PAG-IWAN… PAG-AABANDONA: (Bagong Taon na di pa rin kayo nagbabago?)
DISCLAIMER: (Haaaay, di pa nga…)
AUTHOR'S NOTES: I AM BACK, MINNA! Back from the dead! HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! SANA KUMPLETO PA ANG MGA BODY PARTS NIYO! Ngayon, pagkatapos ng mahaaaaaabang paghihintay, heto nang kasunod ng fic ko!
(Epal: WALA NANG NAGHIHINTAY SA YO, ANO!)
(Maki: Grrrr! Eto pa rin kayo? Di pa rin ba kayo nagbabago?)
(Extra: E ikaw tong nagawa ng linya namin e! Baka ikaw diyan ang hindi pa nagbabago!)
(Maki: Ah, oo nga pala… pero, di ba nga sabi sa inyo masyado nang madami ang ka-epalang ginagawa niyo sa fic ko?)
(Epal: Tigilan mo na lang kaya ang pagsulat sa lines namin.)
(Maki: Oke payn!)
Eniwe, matapos ang lahat ng comedy relief ng dalawa, kahit nagdaan na ang bagong taon ay…
TULOY ANG GULO! TULOY ANG PAMBUBULAHAW! TULOY ANG KWENTO!
~CHAPTER THIRTEEN: COSTUME CHANGE PO, MGA TAO!~
Nang makabalik na si Maki mula sa kanilang dakilang Recollection (parang a year ago na ito, ha!) at natapos na ang parte ni Thirteenth-Spider na alam kong nanggalaiti sa galit sa mga sinulat ko… Naglakad ang limang tauhan ng ating storya sa loob pa rin syempre ng E.K.
Gon: Maki-nee-san. *burp!* Sorry… nee-san, ano na pong gagawin natin susunod?
Killu: (lumaki nang todo-todo ang tiyan sa sobrang paglamon) Oo nga naman.
Kura: Parang magandang lumibot ngayon kasi konti pa lang ang tao.
Leo: Bitin ako sa kain huh.
Maki: (shocked glare to Leorio) HUH? DI KA PA RIN KUNTENTO SA ANIM NA CHOCOLTE MOUSSE, LIMANG BANANA SPLITS, AT PARANG ISANG LITRONG SPRITE™ NA ININOM MO?! TEKA, MAY TIYAN KA NGA BA?
Leo: Maliit naman yung mga chocolate mousse e! Ba't hindi mo pagalitan ang nakakain ng PITONG BANANA SPLITS diyan sa tabi mo, aber?!? (nagparinig at tumingin kay Killua)
Killu: ___# Kahit na, at least pito LANG yun, ikaw, labing-isa!
Maki: Hep, hep, hep… tama nang away! PAREHAS NAMAN KAYONG MADAMING NILAMON E!
Kura: Leorio, ikaw lang naman ata ang umubos sa pera ni Maki. Di ka na nahiya.
Leo: Pagkakaalam ko ay madami namang pera tong si Maki.
Killu: Oo nga naman.
Gon: Tama na nga, please! (baling kay Maki) Nee-san, ano nang gagawin natin?
Maki: Ummm…. Kayo. Kayong bahala.
Killu: GUSTO KONG SUMAKAY DUN… (turo sa Flying Fiesta) at doon din… (turo sa Roller Skater)
Kura: (namutla lang)
Gon: (nods) Oo nga. Masaya doon o.
Maki: Ah, so gusto niyong sumakay! AKO DIN E! KANINA KO PA GUSTONG LUMIBOT-LIBOT DITO!
Palakad na sila papunta sa mga rides, ngunit…
Voice: MAKI!!!!!! (sigaw sa malayo!)
Maki: Nggiiiii… (nanigas at ayaw lumingon)
Gon: Nee-san, may tumatawag sa inyo…
Killu: Ayun yung mga kasama mo o.
Kura: Maki, hinahanap ka nila…
Leo: Oo… at nandyan din yung magandang babaing yun. Maki, pakilala mo naman akwoh!
Naputol ang kanilang sasabihin nang hinablot sila ni Maki at binanatan ng takbo.
Gon: Maki-nee… san…. B-bakit?
Killu: Tumatakas ka na naman?
Kura: Bakit ba?
Maki: AYOKO KONG MAKITA NILA AKO!
Leo: BAKIT? KRIMINAL KA ANO? ABA! May kasama pala tayong serial killer, o magnanakaw!!
Maki: Tange! Hindi!
Leo: E bakit? (hingal!)
Maki: BASTA! TUMAKBO NA LANG MUNA KAYO!
Lumiko sila sa may bandang malapit sa may Flying Fiesta at luckily hindi sila nakita ng tatlong bugoy… yung mga kaibigan ni Maki.
Maki: Haaaay, (hingal!) Buti di nila tayo nakita.
Kura: (hingang malalim) Bakit ka ba biglang tumakbo? Bakit mo tinatakasan ang mga kaibigan mo?
Gon: E di ba kaibigan mo sila?
Maki: (hinga) E kasi, oo nga, sila ang mga kaibigan ko, pero… pero sabi sa horoscope ay kailangan kong maging mapag-isa para maranasan ang mangyayari sa aking kakaiba…
Killu: Ano? Saan yan?
Maki: Sa horoscope.
Leo: Ano? Ano yung horoscope? (innocently… hindi bagay!!)
Maki: Ay, oo nga pala. Yun yung mga hula…
Kura: (napangiti at lumingon sa tatlo) Ah, ayan yung parang ginagawa ni Neon-sama.
Gon and Killu: Ah, ayun ba? Mayroon din pala nun dito.
Gon: Ibig sabihin di pa naman pala tayo gaanong napapalayo sa Hunter World.
Killu: (ngiti… yung cute ha! ^___^ ) Oo nga. Kahit papaano ay may pagkakaparehas pa rin.
Leo: (kamot ulo, unggoy-style) A…ano yun? S-sino?
Maki: (sarcastically) Oo nga, yung ginagawa ng maarteng yun.
Neon: Huh? Kilala mo si Neon-san, nee-san?
Maki: Ah…. (iling in denial) H---hindi….
Killu: (tingin suspiciously kay Maki)
Maki: (sweatdrops) (isip) Ah…. Muntikan na naman ako dun…
Gon: E, nee-san, anong plano mong gawin para di ka habulin nung mga taong yun?
Leo: Oo nga, (hingal!) Ayoko nang mapagod nang ganon. Baka magka-appendicitis ako.
Killu: Aba, TITO LEORIO, alam mo pala ang term na yun.
Leo: Aba, oo naman! Anong tingin mo sa akin? Walang planong mag-doktor?
Killu: A, sa totoo lang… ang tingin ko sa'yo ay… ganoon na nga…
Leo: ANO!?
Killu: Hindi ka naman siguro bingi ano?
Gon: Oy, tama na yan.
Maki: Ah, siguro kailangan kong magbago ng damit.
Kura: Ah, oo nga. Para hindi ka makilala ng mga taong humahabol sa iyo.
Maki: Oo, tama ka diyan, Kurapika. Yung parang ginawa mo para mas madali mong mahuli si Kuroro.
Kura: (namula ang mga mata nang narinig ang salitang "Kuroro") SPIDER!!! WAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG MGA SPIDER SA HARAPAN KO!!
Maki: (tinakpan yung bibig niya) Ah… sorry…. Di ko alam na…
Leo: Maki, anong ginawa mo kay Kurapika? Huwag kang magbabanggit ng mga pangalan ng tiga Genei Ryodan sa harap niya.
Killu: Mapanganib ang mangyayari.
Maki: Ah…. Sorry. Pero, (binago ang usapan) Anyway, o. Kailangan kong magpalit ng damit kasi ito (tinuro ang kanyang suot na P.E t-shirt ng school nila) at ito (tinuro naman ang maong pants niya)… Ito ang simbolo ng aming eskwela.
Gon: Ano po yon, nee-san? PAGKAIN? (shimmering eyes) FRUIT?
Maki: Haaaay Gon. Kakakain mo pa lang, gutom ka na naman? Ibig sabihin, hinahanap ng mga tiga-school namin ang mga taong nakaganito. Kaya, tiyak na hahanapin din nila ako. So, kailangan kong tanggalin ito para hindi nila ako hanapin. Nakukuha niyo ba?
Killu: Ah… hindi. o)______(o
Leo: O___o?
Kura: (sweatdrops) Medyo malabo ang sinabi mo pero, sige, tutulungan ka namin para mag-balat kayo, ang isa pang tawag sa mga sinabi mo.
Maki: Wala pa ring nakaintindi sa akin? (isip) Ang hihina naman ng mga utak!
(Maki: Oi, exception si Killua-kun diyan!
(Th: At exception din si Kurapika-san diyan! Ang tali-talino nun e! Ang utak-utak!)
(Maki: Bweh? Si Kurapika? Mautak? E wala namang inisip yan kundi kung paano maghiganti sa Genei.)
(Th: E kahit na! Yung iniisip niyang yon ay ginagamitan niya ng strategy! Yang Killua MO e hindi naman nag-iisip bago umatake sa kalaban!)
(Maki: PANG-ASAR KA HA!)
(Th: Paghihiganti lang yan! BELAT!)
(Maki: Asar ka, ALTAGRACIA!)
(A/N: Yung bagong Espanyol soap opera sa hapon. Pagkakita ko dun ay naalala ko agad si Th kasi… HINDI PANTAY YUNG MATA NUNG BIDA!!)
(Th: HOW DARE YOU! _______#)
(Maki: Bleh! (nandila)
(Th: Pikang-pika na ako sa yo ha! ARA!!)
(Kura: (naligaw sa scene) Huh? May tumawag ba sa pangalan ko?)
(Th: KURAPIKA!!!! SI MAKI O! INAAPI AKO!)
(Maki: Bleh, sumbungera!)
PRRRRRT!!!!! *ihip ng pito* SABI NANG WALANG PANIRA E! TULOY…
Gon: A… anong gagawin natin ngayon?
Killu: Saan ka kukuha ng damit?
Maki: E… yun nga ang problema ko e…
~BEHIND THE SCENES ITO!~
At naghanap na nga sina Maki ng kaniyang bagong costume…
CASE ONE: MENCHI na kasalukuyang naghahanda ng kanyang sushi specialty.
Maki: A…e, Menchi-san, meron ka bang spare na damit diyan?
Menchi: A, damit ba kamo, Maki? Teka… saglit.
Maki: Haaay, sana matino naman yung ibigay sa akin. Ayokong magmukhang sira.
Gon: Hnnn…. Sigurado po ba kayo sa taong hinihiraman niyo?
Maki: Ewaaan (Hisoka's trademark statement now spreading!)
Pagkalipas ng ilang saglit…
Menchi: Ayan…
Killu: BWAHAHAHAAHAHAHA!!!!!
Kura: (namula)
Leo: (more outrageous, monkey-like laugh)
Maki: (sigaw na halos matanggal ang tutuli nilang lahat sa tenga) INAASAHAN MO AKONG MAGSUOT NG GANITO!? (hinawakan ang fishing-net insipired t-shirt na seal ni Menchi)
Menchi: (mas malakas sa sigaw ko, talo akow!) IKAW BA NAGREREKLAMO, HA?! (nilabas ang kanyang dalawang trusty daggers at hinasa ito)
Maki: Ah…. H--hindi n-naman…
Leo: Maki, mamili ka naman ng paghihiraman mo ng damit. Mapapahamak tayo niyan e.
CASE TWO: PAKUNODA
Paku: Sino yan? (tutok ng baril)
Maki: H-huwag po, Paku-san…
Paku: At sino ka naman, ha?
Killu: Nakakatakot…
Kura: Killua, tumitindig ang balahibo mo, ah?
Killu: Nggiii….. (nangangatog)
Kura: May takot ka rin pala. Ako, galit… pigilan mo ako baka di ako makapagtimpi. (namula ang mga mata)
Maki: Ako po si Maki, ang gumawa ng fic na ito.
Paku: Totoo ba yan? (lumapit at hinawakan si Maki)
Maki: (nanginig)
Leo: Hindi ko kaya.
Gon: Ako rin, parang nakakatakot yang ginagawa niya a.
Paku: Oo nga. Anong magagawa ko para sa yo, bata?
Maki: A, e… pwede po bang makahiram ng… oo nga pala, wala ka naman palang ibang sinusuot kundi iyan…
Paku: Ah, manghihiram ka ng damit?
Maki: Ah, opo… pero… huwag na po.
Paku: Bakit naman, e madami ako dito?
Maki: Nakakahiya naman po kasi nakakaabala ako e. (bulong) At saka sa iyo pa nga lang kulang na yang damit mo e.
Kura: o)____(o
Paku: ________#### (hinanda ang kanyang Memory Gun)
Killu: (hinila si Maki't kumaripas ng takbo)
Maki: (innocent look) M-may nasabi ba akong m-masama?
Leo: Masama, Maki. Napakasama. (sweatdrops)
CASE THREE: MACHI
Machi: Ah, damit ba? Teka lang, bata. (at ginamit niya ang Nen para makagawa ng damit in lightning speed) Eto na…
Kura: (mapula pa rin ang mata)
Killu: Wow, ambilis!
Leo: Ang galing naman nun.
Gon: (mangha ito!)
Maki: Machi-san. Alam niyo po napakabilis at napakagaling niyong manahi…
Machi: Siyempre naman! Papatayin kita kung hindi ganun ang tingin mo sa akin!
Maki: …Pero, aaminin ko, ang pangit mong manahi. Nasaan ba ang mga manggas nito? (hinanap sa damit)
Machi: HUMANDA KA, BATA!!!! (binato ang kanyang thread at pinalupot kay Maki)
Gon: Nee-san…
Kura: Napapahamak dahil sa napakagarapal na pananalita!
Leo: Tsk tsk tsk…
CASE FOUR: SHIZUKU (my favorite character!!! Hehe)
Maki: Magandang hapon, Shizuku. Si Maki ito, yung gumawa ng fic. Pwede bang makahiram ng damit mo diyan? Kailangan lang talaga…
Shizu: Ah, okay. Pero, teka, sino ka nga ba ulit?
Maki: Ako po si Maki, yung gumawa ng fic na ito…
Shizu: At anong kailangan mo?
Gon: (sweatdrops) Wheh?
Maki: Kailangan ko po ng damit niyo na hindi niyo suot.
Shizu: Ah, okay… hahanap ako. Saglit lang.
Makalipas ang ilang minuto…
Shizu: Ah, bata… anong pangalan mo ulit?
Maki: Maki po.
Shizu: Ah, Maki… nakalimutan ko kung anong pinapahanap mo. Ano nga ba ulit yun?
Maki: (sweatdrops) Ah, damit po…
Kura: (nakatingin na sa relo niya)
Shizu: Teka, nakalimutan ko kung nasaan nakalagay yung, ano yun?
Maki: Damit po… D-A-M-I-T po.
Shizu: Hintay ka lang, ha? (umalis)
Leo: Magiging mahaaaabang usapan to, mga tol.
Makalipas ulit ang ilang minuto…
Shizu: Ah…
Maki: Ang pangalan ko po ay Maki (medyo naiinis at nawawalan na ng pasensya)
Shizu: Salamat, tatanungin ko na nga sayo yun e. Di ko maalala kung nasaan ko nailagay ang mga… teka, ano nga pala yun?
Maki: (Hala, umiinit… kumukulo, kumukulo!!!) Damit po, Shizuku-san…. Grrrrr…
Killu: (nagkakamot na ng ulo) Ang tagal naman…
Leo: (natulog na sa sofa)
Gon: (tulala sa lahat)
Kura: (nagbabasa na lang ng kung anu man)
Makalipas ang pagmumuni-muni…
Shizu: Ah, sorry nakalimutan ko kung anong pinapahanap mo e… teka… anong pangalan mo ulit? Sino ka nga ba? At bakit ka nga pala nandito?
Maki: DAMMMIIIT!!!!!!!! GRRRRR!
Shizu: Ah, damit…
Maki: (hinatak na yung apat at binanatan ng walk-out)
Shizu: Saglit….
~BLAGGGGGGHHHHHH!~
Shizu: Ba't ba masyadong mainit ang ulo niya? Saglit, ano nga palang ginagawa ko kanina? Ba't buhay si Deme-chan? Nasaan na ang sofa? (lingon-lingon)
CASE FIVE: NEON na kasalukuyang nanghuhula
Neon: Guards, samahan mo sila sa kwarto ko.
At yun na nga.
Neon: Madami akong collection dito… *giggle* Alam mo, *giggle* ikaw pa lang ang nahiram sa mga gamit ko. Mapalad ka!
Maki: E, Neon, hindi ba siya nanghihiram sa mga damit mo? *tinuro si Kurapika*
Kura: O____o??! Ba't siya nakatingin sa akin?
Leo: (ngingisi-ngisi)
Killu: (pinipigilan ang tawa)
Neon: Ah, hindi naman. Di ba lalaki yun?
Maki: (pinipigilan ang tawa) Ah…. *chuckle* hindi naman. Patingin na lang ng mga damit mo.
Neon: Eto… (nilabas ang isang eerily-frilly-girly dress na kulay lilac na spaghetti-strapped na above-the-knee… basta! LAHAT NG KADIRI!!!!!) Maganda sa iyo, di ba? (nilapit pa kay Maki ang damit) ANG CUTE SA YO!!!
Maki: (sweatdrops) ehhhh…..ehhh….. a---ayaw ko ng style mo…
Neon: Ah…. e di eto na lang. (nilabas ang long-skirted na dress na kulay light blue…. Pero frilly pa rin! WAAAAH!) Mas bagay sa iyo! *giggle*
Maki: (nadiri na talaga) YUCK!! KADIRI! AYOKO NIYAN! MASYADONG GIRLY!
Neon: Hindi! *giggle* Bagay sa iyo yan!
Maki: AYOKO!
Neon: Wala ka nang magagawa *giggle!*
Few minutes later… pumasok na sina Kurapika…
Leo: (pinipigilan ang tawa)
Gon: N---nee-san?
Killu: (natulala)
Kura: Hnnnn….? (sweatdrops)
Neon: Ayan, bagay sa kanya, di ba?
Maki: (namumula nang todo-todo!) WAAAAAAHHHHHHH! *hikbi!* HUHUBARIN KO NA BA?!?! AYOKO NITO!
Leo: Wow… babae ka pala talaga, Maki.
Gon: Nagmukha nang ate si nee-san!
Killu: Wheh? Aba, nagpalda.
Kura: Bagay sa iyo. Maganda yung kulay sa iyo, Maki.
Maki: AYOKO!!!! HINDI PROM ANG PUPUNTAHAN KO!!! PWEDE KO NA BANG HUBARIN?
Neon: Kulang pa! Kailangan natin ng *giggle!* MAKE-UP!
Maki: Hindi karnibal ang pupuntahan ko! Hindi ako clown! WAAAH! (nagtatatakbo, hala… muntikan nang mapatid)
Neon: (nagtatampo) Maganda yun sa kanya! *iyak!*
Kura: Ayos lang yun. Alam mo naman yun…
Killu: …Maton, heheh!
Gon: Sobra ka naman, Killua.
Pagkahubad ni Maki…
Leo: Dapat yun na lang talaga yung sinuot mo. Nagmukha kang babae.
Kura: Bagay pa sa yo. Totoo, walang biro.
Maki: (hinagis ang damit sa mukha ni Kurapika… hala, K.O!) Ikaw yata ang may gusto dun sa damit e ba't hindi ikaw ang magsuot?!?
Kura: ARAY!!
Leo: *chuckle na ubod ng comical*
Gon: ~________~
Killu: BAGAY, AHAHAY!
Kura: (namula!)
~END NG BEHIND-THE-SCENES!!~
Maki: Wala talaga e… paano ba yan. (napatingin sa mga kasama niya) Teka! Ba't hindi ko naisip yun?
Kura: Naisip, ang alin?
Maki: Katapat ko na nga lang kayo e ba't hindi kayo ang una kong tinanong?
Leo: May point ka dun…
Killu: Nga naman.
(Th: Ngayon mo lang naisip yun? Ang tanga naman!)
(Maki: MANAHIMIK KA, ALTAGRACIA)
(Th: SABI NANG----)
(Maki: BEH!)
Maki: Gon, meron ka bang extrang damit diyan?
Gon: E---eto. (huhubarin yung jacket niya)
Maki: Hindi yan! Yung hindi mo suot. At saka ang pagkakaalam ko ay dati kulay white yang damit mo. Kaya lang naging green ay dahil napuno na ng amag dahil hindi mo tinatanggal!
Killu: (napahalakhak. Tinginan ang mga tao!)
Leo: At tinubuan na din siya ng gubat sa outfit niya! Bwhahahaha! Para siyang nagtatayo ng sariling ecological farm sa katawan niya, may kasama pang microorganisms! Hahahaha!
Gon: Kung mang-api naman kayo… *hikbi!*
Kura: Kawawa naman si Gon, pinagkakaisahan niyo.
Maki: Actually, kulay white din yung damit ni Leorio e. Napuno nga lang ng pinaghalong pawis at libag kaya naging parang tuxedo. Kahit labahan niyo yan, DI NA MATATANGGAL ANG LIBAG NIYAN! NANIKIT NA SA TELA!
Leo: (Namula… ewan ko kung sa asar o sa hiya. Teka, nahihiya ba ito?) NAMAN!
Killu: Gwhehehehehe!
Leo: Maawa naman kayo sa akin. Kurapika, di ka ba naaawa sa akin?
Kura: Okay lang yan, Leorio. Karma lang yan. (tapik sa balikat)
Leo: WAAAAH!
Maki: E ikaw, Kura-san, meron kang damit?
Kura: Wala e. Sorry ha.
Killu: Ah, ibig mong sabihin wala kang damit! BARENAKEEED! (nakanta)
Kura: Meron no! MAY DAMIT AKO! SUOT KO!
Maki: Nga pala, kung manghihiram ako sa yo e parang nanghiram na din ako kay Neon-chan kasi… hehehe… puro papalda din naman yung iyo. Hoop skirt pa nga!
Leo: NGA NAMAN!
Kura: (Eto namula ito dahil sa hiya. Meron naman siya nun e.) Maki… h-hindi naman.
Maki: (napakamot ng ulo) Parang wala din pala akng mapaghihiraman nang ayos dito. Wala rin naman palang may baong damit dito e.
Gon: Si Killua, meron!
Killu: Ano? Ako? W-wala a!
Leo: Kunwari ka pa! Meron ka diyan. (hinablot yung bag niyang dala-dala)
Hinalungkat ni Leorio ang bag, at…
Leo: AHA! MAYROON SIYANG… PALDA!
Killu: (namula… sa galit) WALA AH!
Gon: Eto! (nilabas yung extra sando niya)
Maki: Ayan naman pala e! Ayos na yan!
Killu: Ikaw? Magsusuot ka ng sando, Maki?
Leo: Whooo!
Maki: May angal? At least hindi spaghetti-strapped! (A/N: That's my WORST nightmare)
Kura: Nga naman, ano.
At yun na nga… sinuot na niya, siyempre sa loob ng CR , at…
Maki: Ano, mga pare? Ayos ba? (pumorma pa!)
Gon: N-nee…san?
Kura: Akala ko lalaking nanggaling sa CR ng babae!
Leo: ASTIGIN!
Killu: M-maton ka nga…
Maki: HINDI HA! Pero, mukha nga… (sweatdrops)
Leo: Macho ka pala… (napatingin sa malaking muscles ni Maki sa braso)
Maki: Nagweights to! (sabay suot ng kaniyang sumbrero) Ano? Ayos na bang balat-kayo?
Kura: Di ka na nga makikilala sa lagay mong yan.
Gon: Mukha ka nang nii-san…
Maki: HINDI NAMAN GANUN! Teka… ang luwang naman nito sa braso!
Killu: Huwag mong dudumihan yang damit ko!
Maki: Don't worry, Killu-kun. Pero kung nadumihan, akin na lang ha!
Killu: WAGH!
Maki: Hehehe, dudumihan ko to!
Killu: WAAAAAG!
Kura: Maki o. Yung mga kaibigan mo.
Maki: Hayaan mo sila!
Gon: Papalapit na sila, nee-san.
Maki: Tignan natin kung makikilala nila ako.
At napadaan na lang sila sa may tabi ni Maki… nagbibiruan at naghahalakhakan nang malakas. Di man lang nila pinansin si Maki.
Leo: Wow, ang ganda niya talaga. Maki, anong pangalan niya?
Maki: YOSHA! DI AKO NAKILALA! EFFECTIVE!
Leo: Sabihin mo na, please?
Killu: Nga naman. Di pa namin sila kilala…
Maki: Pangalan lang ha? Wala sa personal.
Gon: Okay lang po yon, Maki-nee-san! ~____~
Maki: Okay. Yung chubby dun ay si Ma, tapos yung mahaba yung buhok ay si Cogi… tapos, yung kinaaadikan ni Leorio ay si…
Leo: Si?
Maki: Nalimutan ko e!
Leo: NAMAN!!!!! SABIHIN MO!
Maki: Oo na nga. Siya si Angelique.
Leo: Angelique… napakagandang pangalan! Napakaganda… *hearts everywhere!*
(A/N: Oi, Lilicon to ah! (sa mga taong di alam ito, mas mabuting di niyo na nga alam. Sa mga taong alam, quiet na lang kayo)
Maki: Ang sagwa naman ng pairing… (inimagine ang itsura ni Angelique and Leorio with the background of shimmering hearts and flowers… at halos masuka na kahit di pa sumasakay ng rides)
Gon: Nee-san, ano na pong gagawin natin?
Maki: Ngayong wala nang makakakilala sa akin, let the fun begin!!
ALL: YOSHA, LET'S GO!
At magsisimula na nga ang mga MAIN adventures nila…ONLY, AT ENCHANTED KINGDOM!
~DITO NA MUNA ANG PUTOL, MGA GUYS. KUNG INAAKALA NIYONG MATATAPOS NA ANG FIC KO, NAGKAKAMALI KAYO! WALA PA ITO SA KALAHATI! NAGSISIMULA PA LANG ANG LAHAT NG KABALBALAN! (KITA NIYO NGANG WALA PA SILANG NASASAKYANG RIDES AT NAKIKITANG MGA TAO E TATAPUSIN NIYO AGAD? ANO KAYO?) REVIEWS PO ANG HINIHINTAY KO… SIYEMPRE, MULA SA INYO!~
