Chapter 22: Nationals Part 2

Hindi nagtagal pagkatapos ipahayag ang mga resulta ng mga laban, ang mga koponan na nag-aagawan na tawaging mga kampeon ay nagpakita ng lakas ng loob na magpatuloy sa landas ng tagumpay at lumipat sa ikalawang round. Ang mga laro sa unang araw ay natapos na. 27 sa bilang na 59 na koponan na nagsimula sa kumpetisyon ang natanggal.

Sakuragi: Rukawa! Saan ka pupunta?! Huh?!

Sendoh: Hi bro!

Sakuragi: Nyahahaha! Nakita mo ba ang laro namin?! Nanalo kami! Kita mo?! Sinong nagsabing nasa Rank C kami?!

Lumapit si Sakuragi kay Sendoh at inayang maglakad pabalik sa inn.

Sendoh: Sorry, Sakuragi. Lalabas kami ni Kaede ngayon.

Sakuragi: Saan kayo pupunta?! Ahhhhhh! May gagawin kayo noh?!

Rukawa: Wala kang pakialam. Bitawan mo siya.

Hinawakan ni Sakuragi ang kaliwang braso ni Sendoh, habang hawak naman ni Rukawa ang kanang braso. Hindi sila bumitaw hanggang sa hinila nilang dalawa ang mga braso ni Sendoh.

Sendoh: Sakuragi, ang higpit mong humawak. Relax, bro.

Sakuragi: Ano bang problema mo, Rukawa?! May sasabihin lang kami sa kanya! Nagseselos ka ba saken?!

Rukawa: Ah. Yan pala ang gusto mo.

Kinuha ni Rukawa ang phone niya sa bulsa at nagkunwaring tumatawag.

Rukawa: Hello, Haruko.

Sakuragi: Aaahhh! Bakit mo siya tinatawagan?!

Rukawa: Nagseselos ka ba?

Sakuragi: Aaahhh! Huwag mo siyang kausapin! Ibigay mo sa akin ang phone mo!

Rukawa: Ayoko.

Si Sendoh ay pinakawalan na ni Sakuragi. Hinabol niya si Rukawa sa harap ng inn.

Ryota: Pumasok na kayo sa loob! Sabi ni Ayako kakain na tayo!

Sendoh: Congrats bro!

Ryota: Sendoh! Kailan ka dumating?

Sendoh: Kararating ko lang. Bibisitahin ko si Kaede. Nandiyan ba kayong lahat?

Ryota: Oo. Hoy! Tara na, boys!

Pumasok ang apat sa inn. Napansin nila si Akagi sa phone na may kausap.

Karasawa: Hello, ako si Karasawa mula sa Shintaidai.

Akagi: Karasawa, ang superintendent?

Team Shohoku: Ano? Mula sa programa ng mga manlalaro?!

Karasawa: Binabati kita sa iyong unang laban. Ngunit ang aktwal na laro ay bukas, Akagi. Ang lakas ni Sannoh ay hindi masusukat!

Nakikinig ang lahat ng miyembro ng team sa usapan ni Gori sa telepono. Sinamantala ni Sendoh ang pagkakataon na abala sila sa isang sulok. Hinila niya si Rukawa. Inilibot ng kanyang mga mata ang paligid, naghahanap ng lugar na pribado at madilim. Nakita niya ang kusina. Sumandal si Rukawa sa counter. Hinaplos ni Sendoh ang pisngi niya, inilapit ang kanilang mga mukha.

Ayako: Ryota! Sinabi mo bang pumasok na sila? ha?

May biglang nagbukas ng ilaw sa kusina. Hindi nangyari ang halik na kanilang inaasahan. Umakto si Sendoh na parang nakatingin sa mata ni Rukawa.

Sendoh: Masakit pa ba? Nasaktan ang baby ko! Oh my God!

Rukawa: Yuck.

Ayako: Hahaha! Akala mo ba maniniwala ako sa acting mo, Sendoh?

Sendoh: Ha? Alam mo, gusto ko lang i-check ang mata niya. Baka ma-infect.

Ayako: Gusto mong tingnan ang mata ni Rukawa nang patay ang mga ilaw?

Sendoh: Hindi ko napansin na patay ang ilaw. Hehehe! Gusto ko lang makasigurado na makakapaglaro siya bukas.

Pinagpapawisan na si Sendoh habang nag-iisip ng bagong alibi. Ngunit ang instincts ng babae ay hindi matatalo.

Ayako: Alam ko nami-miss mo na siya.

Sendoh: Gusto ko lang malaman kung gaano kalala ang condition niya.

Ayako: Nasa kaliwa ang problema pero sa kanan ka nakatingin.

Mukhang natutunaw na sa hiya si Sendoh. Walang ekspresyon ang mukha ni Rukawa pero namumula na ang kanyang pisngi.

Ayako: Hahaha! Sige lang! Sa pagkakaalam ko, walang tao sa likod.

Rukawa: Anong ibig mong sabihin?

Ayako: Alam na yon ni Sendoh! Hahahaha!

Sendoh: Thanks! Hihihi!

Gaya ng iminungkahi ni Ayako, tumungo ang mag-syota sa likod ng inn. Sa sulok, maraming palumpong at matayog na puno na may mga sanga at dahon na sumasayaw sa simoy ng hangin. Dumidilim na rin ang paligid. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Silang dalawa lang. Ito na ang pagkakataong matagal na nilang inaasam. Nakatayo sila sa ilalim ng malaking puno. Nakahawak si Rukawa sa bewang habang si Sendoh naman ay nakahawak sa panga. Naglapit ang kanilang mga mukha.

Ang maseselan at halos malasutla na labi ni Rukawa ay sinapo ni Sendoh. Habang humihinga sila sa isa't isa, ramdam na ramdam nila ang banayad na kiliti ng hininga sa ilalim ng kanilang mga ilong at ang kanilang mga daliri na humahaplos sa kanilang mga katawan. Naramdaman ni Rukawa na ang paghigop ay tinutulak at hinihila siya pabalik. Lahat ng halik ni Sendoh ay nakakaakit. Mukhang may hinuhukay siya sa kabilang labi gamit ang maliksing dampi ng kanyang baba. Ikinulong ng mga daliri ni Rukawa ang mga brasong mahigpit na nakahawak sa kanya, habang si Sendoh naman ay hinawakan ang kanyang ulo upang lapitan ang kanilang mga bibig na nananabik. Para silang natatakot na baka maghiwalay ang kanilang mga labi, magkadikit ang kanilang mga noo, halos magkadikit ang mga ilong sa pisngi ng isa't isa, at magkadikit ang bawat siwang ng balat hanggang sa wala nang espasyo sa pagitan ng kanilang mga mukha.

Nang marinig nilang bumukas ang isang kahoy na pinto, naputol ang kanilang halikan. Para silang nagising mula sa ibang mundo at bumalik sa Lupa. Hindi agad sila nakagalaw. Nag-lock sila ng mga tingin. Sa parehong segundo, ang kanilang mga ulo ay umikot ng 90 degrees. Si Coach Anzai. Nakatayo siya sa pintuan, nakatakip ang kaliwang kamay sa bibig, ang kanang palad sa doorknob, at nakataas ang isang paa, halatang natigilan sa pagpasok sa inn. Dahil tugma sa dingding ang kanyang kasuotan, hindi siya nito napansin.

Sendoh: Magandang gabi, Coach Anzai! Sinamahan ko po dito si Kaede kasi medyo mainit sa loob. Bakit po kayo mag-isa dito sa labas? (blush)

Coach Anzai: Malamig sa loob kaya lumabas muna ako. Okay, boys. Pasensya na sa abala. Hohoho!

Pagpasok ni Coach Anzai sa kwarto ay napahawak si Sendoh sa kanyang dibdib. Nagtataka siya kung bakit hindi niya ito napansin kanina.

Rukawa: Hindi mo ba siya nakita?

Sendoh: Akala ko estatwa ng nakaupong Santa Claus ang nakita ko sa tabi ng dingding kanina.

Rukawa: (sigh) Tara na. Nagugutom na ako.

Sendoh: Sige. (pout)


Pumasok na sila sa loob. Napansin nilang handa na ang hapunan. Nakaupo na rin ang lahat members. Umupong magkatabi ang magkasintahan. Sinulyapan ni Sendoh si Coach Anzai. Napansin niyang nakangiti ito sa kanya kasabay ng kanyang kumikinang na salamin sa mata.

Sakuragi: Tinalo natin ang A-rank na Toyotama, ibig sabihin, ABC rank na tayo! Naabot na natin ang level ng koponan ng "Three Kings"!

Mitsui: ABC-rank?!

Ryota: Baka ang ibig mong sabihin ay AA-rank.

Sendoh: Hi guys! Congrats sa unang panalo ninyo!

Akagi: Salamat. Manonood ka ba ng laro namin bukas?

Sendoh: Oo! Kasama ko si Ouzomi.

Nagpalitan ng tingin ang tatlong unggoy. Kasabay nito ang pagkislap ng kanilang mga mata. Naalala nila ang isang lalaki na bumisita kay Rukawa kanina.

Sakuragi: Sendoh, alam mo bang may bisita si Rukawa kanina?

Rukawa: Gunggong.

Sendoh: Ha?

Mitsui: Hahaha! Yung may bangs at itim ang buhok!

Tatlong Unggoy: Hahahaha!

Sendoh: Si Nobita?

Ang reaksyon ni Sendoh ay ikinadismaya ng tatlong unggoy. Inaasahan nilang magagalit siya kaagad. Nakaisip si Ryota ng paraan para dagdagan ang kanilang pang-aasar.

Sakuragi: Anong sabi mo, Sendoh?! Hindi ko alam na slow ka rin pala! Nyahahaha!

Ryota: Hahaha! Hanamichi, nakakahiya naman sa IQ mo!

Sakuragi: Anong sabi mo Kulot?!

Mitsui: Sendoh, ganito ang itsura niya. Straight black ang buhok niya at walang salamin.

Sendoh: Ahh... si Gohan?

Pasimpleng tumawa ang mga benchwarmers sa narinig, habang ang tatlong unggoy ay naiinis na kay Sendoh.

Sendoh: Akala ninyo hindi ko alam ang ginagawa ninyo. Hindi ninyo ako maiisahan. Hihihi!

Naiinis na ang tatlong unggoy, ngunit gustong-gusto ni Sendoh ang kanyang pakikipaglaro. Alam na niya ang kanilang kalokohan, kaya sinakyan niya ang lahat ng kanilang pang-aasar.

Sakuragi: Sendoh! Makinig ka! Ang lalaking bisita ni Rukawa, may itim na buhok na tuwid at makintab, may bangs na parang sinukat ng ruler!

Sendoh: Aaahhh!

Inilapit ng tatlong unggoy ang kanilang mga ulo kay Sendoh para siguraduhing tama ang maririnig nilang sagot.

Sendoh: Alam ko na! Si Rock Lee!

Isa-isang pumutok ang galit na galit na mga ugat nina Sakuragi, Mitsui, at Ryota. Patuloy ang pagtawa ng mga bench warmer, habang si Ayako at Kogure ay nag-aalala sa pagpipigil ni Akagi.

Tatlong Unggoy: Ano ka ba naman?! Sendoh!

Binukulan na ni Akagi ang tatlong gunggong. Kinabukasan, tiyak na namamaga na naman ang kanilang mga bukol.


Nagpaalam na si Sendoh sa team Shohoku at inihatid na siya ni Rukawa palabas ng kanto.

Sendoh: Babe, bakit hindi na tayo matutuloy umalis next month?

Napatigil si Rukawa nang marinig ang tanong. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Sendoh tungkol sa pagbabago ng isip niya. Ilang saglit lang ay nag-vibrate ang kanyang cellphone.

Rukawa: Bakit?

Ayako: Hinahanap ka ni Coach.

Rukawa: Bakit?

Ayako: May video tayong papanoorin dito. Semi-final game ng 3 Kings noong nakaraang taon.

Rukawa: Okay.

Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, nakita niya si Sendoh na nakatitig sa kanya.

Rukawa: Bakit?

Sendoh: Bakit naka-silent mode ang cellphone mo?

Rukawa: Ang unggoy na may pulang buhok ang alarm namin sa umaga.

Sendoh: Hahaha! Lagyan mo ng ring yang phone mo. Paano kung may emergency? Paano kung bigla akong tumawag mamaya bago matulog? Eeehhh!

Rukawa: Sigurado akong tulog na ako kapag tumawag ka.

Sendoh: Hahaha! Kailan mo ba ako ipapakilala sa mga magulang mo?

Tumingin siya sa lupa dahil wala siyang maisip na dahilan. Napansin niyang nagbago ang ekspresyon ng nobyo. Sa pangalawang pagkakataon, napansin siguro ni Sendoh ang pag-iwas niya sa paksa ng kanilang pag-alis.

Rukawa: Next month, birthday ng tatay ko pero hindi ako sigurado kung sa US ang party.

Sendoh: Okay, I get it. Ang kalaban ninyo bukas ay kampeon noong nakaraang taon. Kinakabahan ka ba?

Rukawa: Hindi. One-on-one tayo?

Sendoh: Kailangan mong magpahinga ngayon. Pagbalik mo sa Kanagawa, maglalaro tayo.

Rukawa: Kailangan ko ng bumalik sa inn.

Dismayado si Sendoh dahil ilang oras lang niya makikita si Rukawa. Pinagmasdan niya ang paligid habang naglalakad. Tahimik, kaunti lang ang street lights na nagbibigay liwanag at walang sasakyang dumadaan. Niyakap niya si Rukawa bago itinagilid ang ulo para halikan siya.

Maki: Hey!

Naputol ang dapat na tender moments ng dalawa. Lumuhod si Rukawa at kunwaring inaayos ang kanyang jogging pants. Ang biglaang pagsulpot ni Maki ay nagpalabas sa ilang galit na ugat ni Sendoh.

Sendoh: Pare! kamusta ka na? Ano ang ginagawa mo sa ganitong oras ng gabi?

Maki: Napadaan ako sa inn ni Rukawa. Sabi ng mga teammates niya, lumabas siya.

Sendoh: Bakit mo siya hinahanap?!

Hindi maiwasan ni Sendoh ang inis sa kanyang naririnig. Namula si Maki at tumingin sa lupa, bago sinulyapan ang mag-syota.

Maki: Gusto ko lang itanong kung tinawagan ka ba ni Fujima?

Rukawa: Hindi.

Sendoh: Bakit siya tatawagan ni Fujima?!

Maki: Kasi... Akala ko sinabi niya sayo yung tungkol sa Ace Killer.

Sendoh: Yan lang ba ang itatanong mo?

Maki: Hindi.

Parang nilunok ni Maki ang malaking bukol sa kanyang lalamunan. Pinipilit niyang mag-relax para mabilis niyang malaman ang sagot sa kanina pa niyang iniisip.

Maki: Rukawa, umm... Pakisabi kay Fujima na dala ko ang cellphone ko kung tatawag siya.

Nagpalitan ng tingin ang dalawa. Mabilis nilang naintindihan ang ibig sabihin ni Maki.

Rukawa: Tumawag siya kanina.

Sendoh at Maki: Ha?

Rukawa: Sabi niya, tawagan mo siya para malaman niyang may dala kang cellphone.

Maki: Seryoso?

Rukawa: Hindi.

Sendoh: Hahaha!

Natawa na lang si Maki sa biro ni Rukawa. Nagpaalam siya bago siya kulitin ng dalawang ace players.

Maki: Babalik na ako sa inn. Sendoh, manonood ka ba ng laro nila bukas?

Sendoh: Oo. Kasama ko si Ouzomi sa inn malapit lang dito.

Maki: Sige Sendoh, Rukawa. Hanggang sa muli!

Nagkamayan silang tatlo bago umalis si Maki. Eto na naman ang pagkakataon, silang dalawa lang sa gitna ng kalsada, street lights lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Magkaharap sila, unti-unting lumalapit ang kanilang mga labi.

Jin: Hi guys!

Nagkunwari si Sendoh na inaayos niya ang pang-itaas na damit ng kanyang baby. Naningkit din ang mga mata ni Rukawa sa inis.

Sendoh: Hey bro!

Jin: Kasama mo ba si Fukuda?

Sendoh: Hindi siya sumama sa akin kasi papagalitan siya ni Coach kapag hindi siya umattend ng practice bukas.

Jin: Ganun ba? ikaw? Hindi ka ba papagalitan ng coach mo?

Sendoh: Papagalitan niya ako for sure! Hahaha! Pero mabilis niyang nakakalimutan ang inis niya sa amin.

Jin: Sige. Babalik na ako sa inn. Magandang gabi sa inyong dalawa!

Napabuntong-hininga ang dalawa. Heto na naman. Walang ibang tao sa paligid. Malamig ang ihip ng hangin. Magkaharap ang mga mukha nila. Ang ilang pulgada sa pagitan ng kanilang mga labi ay unti-unti ng lumiliit. Parang nakuryente ang kanilang katawan nang marinig ang malakas na busina ng 10-wheeler truck.

Sendoh: Babe! Dun muna tayo sa gilid!

Rukawa: Cellphone ko yun.

Sendoh: Mas mahalaga pa ba sayo ang cellphone mo kesa sa buhay natin?! May truck na dadaan dito!

Rukawa: Ringtone ko yon.

Sendoh: Akala ko ba naka silent mode ang phone mo?

Rukawa: Diba sabi mo kanina hindi ko dapat i-silent?!

Sendoh: Aaawww... Kiss mo ko.

Rukawa: No.

Ngumuso si Sendoh. Kinuha ni Rukawa ang kanyang cell phone sa kanyang bulsa at patuloy itong nagri-ring. Napakamot na lang si Sendoh sa batok niya dahil gusto niyang halikan ng mas matagal si Rukawa.

Sendoh: Bakit hindi mo sinasagot?

Rukawa: Mamaya pag balik ko sa kwarto.

Sendoh: Ipanalo mo ang laro ninyo bukas.

Rukawa: May maipapayo ka ba?

Sendoh: Iwasan mo ang mga players na may bangs.

Rukawa: Gunggong! Mayroon bang manlalaro na mas mahusay kaysa sa iyo?

Naging seryoso ang mukha ni Sendoh nang may naalala siya. Napatingin din si Rukawa sa mukha niya. Naghihintay ng sagot sa pangalan ng nakatalo sa boyfriend niya sa basketball.

Sendoh: May nakakita sa kahinaan ko.

Rukawa: Sino?

Naging madiin ang kanilang mga titig. Lalong naging seryoso ang mukha ni Sendoh habang si Rukawa ay hindi na makapaghintay. Gusto niyang itatak sa isip niya ang pangalang iyon. Inilapit ni Sendoh ang mukha sa tenga ni Rukawa para bumulong.

Sendoh: Yung beast ko.

Rukawa: Gunggong ka talaga!

Sinubukan ni Rukawa na hampasin ang beast ni Sendoh ngunit madali niya itong napigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang pulso.

Rukawa: Mas mabuti pang makipag-usap sa pusa kaysa sa iyo!

Sendoh: Hahaha! Biro lang! Seryoso ako. May one-on-one in a match ako dati, hindi ko siya natalo.

Rukawa: Ano ang pangalan niya?

Sendoh: Hindi ko na matandaan. Pero naaalala ko mas gwapo ako sa kanya.

Rukawa: Gunggong!

Sendoh: Hahaha!

Nagsisimula nang basain ng dila ni Sendoh ang kanyang mga labi. Kumunot lang ang noo ni Rukawa. Alam na niya ang susunod na mangyayari.

Sendoh: Hindi ka makakaalis ng walang goodnight kiss. Come to daddy.

Rukawa: Yuck.

Hinaplos ni Sendoh ang bangs ni Rukawa, na sinundan ng malalambot na halik sa noo hanggang sa linya ng ilong, na dumausdos sa itaas ng bibig, bago dumiretso sa labi. Saglit na bumuka ang labi niya bago niya itinikom ang buong bibig. Nag-aapoy sa init ang dibdib ni Sendoh, nag-aapoy ang mga labi sa gutom, ilang segundo silang naghiwalay, mapaglaro, pagkatapos, mabangis na gumalaw ang kanilang mga labi. Sa paglipas ng mga minuto, ang tanging naiisip nila ay ang amoy ng kanilang hininga, ang mabangong buhok ni Rukawa, at ang mapusok na bibig ni Sendoh. Pareho silang desperado na lumubog sa halik, ang init na bumabalot sa kanila, ang kanilang mga labi ay mapilit, halos makagat, gustong-gusto. Hanggang sa may isang mainit at puno ng pagnanasa ang nagising sa loob nila.

Sendoh: Aaahhh! Tabihan mo akong matulog! Sasama ka sa akin ngayon din!

Rukawa: Ayaw.

Sendoh: Tara na! Ginising mo ang Akira Junior ko tapos hindi ka sasama sa akin?! Napaka unfair mo!

Niyakap ni Rukawa si Sendoh, mas hinigpitan niya ang paghawak, isang mainit na yakap. Napangiti si Sendoh sa haplos ni Rukawa. Ang kanyang masayang ngiti ay nauwi sa isang ngisi.

Sendoh: Sumama ka sa akin!

Rukawa: Oy, ipapakilala kita sa parents ko sa video chat kapag nakabalik na kami sa Kanagawa. Ayos lang ba sayo?

Sendoh: Ano?

Bumilis ang tibok ng puso ni Sendoh. Tuwang-tuwa siya noong una nang malaman niyang ihaharap siya ni Rukawa sa kanyang mga magulang. Nagtatampo siya kanina dahil pakiramdam niya ay nagdadalawang isip si Rukawa sa ideyang ito. Naging tense siya. Kahit video call lang, pinag-iisipan na niya kung ano ang dapat niyang gawin.


AAA-rank vs C-rank. Dumating na ang ikalawang araw ng National Championships. Ang lahat ng mga seeded team ay naroroon sa lahat ng iba't ibang court. Nakaupo na si Sendoh sa audience section ng stadium. Kasama niya si Ouzomi. Iginala niya ang kanyang paningin. Ang dalawang koponan ay hindi pa lumalabas, ngunit ang mga tagahanga ay patuloy na sumisigaw ng suporta. Halos lahat ng nandoon ay fans ng Sannoh High, ngunit ang masigasig na pagsigaw ng grupo ni Sakuragi, mga boyfriend ni Mitsui, at ang Rukawa Angels ang nakatawag ng kanyang atensyon.

Nag-assemble na ang dalawang team. Dahil halos lahat ng mga tao ay binubuo ng mga tagahanga ng kanilang mga karibal, inilalarawan nila ang mga Shohoku boys bilang mga kontrabida. Ang kanilang koponan ay gaganap bilang antagonist, na may nagniningas na mga mata. Ang kanilang espiritu ay talagang hindi kapani-paniwala. Saan nanggagaling ang kanilang nag-aalab na determinasyon?

Ilang minuto bago pumasok sa court...

Kinakabahan si Ryota. Nagpasya siyang mag-sprint pabalik-balik sa loob ng restroom. Nang makita niya si Coach ay napahinto siya.

Coach Anzai: Naiintindihan ko na ikaw at ang point guard ng kalaban ay may pagkakaiba sa taas, gayunpaman, iyon ay isang advantage.

Ryota: May advantage ako?

Coach Anzai: Palagi kang maniwala sa iyong bilis at liksi.

Nag-aalala si Mitsui tungkol sa kanyang kakayahang manatili sa laro nang matagal. Nasiraan siya ng loob. Napansin siya ni Coach sa banyo na umiihi sa ikatlong beses.

Coach Anzai: Meron silang substitution sa shooting guard position.

Mitsui: Subbed lang ang makakatapat ko...?

Coach Anzai: Siya ay sikat sa buong bansa bilang isang defensive specialist. Kahit anong tingin mo dito, nagpapakitang nag-aalala sila sa pagharap kay Hisashi Mitsui.

Napansin ng coach ang kalmadong kilos ni Sakuragi. Nakikita niya kung bakit tuluyang nawala ang takot niya.

Sakuragi: Napahiya na ako ng sobra kanina. Ano pa ba ang dapat kong katakutan?

Coach Anzai: So meron ka pa bang kinakatakutan?

Sakuragi: Wala na Tatang!

Lumapit ang coach kay Akagi, na nakatayo sa court na nanonood ng laro.

Coach Anzai: Napakarami ng fans ng Sannoh.

Akagi: Pero humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga tagahanga nila, hindi lahat ng bagay ay magiging ayon sa gusto nila.

Ang mga panimulang miyembro ng Shohoku ay nakatanggap ng payo at paghihikayat mula kay Coach Anzai, maliban sa isa.

Sendoh: Nasa loob na ako. Kasama ko si Ouzomi. Baka mahirapan kang hanapin ako. Puno ang stadium.

Rukawa: Madali kitang makikita.

Sendoh: Ha? Paano? Dahil sa buhok ko?

Rukawa: Hindi. Kamukha ni Gori yung katabi mo.

Sendoh: Hahaha!

Yeah. Hindi niya kailangang mag-warm up tulad ni Sakuragi, tumakbo ng pabalik-balik tulad ni Ryota, o umihi ng tatlong beses tulad ni Mitsui. Ano ang magpapasigla sa kanyang determinasyon na manguna sa basketball? Ang finger heart ni Sendoh. Kakailanganin pa ba niya ng tone-toneladang fan support kung sapat na ang finger-heart ni Lover boy?

Rukawa: (blush)


Magsisimula na ang laban sa pagitan ng Shohoku ng Kanagawa at Sannoh High ng Akito, ang pinakamalaking hamon. Ang "ambush" team-up nina Sakuragi at Ryota ay ikinagulat ng mga fans na dumating lalo na para makita si Sannoh. Gayunpaman, umiskor kaagad ng dalawang puntos ang kalaban. Sinundan ito ng 3-points mula kay Mitsui, na nagpakita ng matinding laro sa pamamagitan ng pagtama ng tatlong magkasunod na 3-points. Ang Gorilla dunk ni Akagi ang nagbigay ng sumunod na puntos. Hinarang ni Sawakita ang shot ni Ryota at tinamaan si Sakuragi sa mukha gamit ang tinatawag nilang "ultimate face shot."

Sa wakas ay nagsimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang pinakamahuhusay na manlalaro: Sawakita vs. Rukawa. Ang mata ng buong gym ay nakatuon sa kanila.

Sawakita: Sa US ka nakatira, diba?

Rukawa: Chismoso.

Sawakita: Hoy! Hindi ako chismoso!

Rukawa: Huwag mong kausapin ang kalaban mo.

Sawakita: Kapag nai-shoot ko ito, kakausapin mo ako.

Nagulat ang lahat kay Sawakita nang madali niyang nalusutan si Rukawa at mabilis na pag-iskor.

Sawakita: Well, sasagutin mo ang tanong ko. Ano ang address mo?

Rukawa: Bakit? Delivery boy ka ba?

Sawakita: Mahirap bang sagutin ang tanong ko?!

Rukawa: Kapag nai-shoot ko ito, ititikom mo na ang bibig mo!

Dahil dito, bumalik si Rukawa sa kanyang tunay na ugali. Siya ay nag-aapoy at madaling nakabawi ng puntos laban kay Sawakita.

Timeout. Ang camera ay umiikot sa gym, naghahanap ng isang natatanging indibidwal na itatampok sa napakalaking screen sa gitna ng court. Huminto ang focus ng camera sa Rukawa Angels. Nang makita nila ang kanilang sarili sa screen, tumalon sila sa tuwa. Habang ang nasa kanang screen ay nakatutok sa kanila, ang nasa kaliwang screen ay patuloy na umiikot sa paghahanap ng pagkakahawig. Namangha sila sa atensyong nakuha nila. Kitang-kita na sa screen ang personalidad na kahawig nila. The Chippettes (Mula sa pelikulang Alvin and the Chipmunks). Napaiyak sila at nairita, pero natuwa ang audience sa past time entertainment, partikular na ang grupo ni Sakuragi.

Pagkatapos ng timeout, naging focus si Sakuragi sa pangunahing opensa. Kahit na mas malaki ang kalaban niyang si Meatball, gagamitin niya ang kanyang bilis at pagiging athletic. Hinding-hindi magpapatalo ang isang henyo na tulad niya pagdating sa labanan ng kapangyarihan. Nagawa niyang malampasan si Meatball at umiskor ng dalawang magkasunod, 36-34 ang score sa kanilang pangunguna.


Second Half. Biglang nagpakita ang team Sannoh ng full court press, ang taktika na nagpaplanong tambakan ang team Shohoku sa isang iglap. Ang kanilang sandata na naipasa sa kasaysayan na "full court trap defense" ay ginamit na ngayon bilang kanilang taktika laban sa koponan ng Shohoku. Nakagawa sila ng 10-point lead na ikinaalarma ni Coach Anzai. Tumawag siya ng timeout para sa team Shohoku.

Timeout. Hinanap muli ng camera sa madla ang isang natatanging indibidwal na itatampok sa higanteng screen. Ngunit, si Sakuragi ang nakakuha ng mata ng mga camera. Tuwang-tuwa ang gym, lalo na sina Mito at mga kaibigan.

Sakuragi: Nyahahaha! Iba talaga kapag henyo! Pinili nila akong i-feature sa screen!

Mitsui: Bakit tuwang tuwa ka pa diyan?! Hindi mo ba alam na pinagti-tripan ka nila?!

Ryota: Hanamichi, sino kaya ang lalabas na kamukha mo?

Rukawa: Sigurado unggoy.

Sakuragi: Shut up!

Ang kanyang imahe ay lumitaw sa screen habang ang kabilang screen ay umiikot sa kanyang pagkakahawig. Nang mabunyag ang resulta ng pambihirang personalidad, tumahimik ang gym. Alfred (mula sa Ghost Fighter). Ilang saglit lang ay humagalpak ng tawa ang buong gym.

Mito: Hahaha! Sinasabi ko na nga ba! Siya ang matagal nang nawawalang kapatid ni Hanamichi!

Takamiya: Hindi lang sa itsura, pati sa kayabangan!

Noma: Hindi. Mas mayabang si Hanamichi!

Ohkusu: Nakakatuwa naman! Nahanap nila ang nawalang bloodline ni Hanamichi! Hahahaha!

Sakuragi: Boys! Bakit parang tuwang tuwa pa kayo dyan?!

Ryota: Hanamichi, kung ako sayo, magpapa-DNA test ka na! Hahahaha!

Mitsui: Bakit ganon? Yung picture ninyo sa screen mukhang matagal na kayong pinaghahanap ng batas. Hahahaha!

Rukawa: Mas mukha siyang unggoy kaysa sa kamukha niya.

Sakuragi: Shut up!

Back to game. Napagod ang Team Shohoku at hindi na nakaiskor. Lalong nag-ingay ang mga tagasuporta ng Sannoh. Nalampasan sila ng kalaban ng 20 points. Pinipilit ni Akagi ang kanyang utak na malaman kung paano tatalunin si Masashi, si Mitsui ay hindi na makapag-ambag dahil ginugol niya ang lahat ng kanyang lakas sa first half sa pagsisikap na lampasan si Ichinokura, at si Rukawa ay tuluyan ng napigil sa isang man-to-man game sa unang beses. Si Coach Anzai naman ay hindi susuko. Ginamit niya ang kanilang huling timeout.

Timeout. Maraming mga tagahanga ang naghihintay sa higanteng screen pagkatapos ng nakaraang minuto ng paglalaro. Matapos makita ang puso sa screen, ang kiss cam, ang gym ay mas naging hyped. Nagsisigawan ang audience. Ang patuloy na pagbabago ng focus ng camera ay nakakaganyak sa mga manonood. Ang spotlight ay nag-focus kina Yayoi Aida at Sendoh, na nakatayo sa hagdan. May mga nagsisigawan, ang iba naman ay kinakabahan.

Tatlong Unggoy: Hahahaha!

Hindi na tinuloy ng tatlong unggoy ang pang-aasar nang makita nila ang itim na apoy na bumubulusok sa buong katawan ni Rukawa. Sinundot ni Ouzomi ang braso ni Sendoh, itinuro ang screen. Natigilan siya nang makita ang sariling mukha. Namula si Yayoi. Kinuha ni Sendoh ang kanyang phone at nagsimulang mag-type ng malalaking titik. Ipinakita niya sa screen ang salitang "Sister".

Sendoh: Umm... Ms. Aida, hindi ko sinasadya... alam mo kasi...

Yayoi: Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Isang malaking karangalan para sa akin ang tawaging kapatid ng isang napaka-talented na manlalaro ng Kanagawa.

Sendoh: Hehehe. Thanks.

Tila nadismaya ang gym sa kanilang nakita.

Sakuragi: Ang haba talaga ng buntot ni Rukawa!

Ryota: Pareho kami ni Sendoh. Tama ba ako, Ayako?!

Ayako: (sigh)

Mitsui: Rukawa, alisin mo ang apoy sa katawan mo, bakit galit ka pa rin?

Rukawa: Pagkatapos ng laro, bugbugin natin ang mga camera men!

Tatlong unggoy: (sweatdropped)

Nakita nila ang daliri ni Sendoh na nakaturo kay Ouzomi. Lumipat ang camera at nakatutok kina Yayoi at Ouzomi. Namumula na ang buong mukha ni Ouzomi. Ang salitang "Kiss" ay isinisigaw ng buong gym. Humingi ng pahintulot ang dating Captain ng Ryonan.

Ouzomi: Pwede bang... umm... okay lang ba? (blush)

Yayoi: Err... sure? (blush)

Hindi niya inaasahan ang pagpayag ng reporter. Hinalikan niya ang likod ng kamay ng dalaga habang hawak ang palad nito.

Maki: Nanonood lang ng laro si Ouzomi tapos nagka-lovelife na.

Jin: Mukhang bagay sila.

Kyota: Nakakainis! Gusto ka pa namang makitang mainis si Rukawa! Hahahaha!

Back to game. Matapos makipag-usap kay Sakuragi, inutusan siya ni Coach Anzai na kunin ang lahat ng rebounds at offensive rebounds upang makaiskor ng katumbas ng apat na puntos.

Sakuragi: Akala ninyo ba matatalo na tayo?! Ang common knowledge ninyo na matagal na sa basketball ay hindi ko maintindihan! Dahil baguhan pa lang ako!

Sa second half, nakuha ng Shohoku ang kanilang unang puntos. Ang pagbabalik ni Sakuragi sa court ay nagbigay ng lakas sa koponan. Napatingin si Ryota sa isinulat ni Ayako sa palad niya, "#1 Point Guard!"

Ryota: Makinig kayong lahat! Ang laro ay hindi babalik sa atin nang mag-isa!

Kakasimula pa lang ng laban. Sinubukan ni Ryota na i-shoot ang bola sa 3-point line, natamaan ang rim, at naipasok ni Sakuragi ang bola. Walang makakapigil kay Sakuragi na agawin ang rebound at literal na sinunod ang mga utos ni Tatang. Natumba si Akagi at hindi nagawa ang dunk. Nababalot ng pagdududa ang kanyang isip. Lumapit sa kanya si Ouzomi habang nakasuot ng chef's garb, may hawak na kutsilyo at naghihiwa ng karot.

Ouzomi: Ang magandang lalaki na si Masashi ay isang piranha lamang! Kaya sa tingin mo sulit ka sa mga salitang ito, "magaling", "bihasa"? Akagi? Magtago ka sa putikan, kung ganon!

Nakuha niya ang hidden message ni Ouzomi. Bumalik na sa kanyang sarili si Gori.

Akagi: Hindi magpapatalo ang Shohoku! Ok! Hinding-hindi natin bibitawan ang pangarap na manguna sa bansa!

Kahit na malapit nang matumba si Mitsui dahil sa pagod at halatang nauubusan na ng lakas, tumanggi siyang sumuko.

Mitsui: Sino ako? Sino ba talaga ako? Sige sabihin mo sa akin! Halika, sabihin mo pangalan ko! Ako si Mitsui, ang taong hindi sumusuko!

Kahit na hindi na niya kayang pigilan ang kanyang kalaban at sapat na ang galaw para pigilan siya, naniniwala siyang wala ng natitira sa kanya kundi ang mag-shoot ng 3-points. Nagawa niyang umiskor ng dalawang magkasunod na 3-puntos.

Michi's Boyfriends: Michi-boy! Ang galling mo talaga!

Mayroon silang isang malakas na rebounder, si Sakuragi, kaya patuloy ang pag-shoot ni Mitsui na 3-points ng walang pag-aalala kahit siya ay magmintis. Ang sikat na si Masashi, ang nangungunang sentro ng Japan ngayon, ang nagbantay kay Sakuragi upang pigilan ang walang tigil niyang pag-rebound. Napigilan ni Masashi ang rebound ngunit agad na hinarang ni Sakuragi ang kanyang pagtatangka sa pag-iskor.

Ang bilis at pag-assist ni Ryota ay naging dahilan ng pag-double-team sa kanya ng mga kalaban. Ang lead ng kalaban ay napababa sa sampu, nang sa wakas ay pinakawalan ni Akagi ang kanyang Gorilla dunk. Ang 20 puntos na lamang sa pagsisimula ng second half ngayon ay 8 na lamang. Hinamon ni Sawakita si Rukawa nang one-on-one. Pinigilan ni Sawakita ang pagtatangka ni Rukawa na i-shoot ang bola sa ring, at umiskor.

Sawakita: Gusto mo bang maging number one sa Japan, Rukawa?

Rukawa: Is it any of your business?

Sawakita: Kung ganon, gawin mo!...sa Japan na wala ako! Pupunta ako sa America pagkatapos ng summer.

Rukawa: Wala akong pakialam.

Sawakita: Mabuti may nakilala akong freshman na kagaya mo this year. Bago ako pumunta sa America, kailangan kong sirain ang binhi ng Kanagawa.

Gumaganti na ang ace ng Sannoh. Maraming beses niyang naagaw ang bola kay Rukawa at naiwasan ang block-attempt ni Sakuragi. Muli siyang hinamon ni Rukawa, sinubukan ang man-to-man game, at sa hamon na ito, wala siyang mahanap na paraan para makapasok sa loob, at pinilit pa rin niyang ipasok ang bola ngunit bigo siya.

Kiyota: Gunggong! Susuko ka na?! Rukawa! Mag-isip ka! Pulang buhok na unggoy!

Ang perpektong Rukawa sa mata ng marami ay kabaligtaran sa harap ni Sawakita na tila nakikita ang daan-daang pagkakamali niya. Nagmukha na siyang talunan, pero kahanga-hanga na hindi nahihiya ang ace ng Shohoku. Lumingon si Rukawa sa audience at hinanap si Sendoh. Napansin niya ang pagkumpas ng kanyang kamay, ang dalawang kamay ay naka-extend pababa, na parang sinasabing, "Relax." pagkatapos, may nakita siyang thumbs-up. Napabuntong-hininga si Rukawa.

"Pareho lang ang istilo ng paglalaro mo sa oras ng laro o one-on-one. Kung may one on one championship, I don't think may makakatalo sa iyo. Pero sa totoong laro, unstoppable ka ba talaga? I don't think so. You are not using your potentials fully. One-on-one is nothing more than one of the many offensive techniques. I don't think I will lose to you."

Habang inaalala niya ang payo ng nobyo pagkatapos ng halik kagabi, shocks, naiintindihan na niya ngayon ang kahulugan ng Ace player. Dapat i-maximize ni Rukawa ang kanyang potensyal bilang isang miyembro ng koponan. Bitbit na niya ngayon ang buong team. Patuloy niyang ipinapasa ang bola sa lahat kasabay ng walang tigil na rebound ni Sakuragi. Na-distract si Sawakita sa biglang pagsulpot ni Sakuragi sa paligid at sinamantala ni Rukawa. Wala ng nakahuhula kung ano ang susunod na gagawin ni Rukawa, simula ng siya ang naging sentro ng pagpuntos ng kanilang koponan. Nagambala rin si Sawakita sa mga random na galaw ni Sakuragi na nagdulot ng maraming charging fouls sa kanilang team.

Napanatili nila ang posession ng bola dahil sa pag-steal ni Miyagi, pag-block ni Akagi at at pag-rebound ni Sakuragi ng bola hanggang sa mahulog siya sa mesa. Ang mga manonood ay pawang mga tagasuporta ni Sannoh sa simula, ngunit may nagsimulang magbago. May hindi kapani-paniwalang nangyari sa stadium. Nahati na ang cheer ng lahat sa team ng Sannoh at Shohoku.

Mitsui: Oi! Bakit ka umiiyak?! sumusuko ka na ba?! Ano ba...!

Akagi: Hindi! Mga gunggong kayo! Pawis ito!

Ryota: Pawis na nanggagaling sa mata mo?

Rukawa: Kailan ka pa naging mahina?

Sakuragi: Huwag kang umiyak habang may laban! Sobrang pangit! Oi Tatang! Mananalo tayo diba?!

Coach: Oo naman! Dinadala ni Sakuragi ang mga rebound at determinasyon sa koponan, si Miyagi ay nagdadala ng bilis at liksi, si Mitsui bagaman napunta sa maling landas sa isang punto, hehe, ngunit ang karunungan ang kanyang mahalagang sandata, ang pambihirang lakas ni Rukawa at ang determinasyon na manalo, at ang pundasyon na patuloy na pinanghahawakan nina Akagi at Kogure... idinagdag ang lahat ng ito... ang bubuo ng Shohoku!

Akagi: Hindi tayo matalik na kaibigan, at palagi ninyo akong inaasar. Ang koponan na ito, gayunpaman... Salamat.

Mitsui: Gunggong! Ginagawa ko ito para sa sarili ko!

Ryota: Hindi para sayo!

Sakuragi: Oo! Para sa sarili ko!

Rukawa: Salamat para saan?

Akagi: Upang manalo ng tagumpay para sa ating sarili! Tara na! Mananalo tayo!

Dalawang minuto, tagumpay na nalampasan ni Ryota ang double-team at nakatakas sa bitag ng kalaban. Ipinasa ang bola kay Akagi, nakaharang ito ngunit nagawa pa rin ni Sakuragi na maipasok ang bola. Samantala, pagkatapos ng insidente, nawala ang konsentrasyon ni Sakuragi at natumba bago gumawa ng free throw si Akagi. Pansamantala siyang pinalabas sa court, ngunit nagpumilit siyang maglaro para manalo ang kanilang koponan. Sa kabila ng kanyang hindi pangkaraniwang postura, nagawa pa rin ni Sakuragi ang rebound. Si Mitsui ay umiskor ng tres matapos ipasa ni Ryota ang bola. Sa huling minuto, ang mga tao ng Kanagawa ay buong lakas na nag-cheer sa laban ng Shohoku na parang naglalaro sa isang death match. Na-block ang pagtatangka ni Sawakita sa pag-iskor, at nakuha ni Rukawa ang bola. Nabigo si Rukawa na maka-iskor habang pinipigilan ni Masashi ang kanyang pag-shoot. Sinalo ni Sakuragi ang bola at ipinasa kay Rukawa. Sa wakas, naka-score ulit ang Shohoku.

Sa 19 segundo, nakuha ni Sawakita ang bola. Sinubukan nina Akagi at Rukawa na pigilan ang mga pagtatangka sa pag-iskor ng kalaban, ngunit nabigo sila. Ipinasa ni Akagi ang bola kay Rukawa sa huling 7 segundo. Sa halip na ipasok sa ring, ipinasa niya ito kay Sakuragi, at naka-score siya. Sa iskor na 77-78, nabago ang kasaysayan. Ang koponan ng Shohoku ay nagtagumpay laban sa koponan ng Sannoh.


Kanagawa. Ang Team Shohoku ay nakabalik na mula sa Nationals. Hindi man sila umabot sa top 4, isa sila sa mga pinag-uusapang team sa isa sa pinakakilalang high school event sa mundo ng basketball.

Ang pagsikat ng araw ay nagliwanag sa silid. Nang makabangon si Rukawa sa kama, medyo masakit pa rin ang kanyang mga binti at tuhod. Naisipan niyang bumili ng almusal nang makarinig siya ng malakas na katok. Napakamot siya sa ulo habang naglalakad patungo sa pinto. Sumilip siya sa peephole. Isang lalaking naka-business-attire ang nakatayo sa harap ng kanyang pintuan. Bumalik siya sa banyo para maghilamos ng mukha at magtoothbrush. Napakamot na naman siya ng ulo. May kumakatok na naman sa pinto. Sumilip siya sa peephole. Hindi pa rin umaalis ang lalaki sa harapan ng pintuan. Naiinis na siya. Itinulak niya ang pinto para harapin ang lalaki.

Rukawa: Ano ba...! Hindi ako nag-order! ha?

Sendoh: Hi, babe.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin si Sendoh, na naka-dress shirt, may dalang itim na suit, matching pantalon, at leather na sapatos. Nanatili siyang nakatitig mula ulo hanggang paa. Ang buhok ang pinaka-kakaibang napansin niya, nakababa ang buhok at kumikinang.

Rukawa: Bakit ganyan itsura mo?!

Sendoh: Gusto kong magbigay ng magandang impression kay Mom. Dapat maayos akong tingnan. Ano sa tingin mo?

Rukawa: Para kang magbebenta ng kabaong.

Sendoh: Anong sabi mo? Pumunta pa ako sa shop para magpaplantsa!

Pinapasok niya ang nobyo sa apartment. Hindi napigilan ni Rukawa na mapangiti nang makita ang itsura ng kasintahan.

Rukawa: Anong yang suot mo? Sinong nagsabi sayo na suotin mo yan?

Sendoh: Sabi ko naman sayo, excited akong makilala ang magulang mo.

Umupo ang mag-nobyo sa sofa. Napataas ang kilay ni Rukawa habang pinagmamasdan ang itsura ng boyfriend na parang aalis para maghanap ng trabaho.

Rukawa: Hubarin mo na yan! Magpalit ka ng maayos na damit!

Sendoh: Okay lang ba sa magulang mo?

Rukawa: Busy ang tatay ko. Sinabi ko sa nanay ko na ipapakilala kita pagbalik ko dito. Magpalit ka na ng damit!

Nagdalawang isip si Sendoh. Nagsimula sa siyang maghanap sa aparador ni Rukawa ng pampalit na damit.

Mother: Hi anak! Kumusta ka at ang iyong team?

Rukawa: Ayos lang po kami. Kakabalik lang namin dito.

Mother: Nasaan ang boyfriend mo?

Rukawa: Sandali lang po. I-off ko muna ang mic at camera. May aayusin lang kami.

Mother: Okay.

Tumayo si Rukawa sa sofa. Sa pagmamadali niya, nakalimutan niyang i-disable ang mic at cam ng app na ginagamit niya.

Rukawa: Akira! Bakit ang tagal mong magpalit ng damit?

Sendoh: Babe, ayoko. Ito ang isusuot ko. Alam mo, dapat pormal, gusto kong maganda ang first impression sa akin ng biyenan ko.

Rukawa: Nanay ko ang kakausapin mo, hindi HR department!

Sendoh: Hindi. Hindi ako magpapalit.

Naubos na ang pasensya ni Rukawa. Hinila niya si Sendoh sa sofa. Sinimulan ni Rukawa na tanggalin ang butones ng dress shirt ng kanyang boyfriend.

Sendoh: Aaahhh! Babe! huwag! Napakabata ko pa para sa ganitong bagay!

Rukawa: Shut up!

Sendoh: Oh my God! Huwag mo akong hubaran! I'm just a boy, sitting beside my baby boy...

Rukawa: Gunggong!

Sendoh: Nakikiliti ako! Wag mo akong hawakan dyan, Babe! Hihihi!

Nakasandal ang likod ni Sendoh sa sofa, tuwang tuwa at sumisigaw habang isa-isang binubuksan ng kanyang baby ang kanyang mga butones. Si Mrs. Rukawa, mula sa kabilang panig ng mundo, ay hindi maialis ang tingin sa kanyang nakikita. Halos malaglag ang panga niya habang hinuhubaran ng kanyang anak ang kanyang nobyo, napaawang ang bibig nito. Nasamid siya nang matanggal ang lahat ng mga butones. Nang mapansin niyang tinatanggal ng anak ang sinturon, napaubo ito ng malakas.

Sendoh: Roar! Roar! Malapit nang pakawalan ang beast!

Rukawa: Gunggong!

Hindi na kinaya ni Mrs Rukawa ang nakikita. Nag-disconnect na siya sa video call. Pagkatapos niyang maghugas ng mukha, sumandal siya sa pinto. Iniisip niya kung ano ang nangyari sa kanyang anak nang bumalik ito sa Japan. Tumakbo siya sa office table at tinawagan ang anak sa phone.

Rukawa: Ma, bakit ka nagdisconnect? Okay na kami.

Mother: Nakita ko lahat.

Rukawa: Anong ibig ninyo pong sabihin?

Mother: Ang camera mo... hindi mo na-off ang camera mo.

Tila nawalan ng balanse si Rukawa, tila umiikot ang kanyang paningin. Ibinaba niya ang kamay na may hawak ng cellphone. Nag-init ang tenga niya sa kahihiyan. Tumingin siya kay Sendoh. Busy siya sa pagbabalik ng kanyang matinik na hairstyle. Huminga siya ng malalim bago itinapat ang phone sa tenga niya.

Mother: Kaede, nandyan ka pa ba? Alam mo, sa susunod na lang tayo mag-usap.

Rukawa: Please, Ma. Hindi namin sinasadya.

Mother: Anak, okay lang sa akin kung isa kang gay. Tatanggapin kita kahit ano ka pa. Pero, kailan ka pa naging pervert?

Rukawa: Huwag na huwag ninyo po akong tawagin ng ganyan.

Mother: Gay?

Rukawa: Pervert.

Mother: Sa susunod, kakausapin namin kayo ng tatay mo. Sabihin mo na lang kay Akira na magsuot ng damit na walang botones.

Rukawa: Anong ibig ninyong sabihin?

Mother: Para hindi mo na siya kailangang hubaran.

Rukawa: (blush) Ma, nakasuot siya ng pormal na damit at ayaw niyang hubarin.

Mother: Whatever.

Rukawa: (blush)

Mother: Aalis na ako. Well... pakisabi kay Akira, sa susunod na tayo mag-usap. Bye anak.

Napasulyap siya kay Sendoh, nakangiti habang inaayos ang lahat ng mga hibla ng buhok na nalalaglag. Sobrang disappointed siya sa nangyari. Gusto niyang ipakilala siya ng pormal sa kanyang ama at ina, na para bang wala siyang pakialam kung papayag sila o hindi sa kanilang relasyon. Alam niyang excited ang bf niya na makilala ang kanyang mga magulang ngunit nasira niya ang araw para kay Sendoh.

Sendoh: Babe, handa na ako! Nasaan na si Mom?

Rukawa: May emergency siya. Okay lang ba sa susunod kapag may free time tayo?

Sendoh: Oo naman! Halika na baby.

Rukawa: I'm sorry.

Napatingin si Sendoh sa mukha ni Rukawa. Nakayuko siya kaya yumuko rin siya para tingnan ang mukha ng baby niya.

Sendoh: Peek-a-boo!

Rukawa: Gunggong!

Sendoh: Hahaha! Bakit ka malungkot?

Rukawa: Hindi ako nalulungkot! Kasalanan ko.

Sendoh: Ha?

Rukawa: Naka-on yung camera kanina. Nakita niya lahat.

Parang nanliliit si Sendoh sa kanyang kinauupuan, gusto pa naman niyang magpakita ng magandang impresyon sa kanyang biyenan. Natatakot siya na baka isipin nito na pervert siya at nagloloko lang sila ni Rukawa. Bakas sa mukha ng baby niya ang lungkot. Ramdam niya ang panghihinayang ni Rukawa, ngunit ayaw niyang sayangin ang araw na ito. Nagkibit balikat lang siya. Ayaw niyang makonsensya ang kanyang baby kaya hinalikan niya ito para mabura ang kanyang mga alalahanin.

Sendoh: Okay lang yan. Ang importante, alam na niya kung sino sa ating dalawa ang unang nagpakita ng motibo.

Rukawa: Shut up.

Paulit-ulit na pinanood ni Mrs. Rukawa ang recorded na video call sa kanyang anak. Naguguluhan siya. Kilala niya ang kanyang anak na ayaw makipag-ugnayan sa ibang tao, mag-alala o mag-asikaso sa iba, lalo na ang pagngiti.

Sendoh: Roar!

Rukawa: Shut up!

Sendoh: Hahaha! Ang cute sana kung may mga anak tayo tapos sasalubungin nila tayo sa pinto pagkauwi natin galing trabaho. Kapag tumatakbo sila, tumatalbog yung chubby cheeks nila. Ang cute diba? Tapos, pagkatapos maglaro sa labas, gusto nilang mag-paamoy ng pawisan nilang kili-kili. Tapos kunwari hihimatayin ako pagkaamoy sa kanila. Tapos hahalikan nila ako para magising ako. Tapos lima sila...

Rukawa: Isa lang.

Sendoh: Lima.

Rukawa: Isa!

Sendoh: Lima!

Hindi na maalala ni Mrs. Rukawa kung kailan niya huling nakitang ngumiti ang kanyang anak. Napunta naman ang atensyon niya kay Sendoh. Wala siyang pagkakahawig sa mga kaibigan ng kanyang anak o ang awra ng mahilig sa gulo na ang pinakaayaw ng kanyang asawa. Lalo siyang naintriga sa nobyo ng kanyang anak. Nagpadala siya ng kopya sa kanyang asawa at tinawagan ito kaagad.

Mrs. Rukawa: Hon, you have to see this. Kailangan talaga natin silang makausap sa lalong madaling panahon.