Paunawa: Eto na po yung pangatlo sa aking kwento at siyempre iba nanaman ang bida… bago ko nga pala makalimutan… hindi po ako ang may-ari ng Shaman King o kahit anong karakter sa kwento. Pagpasensiyahan niyo rin po kung may mga mali ako rito… pramis pinipilit ko na mapuna ang mga ito bago i-upload pero may nakakalusot pa rin… kayo na po ang humusga kung nais niyo na akong sunugin ng buhay dahil sa mga pagkakamaling ito… X.x (HUWAG PO! HUWAG PO!)
Well bago pa ako masunog eto na ang kasunod…
LJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJ
Kabanata 3
"Mahirap mabuhay na hindi pinapansin. Parang minsan pakiramdam mo hindi ka talaga nag-eexist. Minsan naiisip mo na sana mas magiging masaya ka pa kung di ka na pinanganak pa… what's the difference nga naman di ba? Wala rin naman makakamiss sa iyo."
u.u
V.V
Isang umaga may biglang kumatok sa tahimik na bahay (ehem… mansion) ng mga Tao sa Tsina. Gaya ng nakaugalian si Pai Long ang nagbukas ng pinto. Isang batang kasing edad ng kanyang Master Ren na medyo maitim… um… hindi… talagang matim at may kakaibang ilong ang bumulaga sa kanya. Nakilala niya agad ito.
"Chocolove? Ba't narito ka?" tanong ni Pai Long.
"Andyan ba si Ren? Iimbitahin ko sana siyang maghapi-hapi sa Ma Mon Luk dito." Wika nito na may kislap sa kanyang mata.
"Wala eh… pumunta sa bahay nila Yoh."
"ANO! (O.O)" Sigaw bigla nito, "Oh my gulay! Ang hirap mandaya para makakuha ng ticket na por your impormation ay napanalunan ko lang sa bingo para makapunta dito sa Tsina. Tapos… Tapos… nasa Japan na pala siya. Haay sana may makalaro uli akong tanga na magtataya ng ticket sa eroplano… e di dumiretso na sana akong Japan kesa dumaan pa rito kung nalaman ko lang yung fact na yun." May kalungkutan na kwento nito.
Dahil sa mga sinasabi ni Chocolove medyo naawa ang bangkay sa kanya. Kahit na sabihin pa natin na patay na si Pai Long ay may kaluluwa pa rin naman siya… isang kaluluwang marunong maawa.
Magsasalita na sana siya nang–
"Mabuti pa dito ka na muna magpahinga…ako na lang ang maghahatid sa iyo sa Japan marami naman kaming eroplano at kotse kaya sagot ko na transportation mo." Singit bigla ni Jun na bigla na lang lumabas mula sa kung saan.
Pero d na pinansin ng dalawang lalaki yun dahil bigla na lang nagtitili si Chocolove sa tuwa. Matapos naman tumili ay nagsasayaw silang dalawa ni Mike (A/N tama ba spelling?).
"Isa kang anghel miss Jun." Puri ni Chocolove habang hinahawakan ang kamay ng nakakatandang kapatid ni Ren.
"Oo… isang napakagandang anghel na regalo ng langit sa sansinukob." Nabulong ni Pai Long habang napapatitig sa mukha ni Jun.
n.n
Kaya yun na nga… nanatili dun pansamantala si Chocolove. Maya-maya pa pagkatapos dumating ni Chocolove may isa pang kumatok sa pintuan ng mansion ng mga Tao. Si Pai Long muli ang bumukas ng pinto ngunit ngayon hindi na siya natuwa sa bisita. Ang bisita ay isang lalaki… gwapo naman siya, may itim na mga mata, matikas at makisig ang dating, mukhang intelehente at higit sa lahat ay mukhang mayaman.
"Bakit ka andito?" tanong ni Pai Long, na mukhang may pinipigil sa loob.
"Siyempre… para sa amo mo. Asan na ba si Miss Jun Tao?" sabi ng lalaki. Hindi mapigilan ni Pai Long na mapansin ang pagtaas ng kilay ng kausap niya na nagpapairita sa kanya.
"Teka lang. Pumasok ka muna tatawagin ko pa siya."
Kaya pumasok muna ang bisita at umupo sa sala habang tinatawag ni Pai Long ang napakagandang si Jun Tao.
"Bababa na daw siya. Maghintay ka lang." Sabi ni Pai Long sa bisita matapos puntahan si Jun.
"Sige maghihintay ako."
T.T
Maya-maya pa bumaba na si Jun at umalis kasama ang bisita. Nanonood lang si Pai Long kasama si Chocolove habang nasa isang malayong balkonahe sila.
"Sino ba yung bwisita na yon?" tanong ng bata.
"Siya si Dao Xi Mei."
"Ano? One two trei!" biro bigla nito pero di man lang nagbago ang medyo may kalungkutan na mukha ng bangkay.
"Ano ka ba naman Pai Long para ka naming patay dyan." Sambit muli ni Chocolove na para bang kulang talaga siya sa pansin.
"Eh patay naman talaga ako eh."
"Siguro nagseselos ka sa Dao… ano nga uli name niya parang galing kasi sa Meteor garden na ewan eh."
"Dao Xi Mei." Paalala ni Pai Long sa pangalan nito.
"Ayun! Dao Xi Men siguro si Dao Ming Zhe at Xi Men ang mga magulang niya noh… yuck sino kaya sa kanila ang bumigay!"
"Anong pinagsasabi mo?" Nagtatakang wika ni Pai Long na ngayon ay hindi na maintindihan si Chocolove. (Halatang hindi siya mahilig sa mga Chinovela.)
"Ah wag mo na nga akong pansinin ang hina mong makagets eh kulang ka yata sa Centrum… obvious nga eh. Not enough vitamins… kulang sa buhay."
"Ano?"
"Wala!" Sigaw ni Chocolove na ngayon ay give-up na talaga sa kausap niya. Hinid nga yata nanonood ng TV ito, kawawa naman. "Maiba nga tayo Pai Long, ikaw ba eh talagang nagseselos sa kasamang lalaki ni Miss Jun Tao?"
"Nagseselos! Hindi! Atsaka kung ako nga ay nagseselos may karapatan ba ako." Namumulang wika nito.
Medyo napataas ang kilay ni Chocolove sa panonood ng reaksyon ni Pai Long kaya lalo siyang natuwa rito.
"alam mo Chocolove nakikita ko naman na masaya na si Miss Jun sa kanya. Palagi siyang nakangiti pag kasama siya. Masaya siya dahil sa kanya at dahil dito dapat maging masaya ako para sa kanila –para sa kaligayahan nila."
"Ikaw masaya ka ba?" tanong ni Chocolove na para bang eksperto na talaga.
"Oo naman."
"Ang showbiz mo! Alam mo Pai pai… huwag ka nang malungkot. Makinig ka sa akin." Panimula ng komedyante sabay akbay kay Pai Long na para bang talagang pinagpapayuhan ito. Siyempre dahil sa pagkakaiba ng mga taas nila medyo mukhang keychain na nakasabit si Choco kay Pai Long kaya lumuhod na lang si Pai Long para di masyado mahirapan si Chocolove.
"Tenks you! Asan na nga ba ako… ah oo! Gaya nga ng sabi ko di ka dapat malungkot sinisira mo naman ang pangarap ko. Pano ko pupunuin ng katatawanan ang mundo kung ikaw mismo di kita mapatawa."
"Eh panong di ako malulungkot kung… kung… si Miss Jun ay…"
"Alam mo pare dapat isipin mo na lang na kaya siya masaya kapag kasama yung lalaking yun ay dahil…" Wika ni Chocolove sabay tigil na para bang binibitin talaga si Pai Long.
"Dahil?"
"Dahil mukhang clown siya! D Ba?" Hirit nito.
Kahit na hindi naman talaga ito nakakatawa medyo nangiti si Pai Long.
"Salamat ha."
"Pero meron pa akong isa pang sasabihin sa iyo ha. Dapat sabihin mo talaga sa kanya ang nararamdaman mo marahil hindi kayo nababagay sa isa't-sa pero at least ang important thingy ay nasabi mo sa kanya ang magical word na… ABRACADABRA!"
"Ano!"
"I mean…I love you. Sori joke joke joke."
"Si Chocolove ka talaga." Nasambit na lang ni Pai Long.
V.V
Nang umuwi na si Jun dun na napagpasyahan ni Pai Long na sabihin sa kanyang iniiirog ang totoo niyang nararamdaman tungkol kay Dao Xi Mei.
"Bakit Pai Long? May sasabihin ka ba?"
"Um… Miss Jun. Kasi may sasabihin ako sa iyo."
"Ano iyon?" tanong ng babae.
"Ano…"
"Pai Long." Singit bigla ni Jun bago pa man makapagsalita si Pai Long.
"Bakit?"
"Masaya ka ba para sa akin?"
"Oo naman. Masaya na akong nalalaman ko na masaya ka pag andyan siya. Masaya na ko na nalalaman kong napapangiti ka niya. Basta masaya na ko para sa iyo."
"Ganon ba. Natutuwa akong marinig yan. Ano nga ba uli yung sasabihin mo?"
"actually may itatanong ako…"
"ano naman iyon?" tanong ng babaeng Tao.
"Ikaw ba masaya ka ba na nalalaman mong nasasaktan mo ako?"
O.o
Tumahimik muna ang dalawa. Si Jun nag-iisip kung ano ang sasabihin habang si Pai Long ay nag-aabang ng sasabihin ni Jun. Ngunit di lang naman ang dalawa ang kinakabahan sa pangyayari pati rin sina Chocolove at Mike na nag-aabang sa dalawa na para bang nanonood sila ng isang eksena sa Chinovela.
"Kanina nagtapat sa akin si Dao Xi Mei…" panimula ng namumulang si Jun.
"Anong sabi mo?" tanong ni Pai Long.
"Ang sabi ko may iniiibig na akong iba."
"sino naman ito?"
Napatingin si Jun sa mga mata ng bangkay. Kahit na alam nito na patay na si Pai Long hindi pa rin niya mapigilan na umibig dito. An pagiging gentleman niya, pagiging maaalahanin at pagiging laging handa para tulungan siya ang ilan lang sa mga dahilan kung bakit di nito mapigil ang ganitong kahangal na pakiramdam.
Kaya naman gaya ng inaaasahan ang naging sagot niya ay…
"Ikaw."
At doon niyakap na lang bigla ni Pai Long si Jun. Marahil nga hindi na talaga siya considered na buhay pero mas gugustuhin na niyang maging ganito kaysa na maging normal at wala sa tabi niya si Jun.
n.n
"Mission accomplished Mike." Ngiti ni Chocolove na ngayon ay sigurado na makakapunta sa Japan kinabukasan.
HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
Sana ay trip niyo ang kwentong ito. Pasenysa na kung may mga mali ako… sori, sori, sori talaga! Medyo 'seryoso' nga si Chocolove dito kasi parang gusto ko lang ipakita na kahit loko-loko si Choco ay may medyo serious side pa rin siya… sana magustuhan niyo ito. Salamat nga pala sa mga dating nagbigay ng review sa akin… kayo ang mga inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagsusulat kahit na ba ineeenumerate niyo mga typo errors ko okay lang talaga dahil natututo ako pero sana naman wag niyo masyadong tignan ang aking mga mali bagkus ay ang kwento mismo. Pero pls magbigay pa sana kayo ng review natutuwa alaga ako pag may bago akong nababasa na review parang may bago akong nakikilalang tao. Salamat uli at abangan niyo ang sunod nito. Sunod na ang yohXanna!
