Warning: Ang iyong mababasa ay kathang isip lamang at wag sisiryosohin at gagayahin magbasa lamang at intindihin Ang mga sumusunod.
Si Felia ay masaya at mabait na tao. Kahit simple lang Ang kanyang buhay ay tinatanggap niya Ang nangyayari sa kanya dahil doon ay lagi siyang minamahal Ng lahat pati na rin Ang kanyang magulang na sinusuportahan Siya kahit anong mangyari. Nung pumasok Siya sa skwela ay merong naiingit sa kanya "Ako lamang Ang mas matalino at mabait Dito! walang iba kaya ako ang pinuno at hindi kayo mga pangit na istudyante.. At Ikaw Felia ang baho baho mo." Sabi ni Ether. at nagulat si Felia dahil sinabi niya ito at sa isip isip ni Felia ay hindi niya kayang tugunan ang pagiging pinuno dahil sa ugali na ipinakita ni Ether kaya tumayo siya at sinabi niya. "Walang kwenta kang pinuno Ang pangit ng ugali mo!" at nalabas niya ang enerhiyang nasa katawan niya at nakita niya na may superpowers Siya.
Hinayaan niya lang ito at tumakbo sa labas at napahiya dahil sa kilos na ginawa niya. "Ano ang nangyayari sa akin?! Meron ba akong kapangyangyarihan?? natatakot na Ako.. ano ang sasabihin ko Kay Ina?" nagtataka pa rin si Felia sa ipinakita niya. kaya umuwi na Lang Siya.
7 na taon Ang nakalipas.
Nabuhay si Felia na malakas at maganda sa paglaki niya ay nakita niya si Ether na naglalakad patawid at may sasakyan na padaan. " HUWAG! TIGIL!!" at pinasabog niya ang sasakyan at nagulat Siya at nagulat din Ang ibang tao sa kanya..
Pagkatapos ng araw na iyon ay pinaalis Sila Ng bahay dahil sa pagaakalang siya ay isang bruha o alien. "Nay, huwag na po kayong mag-alala at makakahanap na tayo ng bagong bahay. Ayos lang ang nangyari.. magtatrabaho Ako sa ibang bansa at makakahanap ako Ng magandang trabaho. Ngayon ay sa kapatid ni tatay Muna tayo tumira." tinutulungan ni Felia na kumalma ang kanyang inay.
