Pagtugis (The Hunt): A Sakura Taisen Fanfic done (almost) entirely in Filipino
ni Jemu Nekketsu
ISANG ORDINARYONG ARAW (An Ordinary Day)
Nakabubulag na dilaw. Tanda ng teleportasyon, ng paggamit ng isang paslit sa kanyang kapangyarihan. Sa isang iglap, muli kaming nasa loob ng Teigeki, at gaya ng dati, masuka-suka ako. Talagang hindi kasundo ng tiyan ko ang ganitong pamamaraan ng paglalakbay. Maayos naman ang lahat, maliban kay-
"Iris!" sambit ni Leni, sabay salo sa nanlatang katawan ng kaibigan. Nagkagulo siempre ang mga babae, maliban kay Lobelia.
"Detektib, kakulay mo naman ngayon ang isang hilaw na mansanas," wika niya. Sa kanyang pagbanggit ng mansanas, muling nagrebelde ang sikmura ko.
"Salamat, ha,"ang maasim kong tugon.
"Walang anuman," balik niiya sa akin, nakangisi.
Pansamantala, nilimot ko muna ang aking kapaligiran, at ititnuon ang pansin sa pag-alam kung nasaan ang kalaban. Kung mayroon man. Huminga ako ng malalim, isa, dalawa, tatlong beses. Hinayaang kumawala ang aking kamalayan na parang agila sa himpapawid, nagmamasid, nagmamanman. Saka pinabalik, at idinilat ko ang aking mga mata. Naghanap ako sa aking mga bulsa ng panyo, at pinunasan ang pawis na hindi ko namalayang namuo.
"Ano, Ginoong Torero?" tanong ni Rachette. "Ano ang nahagap mo?"
"Dumaan muli sila rito."
"At sina Kohran at Orihime?"
"Nandito pa po sila, Bb. Shinguji."
"Pakiusap, G. Torero, Sakura na lamang po ang itawag ninyo sa akin. Hindi pa po naman ako manang, di ba? Nais ko pong isipin na matapos kayong makipaglaban kasama namin, puede na tayong mag-usap nang hindi masyadong pormal."
"Bueno. Tatawagin kitang Sakura, kung ako naman ay tatawagin mong Pol."
"Salamat, Pol."
"Sandali," pakli ni Maria, "dumaan lang sila rito? Hindi sila nagtangkang dukutin sina Kohran at Orihime?"
"Dalawa lamang silang pumarito, nagmasid, at umalis din. Marahil nais lang nilang malaman kung ang dalawa nilang biktima ay buhay pa at kung sila ay ating binabantayan."
"Pero kung nalaman na nga nilang hindi natin sila nabantayan dahil nasa picnic tayo, bakit hindi nila sila kinuha noon?"
"Maria - maaari ba kitang tawagin na Maria? - ang dalawang bumisita kanina ay mga lumilipad na tiyanak lamang. 'Imp' marahil ang pagkakakilala sa kanila sa Ingles. Hindi nila kayan ggayahin ang anyo ni Ohgami, at wala rin silang sapat an lakas para buhatin si Bb. Li o si Signorina Soletta, kahit pagtulungan pa nila ang isa sa kanila."
"Paano ka nakatitiyak, Detektib? At bakit ka namin pagtitiwalaan?"
Napasinghap, napahithit ng hangin ang Paris Kagekidan. Tila ba bago sa kanila ang ideyang hindi ako karapat-dapat na pagtiwalaan. Nakita kong nagbago ang mukha ni Glycine, may paghahanda sa bibig at baba, senyales na malapit nang umulan ng maiinit na salita. Sa isang baliw na lugar sa utak ko, natuwa ako. Inampon na ako ng Paris Kagekidan gaya ng isang tuta.
"Sumire!!! Anong pinagsasabi mo?"
"Bakit, Sakura? Ano ba ang alam natin sa lalaking ito? Ang alam ko lang ay may kapangyarihan siya, at mahilig sumunod sa mga dalaga at sumulpot nang hindi inaasahan kung saan-saan. Kilos ba ang mga iyon ng isang mabuting tao?"
"Bawiin mo ang mga sinabi mo!"
"Hindi, Sakura. Tama ang kaibigan mo. Mabuti sana kung naririto si Ginoong Yoneda, o kaya ay si Binibining Fujieda, na magsasabi nang mga sagot sa katanungan ninyo upang mapanatag ang kalooban ninyo, gaya ng mga taga-Paris. Tiwala sila sa akin, dahil tiwala sila kay Grand Mere, at kilala ako ni Grand Mere. Kung gusto ninyo ng pruweba, ng ebidensya ng mga sinabi ko, dalawin ninyo ang dalawa sa kanilang mga silid. Excuse me." Paakyat na ako sa king silid, pero sa kalagitnaan- "Siya nga pala, pakihingi ako ng paumanhin kay Iris pag nagising na siya." At tumuloy na ako sa aking silid.
"... At ganoon nga ang nangyari, Apo Raulo."
"Hmm. Ayos ka lang ba talaga?"
"Ayos, kung ayos ang pag-uusapan. Teka lang po at may tao."
Alas-tres pa lamang ng hapon, pero tila gabi na dahil sa katahimikan. Walang mga pagsabog ng malalaking makinarya, tanda ng mga eksperimento ni Kohran. Nabasa ko iyon sa kanyang file. May tumutugtog ng piano, marahil si Orihime o isa kina Glycine o Hanabi. Hindi si Orihime, marahil, dahil marunong ako ng Italiano, at Pranses ang naririnig ko. Isang nocturne, isang awit ng gabi... teka. Alas-tres pa lang! Muling kumatok ang nasa kabila ng pinto. Tinakpan ko ng panyo ang bolang amber at saka tumungo sa pinto. "Sino iyan?"
"Ako." Boses ni Kanna.
"Sandali, mag-susuot lang ako ng kamiseta."
"Huwag ka nang mag-abala. Wala ka namang dapat itago, di ba? Huwag mong sabihing kaya mo ring magpadede ng sanggol?"
Nag-isip ako kung ano ang reaksyon ni Kanna kung sinabi kong 'oo.' pero nagkibit-balikat na lang ako at binuksan ang pinto ng aking silid. "O, napadalaw ka?"
"Ano kasi-!" Natigilan siya, at alam ko kung bakit.
"Nakakadiri ano?"
"Masakit pa ba ang mga iyan?"
"Ang mga ito? Ngayon, hindi na. Puwera na lang kung gumamait ako ng maraming kiryoku."
"Saan-?" Hindi mabuo ni Kanna ang mga pangungusap niya.
"-Ko nakuha ang mga ito? Sa Pilipinas, nang unang lumantad ang mga kapangyarihan ko.Ang tawag namin dito ay haplos ng diyablo."
"Hindi haplos ang mga peklat na iyan, Pol. Hindi lahat."
"Mismo. Ang ibang mga peklat ay gawa ng mga pari."
"Ha? Pari?!"
"Mga selyo ng diyos, panlaban sa demonyong nakapaloob sa akin." Tumawa ako ng walang kasiyahan, isang pekeng halakhak.
"Hindi ka naniniwala doon, di ba?"
"Ako? Ewan."
"Pol..."
"Siyanga pala, bakit ka nga pala naririto, Kanna? Gusto mo bang magpakitaan tayo ng mga peklat at sugat?"
"Utot mo!" hirit niya, sabay labas ng dila. "Ano nga pala iyon? Ah, oo. Ano, yubg inasal nina Sumire at Maria, huwag mo sana sila pag-isipan ng masama."
"Ah, iyon ba? Wala iyon. Sanay naman akong di pinagtitiwalaan, e. Lalo na ng mga kababaihan."
"Andami mong drama, kalalaki mong tao."
"Kung ganoon puede na akong maging artista dito sa Teigeki?"
Nagtawanan kami, at di sinasadyang nahampas niya ako sa likod. "Ikaw talaga- ay, naku!"
Tumalskik ako at nauntog sa dingding. Nakakita ako ng maraming liwanag at bituin. Kung hindi ako tumatawa kanina ay malamang naiwasan ko ang pagtalsik, preo hindi ganoon ang kaso. Plakda at tulog ako. Aray.
Nagising din ako maya-maya. May sumusundot sa aking tagiliran. Maliliit at makukulit na daliri. Dumilat ako, nakadapa pa rin sa kama, medyo masakit pa rin ang noo at mukha. Nilingon ko kung sino ang gumising sa akin. Dalawang paslit, isang kulay hinog na mangga ang buhok, habang ang sa kasama niya ay kulay tsokolate. "Magandang hapon."
"Hapon? Gabi na, Ginoong Pol."
"Ha? Gabi na? Anong nangyari?"
"Ano raw, Kuya Pol, humihingi ng tawad si Ate Kanna."
"Grabe palang matuwa ang isang iyon, Iris. Ayaw ko siyang makita kung galit na siya."
"Bakit, Ginoong Pol, natatakot ba kayo?"
"Medyo. Sikreto lang natin ito ha, Coquelicot, Iris?"
"Waha! Takot si Kuya Pol kay Ate Kanna!"
"Oo nga! Nakakatawa! Hahaha!"
"Shhh!!! Wag kayong maingay! Tandaan ninyong nasa silid kayo ng isang lalaking walang pang-itaas!"
"Eh, ano ngayon?"
"Ano ngayon? Kapag may nakarinig sa inyo at naisipang mag-imbestiga, at nahuli tayong tatlo rito, baka isipin nilang ako'y isang-"
May narinig akong mga yapak na papalapit sa aming kinaroroonan. "Ahhkkk!" Dali-dali akong naghagilap ng kamiseta at sinuot ito. Sakto lang, dahil mayroon nga akong buwisita, este bisita pala.
"Monsieur Pol, gising ka na ba? Aba! Kayong dalawa, hindi kayo dapat naririto, lalo na't nagbibihis pa si Pol!"
"Bakit ikaw, Erica, puwede ka rin ba kahit nagbibihis si Pol?"
"HA!? Eh, ano... teka! Bakit nga pala kayo naririto!" Hindi ko nakikita ang mukha ni Erica, dahil tila ayaw makipag-tulungan ng kamiseta ko, pero sa pandinig ko ay parang nahihiya ito.
"Nadito na po kasi si Binibining Fujieda, at nais po niyang makausap si Kuya Pol. Pinatawag po niya sa akin si Kuya Pol, pero hindi ko po alam kung saan siya nandoon, kaya-"
"Kaya nagpasama siya sa akin! E ikaw, Erica, ba't mo hinahanap si Pol?"
"Kasi, nag-aalala lang ako."
Sa wakas ay naayos ko na ang kamiseta ko. "O, puwede na ba akong iharap kay Bb. Fujieda?" Humarap ako sa kanila upang malaman ang sagot.
"Ano..."
"Eh kasi..."
"Mapula ang noo mo, tapos nangigitim na yung pasa sa gilid."
"Haaaaaaayyyyyy. Di bale, dadaanin ko na lang sa ganda kong lalake. Tayo na."
Bumulong si Coquelicot, na tila sinadyang iparinig sa akin. "Mas mainam kung dadaanin niya na lang sa pagpapatawa. Ano sa tingin mo, Iris?"
Tumungo kami sa silid pandigma ng Teigeki. Nagulat ako, dahil naroroon silang lahat, pati ang dalawang mukhang hindi ko nakita sa picnic. Lilang buhok na nakatirintas, bilog na salaming pang-mata, at suot pantrabaho ng isang mekaniko. Mga matang mapagtanong, ng isang siyentipiko. Iyon marahil si Kohran. At dahil isa na lamang ang naiwang pangalan na walang mukha, ang morenang dilag na nakasuot ng isang damit na mas bagay sa isang villa sa Italya kaysa sa isang opisinang militar ay walang iba kundi si Orihime Soletta. Isang magandang paghahalo ng dugong Italyano at Haponesa. Walang palatandaan kung ang mahaba at maitim niyang buhok ay galing sa kanyang ama o sa kanyang ina. Hindi na bale, nasaisip ko. Saka ko lang napansin ang mga mata niya. Patay tayo dito. Isa na namang Sumire, o Maria, ang isang ito. At ang nakaunipormeng opisyal ay marahil si "Fujieda-san, kamusta po kayo?" Pagbati ko sa maayos, kung medyo pahirap, na Nihongo. May nabasa ako na mas maganda kung babati ka ng mga taga-ibang bansa sa kanilang sariling wika. Pero kailangan mo ring sabihin na kaunti lang ang alam mo na salita, at baka kausapin ka nang dere-deretso sa wikang hindi mo gamay.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pinansin ang pasa sa aking noo. "Mabuti naman ako. Pero hindi patas, alam mo ang pangalan ko, ngunit hindi ko alam ang sa iyo."
"Gomen. Ako po si Pol Torero, embalsamador, este, imbestigador."
"Fujieda Kaede." Nagkamay kami. "Imbestigador? Wala akong naalalang nagpatawag ako ng imbestigasyon."
"Tama po kayo doon. Si Grand Mere po ang nasa likod nito. Humihingi po kami ng dispensa, at ngayon po ng pahintulot upang ipagpatuloy ang aking- ang aming pagsisiyasat."
"Pagsisiyasat nga lang ba ang pakay ninyo? O higit pa ba doon?" tanong ni Kaede.
Nagpatukoy ako na hindi sinasagot ang kanyang tanong. "Bukod pa po doon, nais din po naming humingi ng paniniguro ng pagkumpuni sakaling mapinsala ang mga Mark II Koubu ng Paris Kagekidan." Matapos kong sabihin ang pangungusap na iyon, sumabog ang silid sa ingay.
Glycine: "Ha, lalaban tayo? Wala akong natatandaang-"
Lobelia: "Hehe. Ayos. Akala ko pang-display lang ang mga Koubu natin."
Coquelicot: "Yehey! Akala ko pakikipagkaibigan lang kay Iris ang gagawin ko rito!"
Erica: "Ama, patawarin po Ninyo sila, hindi nila alam naag kanilang pinagsasabi..."
Hanabi: "...Hindi..."
Kohran: "Mark II Koubu? Ibig sabihin malaki ang pagkakaiba ng mga iyan kaysa sa mga naririto!"
Kanna: "Baka puedeng makipag-ensayo laban sa kanila."
Leni: "Hindi na lamang pala bulaklak ang nanggagaling sa Paris ngayon."
Sumire: "E di sisikip pa lalo ang garahe natin dito?"
Sakura: "Andamot mo naman! Parang sa iyo ang lugar na ito, a."
Orihime: "Ayos na rin iyon, titigilan na marahil ni Kohran ang pangangalikot sa Eisenkleid ko dahil my bago na siyang mga paglalaruan."
Maria: "Dito sila manunuluyan habang patyloy ang imbestigasyon? Gaano katagal?"
Iris: "Sa wakas may makakausap na uli ako ng Pranses!"
"SANDALI LANG!!!" May dumaan na anghel. Nagtinginan ang lahat kay Kaede. "Tungkol saan ba ang imbestigasyon ninyo at kailangan pa ninyo ng Koubu? Ano ba talaga ang pakay ninyo?"
Lumingon ako kay Grand Mere, na tumango, bago sumagot. "Ang pakay ko po, kung saan tutulungan ako ng Paris Kagekidan, ay ang hulihin at dalhin sa hustisya ang mga demonyong gumahasa sa tatlo sa kanilang pangkat, at ng apat sa Teikoku Kagekidan; mga demonyong nagbabalat-kayo, at ginagaya ang wangis ni Ginoong Ichirou Ohgami."
Bumalik ang anghel na dumaan kanina, kasama ang isang prusisyon ng mga santo at kerubim. Nang makaalis na ang huli...
Kohran: "Mga demonyong-"
Orihime: "-kamukha ni-"
Kaede: "-Ohgami-san?"
"Tama ang inyong narinig, mga binibini. At habang hindi ako napatutunayang mali, ituturing ko siyang instrumental, kung hindi man tuwirang may-sala. Ipinapangako ko ngayon, hindi ako magpapahinga hanggang hindi ko napipiga sa katawan niya, buhay man o patay, ang mga kasagutan na hinahanap ko." Aa, hindi kaya masyadong ma-drama? Ngayon pa lamang ay nakikita ko nang nakakunot ang mga noo ng mga kasama ko sa silid. Napasobrahan nga siguro ng pathos.
"Makakapagpahinga ka na ng maaga. Kakailanganin mo iyon, matapos mong subukin ang mahawakan man lamang ako. Sayang lamang at hanggang subok lang ang aabutin mo."
Dahan-dahan akong tumalikod, at humarap sa may bintana, kung saan naroon ang bagong dating. Tinignan ko nang maigi ang mukha, ang tangkad, ang tikas, at higit sa lahat ang buhok. Pati ang katanang nakalabas, at pistola na nakatutok sa akin. Ang determinasyon, at galit na nakaukit sa kanyang mukha. Hindi ako maaaring magkamali. Ni hindi ko na kailangan ang mga singhap at hithit ng hangin ng mga nasa paligid ko upang makilala ang kaharap ko. "Ikaw..."
"Ako nga. Maaari bang makisali sa usapang ito o...?"
"Sige lang. Ikaw nga ang laman ng talakayan namin kanina lang, Ohgami Ichiro."
"Siyanga? Puede bang umupo? Medyo malayo-layo din ang nilakbay ko makarating lang rito bago mo ako tugisin na parang isang lobo."
"Mga kasama, maupo tayo." Matapos naming makaupo, "Ohgami? Marahil galing ka sa angkan ng dakilang berdugong Imperyal na si Ohgami Itto. Tinagurian siyang Lobong Solo, at kasama niya sa kanyang mga paglalakbay ang kanyang anak na lalaki."
"Ngayon ko lang narinig ang bagay na iyan. Mukhang maganda at mahabang usapan ito. Ituloy mo."
Hindi inalis ni Ohgami ang pagkatutok ng baril sa akin, ni itinago ang katana."
"O, ano pa ang masasabi mo sa aking magaling na ninuno? Kung ninuno ko nga siya. Masarap isipin na ganoon, ibig sabihin ay hindi lang basta-basta ang dugo ko."
"Hindi ka maituturing na basta-bastang uri ng lalaki, Ohgami-san," wika ni Rachette.
"Salamat, binibini. Ano, Torero, nakain mo na ba ang dila mo? Naghihintay kami."