Chapter 26
Araw ng Biyernes. Kanselado ang practice ng team Shohoku para pagtuunan ng pansin ng basketball team ang kanilang nalalapit na quarterly exam sa susunod na linggo. Inimbitahan sila ni Ayako sa kanilang bahay para sa kanilang group study. Pinagmamasdan ng team ang buong bahay. Meron itong clothing shop sa 1st floor, nakatayo ito sa isang commercial compound. Magalang nilang binati ang ina ni Ayako na abala sa shop bago sila umakyat ng 2nd floor. Walang problema si Ayako at ang ibang benchwarmers sa kanilang pagre-review pero kailangan nilang tulungan ang apat nilang troublemakers sa kanilang pag-aaral.
Ryota: Ayako, bakit may nakalagay na clearance sale poster sa shop ninyo?
Sakuragi: Napakahina mo naman, Kulot! Diba ang clearance ay yung pinapapirma sa principal at mga teacher?
Mitsui: Gunggong! Ang clearance ay ang patunay na wala kang masamang record sa pulis.
Ryota: Rukawa, ano sa tingin mo ang clearance sale?
Rukawa: Clearance Sale – a sale of goods at reduced prices to get rid of superfluous stock or because the store is closing down.
Three Monkeys: Wow.
Sobrang namangha ang buong team sa eksaktong sagot ni Rukawa. Maganda talaga ang epekto sa kanya ng group study.
Ayako: Ang galing mo, Rukawa! Paano mo nasabi yon lahat?
Rukawa: Hinanap ko sa google, Oxford language.
Napabuntong hininga na lamang ang team sa kanilang narinig. Pagkatapos nilang mag-review, nag-usisa ang ilang boys tungkol sa pagsasarado ng negosyo ng pamilya ni Ayako.
Yasuda: Ayako, bakit ninyo isasara ang shop?
Sakuragi: Siyempre kailangan rin nilang matulog at magpahinga! Diba, Ayako?
Ryota: Gunggong! Hanamichi, isasara na nila ng tuluyan ang negosyo nila.
Mitsui: Naintindihan mo ba ang sinabi ni Miyagi?
Sakuragi: Siyempre!
Rukawa: Anong ibig sabihin ng clearance sale?
Sakuragi: Tumigil na nga kayo! Ayako, pwede mo bang ipaliwanag kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng clearance sale?
Ayako: Ibebenta na ni Mommy ang lahat ng stock sa shop. Nagdesisyon na siyang isarado ito. Sa panahon ngayon, marami ng mall at mga online seller na mas tinatangkilik ng mga costumer.
Team Shohoku: Aaahhh…
Ayako: May mga damit rin siyang binebenta na panlalaki. Gusto ninyo bang tingnan?
Sumunod ang buong team kay Ayako pababa ng 1st floor. Tumingin sila ng maaari nilang bilhin ngunit wala silang dalang pera.
Ryota: Nasaan si Mommy?
Mitsui: Oi Miyagi, kilabutan ka nga sa sinasabi mo.
Ryota: Palagi mo na lang kaming inaaway ni Hanamichi. Darating ang araw, maiinggit ka sa lovelife namin.
Sakuragi: Porket masaya ka?! Naka-kiss ka lang, akala mo kung sino ka na?!
May namumuong kidlat sa pagitan ng tatlong unggoy. Hindi na bago ang eksenang ito kaya hindi na sila inaawat pa ng kanilang mga ka-team. Si Rukawa ay mahimbing na natutulog, nakaupo at nakasandal ang ulo sa mesa na nasa gilid ng shop.
Yasuda: Ayako, diba sikat ngayon ang online selling? Bakit hindi mo subukan mag-live selling para maubos ang lahat ng stock ninyo?
Pumupungay ang mga mata ni Ayako na may kasama pang pagligid ng luha sa mata na marinig ang brillant idea ni Yasuda. Tumakbo siya sa kanyang kuwarto, kinuha ang mga kailangan sa gagamiting live selling. Tinulungan siya ng mga boys na i-assemble at ihanda ang lahat ng equipments, naghanap ng magandang anggulo para sa background at inilagay sa hanger ang lahat ng nakatagong stock. Nagtataka si Ayako sa nangyayari sa paligid niya.
Ayako: Boys, maaari na kayong umuwi. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo.
Ryota: Gustong gusto ka nila kaya walang problema sa magulang ko na nandito ako!
Mitsui: Nambobola ka lang.
Sakuragi: Hindi ako aalis dito. Gusto kong makita kung paano kikita ng pera sa ganyan!
Ryota: Magbebenta tayo, hindi tayo magsusugal.
Mitsui: Asa ka pa diyan kay Sakuragi.
Naka-set na ang lahat sa loob, nagmistulang isang studio ang shop. Abalang-abala ang lahat ng miyembro habang abala rin sa pag-idlip si Rukawa.
Kakuta: Naka-live na tayo. Ako na ang bahalang mag-monitor sa mga transaction.
Ryota: Okay, boys. Magsisimula na tayo! Kayong tatlo, kailangan ninyo akong tulungan sa pagbebenta.
Sakuragi: Bakit naman ako magbebenta?! Hindi nararapat sa katulad ko ang ganyang klase ng gawain!
Yasuda: Kailangan natin ang exposure ninyo para makakuha tayo ng customers mula sa inyong fans.
Sakuragi: Exposure? Nyahahaha! Tama ka, Yasu! Maibebenta natin itong lahat kapag nakita ako ng mga fans namin!
Mitsui: Napakababaw mo talaga. Napuri ka lang ng konte, tuwang tuwa ka na. Pasensya na Ayako, hindi ako nababagay diyan.
Ryota: Michi! Tingnan mo! Nag-react si Hasegawa! Nag-send siya ng puso!
Mabilis na lumapit si Mitsui sa screen. Hinanap niya ang icon na puso pero hindi niya ito naabutan. Kinalog niya ang laptop pero wala pa ring lumalabas.
Mitsui: Nasaan na ang puso?! Bakit nawala ang puso?!
Ayako: Hindi mo talaga makikita ang puso ni Hasegawa kasi matagal mo na yung nakuha.
Ryota: Ako din, Ayako! Matagal mo na rin nakuha ang puso ko!
Sakuragi: Rukawa! Gumising ka nga diyan! Tulungan mo kami dito!
Rukawa: Sige.
Lumapit si Rukawa sa harap ng camera, kalahati lang ang nakabukas na mga mata at tinatamad pang magsalita.
Rukawa: Nagbebenta kami ng unggoy. Pwedeng siyang maging pet at bantay sa bahay. Sakuragi ang pangalan niya. Ayos lang kahit hindi ninyo na bayaran.
Sakuragi: Anong sabi mo, Rukawa?! Humanda ka sa akin!
Nagsuntukan ang dalawang rookie, live. Hinila ng paatras ni Ryota ang katawan ni Sakuragi habang iniharang ni Mitsui ang kanyang katawan para hindi makasugod si Rukawa.
Yasuda: Online selling ang gagawin natin, hindi online fistfight. Pasensya na kayo guys! Ganyan lang talaga sila magmahalan. Hahaha!
Ayako: Tingnan ninyo! Meron na tayong unang customer!
Customer: Nakita ninyo ba si Dora?
Ryota: Sinong Dora?
Customer: Dora the Explorer. Hindi na naman siya pumasok sa paaralan. Palagi na lang siyang nagka-cutting classes.
Mitsui: Kung gusto mong malaman kung nasaan si Dora, mag-report ka sa pulis! Sino ka bang gunggong ka?!
Customer: Ako ang pinsan niyang si Diego.
Rukawa: Sakuragi, diba ikaw ang palaging kasama ni Dora?
Sakuragi: Bakit ako?! Hindi naman kami close!
Rukawa: Akala ko ikaw yung unggoy na kasama niya.
Sakuragi: Sobra ka na, Rukawa!
Muli na namang nagsuntukan ang dalawang freshman sa harap ng camera, live. Back to defensive position ang dalawa nilang senior. Sabay-sabay nagbuntong hininga ang team. Nadadagdagan na rin ang viewers nila ngunit wala pa rin silang benta.
Customer: Meron po ba kayong available na dress?
Ayako: Meron kaming dress! Pang-ilang taon? Anong size? Para sa anong edad?
Customer: Umm… ang dress pong bibilhin ko ay para sa manika kong si Lotty.
Ayako: Sandali, parang nakita na kita dati.
Customer: Kapag nahulaan ninyo kung sino ako, bibili ako ng limang dress.
Sakuragi: AAAHHH! Kilala kita! Natatandaan ko ang manika mo na si Lotty! Umm… Ikaw si… Miss Minchin?
Customer: Hindi po. Bibigyan ko pa kayo ng clue. Isa po akong grade school student.
Mitsui: AAAHHH! Ikaw si La Vinia!
Customer: Mali po ang hula ninyo. Isa po akong maid.
Ryota: AAAHHH! Ikaw si Becky!
Customer: Nagkakamali po kayo. Ang huling clue na ibibigay ko, palagi akong nagtatalop ng patatas.
Rukawa: Crew ng McDonalds?
Sa lahat ng hula na nagmula sa kanila, hindi maipagkakailang ang sagot ni Rukawa ang pinakamalayo. Hindi susuko si Ayako. Ito ang una nilang customer at bibili siya ng maraming dress.
Ayako: Ikaw si Sara Crewe!
Customer: Tama po ang hula ninyo!
Napatalon sa tuwa si Ayako at ang buong team pagkatapos ma-solve ang guessing game.
Customer: Bakit po palaging dilaw at pula ang kulay ng buhok ng mga bida sa anime?
Mitsui: Itanong mo sa hairstylist nila!
Ryota: Michi, maging mahinahon ka. Sa online selling, dapat palaging magalang at approachable.
Customer: Anong pangalan ng chicks na kasama ninyo?! Single ako!
Ryota: Huwag mong tingnan si Ayako! Kapag hindi ka pa tumigil, gagawin kong single ang ngipin mo!
Customer: Ayako pala ang pangalan niya! Thanks, pare!
Ryota: Lumayas ka dito!
Mitsui: Akala ko ba dapat mahinahon? Hindi talaga para sa atin ang pagbebenta.
Si Mitsui na ang sumunod na sumabak sa camera. Gusto niya ring subukan ang kanyang charm sa live selling. Kumuha siya ng naka-hanger na polo shirt.
Mitsui: Guys, komportable ito sa katawan. Maganda ang tela nito. Pwede siyang isuot ng pang-formal o casual.
Customer: Pwede ninyo bang isukat para malaman namin kung totoong maganda?
Mitsui: Miyagi, Hanamichi, tulungan ninyo ako dito!
Sumunod ang dalawa niyang kaibigan sa request ng mga customer. Hinubad nila ang kanilang pang-itaas na damit na ikinagulat ni Ayako.
Ayako: AAAAHHHH! Bakit kayo naghuhubad sa harap ng camera?!
Mitsui: Ang sabi ng mga customer, makikita raw nila kung maganda ang damit kung isusukat naming ngayon.
Ayako: Umiwas kayo sa camera kapag nagpalit kayo ng damit. Iiwanan ko muna kayo sandali. Magluluto ako ng hapunan.
Ryota: Gusto mo ng tulong?
Ayako: Hehehe! Hindi na kailangan! Sobra-sobrang tulong na ang ibinibigay ninyo sa akin.
Lumiliit na ang pagitan ng mga mukha ng dalawang may kulot na buhok. Nanonood lang sa pagitan nila si Sakuragi. Tinakpan ng palad niya ang mukha ni Ryota para mapigilan siya sa kanyang plano, hinila pabalik sa loob ng shop. Namula ng bahagya si Ayako, tinakpan ng mga palad ang kanyang mga pisngi at pumasok sa loob ng bahay.
Mitsui: Bakit wala na akong makitang puso?! Bakit hindi na siya nagapapadala ng puso?!
Sakuragi: Hasegawa! Pindutin mo ang puso! Kanina pa kami kinukulit ni Michi!
Ryota: Kailangan nating magbenta. Huwag na tayong gumawa ng mga personal na pagbati!
Sakuragi: Hi, Haruko! Sana napapanood mo ako ngayon! Nyahahaha!
Mitsui: Sabihin mo yung puso, pumindot siya ng maraming puso.
Sakuragi: Ikaw na lang ang magsabi kay Hasegawa! Nahihiya ka noh?!
Ryota: Itigil ninyo na ang greetings! Magbenta na tayo para mapasaya natin si Ayako. Hihihi!
Upang masolo ang camera, itinulak ni Sakuragi sa gilid ang dalawa para subukan ang kanyang skills. Sinuklay niya ng daliri ang kanyang buhok at hinila ang dulo ng kanyang shirt para mas maging presentableng tingnan sa mga manonood.
Sakuragi: Tinatawagan ko ng pansin ang mga matutulis ang buhok mula sa Ryonan at Shoyo! Kung mahal ninyo ang mga syota ninyo, bumili kayo dito, ngayon din! Sa mga kaibigan kong sina Mito, Ohkusu, Noma at Takamiya! Kapag hindi kayo bumili dito, tapusin na natin ang pagkakaibigan natin!
Mito: Meron ba kayong ibinebentang alak?
Ohkusu: Blonde na pangkulay ng buhok?
Noma: Gel o Pomade?
Takamiya: Meron ba kayong insecticide?
Sakuragi: Mga ungas! Damit ang binebenta namin!
Mito: Bakit nakasalalay dito ang friendship natin?! Sobra ka naman!
Takamiya: Okay lang sa akin! Kapag hindi na tayo magkaibigan, wala na akong ililibre!
Noma: Huwag kayong maniwala diyan kay Hanamichi! Hindi niya tayo matitiis, lalo na kung wala yang pera.
Ohkusu: Oo nga! Sa amin ka pa rin lalapit! Lalo na kapag heartbroken ka!
Sakuragi: Oy! Huwag kayong umalis! Bumili kayo dito!
Hindi pa rin umaalis ang mata ni Mitsui sa mga dumadating na comments. Nagbabantay pa rin siya ng puso mula sa may matulis na buhok sa Shoyo. Umuusok na ang ulo ni Sakuragi dahil wala pa rin siyang nabebenta. Tiningnan niya ang screen, nakita niya ang mensahe ni Aota, ang president ng Judo Club.
Aota: Sakuragi, pinapabayaan ka na ba ng basketball club? Bakit ka nila pinagtitinda? Kung sasali ka sa aming club, hindi ka mapapagod, makakatanggap ka pa ng special treatment!
Sakuragi: Alam mo Judoy, wala akong panahon sa mga sinasabi mo. May ibinebenta kami ditong brief at boxers. Meron din kaming panty at bra.
Aota: Seryoso ako sa alok ko sayo, Sakuragi. Ginagamit ka lang nila! Sabay nating itaas ang dangal ng Judo sa ating bansa!
Sakuragi: Ayoko.
Ang benchwarmers ang pansamantalang humalili sa tatlong unggoy para kausapin ang mga customers.
Customer: Bakit palaging natatakpan ng buhok ang mukha ng white lady?
Yasuda: Siguro nakita nila ang crush nila sa paligid.
Customer: Bakit sobrang puti ng mukha ng mga multo?
Kakuta: Siguro iisa lang ang kanilang make-up artist.
Customer: Bakit po palaging namamatay ang ilaw sa horror film?
Shiozaki: Mahilig sa hide and seek ang mga ghost.
Customer: May asawa na po ba si Valak?
Sakuragi: Ano ba yan?! Bakit ninyo itinatanong sa amin ang mga multo?! Hindi ito horror!
Samantala, may napansin na kakaibang comments sina Yasuda at Kakuta mula sa mga viewers. Bigla silang nakaramdam ng panlalamig at kilabot ng mabasa nila ito.
Customer: Magkano po ang mannequin?
Tinawag nila ang tatlong unggoy upang ipakita ang lahat ng kakaibang comments. Nagkatinginan sila. Sabay-sabay lumibot ang kanilang paningin sa buong paligid ng shop para maghanap ang mannequin. Wala silang nakita. Bumalik muli ang kanilang mga mata sa mga mensahe at biglang namatay ang ilaw.
Team Shohoku: WAAAAHHHH!
Muling nagbukas ang ilaw. Tiningnan nila ang switch, nakita nila na nakatayo roon si Rukawa.
Sakuragi: Ikaw ba ang nagpatay ng ilaw?
Rukawa: Oo.
Mitsui: Bakit mo yun ginawa?!
Rukawa: Para may suspense.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Ryota sa mga mensahe at sa screen. Mukhang nahulaan na niya kung sino ang mannequin na tinutukoy ng mga viewers.
Ryota: Rukawa, okay lang ba kung doon ka umupo sa gitna?
Rukawa: Sure.
Naglagay si Ryota ng upuan sa harap ng camera at doon pinaupo si Rukawa. Lalong dumami ang mga viewers at mga heart icon na lumilipad sa screen. Dahil sa charm ng kanilang ace player, nakaisip ng brillant idea ang kanilang team. Inayos ng ibang benchwarmer ang buhok at inihanda nina Kakuta at Yasuda ang mga damit na isusuot sa kanilang model. Nagsimula ng palitan ng damit nina Mitsui at Ryota ang bagot na bagot na si Rukawa habang si Sakuragi ay nanatili sa harap ng camera.
Kyota (Kainan): Hanamichi, anong damit ang mairerekomenda mo para sa akin?
Sakuragi: Turtleneck long sleeve top with plastic!
Kiyota: Para saan ang plastic?
Sakuragi: Yun ang ilalagay sa ulo mo kasi hanggang leeg lang ang turtleneck.
Kiyota: Gunggong ka talaga, unggoy!
Kishimoto (Toyotama): Sakuragi, pupunta kami diyan ng teammates ko sa Kanagawa!
Sakuragi: Kahit isama mo pa ang buong angkan mo, wala akong pakialam!
Kishimoto: Bakit ba palaging mainit ang ulo mo?!
Sakuragi: Bumili ka dito para matuwa ako sayo!
Kishimoto: Meron kayong ponytail?
Sakuragi: Seryoso? Bibili ka? Ilan?
Kishimoto: Isa lang.
Sakuragi: Isa lang?! Damihan mo!
Namamaga at namumula na ang mukha ni Sakuragi sa pagbebenta kaya pansamantala muna siyang pinagpahinga ng team. Si Mitsui ang sumunod na humarap sa camera habang inaayusan pa ang kanilang model.
Hotta: Michi-Boy! Bakit hindi mo sinabi sa amin na meron pala kayong shop?
Mitsui: Sa pamilya ni Ayako ang shop na 'to. Bibili kayo diba?
Hotta: Siyempre naman, para sayo! Proud na proud kami sayo bilang kaibigan mo. Napaka-gwapo mo pa!
Mitsui: Ano ba?! Huwag mo yang sabihin dito. Nakakahiya! Baka may makabasa ng mga sinasabi mo.
Hotta: Sino? Yung taga-Shoyo?
Mitsui: Tumigil ka nga diyan!
Nakahanda na ang model ng live selling. Tumayo na sa gilid ang tatlong unggoy. Maraming nagpadala ng mensahe na interesado sila, hindi sa damit, kundi sa model.
Mitsui: Hindi kasama ang model, mga gunggong!
Ryota: Karamihan ng dumadaan sa live ay mga fans ni Rukawa.
Sakuragi: May naisip na ako para hindi na sila tumambay sa live natin!
Kumuha ng white sticker si Sakuragi, sinulatan ito, at idinikit sa damit sa tapat ng dibdib ni Rukawa. "No Parking."
Ryota: Bakit ganyan ang isinulat mo?!
Sakuragi: Ano ba ang inilalagay sa mga kalsada para hindi tambayan ng mga sasakyan? Diba, no parking?
Mitsui: Gunggong! Tao si Rukawa! Palitan mo yan.
Naging epektibo ang kanilang technique. Mabilis na nabenta ang mga damit na ipinasuot nila kay Rukawa. Kahit panlalaki ang mga damit, binibili pa rin ito ng mga girls. Natapos ng isulat ni Sakuragi ang pangalawang sticker na ididikit kay Rukawa. "Not for Sale"
Ryota: Ano ba yan, Hanamichi?! Palitan mo yan!
Sakuragi: Ano ang mali dito?! Ang sabi ninyo magsulat ako ng sign para hindi siya bilhin ng mga viewers!
Mitsui: Ikaw na ang bahalang makipag-usap sa mga gunggong na viewers. Ako na ang gagawa ng sign.
Pinalitan ni Mitsui ang sign sa na nakadikit sa damit ni Rukawa, nilagyan niya ito ng 'Model Not Included'. Patuloy na dumadagsa ang mga mensahe kaya hindi na nila magawang basahin ito lahat. Sa pamamagitan ng video call, kinontak ng ace player ng Sannoh si Sakuragi.
Sawakita: Seryoso ba yang ginagawa ninyo?
Sakuragi: Naglalaro lang kami! Mamaya ng kaunti, magsasabong kami!
Sawakita: Pwede ko bang makausap si Rukawa?
Sakuragi: Bawal! Kailangan mong bumili bago mo siya makausap!
Sawakita: Sige. Lahat ng isinukat ni Rukawa, bibilhin ko.
Nanlaki ang tenga ng buong team sa sinabi ni Sawakita, malakas na kinalog ni Mitsui ang balikat at hinila ni Ryota ang pisngi ni Rukawa para magising.
Rukawa: May problema ba kayo sa akin?!
Sakuragi: Gumising ka na! Tapos na ang trabaho natin!
Mapupungay pa ang mga mata at nanlalambot pa ang mga buto-buto ni Rukawa nang kinuha niya ang phone.
Sawakita: Pupunta na ako sa US sa susunod na linggo. Pwede mo bang ibigay sa akin ang hinihingi ko?
Rukawa: Ang alin?
Sawakita: Address mo.
Rukawa: Wala akong inorder na pagkain sayo.
Sawakita: Mas maganda kung may kakilala tayo sa malayo. Kapag nandoon ka, pwede tayong maglaro ng one-one-one.
Rukawa: Naka-reserba na ang one-on-one game ko sa iisang tao.
Sawakita: Meron akong farewell party. Inimbitahan ko rin ang teammates mo. Sumama ka!
Rukawa: Farewell na nga diba? Bakit kailangan pang mag-party?
Sawakita: Kaya nga tinawag na farewell party! Pupunta kami diyan sa Kanagawa mamaya! Hindi ako aalis ng hindi kita nakikita.
Rukawa: Bakit? Nasa akin ba plane ticket mo? Gunggong.
Sawakita: Bakit ba palagi mo na lang akong tinatanggihan?!
Rukawa: Kasi gunggong ka.
Sawakita: Binili ko na lahat ng stock diyan para makasama kayo sa party namin!
Rukawa: Ah ganon ba? Thanks.
Sawakita: Sasama ka?
Rukawa: Yuck.
Napagod na ang ace player ng Sannoh sa paulit-ulit niyang pag-imbita kay Rukawa. Hindi niya alam kung bakit niya ipinipilit niya ang sarili niya sa taong ito ngunit masaya siya tuwing nakakausap at nakikita ito. Pumasok na sila sa loob ng train para sa mahabang biyahe patungo sa Kanagawa.
Kainan High. Nagpa-practice ng shooting drill sa 3-point line si Maki. Natapos na ang kanilang practice pero patuloy siyang nagsasanay sa loob ng court.
"He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not."
Paulit-ulit niya itong binubulong sa sarili habang tinatandaan ang lahat ng nai-shoot at hindi nai-shoot sa ring. Sa score na 20 out of 9, nanguna ang 'he loves me.' Tumigil na siya sa pagpa-practice para hindi na umabot pa sa sampu ang puntos ng 'he loves me not.' Kinuha niya sa bag ang kanyang tumbler, inubos ito sa isang inuman lamang. Nang ibalik niya ito sa loob, napansin niya ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Fujima. Muli na naman siyang nataranta. Mabilis niyang itinago ang phone sa bag at nag-zipper ng kanyang bag. Tumakbo siya sa shower room para maging fresh pagdating ng kanilang bisita.
Maki: Kyota! Nasaan kayong dalawa ni Jin? Maaari ba kayong pumunta ngayon sa gym?
Kyota: Bakit, captain? Darating na ba ang bisita mo na hindi natuloy noong isang araw?
Maki: Oo! Malapit na raw siya dito sa school.
Pagkatapos mag-shower, una niyang kinuha ang kanyang pabango. Wala na itong laman! Kakabili lang niya nito noong isang araw nang binalitaan siya ni Hanagata sa planong pagbisita sa kanila ni Fujima. Nakalimutan niyang halos nai-spray niya ang lahat ng laman nito kaya naubos na ito. Nagbihis na siya ng casual na damit at nagsuklay ng buhok. Paulit-ulit niyang sinusuri ang kanyang sarili sa salamin. Perpekto na ang kanyang look, pabango na lamang ang kulang. Kailangan na lamang niyang maghintay sa kanyang dalawang maaasahang teammates sa kanilang pagdating.
Kyota: Captain! Anong maitutulong namin sayo?
Maki: Meron ka bang pabango?
Kyota: Oo!
Inabot kaagad ni Kyota ang kanyang pabango kay Maki. Nagtataka si Jin kung bakit natataranta na naman ang kanilang Captain katulad ng nangyari noong isang araw na pinuntahan siya ni Fukuda.
Jin: Sino ba ang bisita na darating?
Maki: Si Fujima. Marami raw siyang dala na package ng skincare products na ibibigay sa team natin.
Naalala ni Jin ang huli nilang pagkikita ni Fukuda. Hindi niya gustong masaktan ang damdamin niya pero tuwing naaalala niya ang malungkot nitong mukha, sinisi niya ang sarili. Nasaktan niya si Fukuda. Palagi niyang pinipili ang kanyang team. Palagi niyang inilalaan ang oras sa teammates niya kahit na alam niya na kaya nilang dalhin ang sarili nila.
Natatanaw na nila sa entrance si Fujima, nakatayo habang buhat ang mga kahon. Nilapitan nina Jin at Kyota ang captain ng Shoyo upang tulungan siya sa kanyang maraming dala. Hindi pa rin makaalis sa kanyang kinatatayuan si Maki, nakatingin lamang siya sa tatlong players na nag-uusap sa entrance ng hindi man lang gumagalaw ang kanyang mga pilik-mata.
Kyota: Captain! Bakit hindi ka lumalapit dito?
Jin: Pasenya ka na, Captain Fujima. Mahiyain lang talaga ang aming captain. Ikaw na lang siguro ang lumapit sa kanya.
Kyota: Kami na ang bahala dito! Hahaha!
Fujima: Salamat sa inyong dalawa.
Naglakad na si Fujima patungo sa loob ng court ngunit hindi pa rin gumagalaw si Maki. Kinakabahan din siya, nagda-dalawang isip sa kanyang gustong malaman sa nangyari sa kanila sa overpass. Pero sa itsura ngayon ni Maki, may kutob siya na hindi na naman ito magsasalit ng normal sa harap niya.
Fujima: Paumanhin kung hindi ako nakarating noong isang araw.
Nakatingin lang sa kanya si Maki, hindi pa rin kumikibo. Gusto niyang subukan na buksan ang topic tungkol sa overpass ngunit tulala pa rin ang lalaki sa harap niya. Naghintay muna siya ng ilang sandali, nagba-baka sakali na may sabihin ito sa kanya. Wala pa ring nagyari. Nakatingin lang ito sa kanya. Paano niya itatanong ang lahat ng nasa isip niya kung wala pa rin sa sarili si Maki? Hindi na siya makapaghintay. Nagpaalam na siya sa captain ng Kainan.
Fujima: Uuwi na ako, Maki. Salamat sa paghihintay sa akin. Mag-usap na lamang tayo kapag handa ka na.
Nanonood ang dalawang Kainan players sa dalawang captain sa gitna ng court. Inaasahan na ni Jin ang magiging itsura ni Maki. Naiinis naman si Kyota sa ikinikilos ng kanilang captain. Nagpaalam na rin sila kay Fujima bago ipinasok ang mga kahon sa kanilang locker. Sinilip ni Kyota ang kanyang kaibigan na si Jin. Palagi siyang present para sa kanilang team kahit nakikita niya na gusto pa ng teammate niyang sumama kay Fukuda. Naiintindihan na rin niya ang rason ng pag-imbita ng Ryonan player kay Sakuragi noong nakaraang araw.
Lumipat naman ang tingin niya kay Maki. Nanghihinayang siya mga pagkakataon ng kanilang captain dahil sa pagiging weirdo nito. Nararamdaman niya ang pagtatangkang pag-reach out ni Fujima sa kanilang captain ang tunay na dahilan ng kanyang pagbisita. Ayaw niyang maging disrespectful sa kanyang senior ngunit ang nasaksihan niya kanina ay hindi na katanggap-tanggap! Kailangan na niyang komprontahin ang kanilang captain para bumalik na siya sa dati niyang katinuan.
Kyota: Captain! Bakit hindi mo kinausap si Fujima?! Anong problema?!
Maki: Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Kyota: Hanggang kailan ka magiging ganyan sa harap niya?! Hihintayin mo pa bang mapagod siya sayo?
Maki: Wala akong panahong makinig sa mga sinasabi mo, bata.
Kyota: Kung gusto mong maging miserable, huwag mo ng isali si Jin.
Maki: Si Jin?
Kyota: Palagi niyang iniiwanan si Fukuda dahil sa atin. Noong isang araw, nandito sila ni Sakuragi. Pinili ni Jin na bumalik dito sa gym dahil ang sabi mo kailangan mo ng tulong niya.
Na-guilty si Maki sa mga sinabi ng kanilang rookie. Hindi niya napapansin na naaapektuhan na niya ang love life ng kaibigan niyang si Jin dahil sa hindi siya makagawa ng paraan para sa sarili niya pagdating kay Fujima. Sa wakas, nagkaroon na siya ng tapang ng loob. Ito na ang huling beses na magiging duwag siya na harapin si Fujima.
Overpass. Nakakapagod at nakakaubos ng lakas ang maghapong activity na ginugol ng team Shohoku. Nauna ng umalis ang tatlong unggoy para maghatid ng ilang order sa kanilang kaibigan. Mabagal na naglalakad si Rukawa sa overpass, inaantok as usual. Nagtataka siya kung bakit wala siyang natatanggap na isang tawag o mensahe mula sa kanyang nobyo. Pagod na pagod na rin, wala na ring siyang lakas para makipag-usap. Napansin niya si Fujima na nakatayo sa gilid ng overpass. Nagmasid muna siya sa paligid. Nagbaka sakali siya na baka meron itong katagpo o may nagtatago na namang Kainan captain sa mga sulok ng haligi. Negative.
Fujima: Rukawa! Bakit late ka na nakadaan dito?
Rukawa: Marami kaming ginawa. May hinihintay ka ba dito?
Fujima: Wala. Pumunta ako sa Kainan. Nagdala ako ng box.
Rukawa: Ah.
Namumula ang pisngi ni Fujima sa paulit-uli na pagbahin. Masama ang kutob ni Rukawa. Nag-spray siya kaagad ng paligid para mamatay ang posibleng virus na dala ng kausap niya.
Rukawa: Yuck.
Fujima: Hahaha! Wala akong sipon. Sobrang tapang ng pabango ni Maki. Parang nakadikit pa rin ang amoy niya sa ilong ko.
Rukawa: Wow. Nag-level up na sila.
Fujima: Mali ka ng iniisip. Nagtataka lang ako kung bakit palagi siyang natataranta tuwing nagkikita kami.
Rukawa: Ganon talaga kapag tumatanda na.
Fujima: Hahaha! Mabuti ka pa. Madali mong nasasabi ang laman ng isip mo.
Rukawa: Anong problema?
Fujima: May kakilala ako na hindi magawang sabihin ang totoong nasa isip niya. Salungat ng mga kinikilos niya ang lumalabas sa kanyang bibig.
Rukawa: Kilala ko ba siya?
Fujima: Oo.
Rukawa: Kilala ko pala, bakit hindi mo pa sabihin ang pangalan?
Fujima: Hahaha! Okay, si Maki.
Rukawa: Kailangan pa ba niyang sabihin ang salita para maintindihan mo siya?
Kumurap ang mga mata at napanganga ang panga ni Fujima nang marinig ang sinabi ng kanyang kaibigang antukin. Napagnilay-nilayan niya ang mga kakaibang ikinikilos ni Maki simula ng matalo ang team nila sa elimination rounds. Palagi siyang umiiwas ng tingin , madalas siyang nagpapadala ng mensahe na may random na letters, tumatawag pero hindi nagsasalita at kinakabahan tuwing nagkikita sila. Maaaring tama ang sinabi ni Rukawa. Hindi na niya kailangan pang hintayin ang confession ni Maki para malaman ang kanyang tunay na intensyon.
Fujima: May pupuntahan akong bar mamaya. Sumama kayo sa amin ng team ko.
Rukawa: Hindi pa namin sigurado. Meron pa silang pinuntahan.
Somewhere down the road. Excited na tinatahak ni Hasegawa ang kahabaan ng kalsada patungo sa Shohoku High. Gusto niyang sabayan si Mitsui papunta ng bar. Sigurado siya na tapos na ang kanilang online selling. May napansin siyang isang grupo ng mga lalaki sa isang kanto kasama ang ilang studyante na may red school jacket, ang Shohoku team. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. May kutob siya na mag-aaway sila sa masikip na kanto. Sinilip niya ang mga mukha ng mga kalalakihan, si Mitsui ang una niyang nakita.
Nagtago siya sa likod ng pader, inhale-exhale. Ibinalik niyang muli ang paningin niya sa masikip na kanto. Hindi niya hahayaang mapasali sa gulo si Mitsui. Wala siyang pakialam kung mabugbog siya o masaktan, ang mahalaga ay masamahan niya si Mitsui sa hirap at ginhawa. Tumakbo siya papunta sa loob ng kanto.
Sakuragi: Hahaha! Akala ko kung ano na ang bibilhin mo sa amin. Mahilig ka pala sa eyeliner.
Tetsuo: Siyempre! Mas wild tingnan kapag maitim ang pilikmata ko!
Ryota: Tetsuo, gusto mo ba ng pang-kulot? Meron ako sa bahay! Ibalik mo na lang sa akin kapag natapos ka na!
Tetsuo: Sige. Dadaanan ko na lang sa bahay ninyo mamaya!
Mitsui: Bakit nga pala dito mo napiling kunin ang mga binili mo sa amin?
Tetsuo: Maraming nagtatanong kung paano ko napapanatili ang intimidating look ko. Hindi ko hahayaang malaman ng iba ang sikreto ko!
Sakuragi: Tama ka! Tingnan mo ang balat ko ngayon! Naging makinis na ito simula ng ipinaglagay ako ni Haruko ng skin mask sa mukha! Haruko touches my skin, who touches yours?!
Nag-high five ang mga Online Sellers at si Tetsuo. Pagkatapos ng nangyaring gulo sa gym, naging bestfriend forever na sila. Nakita ni Mitsui ang matangkad na lalaki sa likuran nila, may matulis na buhok na nagmamasid lang sa kanila.
Mitsui: Hasegawa?
Hasegawa: Michi?
Magsisimula ng mang-asar sina Sakuragi at Ryota pero napansin nila ang mga mata ni Mitsui na parang pinipigilan silang ituloy ang kanilang plano. Seryoso lang ang mukha niya. Biglang na-conscious si Mitsui. Komportable siya sa pang-aasar ng teammates niya pero iba ang sitwasyon nila ngayon. Kasama nila si Tetsuo, isa sa matalik niyang kaibigan, isang gangster na katulad niya.
Tetsuo: Kilala mo ba siya Mitsui?
Mitsui: Oo. Tetsuo, siya si Hasegawa. Hasegawa, siya si Tetsuo.
Nakita ni Hasegawa ang kamay ni Tetsuo, nakipagkamay siya rito. Pamilyar siya sa taong ito, alam niya na kaibigan siya ng team Shohoku pero nanatili siyang walang tiwala sa taong ito. Napakunot ang noo ninan Ryota at Sakuragi. May nararamdaman silang may mali at kakaiba sa mga ikinikilos ni Mitsui.
Mitsui: Anong ginagawa mo rito?
Hasegawa: Nag-aalala ako. Akala ko may masamang mangyayari dito.
Tetsuo: Ano? Bakit ka nag-aalala? Boyfriend mo ba si Mitsui?
Nararamdaman ni Mitsui ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Nababasa ni Mitsui sa expression nina Sakuragi at Ryota na aminin niya ang totoong namamagitan sa kanila. Pero hindi siya makapagsalita sa harap ni Tetsuo. Mahal niya si Hasegawa pero ayaw niyang mabawasan ang kanyang maangas na imahe kapag inamin niya ito sa iba, lalo na sa kapwa niya gangster.
Mitsui: Kaibigan ko si Hasegawa.
Sakuragi: Ano bang problema mo, Michi?!
Bakit hindi mo sabihin ang totoo?!
Ryota: Tama na, Hanamichi!
Pinigilan ni Ryota ang tangkang pagsuntok ni Sakuragi kay Mitsui. Hinarang niya ang kanyang katawan para mapigilan ang gulo na kanyang gagawin.
Inoobserbahan ni Tetsuo ang nangyayari sa Shohoku players at ang disappointed expression sa mukha ni Hasegawa. Mukhang nakukuha na niya kung ano ang ibig sabihin ni Sakuragi.
Hasegawa: Kailangan ko ng umalis. Pasensya na sa abala.
Nanlulumo, nasasaktan na nilisan ni Hasegawa ang masikip na kanto. Ang mabagal niyang paglakad ay bumilis hanggang sa napatakbo na siya patungo sa train station. Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa, nakita niya ang mga mensahe ni Hanagata. Hindi siya mahilig sa alak pero ang malaki ang maitutulong nito sa kanyang nararamdaman.
Samantala, pinipigilan pa rin ni Ryota si Sakuragi na saktan si Mitsui, nanatiling tahimik at hindi kumikibo sa kanyang pwesto.
Ryota: Mitsui, Tetsuo, aalis na kami ni Sakuragi.
Sakuragi: Hindi ako aalis dito! Ano bang tumatakbo diyan sa isip mo, Michi?! May mawawala ba sayo kapag inamin mong may gusto ka kay Hasegawa?!
Mitsui: Tumahimik ka, Sakuragi!
Tetsuo: Ano bang ikinatatakot mo, Mitsui? Hindi naman ganyan ang Mitsui na kilala ko.
Nagtama ang kanyang mga mata sa mata ni Tetsuo. Tulad ng kanyang team, wala itong halong panghuhusga at disappointment sa kanya. Siya ay naging duwag. Palagi siyang nagkakaroon ng pagdududa sa sarili at pinanghihinaan ng loob tuwing mayroon siyang mabigat na alalahanin. Ang pride niya ang nagpalayo sa taong mahal niya. Na-realize na niyang lahat ang kanyang pagkakamali. Mabilis siyang tumakbo para habulin si Hasegawa.
Sendoh's Apartment. Payapang natutulog sa kanyang kama, si Sendoh ay may nakakandong na unan sa kanyang dibdib. Ang paglubog ng araw ay nagliliwanag sa kanyang mga bintana dahilan upang ang binata ay gumalaw. Wala silang practice ngayon araw kaya umuwi siya ng bahay upang magpahinga. Napaungol siya nang tumama sa mukha niya ang liwanag ng araw. Kinuha niya ang phone niya sa nightstand at tinignan ang message.
Maki: Sendoh, maaari ba kitang makausap? Magkita tayo sa barbershop sa plaza.
Ibinalik niya ang kanyang phone sa ibabaw at dahan-dahang nagsimulang umupo. Dinampot niya ang unan na may mukha ni Rukawa, tinitigan ito, ikinulong sa kanyang dibdib. Dalawang gabi na niyang hindi nakikita si Rukawa. Nami-miss na niya kaagad ang kanyang high libido Baby Boy.
Gumapang mula sa kanyang mainit na kama, naglakad patungo sa kanyang banyo. Tumalon siya sa isang mainit na shower. Kumurba ang gilid ng kanyang labi ng maalala ang kanyang nobyo na mapang-akit dalawang gabi na ang nakakaraan. Tinakpan ng palad niya ang bibig habang kinikilig. Nai-imagine niya pa rin na nakaluhod sa kanyang harapan si Rukawa, may seductive na mga mata, kinakatas ang kanyang beast. Hindi lang ang bibig ang kanyang tinakpan this time, niyakap ng isang kamay niya ang kanyang katawan na parang first time niya na mahawakan.
Maligaya siya sa mga bawat minuto ng kanilang hotdog actions. Nasarapan siya pero pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Nais niyang tumagal pa ang kanilang hot moments pero masyado ng mabilis mag-react ang kanyang katawan. Madali siyang bumigay, agad siyang nilabasan. Naaalala pa niya ang ngisi ni Rukawa pagkatapos siyang magtagumpay sa kanyang goal tuwing gabi. Napasuntok siya sabay sipa sa hangin. Hindi lang iyon ang naalala niya, dalawang beses na magkasunod na nasa ibabaw si Rukawa!
"It so unfair," ang bulong niya sa sarili. Marami ng nangyayaring gulo sa mundo pero ito talaga ay pinoproblema pa niya. Lumabas na siya ng banyo habang iniisip ang napakabigat niyang problema. Kinuha niya ang hotdog. Napakatigas nito lalo na kapag nababad sa malamig. Binasa niya ito sa tumutulong gripo para mabawasan ang pagkatigas ngunit wala pa ring pagbabago. Nagmamadali na siyang umalis kaya kailangan na niya itong palambutin. Muli niyang ibinalik ang hotdog sa tumutulong tubig. Wala pa ring nangyari. Sumuko na siya sa katigasan ng hotdog kaya ibinalik na niya ito sa freezer. Sa labas na lamang siya kakain ng hapunan.
Plaza. Maaliwalas ang mukha ni Sendoh habang naglalakad patungo sa plaza na hindi kalayuan sa kanyang apartment. Marami siyang natanggap na mensahe sa kanyang phone pero wala siyang natanggap mula sa kanyang Baby. Ang tanging mensahe lang na binasa niya ay ang huli niyang natanggap. Naglibot-libot na ang kanyang paningin sa buong plaza para maghanap ng makakainan mamaya.
Napatigil siya sa paglakad sa harap ng transparent wall ng isang bookstore nang makita niya ang naka-display na magazine. Ang larawang ito ay pamilyar sa kanya. Ang larawan ng team Shohoku pagkatapos nilang matalo ang matagal ng nangungunang koponan sa buong bansa, ang Sannoh. Mabilis siyang pumasok sa store para bumili ng kopya.
Excited siyang kunin ito sa rack. Naglakad siya kaagad patungo sa cashier pero bago pa siya makalayo, ang kanyang atensyon ay napunta sa isang magazine na nakalagay sa rack. Dinampot niya ito, napasinghal siya sa pagkairita. Ito ay mula sa National Basketball Weekly magazine, ang cover nito ay ang number 1 sa Japan na si Eiji Sawakita.
Sendoh: Wala sa display ang magazine cover mo. Ibig sabihin, natabunan ka na ng Shohoku team. Natalo ka na ng Baby ko. Hihihi!
Ibinalik niya ito sa rack ng may pagdarabog. Ang akala niya ay kakaunti lang ang kopya nito. Paglingon niya sa shelve rack, ang dami ng kopya nito ay umabot hanggang sa dulo ng rack. Nagdidilim ang kanyang paningin, ang init ng pagkairita niya ay nagsingaw ng usok sa kanyang tenga at ilong. Napansin niya ang pangalan ng bawat categories ng rack. Nakaisip siya ng brillant idea.
Inilipat niya ang lahat ng kopya ng magazine na may mukha ni Sawakita sa
Adult Section. Proud na proud siya sa sarili niya pagkatapos ng kanyang ginawa. Umalis na siya sa kanyang kinatatayuan para pumunta sa cashier ngunit may napansin na naman siyang isang magazine na may mukha ng isang pamilyar na player. Ito ay mula sa Osaka Weekly magazine, si Tsuyoshi Minami. Ang kaninang umuusok na ilong at tenga niya ay naglalabas na ng apoy ngayon.
Ang lahat ng kopya nito ay plano rin niya na isama sa adult rack ngunit napansin niya ang isa pang category na katabi ng 18+ section. Kumislap ang dulo ng kanyang bibig. Naniniwala siya na bagay na bagay ang category na ito kay Minami. Kinuha niya ang lahat ng kopya at inilagay ito sa crime category. Napahagikhik si Sendoh sa kanyang ginawa.
Maki: Sendoh?
Napalingon si Sendoh sa kanyang likuran, hindi niya namamalayan na katabi niya si Maki.
Sendoh: Pasensya na. Hindi kita napansin kaagad. Saang barbershop tayo pupunta?
Maki: Diyan lang sa kabilang kalsada. Nakita kita kaya naisip kong pumasok dito. Hihintayin kita sa loob.
Sendoh: Okay, pare.
Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngisi nang magbayad na siya ng magazine sa cashier area. Paglabas niya ng shop, nakita niya si Maki na nakaupo sa waiting area sa loob ng barbeshop. Hinintay niya na magkulay red ang signal light bago tumawid sa kabilang kalsada. Napatingin siya sa TV led screen sa itaas ng commercial building. Umusok na naman ang kanyang ilong sa inis. Makikita sa screen ang interview ni Ms Yayoi Aida kay Sawakita. Masama ito. Kanina lamang, nakita niya ang magazine na may mukha nito at si Minami. Nag-inhale exhale siya para mawala ang nabubuong tension sa kanyang katawan. Tumawid siya kaagad sa pedestrian lane patungo sa barber shop nang magpalit ito sa red light.
Barbershop. Inoobserbahan ni Maki ang kabuuang pisikal na katangian ni Sendoh. Nakasuot ito ng simpleng tsinelas, blue faded maong pants at white shirt. Bago niya ito batiin, bumalik ang paningin nito sa tapat ng ibabang bahagi ng katawan ni Sendoh. Iniisip niya kung sinadya ba ng lalaking ito na magsuot ng masikip na pants o sadyang malaki lang ang kanyang umbok sa unahan. Hindi na bale. Lahat ng napansin niya kay Sendoh ay ililista niya sa kanyang boyfriend material list.
Sendoh: Pare, bakit mo ako gustong kausapin?
Maki: Nagtapat na ako kay Fujima gamit ang ilang linya ng kanta. Pumalpak ako.
Sendoh: Bakit ka gumamit ng song lines? Sinong gunggong ang nagsabi niyan sayo?
Maki: Ikaw.
Sendoh: Huh?! Bakit ako?
Maki: Hindi mo na maalala? Tinawagan kita noong isang gabi. Medyo paos at garalgal ang boses mo pero naintindihan ko ang lahat ng sinabi mo.
Sendoh: Ahh… Pasensya na. Nalasing ako ng araw na yun.
Maki: Ganon ba.
Sendoh: Kung nagtapat ka na sa kanya, anong reaksiyon niya?
Maki: Hindi ko alam. Hindi ko nasabi ng gusto ko siya.
Kapansin-pansin ang malungkot na mukha ni Maki. Hindi rin alam ni Sendoh kung paano niya ito matutulungan. Walang siyang anumang information tungkol kay Fujima. Information? Tama. Mayroon siyang kilala na matinik pagdating sa information, si Hikoichi. Kinuha niya kaagad ang kanyang phone sa bulsa at nagpadala ng mensahe sa freshman. Sana ay kahit papaano may maitulong ito kay Maki.
Sendoh: Bakit dito mo napiling mag-usap? Magpapagupit ka ba?
Maki: Magtatanong ako sayo kung anong gupit ang babagay sa akin.
Sendoh: Bakit ako?
Maki: Nagawa mong mapapayag si Rukawa na makipag-date sayo kaya sigurado ako na matutulungan mo ako.
Sendoh: Alam mo, Maki, hindi mo kailangan magpa-impress o baguhin ang sarili mo. Maging tapat ka lang sa kanya.
Maki: Ano ba ang ginawa mo para kay Rukawa?
Sendoh: Hehehe! Akin na lang yon.
Napansin ni Sendoh na naging malungkot ang mukha ni Maki. Nakukuha na rin niya ang totoong dahilan ng pag-uusap nila ngayon. Gusto ni Maki na gawin kay Fujima ang lahat ng style na ginawa niya noong sinusuyo pa niya ang kanyang Baby boy.
Sendoh: Hindi mo kailangan magpanggap bilang ibang tao o gayahin ang style ko. Si Fujima ay si Fujima. Si Rukawa ay ang aking Baby boy.
Maki: Hindi ko alam. Nanghihina ang joints ko kapag nakikita ko siya.
Sendoh: Lakasan mo ang loob mo sa harap niya. Wala kang Fujima kung palagi kang mahihiya.
Tinandaan lahat ni Maki ang golden rules ni Sendoh. Ang kailangan lang niya ay lakas ng loob. Hindi na siya muling magtatago kapag nasa paligid si Fujima, o magwo-walk out pagkatapos nilang mag-usap, o manlambot ang mga joints tuwing kaharap siya. Nagpaalam sa may-ari ng shop ang dalawang captain bago lumabas ng shop. Bago pa nabuksan ni Maki ang pinto, naaninag niya sa labas ang ace player ng Toyotama, si Minami. Mahaba ang pasensya ni Maki, ngunit ang katabi niya ay nakakapaso na ang balat sa inis.
Maki: Naalala mo ba siya Sendoh?
Sendoh: Naalala ko siya. Hinding hindi ko siya makakalimutan. Siya ang sumiko sa mata ng Baby ko sa first half. Siya ang nagtangkang pabagsakin ang Baby ko sa 2nd half. Siya si Monami.
Maki: Minami.
Sendoh: Minami?
Maki: Oo.
Back to serious mode ulit ang dalawang captain. Biglang sumagi sa isip ni Maki na si Minami ang nagbigay ng injury kay Fujima noong panahon na kasama nila ang team Shoyo sa Nationals. Ang kalmado niyang mukha ay napalitan ng pagkairita. Tulad ni Sendoh, nag-aapoy na rin ang kanyang katawan.
Sendoh: Naiisip mo ba ang naiisip ko?
Maki: Oo, pare.
Tila nag-sync ang brillant idea sa isip nila sa pamamagitang ng kuryenteng lumalagitik na nagsilbing transmitter nila na dumaan sa kanilang mga mata. Alam na nila kung ano ang gagawin para sindakin si Minami.
Itinulak ni Minami ang pinto, ngunit kinilabutan siya ng makita ang dalawang lalaki na may hawak na hugis baril na nakabakat sa loob ng kanilang shirt. Lalo siyang kinabahan ng sabay silang tumingin sa kanya, parang may nababasa siyang salitang 'danger' sa mga noo nila.
Minami: Sorry, mali yata ang shop na pinasukan ko.
Yumuko si Minami sa dalawang captain bago lumabas ng shop. Matagumpay ang plano nila. Inilabas na nila ang hair blower na nakatago sa kanilang damit at ibinalik ito sa holder.
Maki: Pare, maraming salamat sa tulong mo.
Sendoh: Ise-send sayo ni Hikoichi ang personal information ni Fujima. Tawagan mo lang ako, kapag hindi ako lasing.
Maki: Sige.
Sendoh's Apartment. Bago sila naghiwalay ng destination, kumain sila ni Maki ng hapunan. Marami siyang nadiskubre tungkol kay Maki. Hindi lang siya mukhang matured, old fashioned din siya. Binigyan niya ito ng ilang tips para maging epektibong boyfriend material.
Sendoh: Lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya agad.
Maki: Ganon ba ang ginawa mo para kay Rukawa?
Sendoh: Siyempre hindi.
Maki: Pwede mo ba akong payuhan ng nagawa mo na dati?
Sendoh: Umm… Alam ko na! Alamin mo kung ano ang kahinaan niya. Yun ang gamitin mo para mapaamo mo siya.
Lumalabas na naman ang ngiting tagumpay ni Sendoh. Hindi lang siya basta gwapo, nakatulong pa siya sa pag-ibig ng iba. Pumasok na siya sa kwarto para mag-shower. Napakunot ang noo niya ng maaalala na hindi pa rin siya nakakatanggap ng text at tawag kay Rukawa!
Tinawagan niya ito habang binubuksan ang pinto ng kwarto. Nag-cancel siya ng tawag ng makita niya ang pigura ng isang tao sa kanyang kama. Nakahiga ito at nakabalot ng kumot. Ngumisi siya at marami na namang pumasok na madumi sa isip niya. Kaya pala hindi siya nagte-text at call. Gusto pala niya ng sorpresa!
Tumalon siya sa kama at niyakap ang taong nakahiga sa kanyang kama. Napahagikhik siya habang nanggigigil na yakapin ito. Ngunit nagtataka siya sa amoy nito. Bakit matapang ang amoy ng kanyang pabango? Naguguluhan na siya. Hinila niya ng marahan ang kumot sa ulo nito. Bakit kulot ang buhok niya? Tuluyan na niyang tinanggal ang kumot at napabulagta siya sa nakita.
Fukuda: Waaaaahhhhh! Huwag mo akong halikan, Sendoh! Kaibigan lang kita!
Sendoh: Demonyo ka, Fukuda! Bakit naman kita hahalikan?! Bakit ka pumasok sa kwarto ko?! Bawal kang pumasok dito!
Mabilis na bumangon ang dalawang manlalaro sa kama. Tinakpan ni Fukuda ng kumot ang kanyang katawan samantalang si Sendoh ay walang tigil sa pagpupunas ng kanyang balat gamit ang mga kamay na parang nagtatanggal ng langgam.
Fukuda: Kanina pa kitang hinihintay.
Sendoh: Sa sala tayo mag-usap.
Fukuda: Natatakot ka ba na maakit ka sa akin? Huwag kang mag-alala. Walang makakaalam nito.
Sendoh: Gunggong.
Hinila ni Sendoh si Fukuda palabas ng kanyang kwarto. Simula ng mag-sleep over sa kanyang apartment si Rukawa, hindi na niya hinahayaang makapasok pa sa kwarto ang kanyang mga kaibigan.
Fukuda: May free ticket na ibinigay sa akin si Sakuragi, sa isang bar. Nauna ng pumunta roon sina Hikoichi. Tara na.
Sendoh: Susunod na lang ako.
Fukuda: Bakit malungkot ka? Pasensya ka na Sendoh. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo.
Sendoh: Hahaha! Gunggong! Hinihintay ko si Kaede. Hindi pa rin siya tumatawag sa akin. Bakit biglaan ang pagpunta ninyo ng bar?
Fukuda: Kung ayaw mo ng biglaan, eh di magdahan-dahan tayo ng lakad papunta doon.
Sendoh: Isa pang hirit mo, itutulak kita sa balkonahe.
Fukuda: Aalis na ako. I-lock mo ang pinto mo.
Sendoh: Ah… Kaya pala nakapasok ka rito.
Fukuda: Nagkakamali ka. Nakapasok ako dito dahil may lock.
Birdie Birdie Chirp Chirp Bar. Habang naglalakad sa isang town, humahagalpak pa rin sa pagtawa sina Hanagata, Koshino at Ueksa sa pangalan ng free ticket na natanggap ni Fukuda mula kay Sakuragi.
Hikoichi: Bakit ninyo ba pinagtatawanan ang pangalan ng bar? Wala namang mali rito ah.
Hanagata: Nasaan si Fukuda? Alam naman nating lahat ang ugali ni Sakuragi.
Nagpaloko pa siya sa gunggong na yun.
Hikoichi: Dadaanan daw niya si Sendoh sa apartment niya kaya ipinadala niya sa akin ang ticket na ito.
Ueksa: Bar kaya talaga ang pupuntahan natin? Baka sa petshop ang free ticket na yan.
Koshino: Hahaha! Hindi na ako magtataka kung naisahan ni Sakuragi si Fukuda. Parehas mag-isip ang dalawang yon. Hahaha!
Nababalot na ng dilim ang kalangitan. Tanging mga liwanag ng streetlights at mga nagpapatay-sindi na liwanag, mga neon lights na pangalan ng mahabang hanay ng bar ang nagbibigay liwanag sa lugar. Hinanap nila ang bar na kanilang pupuntahan ngunit hindi nila maiwasang basahin ang mga pangalan ng bar na nadadaanan nila.
Hikoichi: 'Big D Bar', 'Matitigas ang Tuhod Bar', 'Hindi Lumalambot Bar', 'Thank you, C** Again Bar.' Teka, bakit mali ang spelling ng come?
Ueksa: Hikochi, huwag mo ng basahin ang mga pangalan. Kapag hindi ka komportable sa pupuntahan natin, sasabay na ako sayo pauwi.
Koshino: Bakit pag-uwi na kaagad ang nasa isip ninyo? Hanapin muna natin kung nasaan ang Birdie Chirp Bar. Tingnan natin kung maraming bird doon. Hahaha!
Hanagata: Hangga't wala tayong nakikitang bird, hindi namin kayo hahayaang makauwi. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Fujima at Hasegawa.
Koshino: Makakasunod din sina Sendoh at Fukuda. Sa tingin ninyo, bakit kaya yan ang ticket na binigay ni Sakuragi?
Hikoichi: Nag-search ako sa Google kung magkano ang regular ticket sa bar. Mahal ang katumbas ng isang ticket na ito! Ibig sabihin, hindi ito normal na bar.
Hanagata: Halata nga sa pangalan ng bar na hindi ito basta-basta bar. May 'bird' na, may 'chirp' pa. Hahaha!
Natagpuan na nila ang bar na kanilang hinahanap. Nagsuot ng facemask si Hikoichi dahil sa grupo nila, siya lang ang mukhang menor de edad. Sa labas pa lang ng entrance, nakakabasag na ng eardrums ang lakas ng sounds. Napataas ang kilay ni Hanagata nang makita ang mga bouncer na kasing tangkad at kasing laki ng katawan niya. Napansin rin ito ng mga kasama niya.
Pagpasok nila, sinalubong sila ng usok, ibat ibang kulay ng liwanag na tumatama sa pader, ang DJ area at makapal na bilang ng tao. Ipinakita ni Hanagata ang ticket sa isang waiter, sinundan nila ito hanggang makarating sa 2nd floor. Namangha sila ng malaman na ang ticket pala na ibinigay ni Sakuragi ay nabibilang sa VIP area.
Koshino: Miss, wala pa kaming inoorder. Sa ibang table yata ang pagkain na yan.
Miss: Ang free ticket ninyo ay may kasamang special menu.
Koshino: Okay. Thank you.
Nabura ng tuluyan ang pagdududa nila sa bar. Napalitan ito ng kaba at nerbyos ng makita ang ibang mga grupo na nasa ibang table. Mga nakasuot ng black leather jacket, may malalaking katawan, at mga mukhang hindi gagawa ng mabuti. Bumilib sila nung umpisa nang malaman na kabilang sila sa VIP, pero nang makita nila ang mga kasama sa 2nd floor, may kung anong kilabot silang nararamdaman sa kanilang balat.
Hanagata: Meron pa ba kayong inimbitahan bukod sa team namin?
Ueksa: Hindi raw sigurado kung makakarating ang Shohoku team. Walang nabanggit si Fukuda tungkol sa team Kainan.
Koshino: Bakit kaya? Close sila ni Jin. Nakakapagtaka na hindi niya inimbitahan ang team nila.
Maraming pagkain at drinks ang dumadating sa table nila. Nagliliwanag ang kanilang mga mata bukod kay Hikoichi.
Hanagata: Hikoichi, hindi ka ba umiinom?
Hikoichi: Hindi ako mahilig sa alak. Hindi yan healthy sa katawan.
Koshino: Kung hindi ka iinom, bakit ka sumama sa amin?
Hikoichi: Gusto kong mag-party kasama kayo!
Ueksa: Hindi naman tayo iinom ng alak araw-araw. Minsan lang ito, Hikoichi.
Hikoichi: Alam ninyo ba, guys, ang sobrang pag-inom ng alak ay nagreresulta sa pagkawala ng libido at erectile dysfunction. Ito ay maaaring maging dahilan ng mababang produksyon ng testosterone at mahinang pagtayo. Mahihirapan ang isang lalaki na mapanatili ang paninigas at hindi ito magtatagal hangga't gusto mo. Sa madaling salita, maaaring hindi na lumaki o tumigas ang ***** ninyo.
Muli na namang nagpamalas ng kagila-gilalas na information si Trivia Kid. Pagkatapos nilang marinig ang mga sinabi ni Hikoichi, sinilip nila ang kanilang pants. Ibinaba nila kaagad ang bote ng alak na hawak nila.
Hanagata, Koshino, Ueksa: Waaaaahhhhh!
Hikoichi: Relax lang guys! Ang sabi sa pag-aaral, ang sobrang pag-inom o bisyo ang magiging dahilan ng hindi pagtigas.
Hanagata, Koshino, Ueksa: Aaahhh…
Muli nilang hinawakan ang mga bote pero sigurado na sila na hindi sila iinom ng maraming alak. Mahal nila ang kanilang pagkalalaki. Napansin nila ang isang malaking lalaki, may mahaba at kulot na buhok, nakasuot ng maroon na sando at jeans na naglalakad palapit sa kanila. Nagkatinginan ang grupo nila. Hindi nila kilala ang taong ito pero kitang-kitang sa mukha nito ang pagiging gangster.
Tetsuo: Mga pare, mga basketball players kayo diba?
Sabay-sabay silang tumango. Gumagapang na ang kilabot sa balat nina Ueksa at Hikoichi, si Koshino ay nakahanda na sa maaaring mangyaring gulo habang si Hanagata ay hindi nagpatinag kay Tetsuo.
Hanagata: Player ako mula sa team Shoyo. Silang tatlo ay players mula sa Ryonan team.
Napansin nila si Tetsuo na may hawak na sigarilyo at bote ng beer. Bilang trivia kid, hindi niya naiwasang magtanong sa malaking tao.
Hikoichi: Tetsuo, matagal ka na bang naninigarilyo at umiinom ng alak?
Tetsuo: Oo. May problema ba, bata?
Nang marinig nila ang sagot ng lalaki, ang kanilang mga mata ay sabay-sabay dumako pababa sa pantalon niya. Kung bisyo ni Tetsuo ang alak at siguro, ini-imagine nila kung lumalaki at tumitigas pa kaya ang ***** nito.
Tetsuo: Dadating ba dito ang team Shohoku?
Koshino: Hindi raw sigurado kung makakarating sila. Marami raw silang ginawa buong araw.
Nagpapalitan pa rin ng tingin ang apat na player. Nagtataka sila kung bakit hindi pa rin umaalis si Tetsuo sa harap nila. Samantala, si Hikoichi naman ay patuloy pa rin ang pag-oobserba sa lalaki.
Hikoichi: Tetsuo, may girlfriend ka ba?
Tetsuo: Wala. Wala akong panahon sa bagay na iyon. Bakit mo natanong?
Ang nakanunot na noo ni Tetsuo ang nagbigay ng tensyon sa table nila. Halatang naiirita na siya sa kakaibang tanong ni Hikoichi. Samantala, si Ueksa naman ay sobra ng kinakabahan.
Ueksa: Kung nandito lang sana si Sendoh. Ano kayang sasabihin niya sa ganitong klase ng tao?
Humigpit ang hawak nina Koshino at Hanagata sa bote ng alak. Nakahanda na sila kung sakali na gumawa ng gulo si Tetsuo. Samantala, nakaisip si Ueksa ng maaari niyang sabihin para mawala ang tension sa paligid nila.
Ueksa: Naitanong lang ni Hikoichi kung nakikipag-date ka dahil hindi halata sa tikas at lakas ng appeal mo na single ka. Hindi kami naniniwala na walang maa-attract sayo. Diba, guys?
Dahan-dahang pumihit ang ulo ng tatlong player kay Ueksa. Napansin nila ang mga mata nito na nangugusap, pinipilit silang sumang-ayon sa mga sinabi niya. Wala na silang nagawa kundi sakyan ito kahit labag sa kalooban nila.
Hanagata: Tama si Ueksa. Nakikita ko ang sarili ko sayo. Wala rin akong panahon sa pakikipag-date.
Koshino: Ako rin. I-enjoy natin ang pagiging binata natin.
Tetsuo: Hahaha! Hindi ko akalain na masaya palang ka-bonding ang mga basketball players. Dahil diyan, ituturo ko sa inyo kung paano magiging mukhang matigas, fierce at paano ninyo mai-intimidate ang lahat ng tao sa paligid ninyo.
Bar. Nakayuko si Hasegawa at hindi inaalis ang tingin sa kalsada habang naglalakad patungo sa bar. Nalulungkot siya sa huling pagkikita nila ni Mitsui. Nagtataka siya kung bakit ganon na lang ang sagot na narinig niya tungkol sa status nilang dalawa. Sa sobrang pag-iisip, hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa bar na pinuntahan ng grupo ni Hanagata. Parang wala siya sa sarili ng pumasok sa loob, hindi niya naririnig ang ingay, balewala sa kanya ang lahat ng mga braso at katawan na bumabangga sa kanya. Nagtanong siya sa isang waiter kung saan ang table ng kanyang mga kaibigan na nagdala sa kanya sa 2nd floor. Tahimik lang siya, hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Walang makakapagpatunaw ng yelo na nabuo sa puso niyang pinalamig ni Elsa, I mean, si Mitsui pala.
Natatanaw na ng grupo ng mga single si Hasegawa sa hindi kalayuan. Bilang mga single, hindi nila maiwasang ma-out of place lalo na kung may in love silang kaibigan.
Hanagata: Bakit kaya hindi niya kasama si Mitsui?
Hikoichi: Si Mitsui?! Ang shooting guard ng Shohoku?
Hanagata: Oo. Nauna siyang umalis ng gym para puntahan ang team Shohoku.
Ueksa: Nagde-date din ba sila katulad nina Rukawa at Sendoh?
Hanagata: Hindi ko alam. Mahiyain si Hasegawa. Hindi siya masyadong nagkukwento pero masaya siya nung isang araw.
Koshino: Naaalala ninyo ba ang usapan natin kanina kapag merong masaya sa paligid?
Hikoichi: Oo! Hindi welcome dito ang may masayang lovelife!
Sabay-sabay tumango ang kanilang mga ulo. Nakaalis na sa table nila si Tetsuo pero may naiwan siyang legacy sa grupo. Kung paano maging wild, fierce at magkaroon ng intimidating look all the time. Iwe-welcome nila si Hasegawa ala Tetsuo style.
Paparating na si Hasegawa sa kanilang table. Hindi niya alam kung ano ang panganib na paparating sa kanya. Sa bilang ng 3… 2… 1. Ang puso niyang nabalot ng yelo ay natunaw ng makita ang kanyang mga kaibigan na may makapal na eyeliner plus tiger look. Parang bumagsak ang katawan niya pag-upo sa tabi ni Hanagata. Hindi na niya kinakaya pa ang bugso ng damdamin na umaapaw sa kanyang dibdib. Sobrang sakit. Doble ang naging dagok sa buhay niya ngayong araw. Una, na-friendzone siya ni Mitsui. Pangalawa, nagmukhang lango sa ipinagbabawal na gamot ang kanyang mga kaibigan.
Hanagata: Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?
Hasegawa: Maayos kang pinalaki ng magulang mo. Bakit ka nagkaganyan?
Hanagata: Eyeliner lang to. Masyado ka namang emotional. Nasaan nga pala si Mitsui?
Hasegawa: Marami siyang ginagawa.
Halata sa expression ng kanyang mukha ang labis na kalungkutan. Dinampot niya kaagad ang isang bote ng beer sa mesa. Walang preno niyang ininom ang isang bote na ikinabahala ng grupo. Bago pa siya kumuha ng isa, agad itong inagaw ni Ueksa.
Hasegawa: Huwag ninyo akong pigilan sa pag-inom. Kaya ko ang sarili ko.
Ueksa: May nabanggit sa amin si Hikoichi tungkol sa labis na pag-inom. Sigurado ako na magbabago ang isip mo kapag nalaman ang tungkol dito.
Hikoichi: Alam ninyo ba, guys, ang sobrang pag-inom ng alak ay nagreresulta sa pagkawala ng libido at erectile dysfunction. Ito ay maaaring maging dahilan ng mababang produksyon ng testosterone at mahinang pagtayo. Mahihirapan ang isang lalaki na mapanatili ang paninigas at hindi ito magtatagal hangga't gusto mo. Sa madaling salita, maaaring hindi na lumaki o tumigas ang ***** ninyo.
Nagkatinginan sina Hanagata at Koshino sa trivia ni Hikoichi na para bang nag-replay lang. Walang labis, walang kulang na nabanggit niya ang lahat ng salita sakto sa mga narinig nila kanina. Kaya pala hindi na siya hinahayaang uminom ni Ueksa, lasing na pala si Hikoichi.
Tila nakumbinsi si Hasegawa ng marinig ang information mula sa Ryonan freshman. Madaling nabago nito ang isip niya, at hindi lang yon. Bigla niyang naalala si Mitsui! Mahilig mag-inom ang team Shohoku. Gusto niyang bigyan ng babala si Mitsui ngunit naalala niya na masama ang loob niya sa binata. Hindi na niya itinuloy ang kanyang pagtawag.
Naki-simpatya ang grupo kay Hasegawa. Ilang taon na siyang kilala ni Hanagata. Kahit hindi niya sabihin, sigurado siya na may pinagdadaanan ito. Nakikita rin ito nina Koshino at Ueksa. Naging saksi sila sa sakit ng pag-ibig ni Sendoh kaya naiintindihan nila ang pakiramdam ni Hasegawa.
Hikoichi: Guys, si Fukuda!
Napalingon ang grupo sa direksyon na itinuro ni Hikoichi. Walang kakaiba sa kanyang itsura. Kulot pa rin ang buhok niya at nakasimangot. Nagtataka sila kung bakit hindi niya kasama si Sendoh. Malamang, hindi na naman siguro ito nakahugot kay Rukawa. Dahil mukhang wala namang problema si Fukuda, malakas ang kutob ng grupo na masaya siya sa lovelife. Hindi nila hahayan na mainggit at makinig sa romantic life ng iba. Kasama nila si Hasegawa na obvious na malungkot. Inihanda nilang muli ang kanilang Tiger look ala Tetsuo.
Fukuda: Bakit ganyang ang itsura ninyo? Hindi ba kayo natutulog sa gabi?
Koshino: Tiger look ang tawag dito. Bakit mag-isa ka lang?
Fukuda: Kasi… single ako.
Nang marinig nila ang hinanakit ni Fukuda, walang silang pag-aalinlangan na i-welcome siya sa table. Ang gabi na ito ay para sa mga single lang. Ang alak ang unang napansin ni Fukuda. Tulad ni Hasegawa, ininom niya ng straight ang isang bote. Nakakabahala ang kanyang ikinikilos. Ito ay sign na malungkot ang kanyang puso. Bago pa niya nakuha ang pangalawang bote, madali itong inagaw ni Ueksa.
Ueksa: Dahan-dahan lang, Fukuda. Nandito tayo para magsaya!
Fukuda: Hindi ako masaya. Ang sakit-sakit. Hayaan ninyo akong lunurin ang puso ko sa alak.
Hanagata: May kailangan kang malaman tungkol sa labis na pag-inom. Sigurado akong magbabago rin ang isip mo.
Koshino: Hikoichi, i-play mo na.
Hikoichi: Alam ninyo ba, guys, ang sobrang pag-inom ng alak ay nagreresulta sa pagkawala ng libido at erectile dysfunction. Ito ay maaaring maging dahilan ng mababang produksyon ng testosterone at mahinang pagtayo. Mahihirapan ang isang lalaki na mapanatili ang paninigas at hindi ito magtatagal hangga't gusto mo. Sa madaling salita, maaaring hindi na lumaki o tumigas ang ***** ninyo.
Bumilog ang mga mata ni Fukuda ng marinig ang pambihirang information na ibinahagi ni Hikoichi. Sinilip niya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Biglang pumasok sa isip niya si Jin. Hindi siya mahilig sa alak. "Gaano na kaya kalaki ang kanya?" ang tanong niya sarili. Ngunit, binura niya kaagad sa kanyang isipan ang Kainan player. Naalala pa rin niya ang sakit na kanyang nararamdaman na dulot niya. Nagtama ang mga mata nila ni Hasegawa. Nararamdaman nila sa isat isa ang pighati. Tumayo siya sa harap ng Shoyo player at inalok ang kanyang kamay.
Fukuda: Gusto mo bang mawala ang sakit sa puso mo?
Hasegawa: True loves kiss?
Fukuda: Hindi. Sasayaw tayo!
Inabot ni Hasegawa ang kanyang kamay kay Fukuda at magkasama silang bumaba patungo sa dance floor. Mahal nila ang kanilang pagkalalaki, kaya mas pipiliin na nilang magsayaw kesa uminom ng alak.
May natatanaw na naman silang kaibigan na umaakyat ng hagdan patungo sa kanilang table. Kakaiba ang expression ng mukha niya, malayo sa kanyang tunay na karakter. Wala rin siya sa mood. Nakanguso ito at mukhang may pinagdadaanan din. Napatayo si Koshino sa kanyang inuupuan at sinalubong ang kaibigan. Naging saksi siya sa lahat ng kaganapan sa buhay ng taong ito. Inaya niya itong umupo sa kanyang tabi.
Hanagata: Pare, huwag mong sabihing may problema ka rin sa lovelife.
Sendoh: Ayos lang ako, pare. Huwag ninyo na akong alalahanin. Bakit kayo lang ang nandito?
Ueksa: Sina Fukuda at Hasegawa, nagsasayaw sila sa ibaba. Doon sila naglalabas ng sama ng loob.
Koshino: Pare, nasaan si Rukawa?
Sendoh: Ayoko muna siyang pag-usapan.
Tinapik ni Koshino ang balikat ng kaibigan. Mukhang may nabubuo na namang tampuhan sa pagitan ng lovers of the multiverse. Pinagmamasdan rin siya ni Ueksa. Tila may bigat ang bawat salitang binibitawan ni Sendoh. Palihim niyang ibinaba sa ilalim ng table ang isang bucket ng beer ngunit hindi ito nakaligtas sa mata ni Sendoh.
Hanagata: Sendoh, huwag mo ng subukang uminom ng marami. Sigurado ako na magsisisi ka.
Sendoh: Bakit? Anong problema?
Koshino: Iwasan na nating maging bisyo ang pag-inom tuwing may away kayo ni Rukawa.
Ueksa: Kailangan mong malaman ang mahalagang trivia kay Hikoichi. I-play mo na, Hikoichi.
Hikoichi: Alam ninyo ba, guys, ang sobrang pag-inom ng alak ay nagreresulta sa pagkawala ng libido at erectile dysfunction. Ito ay maaaring maging dahilan ng mababang produksyon ng testosterone at mahinang pagtayo. Mahihirapan ang isang lalaki na mapanatili ang paninigas at hindi ito magtatagal hangga't gusto mo. Sa madaling salita, maaaring hindi na lumaki o tumigas ang ***** ninyo.
Blangko lang mukha ni Sendoh. Hindi siya kumbinsido sa narinig na information. Hindi niya bisyo ang alak. Ang mahalaga, minsan lang niya itong gagawin. Hindi rin niya ito nakakahiligan kaya impossible na hindi na lumaki o tumigas ang kanyang beast. Tuluyan ng nakatulog si Hikoichi sa kanyang inuupuan pagkatapos ng kanyang serbisyo na magbigay kaalaman.
Sendoh: Walang masama kung iinom tayo paminsan-minsan. Huwag kayong matakot. May mga lalaki lang talaga na pinagpala since birth. Yun ang hindi mababago ng alcohol.
Hanagata, Koshino, Ueksa: Yeah.
Bumalik na muli ang sigla nila sa pag-inom ng alak. Nababakas pa rin sa mukha ni Sendoh ang kanyang lungkot. Nanunumbalik sa isip niya ang kanyang pag-aalala simula noong siya ay gumising. Hindi maiwasang mapansin ng mga kaibigan niya ang kanyang mood. Hindi sila sanay na tahimik at seryoso ang kanyang mukha. Hindi na ito natiis ni Koshino.
Koshino: Pare, pwede mong sabihin sa amin ang problema mo? Hindi mo yan kailangan buhatin mag-isa.
Sendoh: Gusto ninyo talagang malaman ang problema ko?
Hanagata: Okay lang, Sendoh. Mas magiging magaan ang pakiramdam mo kung ilalabas mo yan.
Sendoh: Si Rukawa, dalawang beses niya yon ginawa sa akin.
Ueksa: Niloloko ka niya?
Sendoh: Hindi. Nagmamahalan kami kaya imposible ang third party.
Koshino: Kung hindi third party, pinagsalitaan ka niya ng bad words?
Sendoh: Hindi. Matagal na siyang ganon kung magsalita. Hindi lang ako makapaniwala na hinayaan ko lang siya na gawin yun sa akin ng dalawang magkasunod na araw.
Hanagata: Sinasaktan ka niya?
Sendoh: Nagkakamali ka. Mahal namin ang isat isa. Hinding hindi yon mangyayari.
Lumagok muna siya ng beer bago muling nagsalita. Nakaabang naman ang tatlo niyang kasamahan sa ibabahagi niyang dagok sa kanyang buhay pag-ibig.
Sendoh: Si Kaede, dalawang magkasunod na araw na siya ang nasa ibabaw. Hindi na ako naka-hindi. Mahal ko siya kaya hinayaan ko siyang mag-enjoy sa katawan ko. Pero, it's so unfair.
Halos malaglag ang mga kaibigan ni Sendoh sa kanilang mga upuan nang mabalitaan ang kanyang problema. Sina Fukuda at Hasegawa ay humaharap sa isang malaking problema. Hindi nila masisisi ang dalawang boys na nag-twerk sa dance floor since broken-hearted sila. Ang mundo ay pinahihirapan ng maraming problema, kabilang ang mataas na presyo ng gasolina, limitadong suplay ng enerhiya, at mga natural na sakuna. Ito ang malamang na isyu na pagsisisihan nilang marinig sa buong buhay nila. Dahil walang dating life silang apat, napagkasunduan nila na hindi nila tatanggapin ang isang kaibigan sa table na may masayang romantikong buhay. Hindi napigilan nina Hanagata at Koshino ang kanilang mga sarili na maghagis ng crackers patungo kay Sendoh, habang si Ueksa ay napabuntong-hininga lamang habang lumilipad ang kanilang mga meryenda.
Koshino: Gunggong ka Sendoh!
Hanagata: Akala ko pa naman inaabuso ka na ni Rukawa!
Sendoh: Tama naman ang sinabi mo! Inaabuso niya ako, pero masarap.
Koshino: Lumipat ka na ng ibang table! Walang kang konsiderasyon sa mga katulad namin.
Ueksa: Sendoh, alam mo ba kung ano ang nangyari kay Fukuda.
Sendoh: Wala siyang naikwento sa akin pero hindi sila okay ni Jin.
May isang grupo ng tatlong lalaki ang naglalakad patungo sa kanilang table. Nakaharap na nila ang team na ito sa court pero hindi nila maaalala ang kanilang mga pangalan.
Hanagata: Kilala ninyo ba sila?
Koshino: Nakalaban namin ang team nila sa top 4 pero wala akong kilala sa kanila.
Ueksa: Sila ang team Takezato.
Nang marinig ni Sendoh ang sinabi ni Ueksa, mabilis niyang ininom ang isang bote ng beer, ngumisi. Sigurado siya na ang naglalakad sa unahan ay ang dating admirer ng kanyang Baby Boy. Bilang official na boyfriend ni Rukawa, tumayo siya sa kanyang upuan. Tumayo sa harap niya ang captain ng kabilang team. Agad na lumabas ang itim na kuryente sa kanilang mga mata na parang handa na sa dwelo.
Captain T: Long time no see.
Sendoh: Heh. Nakikita mo ba 'to?
Nag-unlock si Sendoh ng phone para ipagyabang at ipakita ang kanyang lockscreen, ang mukha ni Rukawa.
Captain T: Lockscreen lang yan.
Sendoh: Hindi lang yan basta lockscreen, siya rin ang nasa homescreen ko, laptop background ko, picture sa wallet ko, lahat ng background ko ay mukha ni Kaede. Siya lang!
Captain T: Anong gusto mong patunayan?
Sendoh: Palagi kong nahahawakan ang kamay niya, palagi ko siyang niyayakap, palagi ko siyang hinahalikan. Nakuha mo ba ang gusto kong sabihin? Ano ako sa buhay ni Kaede Rukawa?
Captain T: Ikaw ang… pervert sa buhay niya?
Bilang reaksyon sa tugon ng kanilang kapitan, tumawa ang Team Takezato, at hindi napigilan nina Koshino, Ueksa, at Hanagata na sumali.
Sendoh: Kosh! Anong tinatawa mo diyan?! Mga kaibigan ko kayo, diba?
Koshino: Minsan. Hahaha!
Sendoh: Makinig ka. Ako nga pala ang boyfriend ni Kaede Rukawa. Ngayon, pwede ka ng mamatay sa inggit. Hahahaha!
Mula sa mahina hanggang papalakas, ang salitang 'boyfriend' ay paulit-ulit na nag-e-echo sa tenga ng captain ng Takezato. Ang kilay niya bumaba at naglapit ang anggulo, ang sulok ng kanyang bibig ay gumuhit pababa at nag-pout palabas. Tiningnan niya si Sendoh, nakapatong ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang bewang at kumikinang ang ngipin sa pagngiti. Sobrang sakit.
Sendoh: Pwede ka ng magsimulang mag-move on. Hahahaha!
Hinila na ng ibang member ng Takezato ang kanilang captain bago pa ito mag-hara-kiri. Nanalo na naman ang kabutihan sa kasamaan! Ang akala ni Sendoh ay isang sumpa ang makita niya ang mukha ni Sarawat ng Sannoh, Monami ng Toyotama at ang captain ng Takezato sa isang araw. Umupo siya at ipinahinga ang kanyang katawan pagkatapos burahin ang lahat ng inaalala sa buhay pag-ibig. Mahal siya ng kanyang Baby Boy. Hindi na niya kailangan pang magselos kung nakarating na sila sa rainbow realm.
Kinikilig pa rin siya sa kanyang naging accomplishment sa buong hapon, pero meron pa ring kulang. Wala pa ring mensahe ang kanyang Baby boy.
Sendoh: Pare, kailangan ko ng umalis! Pupuntahan ko si Kaede sa apartment niya.
Koshino: Huwag ka ng umalis. Papunta na rito ang team Shohoku.
Nanatili ang grupo ni Sendoh sa kanilang table. Ibat ibang klase ng ingay ang naghalo sa dami ng tao sa pub. May ilang mga tumatawa, sumisigaw, sumisipol at naghihiyawan ngunit ang lakas ng music ang nangingibabaw sa lahat ng ingay. Naging masaya ang mga lumilipas na minuto simula ng tapusin ni Sendoh ang sumpa ng nakakakilabot na trivia ni Hikoichi. Natatanaw rin sa dance floor ang mga nasaktan sa pag-ibig na sina Hasegawa at Fukuda. Patuloy na nagmasid si Sendoh. May napansin siyang dalawang grupo na dumating, hindi siya maaaring magkamali. Nakita na niya ang mga itong naglaro sa nationals. Ang unang nakalaban ng team Shohoku sa first game, ang team Toyotama ang naunang pumasok at sinundan ito ng koponan na maraming taon na naging kampeon sa nationals, ang Sannoh team.
Sendoh: What the hell?!
