Chapter 19: The Judgment Day

Naglalakad ang lovers patungo sa apartment. Ang liwanag ng buwan na sumasalamin sa kalsada ay lumikha ng kanilang mga anino. Nakaisip si Sendoh ng nakakaaliw na laro habang naglalakad. Ginamit niya ang kamay at ginawang hugis ibon ang anino.

Sendoh: Babe, hulaan mo kung anong animal ang anino na ginawa ko.

Rukawa: Hmm… gagamba?

Sendoh: Hindi.

Rukawa: Tipaklong?

Napakamot na lang ng pisngi si Sendoh at medyo sumimangot. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaibang sagot ang naririnig niya. Hindi na pinahalata ni Rukawa na nagpipigil siya ng tawa dahil sinasadya niyang ubusin ang pasensya ni Sendoh.

Sendoh: Ano ka ba naman? Lumilipad siya.

Rukawa: Ahh… gagambang may sapot?

Sendoh: Babe, ibon to! Ikaw talaga! Sige ikaw naman. Ako ang huhula.

Nakaisip kaagad ng papahulaan si Rukawa. Inextend niya ang kanyang braso para magsimula ng ipapahula kay Sendoh. Pinagdikit niya ang kanyang dalawang braso at kamay. Pinagalaw ito na parang gumagapang.

Rukawa: Ano hula mo dito?

Ito na ang pagkakataon ni Sendoh na bumawi sa pang-aasar na ginawa sa kanya kanina.

Sendoh: Sperm?

Si Rukawa ay nagngitngit ang ngipin sa unang sagot na kanyang narinig.

Rukawa: Gunggong! Hayop ito!

Sendoh: Dragon?

Rukawa: May dragon bang gumagapang?!

Sendoh: Meron! Tuwing chinese new year may dragon dance!

Nagsisimula ng manggigil si Rukawa sa kanyang kalaro. Tiningnan niya ang mukha nito, napansin niyang nakapaling ang ulo nito sa kabilang side na at hindi makatingin sa kanya.

Rukawa: Pinagti-tripan mo ba ako?!

Sendoh: Bakit ko naman gagawin yun sayo?

Rukawa: Okay. Hindi ito dragon! at lalong hindi sperm! Isang hayop!

Sendoh: Ahh… tadpole?

Rukawa: Gunggong!

Napabuntong hininga na lang si Rukawa sa sagot na narinig niya. Alam niyang matalino si Sendoh pero hindi siya maaasahang sumagot ng disente sa kanilang games. Inulit niyang iginalaw na parang gumagapang ang kamay kasama ang braso.

Rukawa: Madali lang to.

Sendoh: Babe, pag-usapan na lang natin yan pagdating sa apartment. Alam kong na-miss mo ako.

Rukawa: Ano ang sagot mo?

Sendoh: Gumagapang?

Rukawa: Oo.

Sendoh: Madulas?

Rukawa: Oo.

Sendoh: Mahaba?

Rukawa: Oo! Ano ng sagot mo?

Sendoh: Hahaha! Tama ka, animal talaga to kapag nagagalit!

Naniningkit na ang mga mata ni Rukawa. Malakas ang pakiramdam niyang kakaibang sagot na naman ang maririnig niya.

Sendoh: Yan ang gusto ko sayo. Palagi mo siya naaalala! Hihihi!

Rukawa: Gunggong! Ahas ang pinapahulaan ko sayo!

Sendoh: Ahas? Akala ko ti-

Rukawa: Shut up!

Tinapik niya ng bahagya ang harapan ng jogging pants ni Sendoh dahil sa sagot niyang siya lang ang makakaisip. Nagmadali siyang tumakbo na agad ring hinabol ni Sendoh paakyat ng apartment.

Sendoh: Sige lang, magtago ka ngayon, mamaya alam kong yayakapin mo rin ako! Oh my gosh.


Rukawa's Apartment

"Ladies and gentlemen, welcome to the main event. In this corner, weighing in at 175 pounds, undefeated in 7 fights, current champeeeeeonn, Akira Sendoh! And now, in this corner, making their way to the ring… weighing in at 165 pounds, before drying after a shower, the contender, Kaede Rukawa!"

"Tama na yan, gunggong! Magsimula na tayo.", ang iritableng sinabi ni Rukawa, kinurot sa gilid ng tiyan ang kanyang boyfriend.

"Hahaha! Kung titigan mo kasi ako, parang boxing ang gagawin natin. Nadala lang ako sa emosyon ko. Hehehe!", ang sagot ni Sendoh.

Silang dalawa ay nakaupo sa kama, magkaharap, may dalawang box sa pagitan. Parehas silang may seryosong mukha sa laban, ang laban sa posisyon kung sino ang mapupunta sa ibabaw, ang laban kung sino ang makakakuha ng talong.

"Hindi ka mananalo ngayon, parehas peach ang inilagay ko sa loob ng dalawang box, hehe.", ang sabi ni Rukawa sa isip. Sa dinami-rami ng session nila, si Sendoh ang palaging nakakakuha ng talong. Sa pagkakataong ito, hindi siya matatalo.

"Hindi mo ako maiisahan. Malakas ang pakiramdam kong walang talong sa box dahil nandito tayo ngayon sa apartment mo. Hindi mo ako maiisahan.", ang iniisip ni Sendoh, habang nakikipagtitigan sa kanyang Baby.

Si Sendoh ang pipili sa box ngayong gabi, dahil siya ang nanalo ng talong noong nakaraan nilang laban. Napapangisi si Rukawa dahil tiwala siyang magtatagumpay ang kanyang plano. Kumuha na si Sendoh ng box, ang nakalagay sa kanan. Hindi pa rin nila inaalis ang kanilang intense na titig sa isat isa habang ipinasok na ni Sendoh ang kanyang kamay para kunin ang nasa loob nito.

Ito na ang pinakahihintay nila, ang nabunot ni Sendoh. Dahan-dahan niyang inaangat ang kanyang kamay, abot-tenga ang kanyang ngiti. Napakunot ang pagitan ng kilay ni Rukawa nang makita ang ngiting iyon. May mali. Pagtaas ni Sendoh ng kamay, ini-reveal na ang hawak niya, isang talong.

"Madaya ka! Paano ka nakakuha ng talong?!" ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Rukawa. Nagngingitngit siya sa galit dahil sigurado siyang walang talong sa dalawang box.

Nakaramdam naman ng guilt si Sendoh, alam niyang mali ang ginawa niya. Hindi niya matiis ang Baby niya kaya inamin na niya ang totoo.

"Babe, sorry. Hawak ko ang talong bago ko ipinasok ang kamay ko sa box.", ang sabi ni Sendoh, nagsisisi sa nagawa at nakanguso.

Nakita naman ni Rukawa ang sincere na paghingi sa kanya ng tawad ng boyfriend niyang matulis. Nagbuntong hininga siya at umamin rin sa kasalanan.

"No, kasalanan ko. Parehas peach ang nilagay ko sa box.", ang nahihiyang sagot niya. Yumuko siya, nakatingin sa bed sheet. Hinawakan ni Sendoh ang kanyang baba para iangat ang kanyang ulo.

"Huwag na natin gawin ang box challenge. Mag-switch na lang tayo. Deal?", ang suggestion ni Sendoh, habang pinipindot ng kanyang kamay ang ilong ni Baby.

Hindi na nagsalita si Rukawa, tumango lang siya para sumang-ayon sa bago nilang kasunduan. Itinabig niya ang dalawang box papunta sa sahig. Muli silang nagkatitigan. Wala ng ibang mahalaga sa sandaling iyon habang tinititigan nila ang isa't isa, tumatagos sa kanilang mga puso at kaluluwa.

In one smooth sweep, nagsasalo sila ng mapanuksong halik habang dahan-dahan silang humiga. Ang matitigas at makalyo na mga daliri ni Sendoh ay marahang humahaplos sa kurba ng baywang ng isa, habang si Rukawa ay marahang nakahawak sa kanyang panga.

Ang malalambot na halik ni Sendoh ay umaakyat sa tainga, dumudulas sa leeg, patungo sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang tiyan pagkatapos, ay tumigil upang tumingin sa kanya. Sa isang sulyap ng kanyang mga mata na naghihintay para sa pagsang-ayon, tumango si Rukawa. Bumigay sila sa kanilang walang salita na mga kahilingan. At gusto nila ang lahat ng ito, higit pa rito.

Pinadausdos ni Sendoh ang kanyang katawan sa ibabaw ng nakababatang lalaki, inalalayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga siko upang mabuhat ang buong bigat ng kanyang timbang. Hinalikan ni Sendoh si Rukawa nang mas mapusok, nagngangalit. Hindi ito sapat sa kanya. Ikinulong niya si Rukawa sa kanyang mga bisig, ikiling ang kanyang ulo upang palalimin ang halik. Nais niyang malusaw ang sarili sa katawan ni Rukawa, ang tanging lalaking handa siyang maging mahina.

Si Rukawa ay medyo nahihiya, ngunit natutunaw siya sa mga paraan ni Sendoh. Inikot niya ang kanyang ulo pabalik-balik, nagmamapa sa kabilang labi, dinadama ang bawat pulgada at ang dila ay nakikipagsayaw sa kabilang bibig. Nababalot na sila sa halik, at ayaw nila itong matapos. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak kay Sendoh, na parang siya lang ang tao na pinagkakatiwalaan ng buo niyang pagkatao.

Hinaplos ni Sendoh ang monster ni Rukawa at marahang itinulak ito sa loob ng kanyang bibig, pinaikot ang kanyang dila mula sa ibaba hanggang sa dulo. Pinasok niya ang kabuuan sa kanyang bibig, pinaandar ang kanyang malambot na dila at itinusok ito sa likod ng kanyang lalamunan.

Naramdaman ni Rukawa ang init, hinahabol ang kanyang hininga, lalong tumitigas ang kanyang monster sa bawat segundo. Nanginginig siya, nakasabunot ang mga kamay niya sa spiked na buhok. Kinailangan niyang panatilihin ang kanyang pagkakahawak habang si Sendoh ay sumipsip, nagbobomba, at abala sa pagsubo.

Ang consistent na mapangahas na pagsupsop ni Sendoh ang nagdulot sa kanya ng paninigas. Napahingal siya, pansamantalang itinigil ang bibig nang nalasahan na ang pagtalsik ng orgasm ni Rukawa sa pagitan ng kanyang mga labi. Hindi na makapaghintay, nag-pump si Sendoh ng kanyang beast at madaling itinusok sa loob. Dumulas ang ibabang bahagi ng katawan ni Sendoh sa pagitan ng mga hita, pinaghiwalay ang mga ito, hindi na niya mapigilan, hindi na siya makatiis. Puno ng matamis na amoy ng mahal niya ang butas ng kanyang ilong, ang bango na nagpapakalma sa kanyang kalooban.

Ramdam ni Rukawa ang paghuhukay ng beast ng nobyo sa kanyang hita, hindi na niya ito ikinabigla. Habang tumutulak ang beast ni Sendoh sa loob, napasulyap siya, nakabukas ang bibig ni Rukawa, at may lumiligid na luha sa mga mata. Sinimulan ni Sendoh ang isang matatag na ritmo, at tila hindi napigilan ni Rukawa ang pagtaas ng kanyang balakang upang salubungin ang kanyang mga ulos.

Sumandal ang ulo ni Rukawa sa kama, ang init na dumadaloy sa kanyang mga ugat ay nagmumula sa walang habas na pag-ulos ng nakakababaliw na beast ni Sendoh. Habang niyuyugyog siya ng mas malalim, nananabik higpitan ng kanyang mga binti ang pagbaluktot sa likod ng kanyang nobyo.

Sa isang mabilis na paggalaw, silang dalawa ay naging isa. Patuloy ang pagtulo ng pawis sa mukha ni Sendoh habang hinihimas ang leeg ni Rukawa. Yumakap ng mas mahigpit si Rukawa, ang mala-hayop na tulak sa loob niya ang nagdulot ng nakakahalinang hiyaw sa kanilang mga bibig.

Isinubsob ni Rukawa ang kanyang mukha sa kanyang nobyo. Napakagat at halos bumaon ang mga kuko sa balikat ni Sendoh, umuungol, nanggigigil, habang ang pagsasalubong ng kanilang balakang ay umaarangkada. Natutulala at namimilipit pa siya noong una, ngunit panay ang pagkabit niya at pagsalubong sa atake.

Sa ilalim ng matinding pag-ulos, ang mga kalamnan sa kanang braso ni Sendoh ay nakabaluktot, at lumitaw ang mga ugat ng kalamnan. Hinaplos ni Rukawa ang nakaumbok niyang mga braso at muscle ropes na nakadikit sa kanya. Naaliw si Sendoh sa imahe ng magulong buhok, mabibigat na talukap ng mga mata ng nakababatang nobyo kaya mas lalo niyang idiniin, binilisan ang pagpasok, hinayaang mahulog ang sarili sa iisang ritmo. Nasilayan ni Rukawa ang matamis niyang ngiti, pinunasan ang pagdaloy ng pawis ni Sendoh bago hinawakan ang ulo nito para magtagpo ang kanilang labi. Muli silang nagsalo sa mainit na halik.

Pareho nilang naramdaman na napakatindi ng tugon ng kanilang mga katawan, at napagtanto nilang malapit na sila sa kasukdulan. Ginawa nila ito ng mabagal, halos wala na silang ibang maramdaman sa paligid, hindi alintana ang minuto na lumilipas. Hanggang sa lumabas ang pinakamalakas na orgasm na naranasan nila. Parang hawak ng magkasintahan ang oras, hawak ang isa't isa. Ito ay espesyal para sa kanila, isang sandali na habambuhay nilang hahawakan sa kanilang mga puso.

"Alam ko na sasabihin mo.", humihingal na sabi ni Rukawa.

"Ano?", ang mabilis na sagot ni Sendoh.

"Oh my gosh.", ang sagot ni Rukawa, na naniningkit ang mga mata.

"Hahaha! Sa ganitong pagkakataon ka pa talaga magpapatawa?", ang tanong ni Sendoh.

"Hindi ako nagpapatawa.", ang sagot ni Rukawa na may bored face.

"I love you dapat ang sasabihin pagkatapos. Na-miss ko tuloy yung Rukawa na sweet..", ang sabi ni Sendoh, na nakanguso at nakasimangot.

"Gusto mo pa scritped. Boring.", ang simpleng sagot nj Rukawa.

Pansamantalang itinuon ang siko ni Sendoh sa kama para maiangat ang kalahati ng kanyang katawan, nag-alala siya sa nakita. Ang kutis ni Rukawa ay mas namula ngayon kumpara sa nagdaan nilang session. Napatapik siya sa kanyang noo, nakalimutan niyang mag-shave.

"Babe, yung balat mo, sorry! Nakalimutan ko mag-ahit.", bakas sa mukha ni Sendoh ang panic, at pagsisisi.

"Ayos lang.", ang walang pakialam ng sagot ni Rukawa. Masyadong sensitibo ang kanyang balat, pero hindi na niya ito inintindi.

"Bakit ayos lang? Nakikiliti ka ba kapag meron akong balbas?", nakaisip kaagad ng dirty toughts ng may matulis na buhok.

"Wala akong sinabi. Yuck.", ang pagtanggi na sagot ni Rukawa. "Huwag mo na akong sunduin bukas. Ako ang pupunta sa apartment mo.", ang dagdag pa niya.

"Sige. Agahan ko ang pag-uwi. Tapos maglalaro tayo ulit, tapos…", hindi na niya naituloy ang sasabihin ng takpan ni Rukawa ang kanyang bibig.

"Anong paborito ng Mom mo?". Biglang naging seryoso ang mukha ni Rukawa sa pagtatanong.

"Huwag ka ng bumili, nakabili na ako ng gift para sa kanila.", ang tugon ni Sendoh.

"Ang sabi ko, ano ang hilig niya?", ang iritang tono ni Rukawa.

"Hindi siya mahilig sa materyal na bagay. Umm...Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ako mahilig?", ang excited na tanong ni Sendoh, nakangiti habang nangniningning ang ang mga mata.

"Mahilig kang magdasal."

Napahalakhak sa pagtawa si Sendoh sa sagot na narinig. Dinalaw na rin ng antok si Rukawa, nagtago siya sa ilalim ng kumot para magtago sa paningin ng boyfriend niyang matulis.

"Hindi ka pa pwedeng matulog!", ang sabi ni Sendoh, hinila ang kumot na nakabalot sa buong katawan ng katabi. "Isang round pa!", ang sigaw niya.

Parang may tug-of-war sa kumot ang dalawang mag-syota. Wala namang nagawa si Sendoh, bigo niyang natanggal ang kumot. Umupo siya at isinandal ang likod sa headboard, nakanguso. Pagkalipas ng ilang minuto, tahimik ang paligid, sinilip siya ni Rukawa. Ang maliit na pagbukas ng kumot ang nagbigay kay Sendoh ng daan para pasukin ang nagtatago niyang Baby.

"Kunwari ka pa, gusto mo rin naman!"

"Wala akong sinabing ayaw ko!"

Ang ilang minuto ng discussion ay napalitan ng "you-know-what" na breathing sounds. Hehehe!


Pagkatapos ng pagsasanay, palaging masaya ang pagligo sa mainit na tubig. Ito rin ay isang magandang oras upang magmuni-muni. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang inaalala ang mga aktibidad nitong maghapon. Katatapos lang ng isa pang matinding session ng talong at peach. Ang kanilang pagsasanay ay nagsisimula nang maaga, na may pang-aasar at pag-aaway kasama ng iba pang mga wild boys ng Shohoku, nakakabulabog na hiyaw mula sa mga cheerleader, pambabato ng mga bola sa kanilang mga mature na teammates, at ang "Hohoho" ni Coach Anzai na hudyat ng pagtatapos ng practice. Isang araw na naman ang dumating at natapos. Nagtagal sa kanyang imahinasyon ang mainit na sesyon kay Sendoh. Hindi niya maiwasang mapangiti, lumawak ang ngisi niya.

Sa salamin, kinakabahang sinulyapan ni Rukawa ang kanyang sarili. Nagplano siya para sa araw na ito. Ngayon ang araw na ibinunyag niya, si Kaede Rukawa sa kanyang biyenan ang katotohanan tungkol sa relasyon nila ni Akira Sendoh. Wala na siyang pakialam sa hatol o pagsang-ayon ni Mrs. Sendoh. Ang mahalaga ngayon ay mapatunayan niya sa kanya na totoo ang nararamdaman niya para sa kanyang anak.


Coffee Shop. Nakaupo, magkaharap, blangko ang kanilang mga mukha sa pagitan ng coffee table. Nakaka-relax ang ambience, tahimik at nababalot ng aroma ng kape ang shop. Kahit gaano pa ka-komportable ang paligid, si Rukawa naman ay parang lumilipad ang isip sa space, umaangat ang paa na parang walang gravity sa kanyang kinauupuan.

"Good afternoon po, Auntie.", ang tanging nasabi niya, humihigpit ang pagkakahawak sa pantalon niya. Nire-relax niya ang muscles sa mukha para maging maamo at presentable sa harap niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.", Mrs Sendoh. Blanko ang mukha niya, habang pinagmamasdan ang binata.

"Ilang beses kayo nagkikita ni Akira sa apartment?", ang tanong niya.

Nilunok ni Rukawa ang malaking bukol na namumuo sa kanyang lalamunan.

"Dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo...—" wala na siyang maisip na dahilan, hinayaan na lang niyang bumagsak ang tensiyonado niyang mga balikat at bumuntong-hininga bago umamin.

"Tita, ang totoo po, boyfriend po ako ni Akira.", bigla niyang pag-amin, pilit pa rin niyang tinitigan ang mga mata ni Mrs Sendoh pagkatapos ng kanyang rebelasyon. Hindi niya napigilan ang mukha niyang nag-aalala, at nadagdagan ito nang magtanong muli si Mrs. Sendoh.

"Are you a basketball player like my son?",ang tanong ni Mom.

"Opo."ang mabilis na sagot ni Rukawa.

"Bakit si Akira?", seryosong tanong ni Mom.

Napalunok na naman si Rukawa. Bagama't ayaw niyang magmukhang confident, ang totoo ay sobrang kinakabahan siya. Ang kanyang puso ay tumatakbo na ngayon sa kanyang dibdib, na tumitibok ng napakabilis na tila nagbabantang tumalon palabas sa kanyang ribcage.

"Hindi ko nakikita ang paligid gaya ng nakikita ko ito ngayon, dahil sa kanya.", sagot ni Rukawa.

"Pangarap mo bang maging isang national player?",ang dagdag pang tanong ni Mom.

Agad siyang tumango nang marinig ang tanong. Sumunod naman siya agad ng sagot.

"Gusto kong maglaro dito at sa ibang bansa."

"Iyan ba ang pangarap mo? Kung ganon, iiwan mo rito si Akira?" tanong ni Mom.

"That's my goal, and Akira is my dream."

Ang sagot ni Rukawa. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pag-utal. Masyado siyang mahiyain, at huli na para gumawa ng kahit ano kundi ang maramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi sa kaba.

Nang marinig ni ang huling sinabi ni Rukawa, tila bumalik sa alaala ni ang saya sa mukha ng kanyang anak tuwing binabanggit niya si Rukawa.


Akira: Mom, may nakilala po ako. Mahusay siya sa basketball. Kapag naglalaro siya, sobrang intense.

Mom: Teammate mo ba siya?

Akira: Hindi po. Nag-aaral siya sa ibang school. Mas matanda po ako sa kanya ng isang taon, pero magaling talaga siya. Matatalo niya ako balang araw.

Mom: Kaibigan mo ba siya?

Akira: Hindi po. He's my rival.


Mom: Bakit late ka na umuuwi ng apartment?

Akira: Pumunta po ako sa Shohoku.

Mom: Bakit nagpupunta ka pa sa malayo? Dapat nagpapahinga ka sa apartment mo.

Akira: Naalala ninyo po ba yung karibal na sinabi ko sayo? Madalas kaming naglalaro. Nakakakilabot siya nung one-on-one namin kanina. Ganun siya ka dedicated sa basketball.

Mom: Magaling ba talaga siya?

Akira: Opo. Sa tuwing naglalaro kami, para bang nakasangla ang kanyang kaluluwa. Kapag hinawakan niya ang bola, para siyang sinapian ng labing-isang demonyo.

Mom: Kaibigan mo ba siya?

Akira: Hindi po. Hindi siya ngumingiti. Hindi rin siya gaanong nagsasalita. Palaging nakakunot ang noo niya.

Mom: Bakit hindi mo siya kaibiganin?

Akira: Parang ayaw niya sa akin.


Mom: Kamusta sa school mo? May nangyari bang maganda kaya napangiti ka ng ganyan?

Akira: Naalala ninyo po ba ang karibal ko sa basketball? Nung una akala ko nakakatakot siya. Napakatahimik niya at laging natutulog. Mahilig rin siya sa pusa. Ang lakas pa niyang kumain. Mahilig siyang mang-away, pero nakakatawa siya kapag nang-iinsulto siya ng ibang tao. Nag-e-enjoy pa nga siyang makipag-away sa mga teammates niya. Hahahaha! Nakakatuwa silang panoorin!

Mom: Kaibigan mo na ba siya?

Akira: Opo Mom!


Mom: Bakit hindi ka na naman makakauwi bukas?

Akira: Inaya niya ako sa apartment niya, Mom. Mahilig pala siya sa baby powder. Ang cute di ba? At alam ninyo po ba? Kapag hindi ako agad na sumusunod sa kanya, binibilangan niya ako. Parang sirang plaka ang bibig niya sa tuwing nagagalit. Pinagti-tripan pa niya ako minsan, nakakatawa siya. Hahahaha! Nakakatuwa talaga ang taong iyon!

Mom: Akala ko uuwi ka kahapon? Kumusta ka na diyan?

Akira: Pumunta kami sa port kaninang umaga. Nung kumakain kami, sa laki ng subo niya, para siyang bibitayin kinabukasan.

Mom: Bakit ang ganda ng mood mo ngayon? Kamusta kayong dalawa?

Akira: Umm… ngumiti siya sa akin kanina, hindi lang isa, dalawang beses.


Mom: Ang cute ng jacket mo, saan mo nabili yan?

Akira: Bigay niya saken itong jacket, mom! Sobrang nagustuhan ko! Kamukha ko! Hehehe!

Mom: Ano nga pala ang pangalan ng kaibigan mo?

Akira: Hindi ko sasabihin kung sino siya.

Mom: Bakit naman?

Akira: Sigurado hahanapin mo siya online. Isasama ko po siya pag-uwi. Sigurado ako magugustuhan ninyo siya.


Mom: Nanood ako ng final game ninyo online. Kumusta na kayo ng team mo?

Akira: Ayos lang po kami. Sa susunod na taon, sisiguraduhin kong aabot kami sa nationals.

Mom: Umuwi ka na muna ngayon, para makapagpahinga ka.

Akira: Nandito siya sa apartment mom. Okay na ako ngayon.

Mom: Bibisitahin na lang kita. Miss na kita anak. Sandali, bakit ang ganda na naman ng ngiti mo?

Akira: Mom, umm… Pag may free time uuwi agad ako diyan. Isasama ko siya.

Mom: Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan niya?

Akira: Malapit mo na siyang makilala. Promise!


Tuwing sumasagi sa isip ni Mrs Sendoh ang usapan nilang dalawa ng kanyang anak, naging lagay ang loob niya. Maalala lamang ang ngiti, sigla, at ang mood ni Akira, sigurado na siya. Ngayon lang niya nakitang ganito kaligaya si Akira, kaya panatag siyang mabuting tao ang kaharap niya ngayon.

Sa sandaling lumabas ang mga salita sa kanyang bibig, si Rukawa ay napapikit. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya at pawis na pawis ang mga palad niya. Parang unti-unti na siyang lumulubog sa kanyang upuan. Ito ang pinakamatagal na segundo ng buhay niya. This was the part where Mrs Sendoh is supposed to either 'Hindi kita gusto para sa anak ko' or 'I'm sorry, hindi ka karapat-dapat kay Akira'. Akala ni Rukawa tapos na. Siguro masyado lang siyang naging kampante sa malumanay na boses ni Mrs Sendoh. Ngunit, muling nakabalik mula sa sa space ang kanyang diwa ng may ipinatong sa kanyang harapan na rectangle na nakabalot na blue gift wrapper.

"This is for you.", ang sabi ni Mom, na may ngiti sa kanyang labi.

At ayan na naman, ang pahiwatig ng pagiging mapaglaro at saya sa tono ni Mom. At sa ngayon, si Rukawa ay nalilito na gaya ng kanina.

'Huh? Ano kaya ito? Prenup? Death note? Death certificate para sa akin?'

Muling bumalik ang paningin niya kay Mom, tumango ito na signal para buksan ito. At sa tiyak na sandaling iyon, sumilay ang ngiti sa labi ni Rukawa. Tuwang tuwa siya. Isang larawan ni Sendoh noong bata pa, nakatirik ang buhok, halos wala ng mata sa pagkasingkit, sinisipsip ang labi at matatambok na pisngi, nangangasim ang mukha na parang may kinain na maasim.

Nagtawanan silang dalawa. Ito na ang senyales na nakuha na niya ang loob ni Mom. Masayang masaya na parang hindi na siya maghahangad pa ng kahit ano sa araw na iyon. Opisyal na siya ngayong son-in-law ni Mrs Sendoh.

Samantala, may isang bagay na sinabi anak niya tungkol kay Rukawa na hindi niya makakalimutan.

Mom: Akala ko hindi siya ngumingiti, anong ginawa mo para ngumiti siya?

Akira: Napapangiti siya kapag magulo ang buhok ko, kapag may dumi sa mukha ko at wala akong porma sa katawan. Siguro natutuwa siya sa akin kapag mukha akong panget.

Ito ang pinakamagandang regalo na naisip niya para kay Rukawa.

"Nagustuhan mo ba… Kaede?"

Nagulat si Rukawa ng marinig niyang tinawag siya sa pangalan ni Mom. Lalo itong nagpasaya sa kanya. Hindi siya nagsalita, tumango lang siya ng may pagsang-ayon habang may maliit na ngiti. Napaangat sa gulat ang kanyang balikat ng hinawakan ni Mom ang kanyang buhok, at ginulo ito ng bahagya.

"You can call me Mom."

Lumaki ang ngiti ni Rukawa sa narinig. Isa na ito sa milestone ng buhay niya, na maging parte ng pamilya ni Sendoh. Ano pa ang maaaring hilingin niya?

"Thanks, Mom."


Naglalakad na siya patungo sa apartment ni Sendoh. Excited na siyang makarating sa bahay nila sa Tokyo. Malapit ng mag-ala siyete ng gabi, siguradong nagtatampo na ang kanyang boyfriend na matulis dahil hindi niya nire-reply ang lahat ng messages niya, hindi rin sinagot ang kanyang mga tawag.

Mom: Hindi lang ako makapaghintay na makilala ka! Hehehe! Pwede mo ba akong samahan mag-grocery?

Ito ang naging dahilan kaya naging abala siya ng ilang oras. Pero nakaisip naman siya ng magandang dahilan para hindi malaman ni Sendoh na nakipagkita siya sa nanay nito. Umuwi muna siya sa kanyang apartment para itago ang natanggap niyang regalo na nakalagay sa frame, ang picture Sendoh noong bata pa siya.

Pagbukas pa lang niya ng pinto, nadatnan niya kaagad si Sendoh, nakaupo sa sofa, nakasimangot. Nararamdaman na niyang hindi siya papansinin nito. Mabuti na lang, maganda ang nangyari sa meet up nila ni Mrs. Sendoh. Tinabihan niya ito kaagad, hindi pa rin tinatanggal ni Sendoh ang kanyang mata sa cellphone.

"Sorry."

Nakasimangot pa rin ito, mukhang masungit. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Hindi pa rin ito kumikibo. Hinawakan niya ang panga, ipinaling sa harap ng mukha niya para halikan sa labi. Pero itinigas ni Sendoh ang kanyang ulo para hindi ito maigalaw. Malapit ng maubos ang pasensya niya. Ngayon lang siya natiis ni Lover Boy. Isang paraan na lang ang alam niya para makuha ang atensyon ng kanyang nobyo.

"Ouch!"

Tinampal ni Rukawa ang kanyang beast. Namumula ang kanyang mukha at agad tinakpan ng unan ang harapan ng kanyang pants.

Sendoh: Ikaw itong may kasalanan, ikaw pa itong galit?!

Rukawa: Hindi ako galit.

Sendoh: Maaga ka raw umalis ng gym sabi ng teammates mo. Ilang oras hindi ka sumasagot sa tawag at text ko. Malamig na yong pagkain na niluto ko. Tatlong beses na akong naligo pero hindi ka pa rin umuuwi!

Hindi na siya nagsalita. Niyakap niya ito at hinalikan sa labi.

Rukawa: Naghanap ako ng pwedeng ibigay sa Mom at Dad mo.

Ipinakita niya ang dala niyang paper bag, may laman itong ibat ibang herbs ang spices jar at ground coffee. Nabura na ang inis sa mukha ni Sendoh ng makita ang mga dala niya. Bago pa siya nakapagsalita, nag-ring ang kanyang phone. Napatingin siya kaagad kay Rukawa, tumango ito kaagad at pumasok sa kwarto para hindi siya makita ng caller. Pinindot na niya ang answer button.

Sendoh: Hi mom! Miss na miss mo na ba ako kaya napapadalas ang pagtawag mo? Hehehe!

Mom: Agahan ninyo bukas ang pag-biyahe papunta rito para matagal ang stay ninyong dalawa.

Sendoh: Wait lang mom, ililista ko lang po ang mga bilin ninyo.

Mom: Wala na akong ibang sasabihin pa except sa isa... Huwag mong kalimutang mag-shave! Magagasgas mo ang balat ng boyfriend mo, baka lumala ang rashes niya, ano ka ba namang bata ka!

Sendoh: Hehehe! Hindi ko po ito aahitin. Sabi niya sa akin bagay daw sa akin ang balbas. Hehehe!

Ang sabi ni Sendoh, na kinikilig pa. Natigilan siya ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ina.

Sendoh: Mom, paano ninyo po nasabi yan? Kilala mo ba siya?

Ang pagtatakang tanong ni Sendoh. Tinakpan agad ni Mom ang kanyang bibig at medyo nataranta. Nakalimutan niyang hindi dapat mahalata ng kanyang anak na kilala na siya si Rukawa.

Mom: Ang sabi ko, ahitin mo ang tumutubo mong balbas, kasi makati siya sa balat. Ibaba ko na ang phone. Mag-send ka ng message kapag nasa biyahe na kayo bukas.

Sendoh: Okay mom, good night!

Mom: Pakisabi kay Kaede sweet dreams!

Sendoh: Yes mom!

Pagkababa ng phone, parang nagising siya sa huling paalala ng kanyang ina. Muli niya itong tinawagan.

Sendoh: Mom! Paano mo nalaman?!

Mom: Sa social media! Sa teammates mo! at ang unan mo diyan na may mukha ni Kaede sa sofa!

Tinakpan niya ng hintuturo ang kanyang tenga dahil wala na namag tigil sa pagsasalita ang kanyang ina. Muli siyang tumingin sa cellphone nang tumigil na ito sa pagsasalita.

Sendoh: Hay naku, wala na akong surprise sayo.

Mom: Matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas. Sleep well, Kaede.

Napalingon si Sendoh sa kanyang likuran, hindi niya namamalayang nasa likod lang niya si Rukawa.

Rukawa: Good night, mom.

Nagulat siya ng marinig niya ang tawag ni Rukawa sa kanyang ina.

Sendoh: Babe, meron ka bang hindi sinasabi sa akin?!

Rukawa: Nagkita kami kanina, sinamahan ko rin siyang mag-grocery.

Hindi makapaniwala si Sendoh na may bonding moments ang kanyang ina at si Rukawa. Niyakap niya ito.

Sendoh: Akala ko kung saan ka na nagpunta kanina, bakit hindi mo sinabi sa akin?

Rukawa: Para may suspense.

Sendoh: Oh my gosh.

Ang sagot ni Sendoh. Sa sobrang tuwa niya sa mga happenings, naghubad siya at hinila si Rukawa sa authorized-person-only na room na nakapangalan lamang sa kanilang dalawa.

Rukawa: Ang sabi ni Mom, matutulog ng maaga.

Sendoh: Naglihim ka sa akin, kailangan kang parusahan!

Rukawa: Pagod ako.

Bumagsak ang balikat ni Sendoh. Alam niyang maaga at mas matindi ang practice ng Shohoku team, at sinamahan pa niya ang kanyang mom sa pamimili. Nauna na siyang pumasok sa loob ng kwarto, nakanguso, nagtatampo na parang bata.

Sinundan ni Rukawa ang kanyang boyfriend at niyakap mula sa likuran. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita ang lockscreen niya na may picture ni Sendoh na nangangasim ang mukha.

"Babe, ilang taon ka dito sa picture?", ang tanong ni Rukawa.

"Umm... 7 years old siguro. Teka... saan mo nakuha yan?!", ang gulat ni Sendoh. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ni Rukawa at iniyakap ito sa kanyang katawan, para hindi ito makatakas. Wala namang tigil sa paghagikhik si Rukawa na nakasandala ang ulo balikat ni Sendoh.

"Paparusahan talaga kita gamit ang aking beast, humanda ka sa kin!"


Hi! Again, this chapter is lengthy, hehe. My next post will be my final chapter, which I need to fix and polish. You already know what Sendoh's beast and Rukawa's monster I mentioned. haha! I just thought up a cute name for them. hihi! Thanks!