Title: Days Before National Tournament
Chapter 1: Defamation
Shohoku. Confetti, malaking banner, balloons at surprise party ang tumatakbo sa isip ng team Shohoku habang naglalakad papuntang Shohoku High. Matapos maging qualified ang kanilang team sa national tournament, sila ay naging instant celebrity sa kanilang Campus. Nagtagpo ang members sa entrance at naglakad ng sabay-sabay pagpasok. Sa isip ni Sakuragi may madadatnan silang malakas na cheer pero tahimik ang entrance.
Binulabog ang Shohoku High ng isang video na nag-play sa malaking TV Screen kung saan makikita ang mga larawan kasama ang profile ng Basketball Team sa harap ng building. Dinumog ng maraming estudyante ang harap ng screen na hawak ng Media Club.
Shohoku Basketball Team
AKAGI, TAKENORI aka Captain aka DRUG CAPTAIN
SAKURAGI, HANAMICHI aka Rebound King aka GAMBLING KING
HISASHI, MITSUI aka Mr. MVP aka TROUBLE MVP
RYOTA, MIYAGI aka Lightning Flash aka PEEPING FLASH
RUKAWA,KAEDE aka Ace Player aka ACE PLAYBOY
Marie: Ako si Marie, President ng Media Club. Kami ang representative ng ng Shohoku High para linawin ang natanggap naming impormasyon sa ating Basketball Team. Ano ang masasabi ninyo sa mga issue na kinasasangkutan ng bawat miyembro?
Ayako: May permit ba ng school ang video na pinapalabas ninyo? Sinisira mo ang image ng sarili nating team!
Kogure: Nakikipag-usap na si Akagi sa office ngayon kaya itigil mo na yan. Walang gumagamit ng drugs sa aming team. Naabot namin ang Interhigh dahil sa husay ng aming teammates.
Marie: Kami ang tagapagsalita ng lahat ng estudyante dito sa campus lalo na ngayong napaka-popular at pinagkakaguluhan ating basketball team sa ating distrito. Nandito kami para malaman ang totoo mula sa inyo.
Akagi: Kung gusto ninyong malaman ang totoo, pwede ninyo kaming tanungin. Hindi ninyo na kailangan yan ipakita sa lahat.
Nagulat ang lahat sa pagdating ni Akagi. Dumadagundong ang boses niya habang nagsasalita sa gitna ng nagkumpulang estudyante. Sila ay lumayo sa takot. Pinatay ni Akagi ang TV at tinanggal sa pader.
Marie: Anong ginagawa mo?! Hindi mo pwedeng kunin ang TV!
Akagi: Gumaganti ka ba samin dahil hindi namin kayo pinayagang magcover sa aming practice?
Kinilabutan si Marie sa ekspresyon ng mukha ni Akagi, kaya inamin niya kung saan nila nakuha ang kanilang balita .
Marie: Hindi kami ang gumawa ng video na yan. May nag-send sa aking email ngayong umaga.
Akagi: Hindi pinapayagan ng school na maglagay ng kahit ano sa bulletin o sa TV ng walang permiso ng office. Ibabalik ko ang TV kung babawiin mo lahat ng binalita mo tungkol sa aking team.
Marie: Okay. Pasensya na Captain Akagi.
Akagi: Sa lahat ng estudyante dito sa Shohoku. Kung sino man ang magpopost ng video sa internet, hindi kami magdadalawang-isip na idemanda kayo. Tandaan ninyo yan.
Sinend ni Marie kay Ayako ang link na na-received niya sa isang hindi kilalang email. Dinala ni Akagi ang TV sa gym.
Kogure: Bakit mo pa kinuha ang TV? Pwede namang tanggalin na lang ang flash drive sa likod?
Akagi: Ibabalik ko ito sa media club kapag natapos na ang problema. Ipakita ninyo ito sa kanila.
Ayako: Kami na ang bahala Captain.
Nagtataka ang apat sa reaksiyon ng mukha ng mga estudyante sa Shohoku pagpasok nila sa gate.
Sakuragi: Bakit kayo tingin ng tingin samen ha?! May gusto kayo samen noh?!
Ryota: Bakit parang natatakot saken ang mga babae?
Mitsui: Bakit parang takot silang makita ako?
Rukawa: Mga gunggong.
Nakita nila sina Mito, Noma, Ohkusu at Takamiya na tumatakbo papalapit sa kanila. Nagmadali silang hilahin at itago sa crowd ang basketball team.
Mito: Hanamichi! Dumiretso kayo sa gym! Ngayon na!
Sakuragi: Ano bang sinasabi mo Mito? Nandito kami para makilala nila kung sino ang Basketball Team ng ating school. NYAHAHA!
Mitsui: Anong problema? Kararating ko lang pero parang takot na takot sila?
Ryota: May mga nag-iiyakan pang mga babae. Ano bang nangyayari?
Rukawa: Hay…
Hinila ni Mito at mga extras ang team ni Sakuragi papuntang gym.
Mito: Sila na ang bahalang magpaliwanag sa inyo. Meron lang kaming kailangang asikasuhin.
Ota: Ang grupo namin at ang grupo ni Mito ay magsasanib pwersa para hindi masira ang basketball team. Hindi namin papabayaan si Michi Boy.
Aota: Kami din! Tutulong kami sa Judo Club para protektahan kayo. Gagawin ko ito para kay Haruko.
Rukawa Angels: Hindi kami magpapahuli! Walang pwedeng manira kay Rukawa.
Takamiya: Ang bilis dumami ng fans ni Rukawa. Daig pa nila ang mga ipis sa kusina namin.
Ayako: Maraming salamat sa suporta. Ang aming section ay nakasuporta para kay Ryota.
Shohoku Gym
Sakuragi: Bakit hindi tayo papayagan sa Interhigh?! Explain!
Mitsui: Sino ang gumawa nito?! Humanda sila.
Ryota: Tandaan ninyo, hindi tayo pwedeng makipag-away. Mas madadgdagan pa ang dahilan para hindi tayo payagan ng school.
Kogure: Tama si Miyagi. Nagdesisyon ang ating school na i-pending ang ating basketball team sa pag-attend sa Interhigh dahil sa napabalitang gumagamit si Captain Akagi ng drugs kaya lahat ng members damay. Kailangan lang natin maging clear sa drug test para matuloy tayo sa Interhigh.
Ayako: Si Captain, nakikipag usap siya ngayon sa school admin para linawin ang iba pang kaso na nakadiin sa ibang members. Seryosong offense ang ibinintang nila kay Captain.
Ginamit nila ang TV na kinuha ni Akagi sa harap ng building.
Image 1: Akagi, Takenori aka Captain aka Drug Captain
(Sina Akagi at Haruko ay nakaupo sa loob ng Danny's habang hawak ni Akagi ang isang tableta ng gamot.)
Kogure: Sinamahan siya ni Haruko. Ipinapaliwanag niya na gamot sa injury sa paa ang ininom niya nung araw na kumaen kami sa labas. Magbibigay ng pahayag ang admin sa lahat ng estudyante para maiwasang makalabas pa ang balita.
Ayako: Malaki ang epekto nito sa buong school at posibleng madamay din ang ibang club sa paratang sa atin.
Sakuragi: Si Gori nagda-drugs? Imposible yun! Normal lang sa mga Gorilla na magkaroon ng malakas na katawan. Pero kung si Michi ang nabalita siguro posible pa.
Mitsui: Anong sabi mo Sakuragi! Mas mukha kang adik!
Ryota: Kung ganon pumunta tayo sa office! Tulungan natin si Bossing. Imposible ang binibintang nila.
Sakuragi: Mas makatotohanan kung nabalitang nakaubos siya ng isang piling na saging. HAHAHA!
Kogure: Ang totoo niyan, lahat kayo ay ipinapatawag sa principal's office.
ALL CAST: ANOOOOO!
Ayako: Lahat kayo may issue at may kasama pang ebidensya.
Rukawa: Hindi ako gumagamit ng drugs. Ewan ko lang sa tatlong unggoy.
Tatlong Unggoy: Anong sinabi mo Rukawa!
Rukawa: kita sa mga mukha ang ebidensya.
Mitsui: Ikaw Rukawa. Wala ka talagang galang sa mga nakakatanda!
Ryota: Napakayabang mo talaga!
Sakuragi: Baka ikaw ang nagda-drugs kasi palagi kang tulog. NYAHAHAHA!
Image 2: Sakuragi, Hanamichi aka Rebound King aka Gambling King
Sakuragi: Sa labas kami nagsusugal! Teka, sinong ungas ang nagkakalat ng chismis na yan?!
Ayako: Heto ang sample ng gambling sheet na may picture at pangalan mo dito sa loob ng campus.
Sakuragi: Ginamit nila ang mukha ko ng wala man lang akong natatanggap na Talent fee?!
Rukawa: Mas bagay ang picture mo sa Dart.
Sakuragi: Ano bang sinasabi mo diyan Rukawa!
Ryota: Kuripot si Hanamichi. Wala siyang pang kapital sa ganyan. Sapatos nga walang pambili. HAHAHA!
Mitsui: HAHAHA! Hindi chismis ang isang yan. Totoong sugarol tong si Sakuragi.
Rukawa: Mas bagay Monkey King.
Sakuragi: You shut up!
Image 3: Hisashi, Mitsui aka Mr. MVP aka Trouble MVP
(Kausap ni Mitusi si Tetsuo na nakaupo sa motorbike.)
Ayako: May rambol na nangyari nung isang gabi sa plaza kasama si Tetsuo. Dahil sa picture na yan, posibleng idawit ka nila dahil sa koneksyon ninyong dalawa.
Sakuragi: HAHAHA! Hindi chismis ang isang yan. Totoong basagulero tong si Michi.
Mitsui: Nagbago na ko gunggong!
Ryota: Anu ka ba Hanamichi. Matagal ng umalis si Mitsui sa gang, pero yung feelings niya kay Tetsuo hindi.
Sakuragi at Ryota: HAHAHA!
Mitsui: Tumigil nga kayong dalawa! Pag ako hindi nakapagpigil! Pinacheck-up ko lang ang tuhod ko. Nagkasalubong kami sa highway pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta bago kami naghiwalay.
Ryota: Huh? Break na kayo?
Sakuragi: Sino namang boyfriend mo ngayon? Yung taga-Shoyo?
Mitsui: Sumusobra na talaga kayo!
Hinawakan ni Kogure si Mitsui at pinalo ni Ayako ng fan si Pula at si Kulot. Naghihikab na si Rukawa. Pinindot ni Kogure ang play button.
Image 4: Ryota, Miyagi aka Lightning Flash Ryota aka Peeping Flash
(Pinakita sa screen ang picture na sinusundan niya si Ayako sa labas habang nagtatago siya sa mga halaman.)
Nanlaki ang mga mata ni Ryota at galit na galit samantalang gumugulong naman sa pagtawa si Sakuragi at Mitsui.
Mitsui: Grabe ka Miyagi! Matagal na tayo magkakilala pero ni minsan di ka nagyaya!
Ryota: Ano bang sinasabi mo diyan Mitsui!
Sakuragi: Hinding hindi na ako sasabay sayo sa locker room! Maninilip!
Rukawa: Siguradong hindi ka niya pagkakainteresan gunggong.
Ryota: Ayako…Maniwala ka, hindi totoo yan! Hinding hindi ko yan magagawa. Inaamin ko sinundan kita ng buong araw pero hindi ko yun magagawa sayo.
Ayako: Bakit mo ako sinundan?!
Ryota: Gusto ko lang makasigurado na ligtas ka, ang iksi ng suot mo, naka-shades ka pa. Paano kung may gumawa sayo ng masama?
Ayako: Alam kong hindi mo yun gagawin pero sa susunod huwag mo na akong susundan!
Sakuragi: Naiintindihan kita Kulot. Nagawa mo lang yan dahil desperado ka na kay Ayako. HAHAHA!
Mitsui: Pare andito lang kami, handa kang damayan at samahan sa libangan mo. HAHAHA!.
Ryota: Talagang sumusobra na kayo!
Nagsimulang magrambol ang tatlong unggoy. Hinampas ni Ayako ng fan ang tatlong gunggong.
Kogure: Tama na yan. Hay. Ipapaliwanag natin lahat ng picture pero ipangako ninyo na hindi kayo makikipag-away sa office. Poprotektahan ng ating campus si Akagi. Hindi tayo pupunta ng Interhigh ng wala siya.
Ayako: Sa kaso ni Ryota at Rukawa, hindi sila ganon kaapektado sa school rules pero ang kay Mitsui at Sakuragi kailangan ninyong makipag-usap kay Principal. Mitsui, nalaman ng school admin na miyembro ka ng gang at si Sakuragi ay pinapaniwalaang may-ari ng pasugalan dito sa campus.
Napansin ng tatlong unggoy na namumula at malalim ang buntong hininga ni Ayako.
Sakuragi: Kung lahat kami may issue, ano naman yung kay Rukawa? Alam ko na. May kinidnap siyang pusa?
Ryota: Inagawan niya ng pagkain ang pusa?
Mitsui: May naipit siyang pusa habang nagbibisikleta?
Rukawa: Tatlong Bugok na Itlog.
Tatlong Unggoy: HAHAHAHAHA!
Kogure: Ayako,pindutin mo na yung remote.
Ayako: Sige.
Image 5: Rukawa, Kaede aka Ace Player aka Ace Playboy
(Tatlong unggoy sweat dropped)
Mitsui: Anong issue dun? Mas bagay ata sa akin yun.
Ryota: Sa dami ng fans niya wala naman siyang pinapansin.
Sakuragi: Wala namang sinabing tao. Baka mga babaeng pusa. HAHAHA!
Pinindot nila ang play button at lumabas ang tatlong larawan na nagpapatunay sa chismis tungkol kay Rukawa.
xxx
1st picture: Kausap ni Rukawa si Maki na naka-short lang sa tapat ng inn sa tabing dagat.
2nd picture: Magkatabing nakaupo sina Fujima at Rukawa habang parehas na umiinom ng iced coffee sa gilid ng overpass.
3rd picture: Wala ng mata si Sendoh sa pagngiti kay Rukawa habang pinipisil ang kanyang dalawang pisngi sa train station.
xxx
Tatlong Unggoy: HAHAHAHAHA!
Mitsui: Ito na ang pinakamasayang balita na narinig ko simula pagpasok natin. HAHAHA!
Sakuragi: Aba. Ang hari ng yabang mahilig pala sa boys! ( Ayos to! Aayaw na sa kanya si Haruko)
Ryota: Tumigil nga kayong dalawa. Baka mamaya magsumbong siya sa mga boyfriend niya. HAHAHA!
Ayako: MAGSITIGIL!
Rukawa: saan ninyo ito nakuha?
Kogure: Yan ang TV na nakalagay sa unang building. Pinagkakaguluhan yan ng mga estudyante pagdating namin. Inamin ng media club na hindi sa kanila galing ang video. May nag-email sa kanila. Ang official email ng school ay nakatanggap din ng link na yan. Humingi na ng tulong ang ating school para ma-identify ang may ari ng email.
Ayako: Wala pang balita na may post sa social media. Pero gumagawa ng paraan ang ating school sports committee para hindi makaabot sa Interhigh ang balita tungkol kay Akagi.
Isinarado ni Rukawa ang kanyang mga palad sa nararamdaman niyang galit. Nag-alala siya sa iisipin ng isang taong unang pumasok sa isip niya ng makita ang mga larawan niya kasama ang dalawang captain. Nagpaalam si Rukawa sa kanyang teammates at kinuha agad ang cellphone para magtext. Magpapaliwanag siya bago pa ito makaabot sa kanya. Hindi siya papayag na masira pa ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Ryonan. Pagkatapos ng Shohoku vs Ryonan practice game, nagkaroon ng interes si Sendoh kay Rukawa. Ginawa niya ang lahat para mapalapit sa rookie ng Shohoku. Dahil sa pagtitiyaga naging magkaibigan sila. Pero habang tumatagal hindi na niya mapigilang itago ang kanyang feelings kaya nagsimula na siyang magplanong magtapat ng feelings kay Rukawa.
Sendoh: Aaminin ko na sa kanya mamayang gabi. Mas okay siguro pagkatapos ng Interhigh. Sisiguraduhin kong lalo siyang mai-inlove saken! Hihihi!
Malapit na siyang makarating sa gym ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Mommy : "Wala akong practice."
Napangiti siya at tumakbo sa kanyang team para magpaalam umuwi ng maaga.
Ryonan Gym. Napanganga at hindi makapaniwala ang team Ryonan sa video na pinakita ni Hikoichi. Napunta ang atensiyon nila sa mga larawan.
Ouzomi: Si Akagi gumagamit ng drugs? Imposible! Mas maniniwala ako kung si Sakuragi ang nakasulat dito.
Ikegami: Hindi edited ang mga picture maliban sa gambling sheet ni Sakuragi.
Fukuda: Totoong si Mitsui ay lider ng isang gang. Si Ryota ay dating nasangkot sa rambol. Si Sakuragi ay lider ng gang simula pa nung middle school. Kaya posibleng may katotohanan ang ibang nakalagay dito.
Koshino: Kung mag-on na si Sendoh at Rukawa siguradong nagpa-fiesta na yun.
Ueksa: May relasyon si Rukawa kina Maki at Fujima? Paano na si Sendoh?
Hikoichi: Hindi sinasagot ni Sendoh ang phone!
Koshinio: Ano nga palang ginagawa mo sa Shohoku?
Hikoichi: Naggaling ako sa Osaka nung linggo dahil magkikita kami ng kaklase ko. Nakilala ko ang teammate niya. Napakayabang nila. Ininsulto nila si Sendoh at ang ating team kaya naisip kong ibigay sa Shohoku ang impormasyon tungkol sa kanila,ang team ng Toyotama.
Ouzomi: Mukhang may kasama silang may balat sa pwet. Puro problema.
Fukuda: Sigurado yung pulang unggoy ang may balat.
Dahan-dahang pumasok si Sendoh at lumapit sa team na nag-ipon ipon sa gitna na parang nagbubulungan.
Sendoh: WAAAHHH!
Team Ryonan: AAAHHH!
Sendoh: Ano yang tinitingnan ninyo? Patingin.
Koshino: Sendoh mag-on na kayo ni Rukawa? Bakit hindi mo sinasabi sa amin?
Ouzomi: Sendoh, bago kami umalis ni Ikegami, gusto kong makasigurado na nasa kondisyon ang isip at puso mo.
Ikegami: Ipapaalala namin sayo kung kailangan mo ng tulong sa laro at sa lovelife .
Sendoh: Huh? Isa-isa lang mga tol, wala akong maintindihan…
Hikoichi: Nanggaling ako sa Shohoku. May video sa screen ng building nila na may relasyon kayo ni Rukawa!
Sendoh: Hindi pa kami…ang ibig kong sabihin hindi kami.
Hikoichi: May nangyayaring gulo ngayon sa Shohoku. Pagdating ko nag-uusap ang kanilang media club at si Captain Akagi! Tinanggal niya ang TV sa harap ng building nila!
Sendoh: Bakit naman ako nadamay diyan?
Pinakita ni Hikoichi ang video na kuha niya sa cellphone.
Sendoh: HAAAA?!
Hikoichi: Si Rukawa daw ay kilabot ng mga Ace Player ng Kanagawa dahil pinagsabay-sabay daw kayong tatlo ni Maki at Fujima!
(Sendoh: Dalawang beses nagkita si Kaede at Maki ng hindi ko alam. Palagi silang nagkikita ni Fujima. Sobra na.)
Kinontrol niya ang sarili at ibinigay agad ang cellphone kay Hikoichi. Umaapoy ang eyeballs ni Sendoh pero sinubukan niya pa ring ngumiti sa harap ng team.
Sendoh: Pakisabi kay coach masama pakiramdam ko. Thanks!
Ouzomi: Sendoh!
Ikegami: Hayaan na lang muna natin siya. Halatang apektado siya.
Hikoichi: Hindi ako naniniwala na gumagamit sila ng drugs kaya siguradong matutuloy sila sa interhigh! Okay lang kaya si Sendoh?
Ueksa: Napansin ninyo ba reaksiyon niya kanina? Sigurado nagseselos siya.
Fukuda: Baka maghamon ng away yun.
Koshino: Mamayang gabi babalitaan ko kayo kung anong oras tayo pupunta sa apartment niya.
Team Ryonan: SIGE!
Seaside Court. Nagpabalik-balik at hindi mapalagay si Sendoh habang hinihintay niya si Rukawa sa court sa tabing dagat. Hindi siya makapaniwala sa mga pictures ni Rukawa kasama ang dalawang captain ng Kainan at Shoyo. Makalipas ng ilang minuto dumating si Rukawa. Nagkatitigan sila ng ilang minuto. Si Sendoh ang naunang nagsalita.
Sendoh: Maglalaro tayo ng walang score. Bawat isang shoot isang tanong.
Rukawa: Sige.
Inoobserbahan ni Rukawa ang mukha ni Sendoh bago sila nagsimulang maglaro.
Rukawa: Siguradong nakita na niya. Naniwala siya agad. Gunggong talaga.
Unang naka-shoot si Rukawa.
Rukawa: Nakita mo na?
Sendoh: Oo.
Sumunod na shoot ay nanggaling kay Sendoh.
Sendoh: Anong ibig sabihin ng mga picture?
Rukawa: Wala.
Sendoh: Bakit hindi ka pa umamin?
Rukawa: Isang shoot isang tanong.
Napabuntong hininga si Rukawa at hindi napansin na naishoot ni Sendoh ang bola.
Sendoh: Marami ka pa bang nililihim saken?
Rukawa: Wala.
Hindi na nakapagpigil si Sendoh. Hinagis niya ang bola at nilapitan si Rukawa.
Sendoh: Balewala lang ba ako sayo?! Ilang buwan na tayong palaging magkasama. Pambihira.
Rukawa: Uto-uto ka ba? Akala ko hindi ka ganyan kababaw mag isip.
Sendoh: Sabihin mo sa akin ang totoo!
Rukawa: Iniisip mo bang mahilig ako sa lalaki! Iniisip mo bang papatulan ko kayong lahat!
Nagmadaling umalis si Rukawa sa court. Pinigilan niya ang sarili na sapakin si Sendoh kaya pinili lang niyang lumayo. Nasaktan si Sendoh sa kanyang narinig. Pakiramdam niya balewala lahat ng pinagsamahan nila ng ilang buwan. Hinabol ni Sendoh si Rukawa para ipaliwanag ang kanyang totoong nararamdaman.
Sendoh: Kaede sandali!
Rukawa: Huwag mo kong hawakan!
Sendoh: Wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko?
Rukawa: Lalaki ako Akira. Eh ikaw?
Natigilan si Sendoh sa tanong ni Rukawa. Ito ang tanong na paulit-ulit tinatanong ng kanyang teammates. Ngayong kaharap niya si Rukawa, na-realize na niya kung ano ang kanyang sagot.
Sendoh: Nang makilala kita, hindi ko na nakikita ang pagkakaiba ng lalaki at babae.
Rukawa: Hindi tayo pwede.
Sendoh: Pipigilan mo ba ang nararamdaman mo dahil sa kasarian mo? Yun ba ang basehan pag nagmahal ka?
Nagulat si Rukawa sa mga sinabi ni Sendoh. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil unti-unti na niyang nakukuha ang ibig sabihin ng mga ginagawa ni Sendoh para sa kanya.
Sendoh: Kung tatawagin nila akong bakla dahil sayo, ayos lang. Gusto kong malaman kung ano ba ako sayo. Kaibigan mo lang ako?
Rukawa: Hindi.
Sendoh: Yung nangyari kagabi, wala lang yun sayo?
Rukawa: Hindi yun wala lang.
Sendoh: Totoo ba yung mga picture?
Rukawa: Binigyan lang nila yun ng malisya.
Sendoh: Yung pakikisama mo ba saken katulad din ba pag magkasama kayo ni Maki at Fujima? Napapatawa ka ba nila? Nakikipag wrestling ka rin ba sa kanila? Ipinagluluto ka ba nila? Palagi din ba kayo nag-uusap sa phone? Naaalala mo ba ako pag kasama mo sila?
Rukawa: Walang ibig sabihin yung mga nakita mo.
Sendoh: Si Maki ba ang kasama mo nung araw na hindi mo sinabi saken kung san ka pumunta? Gusto mo siya? Kaya ba nahuhuli ka lagi ng uwi dahil kay Fujima? Nakipag-chukchakan ka ba sa kanila?
Rukawa: Nabubuwang ka na ba?! Wala kaming relasyon.
Sendoh: Paano mo pa sila nabibigyan ng panahon samantalang lagi tayong magkasama? Naging special ba ako sayo kahit konte? Kung ayaw mo saken sabihin mo sa mukha ko.
Rukawa: Huwag kang umarte na parang nagseselos ka.
Sendoh: Nagseselos ako kasi mahal kita!
Hindi na nakapagsalita si Rukawa pagkatapos marinig ang confession ni Sendoh. Nagmadali si Sendoh na umalis at hindi na hinintay pa ang sagot ni Rukawa. Nanatili siyang nakatitig sa likod ni Sendoh habang lumalakad papalayo.
Rukawa: Ano yung chukchakan?
Rukawa's Apartment. Pagod na pagod si Rukawa pagdating s apartment. Nagbabad siya sa banyo para makapag-isip. Natatakot siya na baka hindi na siya paniwalaan ni Sendoh. Pumunta siya sa banyo para mag-relax. Gagawa siya ng paraan para pakinggan siya ni Sendoh at bumalik sila sa dati. Pagkatapos maligo, nagdesisyon siyang puntahan si Sendoh sa Ryonan para magpaliwanag. Bago siya lumabas ng bahay naalala niya ang isang salitang nabanggit ni Sendoh. Kinuha niya agad ang cellphone sa bag at nag-search sa google ng "chukchakan". Namutla siya nang makita niya ang ibig sabihin ng salita.
Rukawa: AKIRA GUNGGONG KA TALAGA!
Note: Italics : self thoughts
