May pagka-ikli ang chapter na 2...Di kasi inspired ng kanta.Inspired kasi 'to ng quote na "If you realize that I'm not the one you love, andhe's the one who will love you more than I do, don't worry, I'd wait and if you ever come back, I'll just say, 'Huwag kang magalala, mahal na mahal pa rin kita...'"


Chapter 2
Hihintayin pa ba kita?
-Sa-chan

'…Isang araw, maraming taon na ang lumipas pagkatapos magpakasal ni Maria kay Pedro, nakatayo si Don Juan sa balkonahe ng kanyang mansyon. Milyunaryo na siya ngayon. At wala pa ring asawa. Minsan nga e napagbintangan siyang isang bakla. Pero hindi niya pinansin yon. Marami nang bagay na kinailangan niyang isara ang kanyang pandinig. At dahil don, malayo na ang kanyang narrating mula sa isang magsasaka hanggang sa isang executive. Pero parang may kulang pa rin…

Palubog na ang araw…at tuwing lulubog ang araw, sa hindi maipaliwanag na rason, ay naiisip niya si Maria. At, sabihin niyo nang baliw siya, pero kahit papano, hinihintay niyang bumalik sa kanya si Maria. Napatingin siya sapalubog na araw. At may nakita siyang kakaiba. Dali-dali siyang lumabas at sinalubong ang isang babae.

"M…Maria?"

"Oo, Juan, ako nga…"

Si Maria nga. Tumanda na rin siya. Nakikita na ito sa mga linya sa kanyang mukha. Pero kahit medyo mahina na ang tinig niya, yun par in ang boses na naaalala ni Juan. At ang isang bagay na napansin niya agad, ay kahit anong ibato g panahon kay Maria, ang ganda ganda par in niya.

May bahid ng kalungkutan ang boses ng babae. Ngunit hindi iyon napansin ni Juan. MAsyadong maraming emosyon ang gustong magpumiglas. Gusto niyang magalit. Pero hindi niya magawa. At nang hindi siya nagsalita muli, saka nagsalita si Maria.

"Juan…alam kong nagkamali ako…at matatanggap ko rin na ayaw mo na kong makita---"

Pero bigla siyang niyakap ni Juan. Na parang walang nangyari at hindi siya kailanman nagpakasal kay Pedro. Parang bumalik ang mga panahong maligaya sila at malaya. Ang mga araw ng panliligaw at mga matatamis na sandali. Kahit anong galit ni Don Juan, hindi niya ito nilabas dahil nanalo p arin ang kanyang walang-kamatayang pag-ibig kay Maria.

"Huwag kang mag-alala…mahal na mahal pa rin kita…"


"Kalokohan…"

Sinara ni Shika ang Liwayway magazine. Sabay tinapon ito sa bintana. Narinig niyang tinamaan nito si Rock Lee sa ulo.

Wala nanaman si Ino. Pumunta yata sa dorm nila Sakura. Siguro, yayayain itong mag-mall. At kasabay na noon ang pagsilay niya kay Sasuke…

Samantalang siya, eto, inaantay nanaman ang bruha.

Pero teka, bakit nga ba niya tinapon ang Liwayway magazine?

Kasi nagalit siya kay Don Juan. Napakatanga naman nito at inintay pa si Maria pagkatapos ng ano? 10 years? E Diyos ko, baka kung ginaya niya iyon, baka mamuti na ang mata niya't lahat, hindi pa siya binabalikan ni Ino…no offense, mga miyembero ng Hyuuga clan. Idiomatic expression lang iyon.

Ok. Back to the topic.

Ano siya, hilo? E ni hindi pa nga siya pinapansin ni Ino e.

Okay lang naman na kahit isang araw, magkunwari si Ino na mahal niya si Shika. At yun lang. Masyado ba iyong marami para hingiin ?

Hiniling na ni Shika na sana, hindi na lang siya dapat mag-intay.

Kasi dati pa, inaantay na niya palagi si Ino.

…tumira sa chess…pag-uwi sa skwela…matapos kumain…matapos magsagot ng exam…pagpunta sa unibersidad…maligo…kahit pa ba simpleng pagtingin man lang ?

Ayaw na niya. Hindi siya tanga. Bahala na si Ino.

Tumunog ang orasan. Ala-sais na pala.

Magluluto pa siya. Pero wala pa yung magtutuyo.

Naupo muna siya. Narinig niya si Rock Lee na sinusumpang gagayahin niya si Don Juan.

Eto pa ang isang ugok at kalahati. Gagayahin pa siya dati.

Wala rin namang mapapala. Walang mangyayari.

Pero teka lang ha…nakakahalata na ang binatilyo. Si Lee ay may gusto kay Sakura na may gusto kay Sauke. Ganon din naman si Naruto. Pero sa kaso ni Naruto, mas bagay pa sa kanya si Hinata. At siya. May 'nararamdaman kay Ino, na may gusto rin kay Sasuke. Halos lahat ng babae sa Konoha St. ay may gusto kay Uchiha, Sasuke. Wala nang kailangang sabihin. Wala nang isip-isip kung sino ang aatake sa kanya 'pag sinabi niya ito ng malakas.

Kailangan na talagang mamatay si Sasuke.

Ano nga ba ang meron kay Sasuke na wala sa kanya?

Bakit, meron din naman siyang (censored) a. Matalino naman siya. Sabi naman ng nanay niya, guwapo siya. Ano pa ba ang kailangan ni Ino.

Swerte na nga si Ino sa kanya. Meron na siyang all-around katulong. Naglalaba, namamalantsa, nagsasamsam, nagsasampay, nagtitiklop, nagluluto, naghuhugas ng pinggan, nanghuhuli ng lamok, nagwawalis, nagpupunas, nagiimis, nagdidilig, nagbabantay ng bahay…at walang bayad!

E kung si Sasuke pa yon, ay naku, siya pa ang aalilain.

Siguro ganyan talaga si Ino. Kung ano ang meron siya, hindi niya pinapansin. Kung sino naman ang wala siya, yon ang hinahanap.

Di niya talaga maintindihan yang si Ino.

Hindi na rin niya siguro iintindihin.

Ayan na pala yung magtutuyo.

Bumaba siya. Aba, at bibili rin pala si Lee

Magluluto na siya.

May telenovela pa kasi mamaya.

300405
23:20