THE HARRY OF CHO AND THE OTHER WAY AROUND
Me: Wala pong slash content ang fic na ito, kung iyon po ang hinahanap ninyo, you should hit 'back' right now at the top of your screens, banda po sa left side yun ng screen, hindi po sa right.
Note: This fic was originally writen last year (that's 2004) with two chapters and unfinished. So I'm back! I updated it's two chapters! Many changes… and it's next chapters will be also published soon.
Disclaimer: some of the names that you will found in this story are from the novel Harry Potter by JK Rowling, I hope she won't mind. The other names are "true names" and the other are fictional made by me.
Intro: Nilipat ni Albus Dumbledore ang Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry sa Pilipinas, pero ang kanilang pasok ay September to Hunyo pa rin. Natutunan na ng mga Wizard ang mga ginagawa ng mga Muggles. Marunong na silang maginternet, magpakain ng baboy, manood ng X-Rated na pelikula, mag mall, shopping, mag text, isama mo na rin ang mga kababuyan ng mga Muggles kamukha ng paliligo sa putikan, kainin ang kaning baboy (YUCK!), at marami pang iba na kung ilalagay ko dito e baka masira na ang database ng site na ito. Joke!
Heto na po, basa lang ng basa:
April 2004
Ito ang buwan kung saan malapit na ang botohan kung sino ang susunod na president ang Pilipinas. Si Gloria ba? O si FPJ? Ito rin ang buwan at taon kung kelan sumikat ang F4, na parang dance craze, parang Tsupeta. At na kung saan ay 3rd year pa lamang sina Harry sa fic na ito.
"Diba half-day tayo bukas? Ayaw mo punta tayo ng Hogsmead bukas?" tanong ni Ron kay Harry sa Cellepono. "Oo, half-day tayo bukas kasi may meeting yung mga prof natin, o sige sasama ako. e sino ba lahat ang sasama?" sagot ni Harry. "Tatanungin ko muna sina Malfoy at Cerdric, pero sasama yung mga yun sigurado, ako pa! Ang dali lang suhulan nung mga yun!" sabi ni Ron. "Sige, bye na, gagawin ko pa yung pinapagawang assignment sa atin ni Prof. Snape," sabi ni Harry, sabay baba ng cellepono.
Oo nga pala, sina Malfoy at Cedric ay napunta na sa Gryffindor, naging matalik silang kaibigan at paminsan-minsan ay matalik na kaaway lalo na sa mga girls at bakla (joke!) nilang nagugustuhan. Si Cedric ay bumalik sa pagiging 3rd year dahil nabasag niya ang half-moon spectacles ni Dumbledore. Sila ang "F4" ng kanilang school. Kamukha sila ng F4 na mahahaba ang buhok at mayayaman, ngunit hindi sila ganun kayabang ng mga totoong F4, matatalino rin sila at may mukha, kaya pinagnanasaan sila ng mga babae sa kanilang.
"Get your notebooks please, and let's check your assignment," sabi ni Prof. Snape, ang kanilang guro sa Araling Panlipunan…
Oo, meron na silang subject na ganyan, approved by the DepEd! Naks! Pero si Snape pa rin ang Potion Master, dalawa lang yung subject na tinuturo niya, para daw mas malaki ang sahod nya, para di na dw cya mag abroad.
… Si Prof. Snape ay may pagka-katok, ngunit may pagka-strick din siya dahil kung hindi siya magiging strick, magloloko ang mga kanyang estudyante.
"Mr. Diggory, paki basa ang unang tanong," sabi ni Prof. Snape, ang tono ng kanyang boses ay parang wala siya sa mood. Tumayo si Cedric at binasa niya ng malakas ang unang tanong: "Sino si Swami Dayanand Saraswati?"
"Sino ang makakapagsabi ng tamang sagot para sa unang tanong?" sabi ni Prof. Snape, nagtaasan ang mga kamay, "Yes, Ms. Granger, the know-it-all!" tuloy ni Prof. Snape. "Si Swami Dayanand Subiri-" sabi ni Hermione ngunit naputulan siya. "Hahahaha..." tawa ng kanyang mga classmates. "Class, keep quiet! Anong Swami Dayanand Subiri? Aktres yun eh?" sabi ni Prof. Snape, ang kanyang tono ay tumaas ng bahagya.
"Sorry po, Si Swami Dayanand Saraswati ay ang nagtatag ng Arya Samaj noong 1875 at siya ang ama ng bagong nasyonalismong Hindu. Galing siya sa isang mayamang pamiliya at pinili niyang maging..."
"Wala sa mood si Prof. Snape, may mens siguro siya ngayon," bulong ni Susan Bones na bestfriend ni Hermione kay Ginny na friend din nila (parang friendster diba?)
Si Susan nalipat din sa Gryffindor. Tapos si Ginny, accelerated, nag tiki-tiki kasi, nido, bear brand, gatas ng kalabaw, gatas ng kanyang ina, pati na rin ang gatas na nasa labi ng mga friends nya. And siya ang gumawa sa eye glasses ni Prof. Dumbledore.
"Tanga, pano magmemens si Prof. Snape eh lalaki cya!" sabi ni Ginny, and she's slightly giggling. "Hindi mo ba alam ang tsismis! Nakita si Prof. Snape sa banyo ng mga girls lage, dun sa banyo sa 2nd floor, sa bathroom ni Moaning Myrtle, yung nadiscover ni Harry na papasok sa Chamber of Secrets!" sabing pabulong ni Susan. "Talaga! Oo noh! Alam ko kaya yun, nanggaling na ako dun, ang sarap pa nga ng feeling papasok sa Chamber of Secrets, hay tama na, baka makita tayo ni Ms. Snape!" sabi ni Ginny, and now she's really giggling. Di lang sila nakikita ni Snape.
"...ermitanyo, mula 1860, siya ay naging guro," sabi ni Hermione at umupo na siya, namumula ang kanyang mga pisngi, labi mata, ilong, tenga, etc dahil sa kahihiyan niyang ginawa.
"Ms. Bones, question number two please," order ni Prof. Snape. "Isang Orange Juice, Isang One Piece Chicken, with gravy, dagdag ka na rin ng Apple Pie, Isang tasang lugaw, yun lang." Biglang kumulo ang dugo ni Prof. Snape, para cyang takuri! "Joke lang po, Sino si Ram Mohan Roy," sabi ni Susan.
Nag-sipag lipana na naman ang mga kamay sa ere. "Please answer question number two, Yes, Potter." Tumayo si Harry sa kanyang upuan, "Si Ram Mohan Roy ay isang miyembro ng pamilyang Brahman. Naglakbay siya sa buong India at nagtrabaho siya sa pamahalaang kolonyal," sabi ni Harry.
Hanggang number ten ang kanilang assignment at sinagot nilang lahat ito. Naubos na ang 50 minutos ng kanilang 60 minutos na subject, kaka-sagot lang ng tanong. At pagkatapos nilang mag-check ng assignment ay sinimulan na ni Prof. Snape ang pagrerecord ng mga score ng kanyang mga anak.
RINGGG...
"Good day," ang huling bati ni Prof. Snape sa kanyang mga estudyante para sa araw na iyon. "Good day and thank you Prof. Snape," sagot ng klase. "Be ready for a quiz on Monday about this lesson," ang gulat ni Prof. Snape sa kanyang mga estudyante, pero may umangal... "Huwat! Prof. Snape naman, kakatest lang po namin kahapon, pahinga muna po!" angal ni Ginny. "I'm sorry, hindi ko puwedeng iurong, naghahabol tayo ng lessons, malapit na ang finals ninyo. You have to take the quiz on Manday," at lumabas na si Prof. Snape sa classroom.
Sumunod ang Filipino... Divination… Chemistry... Math... Break... Transfiguration… English... Computer... Charms… and Crystals… at sa wakas...
RINGGG...
"Yehey, puwede ng mag-lakwatsa sa Hogsmead!" ang sigaw ng pinakamaingay pinakamatangkad at pinakamatanda sa buong school.
"Tara na Malfoy, punta na tayo sa SM," sabi ni Harry. "Hindi, mauna na kayo ni Ron, pumunta ng SM, may pupuntahan kami sandali ni Cedric, at hindi namin sasabihin kung ano ang gagawin namin. Magkita na lang tayo sa Three Broom Sticks, 1:00pm, Dun tayo kakain" painggit na sabi ni Malfoy. "Okay, dun nalang tayo magkita, lilibot muna kami ni Harry tapos pagdating ninyo kain tayo," sabi ni Ron
Sila ay may sara-sariling sasakyan (Harry, Ron, Malfoy at Cedric) pero hindi pa sila nag-dradrive may driver sila (sabi ko nga kaninia, mayaman sila). Sumakay sila sa kanilang mga sasakyan, yung dalawa nagtungong Hogsmead, yung dalawang natira sa Diagon Alley nagpunta.
Karating nina Harry at Ron sa Hogsmead sila ay naglibot muna, nakabili sila ng kanilang mga kailangan.
Bago pumatak ang 1:00pm, nagtungo na sina Ron at Harry sa Three Broom Sticks, pagkatapos pa ng ilang minuto dumating na rin doon sina Cedric at Malfoy. "Saan ba kayo napgunta?" tanong ni Harry. "Basta, wala na kayo dun, sa amin na lang yun ni Cedric," sabi ni Malfoy. "Tara na, saan ba tayo kakain?" tanong ni Cedric. "Kayong mamili sa Dito o sa Diego's Grill?" tanong ni Ron. "Sa Diego's Grill na lang," sabay-sabay na sabi ng tatlo. Gulo nila noh?
Habang papunta sila sa Diego's Grill, may nakasabay silang mga freshmen sa school nila. "Uy, ayun sina Ron!" sabi ng isa. "Ang pogi talaga ni Cedric," sabi naman ng isa. "Hindi ha? Mas-guwapo si Ron," sabi ng isa. Nagsimula silang mag-away. Pinigilan nina Harry ang dalawang Freshmen na nag-aaway, sanay na sila sa nga eksenang ganyan. Ayaw nilang may roong nag-aaway ng dahil lang sa kanila. Pagkatapos pa nun may nakita silang tatlong taga Beuxbatons na namamangha sa kanila at ganun din ang nangyari—nagaway, pinigilan nila Harry din ang mga ito, at kaalis nila, kilig na kilig ang mga tatlong taga ibang school.
"Lahat ng mga Japaneese foods nyo especially Tempura, apat na top-less Iced-tea atsaka dalwang plato ng Ocean Rice," ang sabi ni Harry sa waiter. "Sir yung order nyo ay: Lahat ng mga Japaneese foods namen especially Tempura, apat na top-less Iced- tea at dalawang plato ng Ocean Rice. Yun lang po ba?" sabi ng waiter kay Harry. "Oo yun lang," sabi ni Harry sa waiter.
Nakita nilang dumaan ang dalawang kaklasi nila. "Uy, Susan, dito muna kayo, kain tayo libre namin, diba guys?" sigaw ni Cedric kina Susan at Ginny. "Oo dito muna kayo!" dugtong ni Harry. Umupo sa tabi nina Malfoy at Cedric sina Susan at Ginny. "Ano ang gusto niyong i-order?" tanong ni Ron. "Umm... Actually we already finished eating na eh," sabi ni Ginny. "Kahit drinks or desserts lang, ayaw ninyo?" tanong ni Malfoy sa dalawang babae. "Okay, isang Strawberry Shake sa akin," sabi ni Ginny. "I think I like Strawberry Shake too," sabi ni Susan. "Waiter," sigaw ni Cedric sa waiter, "Pa-order pa ng dalawang Strawberry Shake," tuloy ni Cedric. "Okay, sir," sabi ng Waiter.
Pag dating ng pagkain ay kumain na sila. "Bakit di kayo masyadong kumain ha Cedric at Malfoy?" tanong ni Ron. "Eh... er, busog kami, kaninang break madami kaming kinain kaya busog kami," sagot ni Cedric. Inapakan ni Cedric ang paa ni Malfoy at sumagot ito ng: "Oo, marami kaming kinain kanina." Tapos nang kumain sina Cedric at Malfoy at ang dalawang babae naman ay nakaupo na lamang, ubos na kasi yung Strawberry Shake nila. Samantala, patuloy pa rin sa pagkain si Harry at Ron.
"I think we should go now, thanks for the treat," sabi ni Susan, na may kasamang smile. "Thanks for your time!" sabi ni Malfoy. At Umalis na ang dalawang babae. "Hindi pa ba kayo malapit matapos?" tanong ni Malfoy sa dalawang kumakain. "Malafitna, mabuti pahkunin na ninyo yongvill," sagot ni Roin na nahihirapang magsalita dahil puno ang bibig niya. "Waiter bill please," sigaw ni Cedric sa waiter. "Here it is sir," sabi ng sosyal na waiter habang inaabot ang isang parang libreta ng bangko. Binuksan ito ni Cedric at tinignan niya ang Bill:
"P1199.99 lahat ang kinain ninyo, natin pala" sabi ni Cedric. Automatic silang naglabas ng tig P300.00. "Keep the change," sabi ni Cedric sa waiter, sabay bigay ng parang libreta ng bangko na bill nila sa waiter. "Thank you Sirs, come back again po!" sabi ng waiter na nakasuot ng smiling face.
Kalabas nila ng Diego's Grill, biglang may nag-text kay Harry: kita tau sa Three Broom Sticks... ngaun din Sender: Parvati +63927639276 Sent: 01:47:07pm 04/14/2004 Nagreply naman si Harry kay Parvati: ok, punta ako jan kaagad! "Punta tayo sa Three Broom Sticks, kita daw dun kami ni Parvati," sabi ni Harry.
Nasa Three Broom Sticks na sila at nakita na nila si Parvati pero bago sila magkalapit ay may tumatakbong babae na mukhang papunta ka Parvati na nakabangga ni Harry at gumulong-gulong ito sa sahig, ang kanyang mga dala- dalang gamit ay nagsipag kalat.
Si Cedric, Ron at Malfoy ay nagpulot ng mga gamit ng babae. Samantala, si Harry at si Parvati ay to the rescue kaagad sa babae.
"Miss, okay lang ba kayo?" tanong kaagad ni Harry sa babae. Ang mga tao ay nagsisitinginan na, May dumating na mga guardya. "Okay lang po kami dito, huwag na po kayo makipagisyoso, mabuti pa po ay i-disperse na po ninyo ang mga tao," sabi ni Harry sa guardya, bago pa ito makapagsalita. "Okay lang ako," sabi ng babae.
Biglang tumunog ng cellepono na N6600 ni Malfoy. "Wait lang, tumatawag si er, basta," sabi ni Malfoy, at lumayo siya ng konti sa mga friends niya kasi ayaw niyang marinig ng kaibigan niya ang pinaguusapan nila.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Harry sa babae. "Oo kayo ko," sabi ng babae, ngunit hindi ito makatayo kahit na tinutulungan na ito ni Harry. "Eh hindi mo yata kaya," binuhat ni Harry ang babae at inilagay niya ito sa isang upuan sa Three Broom Sticks. Mukhang gustong-gusto ito ng Babae.
"Ikaw kasi Cho, hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo," sabi ni Parvati.
"Kilala mo siya?" tanong ni Harry kay Parvati. "Oo, friend ko siya at kaya kita pinapunta dito kasi gusto kong ma-meet mo siya," sabi ni Parvati. "Oh, hi, I'm Harry, Harry Potter, and you are?" sabi ni Harry. "Plesure. I'm, I'm, er, Cho Chang," sabi ni Cho. "You Chineese! Conachiwa, hachacha, ewchuchakaluka!" ang sabi ni Harry. "Sort of… pero di ako nakakaintindi ng Chineese." Sagot ni Cho.
Na-collect na lahat nina Cedric at Ron ang mga gamit ni Cho at inilagay nila ito sa katabing table ni Cho. Sumunod na lumapit si Malfoy, tapos na siyang makipag-usap sa kausap niya. "Guys," sabi ni Parvati, "This is Cho, Cho this is Cedric, Malfoy and Ron," sabi ni Parvati, sabay turo kung sino sila.
"Parvati, tara dun tayo, may sasabihin ako sayona confidential," sabi ni Malfoy. "Dun lang kami ha?" lumayo sina Malfoy at Parvati, hanggang sa hindi na sila abot-tanaw at earshot kung saan nakapuwesto ang apat sa Three Broom Sticks. "Halika Cedric may bibilihin ako. Harry dun lang kami ha?" sabi ni Ron.
"Okay ka na ba?" tanong ni Harry kay Cho. "Umm... Oo kaya ko na," sagot ni Cho.
Makalipas ang thirty minitues may apat na sunod-sunod na nag-text kay Harry, para-pareho lang ang messages na na-recive niya. Galing ito kina Cedric, Malfoy, Ron at Parvati: "hindi na kami babalik jan, pakana namin ito, hindi alam ni Cho, kaya wag mng sabihin sa kanya... wag mo kaming ibubuking kay Cho... By the way hindi kasama sa plano namin na mag-kabunggo kayo! TC! Baka cya na ang girl of your future!"
Ano ang ginawa nina Malfoy at Cedric sa Diagon Alley e sa ang layo nito sa Hogwarts? Sino ang kausap ni Malfoy sa cellphone? Ako nga di ko na alam eh, kasi last year pa ito napublish dito eh ngayon ko na lang inuupdate… lol… saan dadalhin ni Harry si Cho? Abangan sa susunod na kabanata.
