Chapter 3 Ang tungkulin ng isang tagapagmana

Pagkatapos ng mga nangyari, napagpasyahan ng grupo na manatili muna ng isang buwan sa inn nakalaan kasi yung panahon na yun sa pagsasanay ni Kyo at ang iba pa para sa pagpunta nila sa Mibu Castle. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon nakatanggap ng sulat si Benitora galing sa angkan ng mga Hitedata/tokugawa.

"Benitora anung sabi sa sulat ha?" tanong ni Yuya

"Pinapauwi na ko…" malungkot na sinabi ni Benitora

"pero bakit?" tanong ni Yukimura

"sa kadahilanang kailangan ko ng pamunuan ang aming hukbo. Ibig sabihin pinamamana na sa akin" sabi ni Benitora. Nang biglang dumating si Mahiro

"Master, sinusundo ko na po kayo" sabi ni Mahiro na nakaluhod kay Benitora

"Benitora hindi mo ba pwedeng ipagpaliban yan..magsasanay pa tayo at pupunta sa mga Mibu. Pagnatalo natin sila mas mataas na karangalan iyon pagnagkataon." Pilit na sinasabihan ni Sasuke si Benitora na huwag ng tumuloy.

"ako na ang bahala dito basta't mag-ensayo kayo at darating rin ako kaagad. Tara na Mahiro…"

"Opo, Master" sagot ni Mahiro at pagkatapos nun umalis na sila..

Sa himpilan ng ama ni Benitora….

Pagdating na pagdating ni Benitora sa himpilan ng kanyang ama agad na na-alerto ang mga kawal at agad na ipinaalam sa kanyang Ama.

"Mahal na pinuno, Nandito na po ang iyong anak.." sabi ng isang kawal

"Ganun ba. Sige papasukin mo sya at si Mahiro" sabi ng Ama ni Benitora

"Ama ko. Andito na po ako gaya ng iyong hiling kasama si Mahiro" Sabi ni Benitora ng may galang

"Ngayon ang araw na ikaw ay uupo at manunungkulan sa ating hukbo. Inaasahan ko ang iyong pag-tanggap nito. Kailangan natin ng mas bata at matalinong pinuno at ikaw iyon Hidetada" deklara ng Ama

"Pero Ama hindi ko muna matatanggap ang responsibilidad ng sinasabi mo. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganito at isa pa hindi pa talaga ako handa. May mahalaga pa kong tatapusin na responsibilidad ko sa aking mga kaibigan at pagnang-yari iyon at natapos ko ng matagumpay tsaka ko lang malalaman kung talagang malakas nga ako." aniya ni Benitora at kitang-kita sa kanya na buong puso nyang sinasabi ang katotohanan sa Ama.

"Hindi mo pwedeng talikuran ito Hidetada! Wala pa sa ating angkan ang tumanggi sa pwestong ito!" galit na sinabi ng kanyang Ama.

"Hindi ko po tinatanggihan ang sa akin lang naman po ay gusto ko lang pong maging mas malakas pa. Kung ang isang pinuno ay walang sapat na lakas upang ipagtanggol ang sarili paano pa kaya ang ibang tao, ang isang bayan o maging ang isang bansa? Para sa kin Lakas, pagkakaibigan at pagmamahal ang mga elemento na dapat taglayin ng isang magaling na pinuno." Sagot ni Benitora sa kanyang ama

"Pero di parin- ah hindi...ngayon ko lang nalaman na ganyan ka pala katapang na tila ba maging unos man ay kaya mong harapin..Yan ang isang tunay na pinuno…Masaya ako at may anak akong matapang at mayrong paninindigan. O sha, hindi na kita mapipigilan sa gusto mo. Basta't pag-handa ka na pumunta ka lang dito." Iyon ang huling salita na pabaon ng kanyang ama

"Maraming salamat ama." Inakap ni Benitora ang kanyang ama

Pagkatapos ng pangyayaring iyon. Umalis na sina Benitora at Mahiro. Ngayo'y nagpasya na silang maglakad na lang sa kakahuyan. Ngunit sa kasamaang palad sila'y nadatnan ni Hotaro.

"Aba! Tingnan mo nga naman..si Benitora at ang kanyang kasintahan…Asan si Kyo?" sabi ni Hotaro nung una medyo mahinahon pa ang kanyang boses ngunit ng nagtagal ay bigla itong tumaas.

Namula ang Dalawa dahil sa sinabi ni Hotaro at napatingin sila sa isa't isa.

"Hindi ko sasabihin kung nasan si Kyo, Hotaro. At isa pa hindi kami magkasintahan!" sabi ni Benitora na pilit pinagtatakpan ang katotohanan kay Hotaro

"Ah ganun ah…" bigla na lang nawala sa isang iglap si Hotaro sa paningin ni Benitora at sumulpot sa tabi ni Mahiro

"Mahiro!" sigaw ni Benitora

"kung ayaw mong mamatay itong babaeng to, kailangan ko malaman kung nasaan si Demon Eyes Kyo" banta ni Hotaro

"Hindi mo magagawa ang binabalak mo!" sigaw ni Mahiro at kinagat nya si Hotaro sa braso at nakatakas sya. Lumipad sya sa ere at inasinta ng mga kunai. Kaya lang hindi ito napuruhan nataman lang ng isang kunai sa balikat.

"Etong tanggapin mo! Ura Hassun technique!" sa atakeng yun ni Benitora napuruhan si Hotaro. Ngunit, Lingid sa kanyang kaalaman si Mahiro ay nasugatan dahil nung kinagat ni Mahiro si Hotaro, sinaksak ni Hotaro si Mahiro ng isang kunai.

"AH!" napasigaw si Hotaro dahil natamaan sya ni Benitora

"Magbabayad kayo!" at yun…biglang nawala si Hotaro

"Mahiro!" pumunta agad si Benitora sa tabi ni Mahiro at tinignan ang sugat ng dalaga.

"ok lang ako, Master Hidetada. Wag nyo akong intindihin." Sabi ni Mahiro.

kahit may sugat sya. Ako pa rin ang inaalala nya…' Benitora thought

"Halika. Gagamutin ko ang sugat mo." Benitora suggested

"Wag na po. Ako na lang po" pilit na sinasabi ni Mahiro.

"Hay naku! Ang tigas ng ulo mo. Gagamutin kita at wag kang aangal. Iyon ang utos ko. Bilang tagapagmana ng mga tokugawa." Biro ni Benitora para sumunod si Mahiro.

"Kaya po ang bahala" sabi ni Mahiro na nanahihiya pa.

"Sandali lang at kukuha ako ng tubig sa nakita kong ilog. Dito ka muna. Wag kang gagalaw" utos ni Benitora

Mahiro just nodded at Benitora

Pagkatapos kumuha ng tubig, kinuha ni Benitora ang tela na nasa ulo nya. Sa unang pagkakataon, nakita ni Mahiro si Benitora ng walang tela sa kanyang ulo.

"oh Mahiro. Pasensya ka na kailangan kong iangat ng konti ang damit mo para malinisan ang sugat mo." Benitora said as he place Mahiro under the tree.

"Oh-o sige po. Walang kaso sa kin yon" sabi ni Mahiro kay Benitora

Nung inangat ng konti ni Benitora ang damit blouse ni Mahiro, silang Dalawa ay parehong namumula. At nung pinunasan ni Benitora ang sugat medyo nasaktan si Mahiro at accidentally she placed her hand to his. And again, they blushed.

"Pasensya na po" sabi ni Mahiro

"Ok. Pero ayos na ang sugat mo." Sabi ni Benitora habang tumatayo.

Inalalayan nya si Mahiro sa pagtayo nito.

"Tara. Bubuhatin na lang kita. Baka kasi lumala pa ang sugat mo" pa-anyayang sabi ni Benitora.

"Ah-ah- Wag na po." Tanggi naman ni Mahiro

Pero bigla na lang syang binuhat ni Benitora na pa-bridal style. At dahil don, namula na naman sila sa PANGATLONG pagkakataon

hay naku! Baka mamaya may third time pa na magbablush sila.

At yon na nga. Pagkatapos nun tumungo na sila papunta sa tinutuluyan nila Kyo.

Sa Inn……

"Hay naku tong dalawang to..away na naman ng away…" Sasuke sigh

pagkatapos lumapit sya malapit sa camera at sinabi na….

"Kelan kaya sila titigil..?"tanong ng sa audience ehehe

parang movie eh no?

"Sasuke wag ka mo ng pansinin yang Dalawa yan kasi ang paraan nila

pagpapakita na mahal nila ang isa't isa" sabi ni Yukimura habang nakangiti..

"Syempre, mawawala ba sa eksena si Okuni? Sowz lagi na lang syang lumilitaw kahit saan? Tingin ko para syang kabute? TINGIN NYO?"

"Tama ka dyan,Yuki.." sabi ni Okuni at inakap nya sa braso si Yukimura.

Biglang napatingin sila Kyo at Yuya. Huminto na rin sila sa kaaaway at tiningnan na lang nila sila Yukimura.

"YU-YUKI?" sabi ni Sasuke na di makapaniwala

"Oi! Yukimura! Kayo na noh?" asar pa ni Yuya

"Aba! Panu mo nalaman..?" amin ni Yukimura at tumitig na naman sa kanyang kasintahan

"eto pang isa…ang dami ng nasisiraan ng ulo dito. Daming pasyente. Naku! Makaalis na nga at baka mahawa pa ko.." at yun,umalis si Sasuke at tumungo sa kakahuyan.

"di ako makapaniwala….si Yukimura at si Okuni? Tingin mo Kyo? Panu kaya yun" tanong ni Yuya kay Kyo.

"Ewan. Hindi ako nakekealam sa gawain ng iba di katulad ng isa dyan.. tila may sakit na dahil sa kapayatan, tsismosa pa..at meron pa pala wala pang korte ang katawan..Hahaha!" asar ni Kyo.

Galit na galit na naman si Yuya at nanlilisik ang mata nya ngayon. At parang may lumalabas na usok sa kanyang mga tenga na para bang tren.

"ANUNG SABI MO!" at yun. Naghabulan na ang dalawang magkaaway na secretly nagmamahalan.

At lumipas ang mga oras, at gumabi na lahat na sila ay nasa sala na ng inn ng tinutuluyan nila. Sila Yukimura, Sasuke, Okuni at Yuya ay nag-uusap ng masaya habang si Kyo ay nakaupo lang sa isang tabi at umiinom ng sake. Biglang bumukas ang shoji door.

"Mga Kasama nandito na ko!" bati ni Benitora na kasama si Mahiro na nakasuot ng damit ni Benitora.

"O! buti nakabalik ka. Ano na ang nangyari?" Tanong ni Yuya habang inanyayahan nya ang dalawang umupo

"Pinayagan na ako ng aking ama. Kahit kelan ko gustong maging pinuno ay ok na sa kanya basta't kung malakas na ako at kaya ko ng patakbuhin iyon." Sabi ni Benitora na proud na proud

"Teka Benitora…Bakit suot ni Mahiro ang damit mo?" Tanong ni Yukimura. Sinadya nya talaga iyon para mapaamin ang Dalawa.

"ah….eh…" yun lang ang nasabi ni Benitora

"oo nga…Siguro nagkaaminan na kayo no?" tukso ni Okuni

"mali ang iniisip nyong lahat! Kaya ko lang naman suot ito ay dahil sa sinalakay kami ni Hotaro at nasugatan ako. Punong puno ng dugo ang aking damit kaya pinahiram muna ako ni Master Hidetada" sagot ni Mahiro sa kanila.

"ah..ganun…ba..pero..lam nyo ba..BAGAY KAYO!ahaha" asar pa ni Yuya. Alam nya kasi na mahal ng dalawa ang isa't isa. At tumawa silang lahat sa sinabi ni Yuya.

"pero may aaminin ako sa inyong lahat…." Amin ni Benitora

"anu ba yon ha? Sabihin mo na." sabi ni Sasuke na kanina pa gustong malaman ang sasabihin ni Benitora.

Pumunta si Benitora sa harap ni Mahiro at hinawakan ang kamay ng dalaga at lumuhod.

"Mahiro, matagal ko ng gustong sabihin sa iyo na..Mahal na mahal kita. Sa simula't simula pa lang ng nakita kita ay minahal na kita. At gusto ko ring malaman ng mga kaibigan ko itong nararamdaman ko. Mahiro, pwede ba kitang maging kasintahan?" tanong ni Benitora sa kanyang minamahal.

"pero hindi pwede. Ako, Ikaw, hindi talaga. AKO na isang hamak lamang na tagasunod at IKAW na isang anak ng isang pinuno na kung saan ako ang iyong tauhan…kaya…ganun."sabi ni Mahiro kay Benitora at sya ngayo'y umiiyak.

"Walang kaso yon, Mahiro. Basta't mahal natin ang isa't isa ay walang makakapaglayo sa atin. Alam na ito ni Ama at hindi sya tutol." Sabi ni Benitora at binigyan ng ng isang halik sa kamay si Mahiro.

"tama yun!" sabi ni Yuya.

"Ano? Pwede mo ba akong pagbigyan?" muling tanong ni Benitora

"Oo. Mahal na mahal kita at pwede mo akong maging kasintahan" sabi ni Mahiro at inakap niya si Benitora

"Naku po…..meron na namang pasyente. Kala ko pa naman kung ano na ang sasabihin ni tong mokong na to." Sabi ni Sasuke

"Hay…sana meron ring magsabi sa kin ng ganyan……."sabi ni Yuya na napakasaya para sa Dalawa

"Asa ka pa. Bulag siguro yung taong magmahal sayo" asar ni Kyo kay Yuya

"ANONG SABI MO MISTER MAYABANG?" galit na galit na naman si Yuya

"Yuya tama na yan di kana bata…" pangaral ni Okuni

"o sige po" sabi ni Yuya na nagyo'y nasa chibi form

Naging masaya ang gabi na yon sa buong magkakaibigan..


Mahaba ba? "Love is in the air diba?" ehehehe. Two more chaps to go…so read and review ulit….

I think sa susunod na chapter ay tungkol sa pagpunta nila sa Mibu Castle at ang pagkikita ng dating magkaibigan at kababata na si Kotaro at Sasuke!