AUTHOR'S NOTE: TAGALOG PO ANG FIC NA ITO AT MABABAW LANG ANG KALIGAYAHAN NG GUMAWA NITO. Puro kalokohan at kababuyan ko lang po ito… siguro corny to para sa inyo… lalo na kung mga wala kayo gaanong sense of humor… ngayon, kung di pa kayo pinanghihinaan ng loob at nababasa niyo naman ang A/N na ito nang dire-diretso ay pwede niyo naman itong basahin… kung interesado kayo. Salamat sa pagtangkilik sa GAWANG PINOY AND ENJOY~~!

PAG-IWAN… PAG-AABANDONA… (DISCLAIMER LANG YUN. ANG LALIM NOH?): Hindi ko pagmamay-ari ang mga characters ng Hunter x Hunter (kahit ilang gabi ko nang pinaglilitanya na sana ako nga ang may-ari sa kanila… na-try ko na rin yung pagnonovena sa Baclaran… grabe…) SAD TO SAY, hindi nga mangyayari yung iniisip kong yon…

~PROLOGUE: UMIRAL ANG KADALDALAN KO…~

Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Napangiti ako. YES! SA WAKAS! Pupunta na kami sa Enchanted Kingdom. Tumingin ako sa mga kaklase ko na lumalamon ng junk foods na baon nila. Di maide-deny na pati sila ay thrilled na thrilled. Maririnig yung mga usapan nila kung ano yung unang ride na sasakyan nila. Bumaling ulit ako dun sa labas, sabay kain ng FruitTella™ (fresh fruit goodness! ^0^)

Teka… bago ko ipagpatuloy ang jologs na opening ay magpapakilala muna ako. I am Maki… yun. Maki. Dedescribe ko yung sarili ko, bahala na kayong mag-imagine. Kabuhok ko si Shizuku at si Kamatari (Rurouni Kenshin). Get it? Black hair na tikwas-tikwas (kahit di mahangin sa labas) Yung akin nga lang may hint of brown dahil di pa rin mabura-bura yung highlights ko 2 years ago… Kamata ko naman si Machi (no exaggeration involved.) Oo nga. Marami nang nagsasabi sa kin nun. Basta. Tipong mataray na pasingkit na mapilik-mata… yun na yon. Dark brown naman yung color nung akin. Kasinglapad at dalas ko namang ngumiti si Gon.

(Someone: Oo nga. Madalas yang magmukhang baliw na tatawa-tawa sa isang sulok… kahit wala naman talaga siyang kausap…!)

(Ako: *Death glare… mataray tulad nung kay Machi. Ba't ba puro Machi na lang ang bukang-bibig ko ngayon??*)

Anyway, katamtaman lang po yung skin tone ko. Di pantay-pantay… I stand 5'2" and I weigh 47 kg.

(Some sort of a person. Extra in short: Talaga lang ha??? Nasira yung weighing scale kanina nung tumuntong ka dun eh…)

(Ako: 0# ANOH???? *sabay kinatukan sa ulo yung nagsalita*)

(Isa pang epal: KA BOOBS NIYA SI PAKUNODA!) 

Heheh! Papaya naman yun eh… JUUMBOO! Ano ba kayo??? STOP TALKING ABOUT THAT SENSITIVE TOPIC!!!! Ah basta. But to soothe your curiosity, yung kay Machi na lang din… (magagawa niyo eh nacucutan ako kay Machi!?) 

(Hisoka: Narinig ko pangalan ng luvs ko? Kaw ha! Kahit ikaw ang direk dito makukuha kitang patayin! Wag mong babastusin ang Machi ko!)

WALA AKONG GINAGAWA SA MACHI MO! (namewang)

ANONG TINITINGIN-TINGIN MO NGAYON??? HALA, SIGE… LAYAS!

Hehe… tama na dun sa payasong yun… di ko na muna idedescribe yung characteristic ko. Bahala na kayong---

AYAN! BABABA NA KAMI!!!~~~

Andito na kami sa entrance ng Enchanted. Nagkaruckus na sa loob ng bus. HALA! NAGWAWALA NA ANG MGA MONGOLOIDS NG ST. THOMAS MORE!!!

(As you can see, galing ako sa isang Catholic school. Halata ba sa section ko? Thomas More?? Napakabanal ko noh? Pero yung mga tao sa min…

MGA DEMONYO!!!! (Mga Thomasites na nagbabasa nito, may naaalala ba kayo sa linya ko?)

Pero, pagtingin namin sa labas ng bintana ay biglang natunaw yung mga smiles namin…

"AAANNNDDDDAAAMMINNNGGGG TAAAAOOOOOHHHH!!!!~~~"

Bumaba na yung tour guide namin para kumuha ng tickets at once again, naistuck na lang kami sa loob ng bus…

"OK! Practice na tayo, Maki!" kinalabit ako ni Angelique, yung friend ko.

"AAAAHHHHHHH!!!!!!!"

Sabay-sabay naming sigaw.

Nataranta yung mga kaklase namin sa amin.

"Kayo Maki, ha! Thrilled kayo masyado!" may nagcomment na kaklase.

"Ehehheh…" napakamot ako ng ulo.

Nga pala, ngayon namang wala pa yung tickets namin eh magkukwento muna ako…

(Extra: Tama na! GUSTO KO NA NG CHAPTER ONE!)

(Ako: He! (at sinapak ang nagcomment… kung sino man siya).)

Ang pangit pala ng painting ni Juan Luna na "Parisian Life"! Kasi kanina pumunta kami sa GSIS museum dun sa may Pasay. Kainis nga eh dapat dito na lang kami dumiretso imbes na nag-aksaya ng oras dun…

***FLASHBACK***

"Bwiset naman oh!" napabulong ako habang naglalakad dun sa loob ng museum. Wala namang makikita dun kundi kung anu-anong paintings ng kung sinu-sinong painters na di ko din naman kilala. Lumiko kami sa isang room sa may kanan…

"48 million ang halaga ng painting na iyan." May nagintroduce. Syempre kaming mga usi eh di mo mapipigilang lumapit at makiusyoso din.

"YAN?? 48 million yan???" napacomment ako nang malakas nang makita ko yung painting ng babaing nakaupo sa upuan sa loob ng isang room…

YUN LANG. NO MORE, NO LESS… (pamilyar ba yung linya, Thomas?)

"Yan na ba yung "Parisian Life"?!" Napasabi ako nang ganun tapos nag-alisan na yung mga tao. Yun, naiwan ako dung pinagmamasdan pa rin yung painting.

"Heheh," napangisi ako. Haay, nako… umandar na naman ang tililing ko sa ulo…

Nilabas ko yung pentel pen na nasa bulsa ng maong ko. Tapos kunwari dinikit ko yung dulo ng pentel dun sa mukha nung babae. (NOTE: KUNWARI LANG) eh yon… di ko namalayan na bukas na pala yung pentel pen. Nadikit ko siya dun sa may bandang pisngi nung babae at nalagyan ko siya ng nunal. Gulat na gulat dun sa kalokohang nagawa ko, tinignan ko nung anong nangyari. Great coincidence nga naman… NAGING KAMUKHA NI MADAM PRESIDENT YUNG BABAE!!!

Sa takot na baka may makahuli sa akin eh kumaripas ako ng takbo at nabangga yung nakasalubong kong guard na papunta din doon sa loob ng kwartong yun.
Nakalayo na ako, and a few minutes later ay may narinig akong kahindik-hindik na sigaw… Well… hulaan niyo na lang kung anong nangyari…

***END OF FLASHBACK***

"MAKI!!!!" sinigawan ako ni President Jayson namin.

"AAYYYY!" nagulat ako.

"Ayaw mo ng ticket???"

"Eheh… gusto." Kinuha ko sabay may nakakainis na ngiti.

Yon, umalis na siya.

(Epal: Belat! Napagalitan!!!!)

(Ako: Shaddaffff! *namumula*)

Nakakita ako ng diyaryong nakaipit lang sa may upuan. Ah, oo nga. Yun yung binabasa ng katabi ko kanina. Para lang hindi ma-bore, kinuha ko na at pinagtyagaang basahin ang mga nakakainis na bad news na nakabold letters pa sa front page na parang proud na proud pa tayo na may masamang nangyayari sa bansa natin... (Di ba tama naman yung description ko?) Anyway, ayoko nang mag-sermon. Binuklat ko, at napataong napatigil ako sa Horoscope section ng dyaryo. Binasa ko yung para sa sign ko, at eto yun…

May kakaibang mangyayari sa iyo ngayong araw na ito. Maging adventurous at mapag-isa para maranasan ito…

Lucky Color: Violet

Lucky Day: Friday

Lucky Number: 7

Napatingin ako agad sa panyolito ko. Wow, violet pala yung nahila ko mula sa drawer. Hindi ko napansin yun, ha! Pagtingin ko sa shoes ko, may pagkakulay violet din siya. Pati baunan ko… natigilan ako habang lumalabas na ang mga excited kong mga Mongoloid friends…

Napangiti ulit ako bigla. May kakaibang aura na bumabalot sa aking pagkatao… isang aura na gustong kumawala sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay lakad pababa ng bus…

ACKNOWLEDGEMENT: Thanks kay Wing sa pagsulat ng last paragraph. It's gladly appreciated! (Obvious bang siya yung sumulat no'n?! Kahit kelan di ko magagawang maging makata!)

AUTHOR'S SHORT COMIC RELIEF CORNER:

INIS!!! BORING PA SIYA! Eh, sa bagay, umpisa pa lang naman eh… Reviews lang muna po….