Ang Nakaraan: Half-day sa Hogwarts ngayon kaya nasa Hogsmead lahat halos ng mga estudyante, nag shoshopping. Nag meet na rin ang ating bida, sina Harry at Cho sa walang kamatayang Three Broom Sticks. Sinet sila ng kanilang mga kaibigan…
Tama sina Ron, oo hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend ni isa kahit. Wala pa kasi sa isip yun ni Harry, gusto lang niya munang makapagtapos. Iniinis na nga siya ng mga kaibigan niya, kasi sila nagkaroon na ng girlfriend.
"Um... Cho, you ok?" tanong ulit ni Harry. "Oo ang kulit mo ha?" sabi ni Cho, nagmamalaki. "I just wonder kung gusto mong ipasyal kita, kasi hindi na babalik sina Parvati dito, umalis na sila, treat ko," sabi ni Harry. "Ano ba ang gusto nilang palabasin? Gusto nila na maging mag-on tayo?" tanong ni Cho tapos sinabi niya sa sarili niya "Ok lang hay naku, kung alam mo lang na patay na patay ako sayo! Pero magpapakipot muna ako." Tapos, biglang sabi ni Harry, "Parang ganun na nga, gusto nila tayong mag syota."
"Ayaw ko nga noh! Parang mas gusto ko pa nga si Cedric kesa sayo, mas pogi cya. Tsaka torpe ka ata…" pakipot na sabi ni Cho. Namula si Harry.
"Ano gusto mo ba o hindi?" tanong ulit ni Harry. "Nakakahiya naman, libre mo, e samantalang ngayon lang tayo nag-meet," sabi ni Cho. "Ok, sige kung ayaw mo, uwi na ako," sabi ni Harry na parang nang-iingget. "Sige tara, saan mo ba ako dadalhin?" sagot ni Cho. "Ikaw ang bahala," sabi ni Harry. "Gusto kong mag-internet kaso er, ok lang ba sayo?" tanong ni Cho. "Ok lang sa akin," sagot ni Harry.
Nagtungo sila sa Netopia marami ang tao sa loob, halos lalaki, naglalaro ng Ragnarok. "Miss dalawa pong computer, internet po, kung puwede pong magkatabi," sabi ni Harry sa isang babang mukhang matapang, bagong re-bond ang buhok, nag rejoice yata. "Numbers 7 at 9," sabi ng babae. "Nangangasar pa yata etong babaeng ito, sabi ng magkatabe!" sabi ni Harry sa sarili niya
"Miss sabi ko po magkatabe!" sabi ni Harry sa babae, may usok ng lumalabas sa ulo niya!
"WALA!" sigaw ng babae, nag-eecho ang boses niya (WALA-LA-LA-LA-LA-LA). Biglang naging mukhang monster ang mukha niya, tapos bumalik sa normal.
"Hoy, Jenny, wag mong sigawan yang customer natin," sabi ng isang lalaki. "Sorry ha? Hindi kasi nakainom ng Alaksan si Jenny, ano ba ang gusto niyo?" sabi ng lalaki. "Umm.. gusto po namin dalawang computer, internet, magkatabi," sabi ni Harry.
"Ganun ba? Numbers 01 at 40," sabi ng lalake. "Isa pa to, nangangasar na talaga ang mga tao dito!" sabi ulit ni Harry sa sarili niya. "Excuse lang po ha? Sabi ko po magkatabi." Nagiinit na ang ulo ni Harry, dagdag pa ang problemang binigay nina Ron.
Kamukha ni Luna, sumigaw di ang Lalaki ng "WALA!" nag echo din ang boses niya (WALA-LA-LA-LA-LA).
"Isa ka pa, Henry!" sabi ng isang babae, sabay palo ng isang frying pan sa ulo ni Henry. Na Knok-out si Henry.
"Sorry guys, mainitin kasi ang mga ulo nitong dalawa, wala na kasi silang pambili ng Alaksan, sige numbers 2 at 3 kayo," sabi ng babae. "Ilang minitues?" tanong ng babae. "Open time na lang po, mamaya na lang kami magbabayad," sabi ni Harry.
Umupo si Harry sa computer number 2 at si Cho naman ay sa number 3. Nag eecho parin ang boses ng dalawang mainitin ang ulo (LA-LA-LA-LA-LA-LA) "Cho may friendster ka?" tanong hi Harry. "Oo noh, ang tagal ko na ngang naka-subscribe sa friendster," sagot ni Cho. "Add mo ako, sabi ni Harry. "Sige wait lang ha?" sabi ni Cho.
Abala sila sa pag-uusap ng may pumasok na babaeng mag-nanakaw sa Netopia. Naka faded at the same time fited pants ang suot ng magnanakaw, naka black and white (ibig sabihin gray) na shirt at may suot- suot na stockings sa ulo.
Walang nakapansin sa magnanakaw kasi abala ang lahat, maingay, isama mo pa ang echo ng boses ng dalawang mainitin ang ulo (La-LA-LA-LA-LA).
Si Harry ang napagtripan ng magnanakaw, alam kasi ng magnanakaw ang background ng pamilya niya, sila lang naman ang may ari ng pagawaan ng takong ng sapatos sa Marikina, may 100 branches ang kanilang repair shop ng kahit anong bagay, all around ika nga, sa buong Pilipinas, at maraming marami pang tindahan, mula sa sari-sari store hanggang sa malls. Kinuha ng magnanakaw ang wallet ni Harry na may lamang P10,000.00 (barya lang yun sa kanya pero malaking halaga na yun sa magnanakaw). Hindi nakuha ng magnanakaw ang cellphone ni Harry kasi hawak-hawak niya ito.
Biglang pumasok sa loob ng Netopia si Goria Macapagal Arroyo. Gagawa yata ng speach. Magpapaboto siguro sa darating na eleksyon. Maraming reporter din ang pumasok. Samantala, ang magnanakaw ay kaagad na nakapagtago sa isang sulok na kung saan hindi siya makikita.
Biglang nanahimik ang mga tao, pati ang echo ng boses ng dalawang mainitin ang ulo ay nanahimik din, nakisama sa peacefulness ng paligid.
"Iboto po ninyo ako sa halalan, 'no?" sabi ni GMA, "Pag ako po ay naupo po ulit sa upuan, I mean sa Malacanang sisiguraduhin ko pong wala na po ang mga korupt sa gobyerno... at wala ng magnanakaw! Wala na ang Bonet Gang, Ang Stocking Gang, ang Bracelet Gang, ang Anklet Gang, at marami pang iba" tuloy ni GMA, mahigit isang oras yata ang speach niya. Tinamaan sa mga sinabi ni GMA ang magnanakaw, na-touch yata, pero wala cyang balak na ibalik ang pitaka ni Harry at magpahuli sa mga pulis.
"Maraming samat po! 'No? At ako po ay tutuloy na" sabi ni GMA, sa wakas tapos na ang speach niya, "but, Mrs. President..." sabi ng isang reporter sa JMA7, oo tama JMA7, Japan Music Association Chanell 7. Hayun at lumabas na si GMA kasama ang press, nakiisyoso at nakisama naman ang magnanakaw palabas ng Netopia, walang nakapansin, magaling ang taktika ng magnanakaw. Kalabas ni GMA pati ng press. Umingay ulit "Ano ba, kainis si GMA, yan tuloy level 1 ako ulit!" sigaw ng isa. Bumalik din ang echo ng boses ng dalawang mainitin ang ulo (LA-LA-LA-LA-LA).
"Tara, alis na tayo," sabi ni Harry, hinahanap niya ang pitaka niya, hindi niya mahanap. "Pero may problema e," sabi ni Harry, "Nawawala ang pitaka ko!"
Sino ang magbabayad sa Netopia? Obvious ba? Lol! Ang mga katanungang binitawan ko sa unang kabanata ay masasagot na ba sa susunod na kabanata! Abangan!
