Ang nakaraan sa Chicharong Flower

Si Tenten ay naging kasambahay na ng mansion ng mga Hyuuga. Kahit na labag sa kalooban ni Neji -daw- ay kanya nang pinatuloy sa bahay ang ating magandang dilag na ubod ng Gillette Razor-sharp ang tabas ng dila. Ngayon, ating alamin ang mga pangyayari mula nang iniwan natin ang kakala-kalabog na pinto ng banyo nina Neji…

………………………….

Tenten: Senyorito Neji, handa na ang iyong hapag-kainan!

Neji: -stares glumly at the dinner before him- baboy na naman! Anak ng…nde ka pa ba nagsasawa? Tatlo't kalahating lingo na tayong nabubuhay sa chicharon ah!

Tenten: Aba eh…yan lng alam kong luto. Yan ang hanapbuhay ko. Ayaw mo naman ng instant noodles…

Neji: Nung huli kang nagluto ng instant noodles, naalala ko parang tubig na tinubuan ng puting buhok ni Sadako yung kinalabasan nya. Kahit ata yung mga alaga kong baboy eh pinandirihan yung luto mo….

Tenten: Eh sa hindi ako domesticated eh! -places hands on hips- Cge na, kainin mo na. Masama tumanggi sa grasya.

Neji: Anak ng…maiintindihan din nman cguro ako ng Diyos kung tatanggihan ko yan…anong akala mo sa cholesterol level ko, infinite tolerance? Tsaka napapansin ko, unti-unti nang nalalagas ang mga alaga kong baboy…kaysa lumaki cla nang matiwasay eh inuulam natin… -makes nguya his ulam- Daig pa natin ang mga walang-awang mga kanibal! Mga hayok sa laman! Mga—

Tenten: Kabuwanang daloy mo na naman, Neji. Maingay ka na naman. -sits down to eat- O cge, bukas, pramis, nde na chicharon ang ulam.

Neji: -daig pa ang sinabihan na irerefund ng Meralco ang 6 na buwang konsumo- TALAGA? Mayroon pa plang Diyos…

Tenten: -problemado pataaay….nakapangako ako…eh ano b ang lulutuin ko… -thinks back- Ang aking lola sa tuhod kc, bakit naman nde man lang naisip na turuan ang anak nya ng ibang luto maliban sa chicharon. Kaya namatay ng maaga ang halos lahat ng napapangasawa ng mga babae s angkan nmin eh…kundi inaatake sa puso, nahihigh blood. Pano, ang alam lng lutuin ng lahi namin eh chicharon. Haaay…

Neji: -looks up from his food- Wag mo sabihing mag-isa akong magsuisuicide? Tumikim k nman ng luto mo para sabay taung mamatay sa mantika.

Tenten: Ang sweet mo tlaga. Pakyu. -kumuha na rin ng tinidor-

Ako: Kaya kinabukasan, nagdesisyon na c Tenten na mag-aral nang magluto. Kanyang pinag-isipan kung cno ang lalapitan para magpaturo…

Tenten: C Hinata kaya….cgurado, magaling magluto yun, kaso abala din yun sa pregnancy nya. Matinik din naman c Naruto eh…dalawang oras lng cla nagkulong sa banyo, nag-success agad. Grabe, nde na malulumbay ang angkang Hyuuga. Dadami na uli cla, at si Naruto…magiging Father Abraham. Ama ng buong angkan ng makabagong henerasyon ng Hyuuga. Hanep! -nag-ala Ninoy pose- C Surrr Kakashi kaya…kaso, baka luto ng Diyos ang alam lng nun. Naman, bakit ba biglang naubusan ng marunong magluto sa lugar na ito.

Neji: -lumabas ng bahay- Punta lng ako sandali sa maternity clinic.

Tenten: -napakurap- Aba Neji, mukhang productive ka ata ngaun at kahit sariling sikap ka lang eh nakabuo ka na.

Neji: Haha, nakaktawa! -rolls eyes-

Tenten: Uuuy, yung mama, nagpapa-cute daw kuno s akin. Dati pag ganito ang tema ng biro ko, parang gusto mo na akong kainin nang buhay. Parang…parang mas kaibig-ibig ka dati…

Neji: Bahala ka sa buhay mo. -looks at wristwatch- Dadaanan ko ang pinsan ko. First visit nya sa maternity clinic.

Tenten: Wow, ang kyut! Bonding session kau, ganun?

Neji: Kulit mo. Cya ang pupunta ng clinic, sasama lng ako.

Tenten: Ah okies….nde mo nililiwanag eh.

Neji: Sana nman pagbalik ko eh may matino n taung hapunan. Wag na uli baboy.

Tenten: Bacon?

Neji: Gusto ko pritong fish.

Tenten: Pano pag isda nabili ko?

Neji: Kumain ka mag-isa mo. -sinakyan ang Pajero-

Tenten: Cge irog, ingat sa biyahe! -watches him drive away- Teka nga asikasuhin ko na ung pritong fish nya. -stands up- Punta n nga ako palengke.

Ako: Nakarating sa wakas c Tenten sa palengke, may dalang bayong at basket, feel na feel ang get up.

Tenten: Manang, pabili po ng fish.

Tindera: Ilang kilo?

Tenten: Eh kc po…nde ko alam eh. Yung kasya sa…ah…mister ko.

Tindera: -nag-light up ang mga mata- Gano ba kalaki…yang mister mo ha, ineng?

Tenten: -inimadyin ang daliri ni Neji, tapos napangiti- XL po, manang. -smirks-

Tindera: Aba eh, dapat bangus na ang bilhin mo. Tapos saka mo lagyan ng maraming sibuyas… para sumigla cya. Ganun ang ginagawa namin ni Mister at aynaku…para na kaming isang baranggay na mag-anak kapag nag-ma-malling.

Tenten: Naku, ilang taon na po ba kau?

Tindera: 87.

Tenten: Naku, manang, nde halata sa age nyo. Aba, trinaydor na nyo ni Mister yung menopause nyo ah!

Tindera: Haay, kaya nga ako papalit-palit ng mister. Nde nila ako matagalan.

Tenten: Paglaki ko po, gusto kong maging tulad nyo. Palaban!

Tindera: Balot at penoy lng ang kainin mo ng umaga at gabi.

Tenten: Balot…cge, may bago nang menu c Neji hehe.

Ako: After bumili pa ng ibang sangkap c Tenten ay nagsimula n cyang magluto.

Tenten: -looks at the bangus na lumalangoy sa basin ng maligaya- Kawawa naman si fishie…papatayin lng nang alang awa…cyet, Neji, pano mo naatim ang karumal-dumal na gawaing itich? -makes kuha the gulok, then stares sadly at the fish- Pasensyahan na lng tao, fishie, kaso pag nagkamali ako ng ulam ngaun, baka mapalayas n ako sa home sweet home ko. Mahal ko na itong bahay na ito kahit na ang attic nya nasa basement. Tsaka crush ko din ang may-ari ng bahay na ito kahit na mas masungit pa cya sa tatay ko nang umalis ang kalaguyo ng nanay ko na kalaguyo din nya.

kinuha ang isda at sinaksak; pumusit ang dugo everywhere-

Tenten: -napasigaw- Anak ng kapre, ANG KAMAY KO! -blacks out-

Ako: Nang mahimasmasan uli c Tenten, nag-aalalang mukha ni Neji ang kanyang nasilayan

Tenten: N-Neji…-looks up in fascination-

Neji: Tinakot mo ko…pagbalik ko sa bahay, puro dugo yung semiento…mahal yang tiles nyan…

Tenten: -napahawak sa dibdib- Dyusko day!

Neji: Tapos nakita ko yung isda, lumalangoy sa palanggana, feeling nya aquarium yun. Ikaw naman, ala nang malay, dumudugo ang daliri mo. -looks at her hand, na naka-bandage n ngaun- Ayan tuloy, nabawasan ng isang bandage ang supply ko.

Tenten: Patawad. Sana napkin n lng pinangbalot mo.

Neji: Wala eh, tapos na. -sighs- OK k n b?

Tenten: M-Mejo. -realizes na nakahiga ang ulo nya s lap nito- Neji, teka tayo muna ako…baka masalanta ang puri mo, eh yan n lng ang tangi mong ligaya at aliw.

Neji: -rolls eyes- Hay, ewan ko b s iyo. Ang seryo-seryoso ng usapan, binabali-baligtad mo.

Tenten: Teka, luto n ako. -tumayo na nang tuluyan-

Neji: Tulungan na kta. -tumayo na din- Nakita ko na may isda sa palanggana so I presume na un ang ulam natin, nde ba?

Tenten: -napatawa- Nde, pet ko cya actually.

Neji: -sighs- Ulamin na rin natin. Para quits tau. Kinakain mo naman ung mga baboy ko.

Tenten: Neji, ikaw n lng humiwa ng isda.

Neji: -nahulaan ang nangyari- Cge, ako n lng.

Ako: Nagsimula n ang pagluluto ng dalawa.

Tenten: -napapaiyak sa paghiwa ng sibuyas para sawsawan- Neji…Neji, ang sakit humiwa ng ganito…

Neji: -looks up from the frying pan- Tenten, bkit kc nde mo hiwain sa ilalim ng tubig para nde ka magkaganyan?

Tenten: Eh pano ako hihinga?

Neji: Tange. Nde naman ikaw ang sisisid sa tubig, ung sibuyas.

Tenten: Ay ganun… -does what he told her-

Ako: Sa wakas natapos na rin ang kanilang gawain.

Neji: Ayan, sa wakas, ulam n nde chicharon. Gusto ko n atang magpa-misa.

Tenten: Cge tikman natin. -makes tikim- Mmm, ang galing kong magluto!

Neji: Ako nagprito nyan.

Tenten: Dugo ko ang puhunan jan.

Neji: Okies, bahala ka. -looks at her bandaged hand- Ten…ipalinis natin yan s clinic, gusto mo?

Tenten: Naghugas nman ako ng kamay bago kumain, don't worry.

Neji: -shakes head- Hayaan mo na…

Tenten: -grins- ayoko kcng maniwala na concerned k s akin. Baka pag binati ko, ma-usog ka pa.

Neji: Anong akala mo sa akin, lamang-lupa? Akina yung asin jan.

Tenten: Yung lamang-lupa, dapat takot sa asin, di ba?

Neji-sumubo uli- Bakit, may sakit cla sa bato?

Tenten: -napangiti- Wow, tinutubuan ka na ng humor.

Neji: -natigilan- Ha? -napatungo- Ano ba ang sinasabi mo?

Tenten: Wala. Wala akong sinasabi, Hyuuga Neji. Naloloka ako. -ngiti- Neji, kamusta na c Hinata?

Neji: Babae pa rin.

Tenten: Ok fine, ayaw mo na akong kausapin.

Neji: Salamat…pinagluto mo ko fish.

Tenten: -nagulat- Nagpapasalamat ka?

Neji: -tumungo uli-

Tenten: Hehe, grabe pinapahiya n kta macyado.

Neji: Ah Tenten… bakit ginawa mong sibuyas salad ang sawsawan natin?

Tenten: -napahagikhik- Para sumaya ang buhay mo!

Neji: -rolls eyes-

………………………..

Kaya ngaung marunong na ng iba pang luto c Tenten bukod pa s chicharong flower na kanyang specialty, bumuti na ba ang pagsasama ng dalawa? O pritong isda na lang ang ulam nila araw-araw?

Abangan…