Hey! This is a tagalog fic…sorry to tell you guys-who-don't-understand-tagalog-or-filpino! Whew! But if you want an English story, then tell me! Hehehe….but if you don't understand tagalog, there's a summary for you guys down there so that you could relate…hehe…anyway
Astig ba? Heheh…ung message asa baba ha! Hehehe….sori kung ngaun lang update…waheng! Hahaha!
DISCLAIMER: MAKAPAL ANG MUKHA NG TAONG NAGSASABI SA KANYA RAW ANG RK KUNG HINDI NAMAN TALAGA SA KANYA!
Kabanata 2
Naglalakad ang tatlo sa labas at nakita maraming taong naglalakad. Iba sa kanila ay hindi masaya at marahil nagtataka kung bakit ganito ang mundo nila.
"Baka naman isang sakit." Bulong ng isa.
"Sira ulo! Eh kung sakit toh, eh di dapat mahina tayo!" sagot ng isa.
Napansin ni Kenshin ang malaking pagtatanong sa kanilang mga mukha…marami din sa kanila at takot. Naglakad ang tatlo patungo kay Megumi, na baka malaman din nila sa sakit ba ito o hindi. Habang naglalakad, nakakapit si Kaoru sa braso ni Kenshin, hindi siya masaya dahil hindi siya sanay na magsalita ng ganito. Pero nakakapagtataka din kung paano nila ito natutunan ng mabilisan eto. Malapit na sila kay Megumi at napansin ang mahabang pila ng mga tao galling sa kanyang klinika. Laking gulat ng tatlo ng makita nila na marami ang umaalis ng galit at umiiyak. Tinignan ni Kenshin ang isang matanda na naka-kapit sa kaniyang asawa, pareho silang may simangot sa kanilang mukha.
"Mukhang maraming pumapasok dito ah." Sabi ni Yahiko. Tumingin lang si Kenshin sa mahabang pila at napansin at pahid ng takot sa kanilang mukha. "Akala nila ito ay isang malubhang sakit." Anya nito. "Hindi nila maiintindihan."
"Pati rin naman tayo eh…marahil din naman lahat." Salita ni Kaoru.
Maya-maya, may narinig ang tatlo isang malakas na hiyaw galling sa malayo. Parang palapit ang taong sumigaw. "Kenshin!" sigaw nito. Ng tumingin si Kenshin, kanyang nakita si Sano, may takot at kaba sa kanyang mukha. Huminto si Sano sa harapan ni Kenshin at kumuha ng hininga bago magsalita. "Kenshin." Umpisa nito, "Bakit ganito tayong lahat?"
"Hindi ko rin alam, Sano." Sagot ni Kenshin, "Hindi ito isang sakit."
"Eh kung hindi ito isang sakit, eh di…ano ito?" tanong ni Yahiko. Napatawa si Kaoru pero tinago niya ito at binatukan si Yahiko. "Hoy bata, hindi rin alam ni Kenshin kung bakit ganito." Sabi nito, "Hindi nga rin natin alam eh…"
Tumingin si Sano sa mahabang pila ng tao na papasok sa klinika ni Megumi. "Grabe, ang daming nagkakaganito din pala." Salita ni Sano. Tumingin siya kay Kenshin para magtanong, "Eh si Megumi?"
"Malamang meron din siya ganito…o ganito din ang kanyang salita." Sagot ni Kaoru. Natahimik ang mga kasama ni Kenshin at tumingin nalang sa mahabang pila ng tao. "Saan kaya eto umabot?" tanong ni Kenshin.
"Hm?" tanong ni Kaoru, tumingin siya kay Kenshin at bumitaw sa kanyang braso. "Baka umabot din ito sa ibang bansa." Sagot ni Kenshin, "Sa tingin mo, Sano?"
"Ha?" tanong ni Sano, "Hindi ko alam, Kenshin. Pero kung umabot to sa ibang bansa, marahil maraming magaayaw…isa na itong gulo…"
"Kung ito ay isang lengguahe, eh di…galing ito sa isang bansa….pero saan?" tanong ni Yahiko. Napatingin ang lahat kay Yahiko at napaisip sa tanong niya. Tama si Yahiko, kung ito ay isang lengguahe, galing ito sa isang bansa. Pero ang problema nila ay sang bansa at gaano kalayo ito? Walang nakaka-alam…(pero alam natin! Haha!)
"Susubukan kong tanungin si Saitoh mamaya." Salita ni Kenshin. "Doon?" tanong ni Sano, "Sa burat na yun?"
"Hehe…Sano kahit may mali siyang ginawa sa ating lahat, baka pwede nya rin tayong matulungan." Sagot ni Kenshin, "Baka naman pati siya nagsasalita ng ganito…malay natin."
"Ano pa gagawin natin?" tanong ni Kaoru. Napatingin si Kenshin kay Kaoru at ngumiti, "Hintayin natin makausap si Megumi." Sagot nito, "Alam ko sarado siya sa hapon ng isang oras."
"Oo nga pala…oras ng hapunan." Sabat ni Yahiko.
Haaayyy! Hindi ko akalain na magkakaganito! Hahaha! Pero astig din? Hehe…oo tama! Agree ako sa isang reader! May mga taong hindi ginagamit ang tagalog! Hehe…sa bagay kasi, hindi pa pwede ung tagalog na story eh…hehe…3 palang ata tau! Pre, add mo naman ako sa friendster! Ehhehe…onti palang friends ko… :p salamat nalang
Summary in english
Kenshin-gumi soon found out that everyone was speaking the same language. Overhearing that it could be some sickness, he walked his way to Megumi and then was shocked by the long line of people there. He met Sano, who was looking for him and then wondered on what country could the language come from.
