May konting kakornihan…sensya na…ganyan talaga…Gusto ko nga palang pasalamatan si Ate Syao…kasi nainspired akong gumawa nito…thank you po talaga…


Plo at Lau

Malapit nanamang mag-summer sa Konoha. Halos maaamoy mo na sa hangin ang pagka-excite ng mga mag-aaral. Kikita nanaman ang mga resort…at walang kikitain ang mga taga Suna. Pero hindi yan ang point.

Sa bawat taon na lumilipas, ang kanilang pangatlong term exam ay ang pagsasadula ng isang stageplay. Ayaw man nila o hindi, wala na silang magagawa don. Lalung lalo na ang mga lalaking di katulad ni Sir Gai.

Gai: (enthusiastic)What's up mga bata!

(Walang sumagot bukod kay Lee)

Lee: (enthusiastic din) Mabuti naman po, Sir Gai!

Kakashi: Hay…(balik sa pagbabasa ng CCP)

Gai : (nag-apoy) Grrr…(balik sa normal state) Anyway, mag-papractice na kayo ng play niyo!

Lee: (taas ng kamay) Ano naman po ang play ngayong taong ito, Sir Gai?

Gai: Ngayong taon?...Ah…(tingin sa recordbook na ginawa na rin nyang jot-down notebook)

Kakashi: (di tinitigil ang pagbabasa) Florante at Laura.

Sakura & Ino: Ako si Laura! (tinignan si Sasuke na kalahating tulog)

Gai : Actually, ah…(tingin uli sa recordbook)

Kakashi: (binookmark yung page ng CCP, sinara ito at tinago) Pabubunutin naming kayo. Kasama na don yung mga kung sino si Laura, Florante…etc. (bukas mata) Naintindihan niyo ba?

Gai: (nagapoy uli) Rrr… (balik sa normal state) (kinuha yung box na pagbubunutan ng mga role) Ah…alphabetical ko kayong tatawagin. Okay…O, Shino, ikaw mauna.

Kakashi: (umupo sa lamesa, nilabas yung CCP at nagbasa ulit) Dalian niyo ha…gutom na ako…

Shino: (tumayo at pumunta sa unahan) (bumunot at bumalik sa upuan)

(Matapos na nakabunot na silang lahat)

Gai: (May sasabihin sana)

Kakashi: O lunch na tayo...


Kinabukasan…

Sinusulat na ni Sir Kakashi ang mga tauhan sa blackboard, pati na rin yung mga production crew. Tinatawag naman ni Sir Gai ang mga estudyante at saka nila sasabihin ang mga role nila. Kumpleto na sana lahat. Pero wala pa rin si Laura. Kung sino man iyon, late na siya ng 30 min. sa klase. Unang akala nila ay si Shika yon, pero present naman siya at siya si Duke Briseo Tapos…

Naruto: (pumasok sa silid-aralan, mukhang tumakbo, humihingal) Magandang umaga sa inyong lahat!

Sabay laglag ni Sakura at ni Ino sa upuan nila.


Practice Session # 1

Sa mga grounds ng Konoha…

Tenten : Okay…nandito na ba lahat ? Lee, paki-check nga yung attendance…

Lee: Right away! (umakyat sa puno at chineck yung attendance) Tenten, ala pa si Shikamaru…

Tenten: (kamot ng ulo, tapos kumunot yung noo) Chouji, paki-hanap naman o…

(Walang sumagot)

Lee: (tumingin sa paligid) (sweatdrop) Sensya na Tenten...wala rin si Chouji…

Tenten : (mas nagkamot ng ulo) O Ino…pakihanap naman…

Ino: Teka bakit ako pa?

Tenten: Kaw lang yung kagroup nila e…

Ino: Haaay…(tumayo nagsimulang maglakad papalayo) Bakit di nalang kasi nila hanapin yung sarili nila?


Bahay nila Shika…

Ino: Tao po…

Tatay ni Shika: Alang tao dito… (sabay labas) Aba, ikaw pala, Ino.

Ino: Opo. Si Shika po?

Tatay ni Shika : A…nanjan lang sa loob. Ginagawa daw yung project niya.

Ino: Yan talagang--- ah…pwede pong pumasok sa loob?

Tatay ni Shika: (grins mischievously) Oo…sige. Aalis muna ako…baka madistorbo ko kayo e…

Ino: (sumimangot) Alam niyo, di ko type yang anak niyo…

Tatay ni Shika: Alam ko naman yon…kala ko kasi liligawan mo si Shika…Ganon na ba talaga ngayon? Mga babae yung nanliligaw?

Ino: Teka, nakikinig ba po kayo sa akin? Sabi ko, di ko po type yung anak niyo…

Tatay ni Shika: Sabi ko na nga e! Tama lang yan, Ino…matagal na rin akong naghahanap ng manugang ko !

Ino : (sweatdrop) O sige po…susunduin ko na po si Shika…(pasok sa loob)

Sa harap ng kwarto ni Shika…

Ino : Shikaaa…oi, lumabas ka na nga jan…(katok, katok)

(Walang sumagot)

Ino : Shika, isa…(wala pa ring sumagot) dalawa…(ala pa rin) tatlo! Shika, ano ba! (Katok ng malakas sa pinto)

Shika: (mula sa loob) Ang ingay mo, Ino…bukas naman yang pinto, katok ka pa ng katok…

Ino: (binuksan yung pinto at nakita ang isang punong gawa sa carton na nasa sahig, yung poster paint nasa isang tabi, si Shika sa kanyang kama sa tabi ng bintana, nakahiga) Hoy ano ka ba? Bakit wala ka sa practice?

Shika: (shrug) Ako yung propsman. Kailangan kong gawin yung punong pinagtalian kay Sasuke…

Ino: (grins to herself, biglang may naisip)

Shika: Hindi, Ino…Hindi ka pwedeng maging puno na pagtatalian ni Sasuke…

Ino: (pouts) Ikaw naman…napaka-KJ mo…

Shika: (pinikit yuing mata) Sino pa ba yung wala doon?

Ino: Si Chouji at ikaw…bakit?

Shika: (binuksan yung isang mata) E ba't ako yung un among pinuntahan?

Ino: (namula ng konti) Siyempre no! Ikaw lang yung makakabiro kay Chouji na may pagkain sa practice. Di naman naniniwala sa akin yon!

Shika: (pinikit uli yung mata) Sa pagkakaalam ko, ikaw yung pinaniniwalaan ni Chouji kasi ikaw yung may pera…

Ino: Shika naman e…ako mapapagalitan ni Tenten. Pati na ni Sir Asuma. Pati na ng mga classmates natin. Pati na---

Shika : Oo na, oo na. I get your point na. (tumayo at lumakad papalabas) (Tinignan si Ino na nasa loob pa) O tara na Osmalik…

Ino : He ! Tumigil ka na nga ! (pero deep inside, ngumiti si Ino, pero hindi niya alam kung bakit…)


Bumalik si Shika & Ino sa practisan pagkatapos pumunta sa bahay nila Chouji. May nakalagay sa pintuan ng bahay nila. Ang mga Akimichi, ay nagboracay…

Tenten: O, ba't antagal niyo?

Ino: Pinuntahn pa kasi namin yung bahay nila Chouji. Pero wala yung buong pamilya g Akimichi…Nagbora daw…

Shika: (tumango, sabay higa sa damuhan)

Ino: Teka…(tingin sa paligid) Nasan na yung iba?

Tenten: (tingin din sa paligid) (sabay sapak sa ulo) Sa tagal niyo, umalis na sila…

Shika : Hindi, Tenten…nagtanghalian na yung mga yon…

So, ang practice session # 1 ay isang kapalpakang hindi balak ulitin ni Tenten. Bukas, kung sino ang umabsent, bukod kay Chouji, ay pakakainin ng shuriken.Walang biro.


O diba ang corny? Okay…dun sa listahan ng role nila, next time nalang yon…di pa kasi ako decided masyado…pero nagkakaoutline na…