Green Herb Day!

Ang una sa 10 hidden stories na nangyarisa The Enchantments. Naganap ito between Story 5 and Story 6. Wala akong dahilan kung bakit ko ginawa to, pero at least, may idea kayo kung bakit super close nina Claude at Poporing sa isa't isa. Here it goes:

Matapos ang nangyari sa church sa Prontera, ay nagkalat sila para makapaghanda sila sa kanilang paglalakbay patungong Comodo (sus, umikot sila bago nakapunta dun). At nakakatuwang pagmasdan ang dalawa habang naglalakad sila sa mga kalye ng kapitolyo ng Midgard. Si Poporing ay walang humpay ang pagkanta s ibabaw ng ulo ni Claude (yun ang paraan ni Claude para bitbitin siya), habang bumibili ang Swordie ng backpack para sa alaga.

Maya-maya ay nagpahinga ang dalawa sa gitna ng plaza sa fountain. Lumalanghap ng sariwang hangin ang dalawa nang biglang makirig sila ng pagreklamo ng tiyan. Hindi nila akalain na gutom na silang dalawa /swt.

Bumaba ang Poporing sa ulo ni Claude at umupo sa hita nito. Lumalambing ito sa kanyang master sa dahilang gutom na ito. Nakangiti, ay binigay nito ang tatlong piraso ng green herb sa alaga at nagsimula na ito ngumuya.

"oi, dahan-dahan ka lang diyan at baka mabulunan ka... uy, wag kang magdali!" paalala ng Swordie sa cute na alagang kulay berde. Sabay tawa sa pinaggagagawa ng Poporing. "POPO!!! POPOPORING!!!! RIIIIING!!! [ANG SARAP NG GREEN HERB!!! ENGE PA!!!]" ang pahiwatig ng Poporing sa Swordie nitong masaya, sabay lambing nito sa master. "sigh... baka busog ka na... mamaya na lang a" sabay himas nito sa ulo ni Poporing. Maghahapon na kaya dumiretso na sila sa pagkikitahan. Inantok na ang alaga kaya binitbit na lang ni Claude sa mga braso niya ang Poporing na mahimbing na natutulog.

Kinagabihan, bago matulog ng dalawa ay nagkulitan pa sila sa kanilang kwarto. Walang sawa ang paglalaro, pangigigil, at pang-aasar nito sa Poporing. Nang makatulog na ito, nasabi ni Claude sa Poporing na "lam mo, may naaalala akong bata sa yo... sige, matulog ka lang". Hinipan na ng Swordie ang kandila at tuluyan na itong nagpahinga.

Da next day, umalis na ang apat patungong Payon, ang Archer Village.

At ito ang nangyari sa Green Herb Day nina Claude at ni Poporing. Thanks for reading. Ang ikli niya no?