Ang nakaraan sa Chicharong Flower…

Nagsisimula nang magparamdam c Neji kahit na isang linggo pa bago magpiyesta ng tong-its sa sementeryo. Kunsabagay, may naka-display na kasing mga parol sa labas ng ibang bahay, kaya cguro naalog ang brain nya sa kalituhan. C Tenten nama'y magiting na nilalaban ang tawag ng fafa-ble na binata, sa ngalan ng mga kababaihang mana kay Gabriela Silang. Saan hahantong ang mga pangyayaring ire?

Babala: not por da pipol who dislike mush. Tadtad ito ng ganun ngaung chap eh…meron c syao-chan eh, malas nyo (tsk tsk)

Mabilisan lang: mejo wala sa panahon yung mga na-mention dito kc this was written way back 2004. (Eh ngaun lng nagka-Tagalog category eh hehehe). Kuya Sheo, (magalang ako eh hehehe) prologue lng ang nabasa ko kagabi kc nag-brown out. Mayang gabi na lang ule ha? Ulet, salamat sa mga umaantabay sa Chicharon, with special mention dun sa reader na nanood pa ng Full House. Antabayanan mo c Luigi dun, cutie yun, kahit na nde sang-ayon ang kasambahay ko na maka-Justin.

…………………………..

"Tagal naman. Asar." Neji got up and paced the living room back and forth nervously. Daig pa nya ang nasalisihan ni Santa Claus ng sampung pasko, ito ang naisip ni Tenten habang pinanonood ang binatang sinisira ang antique na marble tiles sa pamamagitan ng excessive unnecessary alay-lakad.

"Neji, maupo ka kaya muna? Baka ma-high blood ka, ikaw rin. Marami nang puhunan ang sakit na yun sa iyo," paalala nya.

He frowned. "Papatayin din naman ako ng chicharon mo sooner or later." He looked at the clock. "Asan na ba yung babaeng Friendster? Sabi nang alas-siyete ang usapan eh! Tingnan mo! 7:08 na, ala pa!"

"Fi-an-cee. Pag-aralan mo nga tawagin nang tama yung fiancee mo. Hala ka, pag nadulas ka sa harap ni Uncle mo, patay ka at ang mga balls mo." She rolled her eyes at that. "Tsaka irog, anong akala mo sa orasan ng lahat ng tao synchronized nang militar? Pasalamat ka nga at may pumatol pa sa advertisement ko eh."

"Eh panong wala, eh dun sa mga pocketbooks ni Hinata, laging may magandang nangyayari sa mga bidang babae pag pumapatol sa mga ganitong klase ng kasunduan. Yung isa ko pa ngang nabasa, nagpa-advertise ng asawa, sa front page ng broadsheet! Halatang disguised na obituaryo lang tuloy yung mga ads," ani Neji, naupo na rin sa wakas. "Mga ganung kwento ang nagtutulak sa mga babae na gumawa ng mga kahibangan, tulad ng pagsagot ng ad mo sa internet."

Tenten had to smile. "Eh Neji, pocketbooks kc yun. Alang magrereklamong mga feminists, kasi patay na ang mga yun sa lipunan na ginagalawan ng mga nobelang yun. Nagbabasa ka nang ganun para kiligin." She grinned some more. "Tsaka bakit ba ka-reklamo mo eh nde ka ba kinilig dun sa nabasa mo?"

"Kinilig pero—" Natigilan si Neji, tapos napasimangot nang napagtanto ang nasabi. Napabunghalit naman ng tawa si Tenten.

"Sori, nabo-bore ako nun! Pinagtripan ko yung pocketbooks, ala ako magawa!" yelled the Hyuuga, ngunit lalo lang natawa ang dalaga. Sa bandang huli, he chose to look away, feigning exasperation kahit na ang gusto nyang gawin ngayung-ngayon ay ipunin lahat ng mga tinamaan ng magaling na mga pocketbooks na yun at itapon sa karagatang Pasipiko. Natuwa pa yung mga pating; may babasahin na sila pag alang Hollywood director na kumukuha ng pictorial nila.

When suddenly, a scene returned to his mind. Napangiti siya, sabay lingon sa tumatawa pa ring babae. "Napansin ko nga pla…dun sa mga binabasa ko, the guy always kisses the girl pag galit ang girl. How come he never does that when the girl is laughing?"

Unti-unti ay natahimik si Tenten. Heavy silence hung in the living room.

"O, napano ka?" he asked, the mocking smile still poised in his lips.

"P-Paano kaya, nang-aakit ka." Tenten tried to inch backwards but his hands were quick to hold her back. She gulped inwardly. "K-Kita mo? Neji, ikaw talaga! Alam ba ito ng angkan mo? Alam ba nilang ang landi mo? Mapanukso ka!"

"Hmm?" He was thoroughly enjoying this.

"N-Neji naman oh…N-Neji, oi…alang…alang…" She watched his face draw closer and closer, sending her heart in a ferris wheel ride. "Alang…ganyanan…" Napapikit na cya sa kawalan ng magawa. Anong salamangkang itim ba meron ang lalaking ito bukod sa pagiging magandang lalaking nito na nagkataong binasbasan ng bukal nang virility?

She opened her eyes and nearly gasped. There was something in his eyes—pero hindi ito ang pamilyar na nang-iinis na titig nito. There was uncertainity in those almost colorless orbs, and yes, even fascination.

He was fascinated with her. Muntik na tuloy siyang hinimatay dun.

"Um…nde ata ako kailangan dito…"

The stranger's voice made them jump aparty quickly. She turned her eyes to the door and saw Yamanaka Ino gazing at them with some amusement. Sa likod nito ay may naghihikab na lalaking mejo pamilyar…

"I-Ikaw yung napagtanungan ko kung saan makikita si Hyuuga Neji, hindi ba?" she suddenly shouted, sabay turo sa lalaki.

Ino turned to her companion. "Kilala mo cya, Shika?"

He shrugged. "In a manner of speaking, oo." He looked measuringly at the pallid-eyed man beside her, tapos ay nagkibit-balikat. "Nakita mo na pala si Hyuuga Neji ay hindi mo man lang binalikan ako para dun sa bilao ko ng chicharon."

Neji looked at her incredulously. "Ibig mong sabihin, may ibang nilalang ka pang pinapatay sa chicharon mo?" He almost sounded hurt, pero almost lang. He was Hyuuga Neji after all. Ala itong abilidad na ma-offend ng kahit ano, save for his kissing ability.

"Tange!" Tenten rolled her eyes. "Ala pa akong nakukuhang baboy eh. Anong gusto mong gawin kong chicharon, yung mga tinda kong gulay?"

Ino cleared her throat. "Um…Miss Tenten, gusto ko lang malaman ang isang bagay: kailangan mo pa ba ang presensya ko dito o hindi?"

"Nde!" si Neji.

"Oo!" si Tenten.

Nagkatinginan clang tatlo. Si Shikamaru ay nakatingin sa kanyang mga kuko.

Neji cleared his throat. "Ang ibig kong sabihin…nde mo kailangang itanong yan. Kaya nga ako nagpalagay ng ad eh."

Ino blinked. "Sure?" She was quietly referring to the scene na naabutan nya.

Tenten was quick to explain. "A-Ah yung tungkol sa kanina…w-wala yuuun! K-Kasi hobby namin ni Neji ang mag-contest ng titigan! K-Kung sino ang unang kukurap, um…pipitikin. Oo! Pipitikin nang masakit na MASAKIT!"

The blonde slowly nodded, mejo naiilang na natatawa. "O-Okay…"

"Tena sa loob! Nagluto ako ng espesyal na putahe para sa inyo!" said the brown-haired girl, nagpatiuna na sa dining room. "Pritong fish!"

"Hanep," nasabi na lang ni Shika, napa-iling.


"Okay, from the top…" Tenten looked down at her notepad, and then back at the expectant Ino and silent Neji. Si Shikamaru ay nakahiga sa sofa, feeling at home na at home. "Ino, saan kau nagkita ni Neji?"

"Habang papunta akong simbahan para umattend ng kasal ni Hinata," dutifully answered the blonde. "Muntik na nya akong nasagasaan."

"Pagkatapos?" asked the girl.

"Siya ang nakasalo ng bouquet…" Napailing si Shikamaru sa bandang likuran.

Ino sighed. "Wag nyo na lng cya pansinin. Pinilit lang ni Papa na sumama yan sa akin para bantayan ako sa mga lakad ko."

Shika opened one eye. "Ayaw lang nya na maligaw ka ng landas—Uchiha Sasuke-specific na landas."

"Uchiha Sasuke?" Namilog ang mga mata ng dalagang chicharon vendor. "Wooow, asteeeeg! Di ba yun ang nanalo ng Mr. Konoha, tsaka StarTruck grand winner?"

Ino grinned. "OO! Wala nang iba! Ang pogi-pogi nya nooo?"

The males in the room groaned at the same time.

"May hitsura…" Tenten shrugged. "Pogi na tipong habulin ng mga bading…"

Neji coughed. "Ano nangyari pagkatapos kong masalo ang bouquet?" Madilim ang mukha nito, tanda ng displeasure nito sa biglaang shift ng topic.

Ino had no more chance to give a retort to Tenten's statement. "Well, ako ang nagsuot ng garter sa iyo kc alang nagvovolunteer."

Tenten played with her pen, trying to ignore her pounding heartbeat. Ewan ba nya kay Neji at ito pa ang naisip na sitwasyon para sa kunwa-kunwarian nila. Ayon kasi dito ay mas madaling matandaan ang talagang naganap kaysa mga tinahing sitwasyon.

Pero bakit pa itong sitwasyon nila sa lahat ng pwedeng mabanggit?

"Tapos hinatid mo ako pauwi. Ngunit nasunog ang bahay ko pag-uwi. Homeless na ako, so inalok mo ko ng tirahan."

Habang patagal nang patagal ay mas lumalakas ang kabog ng puso ng dalaga. Nde nya pa rin mawari kung ano ang nasa isip ng binata sa pag-concoct sa sitwasyong ganito, pero naiinis siya sa traitorous reaction ng kaloob-looban nya.

Bakit nya ginagamit ang kwento namin?

"…Kaya habang ala pa akong makukuhang sariling bahay, pinadito mo na lang ako!" Ino ended cheerfully. "Nakuha ko ba, Tenten?" Her forehead creased nang makita na nasa malayo nakatanaw ang kunoichi. "Tenten?"

Dun nagising ang dalaga. She forced a smile kahit alam nyang ngiting-Akamaru ang lumitaw sa mukha nya. "O-Oo." Tumayo cya at tumalikod na, stretching. "T-Teka…dun muna ako sa harap ng TV…"

"Tapos na yung Twin Sisters, di ba?" tanong ni Neji.

"O-Oo…p-pero m-may bago naman akong sinusubaybayan…Snow Angel." She didn't dare turn their way, especially at Neji. She was just to afraid to give him even a glimpse of how much it affected her that he didn't think she was good enough to play the role of his fiancee….kahit na sa laro lang. "S-Sige…"

She heard Neji call her name, pero nde nya pinansin. Nakakainis kasi ang mga mata nya eh…namamasa na eh.

…………………………..

Mga isang oras at kalahati ang nakalipas ay biglang bumukas ang lock ng kuwarto ni Tenten. Dahil ang atensyon nya ay nakapako sa pinanonood nya, isang simpleng "Pasok!" na lang ang sinabi nya. Baka si Hinata lang, dinalhan cya ng miryenda. Ubod kc ng thoughtful ng misis ni Uzumaki Naruto.

Pero ang pinsan ng misis ni Uzumaki Naruto ang umupo sa tabi nya, tahimik.

She tried to ignore him—maganda na ang laban ng swordie na matapang at ng Dopel—pero mukhang mahihirapan cya. His silence was pressuring her to speak up.

And speak up she did. "Yan si Roan. Ang galing nya! Pinatay nya yung CT Manager."

"Nice," he said. "Anong jutsu nya?"

"Wala namang espesyal. May magnum break siya, pero nde ko pa nakita ang Bash or Provoke nya."

"Ah." Animo nama'y alam ng binata kung ano ang Bash o Provoke. Nanahimik muli sila.

Nag-commercial, at oras na para makita naman nya ang minamahal nyang si Kogure. At dahil ang remote ay nasa kabilang side ni Neji, wala na cyang choice kundi lingunin ito. "Paabot nung remote control."

He shrugged, and then handed the device to her. She took it, but as she was about to withdraw her hand, his finger pressed on the power button. The screen went black. With that, he threw the remote towards the door.

"N-Neji, wala ka talagang manners and right conduct!" She looked at the distance between her bed and the control. Malayo. Nakakatamad tumayo.

Pero kesa manatili sa isang lugar na vulnerable cya sa binata, magpapakasipag na lang siya.

She was about to get up when he spoke up.

"Tenten, stay still."

She didn't know why, but the soft words commanded her whole body to submit to him.

"Isang oras mahigit na kaming nagrerehearse ni Ino ng gagawin," he began.

"O-O kamusta yung training?" She looked at the clock. Tapos na ang commercial nyan. Baka sinagasaan na ng Nightmare sina Takius. She secretly wished that the acolyte would just die. Kaso nga lang sadyang in love ang creator ng series nito sa kanya, at laging nakasaklolo ang swordie Roan na strangely ay kaboses ng asawa ng pinsan ng nakaupo sa tabi nya.

"Nde ako makapag-concentrate."

"Ket?" she asked, eyes on the screen. Sana awtomatikong bumukas yung TV at ilipat nito ang sarili sa pinanonood nya. Kaso baka naman ang lumabas ay tubig mula sa balon. She shook her head, nangingilabot.

"Nde mo ba narinig ang sinabi ko?" Neji yelled suddenly.

"H-Ha?" She looked up, napupuno ng "Seven days…" ang kanyang isip. Bkit kc nagpaka-tapang tapang pa cya at pinanood sa sine nang mag-isa yung pelikulang yun eh. Japanese version pa naman ang nakita nya.

"I said, I…forget it." He got up, mukhang nabuwiset sa kawalan nya ng atensyon dito. He reached for the TV and pressed it on. Nakalabas na ng Geffen Tower ang mga bida.

Neji was about to head for the door when she got up and turned the TV off. Wala na rin naman eh, tapos na palabas. Nunca nyang panoorin si Hero at Sandara na kumakanta ng We Are the Stars.

"Neji, sige na, makikinig na ako. Ano ba yun?" she asked, following him towards the hallway.

"Nde na. Salamat na lang. Ayoko na."

"Neji…"

"Lubayan mo na ako."

"Napakamaramdamin mo naman."

"Sabi nang iwanan mo na ako eh!" he barked.

She blinked, and then turned away, shrugging.

Nahimasmasan naman ang binata. "Tenten…"

She turned to him warily. "Ano yun?"

"Nde ko magawa ang rehearsal namin ni Ino nang mabuti. Something is holding me back," he confessed at last.

She frowned. "Bakla ka?"

He groaned. "No, syempre hinde."

"Naninigurado lang." Kung nagkataon, sabay silang magdadalamhati nung sekyu ng subdivision na ito.

"I can't stop thinking about you."

The words made her whole world stop its revolution. She slowly turned back to him, heart pounding again.

Her gaze was met by his own sincere and frustrated one.

"K-Kung iniisip mo na kinulam kita, h-hindi yun…"

"May solusyon ako," he said quickly. "Baka sakali, matapos na ito."

"Let's hear it." She hugged herself. Nde katulad nang takot nya kay Sadako kanina, ngayon naman ay anticipation at excitement na ang nananalaytay sa kanya.

"I want to kiss you…again." His voice was firm and steady, but there was a surge of urgency in it too. "Baka sakali…pag nasatisfy na ang curiosity ko, bumalik na ako sa normal."

Unti-unti ay pinanumbalikan na siya ng sense of reality. "A-Ano ako, disease? Temporary obstacle to the normal functioning of your system, ganun?"

"Wala akong sinasabing ganyan."

"Ganun din yun!" she snapped, eyes crinkling in anger. "Pampagulo ba ako sa buhay mo, ganun ba yun?"

Ngaun ay malinaw na ang frustration sa mukha nito. "Stop putting words into my mouth!"

"Because you can't be man enough to tell me the truth!" She whirled around, but he, as usual, had anticipated her move. His hand roughly grabbed her waist and pulled her towards him.

"OK, gusto mo ng katotohanan?" Naniningkit na rin mga mata nito. "Naiinis ako sa sarili ko na hinalikan pa kita. Mula noon, hanggang ngayon, nde ko makalimutan iyon!"

"Dahil para kang dikya kung manghalik, at natapakan ang ego mo, ganun?" she hissed. "Aba eh, masama ka palang tapatin ng katotohanan no? Nagkakasakit ka pag sinasabihan ng totoo!"

"You're lying," he said through gritted teeth. "I can see it in your eyes every time. You want my kiss. You ache for it, damn it!"

"Ang kapal mo!" Parang gusto nang sumabog nang dibdib nya sa sama ng loob. Ganun ba tlaga cya? Gusto nga rin ba talaga nya ang lalaking ito?

"Tenten…" She nearly jumped when she felt the gentleness that replaced his voice, and the feathery touch of his fingertips on her cheeks. His husky voice was murmuring softly. "Sorry…so sorry…I didn't…I didn't mean to…"

"H-Ha?" Nadala yata siya sa English ng binatang ito at nakalimutan na nya ang sitwasyon nila.

"H-Hindi ko…sinasadya…" His eyes were troubled, that was for sure. Iilang beses ba nyang nakitang nagpalit ng emosyon ang mga mata nito? Tawa at inis lang ang alam nyang kakayahan nito. Apparently, she was wrong, He could look so soulful when he was looking like this.

"I-Iyak?" She absent-mindedly touched her cheeks, and yes, indeed she was crying. "H-Ha…ahahaha…b-bakit ako iiyak? N-Napuwing lang ako…ikaw ba naman eh iiyakan ko? Irog kita eh." But she sniffled. This was followed by streams of incoherent words of her stupid, stupid heart. Mostly his name, and profanities in between.

And he only hugged her more, whispering apologies. There and then she knew he was lovable…very, very lovable. He was, in fact, capable of making her fall in love with a mere snap of his finger.

Which he already did.

And God, ang tanga-tanga talaga nya. Wala cyang pinagkaiba sa mga babae sa pocketbooks at telenovelas na pinagtatawanan nya noon. She was downright pathetic.

And she wasn't sure if she would still have the guts to look at him in the eye ever again.

"Tenten?" She nearly punched him for breaking the silence, pero ala na cyang magagawa. She rubbed her eyes and forced a cheerful smile.

"S-Sige, balik na ako sa loob. Manonood ako ng 24 Oras…baka andun si Carlo Lorenzo."

"Teka…"

"Pakisabi na lang kay Hinata, cya na magluto muna ha? Itutuloy ko na ang nood ko hanggang I-Witness eh." Yun lang at walang lingon-lingon na cyang umalis.

Never look back. Ayaw na nyang mauntog uli.


Hehe, heavy drama at mush ne? Sencya naaa! - Nwei, abang-abang na lang sa nalalapit na katapusan ng Chicharon! Ilang servings na lang po

itutuloy…