Notice to the Public
This is the original version of 'Rukawa and the People of Kanagawa' written by Akin Sijin's younger sisters, the twins Castor and Pollux. Take note that this is written in Tag-lish (a mix of Tagalog and English) so it is exclusively for Filipinos. Just read the translated version in the previous page.
Paalala: Ang lathang ito ay naglalaman ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa mga gumaganap sa Slam Dunk. Huwag niyo kaming sisisihin kung sakaling gumana katigasan ng ulo niyo at basahin ito! Isinulat lang ito ng mga may-akda para sa sarili nilang kaligayahan. Sana naman hindi niyo seryosohin 'to kasi wala-wala lang talaga 'tong fanfic na 'to. May mga crush rin naman ako sa Slam Dunk tulad nina Hisashi, Kenji, at Ryota. Naaliw lang talaga ako sa pagkakasulat nina Castor and Pollux dito (may mga sinulat din si Akin Sijin sa ibang parte) kaya naisipan kong i-upload ito. Kaya huwag sana kayong ma-high blood habang binabasa ang fic na ito.
Paunawa: Ang mga taong nagsisigalaw sa kuwentong ito ay pag-aari ni Takehiko Inoue, ngunit lahat ng pangyayari ay galing sa imahinasyon ng mga may-akda.
Si Rukawa at ang Buong Kanagawa
Sa panulat nina Castor at Pollux
Sa pagwawasto ni Wowie
Si Akira Sendoh ay ni-rape ni Kaede Rukawa sa locker room habang nasa shower sa kanilang dugout. Umiiyak pa nga si Akira habang hinahalikan ang bangus na nahuli niya. Ibibigay sana niya iyon kay Rio, ang nobya niya. Dahil sa nangyari, idinemanda ni Taoka, coach ng Ryonan, si Rukawa. Pero may alibi ang akusado. Dahil sa Shohoku Gym nangyari ang krimen, pinalabas niyang pinuntahan siya ni Akira roon nang magha-hating gabi na. Dinala raw siya nito sa locker room, tinulak sa shower, at pinindot ang switch sa boiling point kaya hindi raw siya nakapalag, tulad ng isda na nahuli ni Akira na galing sa maligamgam na H2O. Ayon naman kay Akira, inaya raw siyang mag-one-on-one ni Kaede. Ayaw nga niyang pumayag noong una dahil isa pa lang ang nahuhuli niyang bangus. Kaya lang, sabi ni Kaede, maraming masarap na bangus doon. Ang ibig pala niyang sabihin sa bangus ay ang mga babae sa Shohoku High. Pumayag si Sendoh dahil wala na talaga siyang mahuling bangus sa kaniyang puwesto. Huli na nang nalaman niya kung ano talaga ang balak ni Rukawa sa kaniya.
Nakipag-panayam naman kami sa mga miyembro ng Shohoku Basketball Club. Ayon kay Hisashi Mitsui, MVP ng Junior High division at shooting guard ng Shohoku, "Manyak talaga yan at lagi na lang sinusubukang mang-rape ng isa sa amin. Akala ko nga nung minsan, one-on-one ang gusto niya sa'kin, iyon pala, gusto niya kong biktimahin." Ayon naman kay Ryota Miyagi, isa sa pinakamagaling na point guard sa Basketball Prefecture, "Libog talaga 'yan. Freshman pa lang, wala nang patawad. Pati mga seniors inaaya. Pero napansin namin na matatanda ang type nya. Natatandaan ko pa nung hinawakan niya sa mukha si Kogure, obvious ang pakay niya." Ang team manager naman na si Ayako ang tinanong namin. Ang sabi niya, "Wala akong pakialam. Basta ba nanalo kami, ayos lang! Eh kung aalis siya dahil ni-rape niya yung ace ng Ryonan, baka matalo kame sa Nationals. Bakit 'di na lang niya pakasalan si Sendoh para walang aalis? Puwede pa kaming mag-practice kasama ang Ryonan."
Ayon kay Taoka, hindi raw niya papayagang mag-stay si Rukawa sa team dahil hindi na nga makapaglaro si Akira. "Iyak na lang ng iyak, unfair iyon 'no? Pero ayos naman sa'kin kung papalitan ni Rukawa si Sendoh. Pero sabi nina Koshino at Ikegami, aalis din sila 'pag nangyari iyon dahil alam nila na type rin sila ni Rukawa. Sabi nila, nahalata na nila iyon noong practice game pa lang. Hindi naman siya naka-assign na magbantay sa kanila pero lagi silang binibigyan ng grabeng makamanyak na mga tingin at mga hawak. Pero nag-offer ako ng 3-way trade dahil matagal nang gusto ng Kainan na sipain si Nobunaga Kiyota sa team nila. Sabi nga ni Maki sa'kin, 'Kahit sino basta ba mawala na 'tong kutong lupa na 'to sa'min, kundi aalis ako dito.' Gusto ko kasing kunin si Kiyota at ipalit si Hikoichi Aida, pero ayaw niya Kainan kasi mas gusto raw niya sa Shohoku. Pero ayaw din ni Kiyota sa'min kaya pupunta silang dalawa sa Shohoku at wala na sa Kainan. Si Rukawa at Sakuragi na lang sana ang pupunta sa'min. Pero ayaw ni Sakuragi na kasama si Rukawa dahil matagal-tagal na raw siya nitong minomolestiya. Tinigilan lang siya dahil nagsawa rin ito. Dahil dito, sa Kainan na lang siya pupunta. Pero lugi pa rin ang Ryonan ko kaya kinuha ko na rin si Yasuda. Tutal, 'di naman siya type ni Rukawa kasi isang taon lang ang pagitan nila... Pero malas talaga dahil umalis na ng tuluyan sina Koshino at Ikegami. Sumama na lang sila kay Grander Musashi dahil naroon naman si Sendoh nila."
Pagkatapos ng walang katapusan trade ay Shohoku naman ang minalas. Nabaliw kasi si Miyagi dahil ni-rape ni Kiyota si Ayako, yung magandang manager. 'Di naman makapaniwala sina Mitsui at ang iba pang miyembro ng basketball club kaya binugbog nila si Kiyota. Pati nga si Shinichi Maki at Hanamichi Sakuragi ng Kainan ay nakiupak na rin. Dahil sa nangyari, lumipat si Kiyota sa Shoyo at naging ka-on si Kenji Fujima, ang captain at coach ng team. Madalas pa nga silang mag-honky sa locker room tuwing pagkatapos ng practice. Nagselos naman si Toru Hanagata, ang pinakaguwapong Center sa buong Kanagawa, kaya sinaktan niya si Fujima sa pag-sulot sa ex nitong si Maki. Nagalit naman si Morohoshi ng Aiwa, number two player sa buong Japan na kasalukuyang katipan ang numero unong player ng Kanagawa. Itinali niya patiwarik si Hanagata at binantaang papatayin kapag hindi lumayo nito nilayuan ang mahal niyang si Shinichi. Nakarating ito kay Fujima at nakipagbalikan sa tunay niyang pinakamamahal na si Hanagata.
Samantala, nag-iiyak naman si Kiyota at tinangkang magpakamatay. Ngunit 'di siya natuluyan at bumagsak sa ospital. Nabalitaan ito ni Maki kaya nilubayan nito si Morohoshi at humingi ng tawad kay Kiyota. Sabi niya ay ginusto lang niyang palayasin ito sa team dahil nagselos lang siya noong hinatid ni Soichiro Jin, ang kanilang shooting guard, si Kiyota pauwi na nakaangkas pa sa bisikleta. Dinalaw na lang ni Maki sa ospital si Kiyota na sobrang bugbog ang pisikal at emosyonal na kalagayan. Hindi namin nalaman kung ano ang nangyari sa loob ng kuwarto pero siguro meron na kayong clue dahil nagtatawanan na lang sila pagkatapos ng kanilang aktibidades na parang bang walang nangyari. Samantala si Jin na meron pala talagang HD kay Mitsui ay pinipilit si Takatoh, ang gorilla coach ng Kainan, na i-trade si Mitsui kay Maki. Ani Takatoh, "Lahat ng tao dito libog! Magre-resign na ako sa Slam Dunk."
Sa dako naman ng Shohoku, lahat ng fans ni Rukawa ay nagsilipat na kay Sakuragi kaya inayos na nila ang kanilang mga papeles upang makalipat na ng Kainan kung saan nai-trade si Sakuragi. Sabi ng isa sa kanila, "Nandidiri ako sa sarili ko dahil nagka-crush ako sa homo na iyon. Akala namin si Sakuragi ang kalaban, 'yun pala biktima lang siya ng maitim na balak ni Rukawa. Lilipat na kami sa Kainan para suportahan siya." Si Ryota naman ay hindi pa rin nagsasalita bukod sa mga sumusunod na kataga, "Gagawin kitang pulutan, wild monkey! Babalatan kita ng buhay!" Walang iba kundi si Kiyota ang tinutukoy niya at hindi namin alam kung mabubuhay pa siya kung bubugbugin pa siya ng isang Kung-Fu master tulad ni Miyagi. Kung sa bagay, nandiyan naman si Maki para suportahan siya all the way. Nalulungkot naman si Jin dahil ayaw ni Takatoh na ilipat si Maki sa Shohoku, kung gusto niya ay bibilhin na lang daw niya si Mitsui. Gusto sanang pumayag ni Mitsui na lumipat sa Kainan dahil malaki-laking halaga ang ibinibigay ng Kainan. Ngunit may isang mukhang nanatili sa isipan ni Hisashi na pumigil sa kanyang paglipat. Iyon ay walang iba kundi ang mukha ni Anzai-sensei. Pinagmumura niya ang coach ng Kainan dahil sa pag-iisip na mabibili siya nito.
Samantala sa pangingisda ni Sendoh, Koshino at Ikegami, may nangyaring kahindik-hindik. Akala ni Ikegami at Koshino ay hahalikan ni Sendoh ang tilapiang nahuli ni Musashi ngunit ang kanyang malaking bibig ay dumiretso sa pisngi ng musmos na mangingisda. Akala ni Musashi ay tilapia ang humalik sa kanya dahil ito'y basang-basa at amoy malansa. Hahalikan niya na sana pabalik nang makita niya ang kumikislap na mga mata ni Sendoh. Sa takot niya ay napatalon siya sa ilog na may kasamang piranha. Gusto rin sanang tumalon ni Sendoh ngunit hinila siya pabalik nina Koshino at Ikegami. Napaiyak si Sendoh sa sobrang sakit. Hindi niya alam kung makakita pa siya ng isang taong kasing galing mangisda at kasing cute ni Musashi. Isa na naman itong malaking dagok para kay Akira. Noong una ay ninakaw ang kanyang puri at dignidad, ngayon naman ay nalunod ang kanyang huling sanhi ng kaligayahan. Nagmukmok siya sa dilim at piniling huwag magpakita kahit kanino.
Sa locker room naman ng Shoyo, grabe na ang PDA nina Hanagata at Fujima. Si Kiyota naman ay nasa Shoyo pa rin kahit nagbalikan na sila ni Maki. Nainggit naman si Hasegawa ('yung anak ni Fukuda at Sendoh. Magkamukha 'di ba?) kaya bigla na lang niyang hinila sa leeg si Kiyota at binigyan ito ng napaka-Pranses na halik. Dahil horny na nga rin yung isa dahil wala si Maki, pumayag din siya. Palibhasa wala kasing coach na pipigil kaya super-libog talaga. Imbis na maging horny-remover, ang coach-captain pa ang pasimuno.
Dahil nga sa pagtanggi ni Mitsui sa pagpasok sa Kainan, naisipan ni Jin na sumali na lang sa Shohoku para makasama ang love-of-his-life na walang iba kundi si Hisashi Mitsui. Nang magpakilala si Jin kay Mitsui na nanginginig-nginig pa ang labi, ay na-mesmerize si Hisashi sa mala-babaeng mga mata ni Soichiro. May tatlong taon na rin hindi nagkaroon ng relasyon si Mitchi sa isang babae simula nung itapon siya ng dati nitong nobya na si Ria. Kaya nung pinagbihis na si Jin ay sumunod si Mitsui at doon ay pinagsamantalahan nila ang isa't isa. Biglang tinulak ni Hisashi si Jin sa locker. Nung hindi makapalag ay bigla iyong hinalikan sa noo at tuloy-tuloy na iyon. Pagkatapos ay nagka-practice game sila 2nd year laban sa 3rd year. Masyadong malagkit ang hawak at tingin ng dalawa sa isat isa. Pareho silang nagpakitang gilas. Naka 10/10 na 3 points si Mitsui samantalang 8/8 naman si Jin. Natuwa si Akagi at nilibre sila sa restaurant ni Uozomi. Kumuha ng hiwalay na upuan ang dalawa at ang kanilang excuse ay binabalak nilang pag-usapan ang itatayo nilang 3-point shot lesson para sa mga freshmen. Nagtaka naman si Akagi pero OK lang sa kanya, magaling naman kasi talaga 'yung dalawa. Samantalang napansin naman ni Uozomi ang matamis na pagtitinginan at subuan nung dalawa. Napaisip siya at nagtanong siya kay Akagi kung nag-iibigan ba ang dalawa. Galit na galit si Akagi. Sinabi niyang kakakilala nga lang nung dalawa kung anu-ano na ang iniisip niya. "Mabuti pa bumalik ka na lang sa pagluluto at pakainin pa sila."
Sa kabilang dako naman, sa may Kainandai ay may biglang nagpakitang manlalaro na sikat sa buong Japan. Ito'y walang iba kundi si Morohoshi. Ninais nitong balikan si Maki ngunit nasilayan niya ang walang kamuwangmuwang na si Sakuragi at tuluyan na itong lumipat sa Kainan. Tuwangtuwa naman si Takatoh at agad itong ginawang sub-captain na siyang tagapamahala kung wala ang dating mahal na si Maki. Ginustong magpaliwanag ni Maki na sila pa rin Kiyota ang nagmamahalan kahit ito'y malayo sa kanya. Hindi pa nagsasalita si Shinichi ay dumiretso na si Morohoshi kay Sakuragi at biglang hinamon ng one-on-one. Nakipagpustahan ito kay Sakuragi na kapag nanalo siya ay sabay silang maliligo at kung matalo naman ay tabi silang matutulog sa kama. Ang kundisyon kapag natalo ay hindi narinig ni Sakuragi dahil sa sobrang pagkadire. Sa sobrang takot ni Hanamichi ay nanalo siya. Nag-away sila dahil sabi ni Sakuragi ay 'di niya raw narinig ang pangalawan kundisyon ngunit wala na siyang pag-asa dahil sabi ng lahat ng taga-Kainan ay narinig daw nila ito. Nag-iiyak si Hanamichi habang sinasabi, "Maawa ka na! May GF na ako! Gusto mo bang patayin ako ni Hannah? May date pa kami ngayon!" Sagot naman ni Morohoshi, "Eh di pagkatapos. 'Di ka naman matutulog habang nagde-date, ah!" Galit na galit pa ito na parang nanakawan ng isang milyon. Pumayag na rin sa wakas si Hanamichi.
Samantala sa may Shohoku, bumalik na si Kiminobu Kogure, ang sub-captain ng Shohoku, mula sa ospital (na-injure siya sa pagbugbog kay Kiyota nung gahasain nito si Ayako). Pagpasok niya ay nakita niya sina Soichiro at Hisashi na naglalambingan, Labis siyang nasaktan, ayaw niyang maniwala ngunit nung nakita niya ang mahalay na pagtitigan ng dalawa sa isat isa ay halos mahulog ang mundo niya sa kanyang dibdib. Tinawag niya si Mitsui at nagtanong, "Hisashi, maari ka bang makausap?" "Oo, basta ba 'wag natin paghintayin si Soichiro." Halos maluha si Kiminobu at nagpatuloy ito, "Kung anuman ang namamagitan sa inyo tigilan niyo na, marami kayong nasasaktan." Nainis si Mitsui at sinabing, "Kung anuman ang hindi mo nagugustuhan ay wala akong pakialam. Matagal na tayong tapos, Kiminobu. Nasaktan mo na ko noon, wala na ang lahat sa atin." At binalikan niya ang naghihintay na si Jin. Pagbalik nito ay nagtanong si Jin, "Sino naman ang isang yon?" "Si Kogure, yung sub-captain namin... natin pala. Ex ko kasi yon eh. Type yatang makipagbalikan…" Kung anu-ano pang lumabas sa bibig ni Mitchi. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakatitig lang si Jin kay Kogure. Si Miyagi naman ay 'sing baliw na ni Sendoh na nakatulala na lang sa dilim, gayundin si Sakuragi matapos ang malibog na one-night-stand kasama si Morohoshi.
Dahil sa dami ng naapektuhan sa paghalay ni Rukawa kay Sendoh ay nahatulan ito ng 10 taon sa kulungan na walang basketball court at doon nasiraan ng bait. Pinilit ayusin ng Shohoku ito ngunit wala si Ayako upang ipagtanggol sila. Pinilit din ayusin ng Ryonan na ibalik ang lahat sa dati ngunit ang nagawa lamang nina Koshino at Ikegami ay ang pagkakakulong kay Kaede. Ang Kainan naman ay natalo sa Takezato ng 50 pts at ito na ang huli para kay Maki at Morohoshi (masyado kasing malalandi, lalo na yung galing sa Aiwa. Number 1 tuloy ang koponan niya sa Nationals nang lumayas siya). Wala na ring natira sa Shohoku dahil nasiraan na rin ng bait si Mitsui dahil sa pagtatanan ni Jin at Kogure (na pumayag lang para saktan si Hisashi). Ang Shoyo naman ang nag-numero dos sa Nationals dahil sa pagkakaisa ng mga mahahalay na manlalaro nito. Proud na proud naman si Maki (lingid sa kaalaman niya ay na-two time na siya ng freshman niya) sa narating ng mahal nitong si Kiyota. Apat na manlalaro mula sa Shoyo ang napili sa All-Japan Team.
-Wakas-
