Chapter 23: Fiance

Shohoku High. Nababalot ang langit ng mga ulap ng pinagsamang mga abo at puting kulay na nagbibigay ng banayad na liwanag sa paligid. Nagsisiliparan ang mga dahon habang hinahampas ng hangin ang mga sanga ng puno. Ang isang dahon ay muntik ng pumasok sa bibig ni Sakuragi.

Sakuragi: Aaahhh! Bakit laging napupunta sa mukha ko ang mga dahon?!

Ryota: Alam ng dahon kung saan siya dapat mahuhulog! Hahahaha!

Mitsui: Saan ba inilalagay ang mga tuyong dahon? Syempre sa basurahan! Hahahaha!

Sakuragi: Sumusobra na kayo sa akin, Kulot! Bungal!

Sina Sakuragi, Mitsui, Ryota, at Rukawa ay naglalakad patungo sa gym. Nag-e-enjoy sa pagbati, palakpakan, selfie at groupies kasama ang mga schoolmates. Si Rukawa naman ay nakatingin lang ng diretso sa harapan, naka-earphone at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid.

Sakuragi: Hahahaha! Sikat na talaga tayo! Nasa cover na tayo ng magazine, marami tayong fans, maraming regalo! Ano pa kaya ang mga susunod? Endorsement? Fan meeting? Hahahaha!

Mitsui: Wag kang mayabang, Sakuragi! Napakababaw mo!

Ryota: May point si Hanamichi! Pwede siyang maging endorser.

Mitsui: Endorser ng ano?

Ryota: Endorser ng pangkulay ng buhok.

Sakuragi: Hahahaha! Mabuti ka pa, Kulot! Bakit ang init ng ulo mo, Michi? Hindi mo pa ba nakakausap si Shoyo boy?

Mitsui: Wala ako sa mood. Huwag mo akong simulan ngayon.

Ryota: Kausap mo siya kanina, diba? May tampuhan ba kayo?

Mitsui: Bakit hindi siya ang tanungin ninyo?!

Ryota: Parang parehas kayo ng mood ngayon ni Rukawa. Masakit pala sa ulo magkaroon ng syota na matinik ang buhok.

Sakuragi: Matagal nang tahimik si Rukawa! Bukas ang mga mata niya pero ang totoo, tulog na yan. Hahahaha!

Mitsui: Tumigil nga kayong dalawa! Mga pakialamero! Isipin ninyo na lang kung paano kayo papansinin ng mga crush ninyo bago kayo mangialam sa buhay namin!

Rukawa: Tama.

Naka-fold pa rin ang mga braso ni Mitsui sa kanyang dibdib. Nakanguso. Kitang-kita sa mukha ang pagkadismaya sa huling video call nila ni Hasegawa. Bakit nga ba wala sa mood si Michi?

Mitsui: Manonood kami ng sine pagkatapos ng practice. Isama mo rin ang teammates mo.

Hasegawa: Anong oras?

Mitsui: Sandali... ano yang nakalagay sa mukha mo?

Hasegawa: Hindi ko maalala ang tawag dito. Ang sabi nila, maganda daw itong ilagay sa mukha.

Mitsui: Pang-babae yan diba?

Hasegawa: Hindi ko sigurado. Pero may nakita akong mga K-drama actors na naglalagay ng ganito.

Mitsui: Bakit mo yan ginagawa?! Saan mo yan nabili?

Hasegawa: Bigay lang ito sa amin ng mga fans.

Nagsasalubong na ang kilay ni Mitsui. Malakas ang pakiramdam niya na kaya gustong manatiling makinis at soft ang mukha ni Hasegawa ay para sa kanyang fans sa school. Kumukulo na ang dugo niya sa inis. Ito pala ang dahilan kaya palagi siyang fresh.

Mitsui: Nakakainis ka.

Hasegawa: Ano?


Habang nagpapalit ng damit pang-practice sa locker, hindi maiwasan ni Rukawa na mapatigil tuwing naaalala ang pag-uusap nila ng kanyang ina.

Mother: Anak, 16 ka pa lang. Marami pang mangyayari sa buhay mo. Marami ka pang makikilala. Hindi ba parang masyado kayong nagmamadali?

Rukawa: Gusto ko po siyang ipakilala sa inyo. Wala namang masama dun.

Mother: Gaano na kayo katagal na magkarelasyon?

Rukawa: Wala pang isang buwan.

Mother: Ilang linggo pa lang kayong magkasintahan pero gusto mo na siyang ipakilala agad sa amin?

Rukawa: Mabuti siyang tao.

Mother: Naniniwala ako sayo pero ayoko na magtiwala ka kaagad sa isang tao ng ganun kabilis. Magdahan-dahan ka muna. I-enjoy ninyo muna ang kabataan ninyo.

Rukawa: Nasaan si ama?

Mother: Naliligo siya.

Rukawa: Ngayon lang po ako hihingi ng pabor. Gusto ko pong makilala ninyo siya.

Mother: Sa tono mo ngayon, parang sigurado ka na. Iwasan mong mag-expect sa ibang tao. Ayokong masaktan ka sa huli.

Rukawa: Kaya ko po ang sarili ko.

Mother: Alam ko, sigurado ka sa kanya. Pero, ganyan din kaya ang nakikita niya sayo?


Ang pag-jogging ay normal para kay Rukawa. Ang passing, dribbling, shooting at lahat ng kanilang drills sa practice ay normal. Pero ang pag-iisip ang mas ikinapagod niya ngayon. Tinapik ni Ayako ang braso niya at inabutan siya ng tuwalya.

Ayako: Mas maganda siguro kung magpahinga ka muna. May masakit ba sayo?

Rukawa: Okay lang ako.

Ayako: Pero maputla ka.

Akagi: Rukawa, excuse ka muna sa practice natin ngayon.

Rukawa: Okay.

Sakuragi: Teka! Saan ka pupunta Rukawa?!

Rukawa: Uuwi.

Ryota: Bro, manood tayo ng sine! Sumunod ka sa amin mamaya!

Rukawa: Susubukan ko.

Mitsui: Dadaan kami mamaya sa apartment mo.

Rukawa: Hindi na kailangan. Magpapadala lang ako ng mensahe sa inyo.

Dumiretso siya sa shower. Hindi niya maintindihan kung bakit nalulungkot siya kapag naaalala niya ang sinabi ng kanyang ina. Pagkatapos niyang maligo, napansin niyang nakaupo sa bench si Kogure na parang naghihintay sa kanya.

Kogure: Okay ka lang Rukawa?

Tumango lang siya. Normal lang sa kanya ang pagiging tahimik, hindi nagpapakita ng ibang emosyon. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, naging malinaw sa kanyang mukha ang kanyang mood. Naramdaman niya ang tapik ni Kogure sa balikat. Hindi maikakaila na nagising siya sa simpleng tapik na iyon ng kanyang senior.

Kogure: Nandito lang kami, Rukawa. Maaari mo kaming kausapin.

Rukawa: Salamat.


Ryonan High School. Nagtataka si Sendoh kung bakit madalas gumising si Rukawa sa hatinggabi. Ilang araw na rin siyang natutulog sa apartment ni Rukawa. Handa niyang tiisin ang eyebags at ang mahabang biyahe para malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ni Rukawa matapos niyang makita na may kausap siya sa phone simula nang umuwi mula sa paglalaro sa Hiroshima.

Gusto niyang i-check ang phone ng baby niya tuwing maliligo siya o iiwanan ito sa kung saan, pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang maging unfair. Tinanong niya ito minsan, ngunit binabago niya lang ang usapan. Lalo siyang hindi mapalagay. Gusto niya ng sagot na makakapagpatahimik sa kanya. Sino ba ang kinakausap niya tuwing hatinggabi? Natapos na si Sendoh sa pagligo pagkatapos ng mahabang araw ng pagsasanay. Naalala na naman niya ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. Hindi lamang ang midnight caller ni Rukawa ang problema, meron pang isa.

Sendoh: Babe, nung nag-one-on-one kayo ng ace ni Sannoh, anong sinasabi niya sayo?

Rukawa: Wala.

Sendoh: Kitang-kita ko ang bibig ni Kitasawa, marami siyang sinasabi sayo, pangiti-ngiti pa siya.

Rukawa: Sawakita.

Sendoh: Anong pinag-uusapan ninyo sa buong game?

Rukawa: Hindi ako naglaro ng buong game. May sub ako sa first half.

Sendoh: Iniiwasan mo ba ang tanong ko?

Rukawa: Hindi.

Sendoh: May sinasabi siya sayo. Pag hiningi niya number mo kakalbuhin ko siya!

Rukawa: Kalbo na siya.

Sendoh: Last week lang yon, imposibleng makalimutan mo agad ang sinabi sayo ni Sarawat.

Rukawa: Sarawat?

Sendoh: Mali ba? Ano nga ulit pangalan niya?

Rukawa: Sawakita!

Sendoh: Seryoso ako. Bakit ka niya kinakausap?!

Rukawa: Hindi ko siya kilala kaya hindi ko maalala ang sinabi niya.

Hindi mawari ni Sendoh kung bakit nag-aalala siya sa one-on-one nina Rukawa at Sawakita. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naiirita siya sa tuwing naaalala niya ang hitsura at ngiti ng Ace of Sannoh. Ang higit na ikinairita niya ay ang pagngisi ni Rukawa kay Sawakita sa second half. Umiling ang kanyang ulo. Ang mga midnight call ni Rukawa ay walang kinalaman kay Sawakita. Si Rukawa ang tipong hindi iintindihin ang mga taong hindi niya kilala. Ang mahalaga, mahal nila ang isa't isa. Yeah. Kinuha niya agad ang phone. Agad niyang pinadalhan ng mensahe si Rukawa na nagyaya na kumain kasama niya pagkatapos ng klase.

Koshino: Mga pare, labas tayo! Manood tayo ng movie!

Hikoichi: Sorry Koshino! May pupuntahan ako ngayon! Inaya ako ng ate ko!

Koshino: Saan? Sige na! Matagal na tayong hindi nanonood ng sine ng magkakasama!

Hikoichi: Umm.. Kasi si ate, pupunta kami sa restaurant ni Ouzomi.

Fukuda: Wow. Nagkakaroon na ng kulay ang buhay ng ating Bakulaw.

Koshino: Ikaw, Ueksa?! Sumama ka sa amin!

Ueksa: Pasesnya na Koshino. Inimbitahan kasi ako ni Hikoichi. Ayaw daw niyang maging third wheel kaya kasama ko sila mamaya.

Koshino: Kung ganon, kaming tatlo lang ang manonood ng sine?!

Fukuda: Kosh, may pupuntahan din ako ngayon.

Koshino: Ano? Bakit? Saan? Paano?

Fukuda: Secret.

Napabuntong-hininga si Koshino. Wala na ang inaasahan niyang bonding nila bilang isang team. Tumingin siya kay Sendoh. Napansin niyang kanina pa siya walang imik.

Koshino: Bro, manood tayo ng sine. Ayos lang kahit maglambingan kayo ni Rukawa, madilim naman sa loob kaya walang problema sa akin kahit umabot pa kayo sa langit.

Sendoh: Sige, pero hihintayin ko muna ang reply niya.

Koshino: Okay. Mabuti naman may makakasama akong manood ng sine.

Sendoh: Kung ganon, huwag kang magreklamo kapag may narinig ka.

Koshino: Bakit?! Huwag mong sabihing mas malakas pa sa cinema audio ang ungol ninyo?!

Sendoh: Mukhang magandang ideya yan!

Koshino: Malala ka na talaga!


Mall. Si Maki, Jin at Kyota ay naglilibot sa mall. Namangha si Kiyota dahil marami ang nakakakilala sa kanila na mga nakapanood ng nationals. May mga humihiling ng selfie kasama sila at ang iba ay humingi rin ng autograph ni Maki.

Kiyota: Hahaha! Ramdam ko lahat ng nangyayari sa atin! Kumusta na kaya ang karibal kong si Rukawa at ang unggoy na may pulang buhok?

Jin: Miss mo na ba si Sakuragi?

Kiyota: Bakit ko mamimiss yung unggoy na yun?! Jin, bakit ka nakatingin sa cellphone mo, may hinihintay ka ba?

Jin: Oo.

Pagkatapos mag-selfie at mag-grupie kasama ang ilang taong nakakasalamuha nila, hinintay nilang matapos ang pagpirma ni Maki sa mga autograph. Tahimik lang na pumipirma at nakangiti si Maki sa mga tao. Bigla niyang naalala si Fujima. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maisip ang tamang salita o mensahe na dapat niyang sabihin kapag nagpadala siya ng mensahe sa captain ng Shoyo. Matapos pagbigyan ang hiling ng maraming fans, nagpaalam siya at yumuko bilang pasasalamat.

Maki: Nagugutom na ba kayo?

Kiyota: Oo! Jin, sino ba yang hinihintay mo?

Jin: (blushing) Malapit na daw siya. Kilala ninyo rin siya.

Kiyota: Aaahhh! May sakit ka ba?! Bakit ang pula ng mukha mo?!

Jin: Wag mo na lang pansinin.

Maki: Si Fukuda ba yung nakikita ko?

Jin: Huh?

Tumingin si Jin sa paligid. Hinahanap ang kulot na buhok ni Fukuda sa buong mall. Nagulat siya ng marinig ang exaggerated na reaksyon ni Kiyota.

Kiyota: Aaahhh! Si Fukuda ng Ryonan ang hinihintay mo?! Bakit siya?!

Jin: Okay lang ba sa inyo kung kasama natin siya?

Maki: Ayos lang.

Jin: Maki, saan mo nakita si Fukuda? Bakit hindi ko siya makita?

Maki: Biro lang. Hula ko lang na siya yung tinawagan mo kanina.

Jin: (sweatdropped)

Bago sila makalayo sa kinatatayuan nila kanina ay may mga babaeng lumapit kay Maki. Nagtaka ang tatlo kung bakit sila tumatakbo.

Girl: Maki, mali yata ang pangalan na nilagay mo dito. Hindi ba Shinichi Maki ang pangalan mo?

Maki: Oo. May problema ba?

Girl2: Iba ang isinulat mo sa amin kumpara sa ibang pinirmahan mo.

Girl3: Ganun din saken! Bakit ibang pangalan ang sinulat mo?

Na-curious din ang dalawang manlalaro ng Kainan. Tiningnan nila ang tatlong papel na pinirmahan ni Maki. Nanlaki ang mga mata nila at napaawang ang bibig sa nabasa. Kenji Fujima. Nag high-five ang dalawa habang tumatawa nang mabisto nila si Maki.

Jin: Mukhang wala ka sa sarili mo ngayon, Maki.

Kiyota: Maki? okay ka lang? Kasama ba natin ang kaluluwa mo?! Hahahaha!

Jin: Kiyota, tawagan natin ang ghost buster para hanapin si Maki.

Kiyota: Hahaha! Hindi na kailangan. Sigurado nandoon siya sa taong iniisip niya ngayon! Hahahaha!

Parang nakulong si Maki sa isang bloke ng yelo nang makita ang pagkakamali niya. Hindi niya namalayan na wala siya sa sarili habang pinipirmahan ang huling tatlong humingi sa kanya ng sign.

Jin: Fukuda!

Kiyota: Sa dinami-dami na maaari mong maging kaibigan, bakit si Fukuda?!

Tumakbo si Fukuda palapit sa kinaroroonan ng dalawang manlalaro ng Kainan.

Fukuda: Kasama na naman niya ang unggoy na number 10. Kailan pa siya nagkaroon ng anak na unggoy?

Tahimik na namumula si Maki sa isang tabi, napahawak sa dibdib matapos mapahiya sa harap ng dalawa niyang kaibigan.

Fukuda: Anong nangyari kay Maki? Bakit hindi siya gumagalaw? Nilalamig ba siya?

Kiyota: Kasi kanina...HMP!

Jin: May sinulat siya...HMP!

Agad na tinakpan ni Maki ang bibig ng dalawang teammates bago nila masabi ang magic word.

Maki: Fukuda, mag-isa ka ba?

Fukuda: Hindi.

Luminga-linga si Maki sa paligid at sa likod ng Ryonan player ngunit nagtaka kung nasaan ang iba pa niyang kasama.

Maki: Nasaan ang mga kasama mo?

Fukuda: Mag-isa lang ako. Halata ba?

Napataas ang isang kilay ni Maki, naiirita sa sarkastikong sagot ni Fukuda.

Kiyota: Anong karapatan mong sagutin ng ganyan ang aming captain?! Magkapareho kayo ni Hanamichi!

Fukuda: Pareho kayo dahil pareho kayong unggoy.

Kiyota: Anong sabi mo?!

Koshino: Fukuda!?

Nagkrus ang landas ng Kainan trio at Ryonan trio sa gitna ng hallway. Nakipagkamay kaagad si Sendoh sa team ni Maki.

Sendoh: Pare! Kumusta ka?

Maki: Ayos naman. Saan kayo pupunta?

Sendoh: Kakain kami tapos manonood ng sine. Tara?

Koshino: Fukuda! Bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka pupunta?!

Fukuda: Kaya nga sikreto diba?!

Jin: Kalma lang guys. Hehehe!

Kiyota: Ay naku. Akala ko pa naman makakapag-hang-out kami ng tahimik.

Tiningnan ni Sendoh ang kanyang phone. Wala pa ring reply si Rukawa. Tinawagan niya ito pero hindi niya pa rin ito sinasagot.

Sendoh: Guys, alis muna ako. Hihintayin ko lang si Kaede.

Koshino: Huh?!

Maki: Pupunta dito ang team Shohoku?

Sendoh: Umm... Hindi ako sigurado pero magkikita talaga kami ni Kaede ngayon.

Nagpaalam si Sendoh sa mga kaibigang manlalaro. Habang naglalakad patungo sa entrance ng mall, may nakita siyang seafood restaurant. Ngumiti siya. Agad siyang pumasok at isinend kay Rukawa ang pangalan ng restaurant. Maraming customer sa loob kaya mabilis siyang naghanap ng pwesto para sa kanila. Siguradong magugustuhan ng baby niya dito.


Dumating na ang Troublesome boys ng Shohoku sa mall. Napakaganda ng ngiti nina Sakuragi at Ryota na kumakaway sa mga taong kumukuha ng kanilang larawan. Si Mitsui naman ay gumagamit ng cellphone habang naglalakad. Napataas ang kilay niya sa isang transparent wall ng cosmetic brands. May nakadikit na poster ng babae na nakasuot ng skincare mask. Nanigas ang kanyang panga ng maalala na may suot na ganito si Hasegawa.

Mitsui: Pigilan ninyo ako.

Ryota at Sakuragi: Ha?

Mitsui: Pigilan ninyo ako! Babasagin ko tong pader!

Habang nagrereklamo siya sa poster ng babae, napansin niyang biglang nawala ang dalawa niyang kaibigan.

Mitsui: Bakit ninyo ako iniwanan doon?!

Ryota: Kung gusto mong basagin ang salamin, ikaw na lang! Ayokong masipa ng guard palabas ng mall.

Sakuragi: Wala akong maiaambag na pambayad sa gagawin mong damage. Nyahahaha!

Mitsui: Kayo talaga! Nasaan na kaya si Rukawa? Makakasunod kaya siya dito?

Ryota: Hindi siya nagre-reply. Hindi rin sumasagot ng tawag.

Sakuragi: Hindi pa kayo nasanay sa kanya! Alarm clock lang talaga ang pakinabang ng cellphone niya! Hahahaha!

Napatingin sina Fukuda at Kyota sa direksyon ng malakas na tawa. Alam na alam nila kung sino ang may-ari ng nakakabulahaw na ingay na iyon.

Sakuragi at Kiyota: Unggoy!

Koshino: Sana sumama na lang ako kina Sendoh at Rukawa.

Maki: Guys, nasaan si Akagi?

Ryota: Magrereview daw sila ni Kogure, hindi katulad ni Mitsui.

Mitsui: May problema ka ba sa akin Kulot?!

Fukuda: Jin, maingay sila. Lumabas na tayo dito.

Jin: Pasensya na, Fukuda. Hindi ko pwedeng iwanan si Kiyota.

Fukuda: Bakit na naman?

Jin: Baka maligaw siya dito. Napakarami ng tao ngayon, baka mawala siya.

Napabuntong-hininga na lang si Fukuda. Akala niya sila lang dalawa ang magkasama ngayon. Kasama na naman ni Jin si Kiyota. Napabulong na lang niya sa sarili.

Fukuda: Okay lang magkaroon ng stepson basta hindi katulad nina Kiyota at Sakuragi.

Jin: May sinasabi ka Fukuda?

Fukuda: Wala naman. (blushing)

Nagkasundo silang manood ng sine ng magkakasama. Marami silang biniling pagkain habang ang iba ay nakapila na sila sa ticket booth.

Sakuragi: Bakit ka bumili ng popcorn?! Diba saging ang kinakain ninyong mga unggoy?!

Kiyota: Kung magsalita ka parang hindi ka mukhang unggoy ah?!

Mitsui: Pare, bakit kayong dalawa lang na taga-Ryonan ang pumunta dito?

Koshino: Nasa baba si Sendoh, hinihintay si Rukawa.

Ryota: Hindi ko na ibibili si Rukawa ng ticket. May usapan pala sila ni Sendoh.

Mitsui: Makapunta kaya siya?

Koshino: Bakit hindi?

Ryota: Maaga siyang pinauwi, excuse siya sa practice namin kasi parang may sakit kanina.

Mitsui: Hindi naman talaga siya nagsasalita. Kahit siguro may sakit hindi pa rin siya magsasabi sa atin.

Si Maki ay hindi pa rin umaalis ang tingin sa cellphone niya. Maraming letters at words na ang nai-type at nabura ng paulit-ulit pero hindi pa rin niya ito mai-send sa taong kanina pa niyang iniisip. Naapalundag siya ng pinindot ni Jin ang send button.

Jin: Bakit ka ba natatakot magsend ng message?

Maki: Baka hindi siya maging komportable sa akin kapag mali ang sinend kong message.

Jin: Aayain mo lang siya manood ng sine. Relax lang Maki.

Maki: ( blush)


Shoyo. Natapos na naman ang isang buong araw at basketball practice ng team. Hindi man sila nakapasok sa Nationals, nanatili ang popolularidad nila sa region. Marami pa rin silang supporters, admirers at tinitingala sa kanilang paaralan. Ngunit, ang lahat ng magandang bagay na nangyayari sa kanila ay may kadikit na negatibo. Hindi nila kasundo ang football club. Hindi man sila nagpapalitan ng pisikal o nagbabatuhan ng maaanghang na salita, ang pagtatagpo nila sa gym ay nagiging mainit na. Bilang captain, si Fujima ang nagpapakalma sa kanyang team. Hindi nila maintindihan kung bakit mainit sila sa paningin ng football team.

Hanagata: Sa tingin ninyo andyan na sila sa pinto?

Hasegawa: Oo. Ganitong oras sila dumadating dito sa gym.

Fujima: Anong ginagawa ninyo?

Tiningnan ni Fujima ang kanyang dalawang teammates na parehong nakatayo sa harap ng salamin. Nagbubulungan habang itinatapon ang ibang laman ng foot powder sa lababo. Pagkatapos itong bawasan, ipinatong nila ito sa harap ng salamin.

Fujima: Para saan ang foot powder?

Hanagata: May plano kami ni Hasegawa. Basta huwag kang maingay.

Hasegawa: Ang sabi ni Takano, tuwing nasa loob tayo ng washroom, nakikinig ang football team sa pinto.

Fujima: Anong kinalaman ng foot powder sa football team?

Hanagata and Hasegawa clear their throat bago nagsalita ng mas malakas sa normal nilang boses.

Hanagata: Hasegawa, ilang minuto nga ba ibababad ang powder sa mukha para kuminis?

Hasegawa: 30 minuto. Mas marami, mas maging epektibo.

Hanagata: Ilang beses sa ilang araw?

Hasegawa: Tatlong beses sa isang araw. Mas epektibo kung mas higit pa sa tatlo.

Maraming question mark ang umiikot sa ulo ni Fujima pero mukhang nakukuha na niya kung ano talaga ang pakay ng dalawang kaibigan laban sa football club. Pagkatapos ng ilang minuto, binuksan nila ang pinto. Nagharapan ang dalawang grupo, nagkatitigan, with tiger look at tila may kidlat na bumagsak sa kanilang pagitan. Nilampasan ng tatlong basketball players ang football team. Pag-exit nila sa gym, nagtago sila sa gilid. Narinig nilang nag-unahan ang members ng football club patungo sa washroom.

Fujima: Ano yung ginawa ninyo? Paano kung magkaroon sila ng rashes sa mukha?

Hanagata: Gusto ko lang silang turuan ng leksyon. Hayaan mo na. Minsan lang naman. Hahaha!

Hasegawa: Mga bro, nag-message si Mitsui. Ang sabi niya manonod raw sila ng sine. Sinabi ko na passed muna tayo.

Hanagata: Huh? Bakit ngayon lang sila nagsabi?

Hasegawa: Nabanggit na sa akin ni Michi kanina pa.

Fujima: Bakit ka nag-passed?

Hasegawa: Badtrip saken si Michi.

Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Mitsui. 'Nakakainis ka'. Humigpit ang hawak niya sa kanyang crossbag. Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa ng marinig niya ang salitang iyon mula kay Mitsui.

Fujima: Kumpleto ba ang tatlong team?

Hanagata: Kaunti lang ang sumama. Sa susunod na lang siguro tayo sumama kapag wala ng tampuhan sina Hasegawa at Mitsui.

Hasegawa: Hehehe!

Tiningnan nilang tatlo ang picture ng ilang members ng tatlong school na magkakasama sa ticket booth. Habang papalabas ng school, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Maki.

Fujima: Huh?

Binasa niya ng paulit ulit ang message. Ibinaliktad niyang ang phone baka sakaling mabasa ang mensahe. Pero hindi pa rin niya ito maintindihan.

Message: "Fujima, qwertyuiopasdfghjklzxcvbnm"

sender: Maki


Mall. Napatayo kaagad si Sendoh ng makita si Rukawa na naglalakad papalapit ng restaurant. Agad niya itong nilapitan at inaya sa table nila. Saktong pag-upo nila, dumating na ang lahat ng pagkain na inorder ni Sendoh.

Sendoh: Bakit hindi ka nagrereply?

Rukawa: Naiwan ko ang cellphone ko sa apartment.

Sendoh: Bakit matamlay ka?

Rukawa: Nagugutom lang ako.

Lumipat si Sendoh sa tabi niya. Halatang excited siyang kumain dahil kanina pa siyang nakangiti. Pinapanood niya lang ang paglalagay ng mga pagkain sa harap niya.

"Nagsisimula pa lang kayo. Ilang buwan pa lang kayo magkakilala. Ilang linggo pa lang kayong nagde-date. Huwag mong ibigay ang lahat sa isang bagay na panandalian lang."

Sinilip niya ito ng mabilis, may para bang demonyo sa likod niya na nagsasabi na usisain ang boyfriend tungkol sa status ng kanilang relasyon. May punto ang kanyang ina, kaya nagsimula siyang makaramdam ng agam-agam. Hanggang kailan kaya aabot ang relasyon nila? Sa simula lang kaya ang spark ng kanilang pag-iibigan?

"Marami pa kayong makikilala. Mag-hinay-hinay muna kayo. Don't give so much of yourself to others who will not do the same for you."

Napapagod na siyang mag-isip. Kailangan na niyang itanong ito agad sa kanya. Ngunit bago pa siya makapagsalita...

Ex: Hi Akira! Ikaw pala yan! Nice to see you again!

Hindi kaagad nakakibo si Sendoh. Hindi niya akalain na ang nagse-serve sa kanila ay ang ex niya. Parang natutunaw siya sa upuan kaya kumapit siya sa gilid ng table. Parang may pawis na dadaloy sa kanyang mukha nang makita niya si ex na akmang yayakapin siya. Binuhat niya kaagad ang bowl ng soup para hindi ito matuloy.

Sendoh: Err.. okay naman ako.

Awkward. Naiinis siya sa sarili. Bakit hindi niya tiningnan ang buong paligid ng resto bago siya pumasok sa loob? Kung nagawa niya lang sana yun ng mas maaga, eh di sana hindi siya pumasok sa loob.

Ex: Nasa Ryonan ka pa rin diba? Nagtatampo na ako sayo. Hindi ka na nagrereply.

Tiningnan niya muna ang katabi. Ang kaninang nakayuko na si Rukawa ay nakasandal na sa upuan, palipat-lipat ang tingin mula sa kanya at kay ex. Tumitindig na ang balahibo niya. Blangko ang mukha ni Rukawa ngunit may matalim sa kanyang mga tingin, may kasama pang kislap sa gilid ng mata.

Sendoh: Siya si Kaede. Fiance ko.

Mabilis na umangat ang gilid ng labi ni Rukawa ng marinig ang salitang "fiance". Ang muscles sa mukha niya ay nagbubunyi kasabay ng pumapalakpak niyang tenga sa kilig. Kapag ganito na ang usapan, tumabi ka na, ex-girlfriend.

Ex: Ahh… so totoo pala ang balita. Gaano na kayo katagal?

Bago niya sinagot ang tanong, tiningnan niya ang kanyang wristwatch.

Sendoh: Nagde-date kami simula nung 2 weeks, 6 days, 18 hours, 34 minutes and 56 seconds...

Ex: Hehehe! Okay, sana magustuhan ninyo ang food namin. Nice to meet you, Rukawa.

Sendoh: Thanks.

Nakahinga na ng maluwag si Sendoh pagkaalis ng babae. Sinilip niya ulit ang katabi. Nakatitig lang ito sa kanya. Nag-iisip muna siya ng magandang sasabihin. Makikiramdam muna kung galit ba ito sa kanya o balewala lang ang unexpected appearance ni ex.

Sendoh: Umm… Kaede, sorry. Hindi ko alam na dito nagtatrabaho ang ex ko. Mahilig ka sa seafoods kaya dumiretso kaagad ako dito sa loob.

Rukawa: Bakit ka humihingi ng sorry?

Sendoh: Baka kasi galit ka…

Doomed. Mukhang hindi maganda ang reaksyon ni Rukawa sa maiksing pakikipag-usap ng dalawa. Hinalikan niya ito sa pisngi para maglambing. Nakahinga siya ulit ng maayos ng hindi iniwasan ni Rukawa ang kanyang kiss.

Sendoh: Kumain na tayo.

Tumango lang si Rukawa. Umiwas muna siya sa pagtingin kay Sendoh simula ng magpakita si ex. Tuloy-tuloy lang ang pagsubo niya na parang nakaupo sa harap ng kompetisyon. Sobra siyang nasiyahan sa narinig. Hindi na niya kailangan pang magdalawang-isip sa kanilang status lalo na kung higit pa sa inaasahan niya ang tingin sa kanya ni Sendoh.

Nang mapansin ni Sendoh ang mabilis na pagsubo ni Rukawa, sinabayan niya ito. Halos mabulunan siya sa malaking pagsubo dahil hindi siya sanay sa mabilisang pagkain. Inoobserbahan niya pa rin ito sa gilid ng kanyang mata. Pagkatapos maubos ang lahat ng nakalagay sa plato, nakakapagtaka na uminom siya kaagad na hindi naman niya ginagawa noon.

Sendoh: Babe, kumain ka pa. Hindi naman ganon karami ang inilagay ko sayo.

Rukawa: Madali palang makabusog ang pagkain kapag si ex ang naghanda.

Nagsisimula na namang kilabutan si Sendoh sa blangkong mukha ni Rukawa, naniningkit na mata, at nakatupi na braso sa gilid ng kanyang tagiliran. Ito na naman ang Rukawa na kinatatakutan niya. Inaamin niyang kasalanan niya itong lahat. Ang hindi niya alam, siya ang naging dahilan kaya lalong magpupursige si Rukawa na kumibinsihin ang kanyang magulang para sila ay magkakilala.


Sinehan. Dumiretso sina Rukawa at Sendoh na manood ng sine pagkatapos kumain. Nag-aalala pa rin si Sendoh sa ikinikilos ni baby dahil iba ang pananahimik niya ngayon. Ginulo na niya ang buhok niyang matinik ngunit hindi pa rin siya pinapansin. Itinatago pa rin ni Rukawa ang mga kamay niya sa tagiliran niya na halatang ayaw magpahawak. Sa susunod na paglabas nila, sisiguraduhin niyang walang ex sa paligid para hindi magtampo si Rukawa. Sa bilis ng pagkain nila, naabutan nila ang movie ng hindi pa umaabot sa kalahati. Pinili ni Sendoh sa upperseat para hindi makaabala sa mas mababa ang height sa kanila. Hindi na siya nag-abalang hanapin ang mga kasamahang players dahil sa dilim ng paligid.

Sakuragi: Sendoh!

Ryota: Pst! Huwag kang maingay!

Mitsui: Sinasabi ko na nga ba, magiging baby sitter tayo ni Sakuragi!

Tinakpan kaagad nina Mitsui at Ryota ang bibig ni Sakuragi. Hindi napansin ni Sendoh na nasa harapan lang nila ang wild boys ng Shohoku. Ang tatlong player ng Kainan, Koshino at Fukuda ay nasa kanilang likuran.

Jin: Nagreply na ba si Fujima?

Maki: Hindi.

Jin: Tawagan mo siya mamaya.

Maki: Huh?

Kiyota: Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala lagi kang namumula kapag naririnig mo ang pangalan niya…HMP!

Tinakpan nina Jin at Fukuda ng bibig ni Kiyota. Masyadong malakas ang level ng bibig ng dalawang unggoy kaya kailangan rin ng dalawang tao para hawakan sila. Napangisi si Sendoh. May minus one na siyang alalahanin sa buhay. Ang kanyang kamao ay lumipad sa hangin dahil kumpirmado ng may crush si Maki kay Fujima!

Sendoh: Maki, dahil diyan, may plus one ka na sa langit!

Maki: Ano?

Sendoh: Ang sabi ko, God bless you. Hihihi!

Dahan-dahang nawala ang ngiti niya ng napatingin siyang muli kay Rukawa. Straight lang ang tingin sa screen. Tinitigan niya ito, nalulungkot na siya dahil hindi pa rin siya pinapansin. Nagulat siya ng biglang manlaki ang mata ni Rukawa kasabay ng pagtili ng ibang kasama niyang player. Tiningnan ni Sendoh ang movie screen, bigla siyang tinubuan ng sungay at mag-usok ang ilong! Nainis siya ng makita ang pwet ni Thor. Agad niyang tinakpan ang mata ni Rukawa at isinubsob ang ulo sa kanyang leeg para protektahan sa mapanuksong image.

Sendoh: Babe! Huwag kang titingin! Sa akin lang ang mata mo!

Rukawa: Bitawan mo ako.

Sendoh: Hindi! Ang akin lang ang pwede mong tingnan! Bakit sila nagpapalabas ng ganyan?! Hindi ba nila naisip na maraming mga kabataan dito?!

Rukawa: Hindi ako makahinga, idiot!

Sendoh: Huh? Sorry! Sorry! Akala ko kasi nag-eenjoy ka sa nakita mo.

Samantala, sa ibang dako ng upuan ng sinehan nang ipakita ang pwet ni Thor…

Mitsui: Maa-achieve ko rin yan!

Ryota: Kailangan ko na sigurong magwork-out.

Sakuragi: Nyahaha! Bakit natahimik kayo diyan?! Crush ninyo si Thor?!

Sinunggaban ulit nina Mitsui at Ryota ang bibig ni Sakuragi dahil sa napakalas niyang boses. Tahimik lang si Maki sa upuan, lumilipad pa rin ang isip niya sa Shoyo samantalang abala si Jin sa pagtakip ng mata ni Kiyota.

Koshino: Ano yung nakita ko?!

Fukuda: Pwet.

Kiyota: Jin, wala akong makita! Ano ba ang ipinapalabas?!

Jin: Bata ka pa para sa ganyan.

Fukuda: Takpan mo na rin ang ilong niya para hindi na siya makapag-ingay.

Kiyota: Anong sabi mo Fukuda?!

Malapit ng matapos ang sine, nakanguso si Fukuda dahil nakaupo na sa pagitan nila ni Jin si Kiyota. Humingi ng tulong si Jin para takpan ang bibig ng kanyang teammate. Ang eksena nilang tatlo ay katulad na rin sa Shohoku trio. Nasa gitna si Sakuragi para mapigilan nina Ryota at Mitsui ang kanyang boses. Muli silang nagbulungan pagkatapos ng eksena ni Jane.

Maki: Nakakaawa ang lovelife ng mga bida sa Marvel films. Hindi sila nagtatapos ng masaya para sa kanilang sarili kapalit ng pagliligtas sa mundo.

Jin: Oo nga. Namatay si Ironman, Romanoff, nawalan ng alaala ang siyota ni Spiderman, hidi maalala ni Gamora si Quill, tapos namatay si Vision.

Fukuda: Tapos si Elsa wala pa ring lovelife.

Koshino: Sinong Elsa?

Fukuda: Elsa ng Frozen, duh?

Koshino: Hindi kasama si Elsa sa marvel!

Kiyota: Hahaha…Gunggong! HMP!

Jin: Pigilan mo yan Kiyota, tiisin mo muna yung tawa mo.

Samantala, sa unahang ibayo ng upperseat, nag-iiyakan na ang tatlo sa eksena ni Jane at Thor.

Ryota: Hanamichi, kabahan ka na.

Sakuragi: Bakit naman?!

Ryota: Nakita mo, karamihan sa mga bida ng marvel walang happy ending.

Mitsui: Oo nga. Ibig sabihin hindi rin kayo magkakatuluyan ni Haruko, kasi ikaw ang bida dito.

Sakuragi: Wala tayo sa Marvel! Mga gunggong!

Tinakpang muli ng dalawa ang maingay na bibig ni Sakuragi. Nalulungkot si Sendoh dahil hindi pa rin bumabalik sa dati si Rukawa. Inaasahan pa naman niya kanina na mag-eenjoy sila, magbubulungan, magsusundutan, magkikilitian, hahawakan niya ang pwet tapos papaluin ang beast niya. Sayang ang pagkakataon, ang atmosphere, ang dapat sweet moments nila ay hindi nangyari.


Train Station. Dumating na sila sa station ng tren, hindi pa rin siya pinapansin ni Rukawa. Hindi siya papayag na umuwi silang dalawa ng hindi napag-uusapan ang problema. At lalong ayaw niyang ipagpabukas o makatulugan ito. Ikinulong niya si Rukawa sa kanyang mga bisig at hinalikan sa buhok.

Sendoh: Bakit ang tahimik mo? May problema ba?

Rukawa: Wala. Pagod lang ako.

Sendoh: Dahil ba sa ex ko? Hindi ko talaga alam na doon siya nagtatrabaho. Sorry.

Rukawa: Ilang beses ka ba magso-sorry?!

Sendoh: Hindi kita bibitawan kapag hindi ka nagsalita.

Pansamantalang inilayo ni Rukawa ang kanyang katawan sa yakap ni Sendoh. Tiningnan niya ito sa mga mata. Ito na siguro ang pagkakataon para aminin ang kanina pang gumugulo sa kanya. Kung madi-disappoint si Sendoh sa kanya, tatanggapin niya ito at susubukan muling makabawi.

Rukawa: Bigyan mo pa ako ng time para kumbinsihin sila. Kailangan ko lang ng maraming time.

Sendoh: Huh? Anong ibig mong sabihin?

Rukawa: kabaligtaran ng oras dito ang oras sa US…

Sendoh: Wait… ang parents mo ang kausap mo tuwing gabi?

Parang bumagsak ang dalawang balikat ni Sendoh na kanina pang nate-tense. Ang buong akala niya, ang pagbabago ng mood ni Rukawa ay dahil sa kanyang ex. Mabuti na lang hindi niya ito inalala.

Sendoh: kaya ba lagi kang gising sa hating gabi dahil tinatawagan mo ang parents mo?

Rukawa: Susubukan ko ulit. Marami lang talaga silang ginagawa ngayon.

Muli niyang niyakap si Rukawa. Nag-uumapaw ang init na nararamdaman niya bunga ng matinding pagsisikap na ginawa para sa kanya. Gusto niyang ipadama kay Rukawa gaano siya nito napapasaya nang sobra. Gayunpaman, naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam na ang kanyang excitement ay naglagay kay Rukawa sa ilalim ng labis na pressure para lang ipakilala siya sa kanyang mga magulang.

Sendoh: Babe, promise mo sa akin, ititigil mo na ang paggising mo sa hatinggabi. Hindi mo na kailangan pang gawin ang mga yan. Ang laki na ng eyebag mo pero ang ganda mo pa rin.

Rukawa: Gwapo ako.

Sendoh: Alam mo, okay lang sa akin. Marami pa tayong oras. Kasalanan ko. Masyado kasi akong excited. Mula ngayon, hindi na ako magtatanong tungkol sa kanila.

Rukawa: Ako ang may gusto na ipakilala kita sa kanila.

Sendoh: Okay lang. Naiintindihan ko. Kung busy sila, busy rin tayo. Kung nasa malayo sila, pupunta rin tayo sa malayo, sa lugar na tayo lang ang nakakapunta.

Rukawa: Gunggong.

Sendoh: Hehehe!

Sa maraming pangamba na pumasok sa isip ni Rukawa ng ilang araw, parang lahat ng ito ay sumingaw palabas sa kanyang katawan. Naiintindihan niya ang pag-aalala ng kanyang ina, ngunit naniniwala siya, hindi man siya makabuo ng tamang salita, ang kanilang nararamdaman ay ang tanging sagot.

"Hindi ko po alam, I just feel him."


Rukawa's room. They came out with their lips together, arms tied around wet bodies from the shower. They are already digging into each other's mouths, turning their heads as if marking each skin, their mouths sucking more and more forcefully until they reach the bed. Chest rubbing against chest, flailing hands crawling, Sendoh's knees that were supported but starting to shake, Rukawa's bed-bound legs were now separated and locked behind each other, which made the night even hotter.

Sendoh slowly inserted his beasts under Rukawa, lifting him slightly and compulsively pulling him in and out, back and forth until the slippery rhythm became steady. Sendoh knows very well the aiming point that allows him to rub the very spot that brings him to the peak of pleasure. Rukawa bent down, spine arching perfectly, fingernails scraping the muscle ropes of the boy he trusted, a growl that couldn't be stopped from escaping his throat. Sendoh's palm lovingly slid into the other hand he wanted to hold, protect, and lock.

Rukawa's monster, which had been too stiff to be touched, was caught with the other palm, carefully stroking from top to bottom before pumping hard. The mouth that was open in a loud growl was covered by Sendoh's lustful mouth, sucked in, and burning wet tongues met. The lips parted briefly to examine each other. Rukawa's gleaming sweat skin,messy hair, and Sendoh's almost falling strands from his spikes and sweat falling from his nose make them giggle.

The two of them had given way too much to the limit at this moment. Steady turned into a frenzy, slow turned into crazy speed, until Sendoh was completely intoxicated with pleasure. A loud lustful growl filled the space. Even bigger and tougher, as if something was growing inside his beast. Sendoh's eruption was near, and with another deep thrust, hot liquid poured into his lover.

As midnight fell, their breaths were deeply drawn, their chests continued to rise and fall, muscles and knees trembled, both drained of energy, their consciousness still floating as they remained intoxicated by the kiss that had overflowing.

A loud truck horn brought them back to their senses. Their lips parted and they looked at each other. Rukawa had no choice, he got up from the bed, still limping, but Sendoh pulled him back into his arms. The bluish ringtone has stopped. They hugged again, Rukawa's hands caressing his neck and hair while Sendoh closed his eyes and once again covered his beloved's still swollen lips with his own.

The echoing ringtone of the truck's exhaust sounded again, and Sendoh sighed. Rukawa shook his head at the sound of his caller. He quickly picked up the cellphone, as if his heart had stopped beating.

Sendoh: Babe, sino ang tumatawag sayo ng ganitong oras? Sabihin mo sa kanya matulog na para tumangkad.

Rukawa: Ang tatay ko.

Sendoh: Ano?

Rukawa: Tumatawag ang tatay ko.


*Hello, readers. Nahuli ang pag-update ko dito. Muntik ko na itong i-delete dahil mas natatakot akong magkamali sa Filipino. Hehehe! Pasensya na kung hindi ko sinulat sa tagalog ang ibang part. Mag-aaral pa ako ng mabuti para mas maayos ang tagalog version. Thanks!

*Tere08, thanks nagustuhan mo tong story. Hahaha! Trip ko lang to nung bakasyon tapos humaba na. Hehehe! Thank you for taking the time to read this!