Oist! Grabe! Minamadali na ako! Heheh…pasensya na ha! To all that were reading the English summary, there's no summary in this chapter! The end part is English…you will get the story…if you read the summaries on the previous chapter.
This is finished! Thanks for reading!
DISCLAIMER: WALA SA AKING KAMAY ANG RK…HINIHIRAM KO LANG ANG MGA KARAKTER…OK?
Kabanata 3
"Hajime Saitoh." Salita ni Kenshin. Ngumiti ito at pinaupo ang taong nasa harapan niya. Tinitigan nito si Kenshin, maaring may itatanong siyang masamang balita…hindi niya alam. "Saitoh-" salita ni Kenshin, ngunit itinigil ni Saitoh sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kamay. Natahimk ang samurai at tumingin nalang kay Saitoh. "Alam ko na, Himura." Seryoso niya itong sinabi. "Hinahanap ko nga kung sang bansa ito galing eh."
"Tapos?" tanong ng Battousai, ang mga mata niya ay pikat-dilat.
"Wala." Sagot ni Saitoh, "Hindi pa rin alam kung saan bansa ito."
"Sayang." Sinabi ni Kenshin ng tahimik. Tumayo si Kenshin at binaba ang kanyang ulo. Inangat niya ito ulit at tumalikod, naglakad papunta sa pintaun. Bago pa makalabas si Kenshin, tumingin ang kanyang lilang mata sa pulis na naka-upo malapit sa bintana. "Salamat ng Marami, Saitoh." Bati ni Kenshin sabay tingin sa pintuan. Pero bilgang nagsalita ni Saitoh, napahinto si Kenshin sa kanyang paglabas. "Nakakaasar talaga." Salita ni Saitoh, "Nawala tuloy ang hilig ko sa paninigarilyo…sayang lang ang binili kong isang kahon ng sigarlyo kahapon." Tumingin si Kenshin sa kanya ng matagal tapos lumabas, ngumiti sa sinabi ni Saitoh. Habang naglalakad siya palabas, naisip ni Kenshin na magtanong sa mga tao malapit sa stasyon ng mga tren. Baka makakita pa siya ng mga taong nakaka-alam ng ganitong lengguahe.
Natahimik si Megumi, nakaupo sa sahig ng bahay ng Kamiya. Nakaupo si Kaoru sa harapan niya at sa tabi ay si Yahiko, tahimik ng nakatingin kay Megumi. Si Sanosuke ay nakatayo sa labas ng kuwarto, nagpapalamig.
"Megumi." Salita ni Kaoru, "Magtulungan tayo kung anong lengguahe toh."
"Tama si Kaoru." Sabi ni Yahiko. "Dapat magtulungan tayo…lahat ng tao ay nahihirapan." Pero tahimik parin si Megumi, hindi niya kayang umalis sa kanyang klinika lagi. Naaawa siya sa mga taong bumibisita sa kanyang klinika, akala nila ito ay isang sakit pero wala naman nangyayaring masama sa kanilang katawan. Kahapon lang ay may inatake sa puso dahil sa kaba at mayroong isang batang hindi makahinga…dahil din sa kaba. "Pero saan tayo sisimula, Kaoru?" tanong ni Megumi. May mga luha na nakasabit sa kanyang mata. Bago pa maka-sabat si Sanosuke, dumating si Kenshin. Isang malaking lungkot sa kanyang mukha. Nakita ito ni Kaoru at lumapit sa kanya, may awa sa kanyang puso. 'Siguro hinanap talaga ni Kenshin kung saan ito nagumpisa.' Isip nito, isang malaking lumbay sa kanyang mukha. "Mabuti ka lang ba, Kenshin?" tanong ni Kaoru. Tumingin ang manlalakbay kay Kaoru at ngumiti. "OK lang ako, kaoru." Sagot niya, "Huwag ka na magalala." Napangiti si Kaoru dito at tumingin kay Megumi.
"Saan na tayo magsisimula?" tanong ni Sanosuke. Natahimik ang lahat, sila ay nakatingin sa sahig. Halos sumakit na ang ulo ni Yahiko sa kakaisip…hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Si Kaoru din ay nagiisip, nakatingin kay Megumi.
Lahat sila ay nagisip, tahimik ng nalulungkot sa mga pangyayari. "Haayy nako." Ungol ni Sanosuke, sabay lagay ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo. Napatingin si Megumi sa kanya at sabay tayo. "Hoy." Salita ng nars, "Ang kapal ng mukha mong tumayo kang diyan."
Napatingin si Sanosuke sa kanya, ano nanaman ang problema niya? "Ano ba nanaman ang pumasok sa kukuti mo?" tanong ni Sanosuke, palapit na kay Megumi. Tinigilan ni Kaoru ang dalawa at pinaupo si Megumi. Nakatingin parin ang dalawa sa isa't isa, masamang ang tingin.
Sa mahabang katahimikan na nangyari uli, nanlaki ang mata ni Kenshin. May pumasok sa isip niya! Napatingin si Kaoru kay Kenshin at nakita ang itsura niya. Nagulat ito at tumayo, "Ano na, Kenshin!" salita ni Kaoru.
Tumingin si Kenshin kay Kaoru, ngumiti ito. "Kaoru, ano ito?" tanong ni Kenshin, tinuturo ang kamay niya. "Kamay." Sagot ni Kaoru. "Ano ba Kenshin!"
"Kenshin, nasasayang ang oras!" tayo ni Yahiko. Tinahimik sila ni Sano, "Hindi natin alam kung ano ang ginagawa niya…parang may paraan siya."
"Ano tawag mo dito?"
"Pintuan."
"Saan tayo nakatira?"
"Tahanan."
"Hindi, kaoru! Hhmm…anong bansa?"
"Bansa?"
"Oo…bansa!"
"ahh….Pilipinas?"
Nagulat si Kaoru sa sinabi niya, dapat ang sasabihin niya ay sa Japan ngunit ito ang lumabas sa kanyang bunganga. Natawa si Sanosuke. "Ano ka ba, Kaoru!" salita nito, "Wala tayo sa Pinas, nasa Pilipi-"
Nagulat ang lahat. Napangiti si Kenshin, sa Pilipinas…doon maririnig ang lengguaheng ito. Nakita ng lahat ang ngiti sa mukha ni Kenshin. Niyakap ni Kaoru si Kenshin, natuwa ito. Sa wakes! Nalaman din nila kung saan ito matatagpuan! "Ang galing mo, Kenshin!" yakap ni Kaoru.
Sa kamalasan, sa sobrang higpit ng yakap ni Kaoru sa kanya, nahimatay siya at natumba. Huli nalang narinig ni Kenshin ang malakas na iyak ng taong kanyang minahal.
"Oro?"
Kenshin woke up, he was in a room! Looking around, he was beside Kaoru. Was Kaoru there when he fell? What happened?
"Kaoru-dono…" he mumbled. A bit shocked, he knew that all that happened was just a dream. Damn…it wasn't some nightmare. Lying down again, he took Kaoru's head and then pressed it into his torso, kissing her forehead and then closed his eyes. "That was weird…" he mumbled, "Though the language was different, it's…beautiful to hear." He felt Kaoru move a little and then she circles her arms around him, mumbling a few words then his name. He knew that she was just dreaming.
owari
thanks for the reviews…sorry! I'm in such a hurry…have to go to boracay! Bye! Thanks to al guys who gave reviews! Sorry I wasn't able to mention names but thanks a lot! Mwahz! Add me sa friendster ok? Thanks a lot!
