Chapter 24
Sa pagsapit ng hatinggabi, malalim ang paghinga nila, patuloy ang pagtaas-baba ng kanilang mga dibdib, nanginginig ang mga kalamnan at tuhod, parehong naubusan ng lakas, lumulutang pa rin ang kanilang kamalayan habang nananatiling lasing sa halik na umaapaw.
Isang malakas na busina ng trak ang nagpabalik sa kanilang katinuan. Naghiwalay ang kanilang mga labi at nagkatinginan. Walang pagpipilian si Rukawa, bumangon siya mula sa kama, nakapikit pa rin, ngunit hinila siya pabalik ni Sendoh sa kanyang mga bisig. Tumigil ang maingay na ringtone. Muli silang nagyakapan, ang mga kamay ni Rukawa ay humahaplos sa leeg at buhok habang si Sendoh ay nakapikit at muli ay tinakpan ng kanyang sariling bibig ang namamaga pang labi ng kanyang minamahal.
Muling tumunog ang umaalingawngaw na ringtone ng tambutso ng trak, at napabuntong-hininga si Sendoh. Napailing si Rukawa sa tunog ng tumatawag sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone, parang tumigil sa pagtibok ang puso niya.
Sendoh: Babe, sino ang tumatawag sayo ng ganitong oras? Sabihin mo sa kanya matulog na para tumangkad.
Rukawa: Ang tatay ko.
Sendoh: Ano?
Rukawa: Tumatawag ang tatay ko.
Naihagis ni Rukawa ang kanyang phone ng makita ang pangalan na kanyang Ama sa screen. Ang nanlalambot niyang katawan kanina ay parang dinaluyan ng kuryente ngayon. Magulo ang kwarto. Nagkalat ang mga unan at kumot sa sahig. Gusot ang bedsheet. Hindi niya makita kung saan nalaglag ang cellphone. Hinanap niya ito sa pamamagitan ng patuloy nitong pag-ring. Napulot ito ni Sendoh.
Rukawa: Ibigay mo yan sa akin.
Sendoh: Mamaya mo na ito sagutin.
Rukawa: Huwag mo akong asarin ngayon! Ibigay mo na sa akin yan!
Sendoh: Makikipag-usap ka sa tatay mo ng wala kang kahit anong suot sa katawan?
Natigilan si Rukawa. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Hindi niya namalayan na bumangon siya sa kama ng walang suot na damit.
Sendoh: Hahaha!
Parehas silang nakatayo ng walang saplot. Naiinis na si Rukawa sa pang-aasar ng nobyo kaya binuhay niya ang ilaw.
Sendoh: Babe! Huwag mo akong tingnan! Nakahubad ako! Oh my gosh!
Rukawa: Yuck!
Tinakpan kaagad ni Sendoh ang kanyang beast. Nagkatinginan sila. Sabay na nag-lock ang kanilang mga mata sa kumot. Para silang nag-dive para pag-agawan ito.
Rukawa: Sa akin ito! Kung gusto mo ng kumot umuwi ka sa inyo!
Sendoh: Pagkatapos mo mag-enjoy sa katawan ko papauwiin mo ako? Anong akala mo sa akin? Laruan?
Bumitaw si Rukawa sa kumot na maalala na nagri-ring pa rin ang cellphone niya. Hindi na siya nakipag-agawan sa kumot. Pinulot niya ang nagkalat na damit sa sahig. Ang una niyang nakita ay ang boxers ni Sendoh. Inihagis niya ito sa kanyang nobyo.
Rukawa: Magsuot ka na ng panty mo!
Sendoh: Hindi ito panty!
Nagpatuloy sa paghahanap si Rukawa. Nagulat siya ng may tumama sa kanyang braso na damit. Ibinato ito ni Sendoh.
Sendoh: Huwag mong kalimutan magsuot ng bra.
Rukawa: Gunggong!
Nagmadali na silang magsuot ng damit. Sinuklay ni Rukawa ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri habang si Sendoh ay tumakbo sa banyo para ayusin ang kanyang matinik na buhok. Bago pa nasagot ni Rukawa ang phone, tumigil na ito sa pag-ring. Hinilot niya ang ulo niya. Bakit ba kasi sila tumatawag kung kelan abala siya sa pakikipaglambingan kay boyfriend? Hahaha! Itinulak niya ang kama para ibalik sa dati nitong position. Inayos niya ang bedsheet at ibinalik isa-isa ang mga unan. Kinuha niya ang laptop. Nagdesisyon siyang tawagan sila at kausapin sa living room.
Rukawa: Akira!
Sendoh: Bakit?
Rukawa: Wala. Gusto lang kita tawagin.
Sendoh: Bakit nga?
Rukawa: Tatawagan ko sila ngayon.
Habang lumilipas ang mga araw, ang pakikipag-date sa taong mahal mo ay isang kahanga-hangang bagay. Sa pagtagal ng relasyon, unti-unti nilang naaabot ang mga kapana-panabik na bagong milestone, tulad ng pananatili sa kani-kanilang tahanan at ang pagpapaalam sa lahat ng tao tungkol sa kanilang relasyon. Ngunit hindi lahat ng milestone ay exciting. Naging maganda ang kinalabasan ng pagpapakilala ni Sendoh sa magulang niya kay Rukawa. Pagkatapos nito, inaasahan na niya na may sasabihin ang kanyang nobyo na, "Ipapakilala kita sa magulang ko."Oh yeah!
Ang motibo ng pagpapakilala sa kanya ni Rukawa sa kanyang magulang ay tanda ng isang seryosong relasyon, ngunit ito rin ay isang nakakatakot na kaganapan. Wala siyang kahit anong information tungkol sa magulang ni Rukawa. Sa pagkakakilala niya sa kanyang nobyo, nahuhulaan na niya na mas metikuloso ang magulang nito. Kailangan niya munang kumalma. Ngayon, naiintindihan na niya ang nararamdaman ni Rukawa ng palihim na nakipagkita sa kanya ang kanyang ina.
Kailangan niyang maging handa. Ituturing niya itong isang interview. Nasisigurado niyang may checklist sina Mr and Mrs Rukawa na ideyal na boyfriend para sa kanilang anak. Wala na siyang takas. Kailangan niyang mapunan itong lahat para pumasa, ipupusta niya lahat para sa pag-ibig. Nasa sa kanyang mga kamay kung paano niya kukumbinsihin sila na siya ay karapat-dapat. Papatunayan niya na may mabuti siyang hangarin, na binibigyan niya ng halaga ang relasyon, at karapat-dapat siya sa kanilang pagtitiwala. Nais niyang maging maayos ang kanilang uganayan dahil magiging bahagi sila ng kanyang buhay sa mga darating na panahon, bilang mga in-laws, at mga lolo't lola ng kanilang mga magiging anak. Ang unang niyang target, gumawa ng magandang unang impresyon. Nakaupo sila sa sofa, nakaharap sa laptop. Isinuot ni Sendoh ng maayos na kamiseta, umupo nang tuwid, at ngumiti.
Sendoh: Magandang araw po, Mr and Mrs Rukawa. Ako po si Akira Sendoh.
Nagpakita siya ng kumpyansa. Ito ang unang pagkakataon na sila ay nagkakilala, agad siyang sumalubong ng pagbati sa pamamagitan ng pakikipag-eye contact. Positbo siya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito. Isusugal niya ang lahat ng makakaya niya sa hatinggabi na ito.
Mother: Magandang araw, Akira.
Father: Mr Akira, kukunin ko ang lahat ng iyong impormasyon. Ipadala mo sa akin ang iyong buong pangalan, address, numero ng cell phone, at ang mga pangalan at numero ng telepono ng iyong mga magulang. Kung nagmamaneho ka, ibigay mo sa akin ang pangalan ng modelo ng iyong sasakyan at ang numero ng plaka. Isama mo na ang kopya ng driver's license.
Rukawa: Pa, seryoso po ba kayo?!
Father: Meron kaming trabaho ng inyong ina. Wala kaming panahon.
Rukawa: Isang araw lang po ang hinihiling ko.
Hinawakan kaagad ni Sendoh ang nakayukom na kamay ni Rukawa. Nanatili siyang mahinahon para mapigilan siya na magsalita ng masama laban sa magulang. Nagawa naman niyang pakalmahin ang kanyang nobyo.
Sendoh: Okay lang, Kaede. Marami pang panahon. Pasesnya na po Mr Rukawa, Mrs Rukawa.
Ang kalmadong postura, mahinahong boses at maaliwalas na mukha ni Sendoh ang nakakuha ng atensyon ng mag-asawa. Sa umpisa pa lamang, habang nasa nationals si Rukawa, nagpakita na sila ng kawalan ng interes sa taong ipapakilala ng kanilang anak. Ngunit ang natutunghayan nila ngayon ang nagpaupo sa kanila at magbigay ng sandaling atensyon.
Father: Kaede, kapag bumagsak ka sa mga susunod mong pagsusulit, ililipat na kita sa ibang paaralan.
Rukawa: Hindi ako aalis dito.
Nanumbalik ang nanlilisik na mata ni Rukawa at mga ugat na lumalabas sa mga braso dahil sa inis. Parang nahihilo si Sendoh sa mainit na usapan ng mag-ama. Kumapit siya sa gilid ng sofa. Masakit para sa kanya ang pagbalewala sa kanya ng magulang ng kasintahan. Ngunit ang mas masakit, ang plano nila na ilipat si Rukawa sa ibang paaralan. Ipinatong niya ang kanyang palad sa likod ni Rukawa at hinaplos ito para mawala ang init ng kanyang ulo. Sa pangalawang pagkakataon, mabilis niyang napakalma ang kanyang nobyo.
Mother: Hindi pa naman sigurado ang tatay mo, pero may nahanap na siyang magandang eskwelahan kung halimbawa na hindi pa rin maganda ang academics mo diyan sa Shohoku.
Rukawa: Wala akong planong umalis dito.
Father: Maaari mo pa ring ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball sa paaralan na napili ko. Sa ayaw mo at sa hindi.
Tinitigan niya ng maigi si Rukawa. Naniningkit na naman ang kanyang mga mata, naninigas ang kanyang mga panga na parang nagpipigil sabihin ang paborito niyang salita sa kanyang magulang. Minasahe ni Sendoh ang likod ng kanyang kasintahan. Kanina pa siyang hindi mapalagay sa usapan ng mag-ama pero nagpapakatatag siya para mapigilan si Rukawa na magpakita ng bayolenteng reaksiyon. Parang may nakapatong na mabigat sa kanyang dibdib, sobrang mabigat, hindi niya ma-imagine ang isang araw na hindi niya makikita ang knyang baby boy.
Father: Ililipat kita sa Ryonan High.
Si Sendoh na kanina ay nahihilo, nawala ang pagkakakapit sa gilid ng sofa, ngayon ay napalundag sa tuwa at napasuntok sa hangin.
Sendoh: YES!
Napatingin ang Rukawa family sa kanyang masayang reaksiyon. Bago pa siya nakapagsaya at sumigaw, tiningnan niya sila isa-isa bago bumalik sa pag-upo. Napakunot naman ang ulo ni Mr Rukawa sa inasal ni Sendoh. Nagsisimula na siyang obserbahan at magduda sa ikinikilos na kasintahan ng anak. Nanatili siya sa sofa at muling kinausap si Rukawa.
Father: Tulad ni Coach Anzai, isang mahusay na coach si Coach Taoka.
Rukawa: Ayoko.
Sendoh: Kaede, makinig ka sa iyong ama. Mas mapapabuti ang pag-aaral mo kapag lumipat ka doon! Mas maraming opportunity, bagong kapaligiran, peaceful na atmosphere, mababait na studyante at mga guro.
Rukawa at Father: Shut up!
Tumigil na sa pag-eendorso ng kanilang school si Sendoh at aktong nag-zipper ng kanyang bibig. Sobrang excited na siya kung mangyayari man ito. Samantala, iniisip ni Mr Rukawa na baka nagpapa-impress lamang sa kanya si Sendoh kaya siya sumasang-ayon sa kanyang plano. Ang hindi niya alam, sa Ryonan nag-aaral ang spikey head.
Rukawa: Hindi ako mag-aaral doon. Ito ba ang tinatawag ninyong peaceful?
Binuksan ni Rukawa ang kanyang cellphone at iniharap sa camera ang image ni Fukuda. Napahalakhak sa pagtawa si Sendoh kung paano nilarawan ni Rukawa ang kanyang teammate. Mahal ni Rukawa si Sendoh. Ngunit hindi niya maisip kung ano ang magiging hitsura nila kapag nagsama sila sa isang paaralan. May boink session sa breakfast, another boink session sa locker room, boink session sa madidilim na sulok ng school, at bago matulog sa gabi. Biglang napaunat ang kanyang likuran maisip pa lang ang mga posibilidad na mangyayari kapag pumasok siya sa Ryonan. Napakasakit nito sa likuran kapag nagkataon.
Rukawa: Ma, ayokong lumipat sa ibang school. Kapag ipinasa ko lahat ng pagsusulit ko ngayong quarter, mananatili ako dito.
Mother: Hon, bigyan mo siya ng pangalawang pagkakataon.
Father: Kung hindi mo magagawa ang kasunduan natin, lilipat kita ng ibang paaralan. Kung ayaw mo sa Ryonan, sa Tokyo ka mag-aaral.
Sendoh: Yes!
Napaangat na naman ang pwet ni Sendoh mula sa sofa ng marinig ang Tokyo. Pabor na pabor sa kanya ang lahat ng naririnig. Susundan niya kaagad si Rukawa kapag ito ay nangyari. Mas magiging masaya pa ang kanyang magulang kung sakali na lumipat siya ng school sa Tokyo. Habang nagsasaya si Sendoh, si Rukawa naman ay bored ang expression. Alam na alam niyang matutuwa ang kanyang spikey bf sa mga naririnig. Bumalik na naman sa isip niya ang mga what ifs kapag nagkasama sila ni Sendoh sa Tokyo. Boink session sa breakfast, pagkatapos ng basketball practice, at bago matulog. Mas mukhang magiging malala ang sakit nito sa kanyang likuran.
Rukawa: Ayoko. Ipapasa ko po ang exam ko. Hindi po ako aalis sa Shohoku.
Inaasahan na ni Mr Rukawa ang pagmamatigas na ito ng kanyang anak. Pero gagawin niya ang kanilang kasunduan para maiwasan ng maulit ang pakikipag-away na libangan ng kanyang anak kung mananatili siya sa Shohoku kasama ang mga kaibigang maiinitin ang ulo. Napataas ang kilay niya kay Sendoh. Kanina pa nitong napapansin ang pagsuporta nito sa kanyang mga plano para kay Rukawa. Hindi niya makita sa mukha ni Sendoh ang pagpapanggap.
Sendoh: Tama ang iyong ama. Mas makakabuti kung itutuloy mo ang pag-aaral sa Tokyo. Sige na. Pumayag ka na.
Rukawa: No.
Mother: Kaede, oras na para kami ay umalis. Mag-usap tayong muli sa susunod. Akira, nice to meet you.
Sendoh: Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Mrs Rukawa.
Father: Bye.
Pinatay ni Rukawa ang kanyang laptop. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig habang si Sendoh ay naghubad na ng kanyang damit. Narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Pumasok siya sa kuwarto para tingnan ito.
"Mag-usap tayo bukas."
Parang napaso ang kamay ni Sendoh ng makita ang sender ng mensahe, si Mr Rukawa. Kailangan niya ba itong ipaalam kay Rukawa? Madali siyang sumagot sa mensahe at ipinatong ang cellphone sa side table nang biglang pumasok ang kanyang kasintahan.
Rukawa: Akira, sorry.
Sendoh: Okay lang ako. Huwag mo na yon alalahanin.
Rukawa: Hindi ka ba natatakot sa kanya?
Sendoh: Paano naman ako kikilabutan sa kanya? Mas nakakatakot pa nga sa kanya si Coach Taoka. Hehehe!
Napangisi si Sendoh habang tinitingnan niya sa gilid ng mata si Rukawa. Bakit nga ba malakas ang loob niya na kausapin ang in-laws niya?
Ryonan Gym. Absent-minded si Sendoh habang nagpa-practice sa court. May pakiramdam siyang mahihirapan siyang makipag-usap sa magulang ni Rukawa.
Coach Taoka: Sendoh! Bakit parang nawawala ka na naman sa sarili mo?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong bata ka!
Bakit galit na galit na naman si Coach Taoka? Tatlong beses niyang nakitang nakatayo at nakatulala sa gitna ng court si Sendoh habang nagpa-practice ang buong team. Dalawang beses siyang nadulas. Apat na beses niyang nabitawan ang bola. Dalawang beses siyang tinamaan sa mukha ng bola. Pagkatapos ng practice, pinaiwan ni Coach Taoka si Sendoh sa court para kausapin.
Coach Taoka: Umupo ka.
Umupo si Sendoh sa tabi ng kanyang coach. Napabuntong hininga siya. Ito na ang iniisip niya simula pa noong umaga. Iniwasan niyang banggitin ito sa kanyang mga kaibigan dahil baka malason na naman ang utak niya. Hehehe! May naisip siyang brillant idea! May asawa si Coach Taoka. Siya siguro ang pinakamaayos na tanungin tungkol sa in-laws.
Coach Taoka: Anong problema?
Sendoh: Coach... ummm... Paano po kayo naging close sa parents ng asawa ninyo?
Coach Taoka: Mag-aasawa ka na? Ang bata-bata mo pa!
Sendoh: Nagkakamali po kayo. Hindi po kami nagmamadali. Gusto ko lang na maging okay kami ng mga magulang ni Kaede habang buhay.
Coach Taoka: Ang totoo, hindi kami okay ng magulang ng asawa ko.
Sendoh: Eh?
Parang nanghina si Sendoh sa kanyang narinig. Wala na siguro siyang magagawa para magkaroon siya ng magandang relasyon sa kanyang in-laws.
Coach Taoka: Normal lang yon. Pero ito ang dapat mong tandaan. Palagi kang sumang-ayon sa kanila para makuha mo ang loob nila.
Sendoh: Ganon po ba ang ginawa ninyo?
Coach Taoka: Oo. Pwede nating piliin ang makakasama natin sa buhay pero hindi natin mapipili ang magulang ng mamahalin mo.
Rukawa: Huwag na muna tayong magkita.
Sendoh: Bakit?!
Rukawa: Kailangan kong mag-aral.
Sendoh: Bakit ayaw mong mag-aral sa Ryonan? Ayaw mo ba akong makita palagi?
Rukawa: Kilala kita. Hindi tayo dapat gumagawa ng kababalaghan sa school.
Sendoh: Sobra naman yon! Hindi ako ganon. Kapag nag-aral tayo sa isang school, sabay tayong gigising, sabay tayong kakain, sabay tayong uuwi, magkasama pa tayo sa team, tapos yayakapin kita sa practice, tapos maghahalikan tayo sa practice, tapos gagawin natin yun ng tahimik.
Rukawa: Gunggong.
Nagtatampo si Sendoh nang marinig ang mariin na pagtanggi ni Rukawa sa kanyang school. Inaasahan pa naman niya na matutuwa ang kasintahan sa plano ng kanyang magulang. Nauna na siyang magtungo sa kuwarto. Humiga sa kama at ibinalot ang buong katawan sa kumot. Naiinis siya. Pakiramdam niya ayaw siyang makasama ni Rukawa araw-araw. Ilang minuto na ang nakakaraan pero wala siyang naririnig na salita o paggalaw ng kama sa tabi niya. Napataas ang kilay niya ng marinig ang pagbukas ng pinto.
Sendoh: Babe, saan ka pupunta?
Rukawa: May kukunin lang ako sa labas.
Sendoh: Anong kukunin mo? Bakit lalabas ka pa ng ganitong oras?
Rukawa: May shop akong pupuntahan.
Sendoh: Shop? Sa convenience store ka ba pupunta?
Rukawa: Hindi. Sa funeral service.
Sendoh: Huh? Anong gagawin mo dun?
Rukawa: Hihiram ako ng body bag. Hindi ka kasya sa kumot kaya doon ka magtago. May zipper pa.
Sendoh: Nakakainis ka. Bakit ba ayaw mong mag-aral sa Ryonan kasama ko? Ayaw mo ba akong makasama?
Napabuntong hininga si Rukawa sa patuloy na pagtatampo ni Sendoh. Pinisil niya ang nipple para bumalik na siya sa dati.
Rukawa: Gunggong. Ayokong makasama ka sa isang team. Magiging boring na ang basketball kapag hindi ikaw ang kalaban ko.
Sendoh: Mas mahalaga ba sayo ang basketball kesa sa akin?
Rukawa: Ikaw ang paborito kong kalaro kaya boring ang basketball kung magkakampi tayo.
Tila nabalot ng liwanag ang paningin ni Sendoh. Ang mahaba niyang nguso ay nabanat sa pagngiti. Nabura na ng kilig ang kanyang pagtatampo. Isinarado niya ang pinto. Niyakap niya ng mahigpit si Rukawa at isinandal ang ulo sa balikat.
Sendoh: Alam mo bang palagi mo kong napapasaya?
Rukawa: Hindi.
Sendoh: Alam mo ba ang parusa sa mga sweet na katulad mo?
Rukawa: Ang dami mo pang sinasabi!
Bumagsak sa kama si Sendoh ng itulak siya ng malakas ni Rukawa. Gumapang si Rukawa sa ibabaw ng nakahiga ng katawan ng nobyo at umupo sa ibabang bahagi ng tiyan. Kinagat ni Sendoh ang kanyang ibabang labi habang pinagmamasdan ang lalaking pangahas na umupo sa kanya.
Sendoh: Sir anong gagawin mo sa akin?
Rukawa: Ayaw mo ba?
Sendoh: Wala naman akong sinabing ayoko! Wait lang baby. Bago tayo pumasok sa ibang dimension, gusto kong malaman mo na gusto kong magkasama tayo sa isang school.
Rukawa: Kung magkasama tayo sa isang team, hindi na tayo makakapaglaro pa. Mahilig ka kaya alam kong wala kang pipiliing lugar.
Sendoh: Hahaha! Ang sakit mo naming magsalita. Pero may point ka. Hahaha!
Hinaplos ng daliri ni Sendoh ang likod ni Rukawa bago humigpit ang hawak nito sa bewang nito. Nagsalubong ang gutom nilang mga tingin. Idiniin ni Sendoh ang labi sa labi ng nobyo, sinisipsip ang halos lahat ng hangin mula sa kanyang baga. Ibinuka ni Rukawa ang kanyang bibig, kaya mas diniinan ni Sendoh ang kanyang dila, abala ang kanyang bibig sa pagtakip sa lahat ng sulok ng bibig ng binata. Halos magpalitan sila ng hininga sa kanilang sloppy kiss. Saglit na nagbuka ang mga labi at huminga ng malalim bago muling sinagupa ang bibig ng isa't isa. Sa bawat pagtulak ng dila sa dila, pareho nilang nararamdaman ang laway na umaagos sa kanilang mga dila at papasok sa kanilang lalamunan.
Hiningal si Rukawa ng naghiwalay ang kanilang mga labi, pero si Sendoh ay parang hindi nagagambala sa malalim na paghinga pagkatapos ng ilang minutong pakikipaghahalikan. Gumala ang kanyang labi sa ilalim ng tenga at pinaglaruan ng bibig ang earlobes bago dumausdos sa linya ng leeg ng kasintahan. Medyo nakikiliti si Rukawa habang tumatama ang tulis ng ilong at baba ni Sendoh habang binabaybay ng halik ang buong leeg. Inangat ni Rukawa ang kanyang leeg nang masarapan siya sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang balat.
Tinitigan ni Sendoh ang mukha ni Rukawa habang dumadausdos ang kanyang labi pababa sa nipples. Pinaglaruan niya ito gamit ang bibig, binasa at dinilaan at pinisil ang isa gamit ang mga daliri. Napahawak si Rukawa sa matulis na buhok nang maramdaman ang sensation na hatid ng bibig ni Sendoh. Napangiti si Sendoh ng makita ang reaction ni Rukawa kaya nagpalipat lipat ang kanyang bibig para supsupin ang dalawang nipples. Hindi na kinakaya ni Rukawa ang ginagawa sa kanya kaya hinawakan niya ang balikat ni Sendoh at inihiga siya sa ilalim.
Rukawa: My turn.
Hinubad niya ang kanyang pajama at inihagis sa sahig gamit ang paa. Ipinatong niya ang dalawang binti ni Sendoh sa kanyang balikat at hinawakan ang kanyang monster. Nanlaki ang mata ni Sendoh. Pinilit niyang bumangon pero itinulak ni Rukawa ang dibdib niya kaya napahiga siyang muli.
Sendoh: Babe, anong ibig sabihin nito?!
Rukawa: I'm just a boy, with sexual desire, asking you to shut up!
Napatulala si Sendoh sa lalaking nasa ibabaw niya. Napapikit na lang siya sa kakaibang position nila ngayon. Humawak siya gilid ng kama at inipit ang kanyang labi. Binuksan niya ulit ang kanyang mata para silipin si Rukawa. Hinihingal siya, tumutulo ang pawis sa dulo ng hibla ng buhok, mas lalong naging visible ang matigas na abs sa kalamnan, naglabasan ang ugat sa braso at nakabukas na bibig dahil sa mabilis na pag-ulos sa sikretong lungga ni Sendoh. Ang kanyang nasakihan ang nagtulak sa kanya na hawakan ang kanyang beast. Taas-baba ang paghagod sa sarili niya kasabay ng ritmo ng balakang ni Rukawa. Sinubukan ni Rukawa na iyuko ang kanyang katawan para halikan sa labi ang nobyo. Nagtagpong muli ang kanilang mga bibig nakakurba ang kanilang katawan. Lalo pang inangat ni Sendoh ang kanyang binti para mas maging malalim ang kanilang paghahalikan. Ilang sandali ang lumipas, nararamdaman nila ng sabay silang nanginginig, ang signal na lalabas na ang naipong likido sa lamig ng gabi.
Dahan-dahang ibinaba ni Rukawa ang mga binti ni Sendoh at humiga siya ng nakadapa sa kama. Nakatitig lang si Sendoh sa kisame. Hinila ng kamay niya ang kumot paakyat sa kanyang dibdib, like a virgin. Niyakap niya ang kanyang sarili na parang sinamantala ang kanyang pagkalalaki.
Sendoh: Pakiramdam ko na-violate ang aking karapatan. Oh my Gosh.
Rukawa: Gunggong.
Kainan. Si Maki ay nakaupo sa bench, may towel na nakasampay sa kanyang balikat. Nakayuko siya at nakatitig sa cellphone. Gumawa siya ng grupo sa isang app na may pangalang Kanagawa Basketball Players. Naisama na niya sa listahan ang Shohoku High at Ryonan High. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nahihirapan siyang igalaw ang kanyang daliri para idagdag ang isa pang school na gusto niyang isama sa grupo. Hindi na mabilang ang ilang beses na pinahid niya ang pawis na tumutulo sa gilid ng kanyang noo. Nababakas sa mukha niya ang hirap ng kanyang pinagdadaanan. Hindi niya magawang itulak ang kanyang hintuturo sa Add button na nakapangalan sa Shoyo Basketball Team. Huminga siya ng malalim. Umupo siya ng tuwid at inilapat sa malamig na pader ang kanyang likod. Muli niyang pinahid ng towel ang kanyang buong mukha. Ipinahid niya sa kanyang jersey short ang kamay bago inihanda ang kanyang hintuturo para itulak sa Add button. Hindi niya alam kung bakit parang may naririnig siyang alarm ng bomba sa kanyang tainga. Sa bilang na 4... 3... 2... 1.
Kiyota: Hahaha! Captain! Bakit hindi ka pa naliligo?
Ang nakakabulahaw na boses ni Kiyota ang nagtulak sa kanyang daliri para mai-add ang Shoyo sa group. Wala na siyang takas. Salamat kay Kiyota. Inayos niya ang kanyang gamit sa locker bago pumasok sa shower stall.
Cellphone ang unang tiningnan ni Kiyota pagbukas ng locker. Natuwa siya ng makita na nakagawa na ang captain nila ng group. Pagkasarado niya ng pinto, napatingin siya sa maraming regalo na nakatambak sa loob ng kanilang locker room. May naisip siyang brillant idea. Tinawagan ni Kyota ang lahat ng members sa group para ipakita ang kanilang mga natatanggap na regalo mula sa mga fans.
Kiyota: Oy Hanamichi! Nakikita mo ba itong lahat? Regalo yan sa amin lahat ng mga fans! Hahaha! Meron ba kayong ganito?
Sakuragi: Ano na naman pinagyayabang mo, unggoy? Dahil lang diyan, nagmamalaki ka na!
Kiyota: Top 2 kami sa buong bansa! Ibig sabihin, napakarami ng aming fans! Mahal kami ng aming fans! Inaalagaan kami ng aming fans! Hahaha!
Sakuragi: Wala akong pakialam kung ilang ektarya pa ng nakatanim na saging ang ibigay sayo ng mga fans mo! Nyahahaha!
Kiyota: Anong sabi mo?! Hindi saging ang natatanggap namin! Nakikita mo ba yan lahat? Meron ba kayong ganyan?
Tiningnan lahat ni Sakuragi ang mga gym equipments with ribbons, mga supplements at whey protein, discount voucher at coupons mula sa iba't ibang pangalan ng gym na hawak ni Kiyota. Napahawak si Sakuragi sa kanyang baba at pinagmamasdan lahat ng nakikita. Samantala, may sumagot sa group call na isang player mula sa Ryonan. Masigla ang mukha niya ng sinagot niya ang group call ngunit ng makita niya sa screen ang mukha nina Sakuragi at Kiyota, ang kanyang masiglang expression ay napalitan ng pait.
Fukuda: bakit kayo tumawag? May namatay ba?
Sakuragi: Bakit naman kita tatawagan?!
Kiyota: Aba, si Fukuda pala! Nakikita mo ba ito Fuku? May natatanggap ba kayong ganyan mula sa fans ninyo? Hahaha!
Fukuda: Ano bang akala mo, ang team ninyo lang ang may fans? Duh?
Sakuragi: Magsuntukan na lang kayo para naman matuwa ako! Nyahahaha!
Fukuda: May fans din kami. Mas maganda pa diyan ang natatanggap namin.
Kiyota: Ano?! Imposible na mas maganda pa ang mga regalo ninyo! At mas lalong imposible na mas marami kayong fans kaysa sa amin, pre!
Biglang kuminang ang gilid na singkit na mata ni Fukuda. Pumasok siya sa locker room. Ipinakita niya ang lahat box na nakapatong sa isang table at marami pang nakalagay sa sahig, na may kasama pang ribbon.
Sakuragi: Ano naman yan, Fuku?! Nakatanggap lang kayo ng maraming box, tuwang tuwang na kayo kaagad?! Nyahahaha!
Kiyota: Mali ka Hanamichi. Hindi talaga ang box ang ibinigay sa kanila, kundi ang blue na ribbon. Nyahahaha!
Fukuda: (sigh)
Nilapitan ni Fukuda ang isang box na nakabukas na. Ipinakita niya ang laman sa dalawang player na number 10. Nanlaki ang mga mata ng dalawang unggoy ng makita ang iba't ibang men hairstyling products. Habang nagyayabangan ang tatlong unggoy, may isang player mula sa Shoyo ang sumagot ng tawag.
Hanagata: Mga Pare! Ano yan, Fukuda? Nagbebenta ka ba ng hairstyling products?
Ang kanina pang namamangha na sina Sakuragi at Kiyota ay napahalakhak sa pagtawa nang marinig ang sinabi ni Hanagata.
Sakuragi: Nyahahaha! Tama ka, Four-eyes! Nagbebenta siya niyan kasi wala na siyang budget sa kanilang bahay. Nyahahaha!
Kiyota: Hahaha! Akala ko pa naman kung ano na ang pinagmamalaki mo?! Yan lang pala ang natatanggap ninyo sa fans ninyo?!
Fukuda: Napakaingay ninyo, mga unggoy.
Ipinakita ni Fukuda ang ilang box na nakabukas na. Naglalaman ito ng ibat ibang uri ng produkto: hair pomade, mask, wax, gel, clay, fiber at styling cream, texturizing clay, hold and shine serum, curl cream, mousse, hair spray, treatment at scalp serum. Namangha ang tatlong player sa mga nakikitang napakaraming box na regalo ng fans para sa team Ryonan.
Sakuragi, Kiyota, Hanagata: Wow.
Fukuda: Alaga kami ng aming mga fans. Hindi nila hahayaang mawala sa style ang buhok namin, humangin man, bumagyo, mainitan, maglaro ng basketball at kahit buhawi pa yan. Hindi na gagastos pa si Sendoh para tumayo lahat ng buhok niya. Mananatiling malambot at makintab ang buhok ni Koshino. Hindi na magiging frizzy pa ang buhok ni Hikoichi. Si Ueksa hindi na hahaba pa ang semi-bald niyang buhok dahil sa electrec shaver. Hindi ninyo na makikitang bumaba ang bangs ni Coach Taoka kapag kinakabahan siya.
Ito pala ang dahilan kaya palaging fresh ang buhok ng team Ryonan. Alaga pala sila ng mga fans ng ilang taong suplay ng hairstyling products. Bilang Center ng Shoyo Basketball Team, hindi uurungan ni Hanagata ang tatlong unggoy. Inayos niya ang kanyang salamin sa kanyang ilong. Kuminang ang dulo nito. Nagtungo siya sa locker room ng gym at ipinakita sa tatlong player kanilang natatanggap mula sa fans. Maraming magkakapatong na box ang nakalagay sa gilid ng kwarto. Nagmadali siyang buksan ang isang box at inilagay ang mga nakuha sa mesa.
Sakuragi: Ano yan?! Snacks? Candy? Ang tanda mo na natutuwa ka pa sa mga ganyan?! Nyahahaha!
Kiyota: Hindi ko alam na mga bata pala ang fans ng team ninyo. Hahaha!
Fukuda: Sigurado ako mali parehas ang hula ninyo.
Sakuragi at Kyota: Anong sabi mo, Fuku?!
Hanagata: Sa mga hula ninyo pa lang, halata ko na hindi pa kayo nakakakita ng ganito. Hindi pa kayo nakakahawak ng ganito. Hindi pa kayo nakaka-experience ng ganito.
Sakuragi: Bakit Labo?! Ano ba yang mga yan?
Kiyota: Mas maganda pa rin ang natatanggap naming!
Fukuda: Hindi. Sigurado ako mas maganda ang amin diyan.
Lumiwanag muli ang salamin ni Hanagata. Inayos niya ang mga items sa table. Makikita ang ibat ibang skin care products: cleanser, toner, serum, eye cream, moisturizer, spot treatment, sunscreen at skin care mask. Inilagay ni Hanagata ang kanyang isang kamay sa bewang niya. Ipinagmamalaki niya sa tatlong player ang kanilang ilang taong supply ng skin care products. Hanagata: Aanhin ninyo ang pampalakas ng katawan at pang-hairstyle ng buhok kung hindi makinis at fresh ang inyong mukha. Alam ninyo mga pare, ang mukha ang unang makikita sa atin. Kaya ang fans namin ang pinakamaalaga sa lahat.
Sakuragi, Kyota, Fukuda: Ooowww.
Tinanggal ni Hanagata ang kanyang salamin, maabagal na hinipo ng likod ng kamay ang kanyang mukha para ipakita sa kayang mga kausap kung gaano kakinis ang kanyang mukha. Yeah. Nagsisimula na ang pagnanais ng kanyang kausap na magkaroon din ng ganong regalo pero nagising si Sakuragi sa illusion ni Hanagata. Nakayukom ang kanyang kamao, inihampas niya ito sa pader ng gym. Nagpakitang gilas na ang tatlong player mula sa ibang paaralan kaya ito na ang kanyang pagkakataon.
Sakuragi: Ang yabang ninyo! Akala ninyo kayo lang ang nakakatanggap ng mga galanteng regalo?! Tingnan natin!
Mabilis na naglakad si Sakuragi papasok ng locker room. Nakaabang ang kanyang kausap sa kanyang nilalakaran. Sa bungad pa lang ng locker wala silang makitang kahit ano. Sa apat na sulok ng kuwarto, sa bench at table ay wala silang makitang kahit anong box o bagay na espesyal. Biglang tumigil si Sakuragi sa tapat ng kanyang locker. Bago niya nabuksan ang pinto, nagtawanan ang tatlo niyang kausap.
Hanagata: Hula ko sapatos ang natanggap mo kasi may nakapagsabi sa akin na kuripot ka raw!
Sakuragi: Anong sabi mo Labo? Sino ang nag-chismis niyan sayo?!
Hanagata: Sina Michi at Kulot.
Kyota: Hahaha! Tama! Kuripot talaga yang si Hanamichi! Kita naman sa mukha! Sigurado saging ang laman ng locker niya. Hahaha!
Fukuda: Wala kang pambili ng sapatos pero may pambili ng pangkulay ng buhok? Duh?
Sakuragi: Tumahimik nga kayong lahat! Kapag nakita ninyo ang mga natanggap naming regalo, sigurado maiinggit kayo. Hindi kayo makakatanggap ng ganito. Kami lang! Nyahahahaha!
Binuksan niya ang kanyang locker. Parang may lumabas na sobrang liwanag sa locker na ikinasilaw ng tatlong player. Kinuha na ni Sakuragi ang nasa loob at inilapit sa front camera ang maraming bundles ng papel. Mga bar and restaurant special menu certificates, free karaoke nights, free tickets sa host slam poems, musical gigs, and other artistic events, fun bar games, at free party drinks.
Kyota, Fukuda, Hanagata: Ooowww.
Ang kanilang nasisilaw na mata kanina ay naluluha na sa mga regalo ng fans ng team Shohoku. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kausap sa napakagandang regalo mula sa kanilang mga fans na ipinagyayabang ni Sakuragi.
Sakuragi: Ano kayo ngayon?! Anong silbi ng pagpapalaki ng katawan, hairstyling at skincare products kung hindi naman kayo masaya?! Nyahahaha!
Hanagata: Sakuragi, ang gaspang ng mukha mo. Bibigyan kita ng tatlong box ng moisturizer.
Fukuda: Matagal ng weird tingnan ang buhok mo kaya bibigyan kita ng apat na box ng hair treatment.
Kyota: Hanamichi, matigas naman talaga ang mukha mo kaya ibibigay ko sayo ang pinakamalaking dumbbells sa locker.
Sakuragi: Anong sinabi ninyo?! Bibigyan ninyo ba ako o gusto ninyo lang talaga akong laitin?! Kahit lumuhod pa kayo hindi ko kayo bibigyan. Kami lang ang may fans na ganito kaalaga. Nyahahaha! Ang saya-saya ng team namin! Wala kayong ganito! Hahahaha!
Ang malakas na tawa ni Sakuragi ang nakaagaw ng pansin ni Mitsui at Ryota. Nilapitan nila ito sa locker at sinilip kung sino ang mga kausap. Nagkatinginan ang dalawa. Inagaw nila ang mga ticket na hawak ni Sakuragi at mabilis na itinago sa locker nila. Sigurado silang ipinagyayabang ni Sakuragi ang mga regalo nila. Kinuha ni Ryota ang cellphone at hinila ni Mitsui si Sakuragi sa gilid.
Mitsui: Gunggong ka ba? Bakit mo yun pinakita sa kanila?!
Sakuragi: Huwag kang mag-alala Michi. Hindi ko sila bibigyan ng ticket.
Mitsui: Dapat lang! Para sa atin lang yan!
Ryota: Mitsui, si Hasegawa kakausapin ka daw.
Tumigil sa pananaway si Mitsui kay Sakuragi ng makita ang mukha ni Shoyo Boy. Magkaharap na sila ngayon sa screen. Naningkit lang ang mata ni Kyota at Fukuda sa natutunghayan. Wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa.
Sakuragi: Ano bang problema Michi?! Kahapon pa yang tampuhan ninyo. Para kang babae.
Mitsui: Anong sabi mo gunggong?!
Ryota: Hasegawa, hindi na daw siya galit sayo.
Hasegawa: Talaga? Bibigyan kita ng mga items dito. Ako na ang magdadala diyan.
Hanagata: Kung gusto mo siya na rin ang maglalagay ng mga cream sa mukha mo.
Hindi pa rin nagsasalita si Mitsui. Palipat lipat ang tingin niya sa sahig at sa cellphone. Naiinip na si Sakuragi kaya inilapat niya ang cellphone sa mukha ni Mitsui.
Kyota at Fukuda: Eeewww!
Ryota: Hindi na siya nagtatampo sayo Haseagawa kasi nag-kiss na siya! Hahaha!
Hanagata: Hasegawa hindi ko pupunasan ang cellphone ko para hindi mawala ang bakas ng mukha ni Michi. Hahaha!
Mitsui: Mga gunggong!
Napatakbo si Hasegawa palabas ng gym. Hinabol ni Mitsui si Sakuragi sa loob ng gym ng Shohoku para lagyang ng bukol.
Fukuda: Parang babae si Mitsui kung magtampo. Huh?
Ang singkit na mata ni Fukuda ay bumilog ng makita niya na sumilip si Jin sa likod ng balikat ni Kyota. Tinakpan niya ang kanyang bibig pero bigo siyang mapigilan ang kanyang pagtili.
Fukuda: Eeehhh! Oh my gosh!
Jin: Hi Fukuda!
Biglang nag-disconnect si Fukuda sa sobrang gulat. Tatlong school na lang ang nanatili sa linya.
Fujima: Anong nangyari kay Hasegawa?
Hanagata: Bakit? Saan ba siya pumunta?
Fujima: Tinatakpan ng kamay niya ang mukha niya habang tumatakbo. Nauntog siya sa pinto.
Ryota: Nagbigay kasi ng kiss si Mitsui! Hahaha!
Kyota: Ryota, nasaan na si Hanamichi?
Ryota: Andun siya sa court. Naghahabulan sila ni Michi.
Nagtataka si Maki nang mapansin niyang kanina pa nakatayo sa locker sina Kyota at Jin. Sinilip niya ang cellphone at kinabahan siya ng makita si Fujima. Nagmadali siyang nagtungo patungo sa pinto.
Fujima: Maki!
Napatigil sa paghakabang si Maki. Dahan dahang pumaling ang kanyang ulo sa direksyon ng kanyang dalawang teammate.
Fujima: May sinend ka na message sa akin nung isang araw. Anong ibig sabihin non?
Nagkatinginan ang dalawang Kainan player bago sinilip sa likod si Maki. Nakatakip ng towel ang kanyang ulo. Isang mata lang ang nakasilip sa phone.
Maki: Aksidente ko siyang napindot.
Fujima: Sa susunod sasama ang team namin na manood ng sine.
Maki: Huh?
Kyota: Oo ang sagot ni Captain. Hahaha!
Fujima: May sakit ka ba?
Maki: Wala. Katatapos ko lang mag-shower.
Fujima: Ako din.
Maki: Huh?
Fujima: Katatapos ko lang din mag-shower.
Nabitawan ni Maki ang towel na hawak niya na nakatakip sa kanyang ulo. Kinabahan siya ng marinig ang sinabi ni Fujima na, "katatapos ko lang mag-shower." Nagmistulang jelly ang kanyang tuhod kaya umupo na siya sa sahig ng locker room.
Fujima: Nasaan si Maki?
Jin: Umm... pagod lang siya sa practice.
Kyota: Hahaha! Maki, kaya mo pa ba?
Maki: Gunggong.
Muling nagbukas sa group ang line ng Ryonan.
Sendoh: Hi! Nasaan si Kaede?
Ryota: Hindi ko alam. Ang alam ko pumunta siya sa cafeteria.
Sendoh: Pakisabi sa kanya I love him.
Hanagata: Dumaan ka lang sa video chat para ipaalala mo sa amin na single kami.
Ryota: Tama siya!
Sendoh: Hehehe! Sorry.
Pagpasok ni Sendoh sa kanyang apartment, nagmadali siyang mag-shower. Lumabas siya ng banyo ng nakatapi lang towel. Nakatayo siya sa closet. Pinaplano niya kung anong magandang kombinasyon na isusuot niya. Kailangan niya itong seryosohin. Kakausapin niya via video call ang ama ng kanyang nobyo. Nagtataka siya kung bakit kailangan siyang kausapin mag-isa. Nagbuntong hininga siya. Hindi niya kailangang magsuot ng formal o suit katulad ng paalala ni Rukawa. Kumuha siya ng presentableng puting shirt at maong pants. Ipinatong niya sa coffee table ang laptop. Bago siya umupo, nagsagawa siya ng jumping jacks ng sampung beses para mawala ang kanyang kaba.
Kailangan niyang maalala lahat ng background at interest ng magulang ni Rukawa na pinag-aralan niya online. Ginawa niya ang homework niya para siguradong makakapasa siya sa ama ng kanyang kasintahan. Hindi pa rin siya makaupo sa couch. Nagtungo siya kusina para uminom na tubig. Hindi niya maalaala kung kailan siya huling nakaramadam ng ganitong takot. Umupo na siya ngayon sa couch. Naglagay siya ng maliit na salamin sa harap ng laptop para makasigurado na hindi siya gagawa ng kakaibang expression ng mukha kapag kausap na niya ang ama ni Rukawa.
Tinawagan na niya ang taong huhusga sa kanya. Mabilis itong sinagot. Inaasahan pa naman niyang aabutin pa ng ilang segundo ang tawag na lalo niyang ikinabahala. Nakaupo si sa isang kuwarto na mukhang office. May aparador sa likuran na may nakapatong na ibat ibang brand ng alak. Ang higit niyang ikinatakot ay ang ilang piraso ng baril na naka-display sa pader sa likod ng upuan ni . Napalunok siya na makita ang seryosong mukha nito.
Sendoh: Magandang araw po, sir.
