ko Siya sa Heran na tagapaglingkod ko." - Ether

hindi hinayaan ni Esmeralda na kunin ni Ether ang anak niya. Isinumpa ni Esmeralda si Ether na magiging ahas siya tuwing umaga at Bathaluman tuwing Gabi. Umalis at hindi na nagpakita pa si Ether. Pinuntahan ni Leksius si Esmeralda at sinabi niyang magkakaanak silang dalawa sabi ng manghuhula na si Goldia ngunit hindi naniwala si Esmeralda at pinaalis siya. "Esmeralda paniwalaan mo Ako. Ako ang iyong magiging asawa at kailangan nating buuin ang anak natin." - Leksius. Pumayag si Esmeralda ngunit kailangan niya munang pumunta sa Etheria para makuha ang basbas ni Bathaluman Ether. Ngunit hindi iyon ang pinunta niya. Nakunan siya ng mga Etherian at pinaslang Siya at kinuha ang kanyang sentro. "Isinumpa ko na ang Etheria ay mababagsak ng katulad niyong lahi." Pagkatapos ng pagbibigkas ng mga salita ay dali daling pumunta si Leksius at nakita Ang kanyang katawan. Naiyak nalang siya nang nalaman niya na buntis siya at namatay na Ang asawa niya. para sa araw na ito ay malakas na ang Etheria at pinaslang at sinira Ang mga lahing pugnare. at ang Loriante.


Ang Pagwawakas Ng pagmamahalan nila.