Ang nakaraan sa Chicharong Flower…

Napagtanto na sa wakas ni Tenten ang katotohanang hindi makita-kita ng salamangkerang naka-piring: iniibig na nga nya ang kanya sanang uutangan lamang ng chicharon. Ngunit dahil isa itong telenobela, natural nde magiging madali ito para sa kanya. Kailangan nya munang umani ng sangkaterbang kamalasan, mamatayan ng kapamilyang kapuso, matuklasan na cya ay ampon lamang at isa plang heredera, ma-kidnap, madala sa ospital taglay ang amnesia, magka-loveteam ng iba na kanyang pangangakuan ng kasal pero syempre nde nman matutupad dahil may tunay syang irog, at not to mention na luluha muna cya ng ilog.

Pero dahil nde naman kc cya sa heredera talaga at magulang nga nya sa dugo at DNA tests si Ginoo at Ginang Sarapen, bale ibang klaseng problema ang haharapin ng ating dalagang maglalako.

Ang pagdatal ni G. Hyuuga, at ang pagpapatibay sa planong kasal-kasalan ni Bb. Yamanaka at ni G.Neji.

OK, tara let's na sa kwento!

………………………………………………………

"Teka…" Napatigil si Neji nang kanyang matanawan ang isang plato ng Lucky Me Pansit Canton sa mesa, nakahain. Parang tatawid sa kalsada ang binata sa pagtingin-tingin sa paligid, hinahanap ang kanyang pinsang si Hinata. Imposible namang yung isang kasambahay nya ang nagluto ng instant canton nang walang sabaw…

Tenten entered the room, holding a platter of rice. "Neji kong nag-iisang guwapong Orc sa mundo, kain na." She placed the rice down. "Oi, sabi ko, mangan ta na."

"I-Ikaw…ang nagluto nyan?" Parang doubting Thomas pa ang binata—sanay cyang sa chicharon, pritong fish, at balut lang umiikot ang mga ulam na likha ng mga kamay ng dalaga.

"Wag mo namang maliitin ang talents ko," she said, her hands on her hips. "Ngayon kc ay D-day para sa iyo, as in Dedz. Baka sabihin mo naman na nde kta sinusuportahan. Pagbutihin nyo ni Miss Ino, kung hindi, pipilitin ka ng uncle mo na gumawa ng censored-censored sa kanyang sariling babae."

"Don't remind me." Kumuha na ng tinidor at kutsara ang binata, saka naupo. Kinuha ang mainit-init pang plato ng canton saka ininspeksyon ito para sa sunog o kaya kulang sa luto na bahagi.

"Neji, ngayon ka lang ba nakakita ng noodles sa tanang buhay mo?" she snapped.

Tumikim ang binata, pagkuwa'y nanlalim ang gitla sa noo. Kumagat uli, ngumuya, pagkuwa'y napabuntunghininga. "Sabi ko na nga ba…."

Nagtatakang tumitig ang dalaga dito.

"Ni nde mo nilagyan ng seasonings eh." Dali-daling inabot ng binata ang toyo sa tabi, saka nilagyan ang canton.

"Sorry, taong cute lang, nagkakamali." She rolled her eyes. "Malay ko bang magluto ng canton? Nde naman ako nabubuhay sa canton."

"May instructions nman eh…sa pakete."

"Sinira ko na eh."

"Lahat?"

"Oo!"
He groaned. "Asar…" Binudburan naman nito sunod nang kaunting mantika ang canton.

She winced, and then sighed. "Fine, fine. Idadagdag ko na sa cooking lessons ko ang paggawa ng instant pancit canton na babago sa respeto mo sa akin bilang babae."

"Fine, fine." Pinagpatuloy na nito ang marahang pagsubo sa pagkain.

She seized the chance para magnakaw ng tingin dito. Simula ng kanyang outburst ay wala nang binanggit si Neji na kahit ano tungkol sa nangyari. Parang…wala lang. Nde naman nya mabanggit dito ang paksa dhil baka naman maliit na bagay lang yun para dito.

Pero sa kanya, sa kamalasang taglay, ay hindi. Akala nya, first love na nya si Andres Bonifacio—nde pla. Mabugnot man ang kanilang fanatical na History teacher na humubog sa pananampalataya niya sa kagalingan ni Andy Boni, nde magawa nang Katipunerong ito na mapalukso sa kanyang lalamunan ang kanyang puso tuwing nagpaparamdam ang romantic tension sa pagitan nila ni Neji.

So one thing is settled: unrequited love ito. Solo flight ang feelings nya. Ang daya ng buhay. Buti pa ang mga alaga ni Noah, may sweetums sa 40 days nilang cruise. Eh cya, ang cute at ang bait nya, bakit nde magkaroon ng love life? Kelangan ba nyang mag-antay uling gawing swimming pool ang planeta bago nya mahanap ang kanyang ligaya?

She sighed. Pero…napapasaya naman cya ni Neji. Sobra. Kahit noong una, daig pa ang may menopause kung singhalan cya, she couldn't deny na yun ang mas nagbigay sa kanya ng determinasyong makalapit ang binata. At feeling nya, nagbunga kahit papaano ang kanyang ipinaglalabang adhikain—na maaari ding matunaw ang Antartica kahit paunti-unti.

May sense of humor na nga ito kahit papaano eh. Kala nya, ultimate achievement na nyang napatawa nya ang aso nung kapitbahay nya. Mas mahirap si Neji, pero ibang klaseng triumph ang nadama nya nang kanyang nakitang sumilay ang tunay na nngiti sa face ng binata for the first time ever. Daig pa nya ang nanalo sa sweepstakes kahit na hindi pa cya nanalo kahit kelan.

Pero dahil sa dami ng naprosesong mga bagay-bagay sa isip nya, kanyang nakalimutan na supposed to be, nakaw na sulyap lang ang gagawin nya.

Subalit huli na—nakatitig na rin sa kanya si Neji.

She blinked, and then smiled. Naks, kamukha na naman nya si Akamaru, feeling nya.

"O bakit?" he asked.

"Ang ganda ko kc," she replied.

"Pano mo nasabi, nakatingin ka sa akin?"

"N-Nakatingin ba ako sa iyo?" She forced a careless laugh. "Natigilan lang kc ako. Naghihinagpis ako para sa mga nde kcng-adorable ko…tulad mo."

"Talaga lng?" He pushed his plate away. Simot ang canton, in fairness. "But you adore me so much."

"Pano mo nasabi, eh nde naman ikaw ang nasa likod ng Madonna and Child paintings, no. Bakit kita I-aadore?"

The corner of his mouth twitched. "You tell me."

She leaned on the kitchen cupboard. "Neji, Neji. Nangako ako sa sarili kong nde kta aawayin ngayon, kaya tatahimik na ako."

"Break it then."

"'Yoko nga. Anong thrill manira ng pangako kung ini-eencourage ako?" she asked, smiling impishly. "Akin na nga plato mo. Nahihiya ka pang humingi ng isang serving pa eh, halata namang gutom ka pa."

He laughed quietly. "Yes, gutom nga lang siguro ako."

"Kung nauuhaw ka, yung sabaw na lang ng canton—"

"Nde, cge, salamat na lang."

She entered the kitchen, holding Neji's plate, nang kanyang narinig na may pumasok. Sa pag-aakalang sina Hinata at Naruto na yun na naaatasang sunduin si Hiashi, lumabas cya agad-agad.

And then her face fell. Ino was standing by the doorway, mukhang diyosa ng kagandahang bumaba mula sa alapaap para magsabog ng karikitan sa daigdig.

Without meaning to, her eyes fell on her own outfit na mejo madusing na rin. Lalo tuloy cyang nanlumo—cya naman, mukhang alalay ng bathala ng underworld, sanhi na rin sa pagkababad nya sa kusina, pinipilit makuha ang timpla ng tsaa ni Neji na tulad ng ginagawa ni Hinata. Ilang oras nga rin siya doon, at naka-ilang daan na rin cyang nauubos na dahon pero nde pa rin nya makuha ang timpla tlaga.

Saka lang nya naaalala ang brand ng instant tea na nasa ref iniwan ni Hinata kaninang umaga. Kaya tuloy, pansit canton lang ang naihanda nya para kay Neji.

"Hi!" she greeted, beaming. Lalo tuloy cyang nanliit: pwede nang tropeo sa dental clinic ang mga ngiti nito.

May isa pang pumasok sa pintuan. Cyempre, ang dakilang alalay ng dalaga, si Nara Shikamaru.

Ino pointed to the bag that her alalay was carrying. "May dala akong breakfast para sa iyo, Neji. Sabi mo kahapon, paborito mo ang crispy banana rolls."

"Nagluto siya ng turon," explained Shika grumpily.

"Salamat." He nodded, and then got up to pull out a seat for Ino. "Kumain ka muna ng agahan. Maya-maya lang, darating na ang Uncle ko from Brunei."

"Anong ginagawa nya sa Brunei?" asked the blonde, eyes wide.

"Frustrated entertainer," ani Neji, shrugging.

Si Tenten naman ay dali-daling kinuha ang mga turon kay Shikamaru. "Ayos! May agahan na tau! Tamang-tama, kc nde pa ako nakapagluto."

The Hyuuga's forehead creased. "Akala ko ba may canton—"

"Akala ko rin, pero napagtanto ko na ang aking kamalian," she quipped, pagkuwa'y bumalik na sa kusina. Mejo makirot ang dibdib nya kahit alam nyang ala cyang family history ng coronary thrombosis, pero of course, alang kinalaman ito kay Neji, Ino, at sa mga sirkumstancya.

Syempre, wala.

At syempre alang kinalaman ito sa gutay-gutay na turong inihandog nya sa hapag-kainan maya-maya.

…………………………………

Ilang oras ang nakalipas ay bumusina na ang kalesang pag-aari ng pamilyang Hyuuga. Napalundag ang lahat, lalo na ng may mga nagmamadali nang mga footsteps na patungo na sa living room.

Naghihintay na sina Neji sa loob, samantalang si Tenten ay nasa may kusinang karatig lang ng living room, nag-iinit ng tubig para sa Nescafe Ice nya. Kahit ano pa ang sabihin ng commercial, ang kape ay dapat pa rin mainit, or else, uminom ka na lang sana ng Chocolait.

Pero napasilip cya sa loob nang bumukas na ang pinto at pumailanlang na ang isang dumadagundong boses na mala-dubber ang dating.

"Neji! My one and only nephew in the whole country of this world we live in!" Masayang bati ni Hyuuga Hiashi. Kasunod nito ang mag-asawa, may dalang mga Duty-Free bags at mga balikbayan boxes and packages.

"Hello, Uncle Hyuuga-sama," magalang na bati ng binata, making Tenten pause dreamily. Mr. Suave-ish din pala ang lalaking ito kung nanaiisin nito. "I trust that your trip home had been free of hassles."

Hiashi laughed. "Op kors! It was freedom!"

Tenten's face darkened. Nde nya alam kung c Naruto ang nahawa dito o vice versa; basta parang xerox copy talaga nito ang son-in-law.

"So…is this your beautiful wife?" His eyes turned to Tenten, na nakatago sa may potted plant. She blinked, tapos napatayo, blushing.

"Not my wife," corrected Neji. "But she can be very beautiful, Uncle."

Malay ba nya kung palabok lng ni Neji yun, pero sutil ang puso nya't kinilig agad.

"So if she's not your wife, then she's your husband?"

"Nde po, Uncle." He gestured to Ino.

"So she is your husband?" turo nito kay Ino, prompting Shika to snicker. After shooting a death glare at her dakilang alalay, Ino quickly began to use her charms.

"Ako po si Yamanaka Ino, ang nakatakdang pakakasalan ng pamangkin nyo po." At nagsimula na itong magkuwento nang tungkol sa sarili. Matamang nakinig ang matanda, habang si Tenten nama'y unti-unting bumalik sa kusina.

"Hold up!" sigaw bigla ng matanda, startling all of them. "Hold everything for one madapaking moment plis!" He turned to the chicharon vendor. "Bkit ka naman lalayo, hija? Ikaw ang susunod na magkukuwento ng buhay mo. Tell us the story of your existence, and how you came to be in this cruel world we live in."

She stammered. "P-Pareho din po ng sa anak nyo. Napagkamalang lalaki ng nanay ko ang tatay ko, at napagkamalang lalaki ng tatay ko ang nanay ko. Pagkakamali po ako. I-I mean, baka nde tulad ng kay Hinata pero…kwan…nde po ako produkto ng in vitro fertilization. T-That's how I came to be po."

"No. I understand your origins. But tell me what happened after you came to be."

"P-Po?" Napakunot-noo si Tenten. Bakit cya ang nasa hot seat eh nde nman cya ang fiancee sa kwento? "N-Nagpapakulo pa po ako ng tubig."

"The water will boil without you, young lady," ani Hiashi.

"And the kitchen will burn down without me po," she replied, sweatdropping.

"O cge, samahan na kita sa loob." Hiashi got up and went to the kitchen, at napasunod na lang c Tenten.

Napatayo si Ino, shocked to the core. "Ano ba yan! Ini-snub ang beauty ko!"

Neji got up too, but he wasn't troubled dahil mukhang nde ito naniwala na fiancee nga nya si Ino. Mas malaki ang problema nya ngayon—baka pinagnanasaan ng kanyang uncle si Tenten!

He clenched his fists. Ah nde. Mangyari na ang mangyari. Bumagsak man ang bagong kapayapaang namuo sa pagitan ng Branch at Main family ay wala na cyang pakialam.

"Subukan nya lang kantiin ni daliri ng babaeng yun…" His eyes blazed as he proceeded to go to the kitchen as well. "Makikita nya…"

Naruto patted him. "Calm down, bro-in-law! Listen to us first before you make your mistakes."

Hinata quickly intervened nang makita na ala sa mood ang pinsan para sa magiting na Ingles ng asawa. "K-Kuya Neji, ganito po yun…ideya ito ni Naruto…at…" She began to explain to everyone in the room, including the pissed off Ino and snickering Shika, the details of Naruto's idea. In the end, madilim ang mukha ni Neji, nakatawa sina Shika at Ino, at naka-smile ng konti si Hinata. Si Naruto ay nag thumbs up.

"Trust me, Bro-in-law. Trust never breaks, tanungin mo pa si Hinata…"

"Manahimik ka!" he snapped.

………………………………………………………

"Gimme a cup of your concoction too, young lady," ani Hiashi, animo royalty na nakaupo sa kitchen table.

She obliged. After giving him his own cup, naupo na cya at tumingin sa inumin, wondering what was in the mind of the man.

"Tenten is your name, am I correct?" asked Hiashi. Nde pa cya nakasagot ay nagpatuloy na ito. "Your name was brought up several times by my daughter. Usually I do not care, but I'm not usual anymore."

She blinked.

"So I'm unusual, so I care already. Neji is unusual too."

Yung huli lang ang naintindihan nya nang mabuti. Neji IS unusual. One in a millionth of a million. He was THAT special.

"I know that he may be unhappy, so the idea of him having a baby struck me."

"P-Po?" Na-struck din siya.

"I mean, that he has his own family…children to take care of him." He sipped his iced coffee na mainit, tapos ngumiti. "But let me tell you that I was not fooled by my nephew."

"A-Ano po ang ibig nyong sabihin?" she asked, kinabahan.

"I know he was telling the whole truth when he said he met someone special, but he lied. Mejo." He grinned and cocked his head towards the living room. "The woman he introduced was not the one he really met."

"H-Ha?" anas nya.

"I would not have noticed, but when I asked him about you, the amount of gentleness in his voice did it. I realized that it was you all along." Hiashi smiled. "He said he found you beautiful. The eyes of my clan can see through anything, pero nde kami bastos. Anyway, the tongue of our clan is used solely for truth, except pag honeymoon…"

She sweatdropped. Mejo manyak-ish in fairness.

"I think you will be good for him."

"P-Pero…"

"Tigil!"

Napalingon ang dalawa sa likuran. Nakatayo doon si Neji, sa likod sina Hinata et al.

Ang binatang Hyuuga ay nakasalubong ang mga kilay. "Sabihin mo na ang buong katotohanan din, Uncle."

"Katotohanan?" The man eyed him. "What katotohanan, my nephew?"

Neji groaned, and then pointed a finger at him. "Na ikaw ay isang IMPOSTOR!"

"Gasp!" ani Tenten, pero mukhang cya lang ang nagulat. Teka, wait a madapaking minute. Anong nagaganap na kababalaghan dito?

Anong katotohanan ang tinatago ng matandang inakusahang impostor? At bakit cya tinawag na impostor? Higit sa lahat, magsusuot na rin ba c Krystala ng damit na mala-Darna para cya maging cool?

Itutuloy…