Chapter 21: Nationals
Sa Japan naninirahan ang pamilya ni Rukawa noong bata pa siya. Nag-aaral siya sa Tomigaoka Junior High School at naglalaro ng basketball. Ang kanyang mga magulang ay nagmamay-ari ng isang construction company at madalas ay wala sa bahay. Ito ay lumago sa paglipas ng mga taon, sa kalaunan ay nagtatag ng isang mas malaking kumpanya sa US. Napagpasyahan din nilang manirahan doon at ibinenta ang lahat ng kanilang mga ari-arian sa Japan. Habang nadadagdagan ng mas maraming kliyente at proyekto, hindi nila napapansin na gumagawa din sila ng malaking pader sa kanilang relasyon sa anak nilang si Rukawa.
Si Rukawa ay dalawang beses na nag-transfer sa dalawang paaralan nang lumipat sila sa US dahil madalas siyang nagkakaproblema. Hindi niya ito palaging sinasadya, at hindi niya ito palaging kasalanan. Ang pangalawang pagkakataon na halos punan niya ang form ng repot ng punong-guro ng kanyang rekord ng pagsususpinde sa paaralan ay higit na ikinaalarma ng kanyang mga magulang. Madali siyang nailipat ng kanyang mga magulang sa ibang paaralan bago pa man siya mapatalsik.
Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang mga magulang. Pero hindi niya magawang makaiwas sa gulo. Sa totoo lang, ayaw niya ng gulo, pero malinaw na mahal siya ng gulo. Ngayong 16 anyos na siya, nagpasya ang kanyang mga magulang na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Japan. Naniniwala sila na ang kultura ng bansa ay mas ligtas at mas mabuti para sa kanilang anak. Kahit na bumalik na siya, nakatanggap ang kanyang mga magulang ng reklamo mula sa Shohoku High. Hindi dahil sa gulo o away, kundi dahil sa walang tigil na pagtulog.
Ilang buwan na ang nakalipas...
Father: Nakatanggap kami ng maraming ulat mula sa iyong mga guro na natutulog ka sa lahat ng iyong mga klase. Anong mga kalokohan ang ginagawa mo dyan?!
Mother: Relax, hon. Bata pa siya. Maaari siyang makabawi sa susunod.
Father: Pinayagan ka naming tumira diyan mag-isa para hindi mo mapabayaan ang pag-aaral mo.
Rukawa: Palagi akong nagpa-practice ng basketball sa loob at labas ng campus kaya palagi akong nakakatulog kapag may klase.
Father: Hindi kita pipigilan sa paglalaro ng basketball, pero wag mong pabayaan ang academics mo!
Train Station. Nasa national competition na sila. Laking gulat ng team Shohoku nang makita kung saan sila nagraranggo sa pangkalahatang standing kumpara sa ibang mga koponan. Hindi nila ito ikinatuwa! Laking gulat nila nang malaman nilang C-ranked team lang sila. Magsisimula ang totoong laro para kay Rukawa at sa mga boys ng Shohoku High. Sa tren, nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila at ng Toyotoma team, na nagmalaki na sila ay rank A kumpara sa team nila ang Shohoku, na rank C. Lalong uminit ang dalawang koponan nang sinadya ni Sakuragi na iharang ang paa kay Kishimoto.
Habang nag-iinit ang dalawang koponan, nasa ibang lugar ang isipan ni Rukawa, hindi napapansin ang kaguluhang nangyayari sa kanyang paligid. Naalala niya ang pag-uusap nila ng kanyang mga magulang bago umalis ng apartment.
Rukawa: Aalis kami ngayon papuntang Nationals.
Mother: Pasensya na anak. Hindi man lang namin napanood ang laro mo.
Rukawa: Ayos lang, Ma. Sanay na po ako.
Mother: Kahit nasa malayo kami, manonood kami ng laban mo.
Rukawa: Thanks.
Mother: Mamaya na lang ulit tayo mag-usap, Kaede. Gawin mo ang iyong makakaya bukas!
Kaede: Bye, Ma.
Ang pinakamahalagang tuntunin sa kanilang pamilya ay ang paggalang at pagsunod sa kanyang mga magulang. Strikto ang kanyang ama. Sa kabila ng edad ni Rukawa, iginiit ng kanyang ama na mayroon siyang awtoridad na gumawa ng mga desisyon para sa kanya. Nangangahulugan iyon na susundin niya ang mga tagubilin tungkol sa pagkuha ng matataas na marka, pag-uwi nang diretso pagkatapos ng klase, paggawa ng isang malaking listahan ng bawal bago dumalo sa isang party, at hindi gagawa ng anumang kalokohan. Gayunpaman, bilang anak ng mga negosyanteng laging wala hanggang sa paglaki, mga katulong ang kanyang kasama sa bahay.
Sa unang pagkakataon, nagawa niyang kontrolin ang kanyang buhay. Marami siyang bagong karanasan, mas maraming alak, umuuwi sa apartment sa hatinggabi, natutulog sa ibang bahay, at gumagawa ng mga bagay na tahasang ipinagbabawal sa kanya ng kanyang ama. Marami siyang ups and downs sa loob ng ilang buwang iyon. Ang masaklap pa, lahat ng ito ay umabot sa kanyang mga magulang. Nais niyang bumawi sa lahat ng pagkakamali na naidulot niya para maiwasang mapabalik sa Amerika. Nagsisimula pa lang ang Nationals. Ito na ang pagkakataon niya para magawa ang tunay niyang ninanais sa larangan na maaari siyang ipagmalaki ng kanyang magulang. Gagawin niya ang lahat para makuha ang tiwala nila, maging pinakamahusay na manlalaro ng basketball sa mundo, at manalo ng kampeonato.
Hiroshima. Nagkita ang Team Kainan at Team Shohoku pagkatapos bumaba ng tren sa Hiroshima. Nakita nila ang malaking board kung saan makikita ang line-up para sa laro.
Maki: Nakakalungkot naman. Ang inyong team ay nasa parehong dibisyon ng koponan ng Sannou at Aiwa.
Kyota: Napakatarik ng daan! Lagot kayo! Hehehe!
Sakuragi: Hoy! Ano ang sinabi mo diyan! unggoy!
Kyota: Mukhang hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makalaban ka ulit, Rukawa! At akala ko makakalaban pa kita dito!
Rukawa: Gagawin namin yon ng mas maaga imbes na mamaya. Tatalunin naming sila sooner or later.
Akagi: Magkita tayo sa finals, Maki!
Maki: Hihintayin ko yan, Akagi.
Kyota: Hahaha! Tama yan!
Hindi na nakayanan ni Sakuragi ang kayabangan ni Kyota, kaya binigyan niya ito ng headbutt.
Ryota: Hindi kami matatalo laban sa iyo sa pagkakataong ito!
Mitsui: Humanda kayo!
Maki: Ganun din sa inyo.
Inn. Pagdating nila sa Hiroshima, ang team Shohoku ay nakatanggap ng suporta mula kay Hikoichi na nagsasabi sa kanila tungkol sa mga manlalaro mula sa Toyotama na makakaharap nila sa unang round.
Kogure: Guys! Kausap ko si Hikoichi ngayon!
Sakuragi: Oh... Hikoichi ng Ryonan?
Mitsui: Ah, yung maingay na first year?
Ryota: Yung batang yun?
Hikoichi: Natanggap ninyo na ba lahat ng files na pinadala ko sa inyo? Kahit ang mga iyan ay impormasyon lang na nakolekta ko sa Osaka pre-qualifying games, mapagkakatiwalaan yan lahat! Malaki ang maitutulong niyan! Dahil gusto kong makitang manalo kayo team Shohoku!
Sakuragi: Hindi ba makakapunta ang team Ryonan para manood?! Para panoorin ang henyong si Sakuragi na pumasok sa Nationals?! Nyahahaha!
Hikoichi: Hindi, nagsasanay kami nang husto ngayon para matalo namin kayo sa susunod!
Akagi: Nandiyan ba lahat?
Iginala ni Hikoichi ang kanyang cellphone para ipakita na nagpa-practice ang team nila. Agad naman itong napansin ni Sendoh. Sinubukan niyang lapitan siya pero nasa tabi lang ni Hikoichi si Coach Taoka. Humingi siya ng pabor sa freshman habang nagsasanay.
Sendoh: Hikoichi, pakitawagan si Kaede sandali!
Hikoichi: Captain Akagi, pwede mo bang i-focus ang cellphone kay Rukawa?
Agad namang pinagbigyan ang kanilang kahilingan. Nang makita ni Sendoh si Rukawa, itinaas niya ang kanyang braso at nagpakita ng hugis puso gamit ang kanyang daliri. Naghiyawan ang mga manlalaro ng Ryonan at tinapik si Sendoh sa likod.
Team Ryonan: Wooow!
Coach Taoka: Bumalik ka na sa pwesto mo! Sendoh! Para kang bata!
Samantala, sa kabilang linya, kitang-kitang pula ang buong mukha ni Rukawa. Ginulo nila ang kanyang buhok at siniko siya ng tatlong unggoy na mas excited pa sa kanya.
Mitsui: Mananalo tayo! Nakatanggap na si Rukawa ng puso galing kay Sendoh! Hahahaha!
Ryota: Ayako! Gusto ko rin ng puso!
Ayako: No.
Sakuragi: Sendoh, isa pa! Para siguradong magiging champion na kami!
Rukawa: Gunggong!
Naantala ang practice ng team Ryonan dahil sa walang tigil na panunukso kay Sendoh ng mga miyembro, habang namamaga na ang mga ugat dahil sa patuloy na pagbulyaw ni Coach Taoka sa kanilang team.
Hikoichi: Ibaba ko na ang phone! Go! Go! Shohoku!
Shohoku High School Prep Room.
"Rank C lang ang team mo. Paano makikipagkumpitensya ang iyong koponan sa iba pang mga koponan na may mataas na ranggo?"
Ang tanong ng kanyang ama, ang unang pumasok sa isip ni Rukawa bago pumasok sa prep room ng stadium. Hindi lang siya, kundi lahat sila ay hindi ito kayang tanggapin, sa kabila ng katotohanan na ang Kainan team na muntik nilang talunin ay nasa rank A. Ang Toyotama, na nasa rank A, ang kanilang kalaban sa unang round. Matalo man nila ang Toyotama, makakaharap ng team Shohoku ang team Sannoh, ang kampeon noong nakaraang taon, na kampeon din dalawang taon na ang nakalilipas at ang mga nakaraan pang mga taon.
Ayako: Coach, bakit hindi ninyo po sinabi sa amin ang list of divisions?
Coach Anzai: I didn't want to put senseless pressure on everyone or affect their morale, kasi kahit sino pa ang kalaban natin, the most important past is still our own selves.
Busy pa rin ang Shohoku team sa pagbabasa ng libro. Ang ilan sa kanila ay nag-iisip at nag-aalala kung maaari nilang manalo sa kanilang unang laban.
Ayako: Ayon sa impormasyon mula kay Hikoichi, ang nangungunang tatlong shooters sa buong Osaka ay sina Itakura Daijiru, Kishimoto Minori at Minami Tsuyoshi at ang tatlo ay mga manlalaro ng Toyotama! Hindi nakakagulat kung bakit sila ay nakalagay sa rank A.
Mitsui: Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa pagiging rank C ng ating team?
Coach Anzai: Ito ay napakahusay!
Team Shohoku: Oh?
Coach Anzai: Diba sabi ko sa inyo, wag ninyo ng masyadong pansinin? Malamang walang naniniwala na baka manalo tayo! Tama ba ito o mali? Ipaalam ninyo sa kanila na sila ay mali!
Rank C vs. Rank A. Isa sa tatlong greatest high school events, ang isa na tinawag na pinakadakilang kaganapan sa Japanese High School Basketball World, ang National High School Tournament ay magsisimula na!
C #8 Iwata Mitsuaki vs. #4 Akagi Takenori
PF #5 Kishimoto Minori vs. #10 Sakuragi Hanamichi
SF #4 Minami Tsuyoshi vs. #11 Rukawa Kaede
SG #7 Yajima Kyouhei vs. #14 Mitsui Hisashi
PG #6 Itakura Daijiru vs. #7 Miyagi Ryouta
Nagsisimula na ang laro sa pagitan ng Toyotama at Shohoku. Hindi maganda ang naging simula ng Shohoku, ang koponan ng Toyotama ay ginamitan sila ng mga kritisismo, provokasyon, at magaspang na laro. Hindi napigilan ng Team Shohoku ang kanilang pasensya. Mas lalong hindi napagilan ni Sakuragi ang paghampas kay Kishimoto kaya tinawagan siya ng foul.
Kogure: Huminahon ka Sakuragi!
Ayako: Wag mong hayaang makita ng iba na sinadya mo Hanamichi!
May mga problema si Miyagi sa mga pag-atake ng Toyotama dahil karamihan sa mga manlalaro ay may posibilidad na guluhin siya. Gumawa sila ng malinis na foul na hindi nakikita ng referee. Wala pang isang minuto, nasa 6 to 0 na ang laro. Ipinakita sa kanila ng Toyotama ang kanilang mga atake, pag-angkin ng mga puntos at maliksi na taktika kaya hindi sila umiskor laban sa 9 na puntos ng kalaban. Hindi na rin nakapagtimpi pa ang Team Shohoku. Si Sakuragi ay patuloy na gumagawa ng kanyang mga karaniwang pagkakamali hanggang sa punto na siya ay na-subbed ni Yasuda dahil gusto ni Coach Anzai na pabagalin ang takbo ng laro.
Yasuda: Team! Kailangan nating dahan-dahang bawiin ang mga nawalang puntos!
Nang makuha na ni Yasuda ang bola, agad niyang ipanasa kay Akagi para siya ang magpasok sa basket. Si Akagi, sa kanyang pinakamahusay na status at pamamaraan ng flyswatting ay muling nagpuno ng kanilang enerhiya. Naging successful ang maniobra ni coach Anzai, in just 10 minutes, umabot na sa 15-14 ang scores. Kasunod ng jumpshot ni Rukawa, nalampasan na nila ang score ng kalaban. Bilang nangungunang manlalaro, nagpatuloy ang kanyang mga kakayahan sa court, na nagpapataas ng galit ng kalabang koponan at nakuha ang atensyon ni Minami. Dahil sa lalim ng kanilang hindi masusukat na kakayahan, nakontrol na nina Akagi at Rukawa ang laro, ngunit sinadya ni Minami na sikohin ang kaliwang mata ni Rukawa.
Sakuragi: Sinasadya mo! Mandurugas ka!
Akagi: Sakuragi, bumalik ka!
Sakuragi: Hayaan mo ako, Gori! Sinadya niya iyon! Mga mandurugas kayo! Akala mo matatakasan mo ako, ang mata ni Sakuragi!
Akagi: Kung hindi ka aalis ngayon, papalabasin ka nila sa laro!
Si Rukawa ay pinalitan ni Sakuragi, nagsimula ng muli ang laro. Patuloy na pinigilan ng team Toyotoma si Akagi sa ilalim ng basket at binantayan siyang mabuti, hanggang sa kusa siyang itumba ng #8. Nauubos na ang pasensya ni Akagi dahil masyadong magaspang ang laro ng kalaban para lang talunin sila. Ginamit nina Ryota at Mitsui ang atensyon ng kalaban kay Akagi ngunit napigilan si Ryota na maka-iskor, itinumba rin siya tulad ng dalawa niyang kasamahan. Hindi na siya nakapagpigil, sinubukan niyang suntukin ang pangit na kalaban. Ang Toyotama ay patuloy na gumagawa ng mga foul, ngunit nagawa nilang manguna sa score hanggang sa katapusan ng first half.
Ryonan. Ang Team Ryonan ay katatapos lang ng kanilang mahigpit na pagsasanay at ngayon ay nasa locker room. Ang biglaang pagsulpot ni Hikoichi ay ikinagulat ni Sendoh nang lumabas siya mula sa shower.
Hikoichi: Captain! Injured si Rukawa! Siniko siya ng kalaban niya!
Mabilis na tumakbo palabas ng gym si Sendoh dahil sa matindi, malakas na boses ni Hikoichi at sa nakakakilabot na balita. Pinanood ng mga bench warmer ang replayed first half online. Mabilis ding tumakbo sina Koshino at Fukuda para habulin ang kanilang captain. Nang mapansin niyang maraming namumulang babae, pumapalakpak at sumisigaw ng mga lalaki, pansamantalang natigil ang hingal na pagtakbo ni Sendoh. Siya ay nagtataka. Nang marinig niyang tinatawag ni Koshino at Fukuda ang kanyang pangalan mula sa likuran, napatigil siya.
Koshino: Sendoh! Sandali lang! May nakalimutan ka! Bakit ka tumatakbo ng ganyan?!
Sendoh: Si Kaede! Gagantihan ko kung sino man ang gumawa nito sa kanya!
Fukuda: Naiintindihan namin. Pero mag-isip ka muna bago lumabas ng shower.
Koshino: Wow! Okay, Fukuda, paano kung sinadyang saktan si Jin sa ganoong paraan? Makakapag-isip ka pa kaya?
Naningkit ang mga mata ni Fukuda nang marinig ang what-if ni Koshino. Galit siyang sumagot, walang pinipigilan kahit na what-if lang.
Fukuda: Kung nangyari yon kay Jin, tatapusin ko ang lahi na gagawa nito sa kanya!
Sendoh: Fukuda, kalma lang. Aalis na ako! Pakisabi kay teacher meron akong emergency.
Koshino: Hindi ka pwedeng umalis! Lalabas ka ng ganyan?!
Napansin ni Sendoh ang pagturo ng hintuturo ni Koshino sa kanyang katawan. Nagulat siya ng tumakbo siya ng nakayapak at nakatapis lang ng tuwalya. Lumibot na ngayon ang kanyang paningin sa buong campus. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit kakaiba ang reaksyon ng mga estudyante sa paligid niya.
Sendoh: Nakalimutan kong magsuot ng damit! Hahahaha! Thanks!
Nagmadali siyang pumunta sa gym upang magbihis para sa kanyang pag-biyahe sa Hiroshima.
Infirmary. Habang siya ay tumatanggap ng paunang lunas, ang lakas ng pagsiko ng kalaban ang nagpahilo kay Rukawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakatulog para pansamantalang pananatili sa infirmary, umidlip pagkatapos lagyan ng gamot ang isang mata. Lahat ng miyembro ng team ay hindi maiwasang mag-alala sa kanyang kalagayan.
Ilang buwan na ang nakalipas…
Father: Napagdesisyunan namin na diyan mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo para makaiwas ka sa gulo. Ngayon, malalaman ko na nakipagkaibigan ka pa sa mga magugulong kabataan? Ano bang pumapasok sa isip mo?!
Rukawa: Kaibigan ko sila.
Father: Ililipat na kita sa ibang school.
Mother: Gusto lang ng tatay mo na iwasan mo ang mga hindi magandang impluwensya.
Rukawa: Mas maganda dito.
Father: Ang mga kaibigan mo ba ang nagturo sa iyo ng mga libangan mo ngayon?!
Rukawa: Wala silang kinalaman sa mga gusto kong gawin. Hindi nila ako pinipilit.
Mother: Wala kami riyan para tingnan ka. Kaya mas mabuting bumalik ka na dito.
Rukawa: Mag-isa lang ako diyan, kaya walang pinagkaiba.
Father: Ayoko lang na mapasama ka na naman sa gulo. Bakit nagmamatigas ka pa?!
Rukawa: Atleast hindi ako naiinip dito.
Hindi naging maganda ang kanyang simula sa Shohoku. Ang buong akala niya na kapag bumalik siya sa Japan, hindi na mauulit ang kanyang nakagawian na pakikipag-away sa US. Ang pakikipagsuntukan sa grupo nina Ota at Sakuragi sa rooftop, ang madalas na asaran sa pagitan nila ni Sakuragi, ang bukol mula kay Gori, at ang pagkakasangkot sa gulo sa pagitan nina Mitsui at Ryota, lahat ng ito ay pinagdaanan niya simula noong pumasok siya sa Shohoku.
Pero nagbago ang lahat nang pumasok na sila sa elimination round. Sa sumunod na mga linggo, naging parte ng buhay niya ang mga taong kailangan niyang iwasan. Komportable siya sa kalmadong pananalita ni Coach Anzai, araw-araw na pakikipag-asaran kay Sakuragi, ang bonding nila sa festival kasama sina Sakuragi, Ryota, at Mitsui, at ang inuman at food trip nilang apat, ang pagsaway ni Gori sa kanila, ang malakas na hampas ng fan ni Ayako, at si Kogure na umaawat sa mga unggoy, at ang mga mahusay na disiplinadong benchwarmers na hindi niya akalaing tatanggapin niya sa kanyang buhay.
Hindi halata sa kanyang ekspresyon, ngunit nitong ilang buwan sa Shohoku, ang kanyang mga kasamahan ang kanyang naging pamilya. Ngayon lang niya napagtanto na hindi pala siya nag-iisa. Hindi man niya naririnig ang mga alalahanin at matatamis na salita ng kanyang mga magulang, nararamdaman niya ito sa mga aksyon ng kanyang koponan. Hindi mahahanap ang problema sa isang lugar. Nasa loob niya ito. At tinanggap niya ito sa kanyang sarili. Kung ang pag-iwas sa gulo ay kapalit ng paglayo sa kanila, mas gugustuhin niyang manatili sa gulo. Sigurado siya. Mananatili siya sa kanyang koponan.
Dumiretso sa infirmary ang tatlong unggoy pagkatapos ng first half para tingnan ang kalagayan ni Rukawa. Sigurado silang nakatulog na naman ito.
Sakuragi: Ang hina mo naman! Matulog ka na lang dyan! Gigisingin kita kapag tapos na ang laban! Hahahaha!
Ryota: Nagpapahinga siya, wag kang maingay Hanamichi!
Mitsui: Ayokong sabihin, pero kailangan natin siya sa 2nd half.
Sakuragi: Sa kalagayan niya, sa tingin mo magigising siya?! Hahahaha!
Bahagyang niyugyog ni Ryota si Rukawa, ngunit hindi siya nagising. Hinila ni Mitsui ang mga paa niya, hindi pa rin siya nagigising. Ito na ang pagkakataon ni Sakuragi, napalunok muna siya bago sumigaw.
Sakuragi: Gumising ka payat na fox!
Ryota: Anong ginagawa mo Sakuragi? May problema na siya sa isang mata, idagdag mo pa ang tenga niya!
Mitsui: Buhatin na lang natin!
Inisip ng tatlong unggoy kung paano nila magigising si Rukawa, na nakahilera sa harap ng kama.
Sakuragi: Alam ko na!
Nagkatinginan sina Mitsui at Ryota bago inilipat ang tingin sa kanya. Ibinulong niya ang kanyang brilliant idea sa dalawang kaibigan. Tila nakakita sila ng bumbilya sa itaas ng ulo ni Sakuragi bago pinalo sa likod.
Sakuragi: Tumigil ka Michi! kulot! Sige na! Buksan ninyo na ang talukap!
Ginawa ng dalawa ang napakatalino na ideya, binuksan nila ang talukap ng mata ni Rukawa para makita niya ang hugis daliri na puso ni Sakuragi. Bahagyang nagising si Rukawa sa sapilitang pagbaligtad ng kanyang mga talukap. Malabo pa ang isang mata niya pero ilang saglit itong lumiwanag. Nagulat siya nang makita ang finger heart ni Sakuragi.
Rukawa: Alisin mo yan sa mukha ko, gunggong!
Sakuragi: Napakayabang mo! Tinutulungan ka lang namin magising!
Second Half. "All anxious after a little bit of provocation, you know very well the opponent is watching you, but you still try to force your way. Ang pambansang kampeon ay hindi napatunayan sa pamamagitan lamang ng mga salita." Ito lamang ang payo na narinig nila mula sa kanilang coach, ngunit ito ay may malaking epekto sa kanilang pag-iisip upang dalhin ang laro sa ilalim ng kanilang kontrol.
Akagi: Wala kaming muwang...
Ryota: Oras na para mag-isip...
Mitsui: Susubukan namin ang aming makakaya sa susunod...
Sakuragi: Hayaan ninyo akong maglaro...
Rukawa: Tara na!
Nagplano si Coach Anzai para sa kanyang koponan na makipagkumpetensya sa pagtakbo at makipaglaban para sa mga puntos laban sa kalaban sa second half. Nagpasya si Rukawa na ipagpatuloy ang paglalaro sa kabila ng kanyang injury. Patuloy pa rin sa pagbato ng insulto ang number six na kalaban ni Ryota.
Itakura: Hindi ako nasisiyahan na makalaban ka! Kung hindi ko ibabaluktot ang aking mga tuhod, hindi ko makikita ang mukha mo!
Ryota: Natutuwa akong makalaban ka! Mas maliit ako sayo kaya hindi ko makikita ang pangit mong mukha!
Habang magkaharap, nag-fake si Ryota at nilagpasan ang kalaban sa kanyang liksi. Tinalo niya ang mayabang niyang kalaban.
Ryota: See you, pangit!
Nagawa ni Sakuragi na malampasan si Kishimoto sa bilis ng kanyang pagtakbo.
Kishimoto: Brat! Sobrang bilis kahit walang bola?!
Sakuragi: Halimaw na mahabang buhok! Habulin mo ako! Nyahahaha!
Hindi nakaligtas sa panlalait si Mitsui, kaya ginamit niya ang kanyang mayabang na bibig.
Yajima: Sa unang kalahati, mayroon ka lamang tatlong puntos. Ilan ang kaya mong lampasan sa second half? Zero?
Mitsui: Kung maka-iskor ako ngayon, ihahagis ko ang ulo mo sa ring pagkatapos ng laro. Pero sobrang lapad ng mukha mo, paano kakasya ang ulo mo?
Nag-shoot siya ng tres para ipahiya ang kanyang kalaban. Hinamon naman ni Rukawa ang ace player ng kabilang koponan.
Rukawa: Sino sa tingin mo ang #1 player ng Japan?
Minami: Ano?
Rukawa: Ang taong magdadala sa koponan para maging number 1 sa Japan… ay ako!
Siya ay nagpakita ng isang mahusay na jump shot gamit ang isang mata. Ginamit niya ang kanyang katawan para magpasya sa laro. Naniniwala siyang magagamit niya ang kanyang katawan sa pag-iskor. Namangha ang lahat sa performance ni Rukawa, lalo na nang naka-shoot ito ng free throw na nakapikit ang dalawang mata. Dahil sa mga pambihirang kakayahan na nakita ni Sakuragi, nahikayat siyang ipakita ang jumpshot na matagal na niyang sinasanay, at matagumpay niyang naisagawa ito.
Bawat kanilang pagpuntos ay nabawi rin ng kalaban, ngunit muli nilang nasungkit ang iskor sa pamamagitan ng 3-puntos ni Mitsui. Ang Shohoku ay nanguna sa score sa ilalim ng pamumuno ng #1 center ng Kanagawa, Akagi; si Mitsui, ang shooting guard, na nagsimula nang maka-iskor at si Ryota, ang sophomore point guard, ay tinanghal na pinakamabilis na player sa court. Sa wakas, bumalik na sila sa kanilang normal na sarili. Ang kanilang magandang scoring performance sa court ang nagpatawag ng timeout sa kalabang koponan.
Mukhang hindi na nag-sync ang laro ng Toyotama. Mula pa noong second half, ang three points ni Minami ay hindi gaanong maaasahan gaya ng dati, na may 8 na magkakasunod na palya sa basket. Sa wakas, ipinakita ng Hari ng rebound na si Sakuragi ang kanyang kakayahan, ang unang pagpapakita sa inter high. Ang mahusay, malakas at mga pambihirang laro ni Rukawa ay gumulat sa buong istadyum. Inakala ni Minami na ang pananakit sa ace player ng kalabang team ay magpapapahina sa kanila, upang takutin sila, ngunit hindi si Rukawa ang taong matatakot na masaktan. Sa desperasyon, sinubukan niyang patumbahin si Rukawa para hindi na siya tuluyan pang makalaro sa mga natitirang minuto. Pero sa huli, si Minami ang naging malubha ang kondisyon, maraming dugo ang tumagas sa kanyang ulo dahil sa masamang anggulo ng pagbagsak at pansamantala siyang inilabas sa court.
Hindi napigilan ng kalaban ang walang tigil na rebound at jumpshots ni Sakuragi habang nagpapatuloy ang laban. Si Minami ay bumalik sa court, na nagpataas ng enerhiya ng kanyang mga kasamahan sa koponan. Kasabay ng tapang ng Toyotama, nag-aalab din sa determinasyon ang tatlong unggoy!
Sakuragi: Mananalo tayo!
Ryota: Matatalo natin sila!
Mitsui: Yung mga taong nag-iisip na matatalo kami! Hihihi!
Samantala, ang 91-81 score na pabor sa kanila, ay nabawasan sa pagbabalik ni Minami sa court. Ang kanyang 2 magkasunod na three points ang nagpatunay sa mga manonood kung ano ang kakayahan ng number 1 shooter ng Osaka. Ngunit, ang kanyang ikatlong pagtatangka ay pumalya. Mabilis itong na-rebound at pinag-agawan nina Akagi at Sakuragi. Ang team Shohoku, ang kinatawan ng Kanagawa, ay nanalo sa kanilang unang round na laro.
Inn. Ipinagdiwang ng Team Shohoku ang kanilang unang tagumpay. Nagtataka si Rukawa kung bakit madalas tumatawag ang kanyang magulang. Pansamantala siyang umalis sa inn para kausapin sila ng pribado. Ipinagpalagay niya na maaaring nakita nila ang laro at nais siyang batiin.
Mother: Kaede, kumusta ang mata mo? Tumawag agad ako nung napanood ko yung laro mo!
Rukawa: Maayos na po ang mata ko.
Father: Kanina pa nagpa-panic ang nanay mo.
Mother: Tumawag ako sa malapit na ospital para siguraduhing walang komplikasyon ang iyong mata.
Rukawa: Hindi na po kailangan.
Halos hindi na maramdaman ni Rukawa ang sakit sa kanyang mata. Ang pagkapanalo sa laban at pag-abante sa ikalawang round ang mahalaga sa kanya. Hindi siya sigurado, pero ang totoo ay masaya siya na nanalo sila laban sa A rank. Ito rin ang nagtulak sa kanya na buksan ang usapan tungkol kay Akira.
Rukawa: May ipakilala po ako sa inyo.
Napansin niya ang pagpapalitan ng tingin ng kanyang magulang. Nag-aalala siya sa magiging reaksyon ng ama kapag ipinakilala na niya si Akira. Ngunit, kinalimutan niya ang pag-iisip ng masama dahil isa ang kanyang nobyo sa mga ipinagmamalaki niya sa kanyang buhay.
Father: Sino? Ang mga kaibigan mong maiinitin ang ulo?
Mother: Mas mabuting huwag mo ng ituloy ang paglalaro ng basketball, anak. Paano kung mas malala pa ang susunod na mangyayari sayo?
Matapos makita ang tumatawag sa kanyang cellphone, excited niyang sinagot ang video call ng kanyang magulang. Inaasahan niyang sasalubungin siya ng papuri mula sa kanila kasunod ng kanilang panalo sa unang laro. Hindi siya makapaniwala na sasalubungin siya ng sermon at ang mga alalahanin nila sa kanyang mga kasamahan. Ang kanyang determinasyon na manalo, upang masiyahan ang kanyang mga magulang, ay lalong nag-init. Gusto niyang patunayan sa kanila na maayos ang kanyang pananatili at paglalaro ng basketball sa Japan.
Sendoh: Kaede?
Napansin niya ang anino ng isang matangkad na lalaki sa hindi kalayuan, nakatindig ang lahat ng buhok at nasisinagan ng paglubog ng araw. Nang makarinig siya ng boses sa likuran ay agad siyang lumingon. Sinurpresa siya ng kanyang matinik na nobyo pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw, mula sa nakakairita, magaspang, at tusong kalaban hanggang sa hindi pa rin nareresolba na isyu sa kanyang mga magulang. Nang makita niya ang pagngiti nito at paglapit sa kanya, parang nawala ang sakit sa ulo at katawan niya. Sinuri ni Sendoh ang kanyang nasugatang mata habang nakahawak sa kanyang pisngi.
Sendoh: Sinong gunggong ang gumawa nito sayo?!
Rukawa: Bakit?
Sendoh: Sasaktan ko rin siya! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa baby ko!
Nanginginig sa galit si Sendoh habang sinusuri ang nasugatang mata. Napapangiti si Rukawa sa tuwing nakikitang nagagalit ang kanyang nobyo dahil paminsan-minsan lang ito nagyayari, at hindi ito bagay sa kanya. Pinisil ni Rukawa ang kanyang nipple dahil cute tingnan ang kanyang nobyo tuwing nagsusungit.
Sendoh: Aray! Hindi mo ba nakikita, babe? Seryoso ako dito! Anong pangalan niya? Hindi siya dapat naglalaro ng basketball! Hindi siya naglalaro ng patas!
Rukawa: Ano ang gagawin mo kapag nakita mo siya? Sasaksakin mo siya ng buhok mo?
Sendoh: Sasaktan ko rin siya!
Hindi pa rin niya nakokontrol ang inis ni Sendoh. Namumula ang pisngi niya sa galit, pero ang cute pa rin niyang tingnan. Si Rukawa ay nasisiyahang panoorin ang kanyang nobyo kapag ang pasensya nito ay nauubos. Tinanggal niya ang kanyang piring para hindi mag-alala ang matinik niyang boyfriend.
Rukawa: Okay lang ako. Nakakakita na ako ng mabuti.
Sendoh: Tara na sa clinic! Kailangan nating makasigurado na walang problema ang mata mo! Paano kung may bakas ka pa ng balat ng lokong yan sa mata mo?! Aahitin ko ang ulo niya!
Rukawa: Binigyan na niya ako ng ointment.
Sendoh: Ano? Nasaan na siya?!
Luminga-linga si Sendoh sa paligid kung makikita niya si Minami. Nakikita pa rin ni Rukawa na hindi pa rin nawawala ang inis ng kanyang matinik na boyfriend, kaya naisipan niyang pisilin muli ang nipple nito.
Sendoh: Aray! Babe... Hindi mo dapat pinipiga yan, dito dapat...
Hinawakan ni Sendoh ang kamay ni Rukawa at idiniin ito sa harap ng kanyang pantalon. Inaasahan niyang magagalit ito sa kanya, ngunit hinawakan ni Rukawa ang kanyang beast na nagpapula sa kanyang buong mukha.
Sendoh: Hahaha! Ang galing mo kanina! Pinapanood ko ang laban mo kanina sa byahe. Proud na proud sayo si Daddy Akira!
Rukawa: Kaya mo ba ang ginawa ko?
Sendoh: Oo! Kaya ko rin yan!
Rukawa: Talaga?
Sendoh: Totoo! Kaya kong mag-shoot sa dilim kahit nakapikit ang dalawa kong mata, sa tahimik at malamig na lugar, tayong dalawa lang...
Rukawa: Gunggong!
Sendoh: Kailan ba talaga tayo aalis papuntang America?
Rukawa: Nagpare-schedule ako.
Huminto si Sendoh sa kanyang hakbang. Gusto niyang maghanda para sa araw na ito at inaasahan niyang makilala ang pamilya ng kanyang baby. Hindi na siya nagdalawang isip na magtanong kung bakit.
Sendoh: Bakit? Sayang at hindi na nila makikita ang napakagwapo nilang manugang.
Rukawa: Oy, nagugutom na ako.
Sendoh: May nakita akong BBQ grill sa malapit. Hindi dapat hinahayaan si Mommy at baby na magutom!
Rukawa: Gunggong!
Inimbitahan ni Rukawa ang kanyang nobyo patungo sa isang resto. Pinag-iisipan niya kung ipagtatapat niya ang totoo kay Sendoh habang naglalakad. Kung hindi, pag-iisipan niya kung anong dahilan ang sasabihin niya para hindi magduda si Sendoh. Pinagalitan na siya ng kanyang ama sa pagsali sa kanyang mainitin ang ulo na grupo. Na-curious siya kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang nakikipag-date siya sa isang lalaki. Ayaw niyang madamay si Sendoh sa kanilang gulo, ngunit base sa tono ng pananalita ng kanyang ama, naghinala siyang hindi siya papayag sa kanyang pakikipag-date.
Father: Nagbago ka na. Hindi ka na nakikinig sa amin. Yan ba ang makukuha mo sa mga kaibigan mo?!
Mother: Naiintindihan namin na mas naging malapit ka sa kanila, pero kung nami-miss mo sila, maaari mo silang tawagan.
Rukawa: Hindi lang sila ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis. Nakikipag-date po ako.
Mother: Anong pangalan niya?
Rukawa: Akira.
Father: Siya ba ang dahilan kung bakit napapabayaan mo ang iyong pag-aaral at mga bisyo mo?
Rukawa: Wala siyang kinalaman sa mga ginagawa ko.
Mother: Girlfriend mo ba si Akira?
Rukawa: Hindi po. Boyfriend ko siya.
