Okay hindi ako sigurado kung ito na ang magiging last na kabanata ng kwentong ito pero tignan natin.

PaUnAwA: hindi ako ang may-ari ng Shaman King… so hindi rin ako ang may-ari ng mga karakter dito. Ganon lang kasimple. Ang hindi lang simple ay ang mga nakakaaborido kong typo errors at iba pang katangahan ko! Talagang may ginagawa na ako tungkol dito. Horohoro pwedeng papukpok sa ulo!

LJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJLJ

Kabanata 4

Isang magandang umaga nanaman at pauwi na sina Anna at Yoh mula sa eskwelahan. Abala lang ang batang Asakura sa pag-iisip kung ano ang mas magandang gawin matulog o pumunta kila Horohoro para bumisita. Nasa ganito siyang pagmumuni-muni nang may naalala ang power spirit niyang si Amidamaru.

"Master Yoh. May naaalala po ba kayo?" wika ni Amidamaru.

"Wala. Bakit may pinapaalala ba ako sa iyo?" Tanong nito habang si Anna ay nasa likod lang.

"Master Yoh naman…" angal ng power spirit habang gumugulong ang mata kay Anna.

"Ano ba iyon?" Tanong muli ni Yoh.

"Amidamaru kung kailangan mong kausapin si Yoh sa pribado ang kailangan mo lang gawin ay magpaalam sa akin." Singit bigla ni Anna na kanina pa pala naiiirita sa dalawa.

Agad na hinatak ni Amidamaru si Yoh sa malayo-layo habang si Anna ay uminom sa isang drinking fountain na nakita niya.

"Ano ba kayo master Yoh! Di ba sinabi niyo sa akin na ipaalala sa inyo na ngayon po ang kaarawan ni Ma'am Anna."

"Ganon ba. Sabi ko na nga ba may nakalimutan ako." Tawa ni Yoh habang nakakahinga na ng malalim si Amidamaru.

"Teka po Master Yoh ano pong ireregalo niyo kay Ma'am Anna?"

Biglang natahimik si Yoh na para bang nag-iisip.

"M-Master Yoh bakit po?"

"Amidamaru… wala akong regalo." Umiiyak na wika ni Yoh.

"Pano yan?"

u.u

"Ang tagal mo naman." Sumbat ni Anna matapos makapag-usap sina Amidamaru at Yoh, "tungkol saan ba yung pinag-usapan niyo?"

"Wala naman." Sagot ni Yoh.

Maya-maya pa habang naglalakad sila biglang umiba ng daan si Yoh. Dahil dito nagtaka si Anna.

"Teka saan ka pupunta hindi dyan ang daan pauwi. Naliligaw ka na ba Yoh?" matigas na wika ni Anna habang tumataas nanaman ang kilay.

"Basta. Sumunod ka na lang sa akin." Wika ni Yoh na may ngiti sa mukha.

Kahit na ba kilala si Anna sa pagkamataray nito (at talagang bad mood siya dahil hindi man lang siya nabati kanina) may kakaibang epekto pa rin ang ngiti ni Yoh sa kanya kaya ang ending ay payag siya.

n.n

Ang unang pinutahan ng dalawa ay isang sinehan siyempre si Anna ang namili ng palabas.

"Ito na lang Anna. Shaolin Showdown in Funbari with flying ninjas and soaring like the eagle samurais part 3 maganda ito." Yaya ni Yoh.

"Lalaki ka nga talaga." Nabulong ni Anna na nagsabi kay Yoh na magpapakwento na lang siya kay Manta tungkol sa palabas na iyon.

"Ito ang gusto kong panoorin." Nabulong ni Ana habang nakatingin sa poster ng pelikula.

"Di ba yan yung movie nung teleserye na pinapanood mo. E di parang pareho lang yan ng kwento…pinaikli lang." wika ni Yoh.

"Yan ang gusto ko, may angal?" tanong ni nna nang buong tapang.

"Wala. Maganda yan sige nood na tayo."

Kaya bumili na si Yoh ng ticket at umupo na sila. Bago pa man magsimula ang tumingin nanaman si Anna kay Yoh.

"Bakit Anna?" ngiti ni Yoh.

"Nagugutom na ako."

"Anong gusto mo?"

"Popcorn."

"Okay." Wika ni Yoh sabay tayo pero hinila siya muli ni Anna.

"Hindi pa ako tapos sa order ko."

"Patay." Naisip na ng Asakura.

V.V

Ang inorder ni Anna ay isang large coke, popcorn, at pizza, pero siyempre kakain rin si Yoh pero dahil nga baka ma-short ang lalaki nagkendi na lang ito.

Pagkabalik ni Yoh binigay na niya lahat ng order ni Anna sa kanya. Kaya nagsimula na ang palabas at nanood na silang dalawa. Habang umuusad ang palabas napansin ni Anna na puro kendi lang ang nginunguya ni Yoh dahil nga nahihiya (natatakot actually) itong humingi ay Anna.

"Sa iyo na yan." Wika ni Anna sabay bigay niya ng dalwang slice ng pizza kay Yoh.

"A-Anna." Bulong ni Yoh habang kumikislap ang mata nito sa tuwa.

"Kawawa ka naman mukha kang patay gutom." Sambit ni Anna na hindi man lang tinatanggal ang mata sa palabas.

"Salamat. Wow ang sarap nito." Pahayag ni Yoh sabay kain na.

Habang kumakain si Yoh napapatingin si Anna sa kanya at sa isang hindi mapaliwanag na dahilan parang kumukurba ang labi niya sa isang ngiti. Nang mapansin ni Anna ang ginagawa niya agad siyang bumalik sa panonood sa palabas habang iniisip na sana hindi napansin iyon ni Yoh.

T.T

Matapos ng palabas kumain na sila sa McDo.

"Anna anong gusto mo?" tanong ni Yoh.

"Icecream at Spaghetti lang." sagot nito.

"Sige." Ngiti muli ng lalaki sabay pila na.

Habang naghihintay si Anna sa table nila tumitingin-tingin siya sa paligid upang malibang ang sarili. Mula sa malayo may nakita siyang dalawang babae na sing edad lang niya. Nagtatawanan at nagbubulungan lang ang dalawa dahil medyo kinutuban siya sa dalawa pinilit ni Anna na marinig ang pinag-uusapan ng nila.

Girl1: tignan mo yung lalaking nakapila dun oh.

Girl2: yung may orange na headphones?

Agad na tinignan ni Anna si Yoh at nakita siya lang ang lalaking may orange na headphones dun. Tinignan na niya ng masama ang dalawa at nakinig muli kung ano ang masasabi nila kay Yoh.

Girl1: Oo. Ang cute niya noh.

Girl2: May Girlfriend na kaya siya? (Anna: Oo mapapangasawa na nga niya eh.)

Girl1: Sana wala pa ang cute niya talaga. (Anna: Asa ka.)

Girl2: Oo nga eh. Pakilala tayo. (Anna: subukan mo.)

Matapos marinig iyon napataas nanaman ang kilay ni Anna kahit na nasa isip lang niya ang lahat ng pambabara niya gusto na talaga niyang sabunutan ang dalawa.

"ANG KAPAL NG MGA MUKHA ng mga babaeng ito akala naman nila ang gaganda nila." Naiisip ni Anna.

Tatayo at susugod na sana si Anna sa table nung dalawang babae pero dahil dumating na si Yoh hindi na niya ito tinuloy.

Girl1: ay may girlfriend na siya.

Girl2: Hindi yan. Walang kwenta yan. Tignan mo hindi naman siya kagandahan eh.

Girl1: Tama ka at malay mo pinsan niya yan o kaya naman… kapatid.

Girl1 & Girl2: (hagikgikan)

Nang marinig niya iyon biglang nangati na ang kamay ni Anna… nanggigil na talaga siya sa dalawa.

"Ang sarap sampalin nung dalawang yun ah." Naiisip ni Anna habang naniningkit ang mata.

Sinundan ni Yoh yung mata ni Anna pero di pa rin niya alam kung ano ang tinitignan nung babae.

"Anna kumain ka na lalamig na yung spaghetti mo at matutunaw na yang icecream mo." Wika ni Yoh na hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakain ang manok nito.

"Sige." Wika ni Anna.

Kaya kumain na ang dalawa. Si Anna minsan sinusulyap-sulyapan ang dalawang malading babae na palagi niyang nahuhuling tumitingin-tigin kay Yoh. Maya-maya pa natapos na sila Anna at Yoh sa kanilang pagkain.

"Yoh dyan ka lang." utos ni Anna habang tumatayo

"K." ngiti ng lalaki.

Ang dalawang babae kanina ay mapapansin na wala na ngayon sa table nila at kanina ay namataan na pumasok sa cr kung saan patungo si Anna ngayon. Ngunit bago pumasok si Anna sa banyo ng mga babae ma parang binulong siya at matapos niyang magbulung doon nangiti ito.

U.U

Kaya pumasok na si Anna sa loob ng cr at sa loob ng isang cubicle. Nang pumasok na si Anna saktong lumabas naman ang dalwang babae at pumunta sa salamin upang mag-ayos.

"O ano pakilala tayo dun sa lalaki?" tanong nung Girl1

"Baka magalit yung babae niyang kasama." Wika nung Girl2

"Hindi naman siguro atsaka ang chaka niya para maging gf nung lalaki baka friend lang niya yun." Wika ni Girl1

"Alam niyo hindi dapat kayo manghusga ng isangtao batay sa panlabas na anyo." May biglang nagwika na animo'y galing sa hukay ang boses.

Agad na tumingin sa paligid ang dalawang babae ngunit wala silang nakita. Hindi naman rin ata boses ni Anna iyon.

"May narinig ka?" tanong nung Girl1

"W-wala yun baka sobrang busog ka lang." nanginginig na sambit ni Girl2

Ngunit nung tumingin yung dalawang babae sa salamin may nakita silang isang babaeng nakaputi at may mahabang itim na buhok… yung pang-sadako look-alike ang tipo. Lubog ang mga mata nito at nay tumutulong dugo sa sugat nito sa leeg.

"Hindi dapat kayo manghusga… masama iyan." Wika nito.

Agad na nagsisigawan ang dalawa at hindi alam ang gagawin. Ilang beses na tumakbo-takbo paikot sa cr bago pa tuluyang lumabas.

Matapos naman ng gulo lumabas na sa cubicle si Anna. Dinaanan lang niya ang multo na ngayon ay naroon pa rin.

"Salamat ha." Wika ni Anna na medyo nangingiti.

"Walang anuman iyon… mukha naman salbahe yung dalawang yon." Wika nung multo.

"Huwag kang mag-alala bukas pagdadasal kita para matahimik ka na."

"Salamat po miss Anna."

At matapos maghugas ng kamay umalis na si Anna.

T.T

Tahimik ang dalawa habang naglalakad sila pauwi. Ang saya talaga ni Yoh dahil hindi napansin ni Anna na nakalimutan niya ang kaarawan nito. Kahit na ba naubos ang isang lingo niyang pera okay lang basta't masaya at hindi galit sa kanya si Anna.

Si Anna naman ay masaya rin lalo na nung marinig niyang takot na takot at nagtatatakbo yung dalawang babae sa may restaurant.

Pagkauwi ng dalawa agad humiga si Anna sa harap ng TV at nanood habang si Yoh ay nawala nanaman sa paningin ni Anna.

"ano nanaman kaya ang pinaggagagawa non." Nasambit na lang ni Anna.

Masaya na sana si Anna sa panonood nang…

"Anna! Dali may ipapakita ako sa iyo!" sigaw ni Yoh habang inig na rinig ang mga yabag niya patungo sa kwarto.

"ano nanaman?"

HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Ano nanaman kaya ang balak ni Yoh at parang importante ang bagay na ito. Abangan sa susunod….

Sana nagustuhan niyo rin itong kabanata na ito sana mag-reiview kayo ditto. Un lang.Salamat sa pagbabasa.