A big apology to all, this is Tagalog. Oh yeah, correction, should be Tagalog as a language there…nothing to do much but then I think this would be something corny. But to those who are not Filipinos and wished to read on, there are a few notes down there, summary of the chapter so that you would be able to understand as well. I did my best…so please…hope you guys enjoy!

DISCLAIMERS: I DON'T OWN RK AND THIS IS NOT RELATED/BASED WITH THE REAL RK SERIES!

Paano kung…?

Kabanata 1

Isang maaraw na umaga.

Nagising si Kenshin, tumingin sa kanyang paligid at nakita ang minamahal na Kaoru sa kanyang tabi. Masaya na siya, heto na nga ang taong nagbigay sa kanya ng pamilya at heto na nga ang taong nagpaligaya sa kanya.

'Haay! Ang sarap ng tulog ko!…huh!' napaisip nito ng pagtataka. 'Bakit ito na yung sinasabi ko? Bakit ibang lengguahe?'

Tumingin siya kay Kaoru, iniisip niya nya kung gigisingin pa ba niya ito o pababayaan nalang siya. 'De bali, ako nalang ang bahala.' Tugon niya sa sarili. Tumayo siya, seryoso ang kanyang mga mata at isang malaking pagtatataka. Kailan ba siya natuto magsalita ng ganitong lengguahe? Iisa lang naman ang alam niya, ang salitang Hapon. Pero….bakit…pero bakit ganun? Sinubukan niya magsalita ng Hapon pero walang lumabas sa kanyang bibig, pero kakaibang lengguahe nalang ang kanyang nasasabi.

Naisipan niya nalang na lumabas at hanapin ang iba, lalung-lalo na si Sanosuke. Sa kanyang paglabas, naisip nalang niya na wag nalang magsalita at lakarin ang umaga parang mga ordinaryong araw na dinaanan niya dati…noong nagsasalita pa siya ng lengguaheng Hapon.

Naglakad siya, papunta sa kusina para magluto ng almusal. Ganoon nga…parang mga ordinaryong umaga nalang ang kanyang gawin. Habang inaayos na niya ang mga kagamitan, may narinig siyang sigaw ng isang batang lalake. Kung sino man yun, nakapagtataka naman na may sumigaw sa ganitong kaaga. Narinig ni Kenshin ang apak ng paa nito sa sahig, palapit na ng palapit. Sa pintuan ng kusina, nakita niya ang isa niyang kaibigan, si Yahiko.

"Huh?" isip ni Kenshin sa pagkakita ng isang kinakabahan na Yahiko.

Humingal si Yahiko sa kanyang pagpatong ng palad ng kamay sa kanyang mga tuhod. Tumingin ito kay Kenshin, parang hindi niya matanggap ang mga nangyari sa araw na iyon. Sa kanyang pagbangon, may masamang nangyari agad. Huminga ang binata ng malalim at tumingin kay Kenshin.

"Kenshin." Panimula nito, "Hindi mo man ako maiintindihan pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari…iba na ang lengguaheng sinasabi ko."

"Eh kung hindi kita maiintindihan, eh di dapat hindi nalang kita sinagot." Ngiti ni Kenshin, "Ganoon din dito, Yahiko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nangyayari sa atin."

Bago pa makasalita si Yahiko, may humampas sa kanyang likod ng malakas. Napaluhod ang binata sa lakas ng tama sa kaniyang likod. "Walang hiya, sino yun? Ang sakit!" sigaw ni Yahiko, sabay hawak sa kanyang likod. Tumingin siya sa kaniyang likuran at nakita ang isang babae na galit na galit ang kanyang likod.

"Yahiko ang ingay mo-!" nagulat si Kaoru, bakit ganoon ang lumabas sa kaniyang bunganga? Sabay takip siya agad ng kanyang bibig ng tumingin ang dalawa sa kanya.

"Ikaw din?" taka ng dalawa, nakatitig lang sa kanya. Tumingin si Kaoru kay Kenshin sunod kay Yahiko tapos tumakbo kay Kenshin, yayakapin na ito.

"Kenshin, bakit ganito? Iba na ang sinasabi natin?" tanong ni Kaoru. Inalog ni Kenshin ang kanyang ulo, "Hindi ko rin alam ito, Kaoru." Sagot nito, "Nagising lang ako ng ganito ang sinasabi ko."

Dahan-dahan tumayo si Yahiko, tinitiis ang sakit sa kanyang likod. 'Walang hiya ka, Kaoru.' Isip nito, 'Makakaganti din ako baling araw.'

"Kenshin, paano na ito, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Yahiko, sinusubukan niyang maglakad. Napaisip si Kenshin sa tanong ni Yahiko, ano na nga ba ang gagawin nila? "Hmm…sa tingin ko malaman muna natin kung sino pa ba ang nagsasalita ng ganitong lengguahe." Sagot nito, "Baka naman tayo lang ang nagsasalita nito."

"HHmm…maaring sakit." Dagdag ni Yahiko, sabay tingin ng isang madurong tingin kay Kaoru. "Baka naman sa niluto mo Kaoru. Diba ikaw ang nagluto ng hapunan kagabi?"

"Hoy! Ano nanaman ang pinagsasabi mo diyan!" galit na sumigaw si Kaoru, sabay taas ng kanyang manggas at hinabol si Yahiko. Napangiti si Kenshin habang may nalaglag na tulo ng pawis sa kanyang noo. 'Kahit iba na nga ang aming sinasabi, ganito parin ang aming ugali…hehe' isip niya.

hhhaaayy! Salamat! Hindi kasi ako sanay sa pagsusulat ng fanfic na tagalog eh! Hehe…nasanay na ako sa ingles pero kaya pa naman…pasensya na kung maiksi ung kabanata ha, yan lang ang nakaya ng aking utak! Hehe…eto nga pala, para sa hindi nakakaintindi ng tagalog:

Summary:

Story is about Kenshin waking up and then realizes that he was speaking a different language. Along with the Kenshin-gumi! What will Kenshin and the gang do?

A few tagalog words:

hingal – pant

ano (ano here is different ok? This is not Japanese-english fic remember? But I think this will soon be!) Ano here means what.

salamat- thank you

maaga na umaga – early morning

Ang sarap ng tulog ko – I slept very well.

tanong – ask

nakakaintindi or intindi - understand