ang mahabang linya pala na nasa itaas nang papel na kung saan ko pinagpipilitang ipagkasya ang lahat nang letra ng alphabet ay para pala sa pangalan.... E wala namang nagsabi sa akin na ang ibig sabihin pala nang name ay pangalan eh! #! buhay naman to! at matapos kong malaman yun, dinala na ako sa bundok para magenroll sa eskwelahan kung saan ako naistak hanggang sa ako'y makatuntong nang grade 4. para na rin hindi masira ang napakagandang imahe nang paaralan na iyon ay hindi ko na babanggitin ang pangalan nito... pero isa lang ang masasabi ko...mula noon, at hanggang ngayon... hindi ko parin masaabing katanggap tanggap ang naging uniform ko sa eskuwelahan kong iyon.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay yun pa rin ang uniporme na ginagamit sa eskwelahang iyon pero malaking psasalamat ko na lang at tapos na tungkuling kong suotin yun.

Alam kong lahat nang bata ay dumaan sa baitang kanilang buhay kung saan nila isa-isang isinusumpa ang kanilang kahiya-hiyang uniform na isinusuot nuong pre-school pa lamang sa kanila. mga uniforn na nagmimistulang basahan na punasan nang sipon, muta at kung kinakailangan...pati ang mainit-init na feces....feces...what awonderful word...isang kalaaman na hindi ko matatamo kung hindi ako dumaan sa hay skul...

balik sa uniform...sino ba naman ang hindi madidismaya sa paldang tila ginupit sa pulang checkered party table cover. ang uniform kong pag dinikit sa mesa'y tila nagcoCamouflage at nawawala sa paningin.ngayon ko laman nabatid na napaka swerte naman nang mga lalake sa uniform. hindi na nila kailangan pang dumaan sa maraming paghihirap at pasakit na dala nang mga abubut na ikinakabit sa uniform nang mga babae tulad nang ribbon...necktie...at mala bandilang mga disenyo nang palda.

kawawa ang mga babaeng estudyante na nagsisilbing watawat at sagisag nang paaralan. maaring mo na silang isabit sa flgpole at awitan nang loyalty song kung magkaroon nang crisis at mawala ang school flag.