Hera Lato
"Ako na ba ang Hara ng Etheria?"
"Hindi pa Lato maghintay ka pa ng tamang panahon. At ikaw na ang reyna."
Ang mga salitang yun..Ay ang nasa isipan ni Lato ng Hera Aega. Siya ay isang pinakamakapangyarihang Heran sa Hera Aega at buong tribo. taglay niya ang lahat ng kapangyarihan ng mga hinaharap na herans mayroon pa siyang madilaw-dilaw na liwanag na sabog. Naiingit sa kanya ang tatlong heran na si Avile, Jevida, at Anissa. Siya lang ang pinaka tapat at matapang sa Etheria.
Binasbasan siya ni Bathalumang Ether dahil sa kanyang katapatan at karunungan. Isang gabi sinubukan siyang halayin ng isang sapiryan. Ngunit nabigo dahil sa kanyang katapangan at nalaman ni Bathalumang Ether ang lahat ng ito at nahanap na ang salarin. Si prinsepe Meno dahil gusto niyang bawasan ang lahi ng mga Etherian. Pinarusahan ni Bathalumang Ether si Meno sa pagtangkang halayin si Lato. At ang totoo ay inutusan siya ni Anissa. Ang Ninuno ni Andora. Ngunit hindi alam ni Ether ito.
