Ang Pagtugis (The Hunt)
A Sakura Taisen Fanfic done almost entirely in Tagalog
by Jemu Nekketsu
DISCLAIMER: I don't own Sakura Taisen. If I did, I wouldn't be calling this a fanfic, right?
IV. ANG SUMUNOD NA UMAGA (The Morning After)
Dapat ay hindi na ako gumising. Dapat ay ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hindi na dumilat. Dapat ay hindi ako nagpahabol sa puting liwanag na nakita ko, at hindi nagpahuli. Kung magigising lang ako sa gitna ng isang unos, hindi na sana ako bumangon. Hindi na dapat ako umupo sa kama- teka, kama? "Anong-?"
Masakit ang ulo ko, nagwewelga ang sikmura ko, at tila bang walang dugo na nananalaytay sa aking mga ugat. Para akong isang sisiw na nakaahon mula sa isang malalim at malamig na kanal. Ganoon ang aking nararamdaman. Pero kahit na, pupusta akong may mga lalaking nais pa ring makipagpalit sa aking kalagayan ngayon, at bakit hindi? Parang patuloy ng hapunan kagabi ang bumati sa akin ngayon: isang silid na puno ng mga magagandang babae. Buti na lang at may saplot ako. Kung nagkataon, simpula na naman ako ng kamatis.
"Gising ka na pala, Detektib," bati ni Rachette.
"Kamusta ka naman, ma petite? Ayos ka lang ba? Hindi ko narinig ang buong istorya pero alam kong napalaban kayo kagabi," pag-usisa ni Grand Mere.
"Si Yoneda-san, nandito na ba siya?" tanong ko.
"Hindi pa siya bumabalik mula sa kanyang biyahe," sagot ni Maria.
"Salamat sa impormasyon."
"Marunong ka pa lang lumaban, Kuya Pol," sabi ni Coquelicot.
"Hindi gaano. Sa linya ng trabaho ko, iniiwasan namin ang paglaban kung kaya ko. Pero minsan, kailangan talagang lumaban. At heto ako ngayon, isang pasyente. Huwag kayong mag-alala, hindi ako magtatagal na ganito."
"Nakita ko ang ginawa mo kagabi sa mga bolang tai-chi kagabi. Kung ganoon, may taglay ka ring kapangyarihan," ani ni Sakura. "Minana mo rin ba iyan, gaya ng sa akin?"
"O di kayay'y pinakaiingatang sikreto ng pamilya ninyo?" dagadag ni Sumire.
"Ang lahat ng kapangyarihan ay biyaya ng Diyos," deklara ni Erica.
Napatawa ako dito, na ikinagulat nilang lahat. "Biyaya? Mas nakabubuting sabihin na ito'y sumpa! Kung regalo ito ng hari, isa itong puting elepante!"
"Kung alam ko lang na mapapahamak ka sa ipinagagawa ko sa iyo, sana ay hindi na kita pinilit, Pol," wika ni Grand Mere.
"Ah, hindi po ninyo kasalanan. Totoong may kapangyarihan ako, pero may sumpa rin. Ang buong kasaysayan nito ay lubhang napakasalimuot para maging usapin sa isang umaga. Siya nga pala, kamusta sina Orihime at Kohran?"
Katahimikan ang sumagot sa aking tanong. Putragis, sabi ko sa sarili, kung ganoon ay nadagdagan na naman ang mga biktima. "Ano, puede bang makabihis muna ako? Pakiramdam ko ay nilamutak na papel sa mga damit na ito, e."
Si Grand Mere naman ang namuno. "O, narinig ninyo ang pasyente, mamaya na lang daw ang oras ng dalaw. Marahil, ayaw niyang makita natin ang kakisigan niya. Tayo na, mga anak."
Umalis ang aking mga bisita. Nagpahuli si Binibining Altair, at pinukolan ako ng isang tinging nagtatanong, bago lumabas. Punyeta, naiinis ako. Parang gusto kong masuka. Alam ko na ngayon na hindi basta-basta ang kalaban nila. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung anong klase ng halimaw ang naengkuwentro namin kagabi. Maaaring isang hangal na kaluluwa ang sumanib kay Ogami, at nagnanais na gumawa ng hukbo ng kalahating-demonyong may kapangyarihan din na gaya ng kanilang mga magulang. Pero ang ibig sabihin noon ay may kakayahan ang kalaban na gumawa ng kawangis ng sinaniban nito na eksaktong kopya. Kung ganoon, masuwerte kami kagabi at dalawa lamang ang lumusob. E, paano kung dalawang dosena? Sa nakita ko kagabi, hindi makalaban ng matino ang Hanagumi dahil sa pagmamahal at pagtingin nila kay Ogami. May butas nga lang ang teoryang ito, na ikinababahala ko. Bakit pati si Kohran ay naging biktima? Isa lamang siyang mekaniko at henyo na nakakalaban sa loob ng Koubu, hindi ba?
Bumangon ako sa higaan at naghanap ng mapagbibihisan na damit at isang tuwalya. O di kaya, patuloy ng bahagi ng utak ko na patuloy sa paggawa ng mga teorya at rasyonalisasyon, dinakip si Ogami ng mga demonyong incubus, at ginaya ang kanyang hitsura. Ang rason kung bakit sila nanggagahasa ng kasapi ng Kagekidan ay para, ano nga pala ang ginagawa sa isang babae ng pagdadala ng isang demonyo sa kanyang sinapupunan? Hindi ko maisip ngayon. Kailangan kong tanungin ang isang kaibigan ng aking ina, at ito ang gagawin ko matapos maligo. Kipkip ang mga gamit, lumabas na rin ako ng silid. Makahanap nga ng taong mapagtatanungan kung nasaan ang paliguan ng mga lalaki.
* * * * * * * * *
Masarap talaga maligo, lalo na kapag umaga. Nag-hahalungkat ako sa aking bag nang may kumatok sa pinto. Sino kaya ito? Binuksan ko at nakitang si Rachette pala. Tumuloy siya sa kuwarto.
"Mukhang ayos ka na. Mabuti. May mga ilang tanong ako, na sa tingin ko ay ikaw lamang ang makasasagot," bati niya sa akin.
"Mga katanungan? Sige, pero, mamaya ko na sasagutin ang ano mang itatanong mo. Gusto ko, nandoon lahat ng kasapi ng mga Kagekidan. Maliban na lamang kina Orihime at Kohran, dahil kung alam ko ang mga biktima ng panggagahasa ay tulala muna ang mga iyan ng ilang araw. Hindi makabubuti para sa kanila ang marinig ang mga pag-uusapan natin, sa tingin ko."
"Ah, ganoon ba? Kung ganoon, puede ka bang maimbitihan para sa isang piknik? Hindi kalayuan, pero kaunti lamang ang pumupunta sa lugar na iyon. Doon mo na rin sagutin ang mga tanong namin."
"Sige. May hinahanap lang ako dito at medyo matatagalan ako. Bakit hindi mo ipaalam sa lahat ang tungkol sa piknik?"
"Huwag kang mawawala, ha?"
"Detektib ako, hindi ninja."
Sa unang tingin, hindi mo masasabing may kababalaghang nangyari kagabi. Ang Kagekidan ng Paris, pati ang taga-Teito, ay masayang nagtatawanan at nag-uusap. Hindi nga lang kasama ang dalawa, gaya ng inaasahan ko. Pero masayang tingnan na para sa pagkakataon na ito, walang dibisyon o linya na naghahati sa mga taga-Paris at mga Haponesa. Isang malaking sapin, na may hinala akong kurtina na pang-entablado, ang nakalatag sa damo, at dito ay nakaupo kami ng paikot.
"Kung gabi ito, at may apoy sa gitna, ano sa tingin niniyo?" tanong ko na nakangiti.
"Medyo tanghaling tapat lang naman," ani ni Maria.
"Pero kung apoy lang, aba, walang problema," ngisi ni Lobelia.
"O, kumain muna kaya tayo, bago ninyo simulan ang Ikalawang Inquisicion," ang suhestyion ko. Tumawa ang mga taga-Paris.
"Bakit, anong nakakatawa?" tanong ni Sakura.
Si Erica ang sumagot. "Ang Unang Inquisicion ay naganap sa Paris, kung saan nilitson namin ang detektin na ito. Biruin mo, siya ang taga-siyasat, siya pa ang natanong?" Tumawa muli ito, at gayon din silang lahat.
"Aba, Torero, wala ka palang sinabi e," bati ni Kanna bago niya kinagat ang hita ng manok na hawak niya.
"Oo nga. Wala akong nasabi, dahil sagot ako ng sagot."
Napatawa si Kanna ng may laman pa ang bibig. Sa kamalasan, natalsikan si Sumire, na nagsimulang magbunganga. "Ano ka ba, babaeng matsing? Masiba ka na nga, wala ka pang galang sa kapuwa mo?"
"Kapwa? Hindi kita kapwa, babaeng ahas."
"Naghahanap ka ba talaga ng gulo?"
"Wala iyan sa kapatid ng lolo ko," biglang sumbat ni Glycine. Sa pangungulit ng iba, inilahad niya ang buong kuwento, at humalakhak kaming lahat pagkatapos. Medyo may sayad din pala ang mga ibang taga-Europa.
Natapos ang kainan, at nalinis na ang mga kalat. "Ngayon, gaya ng ipinangako mo, ang paglilitis," sabi ni Rachette. "Tanong: bakit kayo naparito, ikaw at ang mga taga-Paris?"
"Iyon lang ba? Sasabihin ko ng deretshan, na walang pakundangan sa mga edad ng mga nakikinig. Napakiusapan akong siyasatin ang pagkawala ni Kapitan Ogami sa Paris. Ayon kay Grand Mere, matapos ang isang matinding labanan kung saan bumalik ang Paris Kagekidan na wala si Ogami, hinanap nila ito subalit walang nangyari. Ito'y mga dalawang linggo na ang nakalipas. Ipinatawag ako ni Grand Mere dahil sabi ng tatlo sa kanyang mga alaga, isang araw ay nagpakita sa kanila si Ogami at nakipagtalik pa nga ito sa kanila." Napahithit ng hangin ang mga taga-Hapon. Halu-halong bulong ang umabot sa tenga ko. "Nakipagtalik? Kanino? Nagawa niya iyon? Wala talagang kuwenta ang lalaking iyon! Hindi ako makapaniwala!"
Hinantay kong mamatay ang pag-ugong ng mga boses bago ako nagpatuloy. "Napagpasyahan kong tumawag sa aking kontak dito sa Japan, pero laking gulat ko ng kanyang sinabi na nakita raw dito si Ogami! Paanong mangyayari iyon, e may utos na nagbabawal sa kanyang makasakay ng barko na nakakalat sa lahat ng daungan ng Pransya? At paano siya makikita dito, gayong tatlong linggo pa lang siyang nawawala at isang buwan ang biyahe mula Paris hanggang Tokyo?"
Nagtaas ng kamay si Iris, at nagtanong, "E, kayo po, paano kayo nakarating dito ng ganito kabilis?"
"Ah, hehehe, lumipad kami."
"Lumipad? Gaya ng Shogeimaru?" tanong ni Sumire.
"Parang ganoon na nga, pero mas mataas ang lipad ng Los Bravos. Ang kaso nga lang ay wala itong armas o sandata. Parang isang malaking opisina at tulugan na lumilipad, kumbaga."
"Hmp. Wala palang sinabi ang Los Bravos na iyan. Sinong kawawang kompanya kaya ang nawalan ng pera sa proyektong iyan?" panunumbat ni Sumire.
"Ang Kanzaki Heavy Industries."
"ANO?!"
"Hindi tanong iyan, kaya hindi ko masasagot."
"Gusto mo ng tanong? Ano ang ginagawa mo kagabi sa hardin ng mamataan ka namin?" hirit ni Maria.
"Ganito kasi iyon. Nang dumating kami dito sa inyo, nakita kong may dalawang bintana ang may harang na mga tabla. Kanino nga ba ang mga iyon?"
"Kay Sumire at sa akin," sagot ni Sakura.
"Ah. Hindi ko kasi alam iyon, kaya nang hindi ako makatulog kagabi, naisipan kong alamin ang kung kanino ang mga silid na nakita ko. Sa kasamaang palad, ay nahuli akong umaaligid-aligid." Nginitian ko sina Iris at Reni. "Nag-usap kami, pero napilitan kaming magtago sa mga anino dahil sina Sakura at Sumire ay tumungo mula sa kanilang silid papuntang hardin. Minabuti kong sundan sila, at mabuti na lang ginawa ko iyon."
"Sinundan mo kami? Ibig sabihin narinig mo ang-"
"Opo, Binibining Shinguji, narinig ko ang pagtatalo ninyong dalawa ni Binibining Kanzaki."
Namula ang buong mukha ni Sakura. Si Sumire ay mas kontrolado, pero makikitang nahihiya pa rin ito. Nagtaas ng kamay si Reni. "Paano mo nalaman na may panganib na pupunta kina Orihime at Kohran?"
"Sa totoo lang? Hindi ko alam. Tsamba, pagkakataon, kahit anong itawag mo."
"At ang ginawa mo sa mga bolang bakal?"
"Oo nga, gusto koring malaman ang tungkol dito," dagdag ni Maria.
"Paano mo nalamang hindi si Kapitan ang nakalaban natin kagabi?" pahabol ni Kanna.
"Masasagot niyan nito." Naglabas ako ng isang bolang gawa sa dagta ng punongkahoy, na may nakakulong na kung anong insekto sa loob. "Walang tatawa, ha? Angna angna, sulapukan, somas kitot, moko moko!"
Umilaw ang bola, at mula dito ay lumitaw ang mukha ng isang matandang lalaki. Mahaba ang kanyang buhok, pati ang kanyang balbas na kapwa puti.
"Si San Nicolas ba iyan?" tanong ni Coquelicot.
"Santo? Iha, buhay pa ako!" Natatawang sabi ng mukha. "Apolonio, ikaw pala. Tama ang bulong sa akin ng mga espiritu, na may kabulastugan ka na namang ginagawa diyan!"
"Kabulastugan? Trabaho ko po ito, Tatang Raul!"
"Ang galing naman ng trabaho mo, ano ba iyan, bantay ng mga artista? Ano, nagulat ka, kahit sa bundok, may balita pa rin tungkol sa mga ganyan!"
Nahihiya akong luminga sa mga kasama ko. "Siya ay si Raulo Carin. Ang buo nilang pangalan ay Carintalaga, pero pinaigsi ito ng mga Kastila nang sakupin nila ang Pilipinas ilang dantaon na ang lumipas. Tata Raul, sila po ang nakiusap sa akin upang magsiyasat. Eto po ay si..."
Matapos ang ilang minuto...
"O, ba't napatawag ka, ano na ba ang nangyari?" tanong ng matanda.
"Kasi po, nilusob ho kami ng dalawang demonyo kagabi. Mga incubus po, sa tingin ko."
"Incubus, you say? I wish they'd send a succubus sometime over here in the mountains. A man can get lonely, you know."
"Tata Raul! Nakakahiya sa mga kasama ko, puro babae! At kailan kayo natutong mag-Ingles? Hindi naman kayo umaalis diyan sa bundok, a."
Tumawa lang si Raulo. Nagtanong si Maria, "Ano yung incubus at succubus?" na sinagot naman ni Tatang. "A succubus is a female evil spirit that drains the life forces of males, getting away with it because her victims think they're having one hell of a wet dream. An incubus is the male counterpart."
"Ano raw?" tanong ni Kanna.
"Mga babaeng demonyo ang succubus na nanggagahasa ng mga lalaki at inuubos ang kanilang... lakas. Ang incubus naman ay ang lalaking bersyon. At ang pinaghihinalaan kong nakaaway natin kagabi," ang paliwanag ko.
"E, ba't kamukha nila si Kapitan Ogami?" tanong ni Sakura. Sasagot sana ako o si Raulo, pero inunahan kami ni Sumire. "Sakura, mag-isip ka naman paminsan-minsan! Kung wala ako kagabi, at nagpakita sa iyo ang isang inaakala mong si Ichiro, anong gagawin mo? Hindi ba't yayakap ka at hahalik at kung ano pa?"
"Parang hindi mo rin gagawin iyon kung wala ako kagabi, a."
"Aba, probinsiyana, anong gusto mo, sapakan?"
"Sige ba!"
"HOY! MAGSITIGIL KAYO! NAKAKARINDI ANG MGA BOSES NINYO, PARANG DALAWANG PUSANG NAGTITIRAHAN SA BUBONG!" sigaw ko.
Natahimik ang lahat. Napatawa ng marahan si Tata Raulo. "Gusto niyong malaman kung ano ang trabaho ni Pol bago siya naging detektib? Isa siyang guro, maniwala kayo o hindi."
"Kung ganoon, alam ko na kung bakit siya natanggal sa trabahong iyon," hirit ni Kanna.
"Hahaha, tama ka doon, ineng. Kanna, hindi ba? Ano pa ang gusto ninyong malaman sa kanya?" tanong ng matanda.
"Tatang, hindi ko kayo tinawag para pagtsismisan ako."
"Monsieur Carin?" tanong ni Erica.
"Non, Raulo, mademoiselle."
"Ayan ka na naman Tatang, nagpapalaki ka ng papel sa mga chicas."
"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa gamay ang wikang Pranses. Oui, ma petite?"
"Bakit po hinimatay daw si Pol kagabi nang gamitin daw niya ang kapangyarihan niya?"
"... Bata ka, ginamit mo na naman ang kapangyarihan mo?"
"A, e, i, o, ...u?"
"Gusto mo ba talagang matigok kaagad, ha?!!"
"Pero kailangan ko po kasi-"
"Kung itinuloy mo lang ang pag-aaral ng arnis, o di-kaya ng itak o sibat e di hindi mo na kailangan pa sanang sumumugal! Haaaay. Pasensiya, Erica. Ang sagot sa katanungan mo ay ito. Kung sinong gustong makinig, lumapit sa lolo Raulo?"
Medyo may kahalayan ang imbitasyon, pero matagal na ring tigang ang hermitanyo. Ikaw ba naman ang tumira ng 72 taon sa bundok, e. Nang nakaupo na ng maayos ang lahat, nagkuwento na si Raulo.
"May malalakas na kapangyarihan ang bumabalot sa mga isla ng Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit nang maghanap ng mga lalaking may lakas na puedeng ipasa sa mga makina, hindi nakitaan ang Pilipinas. Oo, alam ko ang tungkol sa inyo, mga mandirigmang dilag. Ang mga ulap ng kadiliman ang nagtago sa amin mula sa inyong siyensa, kaya walang nakita sa lupain namin. Mabuti na rin ang ganoon, dahil magiging bakal na demonyo ang Pilipino o Pilipina na isasalang sa inyong Koubu."
"Kapangyarihang itim, may lantik ng kasamaan. Ito ang nasa loob ng ilan sa mga batang isinilang dito, lalo na kung hindi purong Pilipino ang kanilang dugo." Nagtinginan silang lahat sa akin, at kinilabuutan ako. "Gaya ni Pol. Ang kapangyarihan niya ay nagmumula sa lupa, sa patay na lupa ng Pilipinas. Kaya may kakayahan siyang gumamit ng mga sandatang bakal at patalimin at pahusayin ang mga ito, dahil ang bakal ay nagmula sa bituka ng lupa. Kaya rin akyatin ni Pol ang isang poste o pader na marmol, dahil galing din ang ito sa lupa. Kaya niyang maging sintatag ng bato, sintalim ng espada o sibat. Marami pa siyang maaaring gawin, pero ang lahat ng ito ay may kapalit at kabayaran."
"Bawat paggamit niya ng kapangyarihan niya, nagigising ang binhi ng kadiliman sa kanyang dugo at dumadami. Puede niya itong labanan, at mapapatulog din muli ang mga ito. Kaya siya hinimatay, ay dahil hindi niya sinamahan, pinakingggan ang tawag ng mga anino upang makisayaw sa kanila. At sa oras na makisayaw siya sa mga ito, malaking gulo ang mangyayari. Kaya kapag ang isang maykapangyarihang taga-Pilipinas ang pumasok sa makinang nagpapalakas at gumagamit sa kapangyarihan ng nakasakay, ano ang tawag ninyo, ah tama, Wakiji. O di kaya'y Kouma. Demonyo; diablo."
Lumamig ang paligid, ang hangin na umiihip. Kataka-taka, dahil ng tignan ko ang aking relo, alas dose y media pa lang.
"Tata Raulo, ano nga po ba ang mangyayari sa mga babaing binuntis ng isang demonyo?" tanong ko.
"HA? Huwag mong sabihing..."
"Meron po."
"Putangina."
"Opo. Tata Raulo? Ano po ang epekto?"
"Ang babaing binuntis ng isang demonyo ay magiging utus-utusan ng ama ng kanyang dinadala matapos ang unang buwan. May kontrol siya, dahil kalahati ng dugong nananalaytay sa bata ay kanyang dugo. Alam naman nating ang dugo ng ina ang siyang pinagkukunan ng sustansya ng bata, at naghahalo minsan ang dugo ng bata at ng ina. Habang lumalaki ang bata, lalong nagiging protektibo ang babae. Mas lalo pa kapag nailuwal na niya ang bata. Maaaring maputol nga ang hawak ng diablong ama, pero ang damdamin ng isang ina..."
"Ano naman ang dapat namin gawin kung ganoon?" ang sabi ko. Kinilabutan kaming lahat sa sinabi ng matanda.
"Kailangang patayin ang ama. O di kaya, ang bata mismo."
"ANO PO!?" Tinginan na naman kaming lahat, lalo na kina Sakura, Sumire, Erica, Glycine, at Hanabi.
"Isa pong kasalanan ang kumitil ng buhay!" tutol ni Erica.
"Isang mas malaking kahangalan ang hayaang mabuhay ang munting impakto na dinadala mo sa iyong tiyan, bata! Alagad ka ng Diyos na kaaway ng Diablo, hahayaan mo ba na gamitin ka ng inyong kalaban?" sermon ni Tatang.
"Paano...?"
"Ko nalaman? Sa reaksyon mo, suot mo, at ikinikilos mo, lalo na nang tinatalakay ko ang tungkol sa puedeng mangyari sa ina. Sabihin ninyo sa akin, ilan sa inyo ang nabiktima at kumpirmadong nagdadalang-demonyo?" utos ni Tatang.
Ako na ang sumagot. "Bale pito po. Lima ay kasama namin ngayon, at ang dalawa ay naiwan sa bahay. Binisita muli po sila kagabi at..."
"Inutil! Imbecil! Bakit ninyo sila iniwan, ha? E kung ngayon pala e tinangay na sila uli?"
"Tata Raulo, nasa Japan po kami. Wala sa Pilipinas, na hindi lalampas ang tatlong oras ay may kampon ng kasamaan na naman ang lilitaw, kahit na may araw pa."
"Hindi mo na alam ang lagay ng bansa natin, Pol. Oras-oras na ang paglabas at paglusob ng mga impakto. Sa kabundukan na lang ang tanging pag-asa, pero hindi ito nababagay sa lahat. Kahit ang mga banyagang amo-amuan ng bansa, wala rin silang magawa. Kaya nga, balikan ninyo ang dalawang naiwan ninyo, madali!"
"Akong bahala, mga kasama!" sigaw ni Iris.