Ang Pagtugis (The Hunt)
A Sakura Taisen Fanfic done almost entirely in Tagalog
by Jemu Nekketsu
DISCLAIMER: I don't own Sakura Taisen. If I did, I wouldn't be calling this a fanfic, right?
II. Los Bravos: Ang Magagaling (The Great Ones)
Nang ayos na ang iba pang jump transport, hinarap ko ang deck officer at sumaludo. "Maligayang pagbabalik, Ginoo. Kailangan ninyo ba ng tulong medikal?" tanong nito sa akin matapos ibalik ang saludo.
"Ah, ito ba? Wala ito. 'Wag niyong alalahanin. Pero gusto kong i-check up niyo ang mga babae doon sa JT na sinakyan ko, lalo na yung Haponesa, at saka yung kulay pula at dilaw yong buhok. Buntis ang mga iyon, ha? Gusto ko ng detalyadong ulat mamaya. Sinong C.O. ko ang nandito?"
"Si Ahente Bigkis po, ser. Kung wala na po kayong ipag-uutos," sumaludo siya muli at umalis. Si Jaime Dikit. Mayabang, mahilig sa babae at makabagong mga armas. Napangiti ako. Mukhang makakatulog ako hanggang dumating sa Japan ang airship. Tapos, magpapraktis uli ako ng mga talento ko. Mahirap na kalawangin, ba. Binalikan ko sina Grand Mere at ang mga alaga niya. "Mag-uulat po muna ako sa aking superior. Huwag po kayong mag-atubiling magpatulong sa mga tauhan dito. Sige po, mauuna na po ako."
"O sige, mon ami, maglilibot lang muna kami. Teka nga pala, saan kami tutuloy?" pahabol ni Grand Mere.
"Boluntir!" sigaw ko sa paligid. May tatlo namang sumagot at pumila sa harap ko. "Tomas, Kulas, Dagul, kayo ang yaya ng mga 'to, ha? Akong bahala sa Sarhento ninyo. Sige, aalis na ako. Grand Mere, sila po ang mga utusan ninyo. Paalam!"
Nakaalis din, sa wakas. Ngayon, para hanapin si Dikit. Pinuntahan ko muna ang bridge. Wala, puro mga junior officer ang nakita ko. Pero sandali, junior officers? Ayos, puede akong mag-hari-harian. Pero hinde, may misyon pa ako. "Nasaan si Ahente Dikit?" tanong ko sa pinakamalapit sa akin.
"Ah, wala po ba dito sa paligid?" ang sagot ng tinanong ko na para bang nagulat.
"Ignoramus! Tatanungin ko ba kung nasaan kung nakikita ko? Buwiset!"
Sunod kong dinalaw ang kainan. Walang masyadong kumakain, pero para makasigurado, pumasok ako sa kusina at nagtanong sa mga kusinera.
"Aling Ho-Mei, nasaan ang mga senior officer? Ano bang meron ngayon?"
"Ah, ikaw ba hini mo alam? Ngayon kaalawan nang kapitan. Oo, saya-saya sila, kain-kain, inom-inom, kanta-kanta sila sa kom-pe-lens. Kaya ako ngayon padala nang dami pa cham-pen."
"Ah." Conference room. Baka nandoon din ang mokong na iyon. "Salamat, ha, Aling Ho-Mei. Pakamusta na lang sa mga atsay mo, ha?"
"O sige, ikaw alis na, ikaw na lin dala alak, ano? Oke lang?"
Anak ng tofu. Ginawa pa akong kargador. "Sige na nga." Umalis ako ng kusina, dala ang isang case ng champagne. 1896 ang tatak sa labas. Hah. Medyo hindi pa ayos ang mga ito. Pero pag lasing ka na, wala ka nang pakialam kung 1666 o 1896 ang alak mo. Ang mahalaga, may naiinom ka. May pambasa ka ng lalamunan.
May naririnig na akong kumakanta. Mga lasing na Ilokano, o di kaya'y Pangasinense yata. 'Dayang-dayang' na nagkandadaya-daya na ang mga salita ang umaabot sa akin mula sa loob ng conference room. Sinipa ko pabukas ang mga pinto, at nagtinginan silang lahat sa akin. Napansin kong wala din doon si Dikit. "O, ba't natigil kayo? Meron pa akong dala, o," sabay pakita ko ng case. Naghiyawan na naman ang mga timang. "Sandali," hirit ko, "alam nyo ba kung nasaan si Jaime?" Hindi ako umaasa na may makakasagot, at wala ngang sumagot. Hay, buhay talaga.
Iniwan ko na ang mga lasing sa kanilang kasiyahan. Saan ko kaya hahanapin ang Jaimeng iyon? Nang bigla kong nakita si Kulas. "O Kulas, nasaan na yong mga bisita natin?"
"Ah, sila po, yung mga taga-Paris? Nasa deck B po sila, sa pinakamalaking silid doon. Eto nga po, naghahanap po ako ng matinong mga kasangkapan para sa kanila," sagot ni Kulas.
"Ganoon ba? Ayos yan, bata. Sige, hahanapin ko pa si Ahente Dikit."
"Nandoon din po siya. Siya nga po yung namamahala sa pag-aayos ng silid ng mga bisita."
Tingnan mo mga naman, o. Nagpaikot-ikot ako, nalusutan tuloy ako ng lokong iyon. "Naku, salamat, Kulas. Maiwan na kita, hane, at kakausapin ko pa ang C.O. ko na iyon."
Nasa Deck B na ako, papunta sa Room 13. Palapit pa lang ako, naririnig ko na ang boses niyang lumalabas sa bukas na pinto.
"Well, he's a very good worker, and as his superior, I'm proud to have him working for me." Boses iyon ni Dikit.
Pumasok ako sa silid. Bukas ang pinto, kaya hindi na ako kumatok. "Aba, Ahente Jaime Dikit, nandito pala kayo. Mag-uulat na po ba ako, ser?"
Kumunot ang noo ng aking kausap. Medyo nagtaka rin ang mga bisita sa aking tono ng pananalita. May ilang mga kilay rin ang tumaas.
"Oh, it's you, Pol. How many times do I have to tell you that I prefer to be called James, and that when with foreign visitors, you must address me as Mr. Bond?" tanong sa akin ng aking C.O.
Nayayabangan ako sa mokong na ito. Kung hindi lang siya mas matanda sa akin, malamang nasapak ko na siya. Porke ba at hangang-hanga sa kanya ang Inglatera at mga Ingles ay hindi na siya makakausap ng Tagalog? At may paiba-iba pa siya ng ngalan. Pwe! Pero kung Ingles ba ang labanan, e... "Begging your pardon, sir, but if you would not want my report now, would you allow me to continue with my investigation, then? I'm sure, the faster I solve their case, the happier they'll be. And we want them to be happy, yes?"
"Oh, that's right. Very well, if you ladies will excuse me," nag-bow ang ungas, sabay alis. Hay, salamat, wala na ang mahangin na iyon.
"May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Ginoong Bond, Pol?" tanong ni Grand Mere.
"Oo nga pala, magaling ka palang mag-Ingles. Pero bakit mo pinilit na mag-purong Pranses sa mansion nina Glycine?" bati ni Erica.
"Wala lang. Ayos na ba kayo sa kinauupuan ninyo? Gusto ko na kasing simulan ang imbestigasyon, e."
Nagtaas ng kilay si Glycine. "Ganyan ba talaga kayong mga Pilipino, walang paliguy-ligoy pa at diretso sa punto?"
"Hindi naman lahat. Espesyal na kaso lang siguro ako," sagot kong nakangisi na parang unggoy. "Bueno, medyo maselan ang mga susunod na mga salita ko..." tumingin ako kay Grand Mere, sunod ay kay Coquelicot.
Nakuha ni Grand Mere ang nais kong sabihin. Pumitik siya, at naglabas si Mer ng isang panyo. Nilagyan niya ng piring si Coquelicot, sa kabila ng mga reklamo nito, at kinandong sabay takip sa mga tenga nito. Medyo asiwa ang pusa, pero maya-maya ay nakaupo na rin ito sa kandungan ng bata. Napansin kong nakangisi si Lobelia.
"Ngayon, nais kong ilahad ninyo sa akin ang mga pangyayari dalawang araw na ang nakalilipas. Interesado akong malaman kung nasaan kayo, anong oras, at ano ang inyong ginagawa nang kayo ay nilapitan ni Ichiro Ogami. Sino sa inyo ang mauuna?" Walang sumagot. "Ikaw, binibining Hanabi, maaari mo bang umpisahan?"
Malinaw na ayaw nilang magsalita, pero sa huli, nagsimula ring magkuwento si Hanabi. "Nasa silid ko ako noon, mga ika-walo ng umaga. Inaalala ko noon ang aking si Philip, at pinagmamasdan ang aming litrato ng ma kumatok sa pinto."
"Sino ang kumakatok, binibini?"
"Binukasn ko upang alamin, at nakita kong si Ichiro pala. Napansin niya ang aking mukha at nahulaan niyang nagmumuni-muni ako sa nakaraan at pinapalungkot ang aking sarili. Sinabi niyang napakaganda ng umaga para maging maluhain, at niyaya niya akong mamasyal sa konserbatoryo at masdan ang mga magagandang bulaklak."
"At pumayag ka at sumama, ganoon ba?"
"Oo. Tahimik pa noon, at nagsisimula pa lang magising ang kabahayan. Walang nakakita sa aming dalawa ng umalis kami."
"Ano ang nangyari sa loob ng konserbatoryo, Hanabi?"
Namula ang dalaga. "Kailangang ko bang sabihin?"
"Nasimulan mo na, ma petite, kaya dapat mo itong tapusin. Para matapos na rin ang pagdurusa mo, at ninyong tatlo," sagot ni Grand Mere.
"Sige na, Hanabi, ituloy mo ang salaysay mo," pakiusap ko sa kanya.
"Pumunta kami sa gitna ng konserbatoryo, kung saan may mga bangko para maupuan. Pinaupo niya ako, at ng nakaupo na ako ay tinabihan niya ako. Tumitig ako sa kanya, at sinabi niyang 'Hanabi, matagal ko nang gustong gawin ito' at hinalikan niya ako sa labi. Nagsimula ring maglakbay ang mga kamay niya, una sa pisngi ko, tapos sa leeg, pababa ng pababa. Parang nahihilo ako sa mga nararamdaman ko, at nang hindi ko na matiis ay ipinikit ko ang mga mata ko. Nang muli akong dumilat, wala na akong damit pang-ibaba at ganoon din siya. Sa loob-loob ko ay alam ko ang gusto niyang mangyari, at... at pumayag ako," pagtatapos ni Hanabi, sabay bitaw ng mga luha. Tahimik siyang lumuha, hindi ko alam kung gaano katagal. Nang mahimasmasn ito, muli itong nagsalita. "Alam ko kung ano ang iniisip ninyo. Na tanga ako, na napakadali ko namang bumigay sa lalaking iyon. Kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon! Kasalanan ko!"
"Ah, ma cherie, huwag kang magsalita nang ganyan. Lahat tayo ay nagkakamali paminsan-minsan. Lalo na sa mga damdamin at mga puso. Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon," pagkonsuelo ni Grand Mere, na tumayo sa kanyang puesto at tinabihan ang lumuluhang Haponesa. "Narito na ang iyong Grand Mere, tahan na, hija."
Hindi ko na matagalang masdan ang umiiyak. Bumaling ang aking tingin sa dalawa pang kasapi ng Kagekidan. Nagulat ako sa nakita ko sa kanilang mukha. Magkahalong galit, awa, at, ano ito, pagkamangha? O di kaya'y di-paniniwala?
"Ano ang problema, Glycine, Erica? Para bang nakarinig kayo ng isang kuwentong de horor. May nais ba kayong sabihin na dapat kong malaman?"
"Imposible," anas ng eredera.
"Baka isang himala ang nangyari," ang hirit ni Erica.
"Hindi ko kayo maintindihan. Anong himala at imposible ang pinagsasabi ninyong dalawa?" ang marahan pero desidido kong tanong.
"Hindi maaaring kasama ni Ichiro si Hanabi gaya ng sinasabi nito. Nang mga oras na iyon, sa simbahan, kami ni Ichiro ay... ay..." Hindi matapos ni Erica ang kanyang pangungusap, dahil sumabad si Glycine.
"Hindi totoo iyan! Katutunog lamang ng aking orasan sa tabi ng kama nang dumilat ako at nakita ko siyang nakatayo sa paanan ng aking higaan na may kagat na rosas at may dalang isang bote ng champagne at dalawang baso! Kasinungalingan ang lahat ng inyong mga sinasabi! Nilisan lamang ni Ichiro ang aking tabi nang tumunog ang orasan para sa ika-siyam ng umaga! Isang oras kaming magkasama, naririnig niyo ba, isang oras!"
Tumaas ang boses ni Hanabi. "Hindi ako sinungaling, Glycine! Kilala mo ako, matagal na tayong magkaibigan, hindi ba? Paano mong masasabi ang bagay na iyan!"
Ganoon din si Erica. "Nagsasabi ako ng totoo! Saksi ang mga santong bato at ang Kristo kasama ng mga disipulo niya sa hapag, pinaubaya ko nang lubos ang aking sarili kay Ichiro at hindi niya ako nilubayan hanggang mag-simula ang unang misa, na ginaganap tuwing ika-sampu ng umaga! Itanong pa ninyo kay Padre Renault!"
"Sandali! Walang bintangan! Huminahon tayo! Alalahanin ninyong may bata sa ating silid. Hindi ito nagiging magandang halimbawa para sa kanya."
Tumahimik ang silid. "Naririnig ninyo ba ang mga sinasabi ninyo? Kasama, kaniig, katalik ninyo ang Ogaming iyan mula sa oras ng alas-otso, nang sabay-sabay sa tatlong iba-ibang lokasyon?" tanong ko. "Lobelia."
"Ano iyon?" medyo ilang na tanong ni Lobelia. "Kung inaakala mong binisita rin ako ng hayop na lalaking iyon, nagkakamali ka. Nag-eensayo ako ng mag-isa sa mga sandaling ginahasa ang mga kasama ko."
Sabay-sabay na tumutol ang tatlo, at iisa lang ang kanilang sinasabi: "Hindi panggagahasa ang naganap! Pinatunayan ko lamang ang aking pag-ibig para sa kanya, sa paraang lubos naming ikinasiya!" Matapos iyon, ang tatlo ay nagkatinginan at natahimik ang silid. Ako ang bumasag sa katahimikan.
"Anak ng puta! Tatlong hinayupak na manyakis na Ogami! Gusto kong matawa, magalit, sumigaw, sabay-sabay! Nababaliw na ba ako, HAH!?"
"Kadete Pribado Tomas Sarsani, may dala para kay Ahente Pol Torero, po!" Nakakahiyang may nakarinig sa huli kong isinigaw. Namumula ang mukha, nilapitan ko ang kawal.
"Tomas, narinig mo ba ang huli kong sinabi, hinde, ang mga huli kong isinigaw?" tanong ko sa kadete.
"Kung ano po ang nakita, narinig, nadama, paglisan ko, iiwan ko!"
"Mabuti, mabuti. Ano ang dala mo para sa akin?"
"Ito po," sabi ni Tomas sabay abot ng isang envelope. Kinuha ko, at umalis ang kadete. Marahil ito ang mga resulta medikal kanina. Binasa ko ang mga ito, at natahimik nang matagal. Nagsimula nang magusyoso ang mga babae, kaya minabuti ko na silang sagutin. Tutal, ang pinakamagandang depensa ay ang pag-atake, hindi ba? "Ito ang mga resulta sa pagsusri kanina ng aming mga mediko sa inyo. Normal naman kayong lahat at walang masamang epekto sa inyo ang jump at ang elevation. At ayon din dito, mayroon tayong time limit na apat na buwan para mahanap ang salarin. Dahil sa pagdating ng ika-limang buwan, malamang na lumobo, ipagpaumanhin ang barumbado kong salita, ang mga tiyan ninyong tatlo. At malamang sa hindi, sabay-sabay pa kayong magluluwal ng inyong mga sanggol."
"HA?!" sabay-sabay nilang banat.
"Ito ang sitwasyon natin ngayon: ginalaw ang tatlong dalaga ng iisang lalaki lamang, ayon sa kanilang mga salaysay. Medyo mahirap paniwalaan, alam ko, pero dapat ay sanay na ako sa mga bagay na ito. Nagawa ng salarin na magtungo sa Japan sa loob lamang ng 2 araw. Lubhang nakababahala, hindi po ba? Mabuti na lamang at dala ninyo ang mga F2 Koubu ninyo."
"At bakit naman iyon naging mabuti? May kalaban ba kami na dapat harapin?" tanong ni Erica.
"Hindi ninyo alam? Muli na namang naglalabasan ang mga maligno at demonyo sa mga lansangan ng Japan, at hindi ko tinutukoy ang mga lasing at mga barumbado. Mapanganib na, at muli na namang kailangan ang Teigekidan para linisin ang mga lansangan at panatilihin ang katahimikan."
"Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit maayos ang pagdala namin sa mga Koubu. Hindi naman kami pumunta sa Japan para lumaban, kung hindi ay panagutin si Ichiro Ogami," sabi ni Lobelia.
"May mga teorya ako kung paano nangyari ang masalimuot na pangyayaring ito. Kapag narinig ninyo, malalaman ninyo kung bakit maaaring gamitin ang mga Koubu."
"Sige, ikuwento mo! Mahihilig ako sa mga fairy tale!" sabi ni Coquelicot.
"Nang maghagilap ang Tokyo at Paris ng mga piloto ng Koubu, iisang lalaki lamang ang natagpuan. Nakapagtataka, hindi ba? Ngayon, naglipana na muli ang mga demonyo sa Japan. Malamang, magagaya din ang Pransya. Hindi kaya ng Teigeki na bantayan ang Imperial Capital at tumulong sa ibang mga lugar ng sabay. Ganoon na kalala ang sitwawsyon.
"Nais ninyong marinig ang mga teorya ko? Ang una ay napakasimple. Sinasabi nitong dinukot si Ogami-"
"Dinukot!? Ang mahal kong Ichiro!?" Hindi ko na sasabihin kung sino ang mga nagsalita, pero bibigyan ko kayo ng tulong: tatlo sila at buntis.
"Ng isang grupong siyentipiko at ginawan ng mga kakambal. Mga 'clone', ang tawag sa Ingles. Marahil nilagyan ng mga pangkontrol sa isip, at kayong tatlo ay ginawang eksperimento. Ang dahilan: kailangan ng mga tao na siguradong magkakaroon ng mga anak na kayang magpatakbo ng Koubu! Oo nga at medyo mahina ang kapangyarihan niya, pero taglay niya ang katangian na magpagalaw at lumaban sa loob ng Koubu. At kung kukuha sila ng amang kayang magpatakbo ng Koubu at ng isang ina na ganoon din-"
"Malamang ang magiging anak nila ay taglay din ang kapangyarihan na iyon!" bulalas ni Glycine.
"Mismo. At kung may teknolohiya sila upang makagawa ng kambal ng isang tao ng makailang ulit, at kontrolin ang mga ito, ano pa kayang gamit ang taglay nila? Sa isang banda, hindi masama ang kanilang hangarin, pero ang mga pamamaraan nila ay hindi ko gusto. Isa pa, napakadaling abusuhin at gamitin sa maling paraan ang teknolohiyang ganoon."
"Kung hindi pa nangyari ang sinasabi mong korapsyon," wika ni Lobelia.
"Sinabi mo na dalawa ang teorya mo. Ano pa ang isa?" tanong ni Hanabi.
"Ang ikalawa ay mas madilim at mas masaklap. Dahil sa hina ng kanyang kapangyarihan sa labas ng Koubu, napakadaling mapasailalim sa kapangyarihan ng kadiliman ni Ogami. Puedeng makatulong ang kanyang pagsasanay na militar, ang kanyang kodigo ng mga etiko at pagpapahalaga, pero walang hindi nakukuha kapag dinaan sa tiyaga. Sinong makakapagsabi kung anong kapangyarihan mayroon ang demonyong gumapos sa kanya? Puedeng taglay nito ang kapangyarihan na gumawa ng kopya ng sarili nito, na tila isang estrellang dagat. At kung bakit kayo ay pinagsamantalahan, hindi ko masasabi. Baka nais nitong ang mga supling niya ay may katangi-tanging kapangyarihan din. Pero ang nasisiguro ko ay ito: ang anak na may bahid ng dugo ng demonyo ay kayang makontrol ng magulang nito na may dugo rin ng demonyo."
Kinilabutan sila sa aking huling sinabi, lalo na sina Erica, Hanabi, at Glycine. Ang tanong ni Coquelicot ay gumulat sa aming lahat. "Ikaw, Kuya Pol, ano ang pinaniniwalaan mo?" Tumingin ang lahat sa bata, sabay baling naman sa akin. "Ang pinaniniwalaan ko, ay baka may iba pang paliwanag na nariyan at nag-aabang lamang. Naniniwala rin ako, na oras na makarating tayo sa Japan, makahanap tayo ng mga sagot."
Tila ba nagwikang anghel ako. Sumitsit ang speaker ng PA system, at nagsalita ang mahangin na si Dikit. "We are now in Japanese territory, ladies and gentlemen. We will be touching down in a few minutes. We trust that you enjoyed this trip very much. Agent Torero, we did our part, it's time for you to do yours." May halong pagmamaliit ang tono ng boses niya. Sigurado akong gusto niyang iparating sa mga taga-Paris ang kanyang opinyon sa akin.
"Agad-agad ay tutungo tayo sa base ng Teigeki. Para masigurado kung nandito nga si Ogami, at para na rin makahingi ng tulong. Excuse me, pero kailangan ko pong maghanda," sabi ko sabay alis sa silid.