Nakakatuwa naman may mga pinoy pala na babasa nito...- ako nga pala si chepot
at sa mga nagtatanong kung saan ako galing...well, galing po ako sa nanay ko
ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo
Unang araw nang pagpasok sa paaralan bilang isang estudyante...natatandaan mo pa ba ang una mong karanasan dito? malamang hindi na. pero ako, tandang-tanda ko pa ito. isa ito sa mga araw na hinding -hindi ko malilimutan habang ao'y nabubuhay. plano ko kasing ikuwento pa ito sa mga susunod na henerasyon nang mga kabataan. baka sakaling pag narinig nila ang kwento ko ay magkarron sila nang ideya kung ano talaga ang paaraln...isang giyera...
tandang-tanda ko pa ang unang araw ko...
maagang maaga palang ay gising na ako't sabik sa pagpasok sa eskuwelahan. nakahanda nang lahat! bagong sapatos, bagong damit, bagong medyas, at bagong mga gamit sa paaralan. nung una ay ayokong isuot ang damit na pinapasuot sa akin nang mama ko. Mas may fashion sense daw kasi ang nanay ko kaya siya ang pumipili nang damit ko.pinapasuot niya sa akin ang isang maong jumper na ipapatong sa t-shirt na pula at berde ang kulay. pero dahil likas akong reblde sa fashion ay may iba akong gustong isuot. gusto ko bongga! gusto ko pagpasok ko pa lang sa classroom ay para na akong si cinderella!
"Eh anong gusto mong isuot?!" tanong sa akin nang lola ko. mas kinakampihan ako nang lola ko noon kaya masaya ako dahil pakiramdam ko ay mananalo ako sa labanang ito sa damit.
dalidali akong tumakbo sa kabinet para kunin ang paborito kong damit...hinia ko ito at dinala sa harap nang buo kong pamilya...nakangiti ko itong ipinagmalaki sa lahat na akalang papayagan nila akong isuot ito.
"Ano ba naman yang bata ka!"sabay kurot na naman sa akin nang aking ina.
ano naman ang masama sa gusto kong gawin? eh gusto ko talaga ang damit na yon! simula noon ay tinandaan ko nang bawal magsuot nang gown sa school. pero sayang yun...
