Ang Pagtugis (The Hunt)
A Sakura Taisen Fanfic done almost entirely in Tagalog
by Jemu Nekketsu
DISCLAIMER: I don't own Sakura Taisen. If I did, I wouldn't be calling this a fanfic, right?
I. PARIS
"Kung ganoon po, sasama po kayo sa akin sa Japan upang mag-imbestiga?" tanong ko sa matandang ginang.
"Oo. Malaking gulo ang pangyayaring ito, at hindi ako matatahimik at uupo na lamang sa isang tabi habang nagdurusa ang aking mga alaga," ang kanyang sagot sa akin. "Halika, Ginoong Detektib, at sasamahan kita sa mga bata upang masimulan mo na ang inyong imbestigasyon. Baka mas madaling makipag-usap and mga iyon sa isang estranghero kapag kasama ako, hindi ba?"
"Tama po kayo doon, ginang." Napatingin ako sa pusang yakap ng babae sa kanya. Para bang kinikilatis ako nito. Siyempre, hindi ako patatalo sa pusa kung titigan din lang ang laban. Dahil magaling ako diyan.
"O, siya, tawagin mo akong Grand Mere, ginoong Torero. Lahat ng narito ay iyon ang tawag sa akin. Medyo na-aasiwa ako sa pagtawag sa akin ng ginang. Hindi pa naman ako ganoon katanda, di ba?" sabi niya, sabay tayo. Ang pusa naman ay tumalon pababa sa sahig.
"At tawagin na lamang ninyo ako sa pangalang Pol."
"Pol? Napakaikli naman ng iyong pangalan, iho. Ano ba ang iyong buong pangalan, ha?" tanong ni Grand Mere.
"Apolonio po. Kapangalan ko po ang aking lolo sa tuhod."
"Apolonio, Apolonio. Marahil ipinangalan ka katulad ng sa Romanong diyos-diyosan ng araw, hmm?"
"Tama po kayo. Mahilig po sa mitolohiya at lumang kasulatan ang aking lolo. Nang pumanaw po siya ay iniwan niya sa akin ang kanyang aklatan."
Tumigil kami sa paglakad sa harap ng isang pinto. Nasa ikalawang palapag na kami ng mansyong Bleumer. Ayon sa aking pagsaliksik, mayaman na mayaman ang pamilyang Bleumer. 'Alta sociedad', o mataas sa lipunan sa Tagalog. Naiisip ko na ang magiging epekto nito, lalo na kung kumalat sa media ang balitang buntis ang 'unica hija', ang kaisa-isang anak na babae ng pamilya, at hindi makita ang ama.
Kumatok sa pinto si Grand Mere. "Sino iyan?" tanong galing sa loob.
"Mga anak, ako, ito, ang inyong lola. At mayroon akong kasamang masugid na tagahanga ninyong lahat," sagot niya.
Bumukas ang pinto. Nasulyapan ko ang isang babaeng naka-salamin na may pilak na buhok. Akala ko noong una ay isang katulong na matanda, pero napansin ko na wala pang kulubot ang kanyang balat. "Lobelia Carlini," nasabi ko sa aking sarili. Isa sa mga kabilang sa pangkat teatro sa umaga, pangkat laban sa kadiliman pag gabi. Kasamahan ni Glycine Bleumer, may napakalaking sentensya sa kanyang ulo. Ngunit pinalaya, 'sa mga espesyal na rason.'
"Sino siya, Grand Mere?" tanong ni Lobelia habang pumapasok kami sa loob ng silid. Mariin niya akong tinitignan, gaya ng pusa kanina. Ipinasya kong ipakilala ang aking sarili, at taliwas sa pasabi ni Grand Mere kanina ang aking ginawa.
"Buenas dias, mga binibini. Ako si Pol Torero. Isa akong detektib, at espesiyalisasyon ko ang pagiging tahimik at epektibo. Kasama ako sa Fuerza Espesyal de Investigaciones. At narito ako ngayon upang magbigay ng tulong, dahil malaki ang aking utang kay Ginang- ah, sa inyong Grand Mere."
Tiningnan ko ang kanilang mga reaksiyon. Medyo namuti si Lobelia. Detektib? Nais kong matawa. Dumako ang aking pansin sa iba pang mga tao sa loob ng silid.
"Bonjour, monsieur. Tawagin po ninyo akong Coquelicot," pakilala sa akin ng batang may buhok na kakulay ng narang pinakintab. "Siya po si Lobelia, at ang mga tatlong mariang nasa sofa ay sina Ate Erica, Ate Glycine, at Ate Hanabi."
Alias: Coquelicot. Taga-Vietnam, pero hindi mukhang asyano, lalo na ang kanyang buhok at panagalan. Erica Bellafontaine. Edad, 16. Buhok, may halong pula. Nais maging madre, ngunit napagpasyahan ng Diyos na magsilbi sa ibang paraan. Glycine Bleumer, 16, may ginintuang buhok, na namana sa mga ninunong Viking. At Hanabi Kitaoji, 17, klasikal na Haponesa. Bagay sa kanya ang itim, gaya ng buhok niya, kahit mukha siyang naglalamay. Marahil, hindi pa rin niya makalimutan ang pagkamatay ng kanyang nobyo, at ngayon, ang fiasco na ito...
"Ikinagagalak ko kayong makilalang lahat. Ngayon po, kung hindi po nila mamasamain, maari po b akayong matanong?"
"Ay, Pol, may hinahabol ka bang palabas o kausap sa tanghalian? Hindi ganyan dito sa Paris" pananaway sa akin ni Grand Mere. "Mag-tsaa muna tayo, ano sa palagay mo?"
Bago ako makasagot, bumukas na ang pinto. Pumasok ang dalawang katulong na Pranses, sina Mer at Ci. Nagulat ako at naalala ko pa ang mga pangalan nila. Sabagay, kung ganyan ba naman kaganda ang mga sekretarya sa headquarters, tatandaan ko rin ang mga panagalan nila. Dala-dala nila ang isang tray na may tea set, at isang plato ng mga biskwit. Matapos ilapag ang mga dala sa lamesa, yumuko ang mga ito at umalis. Iyon marahil ang tinatawag na 'curtsy'. Sana, mag-curtsy sila muli, lalo na iyong si Ci.
Si Coquelicot ang nag-abot sa akin ng isang tasang tsaa, at ganoon din kay Grand Mere. Pero, siya, at ang iba pang kasamahan niya sa Kagekidan ay hindi uminom. Habang nagtataka, sumipsip ako mula sa aking tasa. At muntik nang mabulunan: malamig ang tsaa, at kung hindi ako nagkakamali, may alkohol na kasama ito. Nakita kong nakangisi si Lobelia, na para bang may nakakatawa pero hindi ko alam.
"Pol, ayos ka lang ba?," tanong ni Grand Mere. "Namumula ka diyan, na parang namumukadkad na rosas."
"O kaya baboy na nililitson," pang-inis ni Lobelia.
"A, wala po ito, ayos lang ako, salamat." Kaya pala hindi kumuha ng tsaa si Glycine, dahil may alak ito. Pero sina Erica at Hanabi ay hindi rin! Hindi kaya...
Napansin marahil ni Erica ang aking tingin sa kanilang tatlo, at wala-walang bigla na lamang itong humagulhol.
"Naku, paumanhin, binibini. Hindi ko akalaing maiiyak ka sa pangit kong mukhang nakatitig sa iyo."
"Hindi. Hindi mo kasalanan," pakli sa akin ni Erica. "Naaalala ko lang si Ichiro at ang gabing iyon..." sabay hagulhol muli.
Tinakpan ko ng kaliwang kamay ang aking bibig upang bumuntong hininga. Siya rin pala, kung ganoon, ay pinaluha ng Ogami na iyon. Tarantado. Tumingin ako kay Hanabi. Tahimik lang siya, pero nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Ayaw kong gumawa ng isang faux pas, pero kailangang kong itanong. Binibining Kitaoji, kayo rin ba ay, ay, ah, ano..." Hindi mapakali ang aking kanang kamay, na wari bang namimingwit ng salita.
"Oo." Walang bahid ng emosyon ang salita, ngunit nakita ko sa kanyang mga mata ang pilit niyang itinatago.
"Papatayin ko siya! Hahanapin ko siya, at pagkatapos, pagpipira-pirasuhin ko ang katawn ng Ogami na iyan!"
"Glycine, hija, huminahon ka. Heto, kumuha ka ng biskwit. Paborito mo ang mga iyan, hindi ba?"
"Ayoko! Hindi ako tatahimik kahit sino ang maysabi!" sabi ni Glycine, sabay pukol ng paghamon sa akin gamit ang kanyang mga mata.
Alam ko ang susunod na sasabihin. "Kung ganoon, ay dapat maunahan mo ako, binibini, o makiusap na magtira pa ng bahaging mapagbubuhusan mo ng galit. Dahil ako rin mismo ay gustong tagpasan ng ulo ang hayop na iyan."
"Ganyan ba ang mga salitang tinuturo sa Akademiya ng mga Pulis?" tanong sa akin ni Lobelia na may halong pangungutya.
"Perdone, binibining Carlini, pero hindi ko sinabing ako ay isang pulis. Kaya wala akong kapangyarihan upang arestohin ka. Makakahinga ka na ng maluwag."
"Kailan ba ako nagsabing kinabahan ako?" Ngiti.
"Tama na iyan. Ngayon, heto tayo. Ayon sa aking data, nawala si Ogami noong makalawa pa, tama ba ako?"
"Opo," sagot ni Erica.
"Kung ganoon, hindi pa siya gaanong nakalayo. Tandaan po nating isang buwan ang aabutin kapag kayo ay lumayag papuntang Japan mula dito sa France."
"Ano ngayon? E di nasa dagat na siya ngayon! Palayo na siya mula sa amin!" sabi ni Glycine.
Pinansin ko ang mga salita niya. Amin, hindi akin. Plural na posesyon, at hindi singular. "Hindi po problema sa aming organisasyon ang bilis, o sa kasong ito, ang bagal ng mga barkong konersyal. Kaya po naming humabol sa pamamagitan ng aming steam jet runners. Hindi po sa nagyayabang ako, pero iba ang aming organisasyon."
"Kung ganoon, kailangan na lamang nating malaman kung aling barko ang ginamit niya. Hindi rin siya makakapagtago, dahil may Wanted Poster at manhunt na isinasagawa ng mga pulis, army, at mga mersenaryong nabili ng perang Bleumer." Ngayon ko lang narinig na magsalita ng mahaba si Hanabi.
Tumunog ang telepono. Tumayo si Grand Mere upang sagutin ito. Samantala, lumipat ang pusa kay Coquelicot at nagsimulang maglambing.
"Ah, si Inspektor Torero? Oo, narito siya. Sandali. Ah, ito ay isa lamang katulong sa mansyon Bleumer. Heto na po ang Inspektor." Iniabot sa akin ng ginang ang telepono.
"Si Pol Torero ito. Namataan ninyo ang target!? Lokasyon!? Ano!? Sa isang barko, ang Fleur de Lisa? Nasaan na ito!? Nasa Japan na!?"
"Imposible!" sabay-sabay na sigaw ng mga babae. Akala ko ay mababasag ang eardrum ng tenga ko. Mabuti na lang at maglilinis pa lang ako ng tenga mamayang gabi.
"Anak ng puta! Paano nangyari iyan! Pasensiya, hindi ikaw ang minumura ko, ang gagong iyon. Wala ba tayong agente sa Japan ngayon? Wala!? E di lumayas ka na diyan sa telepono, kakausapin ko si Chief! Dalian mo!" Huminga ako ng malalim. "Sori po, kung naging barumbado ako. Mainitin po talaga ang ulo ko," hingi ko ng paumanhin sa mga babae.
"Naiintindihan ka namin, mon ami, kung bakit ka nagkakaganyan. May simpatiya ka na sa kalagayan ng mga alaga ko, hindi ba?" tanong ni Grand Mere.
"Ang totoo po niyan, ay - hello, Chief? Opo. Narinig ko na po. Ngayon po? Huwag ninyo pong sabihing... sa ibabaw namin!? O, sige po. Paalam po." Nilingon ko ang mga babae sa silid. "Susunduin na ako at tutungo ng Japan para hanapin si Ichiro Ogami. Kung desidido po kayong sumama, Grand Mere, ay..."
"Maaari ba akong magsama ng lang tao, Pol?"
"Ah, opo, kung gusto po ninyong isama ang dalawang sekretarya ninyo, pati na po si Kuting ay kasyang-kasya! Kayang-kaya po ng sasakyan namin ang kahit na sampung karwahe at dalawampung kabayo na hindi pumupugak!"
"Maluwag, ano? Mabuti. Mga hija, mag-impake na kayo. Magbabakasyon tayo sa lupain ng mga samurai!"
"Teka po! Ang ibig po ninyong sabihin..."
"Silang lahat, pati ang mga F2."
"Anong klaseng sasakyan naman iyan na ganoon kalaki at magdadala sa aming lahat sa Japan, ha?" tanong ni Glycine.
"Hindi nito kayang dalhin tayo agad sa Japan. Sa halip-" Hindi ko natapos ang aking pangungusap, dahil may tila bang isang bagyo ang bumaba at pumarada sa labas lamang ng bintana ng silid. "Ah, eto na ang sundo natin. Talaga bang pupunta kayong lahat sa Japan? 'Teritoryo' niya ang bansang iyon, at ako'y unang dalaw ko pa lang doon."
"Hindi 'kayo', mon ami, pero 'tayo.' Kukunin muna natin ang mga F2 Kobu sa kanilang pinaglalagyan, pagkatapos ay makakaalis na tayo."
Alam ko kung anong mga laban ang walang panalo, kahit na ano ang gawin mo. At nakikita ko na tila napawi ng kaunti ang pagluluksa ng mga buntis. Oo nga pala... "Erica, Glycine, Hanabi, wala naman sa inyong nahihilo kapag nasa loob ng sasakyan, mayroon ba?"
"Napakabobong tanong! Lumalaban kami sa loob ng Kobu, tinatanong pa ba iyan?" ani ni Glycine.
"Valid ang tanong ko. Iba ang takbo ng mga jump transport namin kaysa sa Kobu ninyo. Mas mataas ang akselerasyon nito, at paulit-ulit."
Pinaliwanag ko ang physics at mechanics ng jump transport habang palabas kami patungo sa harap ng bahay. Malaki ang jump transport, pero hindi nito kayang buhatin ang lahat ng mga Kobu at iba pang kagamitan. "Pero hindi problema," passabi ko sa mga kasama ko, "at tatawag pa ako upang salubungin sa Chattes Noir. Mauna kayo." Ipinagbukas ko sila ng pinto, gaya ng iniuutos ng pagiging lalake. Para itong isang autobus na may dalawang palapag. Mas maganda ang mga akomodasyon sa itaas, at ang operador at mga kasamahan nito ang nasa ibaba. Pero kaming mga ahente, puedeng sa ilalim na rin lang. Macho kami, di ba? Okey lang tumayo. Ganoon nga, nakatayo ako at nakikipagusap sa base nang sumilip si Coquelicot at sinabing hinahanap daw ako ni Grand Mere. Akyat naman agad ako. Ayokong magalit si Lola, baka kung ano pa ang mangyari sa akin.
Parang maliit na salas ang itaas ng jump transport na ito. Mukhang ito yung ginagamit na panghatid at sundo sa mga importanteng tao, gaya ng mga ambasador at opisyal ng gobyerno. Ayos. Makakaupo na rin ako sa malambot. Pero hindi pa ako pinapaupo, kaya :(
"Ayos na po, Grand Mere. Pagdating natin sa Chattes Noir, nandoon na ang mga iba pang sasakyan. Hinahanda na rin po ng mga tauhan ninyo ang mga bagahe." Sinabi ko ang "bagahe" na nakangiti.
"Ah, tres bien. Maupo ka, upo, sayang ang mga kudchon."
"Salamat po."
"Non, kami ang dapat magpasalamat dahil sa mga ginagawa mong ito. Napakabuti niya, hindi ba, mga anak?" tanong ni Grand Mere sa mga babae. "Siya nga pala, sabi mo bihasa ka sa pagiging tahimik. Hindi ba gagawa ng kaguluhan at usap-usapan ang mga sasakyan ninyo, hmm?"
"Ah ano po, ako po ang bihasa sa Fuerza. Pero ang mga kasamahan ko, ay, ibang usapan na ang mga iyon. Ayon na po sila, o," aking sagot sabay turo sa harap.
Tatlong bus pa ang nakahilera sa harap ng Chattes Noir. Ang mga ito ay kaunti lang ang mga bintana, upang hindi malaman ang mga nasa loob. Ito ang mga jump transport na nakasanayan ko, at ng mga kasama ko sa Fuerza. "Oo nga pala, may naalala ako. Sandali lamang po," tumayo ako at bumaba. Pakay ko ang kamera na nasa bag ko. Standard issue sa amin ang kamera, pero medyo ilegal ang paggagamitan ko ng sa akin ngayon. Pagkakuha ko sa kamera, bumalik ako sa itaas. "Maaari bang kuhanan kayo ng foto? Bilang isang grupo, kung hindi kayo sang-ayon ay hindi ko naman ipipilit." Oo nga, puede ko naman na gamitan ng long range scope at magtago at...
"Bakit hindi? O, Erica, Hanabi, Glycine, may fotograpo. Ayusin ninyo ang mga sarili ninyo at nang hindi kayo magmukhang manang. Ang isang tunay na belle ay dapat maayos tignan, kahit na anong sitwasyon. Lalo na kayo, na magiging mga..." Hindi tinapos ni Grand Mere ang kanyang sinasabi, pero nakuha ko. Mga nanay. Ipinangako ko sa sarili ko, habang inaayos ko ang kamera at kinukunan sila ng litrato, na aayusin ko ang lahat bago matapos ito. O di kaya'y mamatay na sinusubukan ito. Pero sa totoo lang, aaminin ko, wala akong intensyong mamatay. Magagawa ko ito. Kaya ko. Dapat lang.
Natapos ang kuhanan ng litrato. Medyo sumaya na ang kapaligiran sa itaas, salamat sa kamera ko at lalo na kay Coquelicot. Wari bang alam niya na kailangang mapawi ang bigat at tensiyon sa paligid, at alam niya kung paano gawin ito. Naiinggit ako sa kanya. Kung ganoon lamang ako noong aking kabataan, ah, ewan.
"May utang ka sa amin ngayon, Monsieur Detective," pang-iistorbo sa akin ni Erica.
"Sige, basta hindi dugo o balat o laman, lalong huwag na pera!" ang sagot kong nakangisi.
"Mas importante kaysa sa mga iyon ang hanap naming kabayaran, monsieur. Impormasyon. Mahalaga ito sa mga imbestigador, hindi ba?" sabat ni Lobelia. "Taga-saan ka, saan ka ipinanganak, ha?"
"Iyon lang ba? Taga-Pilipinas ako. Ang papa ko ay taga-Salamanca, sa Espanya. Ang aking mama, sumalangit nawa, ay isang mestiza Tsino-Filipino. Dahil sa mga koneksyon ng aking papa, nakapasok ako sa trabahong ito kahit na ang kantiyaw sa akin ay dapat nag-sundalo na lang ako."
"Ilang taon ka na ba?" tanong ni Glycine. Deretsahan, prangka. Maganda sa ibang pagkakataon, pero ngayon parang nasa Inquisicion ako.
"Bente dos. 9 na taon na ako sa Fuerza."
"Nagtatrabaho ka na bilang detektib noong 13 ka pa lang?" gulat na tanong ni Hanabi.
"Trabaho, oo. Detektib, hindi. Taga-guhit ng mga mukha ng target, taga-peke ng mga pirma - teka, hindi ko yata dapat sinabi iyon, ah."
"Haha, detektib, mayroon na kaming sikretong mahal," hirit ni Lobelia.
"Oo nga, at mahihirapan kang tubusin ito," dagdag ni Erica.
May nagsalita sa tubo. "Ginoong Torero, wala na pong makakakita sa atin. Ayos na po ang lahat, pati ang mga kargo."
"Magaling, kapitan. Pasunurin na lang ang iba, at mauuna tayo."
"Roger. Mga kasama, talon na!"
Isang mababang pagsabog ang nagpatilapon sa sasakyan paitaas. Sumaldak ako sa sahig. Masakit ang puwit ko. Medyo hindi lang ako makakatakbo ng matulin ng isang oras. Nilingon ko ang mga bisita, at para bang walang nangyaring iba sa ordinaryo. Pati ang mga baraha sa lamesang nilalaro nila, hindi natinag. Ibang klase talaga ang mga taong ito.
Tumalon muli ang sasakyan, at matapos ang ilang sandali ay nakasubsob na ako sa sahig malapit sa may paanan ng mga katulong ni Grand Mere. Bago ako makahingi ng tawad, nakatikim ako ng sapatos na balat na gawa sa Paris. Hindi pala masarap, kaya nagtaka ako kung bakit dalawa ang ibinigay nila sa akin. Marahil, mapagbigay talaga ang mga Pranses, lalo na ang mga babae.
Hinarap ko ang Paris Kagekidan at ang kanilang manager. Parang hindi sila natutuwa sa akin. Ayos lang iyon, dahil mahihirapan ka ring matuwa kung sinipa ka ng sapatos na may takong na dalawang beses. "Maligayang pagdating sa mobile base ng Fuerza. Ito po ang Los Bravos. Sa ngayon ay nakalutang po tayo ng mahigit-kumulang sa 1 kilometro sa ibabaw ng lupa. Sa ilang sandali ay maipapasok na po sa loob ng airship ang mga gamit ninyo. Hintayin lang po natin habang hinihila po tayo ng mga kable papasok. Maraming salamat po."